By: Ian "May pagkakataon sa buhay natin na di man natin kagustuhan pero nangyayari. Kapag ang love ang pinag-uusapan bakit kaya maramin...
By: Ian
"May pagkakataon sa buhay natin na di man natin kagustuhan pero nangyayari. Kapag ang love ang pinag-uusapan bakit kaya maraming nabubuhayan ng dugo? Sino nga ba ang makakapagsabi kung tama nga ba talaga ang isang bagay o pangyayari."
"Di ko inaasahan na darating ang panahon na malulugmok ako ng sobra dahil sa pag-ibig, sa maikling panahon nagmahal ako ng tao ng di ko pa lubusang kakilala at unang pagkakataon nangyari sa buhay ko ito. Dun ko nasabi na ang love ay di sa tagal na panahon ng pagkakakilala o pagsasama. Minsan parang kabute na bigla na lang umuusbong, natural na emosyon at hindi kailangan pigilan."
Ako nga pala si Ian, 22 yr old, 5'8" ang taas ko, average lang ang itsura, bagamat nagkaroon din ako ng mga girlfriend masasabi ko sa sarili ko na di ako tunay na lalake at tinanggap ko ng maluwag yun sa aking sarili. Sabi nga nila paano ka matatanggap ng mga taong nakapaligid sayo kung ikaw mismo sa sarili mo ay lito ka. Siguro nga bading ako, wala na kong magagawa dun hindi naman ito isang sakit na bigyan ka lang ng gamot malulunasan. Natural na pakiramdam at habang pinipigil para lalong nagpupumilit sumabog. Masasabi ko sa sarili ko na kapag tiningnan mo ko ay di talaga ako pagduduhan na bading, pero di ko naman pinagkakaila lalo na't nas kurso ako ng puro kalalakihan halos lahat ang estudyante. Sa pamilya ko sa tingin ko di ko naman kailangan magsalita dahil pakiramdam ko alam naman nila. Second year college ako ng umamin ako sa mga barakada ko nung una di sila makapaniwala pero sa paglipas ng panahon natanggap din nila. May mga lumayo hanggang sa ngayon di ako kinakausap pero di sila kawalan dahil alam ko kaya ko ang sarili ko. Sa totoo lang nauuna ko sa mga subject kesa sa kanila. One time nga ma nakaaway pa ko habang nag-iinuman kami, syempre kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko.
Tinabihan ako ng isang barkada ko noon.Siya: Tol bading ka pala?
Ako: Oo,masama ba?
Siya: kasi sa pagkakaalam ko pag bading inutil o salot.
Ako: ang sakit naman nun, para namang di mo ko tropa. ( naiinis na ko)
Siya: ganun na din yun kahit tropa tayo, bading ka pa din.
Ako: nanahimik lang ako.
Siya: wala ka ng masabi na may halong tawa ng pang-aasar.
Ako: bumwelo ako bago magsalita " sino nga ba ang maituturing na inutil yung straight na walan ginawa ang pasakitin ang ulo ng magulang o ang tulad ko na aminadong bading na pilit nagsusumikap para makatulong sa pamilya" Di ba nga ikaw college algebra pa lang bumagsak na? Nagsalita ako ng pabulyaw ng SAGOT.
Siya: akmang susuntukin ako,, buti na lang napigilan ng iba namig kasama.
Syempre kung nagkataon lalabanan ko siya e marunong din naman ako makipagsuntukan.
Simula nun di na kami nag-usap hanggang ngayon.
Sa ngayon madami pa rin naman ako maituturing na kaibigan na tanggap ako walang tinatago ang gaan sa pakiramdam walang halong pagpapangap. Pero lumalabas lang ang kabadingan ko pag sila ang kasama ko hindi mangangamba na mahuhusgahan, masabiha man ng masakit na salita okay lang natural sa magkaibigan yun. At least harap-harapan ko naririnig pero pag ako nakatalikod alam ko na pinagtatanggol nila ko pag may mga naririnig sila na di maganda.
Ilang beses ko na rin naranasan magmahal at masaktan, pero ang karanasan kong ito ang bahagyang nakakapagpabago ng buhay ko. Sa totoo lang ako yung tipo ng tao na kung landian, landian lang talaga pero kapag akoy may natipuhan tinitigilan ko lahat ang pakikipagtext, chat at meet.
Sa mga past relationship ko ay di naman ako ganu nahirapan sa una masakit pero kalaunan natatanggap ko din. Pero itong huli kung sino pa ang pinakamaikli ay siya pang tumatak.
Nung mag 2011 pinili ko ang maging single pansamantala dahil sa gusto ko rin makapaenjoy at matutukan ang aking pagaaral. Nagawa ko naman ito hanggan kalagitnaan ng 2012 until one time may nag add sakin sa ym dahil cute ang picture inaccept ko. Lumipas ang ilang linggo di ako nakapag-online dahil madaming ginagawa sa school.
Sa pag online ko nakita ko na online siya hindi ako nag message dahil nahihiya ako, ng makalipas mga 10 minuto nag message siya.
( by the way Ryan ang pangalan niya, 20 yrs old, guwapo para sa mga mata ko ewan ko sa iba haahaHaa, makinis at chinito.)
Ryan: hi.
Ako: hello, salamat sa pag-add
Ryan: wala yun.
Ako: smiley lang reply ko di ko alam kung paano makikipagusap .
Ryan: ikaw ba yung nasa pic?
Ako: oo.
Ryan: you're cute.
Ako: thanks
Ryan: buti inaccept mo request ko?
Ako: naman, guwapo mo kaya diyan sa pic.
Ryan: e paan kung di ako yan.
Ako: ay gumagamit ng pic ng iba, bye.
Ryan: joke lang di na mabiro, web cam na lang tayo para maniwala ka.
Ako: okay sige.
Sobra kong nahiya dahil sa itsura niya pero ang bait niya.
Yun ang una naming paguusap.
Kinagabihan ulet nagbakasakali na online siya di nga ako nagbigo pero saglit lang kami nakpagusap dahil pareho kaming may gagawin nung mga oras na yun, hiningi niya number pero lumipas muna ang isang linggo bago siya nagtext. Simula nun nagig madalas ang pagtetext namin hanggang one time di ko inaasahan na tatawag siya buti na lang nasa bahay ako.
Sinagot ko ang phone at nakiradam muna.
Ryan: hello Ian.
Ako: di agad ako nakasagot..... hi Ryan sorry nahihiya ako e.
Ryan: lalakeng-lalake ang boses na may pangaasar.
Ako: di naman. Pero ewan ko ba kinilig ako nun.
Ryan: kamusta ka naman?
Ako: mabuti naman, kaw ba?
Ryan: okay lang din, sabay sabing kita tayo sa makalawa luluwas ako.
Ako: a try ko. "Nahihiya kasi ko sabi ko na lang '' text na lang kita.
Ryan: okay sige sige.
Tumagal ang paguusap namin ng mahigit isang oras. Ewan ko ba kung kalandian lang naramdaman ko pakiramdam ko gusto ko na siya. May isang buwan na din nun mula ng magkakilala kami sa ym.
Dumating ang araw ng aming pagkikita sa isang mall sa may mandaluyong. Natutuyuan na nga ako ng laway sa kaba hanggang sa sinabi niya nandun na siya, yung kaba napalitan ng excitement.Habang papalapit siya di ko alam kung paano ngingiti. Hanggang sa magkalapif na kami tamang pakilala at iyon din ng unang beses na nahawakan ko kamay niya nung nagshakehands kami,shit ang lambot para ko nakuryente. Naglibot lang kami sa loob ng mall, nanuod ng sine at kumaen.
Nagpatuloy kami sa ganun lalabas, magtetext at paminsan minsan magtatawagan. Hanggang sa umabot ng dalawang buwan.
Sabado naisipan kong umuwi ng bulacan at dahil wala naman pasok kinbukasan nagsabi siya na sasama siya, pagdating sa bahay pinakilala ko na classmate ko at may pinuntahan kami.
Dito una naganap ang una naming paniniig.
Bandang mga alas-10 ng naisipan tigilan ang ginagawa ko dahil inaantok na din ako, siya nakahiga na sa kama ko. Paglapit ko umupo muna ko sa may paanan, nakiramdam at muli akong inatake ng kaba.
Bigla siyang bumangon at naupo, tumitig . Nakakapanghina mga tingin niya. Nagsalita.
Ryan: hindi ko alam pero pag kasama kita masaya ako.
Ako: ako din naman,lagi mo nga akong napapangiti.
Ryan: sana kung anu nararamdaman ko ganunka din.
Ako: anu ba yun? Kunwari tangatangahan ako
Ryan: sabay sabing '' tulog na tayo''.
Nahiga ako na parang poste ingat sa bawat galaw. Lumilas ang kalahating oras di pa rin ako makatulogat ganun din pala siya.
Bigla siyang nagsalita sa gitna ng madilim na kuwarto na nilalamon ng katahimikan.
Ryan:Pwede ba kitang yakapin?
Hindi ako sumagot sa halip hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.
Niyakap niya ako, yakap ng parang wala ng bukas bumilis ang kabo g ng dibdib ko. Hanggang sa nilapit niya ang kanyang mga labi sa labi ko. Ang sarap ng kanyang mga halik ninanamnam ko ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Hanggang sa namalayan ko na lang na pareho na kami walang damit. At ninamnam ang bawat sandali, nagsubuan kami pero walang nangyaring kantutan dahil pareho kaming di ready.
At ng gabing din iyon sinabi niya na kami na, mas lalo kaming naging mas malapit sa isat isa. Pinakilala ko din siya sa mga tropa ko at siya lang talaga ang napakilala ko sa kanila. Nagatuloy yun hanggang sa ika-apat na buwan. Nagawa ko ngang magsinungaling sa magulang ko para makahingi ng extrang pera para makita lang siya dahil nga malayo siya, minsan di na rin ako pumapasom. Ewan ko ba nung mga panahon na yun sa kanya umiikot mundo ko. Pero nangyari ang di ko inaasahan. Nawala siyang bigla walang pasabi, text or call wala. Ang pagkaka-alala ko okay pa nama kami nung huli kaming nagkita.
Ang masakit lang naging palaisipan ang bigla niyang pagkawala, walang pasabi lalo na't sobrang mahal ko na siya.
Sobra talaga kong naapektuhan pag nasa bahay ako nagkukulong lang ako sa kuwarto umiiyak, di rin ako nagkikibo at ang masakit pag nasa eskwelahan ako wala akong makausap dahil di nag si pag summer class barkada ko kaya't pakiramdam ko nagiisa ko. Nagpatuloy yun hanggang sa first sem ng 2013 hanggang july. Nagtigil lang ako nung nakitako fb niya in relationship na siya. Mahirap pero kailangan tanggapin.
Sa totoo lang nakatabi pa din sakin lahat ng ticket sa bus, sa sinehan at mga receipt ng mga kinain namin pag lumalabas kami pero balak ko na din siya sunugin, napatawad ko na rin siya kahit di na talaga siya nakipagusap.
Ako masaya na ko ngayon isang taon na mahigit single, nakakalakad na ulet ako ng may totoong ngiti sa mukha. Pero syempre im still hoping and im not closing the doors for any possibilities na sana dumating na sabi nga ni paolo coehlo '' love is always new. Regardless of whether we love once, twice or a dozen times in our life, we always face a brand new situation. Love can consign us to hell or to paradise, but it always take us somewhere, we simply have to accept it because it is what nourishes our existence . We have to take love where we find it even if that means hours, days, weeks of disappointment and sadness.''
Hanggang dito na lang po, pasensya na kung mahaba. Maraming salamat sa pagbabasa. Positive and negative comments are welcome.
COMMENTS