By: Nico Hi Readers! Ngayon lang po ako naglakas loob na magshare dito ng story ko :) Mga 2 months na siguro akong nagbabasa ng stories ...
By: Nico
Hi Readers! Ngayon lang po ako naglakas loob na magshare dito ng story ko :) Mga 2 months na siguro akong nagbabasa ng stories dito kaya wala namang masama kung magshi-share din ako. ^^ Sana magandahan kayo sa story ko ha? :D Medyo wala tong libog at mahaba ata. So nasa inyo na kung babasahin nyo ^.^ Sensya na rin po di ako maalam sa Tagalog, kung i-English ay ibabash ako at puro negative comments lang.Bigyan ko po kyo ng description sa sarili ko ha? Ako po si Nico ( of course not my real name ) 18 yrs old, average lng ang pangangatawan gaya ng normal 18 yr old people. BI po ako pero pag ngumiti, medyo kadudahan na.( hehe ) May dimple, moreno, 5"9, metrosexual ( conscious po ako on how i look ) tsaka taga-CEBU :D
History ng pagka-BI ay noong Elementary Student pa lang ako, kalaro ko ay halo-halo. Girl, boy, gay at ano pang creatures :D Pero mas komportable ako pag girls lagi kong kasama. Pero ginahanahan talaga ako 'pag kalaro ko ay lalaki 'cause very challenging kasi kaya unti-unti na rin akong naglalaro ng pang-boys especially basketball kaya ayon napalapit at na-attract ako sa kanila. ( haha :D ) 'Di ito alam ng kahit sino pero I think may duda sila. Umiwas na ako sa lahat except sa barkada ko. Puro kami lalaki and of course, chix palagi ang topic :D haha Dahil sa pakikisama ko sa kanila, pilit kong itinigil ang pagpapantasya sa kapwa lalaki pero di talaga makaya.
Anyway, my story happened when I was 4th year High School. 15 yrs old ako nang mangyari to. Nag-aaral ako sa isang unibersidad dito sa Cebu. ( secret lng kung asan :D ) Tapos na ang third subject namin noon. Recess na ( my favorite subject :D )
May napansin akong kaklase sa kaliwang dulo sa likod ng room na wala siyang kakilala. Parang new student ata. Siya si Gg (altered), oo new student nga kasi galing siya sa Mindanao. So ako eh friendly naman ako, pinuntahan ko siya at kinausap.
Ako: Hi oy!
Gg: Hi doh!
Natulala ako ng di oras 'nun. Cute siya eh, dagdag pa ng boses niyang malalim.
Gg: Brad! hoy!
Ako: Ah hehe uhm....May kasabay ka sa snacks?
Gg: Wala. Ayoko na nga mag-snacks eh kasi walang kasabay.
Ako: Edi sabayan kita. Nico pala dre.
Gg: Gg.
Nagkangitian kami, walang kamayan. Nang dumating kami sa canteen, sobrang dami ng tao kasi may Elem, HS at College...may teachers pa!....kaya may ideya akong sa bookstore na lang kami bibili ng junkfoods instead na kakain ng kanin at ulam sa canteen. Papunta na sana ako patungo sa bookstore nang hinila niya ako at sabi "sumunod ka lang sa likod ko". Panay bangga siya sa mga tao. haha Sabi lang niya "excuse, excuse me, excuse me" at ako naman "sorry ate, sorry, sorry kuya" Nakakatuwa naman. haha Nang dumating kami sa stand ay nagtinginan kami at napangiti gawa nang kanina. Tapos umorder kami. Same kami ng favorite! SIOMAI <3
Gg: Libre na kita, bayad sa pagsama mo sa'kin.
Ako: Wag!
Gg: "Ate oh bayad." sabay abot ng pera sa tindera.
Ako: "Ate wag mong kunin ang pera niya kundi di na ako babalik dito." sabi ko sa tindera. –suki na ako dun eh since 1st yr ko kaya kilala na akoni ate-
Gg: "Wag ka maniwala ate."
Tapos kinuha ni Ate Tindera yung pera. Talo ako sa patigasan ng ulo. So, ako humanap na lang nang table habang siya ay inaantay order namin. Wala talaga eh puno lahat. May nakita akong bakante na kasya ang dalawa kaso may ka-share. So sabi ko sa naka-upo dun, "Miss, pwede share tayo ng table?" Umoo naman sila. Papunta na si Gg sa table namin. At dahil 15 minutes lang ang break eh nagmamadali kami sa pagkain pero sa kasamaang palad, nabilaukan ako. Sinuntok ko si Gg sa braso at sabing "Tubig, bilis pota!". Natawa siya tapos tumakbo para bumili ng coke at bumalik sa'kin. Hay! Salamat naluwagan na rin ako. Iniabot ko sa kanya ang bayad ko kasi di ko siya nabigyan ng pera pambayad eh.
Ako: Oh!
Gg: Ano yan?
Ako: Pera alangan naman tansan. Bayad ko sa coke.
Gg: Ay wag sabi ko sayo libre na kita.
Tsss -.- kinilig ako ng 3 seconds. haha
Namalayan ko na lang na panay titig sa amin ng mga babaeng ka-table namin. Biglang nagtanong ang isa.
Girl: 'Ya?
Ako: Oh miss?
Girl: Bakla ka?
Ako: Ha? Di ah. -patawa kong sinabi-
Girl: Para kayong magsyota. Sweet ni Kuya (Gg) sayo.
Magsasalita sana ako ng umepal si Gg.
Gg: Oh syota ko siya. Akin siya Miss ah. Isuli niyo.
Ako: Buang! -pagmura sa Visaya-
Yawa ay! Wag mo kong gawing bakla uupakan kita! -medyo napalakas boses ko-
Gg: Joke lang 'to naman. -sabay tawa-
I admit, kinilig ako nun pero mali eh baka malaman niya sikreto ko. Di na namin nabantayan ang oras nang nag-bell bigla sa building namin.
Ako: Gg! Late na tayo! Patay!
Gg: Tara takbo!
Natatakot kaming ma-late kasi may rumor na may magiging teacher kami sa ubod sa ka-strikta. Ayon, tawa lang kami ng tawa habang tumatakbo. Ang worse pa ‘nun ay nasa 3rd floor ang room namin. Ang sakit ng tagiliran ko pagdating ng room kasi galing pa ako kain tsaka bigla na lang tatakbo? Buti na lang wala pang teacher. Bakas ang tuwa sa aming mukha kasi nadapa siya eh. -hahaha- May pumasok na teacher………..
Blah..blah..blah…blah……………………Next Teacher………..blah..blah..blaah…blah..
Ring Ring Ring!!!
LUNCH TIME!!
Half-day lang kami kasi first week of school ay half-day palagi. Nagpaalam na ako sa barkada ko sa room at umalis. Inimbitahan akong gumala pero ayoko kasi ang init. Gusto kong maligo. Ayon umuwi ako kaagad. Bumaba na ako at pumunta nang front gate para lumabas ng campus. Narinig akong tinawag ako pero di ako lumingon kasi baka ‘yun ‘yung barkada ko at pipilitin akong sumama sa gala nila. So lumabas na ako at tumawid sa daan para makahintay ng jeep. Lingon lang ako sa left side ng road para makita ko kaagad ang jeep na dapat kong sakyan nang may humila sa bag ko. One-strap kong sinuot yun eh kahit backpack yun. Siyempre ‘pag ikaw ‘yun edi nakipag-agawan kana. Sos! ‘Nung nakita ko eh si Gg pala ‘yon! Pinagloloko ako. Kala ko talaga snatcher eh!
Ako: Peste ka dre! Kala ko magnanakaw!
Gg: -tumatawa- Sorry brad, tinawag kita sa gate pero ayaw mong lumingon. Kaya eto nakuha ko na ba ang atensyon mo?
Ako: Pota! Yawa! Kakaiba ka rin no? Bago pa nga tayo magkakilala ganito ka na?
Gg: Oo eh, bestfriend tayo diba? –sabay tawa-
Ako: Nak ng?! Bestfriend agad? Alien ka ata dre. –joke kong sinabi-
Gg: Taga-san ka?
Ako: Escario lang. Ikaw?
Gg: Gorordo. Sabay na tayo. Eto 04L sakyan natin.
Ako: Ah?! Yoko no maglalakad pa ako papuntang amin niyan.
Gg: Ahh, eto 17D.
Sumakay na kami pagkatapos niya parahin ang jeep. Di ito dadaan sa street niya kaya nagtaka ako.
Ako: G! Maglalakad ka pa papuntang inyo?
Gg: Two rides na lang. –sabay ngiti-
Doon ko lang nasilayan ang kagwapuhan niya. Nag-g-glow siya kapag nasilayan nang araw. May dimple rin ang mokong. Not saying na perfect siya pero he’s so good to be true. Especially yung lips niya na manipis pero mas mahaba ng konti ‘yong lower lip. Nakakita na kayo ‘non? Very kissable! Hahahaha (tama na’ng landi ) Ayon nilibre nanaman ako ng mokong ng pamasahe. Nagtaka na naman ako kasi lagpas na siya sa lugar niyang dadaanan. Tinanong ko siya pero ang sagot niya ay “pupunta ako ng Colon”. Kaya okay na sa akin. Nagpalitan na kami ng cellphone number kasi malapit na akong bababa. Dumating na ako sa lugar namin tapos bumaba na ako at nagpaalam na sa kanya. ‘Di na ako lumingon sa jeep at diretcho na lang sa paglakad papunta sa bahay. Pagkadating ko sa bahay ay naghubad ako at naligo. Lumabas ako nang dali-dali sa banyo kasi ring ng ring ang cellphone ko. Si Gg tumawag.
Ako: G? Napatawag ka?
Gg: Ganda rin pala ng bahay nyo no? – sabay halakhak –
Ako: Ha? Diba pupunta ka ng Colon?
Ang tanging sagot niya ay dinescribe yung bahay namin. So nabuhayan ako at medyo kinabahan. Tanong ko sa sarili ko, sinundan kaya ako ng mokong na to? Bat di niya pinaalam na sasama siya dito sa amin? Nagtaka talaga ako.
Gg: Hoy! Nasa labas ako nang bahay nyo. Sa ilalim ng puno! Hahaha Puntahan mo ko dre! Hahaha
Agad akong nagpunas. Leche di natapos babath ko >.< Nagbihis ako walang pang-itaas at nagpunta sa kinaroroonan. Dahil isa lang ang malapit na punong alam kong pagtatambayan ay ‘dun ako tumungo. Nakita ko siya at nakita niya ako, nagkatitigan kami at tumayo siya papunta sa akin habang nakangiti.
Gg: Papasok naman sa inyo oh?
Ako: (grabe ang cute niya!!) Ay oo tara.
Nagpaalam ako kina Mama na may bisita ako at dun kami tatambay sa 3rd floor. May bakanteng kwarto kasi dun tapos maaliwalas ang hangin. Ayon umakyat na kami at dun nagtambay. Tatanungin ko sana ang mokong ‘bat niya ako sinundan nang lumapit siya sa akin (sobrang lapit na he’s like invading my personal bubble ).
Ako: G!!! Gara!! Ano ang balak mo?!!
Gg: Nico, may gagawin lang ako sayo saglit lang ‘to. Huwag kang gagalaw.
Kinakabahan ako, bumibilis ang tibok ng puso ko. ‘Di ko alam kung ano ang gagawin niya ‘nun. Ang ginawa ko lang ay pumikit at sinara ang bibig. Tapos ang ginawa nya ay…………………………………..
Di ko talaga napigilan at tinulak ko si Gg palayo.
Gg: “Anong problema mo?”
Ako: “Gago! Di ako bakla!”
Gg: “Ha? Eh i-o-on ko lang ang electric fan. Nainitan ako galing sa labas.”
Ako: “Aw. Hehe”
Grabe napahiya ako. Nakalimutan kong may wall fan pala sa likod ko. Yung string pala ng wall fan ang niabot niya. Hehe pero okay lang kasi binalewala lang namin ang nangyari.
Nag-usap kami about anything. Nakakatuwa talaga siya kasi kahit ano lang topic. Bakit ang sarap ng feeling kapag tumae. Hahaha Sana di na daw ginawa ni Lord ang langaw at lamok. Haha Kahit ano lang yung topic. Kung gabi pa un eh sana nag-star gazing na kami. Hehe
4 pm ………Gutom si Gg kaya yinaya ko siyang mag-snacks. May banana-q na nagtitinda malapit lang sa amin so yun ang suggest ko. Pumunta kami at bumili. Grabe ang takaw niya. ‘Bat di ko nakita ang pagkatakaw niya sa canteen? Haha O siguro gutom lang talaga siya? Hehe
Pagkatapos naming kumain eh sinama niya ako sa Ayala Mall. Nag-gala kami. Naglaro sa timezone, syempre siya libre. Eh WOF gusto ko eh. Di kasya ng bulsa ko, mahal kaya sa timezone. Haha Pagkatapos nun ay pumunta kami sa department store. Sabi nya na ano daw ang magandang iregalo sa kapatid niyang lalake. Di ko alam so sabi ko, relo na lang. Ako ang pinapili niya. Gusto ko sana blue or red pero sporty masyado yung pagka-kulay. May silver at gold pero masyadong sosyal. Sabi kasi ni Gg pang-all around pwede gamitin.
May nakita ako, black, maganda ang coating. Di makintab, di rin sobrang black. Tama lang. Pinag-ipunan muna ni Gg yon. May kalakihan kasi ang presyo eh tapos sa Sabado pa naman ang birthday ng kuya niya.
6 pm at nagutom nanaman siya. Haha So pumunta kami ng KFC. Dami niyang kinain ako twister lang. haha takaw ng baboy na yon. Maya-maya nung pagkatapos naming kumain eh nagpasya na akong umuwi. Uuwi na rin siya. May pasok pa bukas eh. Inihatid niya ako sa terminal tapos siya maglalakad lang kasi malapit lang yung kanilang lugar. Walking distance lang.
Pag-uwi ko sa bahay, chineck ko ang phone ko. May mga messages naman pero 1st sa inbox ang message ni Gg.
Gg: “Naka-uwi ka na? ”
Ako: “Yup, thanks sa gala. ^^”
Gg: “Dinner kana.”
Ako: “Mayaaaa! Busog pa ako.”
Gg: “Ha?! Twister lang busog kana?”
Ako: ”Di kasi ako kagaya mo parang kalabaw apat ang tiyan.”
Gg: “ hehe ahh kk”
Ako: “haha talo :p”
Nagpaalam muna akong mag-half bath para early in bed, early to rise. Pagkatapos kong maligo, nag-text ako sa kanya. Di naman siya nagreply sa text ko so, try ko nang matulog. Sa pagod ko sa gala eh nakatulog ako kaagad.
Pag-gising ko sa umaga. Check ko kaagad yong phone ko. May messages, grouped message, personal text ng friends at kay Gg. Same lang naman, nag-good morning. Eh ako suplado, reply ko lang ay “likewise”. Haha
The whole week, maganda talaga ang pagsasama namin ni Gg. He’s very supportive kahit walang maitulong. Bale…nagmomotivate siya through words. Gumana naman eh. hehe Lagi kasi akong na-leleader pag walang mag-volunteer maging leader.
Dumaan ang ilang araw and it’s SATURDAY!
Saturday morning nun nang pumunta kami sa mall para bilhin ang gift. Di kami nabigo at andun pa yung relo. Binili niya, pina-gift wrap at gumala.
Sabi ko di pa ba tayo pupunta sa inyo?......... sabi niya magulo pa raw sa kanila dahil nagluluto ng handa at kung anu-ano pa. So..okay.
Twilight na nung pumunta kami sa kanila, mga around 5:20 pm na yun.
Maganda yung bahay nila, maluwag na maluwag. Tinukso ko siya eh bat niya sinabing magulo eh ang luwag ng bahay nila. Wala naman siyang kibo. Dineadma ako. Aw! Haha
Maya-maya ay nagmeet na kami ng kuya niya. May lahing pogi talaga sila. Pinakilala ako ni Gg sa kuya niya. Itago natin siya sa pangalang Drew. Nag-usap kami ni Drew.
Drew: “San gift ko?”
Ako: “Ahh…eehh…”
Sasagot sana akong nang wala kaso sumingit si Gg.
Gg: “Yang relo. Ano ka ba naman.”
Drew: “Eh yung sayo Gg?”
Gg: “oh ecoin”
Ecoin=electronic coin. Parang load load ng isang game.
Drew: “Uyy lamats”
Ako: “Ecoin? Ano nilalaro mo sa gameclub?”
Drew: “Crossfire”
Ako: “Uyy ako rin! Codename mo?”
Bla bla bla……………nag-usap kami about CF. Medyo natagalan so na-OP si Gg. Bigla na naman siyang sumingit at sinabing, inuman! Sad to say na di ako umiinom. Yup, di talaga ako umiinom. Yung beer ay mabaho para sa ‘kin, yung tanduay, the bar…etc., nasusuka ako pag naamoy ko yang mga yan. OA man pero yun talaga eh. So sila na lang dalawa ang nag-inuman at ibang friends ng kuya niya. The whole night ay di ko gaano naatupag si Gg. Puro friends ng kuya niya kasi nakakarelate ako eh.
Nung turn na para sa shot ni Gg, malakas niyang binaba sa mesa yung shot glass at umalis. Natahimik kami at nagsitinginan. Tanong ko sa kuya niya, "ano yon?" Sabi ng kuya niya eh nag-OA lang yan baka kasi lasing na. Pinuntahan ko si Gg sa room niya. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga sa bed niya at ang braso nakatakip sa mata niya.
Ako: "Oy G, anong nangyari sa 'yo?"
Gg: "Ewan ko sa inyo, balik kana dun!"
Is this true? Nagseselos siya kasi wala ang atensyon ko sa kanya? It's cute pero rude. hehe
Ako: "Wag ganyan, bestiiiiis tayo dba?" sabay tawa
Gg: "Bestiiiiis...ha ha ha ha!"
Ako: "Ayeeee! Tumawa. he he"
Gg: "Ewan."
Parang bata talaga. haha So ang ginawa ko was umupo sa gilid ng ulo niya para tanggalin sana ang braso niya. Ayaw eh, ayaw paawat....kina-caress ko na lang yung buhok niya and it seemed that he liked it. Nagulat ako nang humiga siya sa lap ko. Wala lang ako kasi friendly bromance lang eh. Pero kilig talaga. hehe Amoy alak siya kaya pinaligo ko siya. Sumunod naman siya, hinubad niya ang shirt niya at sawakas! nakita ko ang katawan niya, may abs, apat ata yun. Sa edad naming iyon eh may abs na siya ako wala. Plain lang. haha
Ako: "Oy abs pandesal! ha ha ha!"
Gg: "Hopia to! ha ha ha!"
Ako: "Sigo ligo na baho mo na!"
Naligo siya, bago siya pumuntang banyo eh sinabihan niya akong wag muna lalabas ng kwarto niya. Matigas ulo ko eh, lumabas ako at kumuha ng foods. haha gutom na ako nun. Pagbalik ko sa kwarto, tumambad ang makinis niyang likuran. Di pa siya naka-tshirt. Grabe ang kinis niya. Tinanggal ko ang pagkatitig at sinabing kumain kami. Nagalit siya kasi lumabas ako. haha Sabi ko, eh gutom ako. So wala lang. Kumain kami while watching a movie.
Pagkatapos ng isang movie, may narinig akong snore. Pagtingin ko sa kanya eh tulog na pala siya. Nakahiga kasi siya at ako naka-upo. Concentrate sa movie, movie lover kasi ako. hehe
Cute talaga ng mga lalake pag tulog no? Napaka-amo ng mukha. Hehe I fell inlove again. Haha
Di na ako nagpaalam sa kanya na uuwi na ako. Almost 12 am na eh, dun na ako nagpaalam sa mama at kuya niya. Pumayag naman so nagpasalamat ako sa kanila at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay, may tumawag sa phone ko. Actually kanina pa tumatawag yun pero di ko sinagot kasi nasa jeep ako. So yung pagkakataon na yun ay sinagot ko na. Si Gg.
Ako: “G? Bat gising ka pa?”
Gg: “Bat di ka nagpaalam sa’kin?”
Ako: “Loko tulog ka. Ang lakas mo pang humilik. haha”
Gg: “Sorry pagod kasi.”
Ako: “Ok lang ”
Gg: “Sabi ni kuya CF daw kayo bukas?”
Ako: “Ahh, oh sure!”
Gg: “Ok, tulog muna ako ah?”
Ako: “Gegegegege Nanyt ^.^”
Gg: “Good Night”
Tulog time na nun. Di na ko naligo kasi pagod na talaga ako.
Pagkabukas nun sa hapon, mga 1 pm………pumunta na ako sa internet café kung san naglalaro ng CF ang kuya ni Gg. Nagkita kami at naglaro. Limang oras ata yon kami naglaro. Iba na pag adik eh. Hehe Nung nakita ko ang labas, aba gabi na at naisip ko si Gg baka nagtampo na naman yon. Tama nga ako at nagtampo naman. Pinatahan ko na naman ang bata. Natawa ako kasi tanging nasabi niya ay “Kanina pa ako gutom, hinintay kita para mag-snacks.” Haha Sa aking pagtawa ay nagalit siya. Sinigawan niya ako at pina-alis sa kwarto niya. Bahay nila yon eh edi umalis na ako.Sabi ko “K. Bye.”
Since then, di na kami nag-uusap. Sa phone or sa school, walang kibo sa isa’t-isa. Di na rin sana ako mag-snacks sa school kaso andun siya sa room eh, di rin ata bababa para mag-snacks. So nag-snacks na lang ako. Pangdalawa ang binili ko kasi magsosorry ako sa kanya. Nagmadali akong bumili sa bookstore at bumalik agad sa kanya.
Ako: “G, sorry na oh. Snacks ta?”
Gg: ……………..
Ako: “Sorry na kasi.”
Gg: ……………..
Ako: “Last na to, sorry na. Pag deadma mo pa rin ako eh bahala na.”
Wala eh, walang kibo, So be it. Umalis na ako pero iniwan ko yung snacks na binili ko para sa kanya. Kinuha niya tapos pinasok sa bag niya. Natuwa ako pero mas nakakatuwa kung kinain niya. Baka itapon lang yun maya, sayang naman.
Ring Ring Ring………..Bell na…….Klase na naman……………………………………
Wala talagang pansinan….
Dumaan ang ilang buwan, malapit na magtapos ang school. Ga-graduate na kami.
Noong Gradutation Day na, malayo kami sa isa’t-isa. All fourth year kasi inarrange ng alphabetical order. Ako nasa-first row tpos siya sa gitna gitna. Malayo talaga.
Nag-start na ang ceremony, honestly boring talaga ang graduation. Di ako natuwa kasi inaantok ako. Ang nagpabuhay lang sakin ay pag-akyat na sa stage. Yun lang tapos di rin ako mahilig sa picture taking.
Pagkatapos ng ceremony, nakita ko siya sa labas ng gym! Kinongratulate ko siya.
Ako: “Congrats G! College na tayo soon.”
Gg: ……………ningitian lang ako…….“Congrats din.”
Nag-hi ako sa pamilya niya at nagpaalam na aalis. The following days, di na kami nagkita or usap. I think nag-change FB at sim niya. Sabi ko sa sarili ko, “Okay. Bahala siya, mabubuhay naman ako nang wala siya eh. Di ko pipilitin ang sarili ko na ipasok ako sa buhay niya. Kung ayaw na, edi wag. Bahala na si budoy.”
After that, all I knew was umuwi na siya sa lugar nila sa Mindanao. Doon na natapos ang story ko…..
Ganito pala pag umibig (kahit friendly bromance lang….haha) Masakit man pero kakayanin na lang. Kung san man siya, God Bless para sa kanya. I don’t miss him and I never will. I don’t wanna mess with God’s plan. Someday, someone will be mine and I will fully love that person.
TBH: Bigo ako pagdating sa pag-ibig. Marami na akong sineryoso peroginago at ginamit lang ako. Alone forever. Bahala na. haha Bahala na.
Yon lang po story ko, tinamad na ako eh. Sakit na ng ulo ko sa kaka-isip at reminisce nun. Sana nagandahan or nagalitor na-bore kayo sa story ko. Haha I’m still happy though. ‘Cause I have real friends :D Okay…bye! Thanks!
COMMENTS