By: Mfw Hello KM readers! :) Isa ito sa pinakauna kong istorya na isinulat ito dito sa KM, sana ay maibigan ninyo at sana makapag dulot ng a...
By: Mfw
Hello KM readers! :)
Isa ito sa pinakauna kong istorya na isinulat ito dito sa KM, sana ay maibigan ninyo at sana makapag dulot ng aral,inspirasyon at saya.
Naglalakad ako sa isang maputik na daan papuntang eskwelahan namin sapagkat ito ay ilang metrong layo lang mula sa tinutuluyan kong apartment. Sa kasalukuyan ay second year college na ako at kumukuha ng kursong arkitektura sa isang sikat na unibersidad. Habang palapit na ako sa gate ng eskwelahan, ay biglang may pumasok na sasakyang mamahalin na syang dahilan ng pag dampi sa aking uniporme ng mga putik na tumalsik. Inis na inis ako sa mga oras na iyon sapagkat ilang minuto pa lamang ay oras na ng una kong subject at wala.na akong oras para umuwi at magpalit. Mayamaya ay bumaba ang isang lalaki mula sa sasakyang iyon at sya ay lumapit sa akin upang iabot ang isang panyo, agad kong sinulyapan ang mukha niya. Nawala ang inis ko dahil sa napaka amo at napaka gwapo niya. Maputi sya at sakto lang ang hubog ng kanyang katawan. "Ito ang panyo ko, gamitin mo pang punas sa uniporme mo, o kung gusto mo naman ay may uniporme ako sa bag kukunin ko at ipapahiram ko sayo." Pambungad nyang sabi sa akin. Wala akong nasambit na salita kundi tango lang at ngiti at sya naman ay dumiretso sa sasakyan nila.para kunin sa bag nya ang uniporme. " Ito na yong uniporme ko gamitin mo muna saka mo nalang ibalik pagkatapos mong gamitin. Pasensya na talaga huh, hindi sinasadya ng driver namin, hindi nya kasi napansin eh." Paliwanag nya. " A.a..ah o..okay lang.. hehehehe.. hmm salamat nga pala sa pagpapahiram huh, sge punta mo na ako ng comfort room para makapagpalit." Sagot ko naman sa kanya. "Hmm,gusto mo samahan kita?" Alok nya sa akin. " Hehe, hindi na okay na kaya ko naman sarili ko, o sige una na ako." At dali-dali kong tinungo ang comfort room. Pagkadating ko sa C.R ay humarap ako sa salamin, naaalala ko ang kanyang mukha at di ko mapigilang ngumiti dahil sa pagiging thoughtful nya. "Wew, Ano kayang pangalan nya? Sana magkita ulit kami." Pagkasabi kong iyon agad na akong nagpalit ng uniporme at dali daling tumungo sa una kong klase, buti na lamang ay wala pa yung teacher namin. Pagkatapos ng mga klase ko sa pang umaga nag lunch break na
Lunch Break.
Habang naglalakad, sa campus namin iniisip-isip ko na naman ang mukha ng lalaking nakausap ko kanina at ipinagdadasal ko na sana ay makita ko sya para makapagpasalamat, sa paglalakad-lakad ko ay nabigo akong makita sya kaya nagpasya na akong kumain.
Pagkatapos ng isang oras ay dumiretso ako sa classroom ng una kong klase sa pang hapon ng malungkot sapagkat di ko sya nakita. Maya-maya pa ay pumasok na ang professor namin sa subject na iyon. Nagkaroon ng katahimikan ang lahat dahil nag uumpisa ng magklase ang prof namin.Bigla namang pagbukas ng pinto na umagaw ng atensyon naming lahat lalo na ako "Sorry Ma'am,I'm late" sambit nya. Sa wakas ay nakita ko ulit sya, at swerte ko dahil sya ay katabi ko sa upuan, kinilig na naman ako. Masaya ako hanggang matapos ang klase naming iyon. Habang labasan na namin ay naglakas loob akong kausapin sya at para narin malaman ang pangalan niya. "Ah, ui, ano ahm.. salamat nga pala sa pagpapahiram mo ng uniporme sa akin." Sambit ko na may halong kaba. "Haha, ayos lang yun kasalanan din naman ng driver namin." Ang sagot nya sa akin. "Ah, Mark Cuevas nga pala"Pag papakilala ko sa kanya. "Nice meeting you Mark,ako nga pala si Nathan Lee." Matapos ang pagpapakilala namin sa isa't isa ay nagkaroon ng katahimikan at sa di sinasadyang pagkakaton ay nagkasabay kaming magtanong na "Ano susunod mong klase." Wew!! kinilig na naman ako. Dahil dun ay sabay na nagtawanan kami. Nalaman kong Civil Engineering pala ang course nya at magkaklase kami sa ibang mga minor subjects nya. Naging malapit na magkaibigan kami ni Nathan.
Isang bagong araw na naman ang nakalipas at sabik na sabik na akong makita sya ulit.
Natapos ang isang buong araw ng aming pagsasama. Nang uwian na ay naunang umalis si Nathan sa akin, ngunit bago sya umalis ay inalok nya akong ihahatid nalang nya ako sa amin. "Oh Mark,halika sakay na hatid ka namin sa bahay nyo." "Hhehe wag na uy,ang lapit lang eh." pakipot ko naman. " Sige na atsaka parang uulan oh." pilit naman ni Nathan. "Hindi yan,ang liwanag kaya ng langit,sige na una kana may ibabalik pa kasi ako sa library." Pakiusap ko sa kanya, naramdaman kong nalungkot si Nathan dahil sa desisyon ko. At ng umalis na ang kanilang sasakyan ay tumungo na ako sa library para ibalik yung libro. Pagkatapos kong ibalik ay di ko inasahang umulan nga ng malakas. "O shet! arghhh! sana sinunod ko nalang si Nathan", atsaka ko inuntog yung ulo ko sa dingding. "Sabi ko sayo eh,sabay ka na sa akin,di kasi naniwala na uulan eh tsk tsk tsk." "Ni..Nathan?!" laking gulat ko na si Nathan ay nasa likuran ko. "Ka..ka..kanina ka pa dyan?" Bulalas ko naman. "Oo,at narinig ko yung sinabi mo hahahaha !" sabay gulo sa buhok ko. "Hinintay mo talaga ako?" tanong ko naman sa kanya.(Hindi ko na mapigilan ang kilig) "Oo naman,bestfriends tayo eh" sabay akbay at sabay kaming nagtungo sa sasakyan nila. Inaamin ko sa mga oras na iyon ay sobrang kinilig ako. Alam ko na sa sarili kong bakla nga talaga ko pero hindi pa ako bunyag. at hindi parin nya alam ang totoong ako.
Pagkahatid sa apartment na tinutuluyan ko ay nagpasalamat ako sa kanya. "O asan ang kiss ko?" biro naman nya sa akin "Haha!! g*g*" At kinilig to the max naman ako.
Habang nasa bahay ako ay kinikilig parin ako ng sobra. Iniisip ko nga na sana sya na yung lalaking mamahalin ko at... hayyyyy.. ang sarap mangarap, ngunit sino nga ba naman ako? eh sa gwapo nyang iyon di hamak na maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. At syempre,babae ang hanap nun. Naku Mark! wag ka ngang mag assume!.
Sa pag iimagine ko ay biglang nag ring ang cellphone ko at number lang ang nakalagay pero sinagot ko parin. "Hello? sino to?" tanong ko naman. "Ui,si Nathan to!" biglang kumislot ang simsimi ko dahil sa napaka swabeng boses ni Nathan,nakakalibog at ang sarap sarap pakinggan. "Oh?ba't ka napatawag? atsaka paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko naman "Hahaha ulol! asa akin ang I.d mo tol may number ka kaya dun" "Huh?! asaa yo ba eh paano napunta sayo yun?" At di na nya ako sinagot. "Mark,may sasabihin ako sayo bukas,punta ka dito sa amin text ko sayo ang address , punta ka huh.Aasahan ko yan" pakiusap ni Nathan sa akin,sabay pagpatak ng 'CALL ENDED' sa cellphone ko. Sa sinabing iyon ni Nathan ay kinabahan ako, "Magtatapat na kaya sya sa akin?Mawawala na ba ang virginity ko? Magiging happily ever after na kaya kami?" sa sobrang pag iimagine ko ay nakatulog ako.
Kinabukasan,Araw ng Sabado
Nagising ako at pagkatingin ko sa cellphone ko ay 20 missed calls at 15 unread messages. Binasa ko ito at laking gulat ko na kay Nathan ang lahat ng iyon. Mayamaya ay tumatawag ulit sya at sinagot ko naman. "oh?" tanong ko naman. "Uy tol! goodmorning,Uy punta ka huh tinext ko sayo ang address. Aasahan ko yan." Pakiusap nya sa akin. "Oo tol pupunta ako" Sagot ko naman "Sige tol love you! hahahaha" paalam naman niya. "Haha g*g*" sagot ko. Kahit na alam kong pabiro nyang sabi ang salitang "I Love You" ay kinikilig ako at nag uumapaw ang saya ko satuwing sasabihin nya iyon sa akin. Pinapangarap ko nga na sana totoo na iyon.
Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay agad ko ng pinuntahan ang address na ibinigay ni Nathan sa akin.
Pagkadating ko ay bumungad sa akin ang napakalaking bahay,yaman tlaga nila. Nag doorbell ako, mayamaya ay may lumabas na lalaking nakashort at sando, Si Nathan! O my! shet! ang gwapo gwapo nya talaga!!
"Oh napatulala ka? halika dun tayo sa kwarto ko,wag kang mahihiya tayong dalawa lang dito." Sabi nya sa akin ng may nakakaakit na ngiti. Agad akong kinabahan at nagsimulang mag init ang aking buong katawan.Pagkarating namin sa kwarto ay pinaupo nya ako sa kama. "Relax kalang Mark,matagal ko ng gustong sabihin sayo ito..,Mark.."
To be continued..
COMMENTS