$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Fall Back

By: Max Miller Sabi nila masarap daw ma-inlove. Totoo nga naman kasi minsan na akong nakaranas nito. Sino ba naman ang may ayaw sa mga holdi...

By: Max Miller

Sabi nila masarap daw ma-inlove. Totoo nga naman kasi minsan na akong nakaranas nito. Sino ba naman ang may ayaw sa mga holding hands at movie date? Lahat naman siguro gusto ng ganun. Isa nga sa mga “life’s surprises” ang ma-inlove pero hindi lahat ay pinalad na magkaroon ng happily ever after o kaya yung tipong forever. Masarap na masakit, yan ang naging description ko sa salitang pagmamahal, at higit sa lahat ang salitang “selflessness” ang pinakamagandang kahulugan ng pagmamahal para sa akin.
Bago ko simulan ang aking kwento, ako nga pala si Max, 25 na taong gulang na ngayon at naninirahan dito sa Manila. Taga Bulacan talaga ako at nakikipagsapalaran ako dito bilang isang baguhang doktor sa isang sikat na ospital sa Taguig. Kuntento ako sa binigay sa aking pisikal na anyo, bagamat meron din akong mga flaws noon ay na-overcome ko naman ang mga ito. Bunso ako sa tatlong magkakapatid na lalaki at nag-iisa na lang dito sa Pilipinas dahil ang mga kapatid ko ay nagtatrabaho sa ibang bansa at ang mga magulang ko naman ay naka-base na sa US. Naghihintay na lang ako kung kelan mapaprocess ang petisyon sa akin ng mga magulang ko. Half-Spanish ang mama ko dahil ang Lolo ko ay purong Kastila mula sa Bicol. Masaya ang naging buhay ko nung bata pa ako, kahit na medyo tutol sila ay natanggap ng pamilya ko ang pagiging bisexual ko. Ipinangako ko naman sa kanila na kalian man ay hindi ako magdadala ng kahihiyan sa pamilya nang dahil sa pagiging bisexual ko.
Nagsimula ang aking kwentong pag-ibig nung nasa college pa ako. Nag-aral ako ng nursing sa isa sa pinakamatandang eskwelahan dito sa Manila. Doon ko nakilala si Justin. Nakilala ko sya dahil magkaklase kami sa swimming class ng P.E. Hindi kasi coed ang swimming kaya puro lalaki ang naging kaklase ko. Masayang kasama si Justin, hindi sya boring kausap at palaging may sense kahit na medyo maloko at palabiro. Masasabi ko na gwapo si Justin, sa tangkad nya na 6’1” at sa mestiso nyang itsura ay lahat ng tao sa school ay napapatingin sa kanya sa tuwing naglalakad sya sa school grounds. Hindi nagtagal ay naging malapit kami ni Justin pero bago yun ay inamin ko muna sa kanya ang tunay kong pagkatao dahil sa ayokong maglihim sa kanya. Nagulat ako sa inamin sa akin ni Justin na isa din syang bisexual kaya mas lalo kaming naging close.
Hindi kami halata na mga bisexual kaya hindi kami natatakot na paghinalaan kami. Madalas kaming magharutan ni Justin tuwing nagkakatuwaan. Hindi naman nalalayo ang height ko sa kanya, ako ay 5’11” at madali ko syang nababatukan kung minsang naghaharutan kami.
Kuntento ako sa pagkakaibigan namin ni Justin, kahit na hindi kami madalas magkita dahil sa Engineering ang course nya. Nagkaroon din ako ng ibang kaibigan mula sa mga kaklase ko at sila ang bumuo ng college life ko. Hindi naging hadlang sa amin ni Justin na maging mas malapit pa kahit na minsan tuwing break na lang kami nagkikita at nagkakausap.
Habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ang loob ko kay Justin. Inaamin ako na umasa ako na mamahalin din ako ni Justin, pero mali ako, nagkaroon ng partner si Justin nung Third Year na kami at nasaktan ako. Dumistansya ako sa kanya sa paraang hindi nya masyadong nahalata. Kahit na hindi naman nya ako pinaasa ay pakiramdam ko ay iniwan pa din ako ni Justin simula nung maging sila ni Dave. Masakit para sa akin na makita silang masaya pero naisip ko na mas masakit siguro kung magiging kami ni Justin pero hindi naman sya magiging masaya sa akin, simula noon ay natanggap ko na importante din pala ang kaligayahan ni Justin sa akin at masaya ko itong ibinigay sa kanya.
Nahalata ni Justin ang pag-iwas ko sa kanya at kinausap nya ako sa dorm na tinitirhan ko dati.
“Anong problema? Bakit di ka sumasagot sa mga text at tawag ko?” ang tanong ni Justin habang nakatingin sya sa akin ng masinsinan.
“Busy lang ako, alam mo naman nagduduty na kami” at nginitian ko sya.
“Hindi eh, may mali, matagal na tayong magkaibigan wag ka na mag-secret sa akin”
“Wala talaga, napaparanoid ka lang, tsaka kayo na ni Dave di na bagay na palagi pa din tayong magkasama, ayokong magbigay ng problema sayo at sa inyo” ang sagot ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.
“Alam naman ni Dave kung gaano ka ka-importante para sa akin, mas nauna kitang nakilala kesa sa kanya kaya maiintindihan nya yun” at umakbay sa akin ni Justin.
“Tama na ok na yung sinabi ko, wag ka ngang ganyan, di bagay” at nagtawanan kami.
Pagkatapos nun ay mas lalong napadalas ang pagsama ko sa kanilang dalawa ng partner nya bilang paninindigan na ok lang ako at walang dinadamdam. Mas lalo ko ding nakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at unti-unti ay parang natutunan ko na din na mag-adapt sa sakit na nararamdaman ko. Umabot sa isang taon ang pagiging mag-on nila ni Dave at habang tumatagal ay mas lalong nagiging matatag ang relasyon nila. Sinabi ko na lang na baling araw ay baka mahalin din ako ni Justin katulad ng pagmamahal nya kay Dave at hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong yun kung mangyari man yun.
Bago ako grumaduate ay nagkaroon ng problema sila Justin at Dave na nauwi sa hiwalayan. Sobrang wasak na wasak si Justin ng panahong yun at alam ko na kailangan nya ako. Pinadama at pinakita ko kay Justin na nasa tabi lang nya ako palagi, kahit nasusukahan nya ako at napupuyat ako sa pag-asikaso sa kanya sa tuwing naglalasing sya ay hindi ako sumuko sa kanya, ginawa kong lahat dahil sa pagkakaibigan namin at umasa na mapapansin din ako ni Justin. Tinulungan ko si Justin at gumawa din ako ng paraan para magkabalikan sila dahil sa mahirap din para sa akin na makita si Justin sa ganung kalagayan, pero nagmatigas si Dave at piniling wag na balikan si Justin. Walang magawa si Justin kundi tanggapin ang kinahinatnan ng naging relasyon nila ni Dave. Tinulungan ko na lang si Justin na makamove-on at ipinarealize ko sa kanya na hindi natatapos ang buhay pag-ibig nya kay Dave. Makalipas ang anim na buwan ay nakamove-on na din si Justin ay masaya ako na nagawa nya yun dahil hindi nya deserve na masaktan at magdusa ng ganun.
Hindi ko inasahan na magkakatotoo pa yung dati kong hiling na mapansin ako ni Justin. Inamin nya sa akin na mahal na din nya ako at hindi nagtagal ay naging mag-on kami. Masarap ang pakiramdam ng panahong yun, akala ko kasi hindi na magkakatotoo pero sa isang iglap ay nabago ang lahat at pumabor sa akin ang tadhana.
Alam ko sa sarili ko na hindi ko mapapantayan ang pagmamahal ni Justin para kay Dave, ramdam ko din na natutunan lang nya ako mahalin dahil sa ako yung palaging nandyan para sa kanya. Masakit din pala kahit papaano dahil sa hindi nya ako nakita bilang ako kundi naging paalala lang ako kung ano si Dave para sa kanya. Kahit na ganun ay binigyan ko pa din ng pagkakataon na mabago yun at umasa na sa pagtagal ay mahalin din ako ni Justin bilang ako.
Kilala ko ang pamilya ni Justin simula nung magkaibigan pa lang kami kaya hindi na ako nahirapan na mag-adjust nung naging kami na. Alam kasi sa kanila na bisexual sya kaya pinakilala din nya ako bilang partner nya. Pangalawa si Justin sa apat na magkakapatid. Dahil sa pangungulila ko sa mga kapatid ko ay mas lalo akong naging close sa pamilya nya. Merong dalawang kapatid na lalaki si Justin at ang bunso naman nila ay babae. Naging close din ako sa Mommy nya na masaya nung inamin namin na kami na. Pakiramdam ko ay parte na ako ng pamilya nila dahil sa tanggap nila ako. Ayaw ng Mommy ni Justin na tinatawag ko syang Tita bagkus ay mas gusto nyang tawagin ko din syang Mommy. Masaya ako sa pagtanggap nila sa akin at ganun din naman si Justin. Nalaman din ng pamilya ko ang tungkol sa amin nung minsang magbakasyon sila dito at naramdaman ko din ang mainit na pagtanggap ng mga kapatid at magulang ko kay Justin.
Parang isang magandang love story ang pakiramdam ko nun, pakiramdam ko kasi lahat ay sang-ayon at pabor sa amin ni Justin. Walang araw na hindi ko pinakita kay Justin kung gaano ko sya kamahal at ganun din naman sya sa akin, kaya lang ramdam ko pa din na mas mahal pa din nya si Dave kumpara sa akin. Naging masaya naman ang una naming monthsary at umabot pa ito sa ilan pa hanggang sa makatapos akong makagraduate. Inamin sa akin ni Justin na nagkakausap muli sila ni Dave, dahil sa buo ang tiwala ko kay Justin ay hindi ako naghinala sa kanila hanggang dumating ang punto na namili na si Justin sa aming dalawa at hindi ako nagkakamali sa naisip ko noon, mas mahal pa din nya si Dave.
Naging malamig na si Justin sa akin pagkatapos ng graduation ko, hindi ko inasahan ang tagpong yun dahil sa wala naman akong nagawang mali sa kanya at ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng malaking pagtatalo. Hanggang sa isang araw ay hiniwalayan na ako ni Justin, umiyak sya at nagsorry sya sa akin. Doon pa lang ay natanggap ko na na hindi din pala ako minahal ni Justin katulad ng pagmamahal ko sa kanya, kaya mas naging madali ang pag-let go ko sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang ikaliligaya nya na walang pag-aalinlangan, ganun kasi ang natutunan ko nung kami pa, na maging selfless kahit na masakit. Sa ilang buwan na relasyon namin ni Justin ay nakita ko ang sarili ko na mas priority ko ang kaligayahan nya kesa sa akin. Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal, may isang mas effort sa pagpapakita ng pagmamahal, at sa kasawiang palad ay ako yun, pero hanggang sa huli ay wala akong pinagsisihan, dahil alam ko sa sarili ko naibigay ko ang lahat na makakapagpasaya sa kanya kahit na masakit para sa akin. Umabot kami ng walong buwan at ang walong buwan na yun ay ang pinakamasayang mga buwan sa buhay ko.
Sobrang sakit na mahiwalay kay Justin. Halos mabaliw ako nung mga panahong yun. Parang namatay na din ako sa sakit na dinulot sa akin. Tinatagan ko ang loob ko at sa tulong ng mga kaibigan ay nakamove-on ako, alam ko naman na wala nang iba akong patutunguhan kundi magmove-on o maging miserable. Alam ko na hindi pa natatapos ang buhay sa akin dahil lang sa naghiwalay na kami, kahit na ganun ay pinilit ko na maging masaya pa din para sa kanya dahil sa priority ko noon na mapasaya sya palagi. Pero alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi na ako makakahanap ng katulad nya, merong hihigit pa sa kanya, oo pero yung katulad nya, wala na, sya lang kasi yun. Sinabi ko sa sarili ko na sa susunod na magmahal ako ay magtitira din ako ng konti para sa sarili ko, na kung sakaling hindi man maging successful ito ay hindi ako masasaktan katulad ng naramdaman ko sa paghihiwalay namin ni Justin.
Ilang buwan na din kaming hindi nagkikita ni Justin simula nung maghiwalay kami at nalaman ko din sa isang kaibigan na ginagamit lang daw ni Dave si Justin para makaganti sa ex ni Dave. Nalungkot ako sa nalaman ko at napagpasyahan ko na sabihin ito kay Justin dahil ayokong magmukha syang tanga. Imbis na paniwalaan nya ako ay nagalit pa sya sa akin nung pinuntahan ko sya sa bahay nila at dahil sa pagtatalo namin ay nasiko nya ako at pumutok ang labi ko. Pinigil ko na maiyak sa harap nya kahit na muling ipinamukha ni Justin sa akin na wala akong halaga sa kanya, sorry nang sorry sa akin si Justin nung nasiko nya ako at umalis na din ako. Simula noon ay blinock na ako ni Justin sa Facebook kaya wala na akong naging balita sa kanya simula nun.
Makalipas ang tatlong araw ay tinawagan ako ng Mommy ni Justin dahil sa nakikiusap ito na tignan ko daw ang anak nya dahil sa nilalagnat ito, hindi naman ako makatanggi dahil sa hindi nila alam na wala na kami. Kahit na pagod ako mula sa review para sa boards ay pumunta ako sa bahay nila at sinilip sya. Nagulat sya na nandoon ako at nagpaliwanag ako.
“Tinawagan ako ni Tita, nilalagnat ka daw, wala daw sila dito sa Manila kaya wala ka daw kasama ngayon at wala din naman daw si Dave, pagtiyagaan mo na lang na nandito ako, hayaan mo pagdating nila aalis din naman agad ako” ang sabi ko kay Justin habang inaayos ang kwarto nya.
“Sorry ha” ang naging sagot ni Justin at tinignan nya ako.
“Ok na yun, mataas pa din ba ang lagnat mo?” at kinuha ko ang thermometer at nilagay sa kanya. Mataas ang lagnat ni Justin at halos hindi pa sya kumakain kaya ipinagluto ko sya ng lugaw. Hilong hilo din sya kaya ako na din ang nagpakain sa kanya, dahil sa nararamdaman nya ay nasukahan nya ako.
“Sorry, sorry” ang sabi ni Justin sa akin.
“Ok lang Justin, wag ka mag-alala may dala naman akong pamalit” at ngumiti ako sa kanya.
Pagkatapos kong maglinis at pagkatapos ko syang linisan ay pagod na pagod ako. Nakita naman ito ni Justin.
“Max, thank you ha, kahit na hindi maganda yung ginawa ko sayo andito ka pa din para sa akin. Sorry kasi gago ako eh, sorry at nasaktan kita, emotionally at physically sa pagkaka-siko ko sayo sana baling araw mapatawad mo din ako” at tinignan akong mabuti ni Justin.
“Ang importante maging maayos ka, wag mo na isipin yun” at ngumiti ako sa kanya bilang pagpapakita na maayos kami. Napansin ko din na nakahawak si Justin sa tiyan nya na parang masakit ito at nung tinanong ko naman sya kung may nararamdaman sya ay sinabi nyang wala naman daw.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa kama ni Justin habang nakaupo, naramdaman ko na lang na hinahaplos ng daliri nya ang labi ko kung saan pumutok ito dahil sa pagkaka-siko nya. Nagkunwari ako na tulog pa din at maya-maya pa ay umuungol si Justin sa sakit na nararamdaman nya. Bigla akong napatayo at chineck ko sya. Masakit ang tiyan nya sa bandang ibaba, at sa tingin ko ay merong appendicitis si Justin. Tinawagan ko yung kakilala kong doktor sa ospital at nireport ang mga nararamdaman ni Justin, at inabisuhan ako na dalhin na si Justin sa ospital, pagkatapos kong mag-empake ng mga gamit nya at tinawagan ko ang Mommy nya para sabihing dadalhin ko na si Justin sa ospital, nagkausap din silang mag-ina at umalis na kami papuntang ospital. Habang papuntang ospital ay namimilipit na sa sakit si Justin at pasan ko ang bigat nya. Nang makarating kami sa ospital ay basang basa na sa pawis si Justin dahil sa sakit na nararamdaman nya at kinomfort ko naman sya na magiging maayos din ang pakiramdam nya. Nakahawak lang si Justin sa kamay ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya nung kinabitan sya ng swero at nakasandal ang ulo nya sa akin habang sya ay nakaupo sa wheelchair at ako naman ay nakatayo sa tabi nya. Pagkatapos nyang ma-xray ay nakumpirma nga na may appendicitis sya. Tinawagan ko kaagad ang Mommy nya na kasalukuyang on the way na sa ospital kung nasaan kami. Kinailangan ni Justin ng isang bag ng dugo bilang reserba kung sakaling kailangan nya na salinan habang inooperahan, dahil sa limitado na lang ang supply ng blood type AB ay nagdonate ako para sa kanya dahil magkapareho kami ng blood type ni Justin at kahit na masakit ito ay tiniis ko para sa kanya. Habang nagdodonate ako ng dugo ay dumating ang Mommy at Kuya ni Justin at pinuntahan nila ako. Tinuro ko kung nasaan si Justin at pinuntahan nila ito. Maya maya pa ay binalikan nila ako dahil sa tapos na akong magdonte. Hilong-hilo ako at namumutla ako nung makita nila ako. Pagkatapos makumpleto ang mga consent at ilang kailangan ni Justin ay ipinasok na sya sa operating room. Dasal ako ng dasal na sana ay maging maayos ang operasyon at makalipas ng ilang oras ay inilabas na sya ng operating room na stable at ipinasok na sa kwarto nya.
Hindi na ako nakapasok kinabukasan sa review dahil sa pagod at panghihina kaya sinulit ko na din yung pagkakataong makasama si Justin. Dito ay inamin nya sa akin na natatakot daw mahawa ng lagnat si Dave kaya hindi pa sya pinupuntahan nito. Nalaman ko din na nagpunta ng Hong Kong si Dave kasama ang mga kaibigan nya sa halip na ipagpaliban nya yun at asikasuhin si Justin.
Nagpapasalamat ang Mommy at Kuya nya sa akin na kung wala daw ako dun baka mas naging malala ang lagay ni Justin, Sinabi ko na lang na wala yun at magkaibigan naman kami kaya normal lang na gawin ko yun. Nagpasundo ako sa kaibigan ko at pinadala ko na din yung regalo ko kay Justin para sa graduation nya. Nangako kasi ako na bibigyan ko sya ng Basketball Jersey ni Kobe Bryant na may autograph, ang mama ko kasi ay minsang naging nurse ni Kobe Bryant sa US kaya naging madali kong nakuha ito. Nagpaalam na ako sa Mommy at Kuya ni Justin kahit na nag-aaya pa sila na magdinner kami ay maayos akong tumanggi.
“Justin, aalis na ako, magpagaling ka ha, eto nga pala advance gift ko para sa graduation mo, yan na yung pinangako ko sayo dati” at inabot ko ang regalo ko sa kanya.
“Thank you Max, thank you sa lahat, babalik ka pa naman diba?” ang sabi ni Justin sa akin.
“Baka hindi na, may review pa kasi eh”
“Kahit isang oras lang dalawin mo ako” ang muling pagsusumamo ni Justin at ngumiti na lang ako, na tila nakuha na nya kung anong ibig kong sabihin.
Maya maya pa ay umalis na ako. Habang sinasara ko ang pinto ng kwarto ni Justin ay muli ko syang tinignan, ngumiti ako sa kanya, kumaway at yun na ang huli kong alaala sa kanya na nakangiti sa akin nung panahong yun. Pagkatapos nun ay nagpakabusy na ako sa review dahil ilang linggo na lang ay board exam na. Hindi na din alam ni Justin ang bagong dorm na tinutuluyan ko dahil sa lumipat na ako. May nakapagsabi kasi sa akin na may humahanap daw sa akin sa lumang dorm namin at Justin daw ang pangalan. Nagpalit na din ako ng number bilang paglayo kay Justin. Ayoko na kasi magkaroon pa muli ng ugnayan sa kanya. Kahit na minsan ay muntik na kami magkita sa school ay naiwasan ko pa din sya. Kahit na ina-add nya ako muli sa Facebook ay hindi ko na inaccept ang request nya, natutunan ko nang dumistansya sa kanya para sa ikakabuti naming lahat. Simula nun ay hindi na kami muling nagkita.
Pinakawalan ko si Justin hindi dahil sa gusto kong maramdaman nya ang mga naramdaman ko sa kanya dati, gusto ko lang marealize nya na hindi na nya ako kailangan sa buhay nya, na baka ganun lang ang nararamdaman nya kasi ako ang taong palaging nandyan para sa kanya. Gusto ko mahanap nya yung saya na gusto nya sa piling ng iba, alam ko kasi kailanman ay hindi ko ganun na napasaya si Justin dahil sa alam ko naman talaga ang nararamdaman nya para sa akin. Sabi nga nila kung sya daw talaga ay para sayo, kahit gaano kayo katagal na hindi nagkita, babalik at babalik pa din sya sayo. Pero kung ako ang papipiliin ay ayoko nang bumalik pa si Justin sa buhay ko.
Pagkatapos ng board exam ay sa bahay na namin sa Bulacan ako muling tumira, kahit na nalaman na daw ni Justin yung dorm na huli kong tinirhan ay wala na ako nung puntahan nya ito. Iginalang naman ng mga kaibigan namin ni Justin na wag ibigay sa kanya ang number ko. Simula noon ay nakapagsimula na akong muli na malayo sa kanya. Nang makapasa ako sa board exam ay napili ko na magvolunteer sa isa sa mga government hospital sa Valenzuela City na malapit sa amin. Umabot sa ilang buwan ang pagvovolunteer ko at dito at nahanap ko muli ang sarili ko, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at ilang interest pero hindi natutuloy dahil sa pakiramdam ko ay iiwan lang din nila ako katulad ng ginawa sa akin ni Justin. Pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng kakayanan na magmahal muli pero umaasa pa din naman ako na meron pa ding taong seseryoso sa akin at mamahalin din ako kagaya ng pagmamahal ko kay Justin dati.
Simula noon pa man ay pinangarap ko nang maging doktor, kaya lang mahal ang pag-aaral nito kaya isinantabi ko na lamang ang pangarap kong yun hanggang sa napagdesisyunan kong magtake ng NMAT para makahanap ng scholarship at halos 97% ang naging score ko. Nalaman ng dati naming dean ang naging score ko at inilapit nya ako sa dean ng medicine at nabigyan ako ng scholarship. Napakasaya ko nung panahong yun, hindi man ako nabigyan ng maganda at masayang buhay pag-ibig ay pakiramdam ko ay magiging maganda naman ang takbo ng career ko. Sinigurado kong matataas palagi ang mga grades ko dahil ayokong mawala sa akin ang scholarship. Madalas sumagi sa isip ko si Justin sa tuwing makikita ko yung mga lugar na pinupuntahan namin dati nung nasa school pa kami. Napapangiti na lang ako at nagbibigay pa din ito ng tuwa sa akin, kahit mahigit isang taon na hindi na kami nagkikita. Hiniling ko na lang na kung nasaan man sya, sana ay masaya sya palagi, kung tutuusin yun naman talaga ang importante, ang maging masaya.
Tinulungan ako ng magulang ko at ng mga kapatid ko sa allowance at iba pang gastusin ko habang nag-aaral ng medicine. Nakishare ako sa isang condo na malapit sa school sa mga kaklase ko sa medicine, dito ay parang back to normal na ulit ako, madami akong nakilala at mas naging madami ang mga kaibigan ko. Naging mabilis ang panahon at hindi ko namalayan na dalawang birthday na ni Justin ang nalampasan ko. Naging importante kasi ito nung magkaibigan pa kami at lagi akong naglulook forward dito. Alam ko naman kahit na wala na ako ay magiging masaya pa din ang bawat birthday nya.
Makalipas ang tatlong taon.
Masasabi ko na masaya naman ako sa takbo ng buhay ko sa kabila ng ilang kakulangan sa akin. Masaya din ako sa takbo ng pag-aaral ko bilang med student. Nanatili pa din akong single simula nung maghiwalay kami ni Justin. Tinanggap ko na ang kapalaran kong ito na baka talagang wala para sa akin dahil sa ako na lang ang mag-aalaga sa mga magulang ko pag tumanda na sila. Naging spectator na lang ako ng kaligayahan ng mga kaibigan kong may partner at naging masaya ako para sa kanila. Hindi ko na hiniling sa Kanya na bigyan nya ako ng bagong partner, kung ibigay man Nya ito ng kusa ay bonus na lang.
Tatlong taon na ang lumipas at simula nun ay hindi ko pa din nakikita si Justin. Wala na din akong balita sa kanya at sa pamilya nya. Hindi ko naman din kasi tinatanong sa mga common friends namin. Lagi kong naaalala si Justin sa tuwing uuwi ako pagkagaling sa klase. Lagi ko kasing nakikita yung bench na kung saan ay palagi ko syang hinihintay dati o kung minsan kapag sya naman ang naghihintay sa akin, ang dati naming meeting place na parang kumakaway sa akin sa tuwing makikita ko ito. Madami na ding nagbago sa akin sa loob ng tatlong taon, mas naging toned na ang katawan ko kumpara dati na medyo malaman ako at medyo pumuti din ako. Ang buhok kong dating parang Korean style ay naging maikli na. Binago ko ang panlabas na anyo ko, pero yung dating Max, ako pa din yun, hindi ko na binago.
January 12, 2013 ang birthday ni Justin, pagkatapos ng klase namin ay hindi ko maipaliwanag kung bakit napadpad ako sa chapel ng school. Hindi ko din alam kung ano ang nag-udyok sa akin para mag-offer ng mass para sa birthday nya, umattend ako ng misa at hiniling ko na sana ay maging masaya sya palagi. Kung tutuusin quota na ako sa taon na pagmove on kaya naging maluwag ang pakiramdam ko nung misa, marahil naka-let go na talaga ako sa nangyari sa amin ni Justin.
Pagkatapos ng misa ay umalis na ako, habang naglalakad papuntang carpark ay may tumawag sa akin.
“Max!” napalingon ako dahil sa pamiyar ang boses at hindi ako nagkakamali na kilala ko pala talaga sya.
“Max, kamusta? Sa wakas nakita na din kita” at niyakap ako ni Justin, hindi ako makapaniwala na nasa harap ko sya, kayakap ako, sa mismong birthday nya. Napayakap din ako sa kanya at nang maisip ko na magkayakap kami ay bigla akong kumalas.
“Bakit mo naman ako hinahanap? May utang ba ako sayo?” ang sarkastiko kong sabi sa kanya at medyo natawa din ako sa sinabi ko. Medyo hindi ko alam ang ikikilos ko nung panahong yun, yung taong hindi ko nakita sa loob ng tatlong taon ay nasa harapan ko na.
“Hindi, syempre wala, sya nga pala birthday ko kasi ngayon at naisip ko na magsimba dito, baka kasi makita kita dito, at eto na nga, teka ikaw ba yung nag-offer ng mass para sa birthday ko?” Ang sabi ni Justin, natulala ako nung mga panahong yun, hindi ko alam kung awkward ba o masaya din ako na nakita ko ulit si Justin.
“Ah kasi, naalala ko birthday mo ngayon, happy birthday ah, O sige na aalis na ako, Its nice to see you, you look great” at nginitian ko sya. Nang patalikod na ako ay pinigilan nya ako.
“Max, wag ka muna umalis? Kahit ngayon lang, tuwing birthday ko kasi hinihiling ko palagi na makita na kita, after three years eto natupad na yung wish ko. Sana magkausap naman tayo” ang sabi ni Justin. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Justin, hindi ko alam kung totoo talaga yun o hindi. Humarap ako sa kanya, ngumiti at sinabing,
“Justin, masaya na ako kung ano man ang narating mo ngayon, kayo ni Dave. Wag na natin gawing complicated ang lahat, ayoko ng gulo ok?” ang sagot ko sa kanya. Nakita ko na nanggigilid ang luha ni Justin at nakaramdam ako ng awa sa kanya.
“Matagal na kaming wala ni Dave, nakipaghiwalay sya nung nasa ospital pa ako dati nung maoperahan ako, totoo nga na may iba pala sya at ginamit lang nya ako” Nakita ko sa mukha ni Justin na malungkot sya at muli, bumalik sa akin yung pakiramdam na kailangan ko syang pasayahin.
“Tara, pag-usapan natin yan” ang sabi ko at umakbay sa akin si Justin papunta sa bench na malapit sa kinatatayuan namin. Habang nakaupo kami ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-uusap naming dalawa. Pagkatapos magkamustahan ay napansin ko na malaki din ang pinagbago ni Justin sa panlabas na anyo nya, naging malaki ang katawan nya at nagkaroon na sya ng konting bigote at balbas na bumagay sa kanya. Mas naging gwapo si Justin at mas lalo akong humanga sa kanya.
“Alam mo ba Max, araw araw kitang hinihintay nung nasa ospital pa ako, tinatawagan kita pero nagpalit ka ng number, pagkatapos nun hinanap kita sa mga dorm na tinirhan mo, pumunta pa kami ni Kuya sa Bulacan para makita at makausap ka pero hindi ko na nahanap yung bahay nyo, hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Hindi din naman kita masisisi kung bakit naging ganun ka sa akin, ang dami ko na kasing binigay na sama ng loob sayo, kaya sorry ha, sorry talaga sana mapatawad mo ako, kung meron mang bagay na pwede kong gawin para mapatawad mo ako ay gagawin ko” ang sabi ni Justin habang nakatingin sya sa akin.
“Justin, matagal na yun, three years na, napatawad na kita, kaya ako lumayo kasi gusto ko hanapin yung sarili ko, pakiramdam ko kasi nun hindi mo ako minahal, mas naging yaya ako sayo nun kesa partner kaya nasaktan ako kasi binalewala mo ako Justin” ang sabi ko at nakita kong tumulo ang luha ni Justin.
“Maniwala ka man o hindi, mahal kita dati pa, narealize ko lang na ikaw pala talaga yung mahal ko nung mga panahong mag-isa lang ako, naisip ko ikaw lang talaga yung nagmahal sa akin ng totoo, gago kasi ako eh kaya hindi ko yun nakita. Max, tuwing birthday ko hinihiling ko na mapatawad mo na ako at makita na din kita, at ngayon natupad na yun”
“Masaya ka ba na nakita mo ako?” ang sabi ko kay Justin at ngumiti ako.
“Oo naman, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya” at ngumiti din si Justin. Muli kong nakita ang ngiti sa mukha nya na parang natuwa din ako.
“Dapat masaya ka ngayon kasi birthday mo” at pareho kaming tumawa ni Justin. Naramdaman ko na parang katulad lang kami nung dati, parang hindi kami nagkalayo ng tatlong taon, magaan ang pakiramdam ko, hindi ko din maipaliwanag pero alam ko nung pagkakataong yun na masaya ako.
“Ano gusto mong regalo Justin? Tutal birthday mo naman ngayon pagbibigyan kita” at nginitian ko sya. Nabigla din ako sa mga sinabi ko, dahil sa naging kumportable na ako sa kanya ay parang bumalik yung dati naming samahan at kung paano kami mag-usap dati. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko pero hindi na pwede. Naisip ko na minsan din naman na naging importante sa akin si Justin kaya hindi naman imposible na pagbigyan ko sya lalo na’t birthday nya yun at may pinagsamahan naman kami dati.
“Ang wish ko sana sumama ka sa amin ngayon, bukod sa namiss kita, namiss ka din ng pamilya ko” ang sabi ni Justin sa akin. Natulala ako ng ilang segundo dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero nangibabaw sa akin yung dati naming samahan ni Justin kaya sumama na din ako sa kanya. Habang nasa biyahe ay nag-iisip ako ng dahilan na sasabihin ko kung bakit ako lumayo kay Justin at sa kanila.
Nang makarating kami sa bahay nila ay kabado ako. Pero nung makita ako ng mga kapatid nya ay niyakap pa nila ako at sinalubong din ako ng Kuya nya na mukhang masaya na nakita nya akong muli. Pagdating sa dining area ay tinawag ni Justin ang Mommy nya.
“Mommy, may surpise ako sayo, punta ka dito” at ngumiti sa akin si Justin. Maya maya pa ay pumunta sa kinatatayuan naming ang Mommy nya at nagulat sya na makita ako.
“Max! Anak!” at niyakap ako ng Mommy ni Justin, nagka-iyakan kami ng Mommy nya, dahil siguro sa tagal na hindi kami nagkita, napamahal na kasi sya sa akin at ganun din ako sa kanya. Inaya ako ng Mommy nya sa kitchen at nagkausap kaming dalawa.
“Max, anak bakit ka hindi na nagpakita sa amin? Alam ko na ang nangyari sa inyo ni Justin, sorry anak ha? Alam mo kung alam ko lang noon pa, ako mismo ang aayos nyan, basta promise mo ha di ka na mawawala?” ang sabi ng Mommy ni Justin sa akin at ngumiti ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng pamilya ni Justin sa akin.
Pagkatapos namin makapag-usap ay bumalik na kami sa dining area at masaya kaming nagcelebrate ng birthday ni Justin, sa isang iglap ay nawala ang lahat ng sama ng loob ko kay Justin, nakita ko kasi na pinagsisisihan naman nya yun at naging magkaibigan naman kami kaya madali ko na syang napatawad at madali ko na din nakalimutan yung mga hindi magagandang nangyari sa amin dati. Pagkatapos nun ay napagpasyahan ko nang umuwi at inihatid ako ni Justin sa condo. Bago pa man ako makalabas ng sasakyan nya ay nagpasalamat sya sa akin.
“Max, thank you ha, eto na yung pinakamasayang birthday ko, pero alam ko na baka hindi ka na kumportable na makasama ulit ako. Igagalang ko yun, sabihin mo lang”
“Happy birthday ulit! Alam mo na kung saan ako nakatira, ok na ako Justin, nakamove on na ako, tsaka dati naman tayong magkaibigan diba”
“Yun nga ang gusto kong itanong sayo na kung pwede ba tayo maging magkaibigan ulit?” ang sabi ni Justin.
“Pwede naman, bakit hindi” ang sagot ko sa kanya.
“Max, may partner ka ba ngayon?”
“Oo, meron, magdadalawang taon na kami” ang sagot ko sa kanya at tinignan ko ang reaksyon sa mukha nya.
“Ah ganun ba, sana hindi sya seloso, gusto ko kasing makabawi sayo” at naging medyo malungkot ang mukha ni Justin.
“I’m sure maiintindihan naman nya yun” at ngumiti ako sa kanya.
“Sige na Justin, good night and thank you”
“Thank you din, napasaya mo ako, ang Mommy ko at ang mga kapatid ko, isn’t it too much kung hingiin ko ang number mo?”
“Isesend ko na lang sa Facebook, iaaccept ko na ang friend request mo”
“Okay, good night!” ang sabi ni Justin at kumaway ako sa kanya. Hindi ko na inisip ang mga nangyari nung araw na yun dahil sa gusto ko nang matulog dahil sa pagod.
Kinabukasan ay inisip ko ang mga nangyari nung birthday ni Justin, naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Pero ayos na din yun at sa wakas naharap ko na yung mga bagay na iniwan ko ng tatlong taon. Mas naging buo ako nung panahong yun at masaya naman ako na nangyari ang mga nangyari, sa wakas, hindi ko na kailangan pang umiwas kay Justin.
Naisip ko din yung sinabi ko sa kanya na may partner na ako, oo nagsinungaling ako kay Justin, ayoko na kasi na merong mabuo na pagtitinginan muli sa aming dalawa, alam ko kasi na kung mangyari man yun ay ako pa din ang masasaktan sa huli, kumbaga ayoko nang sumugal pagdating kay Justin.
Bigla kong naisip yung kaklase ko na si Robin. Halos magkasing tangkad lang si Robin at si Justin, si Robin yung tipikal na pinoy sa panlabas na anyo, gwapo din si Robin pero medyo may pagka-mysterious syang tao. Una ko syang napansin nung unang araw ng klase namin, sinubukan kong kaibiganin sya pero mukhang ayaw nya sa akin. Halata mo naman kasi sa tao kung ayaw sayo o gusto ka, kaya tinigil ko na lang yun at nagpaka-civil na lang ako pagdating sa kanya, pero hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko si Robin, pero hindi ko na hiniling na mapansin pa nya ako, panigurado ay aasa lang ako.
Nakalimutan ko na iaccept ang friend request ni Justin sa Facebook kaya hindi ko na din naibigay yung number ko. Dahil sa sobrang busy ay bihira na lang ako makapag-Facebook at sa malamang ay hinintay ni Justin na iaccept ko ang friend request nya.
Minsan isang araw ay maaga kami natapos sa klase namin. Dahil hindi ako nakakuha ng research article mula sa aming prof ay naghintay ako para ibigay nya ito pagkatapos ng klase. Hindi ko namalayan na dalawa pala kami ni Robin na naghihintay sa room. Sinubukan kong makipag-usap sa kanya pero kung ano lang yung tanong ko yun lang din ang sagot nya, kaya tumigil na din ako. Pagkatapos maibigay sa amin ang article ay lumabas na ako at sa kamalas-malasan ay malakas ang ulan sa labas. Naupo ako sa bench at nakita ako ni Robin na papuntang carpark para kunin ang sasakyan nya. Nagkunwari na lang ako na hindi ko sya nakitang dumaan, wala din naman kasi mangyayari kung iaacknowledge ko sya, panigurado ay mapapahiya lang ako.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kanya at bigla nya akong kinausap, marahil naawa sya sa akin dahil kailangan ko pang magpatila ng ulan para lang makauwi.
“Max, tara sabay ka na sakin umuulan na kasi baka bumaha na dyan, tara” ang sabi ni Robin habang nakatingin sa akin. Nagulat ako sa mga pangyayari, si Robin na halos magfile na ng Temporary Restraining Order wag lang ako makausap ay eto nasa harapan ko at inaaya ako na sumabay sa kanya.
“Thank you pero hindi na, aantayin ko na lang tumila yan” ang sabi ko sa kanya sabay ngiti at nagkunwari ako na nagtetext ako.
“O sige sasamahan na lang kita, tutal wala ka naman nang kasama dito”
“Uy wag na, baka may importante ka pang lakad, tsaka kaya ko na ‘to, sige na” ang sabi ko at ngumiti lang si Robin sa akin.
“Oo nga pala, sorry ha kung hindi ako madalas makipag-usap sayo, nahihiya kasi ako sayo lalo na pag kasama yung iba nating kaklase”
“Ah, ganun ba, akala ko nga ayaw mo sa akin eh kaya naisip ko na baka naiinis ka sa akin, nahihiya ka lang pala, bakit naman?”
“Wala lang, di ko din maipaliwanag, ngayon lang ako nagkalakas ng loob makipag-usap sayo kasi dalawa na lang tayo dito”
“Ah ganun pala yung gusto mo yung tipong one on one ganun” ang sabi ko at nagtawanan kami. Simula nun ay tuloy tuloy na ang kwentuhan naming dalawa, kung titignan kami ay parang magkaibigan na kami kung magtawanan kami, hindi ko din maipaliwanag pero madali akong naging kampante kay Robin, marahil dahil sa gusto ko sya at mabait naman sya. Habang tumatagal ang usapan ay mas lalong nagiging kumportable na si Robin makipag-usap sa akin.
“Max, kamukha mo yung ex ko” ang sabi ni Robin sabay ngiti sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, napatulala din kasi ako sa kanya nung mga oras na yun. Marahil nagbibiro lang sya o kamukha ko talaga ang ex nya.
“Ah ganun, mukha na pala akong babae” at nagtawanan kami.
“Hindi, lalaki ex ko” ang sagot sa akin ni Robin. Nagulat ako at natawa sa sinabi nya.
“Nagugulat ako sa mga jokes mo” at natawa ako, pagtingin ko sa kanya ay nakangiti lang sya.
“Totoo, bisexual ako Max. Inaamin ko sayo ‘to kasi ramdam ko pareho tayo, kahit hindi ka halata sa kilos mo pero yung tingin mo sa akin dati alam ko na pareho tayo” ang sinabi ni Robin habang nakatingin pa din sya sa akin. Literal na napanganga ako sa mga sinabi ni Robin, hindi ko alam na nahalata na pala nya yung mga titig ko sa kanya dati na sinigurado kong ako lang ang nakakaalam, pero mali ako at naramdaman din nya pala yun. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Robin, di ko alam isasagot ko sa kanya kaya napangiti na lang ako.
“Ano, ngiti lang sasabihin mo sa akin?” ang sabi ni Robin.
“Ah, nagulat lang ako, wala ka kasing trace eh, kahit ni minsan ay hindi ko nahalata sayo yan, tsaka sorry nga pala ah kung napapatingin ako sayo baka dahil dun kaya ka siguro naiilang sa akin”
“Hindi naman, medyo intimidated lang siguro ako, sa gwapo mong yan kahit straight na lalaki maiintimidate din sayo” ang sabi ni Robin habang ngumingisi.
“Grabe ka naman, hindi naman siguro” ang sagot ko at nagtawanan kami. Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin ni Robin, masarap din pala syang kausap at di nawawalan ng bagong kwento. Madami din akong natutunan sa kanya at ganun din sya sa akin. Muli ay nakahanap ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Robin. Pumayag na din ako sa alok nya na sumabay na sa kanya pauwi at dahil pareho lang kami ng way ay ibinaba na nya ako mismo sa condo namin. Hindi ko naman inaasahan na pupuntahan ako ni Justin nung oras na yun at saktong naghintay sya sa ibaba dahil nalaman nya na wala pa ako sa unit kaya dun nya ako hinintay sa baba. Pagkababa ko ng sasakyan ni Robin ay nakita ko kaagad si Justin na nakasandal sa hood ng sasakyan nya at nakatingin sya sa akin at nakangiti, dahil sa napako ang tingin ko kay Justin ay bumaba na din si Robin para kunin sa backseat yung bag ko at iniabot sa akin. Lumapit naman si Justin sa amin ni Robin at pinakilala ko silang dalawa sa isa’t isa. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Robin at naiwan na kaming dalawa ni Justin.
“Sya ba? Buti hindi sya seloso at ayos lang sa kanya na binibisita kita?” ang sabi ni Justin habang papasok kami ng lobby.
“Hindi, open minded naman yun, wala sa kanya yun” ang sagot ko kay Justin habang nagaabang kami ng elevator.
“Ang swerte nya sayo, sana wag ka nya paiiyakin”
“Bakit naman? Oo swerte din naman ako sa kanya” ang sagot ko kay Justin at ngumiti, nginitian nya din ako pero hindi ganun ka-genuine yung ngiti nya.
“Hindi mo pa inaacept yung friend request ko at yung number mo”
“Ah oo nga pala, sorry madalang na kasi ako makapag-Facebook eh, akin na phone mo save ko na number mo” at inabot ni Justin ang cellphone nya.
Hindi ganun ka-sigla si Justin nung panahong yun, kaya dinaan ko na lang sa paraan na alam ko kung paano ko sya mapapasaya, hindi naman ako nabigo kasi alam na alam ko pa din kung paano ko sya mapapasaya. Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na si Justin sa akin na uuwi na sya. Hinatid ko sya sa labas namin at hinayaan ko muna syang makalayo bago ako pumasok ulit ng lobby.
Hindi pa nagtetext sa akin si Justin simula nung gabing nagpunta sya sa condo. Hindi ko din alam ang dahilan nya, marahil busy lang sya sa trabaho nya. Napag-alaman ko na nagtatrabaho si Justin sa isang sikat at international na engineering company, kaya marahil palagi syang busy dahil sa dami ng project na hawak nya. Gustuhin ko man syang itext ay hindi ko naman alam ang number nya, kaya hinayaan ko na lang at hinintay yung pagkakataon na itext nya ako.
Habang tumatagal ay hindi ko maiwasan na mahulog ang loob ko kay Robin, iba kasi ang hatak nya sa akin at naging kumportable na din kami sa isa’t isa. Mas naging madalas na kami magkasama tuwing break pag may klase at kung minsan naman kapag wala kaming pasok pareho ay nag-aaya sya manood ng sine. Nagkaroon muli ako ng bagong pag-asa pagdating sa pag-ibig. Pakiramdam ko kasi si Robin na yung bonus na binigay Nya sa akin. Dumating na din ako sa punto na hiniling ko na din na si Robin na nga, pero hindi agad ito naibigay at naramdaman ko na tanging pagkakaibigan lang talaga ang tanging maibibigay sa akin ni Robin.
Wala naman akong magagawa kung yun man ang gusto nyang mangyari, mahirap naman kasi ipilit yung bagay na hindi naman pwede o hindi sya willing na mangyari. Naging masaya na lang ako sa pagkakataon na nakilala ko ang isang tulad nya, na nagbalik sa akin ng salitang pagmamahal at ang pakiramdam nito.
Inenjoy ko lang ang pagkakataon na kasama si Robin, inamin nya din sa akin na matagal na syang may partner, muli ay nabigo nanaman ako, pero hindi naman ako masyadong naapektuhan dahil sa naanticipate ko na din ang bagay na yun. Sa gwapo kasi ni Robin ay imposibleng walang magkagusto sa kanya. Muli, ay pinamukha nanaman sa akin ng tadhana ang kapalaran ko na maging single na lang. Napangiti na lang ako habang iniisip ko ito at napa-iling sa mapait pero matamis ko pa ding tadhana.
Sa dinami-dami ng tao sa mundo, nalaman ko na si Dave pala ang partner ni Robin.
“Ang swerte talaga ni Dave, lahat nakukuha nya, lahat ng gusto nya” ang sabi ko kay Robin sa text. Hindi ko alam kung anong meron si Dave kung bakit lahat ng gusto ko ay nakuha na nya, simula kay Justin hanggang kay Robin. Kahit na ganun ay hindi naman nagbago ang pagtingin ko kay Robin. Wala naman kaming ginagawang masama kaya wala naming dahilan para mabago ang tingin ko sa kanya. Sinakyan ko lang ang nabuong pagkakaibigan naming dalawa, kahit wala na yung pag-asa ko ay tuloy pa din ako sa pakikipagkaibigan sa kanya.
Makalipas ang apat na buwan ay umalis na yung isa naming kaibigan sa condo. Kinailangan ng bagong housemate kaya naghanap ang mga kasama ko sa bahay. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Isang umaga mga bandang 8 AM habang ako ay naglalaba ay may kumatok sa amin, dahil ako pa lang ang gising ay pinagbuksan ko sya. Nagulat ako sa taong bumungad sa akin.
“Uy! Anong ginagawa mo dito?” ang pambungad ko kay Justin.
“Pwede bang pumasok?” ang sabi nya habang nakangiti sa akin.
“Oo naman, bakit? Anong meron? Napadalaw ka?” ang sagot ko sa kanya at nakita ko ang dala nyang bag na malaki na parang nakuha ko na ang ibig sabihin.
“Ako kasi yung bagong housemate nyo. Pinsan ko si Jake (housemate namin) at nasabi nya sa akin na kailangan nyo daw ng bagong housemate” ang sabi nya habang nakaupo sa sofa.
“Ah ganun ba, ang layo ng Quezon City (bahay nila) ha at lumipat ka pa talaga dito” ang sabi ko sa kanya.
“May project kasi kami dyan sa Welcome Rotonda kaya ako lumipat dito para malapit ako sa site, ok lang ba, Max?”
“Oo naman, hindi naman sakin ‘to eh” ang sagot ko sa kanya at ngumiti lang sya sa akin.
“Sige na pwede ka na pumasok dyan sa kwarto nila Jake, hindi naman naka-lock yan kasi may dadating daw yung bago naming housemate na ikaw pala” ang sabi ko sa kanya.
“Make yourself comfortable, bahay mo na din ‘to, sige iwan na muna kita, maglalaba na muna ako” ang sabi ko ulit kay Justin at pumunta na sa likod ng unit namin para ipagpatuloy ang paglalaba. Hindi ako makapaniwala sa dami ng condo sa Manila na for rent ay dito pa napunta si Justin. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero alam ko na may purpose ang pangyayaring ito sa buhay namin.
Naging maganda naman ang pagtanggap ng mga housemates ko kay Justin, magaling kasi sya makasama kaya hindi sya nahirapan mag-adjust. Samantalang ako naman ay naninimbang sa magiging pakiramdam ko sa pagtira nya sa amin. Kung tutuusin ay pwede naman akong lumipat ng iba kaya lang kumportable na kasi ako sa condo na tinutuluyan ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na sakyan na lang ang pagkakataon at huwag na muling mahulog kay Justin.
Struggle sa akin na makita araw araw si Justin. Mahirap din pala na bumuo ng pagkakaibigan na nasira na dati. Naramdaman ko naman na bumabawi sa akin si Justin. Siguro nga hindi na bagay na maging magkaibigan kami ulit dahil sa hindi ko maiwasang maibalik yung nakaraan namin. Nahalata naman ni Justin ang naging turing ko sa kanya kaya hindi na nya ako masyadong nilalapitan. Tinitext din nya ako pero pinili ko na huwag na syang replyan at nagsosorry na lang ako sa kanya sa hindi ko pagreply sa kanya sa tuwing magkakasalubong kami sa loob ng unit.
Lumipas ang mga buwan at dumating ang birthday ko. Tinanong ni Justin kung pwede daw ba ako umuwi ng maaga dahil ipaghahanda daw nya ako, yung mga bagay na ako ang gumagawa para sa kanya dati ay sya naman ngayon ang gumagawa para sa akin. Na-touch ako sa gesture nya at ipinangako na uuwi ako ng maaga mula sa trabaho. Naging masaya naman ang birthday ko kahit na may pasok ako, hindi ko lang inasahan na magkikita kami ni Robin nung pauwi na ako at inaya nya ako mag-dinner. Nawala sa isip ko ang usapan namin ni Justin at ginabi na ako ng uwi. Naalala ko lang nung nasa lobby na ako ng condo namin. Pagpasok ko sa condo ay nakaupo si Justin sa dining area at nakatingin lang sya sa akin.
“Sorry Justin! Nagkaayaan kasi”
“Hindi, ok lang, kung kasama mo naman si Robin diba, ano naman ang laban ko sa kanya” ang sabi ni Justin habang nakatingin sa akin ng seryoso.
“Paano mo nalaman?”
“Pinuntahan kasi kita sa school, nakita ko kayong paalis ni Robin, sana sinabi mo na lang Max para ‘di na ko nag-effort”
“Sino ba kasi nagsabi sayo na maghanda ka? Thank you na din, baka sabihin mo hindi ko naappreciate yan” ang sarkastiko kong sabi kay Justin
“Oo nga eh, bakit ba kasi ako nagpapakatanga sayo!” ang pasigaw na sabi ni Justin.
“Justin, hinaan mo boses mo natutulog na sila”
“Eh ano naman kung malaman nila?!”
“Justin”
“Max, bakit ganyan ka na sa akin?”
“Ngayon, alam mo na pakiramdam ko dati, doblehin mo pa yang nararamdaman mo ngayon ganyan ang pakiramdam ko dati” at pumasok na ako sa kwarto. Hindi din ako makapaniwala sa mga sinabi ko, kahit na masakit pakinggan ay kinailangan ko itong sabihin kay Justin. Pagkatapos kong maligo ay kumatok si Justin sa pinto.
“Max, Max, I’m sorry, buksan mo ‘to” ang sabi ni Justin habang kumakatok. Pinagbuksan ko sya at bigla syang pumasok at sinara nya ang pinto.
“Justin, lumabas ka na muna, bukas na tayo mag-usap, pagod ako”
“Max, pag-usapan natin ‘to please, ayoko nang mawala ka ulit sa akin”
“Tumigil ka na, bukas na lang” ang sabi ko sa kanya at tumalikod na ako sa kanya. Bigla akong hinatak ni Justin at sinandal sa pader. Hinalikan nya ako sa labi at nagulat ako.
“Justin!” ang pagpigil ko sa kanya. Habang tinutulak ko sya ay ramdam na ramdam ko ang halik nya sa leeg ko na halos ikabaliw ko. Mas lalo nya akong idiniin sa pader at nawalan ako ng control. Yung mga braso ko na tumutulak sa kanya ay nakayakap na sa kanya ngayon bilang pagsang-ayon ng katawan ko sa nangyayari sa amin. Ibinaling ni Justin ang halik nya sa labi ko at mas lalo akong napayakap sa kanya, mas mahigpit ang naging yakap ko sa kanya, gumapang ang kamay ni Justin sa likuran ko at mas lalo nya akong kinabig palapit sa katawan nya. Iba ang pakiramdam ng panahong yun, yun kasi yung unang pagkakataon na hinalikan ako ni Justin.
Maya-maya pa ay hinubad ni Justin ang suot nyang t-shirt at nilagay nya ang kamay ko sa katawan nya. Ramdam na ramdam ko ang kakisigan nya at naramdaman ko din na ibinababa na ni Justin ang kamay nya sa pwet ko. Nagpaubaya lang ako kay Justin hanggang sa nakahiga na kami. Para nya akong dinala sa langit nung umibabaw sya sa akin at simula nun ay hindi na matapos-tapos ang sarap na nararamdaman namin. May nangyari sa amin ni Justin ng gabing yun at sya ang naka-una sa akin. Hindi ako nasaktan sa ginawa namin marahil gusto ko din ito kaya sumang-ayon din ang katawan ko. Pagkatapos nun ay nakatulog na kaming dalawa sa pagod, doon ko naramdaman ang lahat ng una ko kay Justin, ang halik, ang pagtatalik at ang pagtulog na magkatabi kami. Doon ko din naramdaman na iba na pala ang turing sa akin ni Justin, mas higit na sa pagiging kaibigan at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya, doon ko lang din naramdaman na matulog sa braso nya, sobra-sobrang regalo ang natanggap ko mula kay Justin nung gabing yun at masaya ko itong tinanggap.
Kinabukasan ay nagising ako na nakayakap sa akin si Justin, wala syang damit pang-itaas at ang malaki nyang braso ay nakabalot sa akin na parang pinoprotektahan ako, tinignan kong mabuti ang mukha ni Justin at hinaplos ko ito. Ang taong minsan ay naging akin at minahal ko ay heto sa harapan ko nakayakap sa akin, muli ay naging malinaw na sa akin ang lahat, after all these years ay mahal ko pa din pala si Justin.
Nang magising si Justin ay hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan nya ito habang nakatingin sa akin. Ibang Justin na ang kaharap ko, mas naging matured na sya at ramdam ko na mahal pa din nya ako. Bumalik din sa akin yung takot na masaktan nya ulit ako, kaya napagdesisyunan ko na ituring one night stand lang ang nangyari sa amin at huwag na palakihin ito. Isa pa ay alam nya na kami ni Robin at panigurado ay titigilan na nya ako pagkatapos ng nangyari sa amin.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mas naging attached na ako kay Justin na pilit kong nilalabanan. Siguro ganun talaga yung pakiramdam pag may nangyari na sa inyo ng isang tao. Mahirap man para sa akin na nangyayari ang mga bagay-bagay ay hindi ko naman maitatanggi ang saya na nakukuha ko mula kay Justin.
Nagkausap kami ni Robin minsan sa school, nalaman ko na hiniwalayan na nya si Dave dahil daw nahuli nya ito na may kahalikan nung minsang dinalaw nya ito sa bahay nila. Nagulat din ako nang sabihin sa akin ni Robin ang mga sumusunod.
“Alam pala ni Justin na ako ang boyfriend mo?” at natawa sya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya hindi ako agad nakapagsalita.
“Sorry ha, caught off guard kasi ako nung panahong yun” ang nahihiya kong sagot kay Robin.
“Hindi, ok lang yun, kung kailangan mo naman ng kunwariang boyfriend ok lang ako dun, no problem” ang sabi ni Robin habang tinatapik-tapik nya ako sa balikat.
“Paano mo nalaman? Nakakahiya talaga baka sabihin mo assuming ako, sorry talaga, Robin”
“Kay Justin, Tsk! Sabi nang ok lang eh, saka isa pa, single naman na ako, who knows? Eh paano kung tanungin kita na kung pwede ka bang ligawan?” ang sabi ni Robin at natawa kaming dalawa.
“Wala pang April Fools’ day Robin” ang sagot ko sa kanya at tuloy lang kami sa tawa.
“Eh paano kung seryoso ako?” ang sabi ni Robin habang nakatitig sya sa akin. Alam ko na seryoso si Robin at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
“Robin, kung alam mo lang, wala nang ibang pwedeng magmahal sa akin bukod sa mga kaibigan at pamilya ko, hindi ka magiging masaya sa akin”
“Masaya naman ako pag kasama kita, diba yun naman ang importante?”
“Siguro” ang mabilis na sagot ko kay Robin.
“Malamang nabibigla ka lang sa sinabi ko, baka kasi maunahan na ako ng iba eh, o ni Justin” ang sabi ni Robin at medyo natawa ako sa sinabi nya.
Nagkaroon muli ako ng pag-asa na baka nga maaaring meron pa din na pwede magseryoso sa akin, halos maniwala na ako na wala ngang pwedeng magseryoso sa akin, na ang partner ay nandyan para magmalasakit sayo bilang isang kaibigan, pero yung tipong mamahalin ka talaga, malabo. Inalis ni Robin sa akin ang ideya kong yan at muli ay sumigla ako, umasa na balang araw ay mararamdaman ko din yung pagmamahal na ako lang ang nagbibigay dati.
Habang tumatagal ay mas lalo kaming napapalapit ni Robin, pero hindi din naman mai-alis sa akin na isipin si Justin, kahit papaano ay ayoko din syang nasasaktan sa mga ginagawa ko. Magulo ang isip ko nung mga panahong yun, gusto kong bigyan ng pagkakataon si Robin pero gusto ko din na sumugal ulit ako kay Justin. Mahirap manimbang sa dalawang tao na ang halaga sayo ay parehas lang, hindi lahat ay umaabot sa ganitong punto na kailangan mong mamili sa dalawa, masasabi ng iba na maswerte ka dahil dalawa ang nagkakagusto sayo pero sa totoong buhay ay mahirap din pala, kung pwede nga lang ay takasan ko na lang bakit hindi, pero kaligayahan ko ang nakasalalay dito kaya kailangan ko din itong pagtuunan ng pansin. Ayoko naman kasi tumanda na puro pait at galit lang ang maaalala ko sa mga nagmahal sa akin.
Minsan ay nagkausap kami ni Justin sa terrace ng unit namin.
“Max, matagal ko na gusto itanong sayo na kung pwede ba natin ibalik yung dati natin?”
“Ok ka lang? Paano si Robin?” ang sabi ko sa kanya kahit na alam ko na kinausap nya si Robin tungkol sa amin at nagkunwari akong walang alam sa nangyaring pag-uusap nilang dalawa.
“Alam ko na, hindi naman talaga kayo ni Robin”
“Alam mo na pala” at napangiti ako.
“Baka hindi mo alam, o hindi mo nga alam, nagdedate na kami ni Robin ngayon” ang sabi ko ulit sa kanya at tinignan lang nya ako ng seryoso.
“Kilala mo ako, Max, hindi ako basta basta nagpapatalo” at ngumiti sya sa akin.
“Wag na, magkakasakitan lang tayo, buti nga naibalik pa natin ‘to yung ganito na nakakapag-usap tayo, ayoko na Justin, madami pa dyan, sila na lang wag na ako”
“Ganun na lang yun? Susuko ka lang sa akin? Max ibang tao na ako ngayon, di ko na ulit gagawin yun sayo, hinintay kita ng tatlong taon”
Umiling ako at sinabing,
“Justin, tama na, hayaan mo naman akong maging masaya kay Robin, gusto ko lang maging masaya pwede ba yun?”
“Sabagay, ano nga naman ba ang maibibigay ko sayo, sama ng loob, ayoko pa sanang bumitiw sayo pero isang sabi mo lang susundin kita”
“Ngayon, sasabihin ko na, Justin, tama na, wag ako” at tinignan ko si Justin. Nakatingin lang sya sa malayo at hindi kumikibo.
“Sige, sabagay ganito din naman yung ginawa mo para sa akin dati, magpaparaya ako kasi gusto kitang maging masaya. Akala ko kasi maibabalik ko pa yung dati natin, araw-araw ako nagdadasal na sana maibalik ko, pero hindi na napagbigyan. Ngayon alam ko na yung pakiramdam mo noon, sorry ha. Sayang talaga, pero kung ito yung magpapasaya sa Max ko, ibibigay ko ito sayo nang maluwag sa dibdib ko”
“Thank you, masaya ako na naririnig ko yan sayo ngayon” at nginitian ko si Justin.
Pagkatapos ng pag-uusap naming yun ay palagi na nya akong iniiwasan. Naging civil ang trato nya sa akin, akala ko ay magiging pabor ito sa akin pero hindi din pala, mas naging mahirap sa akin na iniiwasan nya ako.
Umabot ito sa isang buwan at na hindi na ako masyadong pinapansin ni Justin, minsan naabutan ko sya na palabas para bumili ng ulam, saktong madami ang ulam ko at paborito pa nya, ang sinigang na baboy na niluto pa sa bahay namin sa Bulacan. Tinawag ko si Justin at inayang kumain.
“Justin, tara na wag ka na bumili ng ulam, madami ‘to luto ni yaya, paborito mo, sinigang” tinignan lang ako ni Justin at sinabing,
“Maasim ba yan?”
“Syempre, yung saktong asim na gusto mo, tara na” at lumapit si Justin papuntang dining area at kinuha ko sya ng plato. Habang kumakain kami ay natuwa ako na pinapansin na ulit ako ni Justin, napansin ko din na medyo matamlay sya kaya kinausap ko din sya.
“Mukhang matamlay ka? May sakit ka ba?”
“Wala naman, pagod lang siguro, daming project eh”
“Wag mo papabayaan sarili mo, baka mabawasan pagkagwapo mo, sige ka” ang sabi ko kay Justin at nagtawanan kami.
“Wala na useless na ‘tong kagwapuhan ko, hindi na ako gusto ng mahal ko” ang sabi ni Justin at ngumiti sya sa akin at nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan pa ako ni Justin na magligpit ng kinainan namin, dito ay naitanong nya sa akin kung kamusta na kami ni Robin.
“Ok naman kami, hindi pa kami mag-on, baka hindi na yata mangyayari yun”
“Bakit? Niloloko ka ba ni Robin?”
“Hindi naman, gusto nya kasi magkakilala pa kami ng mas mabuti”
“Ah” ang sabi ni Justin. Pagkatapos nun ay bumalik na si Justin sa kwarto nila at nakita ko sya na nag-aayos ng damit. Hindi ko na sya inusisa at pumasok na din sa kwarto ko.
Kinagabihan ay lumabas kami ni Robin, kumain kami ng dinner at dito ay parang mas nakilala ko ng mabuti si Robin. May pagka-possessive na tao si Robin, gusto nya ay nasa kanya lang ang attensyon ko at palagi akong makikinig sa mga kwento nya, na malayong malayo kay Justin. Tinanong nya din ako na kung pwede akong lumipat sa inuupahan nyang condo sa Mandaluyong, na malayo na sa school at panibagong adjustment sa mga housemates nya, tinanggihan ko sya ng maayos pero nagalit sya sa akin, doon ko lang nakita yung isang side nya na mainitin ang ulo, pinagsalitaan pa nya ako ng masasakit na salita kagaya ng parausan lang daw ako ni Justin. Nagulat at nasaktan ako sa mga sinabi nya kaya hindi na lang ako nagsalita at nang makaalis kami ng restaurant ay nag-aya na akong umuwi at nang tumanggi sya ay nagpaalam na ako at sumakay ng taxi. Sobrang sama ng loob ko sa mga narinig ko sa kanya. Nang makarating ay bumaba ako na saktong papalabas din ng condo si Justin kaya sinalubong nya ako, napansin nya siguro na masama ang timpla ko kaya sinalubong nya ako.
Maya maya pa ay dumating din si Robin na nagsosorry sa akin, nagalit si Justin dahil naramdaman nya na may nangyaring hindi maganda.
“Tarantado ka anong ginawa mo?” ang sabi ni Justin kay Robin na papalapit sa amin
“Justin” ang pagpigil ko sa kanya.
“Wag ka makialam dito ah” ang sabi ni Robin kay Justin
“Gago ka pala eh!” at tinulak ni Justin si Robin, nagulat ako sa mga pangyayari kaya pinigilan ko na lang si Justin at nakita ito ni Robin.
“Ah, kampi ka pala dyan, ok sige, lolokohin ka lang nyan, tatawa na lang ako pag nangyari yun, pagbibigyan kita na bumalik sa akin pag nangyari yun, magmakaawa ka lang” ang sabi ni Robin sa akin. Hindi na ako kumibo dahil sa ayoko nang humaba pa ang gulo. Pasalamat na din ako kay Justin na pinagtanggol ako. Ang taong inakala ko na magpapadama muli sa akin ng pagmamahal ay ibang klaseng tao pala.
“Ulol!” ang sabi ni Justin habang pasakay na ng kotse si Robin.
“Tara na” at inabot ni Justin ang kamay nya sa akin. Nang makarating kami sa loob ng unit namin ay hindi ko napigilang umiyak, pinapasok ko si Justin sa kwarto ko para hindi ako makita ng iba naming housemates na umiiyak, dito ay kinomfort ako ni Justin at naramdaman ko ang pagmamahal nya sa akin. Sa huli, kahit na nasaktan ako ni Justin ay sya pa din ang taong nandyan para sa akin, kung hindi lang kami nagkalayo ng tatlong taon, malamang nagcecelebrate na kami ng ika-apat na anniversary namin, pero sabi nga nila ang mga bagay ay nangyayari para turuan tayo ng leksyon, at natutunan ko na ang buhay ay hindi pala puro tawa at ngiti, minsan kailangan mo ding umiyak at mag-isa para malaman mo na may taong dadating para patahanin ka at samahan ka. Naging malinaw na sa akin ang lahat na minahal din pala ako ni Justin, mas higit pa sa pagmamahal na naibigay ko sa kanya.
Nagkikita pa din kami ni Robin sa school pero hindi na kami nagpapansinan, dahil sa nagkaroon kami ng pagtatalo at siguro ay nakita din nya kung gaano ako kamahal ni Justin kaya tumigil na din sya. Sa totoo lang mabait naman talaga si Robin, baka may pinagdadaanan lang sya nung panahong may nangyari na hindi maganda sa amin, kung sabagay lahat naman ng tao ay may negative na ugali at dapat lang na tanggapin yun dahil hindi naman tayo perpekto bilang tao. Hindi na ulit kami nagkita ni Robin pagkatapos ng semester na yun dahil hindi na din sya nag-enroll nung sumunod na semester. Nalaman ko na ipinagpatuloy ni Robin ang pag-aaral nya sa Los Angeles at hindi na babalik ng Pilipinas.
Nasa 4th Year na kami nun at malapit na kaming mag-internship, binigyan ako ng suporta ng mga Tita ko sa States at sasagutin daw nila ang tatlong buwan kong pag-iintern doon, sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ito, mapapalayo kasi ako kay Justin at ayokong mangyari ito.
Makalipas ng isang buwan ay napagpasyahan ni Justin na umalis sa condo. May tatlong linggo na lang kasi sya dito sa Pilipinas bago sya ipadala sa London para sa isang project, ipinagpaalam pa nya ito sa akin at hindi ako nagpakita na tutol ako sa pag-alis nya sa condo. Napagpasyahan nya na umuwi sa kanila para makasama ang pamilya nya bago man lang sya umalis papuntang London at dahil tapos na din ang project nila sa Welcome Rotonda kaya napagpasyahan na din nyang umalis na sa condo. Nalungkot ako nang nangyari ito, kung kelan naman kasi nagkakamabutihan na kami ay sya naman ang mawawala, naisip ko na maaring hanggang magkaibigan na lang yata kami, kahit na masakit para sa akin ay tinanggap ko na din ang posibilidad na ito.
Napansin din ng mga housemates ko na matamlay ako, hindi ko kasi maiwasan na hindi isipin si Justin, akala ko noon ay mas magiging madali na sa akin kapag umalis na si Justin sa condo pero hindi pala.
Habang tinitignan ko ang mga pictures naming dalawa sa cellphone ko ay hindi ko maiwasan na mamiss si Justin, maya-maya pa ay tinext ako ng Kuya nya na kung pwede daw ba ako bumaba ng condo, nang tinignan ko ay nasa baba ang Kuya nya at kinawayan ko at mabilis akong bumaba.
“Kuya, napadalaw ka?”
“Dumaan kasi ako sa school nyo kanina, wala daw kayong pasok kaya dito na ako pumunta, ibibigay ko lang sayo ‘to” at inabot sa akin ng Kuya ni Justin ang isang malaking sketch pad.
“Para saan ‘to Kuya?”
“Kay Justin yan, nakita ko kasi sa unit ko nakalagay sa cabinet, dyan nakasulat ang lahat ng kailangan mong malaman, baka makatulong yan sa inyo, I hope” at ngumiti sya sa akin
“Thank you Kuya” ang sabi ko sa kanya at ngumiti din ako. Pagkatapos nun ay nagpaalam na sya sa akin at umalis na. Pagkaakyat ko sa amin ay binasa ko ito agad, dito nakasulat ang lahat ng frustrations ni Justin nung panahong hinahanap pa nya ako, dito din nakasulat yung mga bagay na hindi nya nasabi sa akin, nang matapos ko basahin ang lahat ay napatunayan ko na, mas higit pa pala yung pagmamahal ni Justin sa akin kesa sa pagmamahal ko sa kanya, dito ko din nabasa ang sinulat ni Justin
“Kung mapagbibigyan lang ulit ako ng pagkakataon na mapasa-akin ka ulit, pakakasalan kita, gusto ko that time, ikaw naman yung papasayahin ko, ipadadama ko sayo kung gaano kita kamahal, at kelan man ay hindi na ko gagawa ng mga bagay na makakasakit sayo”
Naiyak ako nang mabasa ko ang linyang yan. Meron ding nakasulat na kanta na Takipsilim na kung saan hinighlight ni Justin ang mga katagang ito
“Aabangan ko na lang ang pagbalik mo, aabangan ko lang na mabuo ang puso mo, aabangan ko na lang kahit papaano, aabangan ko na lang, masaya na akong ganito”.
Gustuhin ko mang pigilan si Justin na umalis ay hindi ko na nagawa, gusto ko din sabihin sa kanya na mahal ko pa din sya pero natatakot na ako sa rejection na maaari kong makuha sa kanya, baka kasi nagbago na ang pagtingin nya sa akin dahil sa mga nangyari, kahit na ganun ay naging positibo pa din ako na magiging masaya pa din ako, sa tamang panahon at sa piling ni Justin.
Nakapag-usap kami ni Justin limang araw bago ang flight nya. Dito ay sinabi ko sa kanya ang lahat ng dapat nyang malaman mula sa akin, kung gaano ko sya kamahal. Nanghinayang ako dahil sa napalagpas nanaman namin yung pagkakataon na maging masaya kami pareho, pero natanggap ko na din na baka hanggang dun na lang talaga kami, naging masaya ako sa muli naming pagkikita makalipas ang tatlong taon at ito na lang ang pinanghawakan ko kay Justin, na mahal din nya ako at ang pangako nya na hinding-hindi na nya ako iiwan.
Nang dumating ang araw na paalis na si Justin ay naka-schedule na akong pumunta ng Boracay, baka kasi dito ay makalimutan ko ang sakit na muling pagkakalayo namin ni Justin. Nakapag-usap na kami sa telepono nung umaga bago ako umalis at para sa akin ay ayos na yun, kung dadating man ang panahon para sa amin ni Justin ay masaya akong maghihintay para dito.
Palubog na ang araw nung makarating ako sa Boracay, naiyak ako nang maalala ko si Justin, pero tinatagan ko ang loob ko nang maalala ko ang mga sinabi nya sa akin, alam ko sa sarili ko na kailangan kong maging matatag hanggang sa pagbabalik nya.
Kinagabihan habang nakaupo ako sa buhangin ay may lumapit sa akin.
“Sir, may nagpapabigay po” at inabot sa akin ng waiter ang dalawang baso ng mango juice, bigla kong naalala si Justin dahil sa favorite nya ito.
“Bakit dalawang baso? Sino nagbigay?” ang sabi ko sa waiter habang nilalapag ang mga baso sa tabi ko.
“Yan po kasi yung order, Sir, ayaw po magpakilala eh” ang sagot nya sa akin.
“Ah ganun, sige pakisabi na lang thank you” ang sagot ko at nagpaalam na sya. Hindi ko pa man naiinom ito ay lumapit nanaman ang waiter na may dalang finger foods.
“Sure kang sakin talaga ‘to?” ang pabiro kong sabi sa waiter.
“Opo Sir, dito ko daw po ideliver sabi nung nag-order”
“Ah ganun, pakisabi naman na tama na kamo kasi hindi ko mauubos lahat yan, thank you ah” at nginitian ko ang waiter. Pagkaalis ng waiter ay tinignan ko ang lahat ng mga pinadala sa akin na pagkain, hindi ko alam kung may nagtitrip sa akin o sadyang generous lang sya at binigyan ako ng makakain.
“Sir, excuse po, eto po ulit padala sa inyo” ang sabi ng waiter at may dala syang maliit na chocolate mousse na cake at dalawang bottled water. Imbis na mainis ay napangiti na lang ako sa mga pinadala sa akin nang tanungin ko ang waiter kung nasaan yung nagpapadala ay biglang nawala ito sa kinatatayuan nya.
“Nandun lang po nakatayo Sir kanina, nawala na po, baka po umalis na, sige po sir, enjoy po” ang pagbati sa akin ng waiter.
Habang iniinom ko ang mango juice ay may nagsalita ulit.
“Sir, may bagong padala po” at nagulat ako, dahil sa umiinom pa ako ay hindi na ako nakalingon pa at sinabi ko na lang na,
“Lahat na yata inorder nya para ipadala dito sa akin ah” ang sabi ko at ibinababa ko na ang iniinom ko at nilingon ko na sya, pagkalingon ko ay hindi ko inasahan ang nakita ko, ang akala kong waiter ay ibang tao na pala.
“Justin!” ang sabi ko at bigla akong napatayo. May hawak na blue roses si Justin nung panahong yun at nakangiti sya sa akin at nagyakapan kaming dalawa, sa totoo lang ay wala na kaming pakialam nun sa mga nakakita sa amin ng mga oras na yun.
“Ano nangyari bakit andito ka pa?” ang sabi ko sa kanya at inakbayan nya ako at naupo kaming dalawa.
“Hindi pa kasi tayo nagpapaalaman ng maayos kaya pinuntahan kita dito, talagang nagpa-rebooked ako para makasama naman kita kahit isang buong gabi” at nginitian nya ako pagkatapos nun ay natahimik kaming dalawa.
“Nanghihinayang ako Max, na hindi na natin naipagpatuloy yung sa atin” at nanginig ang boses ni Justin at nanggilid ang luha nya. Napatingin lang ako sa kanya at inakbayan ko sya.
“Alam ko na lahat ngayon, gusto ko lang din malaman mo na minahal kita katulad ng pagmamahal mo sa akin”
“Paano mo nalaman?” ang tanong ni Justin sa akin.
“Nabasa ko lahat” at nginitian ko sya. Napangiti din si Justin sa akin sa inamin ko sa kanya.
“Masaya ako na naririnig ko yan sayo, Max, pero kahit naman na hindi mo sabihin yan alam na alam ko naman yan, naramdaman ko eh” ang sabi ni Justin.
“Gaano ka katagal sa London?” ang tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam, baka isang taon”
“Galingan mo dun Justin, make us proud”
“Oo naman” ang sabi ni Justin at natahimik ulit kaming dalawa. Nang malapit na namin maubos ang mga pagkain na pinadala nya kanina ay inaya nya ako,
“Tara” at inabot ni Justin ang kamay nya sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Hinila ako ni Justin papalayo sa kinauupuan namin kanina at nakarating kami sa hotel na tinutuluyan nya. Maganda ang nakuha nyang kwarto na may veranda na overlooking sa beach. Dun nya ako dinala at dun namin pinagpatuloy ang naputol namng pag-uusap.
“Masaya ako na kasama kita ngayon, pero alam ko na hanggang ngayon lang ‘to, Max, gusto kong sabihin sayo, kahit na alam mo na ‘to, mahal na mahal kita” at niyakap ako ni Justin nang mahigpit. Napaiyak ako sa ginawa at sinabi ni Justin.
“Mahal na mahal din kita” ang sabi ko sa kanya. Kumalas sya sa pagkayakap namin at tinignan nya ako.
“Sayang Max, hindi na napagbigyan yung sa atin, ang ipinagdadasal ko lang na sana maging masaya ka sa buhay mo, nagpapasalamat din ako na nagkita at nagkasama ulit tayo at naging magkaibigan ulit tayo” ang sabi ni Justin at hindi ko na napigilan na umiyak sa harap nya.
“Ipangako mo sa akin Max, na magiging doktor ka at magiging masaya ka kahit na wala ako, gusto ko magmahal ka ulit ng iba” ang sabi ni Justin at hinawakan nya ako braso. Hindi na ako makapagsalita dahil sa kakaiyak at napatango na lang ako kay Justin.
“Hindi kita makakalimutan Justin, ipagpatuloy mo ang buhay mo sa London, ipangako mo din sa akin na magiging masaya ka ha?” ang sabi ko kay Justin. Tumango sya sa akin at naluha. Maya-maya pa ay pinunasan ni Justin ang mga luha ko at sinabing,
“Tama na, Max. Gusto ko maging memorable ‘tong gabi na ‘to para sa atin, pero bago yun pwede mo ba akong yakapin?” ang sabi nin Justin at bigla ko syang niyakap ng mahigpit. Hinalikan ako ni Justin sa noo at muli ay naramdaman ko ang pagmamahal ni Justin sa akin.
Pagkatapos nun ay lumabas kaming dalawa at nagswimming kami. Ang kaninang malungkot na pag-uusap namin ay napalitan na ng mga tawanan. Masaya ako ng mga sandaling yun na kasama ko si Justin, gusto kong wag na matapos ang gabi pero alam ko din naman na lahat ay may hangganan. Noong gabing yun ay natangap ko na din na baka nga hindi kami para ni Justin sa isa’t isa. Kahit na hindi man naging kami sa huli ay masaya naman ako na muli naming naibalik ang pagkakaibigan namin. Napatunayan ko din sa sarili ko na meron din palang taong pwedeng magmahal sa akin. Siguro nga hindi na namin kailangan na maging magkarelasyon ni Justin para maging masaya, yung pakiramdam lang na nandyan sya palagi ay ayos na sa akin.
Natulog kaming dalawa ni Justin na magkatabi, pero kakaiba ito dahil sa walang nangyari sa amin at dahil dun ay mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal nya sa akin. Ang closure na hindi kami nagkaroon noon ay nasakatuparan na nung gabing yun. Kahit na iiwan nya ako ay masaya ako para sa kanya na matutupad nya ang mga pangarap nya para sa sarili nya at para sa pamilya nya.
Kinaumagahan ay umalis na si Justin. Hinatid ko sya at siguro yun na ang pinakamasayang “farewell” na nangyari sa buhay ko, alam ko na kasi na mas madami pang magagandang mangyayari kay Justin kahit na wala ako, yun ang pinanghahawakan ko kay Justin at ang pinakaimportanteng pangako nya sa akin, na mahal nya ako. Bago sya umalis ay hinalikan nya ako sa pisngi at sinabi nya sa akin na,
“Next time, hindi na goodbye, just see you around na lang” at nginitian ako ni Justin. Kumaway ako sa kanya at ngumiti, gusto ko kasi ay yun ang maging huling alaala sa akin ni Justin.
Sinubukan kong wag malungkot sa pangyayaring ito sa buhay ko. Ipinangako ko din kasi kay Justin na magiging masaya ako kahit na wala sya sa tabi ko.
Naging mabait sa akin ang tadhana at hindi ako pinabayaan nung kinagabihang yun. Habang ako ay nakaupo sa isang bar doon ay nakilala kong muli si Matt.
Nakilala ko na si Matt noon sa isang birthday party ng isang kaibigan. Pinsan sya ng isa sa mga kaibigan ko noon sa medical school. Nag-aral si Matt sa isang medical school na ang simbolo nila ay agila. Nakita ko kay Matt si Justin, medyo pormal nga lang sya at yung tipong almost perfect na pisikal na anyo. Hindi ganun kaputi si Matt pero bagay sa kanya ang kulay nya at matangkad din sya.
Hindi nagkakalayo ng personality sina Justin at Matt kaya siguro ay madali akong naging kampante sa kanya. Sinubukan kong tuparin ang pangako ko kay Justin na magmahahal ulit ako ng iba at si Matt ang tamang tao para sa akin nung panahong yun.
Hindi nawala ang communication namin ni Justin, mas naging malalim pa ang pagkakaibigan namin kahit na malayo kami sa isa’t isa. Madalas kaming nagkekwentuhan tungkol sa mga buhay namin, pero hindi ko pa din mai-alis sa akin na hindi mamiss si Justin, pero kinakaya ko ang lahat dahil sa ayokong mag-alala sya sa akin habang nasa London sya. Gusto ko kasi ay mahanap din nya yung kaligayahan na hindi na namin nahanap sa isa’t isa.
Habang tumatagal ay mas lalo kaming napapalapit ni Matt. Inaamin ko na napamahal din ako kay Matt, pero si Justin ang tanging nasa isip at puso ko noon kaya siguro hindi ko na masyadong nakita si Matt bilang sya kaya ayoko din na maging kami. Panigurado ay masasaktan ko lang si Matt at ayokong mangyari yun. Ipinagtapat ko ito kay Matt at natanggap nya na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Alam din nya kasi kung gaano ko pa din kamahal si Justin at kailanman ay walang pwedeng pumalit sa kanya sa akin.
Naging mabilis ang panahon at papunta na ako sa New York para sa Observership ko doon. Nang matapos ko ang tatlong buwan ko doon ay umuwi ako ng dito sa Pilipinas at ipinagpatuloy ko ang Internship ko dito. Naging inspirasyon ko ang mga pangako ko kay Justin na magiging doktor ako at umaasa ako balang araw na mapagbibigyan muli kami ng tadhana na maging masaya pareho sa isa’t isa.
Umabot ito sa isang taon at ako ay gagraduate na. Nalaman ito ni Justin at tuwang-tuwa sya sa ibinalita ko sa kanya, sinabi din nya sa akin na matatagalan pa sya bago umuwi dahil sa nagfull time na sya sa graduate school dun. Natanggap ko naman ito dahil sa ito ang pangarap ni Justin at kahit anuman ang gustuhin nya ay ibibigay ko ito sa kanya.
Nang dumating ang araw ng graduation ko ay kasama ko ang mga magulang ko at yung isa kong kuya. Tinawagan pa ako ni Justin nung umaga kaya naging masaya ako nung araw na yun kahit na wala sya. Habang ako ay nagdedeliver ng aking speech ay nakita ko si Justin sa audience na nakangiti sa akin, marahil sa kakaisip ko sa kanya ay napoproject ko na ito. Napangiti na lang din ako sa sarili ko at sa hallucinations ko. Bago pa man ako matapos sa speech ko ay muli kong tinignan kung saan nakita ko si Justin kani-kanina lang, pero wala sya, at tama ako na baka naghahallucinate lang ako.
Pagkatapos ng graduation ay masaya akong binati ng magulang ko at ng kapatid ko. Pinauna na nila ako sa sasakyan namin dahil sa mag-ccr daw sila. Nang makarating ako sa sasakyan ay binuksan ko ito at agad akong pumasok, pero hindi ko napansin na may nakasakay na pala na ang akala ko ay kuya ko. Nang humarap sya sa akin ay hindi ako nagkakamali, si Justin ang nasa harap ko. Natulala ako dahil sa hindi ko inexpect na nandun sya, ang akala ko na hallucinations lang ay totoo pala.
“Congrats!” ang sabi ni Justin at niyakap nya ako.
“Justin!” ang sagot ko sa kanya. Maya-maya pa ay kumalas na kami sa pagkakayakap.
“I’m so proud of you” ang sabi ni Justin at hinalikan nya ako sa noo.
“Bakit hindi ka nagsabi sa akin na uuwi ka?” ang sagot ko sa kanya? Dito ay hindi ko na napigilang maluha dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya at naiyak na din si Justin.
“Hindi ko na kasi kaya na tumagal pa na hindi kita kasama, sorry hindi ko natupad yung promise ko sayo na magiging masaya ako, kasi sayo ko lang pwedeng maranasan yun” ang sabi ni Justin at tinignan nya ako ng seryoso.
“Sorry din Justin, hindi ko din natupad yung promise ko sayo na maghahanap ako ng iba” ang sabi ko sa kanya at napangiti sya sa akin.
“So, paano? Sa akin mo na lang tuparin yung wish mo, tapos sayo ko din tutuparin yung akin. Deal?” ang sagot ni Justin at niyakap ko sya. Maya-maya pa ay dumating na ang magulang at ang kapatid ko. Kitang-kita ko sa mukha nila na masaya sila sa akin. Pagkatapos namin kumain sa isang restaurant ay pinagbihis ako ng kapatid ko ng ibang damit. Napag-usapan kasi namin na pupunta kami ng Hong Kong pero hindi ko inasahan na dun din mismo sa araw na yun ang flight namin dahil sa nakita ko ang mga bag na nasa likod ng sasakyan at yung bag ko na inempake ko na para sa biyahe namin doon.
Nang makarating kami ng airport ay yung bag ko lang ang ibinaba ng kapatid ko at may dala din bag si Justin. Nagtaka ako kung bakit hindi nila ibinaba yung ibang bag na nasa likuran ng sasakyan.
“Hindi, kayong dalawa lang talaga ni Justin ang aalis” ang sabi ng kuya ko sa akin.
“Ha?” ang nagtataka kong sagot.
“Kunwari lang yung pupunta tayo ng Hong Kong, kaya nga diba ang pinalagay ko sa maleta mo yung makakapal mo na damit kasi pupunta kayong New York ni Justin” ang sabi ng mama ko.
“Kayo ha, sinet up nyo ako” ang sabi ko sa pamilya ko at nagtawanan kami.
“Wala naman ng problema diba? May visa ka naman, ikaw na lang ang magdedecide kung tutuloy ka pang sumama sa akin” ang sabi ni Justin sa akin. Napangiti lang ako sa kanya at sinabing,
“Wala naman na akong choice eh” at nagtawanan kami. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang pamilya ko at umalis na sila. Doon ko nakita na masaya sila para sa amin ni Justin at natuwa ako. Bibihira lang kasi sa pamilya yung tanggap na tanggap ka kahit na ano pa ang preference mo sa buhay.
Nang papasok na kami sa airport ay tumingin sa akin si Justin at ngumiti sya.
“Ngayon pa lang na-eexcite na ako Max, eh papaano pa kaya kung maging tayo na ulit?” ang sabi ni Justin habang nakangiti.
“Gusto mong malaman ang pakiramdam na mapasayo ako ulit?”
“Oo naman, syempre”
“Galingan mo, impress me” ang sagot ko sa kanya at nagtawanan kami.
“Pero bago yun, I just want you to know, hindi nabawasan yung pagmamahal ko sayo, I love you even more” ang sabi ni Justin at nginitian nya ako.
“Ako din naman” ang sagot ko sa kanya.
“Matagal ko na ‘tong gustong gawin pero siguro ngayon na yung right time para dito, ayoko nang patagalin ‘to” ang sabi ni Justin at nilabas nya ang isang maliit na black box at binuksan nya ito. Hindi ako nagkakamali at isa itong white gold na singsing. Nilabas nya ito at sinabing,
“Will you marry me in New York?” ang sabi ni Justin habang hawak nya ang singsing at nakatingin sa akin ng seryoso. Hindi ko ito inasahan at naging masaya ako sa pangyayaring ito, hindi ko maipaliwanag ang saya na meron ako nung panahong yun, parang bumagal ang oras para sa amin at parang kaming dalawa lang ang tao dun nung mga oras na yun. Napangiti ako sa saya at sinabing,
“Of course” ang sagot ko kay Justin at sinuot nya ang singsing sa akin.
“Yes!” ang sabi ni Justin at niyakap nya ako.
“I love you” ang sabi ni Justin habang magkayakap kami.
“I love you too Justin”
“I love you more” ang sagot ni Justin at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin.
“Baka ma-late na tayo nyan, we can do this everyday sa New York” ang sabi ko kay Justin at natawa kaming pareho.
“Tara na, my fiancĆ©e” ang sabi ni Justin at ngumiti sya sa akin. Inabot nya ang kamay ko at hinawakan nya ito ng mahigpit, isang senyales na kailanman ay hindi na namin papakawalan ang isa’t isa at hinding hindi na kami magkakalayo pang muli.
THE END

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Fall Back
The Fall Back
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFWldMeg4vNCVpaHMl8YQdGBf0Yk9MJfByXdZfmrcGpPY-PiLEMrJOMg6h8o73ZqLzZAIRt1HX5MPOB1p6m3qG9FvGPtugBlxhwk4CZUaZzYfKTLPjiezTmYejO6YWRmyZuG2Gdq1P-6Ux/s1600/1617824_10152228691933011_1407685051_o.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFWldMeg4vNCVpaHMl8YQdGBf0Yk9MJfByXdZfmrcGpPY-PiLEMrJOMg6h8o73ZqLzZAIRt1HX5MPOB1p6m3qG9FvGPtugBlxhwk4CZUaZzYfKTLPjiezTmYejO6YWRmyZuG2Gdq1P-6Ux/s72-c/1617824_10152228691933011_1407685051_o.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/03/the-fall-back.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/03/the-fall-back.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content