By: Josh Iilan lamang ito sa mga salitang madalas nating naririnig sa taong mahal natin o kaya naman ay sa taong may gusto o mahal tayo. Ngu...
By: Josh
Iilan lamang ito sa mga salitang madalas nating naririnig sa taong mahal natin o kaya naman ay sa taong may gusto o mahal tayo. Ngunit alam ba talaga natin kung ano ang ibig sabihin nito? At kung alam natin, nagagawa ba natin ng maayos ito?
Ako nga pala si Josh, 24 years old, 5’5 ang height, sporty ang katawan dahil sa paglalaro ng lawn tennis, at nakatapos ng Marketing sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa Makati bilang Marketing Associate sa isa rin namang kilalang kumpanya dito sa Ayala.
Isa ako sa masasabing closet gay, walang nakakaalam ng aking tunay na pagkatao kung hindi ang mga taong pinayagan ko lamang makapasok sa aking buhay. Hindi ako gan’on ka gwapo ngunit hindi rin naman pangit. Pero hindi yung tipong lilingunin mo ulit. I am a no body in my own world, walang pumapansin. Sa trabaho ay mahigpit ako, sa pamilya ko nama’y nakikipag-usap lamang ako kapag kailangan. Nailalabas ko lamang ang aking kakulitan kapag kasama ko ang aking mga tunay na kaibigan o di kaya nama’y kapag ako ay nasa casino o pwede rin na kapag nagsusurf ako sa internet at kung may ka-chat sa mga blog ng kung sino-sinong tao kung saan ay hindi ako nakikilala.
“Josh, labas daw tayo mamaya sabi ni Boss.” Aya sa akin ng isa sa aking mga ka-opisina.
“Nako…” Nagsisimula pa lamang akong magsalita ay agad na akong napigilan ng aking boss.
“Josh, parati ka naming niyayayang lumabas, pero lagi ka ring tumatanggi. Kakaunti lang ang trabaho natin ngayon dahil natapos mo na nung isang linggo pa lahat. Kaya let’s enjoy nalang mamayang gabi.” Pagpilit sa akin ng aking boss.
“Ah, eh sir, may lakad kasi ako mamaya.” Pagdadahilan ko dito.
“Saan ba ang lakad mo?” Tanong muli nito sa akin.
“Pauwi po kasi ako ngayon sa bahay ng mama ko, kaya hindi po ako pwedeng makasama sa inyo. Promise sir, sa susunod na labas ninyo ay sasama na po ako.”
Ako nga pala si Josh, 24 years old, 5’5 ang height, sporty ang katawan dahil sa paglalaro ng lawn tennis, at nakatapos ng Marketing sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa Makati bilang Marketing Associate sa isa rin namang kilalang kumpanya dito sa Ayala.
Isa ako sa masasabing closet gay, walang nakakaalam ng aking tunay na pagkatao kung hindi ang mga taong pinayagan ko lamang makapasok sa aking buhay. Hindi ako gan’on ka gwapo ngunit hindi rin naman pangit. Pero hindi yung tipong lilingunin mo ulit. I am a no body in my own world, walang pumapansin. Sa trabaho ay mahigpit ako, sa pamilya ko nama’y nakikipag-usap lamang ako kapag kailangan. Nailalabas ko lamang ang aking kakulitan kapag kasama ko ang aking mga tunay na kaibigan o di kaya nama’y kapag ako ay nasa casino o pwede rin na kapag nagsusurf ako sa internet at kung may ka-chat sa mga blog ng kung sino-sinong tao kung saan ay hindi ako nakikilala.
“Josh, labas daw tayo mamaya sabi ni Boss.” Aya sa akin ng isa sa aking mga ka-opisina.
“Nako…” Nagsisimula pa lamang akong magsalita ay agad na akong napigilan ng aking boss.
“Josh, parati ka naming niyayayang lumabas, pero lagi ka ring tumatanggi. Kakaunti lang ang trabaho natin ngayon dahil natapos mo na nung isang linggo pa lahat. Kaya let’s enjoy nalang mamayang gabi.” Pagpilit sa akin ng aking boss.
“Ah, eh sir, may lakad kasi ako mamaya.” Pagdadahilan ko dito.
“Saan ba ang lakad mo?” Tanong muli nito sa akin.
“Pauwi po kasi ako ngayon sa bahay ng mama ko, kaya hindi po ako pwedeng makasama sa inyo. Promise sir, sa susunod na labas ninyo ay sasama na po ako.”
“Ahh ganon ba? Sige na nga. Basta next na aya namin sayo, dapat ay makasama ka na ha! Dahil kung hindi, ako mismo ang mag-ho-hold ng promotion mo next month!”
“Promotion?” Agad na rumehistro sa aking utak ang sinabing ‘yon ng aking boss. “Wala naman kaming napag-usapan tungkol sa promotion ah.”
Napaisip man ay hindi ko na rin ito inabalang tanungin pa dahil malapit na rin mag alas’cinco at kailangan ko pang mag-ayos ng aking gamit para makauwi na sa aking condo sa may paseo de roxas. Kapag kasi hindi ako nagmadali ay aabutin nanaman ako ng sala-salabit na traffic.
”Bakit ba kasi na-late ako ng gising kanina! Edi sana maglalakad nalang ako ngayon pauwi at hindi na makikipagsiksikan sa traffic!” Usal ko sa aking isip.
“Eh kung hindi mo kasi tiningnan at pinagnasaan kagabi ang picture ni Jeck hanggang alas’tres eh hindi ka sana puyat at maaga ka sanang nakapasok kanina!” Pagkausap naman sa akin ng isang parte ng aking utak.
Dahil dito ay agad na rummehistro sa akin ang mga hindi ko makakalimutang pangyayari noong ako’y college pa hanggang sa unang taon ng aking pagtatrabaho. Noong una’y puro lamang masasayang alaala ang pumapasok sa akin ngunit nang tumatagal ay ang mga away na namin ni Jeck ang naalala ko and worst is yung nagawa niyang pangangaliwa sa akin.
Nagising nalang ako sa aking pag-re-reminisce nang bumusina ang kotse na nasa aking likuran.
Kasalukuyan ko nang binabagtas ang Ayala Ave at papaliko na sa Paseo de Roxas.
“Hai! Lintik naman talaga ang traffic dito ng ganitong oras oh! Hindi nanaman ako makakapgjogging neto!” Protestang naisantinig ko nalamang dahil sa nakita kong haba ng traffic nang makaliko na ako. “Kaya ayaw kong nagdadala ng kotse sa office eh!”
May tatlumpong minuto ko ring binaybay ang hindi naman ganoon kahabang daan ng paseo de roxas, kung kasi ako’y maglalakad ay aabutin lamang ako ng 15 minutes para makarating sa condo.
“You’re late!” May halong gulat at kaba ang aking naramdaman nang marinig ko ang boses ng isang lalake mula sa aking likuran nang maisara ko ang pintuan ng condo.
“W-what are you doing here?”Nabubulol kong tanong rito.
“Wala naman, nasa malapit lang ako kaya naisipan kong dumaan. You seem surprised seeing me.” Nakangiting tugon naman nito sa akin.
“I’m not in the mood para makipagbiruan sayo Jeck. Baka gusto mong umuwi na.” Tugon ko rito habang ibinababa ang gamit sa dining table kung saan ay nand’on siya.
Si Jeck ay ang 4-year ex-boyfriend ko. Siya din ang nagmulat sa akin sa lahat ng bagay. First ko siya, second year college ako nang makilala ko siya and eventually naging boyfriend ko same year na nagkakilala kami. Ahead ako sa kanya ng isang taon. 5’5 lang din ang height niya katulad ko, maitim dahil isa siyang swimmer, maganda ang katawan at masarap kausap.
“I’m home Josh. You know that.” Tugon naman nito sa akin.
“I paid your share! Every cent was accounted and paid; you don’t have any right to stay here!”
“Oh really? Bakit noong panahon na binayaran mo ko ay hindi mo pa kinuha ang susi ko?” Nakangising asong tugon nito sa akin. “Joshua, Joshua, Joshua, bakit ba kasi hindi mo maamin na mahal mo pa rin ako and you are expecting that someday, you might see me again living with you here.”
“Nakakatawa ka rin noh! Hindi pa ba sapat na nagdala ka ng babae dito noon, at ginamit nyo pa ang kama ko para gawin ang kalokohan ninyo!”
“My god, Josh! Hanggang ngayon ba naman ‘yan pa rin ang ipinuputok ng butchi mo! Dalawang taon na, and still you haven’t moved on!”
“Nagpunta ka ba dito para lang insultuhin ako!?” Galit ko nang balik dito.
“Hei, chill. Naisip ko lang dumaan to check on you. I brought dinner for us and some drinks.” Pagbabago ng tono nito, ngayo’y parang nanunuyo na ito dahil sa pang-iinsulto nito sa akin kani-kanina lang.
“And you expect me to eat with you?!” Hindi pa rin ako nagpatinag at galit pa rin ang aking pinairal.
“It’s your favourite. Crispy Pata, steamed fish in soy sauce and kare-kare.” Nakangiting tugon pa rin nito sa akin. “And para mamaya naman is also your favourite, Jack Daniels and coke.” Sinamahan pa niya ng pagtaas-taas baba ng kanyang eyebrow.
Dahil sa sinabi nito’y hindi ko na naiwasang mapangiti. This person really knows how to make me smile even in my most vulnerable stage.
“Teka lang ah, maghahain na ako para makakain na tayo.” Paalam nito sa akin nang siguro’y masiguro niyang nahulog na ako sa kanyang patibong. “Nga pala, I used your kitchen para mapainit ‘tong mga dala ko.” Pahabol pa nitong sabi bago maglaho sa divider ng kitchen at ng dining area.
“WHAT!?” Agad kong tugon dito at hinabol siya papuntang kitchen.
Kapag kasi ito ang gumagamit ng kitchen ay iniiwan itong sobrang dumi. Hindi kasi marunong mag-imis at mahimpil. Kaya nga noong nag-live-in kami ay siya ang tiga-luto at hain. Ako naman ang tiga-linis at himpil ng pinagkainan.
Nang marating ko ang kitchen ay hindi nga ako nagkamali, sobrang dumi nga nito, ang daming tilamsik ng mantika sa pader, yung pinagpainitan ng kare-kare ay hindi man lamang nababaran sa lababo. Para akong sasabog ng makita ko ang nagging hitsura ng kitchen ko.
“Hei, don’t worry, ako ang maglilinis niyan mamaya.” agad nitong turan.
“At anong alam mo sa paglilinis ng kitchen Jericko!”
“Nagbago na ako, Josh. You are staring at a different Jericko Lagrosa. Mas responsable na ko ngayon noh.” Nakangiting tugon naman nito. “Umupo ka nalang dun sa dining at hayaan mo na ako dito, for sure magugustuhan mo to kasi luto ‘to ni mama.”
“Alam ba ni mam, este ni Tita Let pala na nandito ka?” Hindi ko naiwasang maitanong.
“Oo, nami-miss ka na nga n’ya eh.” Tugon nitong hindi nakatingin sa akin.
May kung anong kumurot sa aking damdamin dahil sa sinabi ni Jeck na ‘yon. Sobrang bait kasi sa akin ni Tita Let. Sabi ko nga noong naghiwalay kami netong si Jeck ay kung babalik man ako sa bahay nila ay dahil iyon kay tita Let at hindi dahil sa kanya.
Galing sa mayamang pamilya si Jeck, malaki ang lupain nila sa kanilang probinsya, tinitingala ang kanilang pamilya at talaga namang kilala sila ng sino man doon. Hindi rin maikakaila na dahil sa kanilang pamilya kung bakit ako’y nasa katayuan ko ngayon. Simula kasi nang maghiwalay ang aking magulang 4 years ago ay ang pamilya na ni Jeck ang nagpaaral sa akin.
Alam din nila kung ano ang meron sa amin ni Jeck at okay lamang sa kanila ‘yon. Kaso nga lang simula nang bumukod kami ni Jeck nang ako’y makagraduate ay doon na siya nagsimulang magbago. Napabarkada siya at natutong magsinungaling sa akin. At ang pinaka masakit pa rito’y nang mahuli ko sila ng isang babaeng hindi ko kilala na naglalampungan sa aming kwarto.
Pagkatapos kumain ay sinabihan ako ni Jeck na maglinis na ng katawan at pagkatapos niyang maglinis ng kusina ay sisimulan na daw naming mag-inom. Ganoon nga ang aking ginawa at agad na dumiretso sa CR.
“Ano kayang pumasok sa kokote ng isang ‘to at napadpad dito ngayon!?” Agad kong tanong sa aking sarili pagkapasok ko sa CR.
“I thought you want him back? This is the time, tell him the truth! H’wag na magpakipot! Hindi bagay sayo!” Pagkausap muli ng aking kokote sa akin.
“Yes, I want him back, pero hindi naman gan’on kadali kalimutan ‘yung nagawa n’ya noh! He haven’t even said his sorry to me! And besides, I know he’s just playing. So makikipaglaro tayo sa kanya! And I promise that I will give him one good play.” Pagsigurado ko sa aking sarili.
“Sigurado ka ba d’yan sa pinapasok mo? Baka mamaya ikaw nanaman ang matalo sa huli!”
“Hindi na ko tulad ng dati noh! Hindi na ko magpapaloko sa kanya ulit!”
“What if you’re wrong this time, pano pag nagsisisi na pala siya? Pano pag mahal ka na talaga niya this time? Pano pag hindi na siya nalilito? Edi talo ka pa rin!”
“He should prove to me that he knows what love means before he get me back!”
Kasabay ng pagtapos ko sa huli ay ang pagtapos ko din sa paglilinis ng aking katawan. Agad akong lumabas at pumunta sa aking kwarto, napadaan pa ako sa kusina at abala pa rin si Jeck sa paglilinis dito.
Nang matapos akong magbihis ay pinuntahan ko siya sa kusina.
“Need help?” Pag-aalok ko ng tulong dito.
Bumaling naman ito sa akin at nagbigay ng matamis na ngiti bago nagsalita. “I told you na ako na ang bahala dito diba. Don’t worry, I can fix this myself. Manood ka na muna ng TV doon sa sala.”
“You really are a changed person Jeck.” Napangiti nalang din ako rito. “But you need help, nakaligo na ako’t lahat, wala ka pa ring natatapos dyan.”
Agad kong tinulungan si Jeck sa paghuhugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan namin. Noong una’y hindi pa ito pumapayag ngunit di kalaunan ay hinayaan na lamang ako nito. Wala rin naman kasi siyang magagawa dahil magtatagal lamang kung hindi ako tutulong.
Nang matapos namin ang paglilinis ay sinimulan na niya ang pag-prepare sa aming iinumin.
“Kamusta ka?” Panimula ni Jeck sa aming usapan.
“Eto, okay naman.” Matipid kong tugon rito.
“Ako? Uhm, I started my own business last month. Maybe you should pay a visit. Matutuwa ka kasi ‘yung design n’ya is yung pinlano natin dati.” Kahit hindi ko tinatanong ay siya na mismo ang nagkusang magkwento sa akin.
Alam ko ang tinutukoy nito’y ang bar business na college pa lang kami ay pinagpaplanuhan na nito. Alam ko rin na nag-open na ito last month thru our friends. Ang hindi ko alam ay ‘yung tungkol doon sa design.
“Talaga?” I’m amazed but at the same time, ayaw kong ipahalata sa kanya na apektado ako. Ayaw kong magtake advantage siya sakin kaya I have to limit myself.
“Oo, sayang nga lang kasi wala ka noong opening. I told John to invite you, but you didn’t come.”
“Invite me? Wala akong nareceive na invitation. And besides, last month was hell month sa office, kaya for sure, hindi rin ako makakapunta kung na-invite man ako.”
“I was expecting you’d say that. I checked your schedule that time pero wala namang naka-plot.” Ngi-ngiti-ngiting tugon nito.
“You checked my schedule?” Nagtataka kong tugon dito.
“Yup. I’m always checking you thru someone.”
This is the reason kung bakit ako mailap sa mga tao, kasi dahil sa impluwensya ng pamilya nila lalo na dito sa Makati ay hindi talaga ako makakapagtago dito. Pinili kong manahimik at magtrabaho ng maayos dahil dito.
“And who is that someone?” Takang tanong ko dito.
“You don’t need to know na. Baka kuntsabahin mo pa.” Tatawa-tawang tugon naman nito sa’kin bago inisang-lagok ang laman ng kanyang baso. “So kamusta naman kayo ng bago mo?”
“Excuse me?”
“Nung bagong boyfriend mo? Someone told me na may bago ka na daw.”
“Wala akong bago, Jeck. After us, wala na. I’m into dating pero walang nakapasa.” Nakangiting tugon ko dito. “Don’t get me wrong, Jeck. I’m not into you anymore, it’s just that, it’s hard to find a replacement.”
“And why the hell do you want to replace me? Nag-iisa ‘to, Josh.” Mayabang na usal nito.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang kami ay nag-iinom. Nothing has change, his height, his face, his sense of humour. Everything I loved about him, he still possesses. Ewan ko pero parang unti-unti nanaman akong nahuhulog sa kanya.
“This can’t be! Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya for the second time! Hindi pwedeng ako ang mauna. Kailangan siya.” Pagkausap ko sa akig sarili habang matamang nakatingin sa kanya.
“Nakikinig ka ba?” Ang nasabi nalang ni Jeck na nagpagising sa aking ulirat.
“Huh? Ah, eh, ano ‘yon?” Parang tangang tugon ko rito.
“I’m asking you if you missed me.” Sinserong tanong nito sa akin.
“What do you mean?”
“Wala naman. Gusto ko lang malaman if still there’s a space for me there.” Sabay turo nito sa parteng dibdib ko.
Nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin. Ayaw kong magsalita, at si Jeck naman ay tila naghihintay ng kasagutan mula sa akin. Nakailang lagok pa ako sa aking iniinom bago ako nagsalita.
“Jeck, it’s getting late. Baka hinahanap ka na ni tita Let.” Pag-iiba ko nalang ng usapan.
“She advised me to stay here.” Agad na turan nito sa akin.
“WHAT?!” Ang tila di ko makapaniwalang nasabi.
“I can’t believe this! Kanina ang masarap na hapunan, ngayon naman lolokohin pa ata ako netong si Tita Let mismo ang nagpapunta sa kanya dito!” Nasabi ko nalang sa aking isipan.
“Bakit? Hindi ka makapaniwala? Actually, mama told me to stay here to bring back my smile. And I guess she’s right. You truly are the reason for my smile.” Nakangiting turan nito sa akin.
“Hindi ko nagugustuhan ang patutunguhan neto, Jeck. Maybe you should leave now.”
“Patutunguhan?” Takang tanong nito sa akin. “Hindi naman ako nagpunta dito para makipaglaro sayo. Nandito ako kasi ipinapasundo ka ni mama. She wants to see you. She missed you.”
“And what makes you think na sasama ako dahil lang d’yan sa sinabi mo?”
“It’s up to you, but I promised her na hindi ako uuwi sa Bulacan hangga’t hindi kita kasama.” Sabi nito kasunod ay ang pag-isang lagok muli sa laman ng kanyang baso. “And besides, na-miss ko rin ang kwarto ko dito sa condo. ‘yung kwarto nating dalawa.” Ngingisi-ngisi muli nitong dugtong.
“You’re insane! If you want to sleep here, d’on ka sa kwarto, dito ako sa sala!”
“Ikaw bahala, but I’m sure hindi ka rin makakatiis at tatabihan mo rin ako mamaya.” Feeling siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi.
In fairness, I missed this kind of conversation with him. Kahit itinatanggi ko sa aking sarili ay alam kong naliligayahan ako sa nangyayari. Pero hindi pa rin dapat siya magtagumpay. Hindi ako dapat magpahuli ng buhay. Madami na akong naisugal noon at hindi na dapat maulit pa ito ngayon.
This is what I am not prepared of. Hindi ko akalaing mangyayari pa ito sa pagitan naming dalawa. Ni kahit sa panaginip ay hindi ko na inakalang magkakasama pa kami. I’ve been into emotional distress because of him and I know that this is not enough reason to forget what he has done.
Humaba pa ng humaba ang aming inuman. Kasabay nito ay ang pagtuklas ko sa mga nangyari pagkatapos naming maghiwalay. Nalaman kong nagkaroon siya ng dalawang girlfriend (which gave me a little something, an uncomfortable feeling in my heart.). Ni isa sa kanila ay hindi raw niya minahal ng tapat, sa katunayan nga ay pinagsabay pa raw niya ito.
Nalaman ko rin na sa isang buwan na nag-o-operate ang kanyang bar ay halos mabawi na nito ang kanyang ipinuhunan dahil na rin daw ang binabalik-balikan ng mga tao ay ang design nito. At ang masarap na inumin na sa bar lamang niya matitikman.
“So, ano palang pangalan ng bar mo?” Tanong ko rito.
“J and J RestoBar.” Naging tugon nito sa akin.
“J and J?”
“Jeck and Josh RestoBar.” Paglalahad nito.
Dahil sa narinig ay hindi ko naiwasang mapangiti. Hanggang sa huli ay tinupad niya ang kanyang mga sinabi na aming pinlano tungkol sa kanyang bar. Mula sa hitsura hanggang sa pangalan, lahat ay naaayon sa aming plano.
“Oo, Josh. Tinupad ko lahat ng pinlano natin. Peace offering ko dapat sayo ‘yon kaso hindi ka naman nagpunta. I would like to surprise you sana.” Medyo dismayadong lahad nito sa akin. “How I wish I can prove to you that I’ve changed, kaso mukhang sarado ka na sa lahat ng paliwanag.”
“Don’t bring the topic, Jeck. Tama na.” And for the last time, I’m holding my tears again. Pretending I’m strong enough.
“Alam ko mali ako sa nagawa ko, you gave me everything, and that everything made me so comfortable that whatever I do, you can forgive me. Pero mali ako. Kung sana hindi ako naging tanga noon at nagpatukso, tingin ko ay tayo pa rin ang magkasama hanggang ngayon.” Madamdamin nitong pahayag.
Nakita ko ang mumunting luha na pumatak sa kanyang mga mata. Nakangiti siya ngunit lungkot ang makikita mo sa kanyang mata. I don’t know what to do, hindi ko siya pwedeng lapitan dahil malalaman niyang tinamaan ako sa mga sinabi niya. Hindi ako pwedeng magpakita ng emosyon.
“I’m so sorry for what I did. I’m so sorry for what happened. Masyado akong bata noon, malapit sa tukso. If you would ask me, I want you back. I want us back.” Nagtuloy-tuloy ang pagluha nito. “Pagtawanan mo na ako ngayon, Josh. Tatanggapin ko.”
“I said enough!” Hindi ko na naiwasan ang sumigaw. Kasunod nito’y ang pagpatak at pagpapakita na ng aking tunay na emosyon. Hindi ko na ito napigil. “Ito ‘yung kinakatakot ko eh! Na kapag nagpakita ka, guguluhin mo nanaman ang buhay ko! Ang ayos ko na, Jeck! Maganda ang trabaho ko, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw! Tapos ngayon gugulohin mo nanaman dahil lang d’yan sa mga sinasabi mo! Sino bang nagsabi sayo na maniniwala pa ako sayo!?”
“Hindi ko sinabing maniwala ka sakin, Josh. Gusto ko lang malaman mo ang totoo. It’s up to you kung papaniwalaan mo o hindi.”
“I heard enough, Jeck! Tapos ka na diba? Pwede ka nang umalis!”
“I will not leave, I will not leave you. I will never do the same mistake I did when I left you!”
Hindi na ako nakapagpigil ng aking nararamdaman. Agad ko siyang nilapitan at binigyan ng isang mariin, mapusok, maalab na halik! Naging mabilis ang mga pangyayari, nakita ko nalang ang aming katawan na magkaumpok sa iisang kama. Muli naming pinagsaluhan ang katawan ng isa’t-isa.
Bawat indayog ay may kapalit na luha. Luhang matagal nang gusting kumawala ngunit hindi makita-kita ang daan palabas. Luhang nagsasabing “Oo, Jeck. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal! At hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag ika’y nawala pa ulit!”.
Ramdam ko ang pag-iingat sa lahat ng galaw ni Jeck. Parang ako’y hinehele nito sa kanyang paggalaw. Parang sinasabi nitong “iingatan kita hanggang sa huli, Josh. Mahalin mo lang ako muli, hinding-hindi ko na hahayaang may pumagitan pa sa ating dalawa.”
Bawat hagod nito sa aking katawan ay siyang bigkas nito na “Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan sayo. I will never do such thing again. Just forgive me, I want you back. I want you back.”
Bawat halik namin sa isa’t-isa’y siyang sambit din ng aming mga utak na “H’wag mo akong pababayaan. Mahalaga ka sa’kin, sayong-sayo lang ako habang buhay.
______________________________________________________________
*BEEP* *BEEP* *BEEP*
Ang tunog ng aking alarm clock na nagpagising sa akin.
Magkayakap at kapwa hubo’t-hubad ang aming katawan ang aking namulatan. Dahan-dahan kong inalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa akin. Bahagya pa siyang gumalaw na inakala kong siya ay nagising ngunit inayos lamang pala nito ang kanyang pagkakahiga.
Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa CR.
“What have I done?” Hindi ko naiwasang maitanong sa aking sarili nang mag-sink-in sa akin ang nangyari kagabi. “I got drunk. That’s all. We did stupid things but it doesn’t mean that he has the right over me!” Paniguro ko pa sa aking sarili.
Agad kong binuksan ang shower at tumapat dito.
Bumalik sa aking ulirat ang kanyang bawat halik, haplos at ulos. Para akong naka-extasy sa aking mga naaalala. Dahil dito’y mabilis kong tinapos ang aking pagligo at ipinulupot sa aking baywang ang aking tuwalya.
Pagkalabas ko ng CR ay agad akong humagilap ng papel at ballpen at umupo sa couch.
“Thanks for a wonderful night. I will never forget this day. But it seems like I am still afraid of committing again. I’m afraid that if this thing continues, I might lose everything I invested emotionally. Jeck, let me find myself. The unit is yours. Thanks again and good bye. You know that I loved you before, I love you now and I will always and forever love you. -Josh”
Mahirap man ay kailangan kong gawin. Hindi ko alam kung tama pero ito lang ang naiisip kong paraan para may mapatunayan ako sa aking sarili.
Inilagay ko ang sulat sa dining table kung saan nagsimula ang lahat kagabi. Agad kong kinuha ang susi ng aking auto at nagmadali akong lumabas sa unit. Nang marating ko ang parking ay agad na tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata.
“I have to do this Jeck. Sorry.” Ang huling kataga sa aking isip at ang kasunod nito’y ang pagbukas ko sa pintuan ng aking auto.
__________________________________________________________________
Nang marating ko ang aking paroroonan ay agad na sumalubong sa’kin ang isang babae, maganda siya sa edad niyang sin’cuenta. Agad itong yumakap sa akin at pinaghahalikan ang aking pisngi.
“Anak, bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sa amin?” Ang salubong sa akin nito. “Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo.”
“Ma, 3 months lang akong nawala.”
Totoo naman, palagian pa rin akong nauwi sa amin kahit noong kami pa ni Jeck. Ngunit nagtatagal lamang ako dito ng isang araw at isang gabi pagkatapos ay aalis din ako kinabukasan dahil na rin sa nagfa-flash back sa akin ang pang-iiwan ng aming ama sa amin. Hindi ko kinakaya ang stress na dulot sa akin nito kaya agaran din akong umaalis.
“Oo, pero ngayon mas masaya na tayo.” Sambit ng aking ina kasunod ay ang paghigit sa akin nito papasok sa loob ng bahay.
Nagtataka man ay hindi na ako pumalag at sumunod nalang sa paghigit sa akin nito. Nang makapasok ako sa loob ay ang laking pagtataka ko dahil biglang umayos ang bahay. Naging maaliwalas at malinis. Parang noong naandoon pa ang aking ama.
Tumigil kami ni mommy sa pintuan ng aming bahay, nilingon ko si ito na mababakas ang pagtataka sa aking mga mata.
“Hindi mo ba nagustuhan ang ayos ng bahay ngayon, anak?” Tanong sa akin ni mommy.
Tanging ngiti lamang ang naibalik ko sa kanya. Inilibot ko ang aking mata at lahat ay totoong maayos na, ang mga kurtina ay may awang na tama lamang para makapasok ang sapat na liwanag sa aming bahay. Ang hapag ay malinis na, malayong-malayo sa naabutan ko noong huli kong uwi na ang mga napanis na pagkain ay nakabuyangyang lamang sa dining table at pinabayaan.
“May isa pa akong surpresa sayo, anak.”
Ulit ay takang-tingin lamang ang naibalik ko sa aking butihing ina.
Agad muli ako nitong hinigit patungo sa kanyang kwarto. Nang buksan niya ang seradura ng pintuan ay bumulaga sa akin ang aking ama, nakangiti, presko. Agad ako nitong inakap ng mahigpit.
“Patawarin mo ako, anak. Hindi ko nagampanan ang pagiging ama ko sa iyo. Pero handa na akong muli, ready na akong maging ama mo. Sana ay hayaan mo akong bumawi.” Mabasag-basag ang boses ni daddy na halata mong sinsero siya sa sinasabi nito.
Unti-unting pumatak ang luha sa aking mata. Na-miss ko ‘to. Na-miss ko si daddy pati na rin si mommy. ‘yung magkasama sila, ‘yung parang katulad ng dati na sobrang saya namin. ‘yung tipong parang wala kaming hindi kayang lampasan kung buo kaming pamilya.
“Tama na muna ‘yan at nagluto ako ng pagkain natin.” Pagputol ni Mommy sa eksena naming mag-ama. “Kaya pala marami ang niluto ko kanina kasi naramdaman kong uuwi ka.” Masayang sambit pa nito.
“P-pano po???” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad na akong hinigit ni daddy papunta sa hapag.
“Mamaya na ang tanong. Madami tayong oras para d’yan. Mabuti pa ay tawagan mo na ang boss mo at mag-leave ka muna kahit isang linggo lamang.” Hiling nito sa akin.
Nang marating namin ang hapag ay pinagsaluhan namin ang luto ng aking butihing ina. Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw ko ngayong taon na ito. Ang muling mabuo ang aming pamilya ay napakalaking regalo na para sa aking birthday, pasko at bagong taon. Advance nga lamang.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang simulan ko ang pagtatanong sa kanila.
“P’ano po kayo nagkaayos?”
“Nung isang gabi kasi ay umuwi dito ‘yang ama mo, nag-iiyak at nahingi ng tawad. ‘yon lang naman ang hinihintay ko sa kanya noon pa, ang humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya.” Nakangiting pahayag sa akin ni Mommy.
“Hindi naman ako umiiyak.” Nakangiting protesta naman ni daddy. “Alam mo ‘yang mommy mo may dagdag na kung magkwento.” Pagbibiro pa nito.
“Asus, Nel! Kung hindi ka nag-iiyak nung makalawa ay hindi kita pinapasok dito sa pamamahay ko!” Pagsakay naman ng aking ina sa biro ni daddy.
“Alam mo kasi anak, tayong mga lalaki, minsan lang humingi ng tawad ngunit totoo at sinsero ito. Alam ‘yon ng ina mo kaya n’ya siguro ako tinanggap muli dito.”
Dahil sa sinabing ‘yon ni Daddy ay agad kong naalala ang iniwan kong si Jeck sa aking unit. Medyo naawa naman ako sa ginawa ko sa kanya. Ngunit there’s no turning back. Mas maganda sigurong i-enjoy ko muna ang pagbabalik ng aking ama bago ko muling harapin ang gulo ng buhay ko sa Makati.
“Eh ikaw? Kamusta na kayo nung ka-live-in mo?” Nagulat ako sa tanong na ‘yon ng aking ama.
Hindi ko ine-expect na itatanong pa niya ‘yon sa akin. Unang-una ay wala naman akong nababanggit sa kanila tungkol dito. Pangalawa ay hindi nga alam ni daddy at ni mommy ang tunay kong pagkatao.
“Wala na po kami.” Mahina kong tugon dito.
“Bakit? Anong nangyari sa inyo?” Pag-usisa nito.
“Nangaliwa po kasi siya.” Matipid ko pa ring tugon rito.
“Alam mo anak, minsan hindi talaga maiiwasang may humanap ng iba sa isang relasyon. ‘yung tipong tumikim ba ng ibang ulam. Pero hindi naman ibigsabihin nito ay hindi ka na mahal ng taong ‘yon. Kailangan ‘yon para pagtibayin ang inyong relasyon. Lahat naman ng katulad noon ay mga pagsubok lamang, it’s up to the both of you kung paano n’yo malalampasan. Kadalasan nga lang ay may bumibitiw kaya nauuwi ang lahat sa wala.” Mahabang pahayag ni Daddy.
“Oo nga, anak. Tingnan mo kami ni daddy mo, ilang taon kaming hiwalay, walang usap-usap. Hindi siya umuuwi dito, pero ngayon ay nasa atin na ulit siya at alam kong this time, natuto na siya. Ganon ang nagmamahalan. Kung totoo talaga ang pagmamahal ninyo sa isa’t-isa ay mapapatawad mo siya anak. At gagawa kayo ng panibagong memories para mabura ang masalimuot ninyong nakaraan.” Nakaniting sambit naman ng aking ina.
Dahil sa pahayag ng dalawa’y hindi ko naiwasan ang maluha. Totoo lahat ng sinabi nila. But I already pledged my goodbye to him. And I’m a man of my word, nothing can break it.
“Anak, tanggap namin kayo. Matagal na naming alam ang tungkol sa inyo noong lalaking ‘yon. Hindi ka nakarinig sa amin ng kahit anong panghuhusga dahil alam namin na doon ka masaya. Kitang-kita sayo ngayon na mahal na mahal mo pa rin siya, bakit hindi mo siya balikan? Tandaan mo anak, love is sweeter the second time around.” Nakangiting pahayag muli ng aking ama.
Dahil dito’y agad akong tumayo at inakap siya, hindi ko na napigilan ang aking emosyon at ibinuhos ko itong lahat sa kanila. No words can describe my feelings now, hindi ako nakaimik, parang ayaw ko nang matapos ang oras na ito.
“Shhhhhh, kahit ano ka pa anak, mahal ka namin, anak ka namin eh. Kung saan at kung ano ang ikasasaya mo, susuportahan ka namin hanggang sa huli naming hininga anak. Mahal mo pa siya, kung gumawa na siya ng paraan para bumalik sayo, go grab it!” Sambit ng aking ina na sumali na rin sa yakap ko sa aking ama.
“By this time, he’s already awake and he might have read my message to him. I made a decision earlier this morning and that decision is to leave him.” Mangiyak-ngiyak ko pa ring pahayag sa kanila.
“That decision sucks, anak. Bumalik ka doon at bawiin ang sinabi mo!” My father sounded like commanding me to do whatever he said.
“I can’t, daddy. I’m a man of my word, at walang makakabali noon.” Sambit ko rito na parang nagsusumbong at nagsisisi.
“Minsan anak, kailangan mong tanggalin ang pride sa katawan mo para maging masaya. Hindi sa lahat ng oras ay nakakatulong ‘yon. Go na! I know you know where to find him.” Nakangiting sambit ni Daddy sa akin.
Tama si Daddy, kung mahal ko ay dapat ipaglaban ko, no matter what. Ang laking kahibangan ng ginawa ko kaninang umaga. At dahil doon ay posibleng hindi ko na muling makita si Jeck. Dalawang lugar lamang ang alam kong pwedeng puntahan ni Jeck, ‘yon ay sa unit ko o kaya nama’y sa probinsya nila sa bulacan.
Hindi ko na tinapos ang aking pagkain, humalik ako sa pisngi ng aking ama’t ina bago tinungo ang labas at agad na kumaripas ng pagmamaneho pabalik sa aking unit sa Makati. I have approximately 1 hour para marating ko ang one roxas.
______________________________________________
“Sir.” Pagtawag pansin sa akin ng guard ng one roxas.
“Kuya, medyo nagmamadali ako eh, pagbaba ko nalang ulit, saka mo ako kausapin.” Balik ko rito.
“Sir kasi may ipinapaabot po sa inyo si Mister Lagrosa, pasensya na po.” Sambit nito bago iniabot sa akin ang isang maliit na papel.
“St. Lukes – Global, maghihintay kami.” Ang tanging nakasulat sa papel na inabot sa akin ng guard.
“Kami?” Hindi ko naiwasang maitanong sa sarili ko. “Sinong sila?”
Hindi na ako nag-atubili pa at agad ko nang kinuha ang aking auto at pinaandar ito, nagmamadali akong pumunta sa st. lukes sa global.
Pumunta ako agad sa reception area at nagtanong kung mayroon bang Lagrosa na naka-confine dito, itinuro agad sa akin ang daan papunta sa ICU.
Nagmamadali, kinakabahan, natatakot sa kung ano mang pwede kong makita dito. “Bakit sa ICU? Sinong nasa ICU? May nangyari bang masama kay Jeck?” Ang mga tanong sa aking isip na kailangan ng kasagutan.
Hindi ko maiwasang lumuha habang tinatahak ang daan papunta sa ICU. Malayo pa lang ako’y naaninag ko na ang mga pamilyar na mukha na nakatingin sa aking direksyon. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso.
Agad akong sinalubong ng kapatid ni Jeck na si ate Len. “What took you so long? Ang tagal ka na niyang hinihintay.” Sambit nito sa akin nang ako’y mayakap nito. Halata ang lungkot sa kanyang boses.
“Anong nangyayari ate Len?” Medyo sumisikip na ang aking dibdib.
“Pumasok ka nalang sa loob. Hinihintay ka nila doon.” Sambit ni ate Len.
Hindi na ako nag-atubili pa at agad kong pinasok ang loob ng ICU, nagpalit ng nararampat na suot sa loob nito at naglakad papalapit sa itinurong kama sa akin. Naririnig kong nagsasalita si Jeck, nag-iiyak.
“Sorry, mama. I didn’t win him back. Masyado ko siyang nasaktan. Alam ko naman na kasalanan ko eh. Nagsisisi na ako, alam n’yo po ‘yan. Pero naging matigas na s’ya at hindi na talaga niya ako kayang patawarin.” Mahabang sumbong ni Jeck sa palagay ko’y ang kanyang ina ang kanyang kausap.
“Shhhhh. Pasasaan ba’t lalambot din ang puso ni Josh. Stop crying na, ‘yan ba ang ipapabaon mo sa’kin sa pagtawid ko?” Kahit halata sa boses nitong mahina na siya’y pilit pa rin niyang pinapagaan ang kalooban ng kanyang anak.
Muling tumulo ang luha sa aking mga mata.
“Hndi, ma. Siguro ito na talaga ang dapat sa’kin. Hindi ko deserve na mahalin, masyado kasing matigas ang ulo ko, mabilis magpatukso. I tried to be happy pero hindi ko magawa ‘yon nang wala si Josh sa buhay ko.”
“A-alam ko anak. Pero kailangan mo ring tanggapin kung ano man ang nangyari sa inyo, kung kayo talaga’y mapapatawad ka rin niya.” Sa pagkakataong ito’y kita na ako ni tita Let. Sa akin siya nakatingin habang sinasabi niya ‘yon kay Jeck.
Nilapitan ko silang mag-ina at agad na hinagod ang likuran ni Jeck. “Shhhhh, tahan ka na, nandito na ko.”
Nang lingunin ako ni Jeck ay para itong napabalikwas at agad na tumayo’t niyakap ako. “Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko…”
“Shhhhhh, nandito na ako, hindi na ako mawawala pa ulit sayo.” I made my voice strong so that he’ll know he has me for him to cling on. He needs me now more than ever and I know I can give this to him.
Naramdaman ko ang kamay ni tita Let sa aking braso, tumingin ako sa kanya at nakita kong nag lip-sync siya ng “thank you.” Na naging dahilan ng pagpatak ng luha nito.
______________________________________________________
Sometimes, we need to fix ourselves first before we can love someone. We should learn how to accept things from the past, learn from it and try to avoid it. It makes us stronger, and better. The sad thing is, minsan, huli na ang lahat bago pa natin makita ang kung ano man ang hinahanap natin.
Namatay si Tita Let sa sakit na Colon Cancer, matagal na niyang alam ito ngunit hindi niya masabi sa kanyang mga anak lalo na kay Jeck dahil alam niyang hindi pa ito handa. Naging instrumento lamang ako para maiparamdam pa rin kay Jeck na kahit wala na si tita ay may magmamahal sa kanya ng kung hindi man mahigitan ang naibibigay ni tita Let sa kanya noon ay mapapantayan ko naman ito.
Love is something that is unconditional, love is forgiveness, love knows no sex. Love is something everyone possesses but sometimes forget how to use it. Or sometimes, doesn’t know the real meaning of it.
Hanggang ngayon ay kami pa rin ni Jeck, we are planning to go to Canada and get married. And syempre may basbas ng aking ama’t ina at hindi daw sila papayag na ikasal kami nang hindi sila present.
Na-promote ako sa trabaho ko a month after ng lahat ng pangyayari, ang business naman ni Jeck ay isa na ngayon sa pinakadinadayong restobar dito sa Makati at nakapag-branch out na rin ito sa mga bar spots dito sa kamaynilaan.
At ngayong ika-isang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Tita Let ay magkahawak kamay kami ni Jeck na pinuntahan ang puntod ni tita dala-dala ang pangakong kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa aming dalawa katulad ng paghiwalay niya sa kanyang anak.
Maraming salamat po sa pagbabasa, sana po ay nagustuhan ninyo ang aking kwento.
COMMENTS