By: Mike Hi ako pala si Mike from manila. 5'8 ang aking height. malaki katawan ko dala na rin siguro sa kakagym. cute daw ako at nakaeye...
By: Mike
Hi ako pala si Mike from manila. 5'8 ang aking height. malaki katawan ko dala na rin siguro sa kakagym. cute daw ako at nakaeye glasses. hehe. Bisexual ako at natitipuhan ko din ang mga kapwa kong lalaki lalo na kapag sobrang guwapo...pero..iba siya.
Sa isang kilalang university ang lugar kung saan ko siya nakilala. Accountancy course ko nun at management siya. Nagnanight class ako nun at dumating ako ng maaga, pero sa hallway ako nagtambay dahil may klase pa doon sa class room. Naiinis ako sa sarili ko noon dahil hindi ko man lang dinala yung ipod ko. 30 minutes pa naman bago matapos ang klase na nasa loob ng class room. asar. kaya nga-nga ako sa pwesto ko.
Nang may lalaking dumaan sa harap ko at nagmamadali ata dahil mabilis itong maglakad. nahulog ang ilan sa mga bitbit nitong libro dahil na rin siguro ay marami itong dalang gamit. Tsk. Baka naman freshmen. dali-dali ko siyang tinulungan dahil nakakaawa talaga itsura niya.
"thank you kuya." sabi nito sabay ngiti. doon na ako natulala nang makita ko ang mukha niya. simple lang mukha niya pero nadala ako sa mga mata niya. Maamo ang mga ito. Parang puppy. hahaha. Yung laging kumikintab at masayahin. Pati ang ngiti niya, pantay pantay ang ngipin niya at nakakaakit. Shet.
"ah..eh..youre welcome." nabubulol na ako nung time na yun at halatang nahihiya ako. bat ako nahihiya???? eh mas matanda pa ako sa kanya. third year ko na kasi. naramdaman ko nalang na nanginginig ang paa ko at naninikip dibdib ko nung tinignan niya ako ulit matapos tumayo.
"sige kuya alis na po ako." paalam niya at nawala na ito sa paningin ko.
Hooo...dun na ako nakahinga ng maluwag, ano bang meron sa lalaking yun? bat ang cute-cute niya?? Grrr! Crush ko na siya nung time na un at nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang tinanung ang name niya para yayain magsnack pagkatapos magklase. Naiinis kong sinipa ang monoblock chair at nagmukmok. hahaha.Gabi. hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Pati sa klase di ako makaconcentrate dahil hindi siya mawala sa isip ko. Yung smile niya, yung cute niyang eyes, yung...arrghh!
Sa isang kilalang university ang lugar kung saan ko siya nakilala. Accountancy course ko nun at management siya. Nagnanight class ako nun at dumating ako ng maaga, pero sa hallway ako nagtambay dahil may klase pa doon sa class room. Naiinis ako sa sarili ko noon dahil hindi ko man lang dinala yung ipod ko. 30 minutes pa naman bago matapos ang klase na nasa loob ng class room. asar. kaya nga-nga ako sa pwesto ko.
Nang may lalaking dumaan sa harap ko at nagmamadali ata dahil mabilis itong maglakad. nahulog ang ilan sa mga bitbit nitong libro dahil na rin siguro ay marami itong dalang gamit. Tsk. Baka naman freshmen. dali-dali ko siyang tinulungan dahil nakakaawa talaga itsura niya.
"thank you kuya." sabi nito sabay ngiti. doon na ako natulala nang makita ko ang mukha niya. simple lang mukha niya pero nadala ako sa mga mata niya. Maamo ang mga ito. Parang puppy. hahaha. Yung laging kumikintab at masayahin. Pati ang ngiti niya, pantay pantay ang ngipin niya at nakakaakit. Shet.
"ah..eh..youre welcome." nabubulol na ako nung time na yun at halatang nahihiya ako. bat ako nahihiya???? eh mas matanda pa ako sa kanya. third year ko na kasi. naramdaman ko nalang na nanginginig ang paa ko at naninikip dibdib ko nung tinignan niya ako ulit matapos tumayo.
"sige kuya alis na po ako." paalam niya at nawala na ito sa paningin ko.
Hooo...dun na ako nakahinga ng maluwag, ano bang meron sa lalaking yun? bat ang cute-cute niya?? Grrr! Crush ko na siya nung time na un at nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang tinanung ang name niya para yayain magsnack pagkatapos magklase. Naiinis kong sinipa ang monoblock chair at nagmukmok. hahaha.Gabi. hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Pati sa klase di ako makaconcentrate dahil hindi siya mawala sa isip ko. Yung smile niya, yung cute niyang eyes, yung...arrghh!
Nainis ako kinabukasan dahil napuyat ako pero pagdating ulit ng night class ko ay nasasabik ako na baka makita ko ulit siya. Gusto ko itong nararamdaman ko. Inlab ako eh. at siya ang dahilan.
Kaso, hindi siya dumating, hindi siya dumaan. Hirap naman kasi kung wala kang clue kung ano course niya kasi nung time na yun nakacivilan lang siya. Arggh!
Magiisang linggo na rin na walang trace man lang ng amoy niya or presensiya ni Mystery Cute eyed guy. huhuhu. Tinatanong nga ako ng kaklse ko kung bakit lagi akong nakatingin sa hallway kada nasa loob kami ng class room. Di ako mapakali kasi at baka dumaan siya.
Second week. wala pa rin, ayoko naman magtanung sa iba dahil engot ang labas ko kapag dinescribe ko lang siya. dami kasing estudyante. huhu
nasa seven eleven ako ng bandang before lunch. Gusto ko kasi ng slurpee eh. Nakapila ako nun at narinig ko naguusap ang cashier at ang customer nito.
"naku, naiwan ko ang wallet ko sa klase.." sabi ng customer. Nagulat ako, yung boses na yun!
" paano yan ading, kulang ng bente pera mo eh."sabi ng cashier sa kausap nito. Sinilip ko ang taong nasa harap cashier. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil tama ang kutob ko! siya na nga yun! Muntik na akong napasigaw sa tuwa dahil nakita ko siya ulit.
"Kuya pwedeng bumalik nalang ako." pakiusap nito sa cashier.
"Naku ading, di pwede eh, store policy eh."
Lumapit ako sa kanilang dalawa at naglabas ng bente. "ako nalang magbayad."
Kinuha ng cashier yung bente ko, siguro na rin dahil naiinip na ang mga ibang nakapila. akita ko nalang na nakatulala yung matagal ko nang hinahanap sa akin. grabe ang cute niya. Ewan ko talaga, to the rescue lang ako sa kanya. parang on instinct lang.
"Ah, eh salamat kuya, babayaran kita, nasa bag ko kasi yung ibang pera ko eh." sabi niya habang palayo kami sa linya. nahihiya ang itsura nito."Wala yun, yan ang lunch mo?" itinuro ang hawak nitong hotdog at slurpee na parehas din sa flavor koh. "ah eh, hindi eh, wala kasi akong kasama kumain ng lunch dahil bago palang ako dito sa school eh." nahihiyang sinabi nito.
"Oh, kung gusto mo ako nalang kasama mo kumain." alok ko sa kanya. Kapal ng mukha ko noh? tinotodo ko na talaga kasi baka maunahan pa ako ng kaba ko.
"Huh?" nagtataka ang itsura niya.
"Ah ako pala si Mike :) accountancy kinukuha ko. ikaw?"inilahad ko ang kamay ko.
"Aldrin... bs management ako kuya." ngumiti siya ng matamis. at masaya niyang tinaggap ang kamay ko.
"wow, business hehe, mayaman ka siguro." lumabas yun sa bunganga ko at baka maoffend lang siya, naku.
"Hahaha, hindi naman, konti lang." salamat naman at natawa siya sa sinabi ko.
"Hehe, gusto mo jollibee tayu, trip ko kasing chicken joy eh."
"Huh? eh..."nagaalanganin ang mukha nito na nakakadagdag pa sa kakyutan niya.
"Okay lang kung ayaw mo, eh sino ba naman ako, stranger lang ako eh."
"Huh? Hindi kuya, nakakahiya naman kasi sa iyo." nagsalubong ang mga kilay niya na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Huwag kang mahiya, libre ko eh." Please tanggapin mo.
"Hmmm, okay, pero babayaran pa rin kita, as soon as makuha ko ang wallet ko mamaya."
yes! makakasama ko ngayun ang crush koh. hehe.
"bakit management ang kinuha mo?" tanung ko pagkatapo na ilapag ang order namin sa lamesa.
"Hmm, kasi si dad may business na restaurant eh. pinapakuha sa akin dahil ako yung susunod na magmamanage sa business ni dad eh." matamlay na sinabi nito. parang malungkot ang diwa niya nung sinabi niya yun. Di ko nalang pinansin at baka may pinagdadaanan siya.
"ah eh, wala ka bang kasama, friends man lang?" iniba ko ang topic.
"Hmm, meron naman isa lang kaso absent siya ngayun dahil may pinuntahan kaya magisa ako ngayun sana maglulunch nang dumating ka po."
"Huwag mo na akong pinopo..19 palang ako eh." medyo nagtatampo ako doon.
"ay sorry kuya Mike." at ngumiti ulit siya yung nahihiya.
"Mike nalang, tsk, ganun ba ako katanda kaya mo ako ginagalang."
"di naman po, malaki kasi kayung tao eh."
"malaki? so...mataba ako?" nagtampo ulit ako.
"hahaha, i mean to say, youre a tall person...kaya kinukuya kita." ang cute talaga kapag ngumingiti siya sabay na kumikintab ang mga mata niya.
Bading si Aldrin. halata naman sa pananalita palang at sa galaw nito pero nagugustuhan ko ang magalang at friendly na aura nito. parang masaya siya nang makita ako. hahaha. kapal noh.
"bakit po kayu nakaeye glasses? Malabo ba ang paningin niyo poh?"
"hindi naman... may astigmatism ako kasi kaya ako nakaeyeglasses."
"ah, sumasakit ang forehead niyo po.""oo, kung di ako nakaeyeglasses." inalis ko ang eyeglasses ko at tumingin ako sa kanya.
"ganda pala mga mata niyo kuya, parang laging naantok." aba inaasar ako nito ah.
"heh! ikaw ang maganda ang mga mata, kaya ang cute mo.." shet! bat lumabas yun sa bibig ko. dahil siguro sa sobrang saya ko na makasama siya. arrggh!
"huh? ano po yung sinabi niyo?" di niya siguro narinig yung huli kong sinabi.
"ah wala,,hehe kain lang gusto mo isubo kita." at nagtawanan kami.
masarap siyang kausap dahil open naman siya kahit nahihiya siya minsan. pero okay lang, dahil mas lalo siyang nagiging cute. nalaman ko rin kung bakit nandoon siya nung time na tinulungan ko siyang pulutin ang mga libro ko.
"uncle ko kasi yung isang teacher ng accountancy si Mr valdeZ, nagusap lang kami at hindi ko namalayan na nalate na pala ako sa klase ko kaya nagmadali ako."
"ahh, studious ka siguro dahila ng daming mong dala noon."
"agad agad, pwede munang pinagsabihan na ibalik ang mga libro yun sa librabry?" at nagtawanan kami. Cute talaga tawa niya yung -uhuh-huh-huh.. chuckle ata yun eh. basta cute! haha
"ano number mo?"
"hmm bakit kuya?"
"kung wala ka na namang kasama sa lunch, text mo ako. at sasamahan kita."
"at ililibre mo ako ulit? grabe mayaman ka ba kuya mike?"
"aba..hindi noh, ngayun lang ako nagkaroon ng allowance kaya kita nilibre."
"joke lang yun kuya, babayaran naman kita eh." inilabas nito ang ballpen sa bulsa nito at kinuha ang palad ko. doon niya sinulat ang number niya.
"wow, pwede namang idictate dahil dala ko naman ang cellphone koh eh."
"bakit hindi niyo po sinabi?!" namula ang mukha niya.
"bakit di mo kasi tinanung?"
"ah eh..inassume ko kasi na baka di mo dala cellphone mo dahil hindi mo hawak eh."
"porket di ko hawak, wala na akong cellphone? ikaw ah, parang sinasabi mo na hindi class ang cellphone ko kaya di ko nilalabas noh? android to!"biro ko sa kanya.
"sorry kuya eh, wla naman akong sinasabing ganyan eh." grabe ang cute niya! gusto kong pisilin ang pisngi niya dahil sa sobrang kakyutan niya.
"text nalang kita. :)"
"okay kuya mike, thank you ulit kanina ah :)" nagpaalam na siya pagkatapos naming pumasok sa loob ng campus.
Para akong nakalutang sa ulap dahil nakilala ko na siya. at ang bait niya! hanep nakakainlove siya. :)
pasipol sipol ako pagpasok ko sa klase ko.
"naku, mukhang nakajackpot si mike ngayun ah, may pasipul sipol ka pang nalalaman ah hehe" kantyaw ni Josh. barkada ko at kaklase.
"tol nakita ko na siya <3...""sino..???!"
"wala, ano pala ang assignment natin?"
"langya ka tol, di mo pa sabihin.haha"
nung araw na yun, nagtexan kami ni aldrin. di siya boring katext dahil marunong din siyang humirit ng jokes. naging textmates na kami ng crush ko.minsan aabutan kami ng alas dose dahil na rin sa babad sa text at call. unti unti akong nahuhulog sa kanya. minsan nilalambing ko siya at sinasabi ko sa kanya na kumain na siya dahil nagaalala ako or kapag di siya matutulog kakanta ako para matulog na siya. Tatawa nalang siya o di kaya magjojoke lang siya.
parang manhid lang siya, pero hindi pa rin ako natitinag sa kaisipang yun.
pinakilala ko siya sa barkada ko at ang mga mokong. bibigyan ako ng malisyosong tingin at aasarin ako kapag wala si aldrin.
"siya na ba ang bago mong biktima pareng mike?" asar na tanong ni Ken.
"gago, biktima ka diyan, were just friends."
"showbiz naman sagot mo! sus halata nga tol na type mo siya." sabi naman ni josh.
"ayeeee!" kinikilig na busal ni ken.
"tantanan niyo nga ako dahil hindi kami dahil hindi pa niya ako sinasagot.
naghiyawan ang mga barkada ko. boto naman sila kay aldrin at alam nilang bi ako eh. hindi naman si aldrin ang una kong bf na pinakilala sa barkada ko.
"hi!" pinisil ko ang pisngi ni aldrin pagpasok ko sa loob ng jollibee. naglulunch kami doon ever since minsan kasama ang barkada at ang mga friends niya pero mas gusto ko na kasama siya.
"aray..sakit nun." pagtatampo nito.
"sus, oa mo ah, hindi naman malakas eh." tumabi ako sa kanya. "patingin nga baka nagiwan ng marka mapagalitan pa ako sa tatay mo." hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. nakatingin niya sa akin habang hinahaplos ko ang pisngi niya.
"wala naman aldrin eh. hindi naman namula." biglang uminit ang pisngi niya at namula siya. doon ko nalang namalayan na malapit ang mukha namin sa isat isa.
"kuya mike..."
"ah eh, hehe ito na ba order natin :) uy paborito ko ang spaghetti eh." iwas ko sabay umalis sa tabi niya at umupo sa harap niya. hindi ko siya tinitignan pero alam kong nakatingin siya akin. nahihiya tuloy ako.
"anong binubulong mo dyan?" bigla niyang sinabi.
"dasal malamang." sabi ko nalang para mawala ang tensyon sa pagitan namin
."ahaha. amen. hihi" natawa nalang siya.
naging everyday moments namin ang awkwardness namin sa isat isa pero nangingibabaw ang saya namin dahil komportable naman kami sa aming pagkakaibigan. Malambing din siya, minsan tutusukin niya yung tiyan ko oh yung pisngi koh. Yun yung way niya para sabihin na nakyukyutan siya sayu o sadyang nanananching lang siya. hahaha.
three months na kaming magkaibigan ni Aldrin. may tawagan na kami. boogs tawan niya sa akin dahil feeling niya bubugbugin ko siya dahil sa laki ng katawan ko ( gagu lang no) at cutie pie tawag ko sa kanya kagaya yung kay jhong at vice ganda. wala naman siyang reklamo. kinikilig nga ako kapag tinatawag ko siyang cutie pie sa harap ng mga kaklase ko. haay... lagi nalang akong nakalutang sa ere dahil sa kanya. <3
November na. pumunta ako sa bahay nila. nagulat ako dahil malaki. mayaman talaga sila Aldrin.
"bat di mo sinabi na galante ka pala Cutie pie..."hinawakan ko yung kamay niya.
"huh? konti lang kuya boogs eh."tumawa yung mokong. "tara pasok na tayu."hinila niya ako papasok. shet para kaming magsyota dahil magkaholding hands kami :)
"hay ate sherlie, si mommy?" tanong ni Aldrin sa yaya nito.
"nandoon sa loob ng kusina, pasok kayu ng kaibigan mo." sabi ng yaya.
"may yaya ka pa, ikaw ah, baka may body guard ka pa na hindi ko alam." biro ko sa kanya.
"driver lang, hindi body guard.." nakangiting sabi niya sabay upo sa sofa. Tumabi ako sa kanya at nakimeryenda.
"ito ba ang boogs na kaibigan mo?" biglang sabi ng nanay ni aldrin na nasa likuran namin.
"yes 'my...kuya boogs si mommy ko."pagpapakilala ni Aldrin sa akin.
"Nice to meet you Boogs." nakipagkamay ako sa kanya.
"Mike nalang po tita, Boogs kasi tawag sa akin ni Cutie Pie.."
"Cutie pie?" takang sinabi ng nanay niya.
Namilog ang mga mata ni Aldrin, maski ako nagulat sa sinabi kong yun
"ah, eh..nick name niya kasi sa barkada namin eh tita kaya cutie pie po tawag ko sa kanya." palusot ko nalang. lagot...nakakahiya.
"Talaga..hmmm, cute naman anak ko kaya bagay sa kanya." Nagtawanan kami. Okay pala nanay niya eh. Kalog din kagaya niya.
Naglunch kami at ang dami kong nakain. biruin mo nagpaluto yung nanay niya ng fiesta dahil lang sa akin. (kapal) haha
"naikwento sa akin ni Aldrin na lagi mo siyang sinasamahan kapag lunch.."
"opo tita, di ko matiis kasi na wala siyang kasama..freshmen kasi eh."
"aba anong year mo na?"
"third year sa accountancy si kuya mike mommy."
"Really? at magkaibigan kayu? thats rare but really interesting..."
"sadyang friendly talaga po si kuya boogs eh." para akong ewan na nakangiti sa sinabi ni Aldrin. sarap kasi na pinagmamalaki ka.
"kwinento sa akin ni aldrin kung paano mo siya tinulungan na bayaran ang kulang niya sa cashier. ang bait mo naman mike."
"salamat tita.""ayeee... lalaki ulo ni kuya boogs ma..kaya hinay hinay lang sa puri." tumawa pa ng malakas is aldrin.
"abat! panira ka ng moment cutie pie!" pinisil ko yung pisngi niya sa kaliwa.
"arawww! kuya boogs yung cake ko natapon!!"
"im just happy na nagpakilala ng bagong kaibigan si aldrin, we dont get much visitors from him, at masaya ako na may barkada siya..."
"huwag kayong magalala mommy, walang initiation sa frat ni kuya boogs.."
"cutie pie, nagsisinungaling ka ah, wala akong frat, hehe." kiniliti ko siya sa tagiliran.
"mommy si kuya boogs oh, sige! tatapon ko itong cake sa mukha mo sige ka!"
nagtawanan nalang kami.
nagtambay muna kami sa kwarto ni aldrin. malaki yun at may air con. sosyal. hahaha. nakahiga kami sa kama. yUng ulo niya nakapatong sa isang braso ko. normal na sa amin yun pero para sa akin, heaven na ang feeling. nagseselfie kaming dalawa. napatingin nalang ako sa mukha niya habang abala siya sa pagpapapicture.
"kuya boogs bat hindi ka nakatingin sa camera huh?" lumingon siya sa akin. nakatitig lang ako sa kanya at ganunn lang siya. tahimik lang kami.
"kuya?"
dahan dahang lumapit ang mukha ko sa kanya at marahang hinalikan ang lips niya.smack lang. pagkatapos nun, iba yung nakita kong reaksyon niya. Nagulat siya.
bigla siya napaupo sa gilid ng kama.
Kinabahan ako. Nagkamali ba ako? masyado bang mabilis ang nangyari kaya di niya inasahan? Luh...
"Aldrin?" concern kong tanong sa kanya. Lumapit ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Five minutes kaming hindi naguusap. Naguguluhan ang itsura niya. Nahihiya naman ako sa ginawa ko. Dapat nagpaalam muna ako eh.
"Uwi na ako Aldrin..." nagpaalam ako sa kanya. Baka nabigla lang sa ginawa ko kaya hindi siya nagsasalita kaya iniwan ko muna siya na magisa.
Lumabas ako sa bahay nila na nagmumura. ang tanga tanga ko. baka nabastusan si Aldrin sa ginawa ko o naweirdohan sa akin. Tsk. Hindi kasi nagiisip. :( Ano na ang hantungan ng pagkakaibigan namin dahil sa ginawa ko?
To be continued....
COMMENTS