$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Younger than Me (Part 1)

By: Jerico Hello sa lahat, my name is Jerico at matagal na din akong nakakabasa ng iba’t-ibang kwento sa site na ito. It made me realize na ...

By: Jerico

Hello sa lahat, my name is Jerico at matagal na din akong nakakabasa ng iba’t-ibang kwento sa site na ito. It made me realize na i-share din ang story ko. I’m Jerico, 25 years old now, turning 26 next month, at nagtatrabaho bilang Health Care Account Specialist sa isang company sa Taguig, gabi ang trabaho ko dahil International Insurance ang hawak namin, habang sa araw naman ay nag-aaral ako ng BS Mathematics, as my second course, sa isang sikat na University sa Quezon City. Graduate naman ako ng BS Nursing sa unang course ko isa ring sikat na University sa City of Manila naman. Sa isang Catholic University naman sa Bulacan ako nag-High School. Second Year High School ako nang malaman ko na kapwa lalaki talaga ang gusto ko, hindi naman ito lingid sa kaalaman ng mga magulang at kapatid ko, tanggap nila kung ano at sino ako. Hindi nga lang ako yung tipo ng tao na nagbibihis babae, nagmemake-up or kumekendeng. Kailangan ko din umayos ng kilos dahil part ako ng School Body, at honor student nung High School. Well respected naman ako sa school kahit papano, pero syempre may time na lumalandi din ako. Madami din akong nagiging crush sa school. Pero ever since lagi akong nalilink sa mga mas bata sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero, hindi ako nagkakagusto sa mas matanda sa akin.

Fourth Year High School nang unang tumibok ang puso ko nang di inaasahan. First week ng School Year taong 2004 (habang tinatype ko ito, narealize kong 10 years na rin pala ang nakalilipas) nang makilala ko ang lalaking magpapatibok ng puso ko. Si Jaybee, second Year High school siya noon at transferee, chinito, kasing tangkad ko, 5’ 7” in height at Varsity player, 14 years old siya noon at 16 naman ako. Habang nasa canteen ako dahil lunch break namin, ay may tumawag sa aking pangalan at si Jaybee nga yun na hindi ko pa kilala. Nagulat ako dahil una hindi ko naman siya kilala para tawagin ako sa pangalan ko, at pangalawa wala akong masyadong kilala sa lower level, maliban doon sa mga kilala ko sa Elementary na same school na din nag High School. Anyways, nginitian ko lang siya dahil ayaw ko naman siyang sungitan, eh nakikipagkilala lang naman yung tao.
Nang sabihin niya saken na naging classmate ko pala ang kuya niya nung Grade 1 at 2 ay naging interesado akong makilala siya. Sinabi ng kuya niya na hanapin daw ako at iyon na nga nahanap na niya ko. Nung araw na iyon binalewala ko lang yung araw nay un, parang normal na araw lang, hanggang every Flag Ceremony namin ay palagi na niya akong binabati at nginingitian tuwing nagkakasalubong kami.

Dumating sa punto na pinupuntahan pa niya ako sa kabilang building tuwing Recess or Lunch para lang makipag usap. Magkasama kasi sa iisang building ang First and Second Year at ang Third and Fourth Year. Minsan naman pag nakasuot ako ng Fatigue Uniform ko dahil CAT Officer din ako, ay kunwaring sasaludo sa harap ko, sabay sabing: “Sir, Yes Sir” na siyang kinasisiya ko. Naging malapit kami sa isa’t isa at wala pang halong malisya sa akin yun. One time nang hinatid siya ng mga parents niya ay nakasalubong ko siya, parents at yung nakakabata niyang kapatid na babae, ay pinakilala ako sa kanila, naalala daw ako ng Mommy niya nung Elementary days namin ng kuya ni Jaybee. Hindi naman sa assuming ako pero unti unti akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya. Lagi niya akong binabati, minsan dinadalhan ako ng pagkain at pinangingiti.

Isang araw, may nareceive akong text sa isang hindi ko kakilala, nagreply ako, ako kasi yung taong hindi mapakali kung sino yung nagtext lalo na pa't hindi nakasave ang number unless nangungulit na. At si Jaybee pala ito, nahingi niya yung number ko sa isang friend ko na Second Year din, na kasamahan ko sa isang org. Hindi pa uso ang unli text noon, hindi din naman kami madalas magkatextan. Doon na ako simulang kiligin, dahil iniisip ko na bakit naman niya hihingin ang number ko.

One time, tinry kong hanapin ang landline number nila sa directory. Iisa lang ang apilidong mayroon sa directory, lalaki ang nakapangalan na maaring tatay niya dahil sa letter “J” din nagsisimula. Sinubukan kong tawagan, at siya pala ang nakasagot.

Ako: “Pede po kay Jaybee?”

Jaybee: “Sino po sila?”

Ako: “Jerico po, friend niya po sa school.”

Jaybee: “Uy ako ito, paano mo nalaman ang number namin?”

Ako: “Eh ikaw nga alam mo din ang cellphone number ko eh.” (sabay tawa)

Jaybee: “Eh wala lang, nahihiya kasi akong hingin sa iyo, baka kung anong isipin mo.”

Ako: “Ano naman iisipin ko?”

Jaybee: “Wala, oh paano mo nga nalaman number namin dito sa bahay?”

Ako: “Chineck ko lang sa directory kung may landline kayo, eh may isang number dun na apilido niyo, mukhang sa Papa mo ata nakapangalan. Tinry kong tawagan, ayun chamba number niyo nga.”

Jaybee: “Bihira kasi ang apilido namin.”

Ako: “Oo nga eh. oh siya sige, kakain na ako, kain ka na din ha.”

Jaybee: “Ay ambilis naman. Sige na nga, kita na lang tayo bukas sa Flag Ceremony.”

Ako: “Okay bye” (sabay ngiti)

Kinabukasan ay pinuntahan niya ako sa pila ng mga Fourth Year para kausapin, hindi maiwasan ng mga classmates ko na tuksuhin ako at siyempre ako ang nahihiya pero si Jaybee ay nakangiti lang. Minsan kinakantsyawan din siya ng mga classmates niya pero wala lang sa kanya. Mukhang hindi naman ata big deal kung maging kami ni Jaybee.

Hindi nagtagal ay araw araw na kaming sabay umuuwi since same lang naman ang way naming pauwi, mauuna lang siyang bumaba. Isang araw, bago kami umuwi ay nagpasama siya sa isang Computer shop, titignan daw niya ung Friendster niya (dahil hindi pa uso ang Facebook noon), hindi pa ganoon kauso ang mga Social Networking Site at wala naman akong gaanong kahilig sa Friendster ay sinabihan niyang tuturuan daw niya ako mag Friendster at gagawan daw niya ko ng account, hanggang sa unti unti din akong natuto. Since wala akong Profile pic, sinabihan  niya akong iscan ang wallet picture ko. Tapos agad agad niya akong inadd sa Friendster, siya pa nga ang una kong friend at unang nagbigay sa akin ng “Testi”.

May mga oras din na kumakain kami sa mga gotohan or minsan pag may pera sa mga fast food chain. Madalas siya ang nagbabayad, pero dahil nakakahiya din kahit papaano, ako na din ang nagbayad. Minsan nahuli kami ng teacher ko sa Filipino na kumakain after school, siya din ang Coordinator Discipline sa HIgh School, nasita ako dahil kung saan saan daw kami gumagala after school tapos nakauniform pa. Hindi din daw magandang tignan ang dalawang lalaki magkasama ng ganitong oras, lalo’t sa isang Catholic University pa kami nag-aaral. Hindi ko naman sineryoso si Ma’am kahit alam ko na kumakalat sa school ang kakaibang relasyon namin ni Jaybee. Dinadaan na lang niya sa tawa ang mga naturang chismis sa school, pero sa loob ko gustung-gusto ko ang pagtukso sa amin. Para kay Jaybee ay balewala lang daw ito, kasi sa totoo lang wala naman kaming ginagawang masama (Wala PA talaga, haha).

Dumaan ang maraming mga buwan, at tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya. One time sumali siya sa isang audition ng isang Male Dance Troupe, Lunch nang sinabihan niya akong manood ng audition nilang magbabarkada. After ng last subject namin na Solid Mensuration ay nagpasama ako sa bestfriend ko na manood kami ng Audition. From room, derecho kami sa Audio-Visual Room  at nagulat ako nang malaman ko na 2 among the 3 judges ay Adviser slash Teacher ko sa Physics at yung isa Teacher ko sa Calculus. Tinanong nila kung andito daw ba ako para panoorin si Jaybee?

Ako: “Sir, hindi po, napadaan lang kami, tinignan lang namin kung anong meron?”

Sir Physics: “Magtigil ka Jerico, kalat na kalat kaya sa buong Faculty ng High School ang love story niyo ni  Jaybee.”
Sir Calculus: (nakangisi) “Infairness ang gwapo pala ng tipo mo ah.”

Ako: (nagbablush) “Sir naman…”

Hindi naglaon ay nagsimula na ang audition. Nung sila na ay todo hiyaw ako, kaunti lang ang nanonod kaya pansin na pansin ang pagcheer ko. Siyempre hindi din naiwasan ang panunukso sa kanya. Matapos ang audition nag-aya si Jaybee na kumain. Kasama niya yung friend niya na nanliligaw sa bestfriend kong girl. Dahil hindi naman karamihan ang mga makakainan ay nagpasya na lang kami kumain sa isang karinderya sa labas ng school. Dalawa kami ng table na inupuan. Isa kina bestfriend at yung manliligaw niya, at isa sa amin ni Jaybee. Umorder siya ng goto. Habang kumakain,

Jaybee: “Uy Jerico, salamat pala sa pagpunta mo ah, sa tingin mo pasok kami?”

Ako: “Oo naman, galing mo kaya, hindi ko nga alam na marunong kang sumayaw.”

Jaybee: “Gulat ka no? Andyan ka kasi kaya malakas loob ko.”

Ako: “Bolero, ako na magbayad nito ah, treat ko sa iyo.”

Jaybee: “Hindi na, treat ko sa inyo ito, dahil nanood ka sa Audition namin.”

Kita ko sa mga ngiti niya ang sayang nararamdaman niya. Hindi man niya sabihin pero alam kong napasaya ko siya kagaya ng pagpapasaya niya sakin. Ayaw kong lagyan ng label ang ganitong klaseng relasyon, pero ang hiling ko lang ang hindi na sana matapos ang mga sandaling iyon. Siguro pag-ibig na nga ito, tinamaan na ata ako ni Kupido.

Dumadalas ang pagsasama namin after class. May mga oras pa nga na pag Friday ay dinadala niya ako sa bahay nila tutal weekends naman, doon kami sa kwarto niya. Tinuturuan ko din siya sa Advanced Algebra at Statistics, (Yun kasi ang forte ko Math, ewan ko ba kung bakit napunta ako sa Nursing) ako ang pinaka-tutor niya kasi hirap siya sa mga subjects na iyon. Masayang masaya ako pag tinuturuan ko siya at wala pa talagang malisya noon, pero deep inside gustung gusto ko iyon, lalo’t kaming dalawa lang sa kwarto, minsan nakahiga pa kaming dalawa sa kama at hahatiran ng Mommy niya ng food. Naging malapit din ako sa Mommy at Daddy niya. Hindi ko alam kung bakit ayos lang sa kanila iyon. Minsan ako pa ang nahihiya pag doon ako nagdidinner sa bahay nila. Ako kasi hindi ko pa nadadala sa bahay si Jaybee. Since same school din kami ng mga nakababata kong kapatid ay kilala nila si Jaybee. Lalo iyong sumunod saken na Second Year High School din nung mga araw na yun. Bihira ko makita ang kuya niya dahil sa Manila ito nag aaral, bihira lang din nagkausap pero alam niya ang tungkol sa kakaibang pagkakaibigan namin ni Jaybee. Sa nakababata naman niyang kapatid ay parang kapatid na din ang turing saken.

Isang araw, habang nasa kwarto niya kami, ay tinanong ko siya kung masaya ba siya kapag kasama ko. Seryoso ko siyang tinanong pero sinagot niya ako ng tawa at halakhak.

Jaybee: “Ano bang pinagsasabi mo diyan? Anong kadramahan ito?” (sabay tawa)

Ako: “Hindi naman sa nagdradrama pero naisip ko lang, bakit?”

Jaybee: “Anong bakit?”

Ako: “Ang dami kong tanong sa sarili ko na hindi ko alam ang sagot. Bakit mo ako sinasamahan? Bakit mo ako pinapasaya? Bakit hindi ka naiilang pag magkasama tayo? Bakit ganito mo ako ituring? Bakit?”

Jaybee: “Aware ako kung ano ka talaga, pero honestly hindi ko din alam ang sagot sa mga tanong mo ang masasagot ko lang ay yung una mong tanong, basta ang alam ko masaya ako, yun na yun.”

Pag uwi ko ng bahay, hindi ako makatulog sa mga sinabi niya. Mahal ko na ata siya, pag-ibig na ata itong nararamdaman ko. Tinawagan ko ang bestfriend ko na classmate ko din, tinanong ko kung busy ba siya at kung pwede kami magkita. Gusto kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. Maari ko naman ikwento ito sa Lunes pero hindi na ako mapakali na makahingi ng advise or comment sa kanya. Nang magkita kami alam na ni bestfriend ang dahilan ng pag aya ko sa kanya. Kinwento ko ang nangyari at mga sinabi ni Jaybee kagabi, kinilig naman ang gaga. Tinanong ko siya kung pwede bang mainlove ang isang straight sa isang hindi straight.

Bestfriend: “Maari naman siguro, pero pag ganon diba eh bading na din siya. Kasi parehas kayong lalaki.”

Ako: “Pero lalaki naman siya kumilos, so kung baga pag naging kami, siya pa din ang boy sa relationship namin, if ever maging kami. Parang mahal ko na ata siya eh.”

Bestfriend: “Hindi kaya friendly lang talaga siya?”

Ako: “Friendly naman talaga yung taong iyon, eh bakit ako lang ang dinadala niya sa bahay nila at ako pa lang so far iyong napakilala niya sa mga magulang niya since transferee siya sa school. Bakit wala siyang nililigawan na babae or even nalilink?

Bestfriend: “Ay naku, hindi ko alam ang sagot diyan, si Jaybee lang makasasagot ng mga tanong na yan.”

Hanggang sa usaping exams na natuon ang attention namin.

Kinagabihan inaya ko naman si Jaybee na magpunta ng Manila bukas dahil gusto ko siyang makausap ng maayos. Kinabukasan nang nasa Manila na kami, naghanap kami ng restaurant kung saan pwede kami mag usap ng masinsinan. Never ko inexpect na magagawa ko ang mga bagay na ito at never ko din inexpect ang mga nangyayari. Habang nasa restaurant kami, nagkalakas na ako ng loob para sabihin kay Jaybee ag mga nararamdaman ko.

Ako: “Alam mo ba kung bakit tayo nandito?”

Jaybee: “Nagdedate ba tayo? (sabay ngiti)”

Ako: “Loko ka talaga. Gusto kong sabihin sa iyo na gusto kita, bigla ko na lang naramdaman ito, ikaw kasi eh lagi mo akong pinupuntahan sa canteen, lagi mo akong nginingitian, lagi mo akong sinasama sa house niyo pag Friday, lagi mo akong pinapasaya. Araw-araw ikaw ang hinahanap ko, lagi akong inspired mag-aral. Gusto kita. Or mahal na ata kita talaga.”

Jaybee: “Eh paano kung sabihin kong . . . . “

Itutuloy….

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Younger than Me (Part 1)
Younger than Me (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvhFGZpWi8AiZ1yw7v4DZaCn8OwMXQK_bDTGkms2917q8ewPl_tjjZGI8aUHWNv59ajurxC7cZKAfP0nanbPDUQaGv28GuL9KMQY8Ag0DabZxNBcgzrisg-gy6miQvrK1UufHOQNyu5b2m/s1600/10270830_283958368431256_2130875403024852396_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvhFGZpWi8AiZ1yw7v4DZaCn8OwMXQK_bDTGkms2917q8ewPl_tjjZGI8aUHWNv59ajurxC7cZKAfP0nanbPDUQaGv28GuL9KMQY8Ag0DabZxNBcgzrisg-gy6miQvrK1UufHOQNyu5b2m/s72-c/10270830_283958368431256_2130875403024852396_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/05/younger-than-me-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/05/younger-than-me-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content