$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

30 Minutes (Part 2)

By: Robi Quijano Alas kwatro y medya ng madaling araw, Lunes ng umaga, nagising si Aling Martha dahil sa “alarm” ng kanyang cellphone na nak...

By: Robi Quijano

Alas kwatro y medya ng madaling araw, Lunes ng umaga, nagising si Aling Martha dahil sa “alarm” ng kanyang cellphone na naka-“set” rin sa nasabing oras. Ito rin kasi ang oras niya para mag -“roving” sa kanyang boarding house at upang makapaghanda na rin para makapagsimba.
Malaki ang boarding house ni Aling Martha, binubuo ng walong kwarto at ang bawat kwarto ay kasya ang apat na “boarders”. Naipundar niya ito sa tulong narin ni Marco at sa kasipagan niya sa pagtitinda sa palengke noong kasa-kasama niya si Aling Josephine. Karamihan sa mga “boarders” niya ay mga “young professionals”, estudyante at mga binata. Tahimik ang lokasyong ng kanyang “boarding house” kaya gustong-gusto ito ng mga call center agents. Kasa-kasama nya rito sina Rico, ang nagsisilbing gwardiya niya sa gabi, Nancy, kasambahay at mayor-domo at 4 pa niyang tauhan.
Pagdaan niya sa kusina ay naabutan niyang naghuhugas ng kamay si Rico at agad nya ito tinanong?
“Dumating na ba si Lenard?”
“Ay ate kararating lang, akay-akay ko s’yang dinala sa kwarto niya, lasing na lasing, sumuka pa nga sa damit kaya’t tinulungan ko pang magpalit, heto nga’t naghuhugas ako ng kamay, nahawakan ko kasi yung suka, ang asim...” diring-diring paliwanag ni Rico.
“Mabuti nama’t dumating na.”
“ …nagpaalam siya na baka gabihin daw sya ng uwi, kagabi ata nila ginanap yung padespedida ng mga katrabaho niya sa kanya, papano kaya s’ya nakauwi?”
“… teka muna? umalis na ba si Nancy? Sana’y magsigang siya mamaya para makahigop ng sabaw ito si Lenard, malamang masama pakiramdam nu’n paggising”.
“Mga alas-kwatro po umalis si Ate Nancy, dala-dala niya yung payong ko, baka daw abutan sya ng ulan”, sagot ni Rico.
“O shya, magkape ka muna’t, bibihis na ako, baka mahuli ako sa misa, dadaan pa pala ako kina Mareng Jo”, ang sabi ni Aling Martha.
Likas na maalalahanin si Aling Martha hindi lamang sa mga boarders nya, pati narin sa mga tauhan niya at lalo na rin kay Lenard, kaya’t pagiging “loyal” naman ibinibigay nilang sukli sa kanya.
Si Lenard ay isa sa mga paboritong “boarders” ni Aling Martha hindi dahil sa ‘good payer’ sya kundi parang ina na rin ang turing niya sa kanya. Ulila na ng lubos si Lenard kanyang mga magulang kaya’t ang tita niya na lamang ang nag-alaga sa kanya kasama ang mga pinsan niyang babae sa probinsya. Nang matapos niya ang high-school, lumuwas siya sa Maynila upang dito makipagsapalaran. Nakilala ni Aling Martha si Lenard ng mga simula magtrabaho si dito. Isa rin siyang mahirap ngunit bunga ng pagsusumikap naipagtapos niya ang kanyang sarili. Dahil sa angking kagwapuhan, naging salesman sya sa kilalang “mall” sa umaga at nag-aaral sa gabi. Kung minsan umi-extra siya sa pamamasada ng taxi, sa kapwa niya boarder, lalo na kung pag-araw ng pahinga. Nang makatapos ng pag-aaral sa Kursong “Computer Science”, nag-apply siya bilang “Programmer” sa Filinvest. Tatlong taon siyang nagtratrabaho sa kumpanya ngunit hindi nya hinangad na magtagal dito kaya’t nagpasya siyang magresign na lamang upang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Makisig at matikas si Leanard na parang sundalo ang pangangatawan, may taas na 5’8, batak ang katawan na para bang inukit ng mga angel. Barakong-barako kung tingnan. Kahawing niya si “Clint Bondad” ngunit mala-kayumanggi ang kanyang kulay. Meron siyang nangungusap ng mga mata at maamong mukha. Dahil din sa kanyang pagiging bigotilyo, lalung lumalakas ang kanyang “appeal”. At kung sino mang babae ang makakasalubong niya sa kanyang daraanan, agad silang mapapalingon at makakandarapang muli siyang tingnan.
Mabait si Lenard, pasensyoso, maalalahanin at magalang. Ang kanyang ngiti ay nagpapaamo, kaya’t pag ikaw ay nginitian niya, wala kang magawa kundi susuklian mo rin siya ng ngiti. Siya yung tipong iiyakan ng mga kababaihan at di na pakakawalan habang buhay.
Ngunit malayo man sa kanyang imahe, may isa syang kapintasan na pilit niyang itinataboy sa kanyang pagkatao at pilit niyang iwinawaksi sa sarili, iyun yung –paghanga niya sa kapwa niya lalaki. Nasa ikatlong taon na sya sa High school ng maramdaman niya ito. Tila baga isang kaluluwang sumanib sa kanyang ulirat na parang bang damong ligaw na bigla nalang umusbong sa kanyang pagkatao at maihahalintulad mo ito sa aninong gusto mong takbuhan ngunit di ka pa rin nilulubayan. Wala siyang magawa sa bagay na ito kundi ilihim na nalamang sa iba.
Mag-isa lamang si Lenard sa kanyang kwarto, hiniling niya kay Aling Martha na dun muna siya pansamantala habang wala pang umuukupa nito at pinagbigyan naman siya. Nagising siya ng alas-tres ng hapon dahil sa tunog ng kanyang “cellphone”. Dahil sa liwanag na tumatagos sa bintana ng kanyang kwarto, hindi niya agad naimulat ang kanya mga mata, kaya’t pilit niya kinakapa ang cellphone dun sa bahaging tumutunog ito.
“Hello?” aniya.
“Ano? 3 to 4 months pa? Bakit?” Ang gulat niyang tanong.
“Nagkaproblema? E kareresign ko lang, wala akong ‘income after the next 3 months’, pambihira naman.”
Napaupo siya sa kanyang kama at ibinaba ang “phone” sabay hilot sa kanyang noo.
“pambihira naman?” bulong niya.
Masama ang kanyang pakiramdam at lalo pang sumama ito tungkol sa masamang balita. Masakit ang kanyang ulo na para bang may binabaong pako. Medyo maasim ang kanyang panlasa at parang umiikot ang kanyang sikmura. Masakit din ang kanyang mga kasukasuan at pati na ang kanyang likuran. Dahil sa kanyang nararamdaman patakbo siyang dumirecho sa banyo para dumuwal, pero wala siyang mailabas.
Pagkatapos noon, saka nalamang niya na pansin na naka sando at brief lang pala siya. Dahil iyon ni Rico, gusto sana siyang palitan ng damit kaya lang nahihiya siyang halughugin ang cabinet ni Lenard kaya’t ang polo niyang may suka at pantalon na lamang pati na ang sapatos at medyas niya ang tinanggal.
Binaba niya ang puting “Handford” brief at itinutok ang kanyang sandata sa “toilet bowl” upang umihi. Mabilis ang daloy ng kanyang ihi. Papikit niyang ginawa iyon at lulugo-lugo pa. Halos di na umiiksakto ang ihi niya sa “toilet bowl”. Pagkatapos nito, pinagpag ang kanyang alaga. Upang maibsan ang kanyang masamang pakiramdam, hinubad niya ang kanyang sando at dung tumambad ang kaya ang ‘karog’ na mala-buhok na pusa na gumagapang papuntang pusod. Hinubad niya rin ang kanyang “brief” at naisipan na maligo na lamang kahit na bumubuhos ang napakalakas na ulan.
Samantala, nagising na si Marco. Nailipat na rin siya sa pribadong kwarto kung saan maliwas at tahimik. Nandun din sila Aling Josephine, Aling Martha at Jane. Si Grace ay umuwi muna upang magpahinga sapagkat may pasok pa siya sa trabaho sa gabi. At si Emily naman ay bumalik na sa opisina.
Nang maimulat ni Marco, agad niyang nakita ang kanyang ina na nakadungaw sa bintana na parang naaaliw sa pagtanaw sa mga tao, kotse at mga nasirang mga puno gawa ng bagyo, sa ibaba ng ospital. Agad naman niyang tiningnan ang kanang braso na noo’y nakasimento na.
“Ma? Kumain na po kayo?”, ang unang binanggit ni Marco na para bang nag-aalala.
Nagulat si Aling Josephine at masayang tinungo ang kanyang anak. Agad namang inilapag ni Jane ang magasin na kanyang binabasa sa lamesa at tumungo rin kay Marco.
“Gising ka na pala anak, Oo kumain na kami, bakit nagugutom ka ba?” sabay hawi ni Aling Josephine sa buhok ni Marco.
“Ibibili kita kuya ng makakain, anong gusto mo kuya?” ani ni Jane.
“Oh? gising na pala ang alaga ko e?” ani Aling Martha na palabas sa banyo ng kwarto.
“Tubig po, na uuhaw po ako? Kumain na po kyo Ninang?” sabi ni Marco.
“Oo anak, kumain na?” sabi ni Aling Martha.
“Nadulas ka daw natapakan mo daw yung pentel pen, tapos tumama daw yung ulo mo sa upuan kaya nawalan ka daw ng malay, tapos yang braso mo, iyan daw yung ipantutukod mo. Sa sobrang lakas, nabali yung buto at lumabas sa balat, yun yung sabi samin ni Emily” ang paliwanag ni Aling Josephine habang inaabot ang bote ng “mineral water”.
“Emily?” sabay tungga ni Marco ng bote ng tubig.
“Ma, pakiabot nga po ng ‘phone’ ko?” pakiusap ni Marco sabay bigay sa nanay niya ng bote.
Agad namang kinuha ni Jane yung ‘cellphone’ at iniabot sa kanya.
Binukasan ni Marco yung ‘phone’ dahil naka-‘switch off’ ito.
“Emily?........”
“Yes! I’m good” wika ni Marco na mababa ang boses.
“by the way, thank you so much for all the things you’ve done, I really appreciated it and I acknowledge it for what you did. Maasahan ka talaga…”
“And... I’m sorry for what I did early this morning. Can you forgive me?” ang pansensya ni Marco sa Emily.
“I will not forgive you sir, hmmp.. unless you blow me a kiss?” ang sabi ni Emily sa isipan at kinikilig pa.
“Don’t mention it Sir, magpagaling nalang muna kayo?”
“Anyway, how’s the meeting?” tanong ni Marco.
“Sir, due to the weather, they cancelled the meeting, in fact, maraming mga managers ang di nakapunta,”
“Buti nga e, kasi di ko pa nanatapos yung report” ang sabi ulit ni Emily sa isip.
“I’ll try to inform you sir, as soon as the meeting has been rescheduled pherow, definitely not tomorrow yung bagong sched, kasi may iba ng schedules yung mga managers, wala pang particular date na ibinibigay ang mga taga-Laguna, they said they will send us notifications daw, by the way sir, have you try to call Mr. CEO and Mr. CFO? They already know your situation Sir? They’ve been trying to call you? And they felt sorry for that?” paliwanag ni Emily.
“Ah ganon ba? Sige I’ll try to call them later, di bale papasok nako bukas…” sabi ni Marco.
“BUKAS???!!!” ang sabi nila Aling Josephine, Aling Martha, Jane at pati na si Emily.
“Sabay sabay pa kayo ah? OO, bukas, papasok na’ko” sagot ni Marco.
“Sir magleave muna kayo mga couple of days or a week segurow, I can handle things here naman e.” sabi ni Emily.
“No, pag-sinabi ko sinabi ko.” Sabay baba ng phone ni Marco.
“Toot…Toot…Toot…”
“Edi pumasok ka! Namimiss mo lang siguro ako e? Hmmp…” sabi ni Emily na pagalit habang kinikilig.
“’Nak? Papasok kana bukas? Yang lagay mung yan? Abay magpahinga ka muna?”, ani ni Aling Josephine.
“Adik din ‘tong si kuya, pamartir effect? pabayani? Nako nasayang lang ang buong maghapon ko sana pumasok nalang pala ‘ko, gagawa pa naman kami ng bagong recipe..” bulong ni Jane.
“Hay nako? Bahala na nga kyo diyan, naku mare uuwi muna ako, panatag na ‘kot nagkamalay na si Marco, para nuong tinuli sya, nawalan din ng malay hehehe. O shya, uuwi muna ako, titingnan ko muna yung bahay ko, kung buo pa. Ang lakas ng ulan. Bibisita nalang ulit ako bukas.” ani Aling Martha.
Biglang namula si Marco.
“Ingat ka Mare ha maulan? At salamat narin, Jane hatid mo nga si Tita mo palabas?” sabi ni Aling Josephine.
“Magtataxi nalang ako pauwi, tara na Jane”, sagot ni Aling Martha.
“Bye Ninang” ani Marco.
Mag-aalas kwatro na ng hapon ng makauwi si Aling Martha, agad siyang sinalubong ni Nancy sa taxi at may dalang payong para isukob siya.
Ng pagpasok niya sa bahay, naabutan niya si Lenard na umihigop ng “instant noodles” sa lamesa. Pinagmasdan niya ito at napansing namumutla at malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito at tinanong.
“May problema ba? May hangover ka? Para kang nalugi ah?” tanong ni Aling Martha.
“Sinisikmura ako ‘Nay e… Naparami ang inom naming, buti nahatid ako dito sa tapat ng bahay, hinapon ata po kayo? May kadate po kyo ‘no?” sabi ni Lenard habang hinaplos ang tiyan.
“Che! galing ako sa hospital sinugod si Marco naaksidente kasi… yung anak ni Ate Jo mo? Kilala mo ba yun?” sabi ni Aling Martha.
“Ahh… yung pogee?,” ang padulas na sabi ni Lenard na biglang namula at nahiya.
“Este yung may itsura? kaya lang mukhang isnabero. Nakikita ko lang siya paghinahatid si Ate Jo dito. Pagdumadalaw sya, pero di naman bumababa ng sasakyan yun e. Napano daw ba?”
“Hmmp! Basta wag munang itanong, Teka?! Ang dami mo daw sinuka, pati daw sa damit mo may suka sabi ni Rico? Siya ang naghatid syo sa kwarto mo. Teka uminom ka na ba ng gamot? May Kremil-S ako dyan?” sabi ni Aling Martha.
“Siya ba ang naghatid sakin sa kwarto? Di ko namalayan e, asan na nga pala sya?” ani ni Lenard.
“Ay tulog pa yun… mamaya pa gising nun mga alas – siyete, duduty yun ng alas-syete y medya” sabi ni Aling Martha.
“Nakakainis ‘Nay, tumawag yung agency na papasukan ko sa Dubai, 3 to 4 months pa daw bago ako makaalis ng Pilipinas, bigla daw kasi nagkaproblema yung kumpanyang papasukan ko sa abroad, kareresign ko lang, matetengga ako dito ng 4 na buwan” ang sumbong ni Lenard kay Aling Martha.
“O mabuti naman samahan mo muna ako rito sa bahay, nako mamimiss kita pag-umalis ka…” ang sagot ni Aling Martha.
Hindi pa nanatatapos sa pagsasalita si Aling Martha e may biglang sumingit sa usapan nila.
“Hoy! BOY-SUKA! Nagising ka na pala? Langya ka di mo kami pinatulog kagabi kakasuka mo? Naririnig ka namin sa kabilang kwarto, para kang kinakatay ah? Dahil di mo kami pinatulog kagabi, magpapainom ka ngayon... Hehehe!!!” ang sabi ng isa sa mga boarder ng kararating lang galing trabaho.
“Ahahaha, ipainom ko sa inyo ang mga isinuka ko e heeheheh, Next time tol, sinisikmura pa ako e hehehe…pass muna ako”sagot ni Lenard.
“Asahan namin yan ha?!” sago ng isang boarder na papalayo na sa kanilang dalawa.
“No Mr. Santos, stable naman ang department mo, you need to rest first kahit week or two, in fact andyan naman si Emily kung may kailangan kami, no need to worry, you can take your vacation now, if things get worst here in company? e ano pat naging CFO ako” ang sabi ng Boss ni Marco sa cellphone.
Alas Nueve ng Umaga ng Martes, nakatayo si Marco habang nakadungaw sa bintana ng ospital. Malinis na ang kapaligiran, wala na ang mga nalagas na mga dahon at sanga gawa ng bagyo. Lumabas na rin ang haring araw at pumapasok ang sinag nito sa silid ni Marco.
Si Aling Josephine lang ang kasama niya sa silid na tempong nagliligpit ng mga gamit, umuwi na si Jane nung gabi upang makapaghanda na rin para sa pagpasok sa eskwela. Maagang nakarating si Grace sa ospital upang ayusin ang mga papeles at bayarin, ngayon din ang araw kasi ng pag ‘discharge’ ni Marco.
“Okay then, I’ll have my vacation, pero 3 days lang Sir, kasi nakakabagot ng walang ginagawa sa bahay” sagot ni Marco.
“Well if you can rest for that short period of time then why not? It’s up to you, pero kung ako ang bibigyan ng opportunity, I’ll spend it to the fullest, hehehe, By the way, injured ang right arm mo, so you’ll be immobilized for two to three months so what you can do Mr. Santos?” dagdag pa ng Boss niya.
“Well sir? I’ll just see first the situation andyan naman si Emily e..” sabi ni Marco.
“Okay then, pagaling ka bye for now.”
“Thank you sir bye”.
“Ano raw sabi ng boss mo?”tanong ni Aling Josephine.
“Pagaling daw po ako kahit isang lingo lang” sabi ni Marco.
“O, yun naman pala e? Ba’t ayaw mo munang magpahinga? Mamasyal tayo, Mag-‘grocery’? Anong nakakabagot dun?” tanong ulit ni Aling Josephine.
“Maaa? Ayoko pong masanay ang katawan ko sa ganon?”
At may kumatok sa pinto, si Aling Martha. Agad namang binuksan ni Aling Josephine. Pagpasok ni Aling Martha sa silid, ito agad ang tanong niya.
“O di kapa ba nakapagbihis Marco? Aba’y pagkatapos ng trenta minutos e aalis na tayo? Naghihintay na si Grace sa baba, Teka Mare tulungan na kita dyan sa ginagawa mo para mabilis tayo” sabi ni Aling Martha.
“Ay naku mare, si Marco gusto na agad magtrabaho, mababagot daw siya pag nagpahinga daw siya” sumbong ni Aling Josephine.
“Alam mo Marco? Minsan sa buhay kailangan natin ng pahinga para marami tayong lakas na magamit, kailangan nating magrelax para mas panatag ang ating kaisipan, Ikaw kailangan mong magpagaling mahirap magtrabahong may dinaramdam wala kang trabahong matatapos niya” paliwanag ni Aling Martha.
“Ok, Ok, Ok, magbibihis na po ako”
Pumasok si Marco sa banyo, agad pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili. Agad siyang nalungkot sa kanyang nakita. Iba na ang kanyang itsura, naka ‘cast’ na ang kanyang kanan kamay, nakasimento na ito, ngunit hindi nagbago ang kanyang pangangatawan, hinawi niya ang kanyang buhok at pinansin niya ang puti niyang T-shirt na halos bumakat sa maganda niyang katawan. At kanyang sinabi sa sarili
“Di bale, pogi pa naman ako..hehehe”
“At macho pa!” sabay itinaas ang kanyang kaliwang braso at ng pinakita ang kanyang ‘muscle’.
“ Pansamantala lang naman ‘tong kalagayan ko di naman ako imbalido” At sabay ngumiti. Nang nasa akto na sya para magpalit ng damit, bigla niyang naisip, natigilan ng matagal at biglang namoblema…
.
.
.
“PAANO AKO MAGHUHUBAD???!!!”

Sa taxi na silang lahat noon ng magpaliwanag si Marco kung papanong nakapagpalit siya damit. Napagpasyahan muna nilang ihatid si Aling Martha sa ‘boarding house’ bago umuwi.
“O tapos magtatrabaho ka na niyan, e magpalit nga damit inabot ka na ng higit pa sa trenta minutos?” sabi ni Aling Josephine.
“Oo nga naman Marco? Iaasa mo na naman yan kay Emily? Sige sabihin nating maasahan sya sa opisina, pero di sa lahat ng bagay? Magbuhat ng gamit mo? Mga personal mong mga ginagawa, tulad ng pagpapalit ng damit? At higit sa lahat magdrive!” paliwanag ni Aling Martha.
“Tita, di naman ako imbalido? Makakaya ko ang mga yan? Sana?” sabi ni Marco.
“Siguro Anak maghanap ka muna ng driver na ihahatid-sundo ka, kahit part-time lang muna, kahit dalawang buwan lang? Mahirap kasing bumyahe ng gayang kalagayan”sabi Aling Josephine.
“I think your company must provide you kuya a driver? Or to be particular, a personal assistant that knows how to drive, preferable male, fara di naman awkward syo. Mga couple of months lang naman.” Dagdag ni Grace.
Mabilis ang takbo ng taxi. Habang ng sasalita pa si Marco, napadaan sila sa isang ‘hump’ ngunit di napansin iyon ng driver kaya’t lumagabog ang taxi. Dahil sa lagabog, umangat ang hita ni Marco at di sinasadyang natuhod niya ang kanyang sementadong braso.
“Hanapan mo na lang kaya ako ng ‘caregiver’. Ang kulit e, di nga ako imbalido! Ang hirap mag hanap ng ganong tao sa ngayon...kaya ko naman e, kaya ko ‘to, kaya ko ‘to!”
Bugogggggg!!!
“Arayyyyyyyyyyyyy!!! Ang sakit!!!” sagaw niya habang namimilipit sa sakit.
“Manong driver mag-ingat ka naman! May pasyente tayo O! Naku naman?” pasigaw na sabi ni Aling Martha nakakunot-noo.
“Ay pasensya na po Mam, pasensya na po di ko napansin e” sabi ng driver.
Imbis na magalit sa Aling Josephine, siya ay maluha-luha sa kakatawa..
“Ahahahahah, OK ka lang anak??? Waahahahah!!!”
“Ano kaya mo ba talaga? Whaahahahah!!!”
“Wahahahaha Kaya nga!”
Pati si Grace ay napahalakhak din. Hanggang ang lahat ay nagtawanan maliban na lamang si Marco.
Samantala, nagising si Lenard na tahimik ang buong “boarding house”. Katutulog lang kasi ng mga ka-‘boardmates’ niyang ‘call center agents’ ang iba naman ay pumasok sa kani-kanyang trabaho, tanging tunog lang nag pagwawalis ni Nancy ang maririnig mo sa paligid. Maaga siyang nakatulog kagabi dahil sa kanyang nararamdaman at upang maibsan ang ‘hangover’ niya. Nagising siyang naka-‘boxer shorts’ at sando at tinungo ang banyo upang gawin ang kanyang umagang ritwal. Upang desente ang pagbaba niya sa kusina, nagsuot siya ng ‘jersey short’ at tumungo na sa baba. Pagbaba niya, naanduon ang isa sa mga tauhan ng ‘boarding house’ at handa nang maglaro ng basketball.
“Pre, sali ka? Laro tayo? Lumalaki na kasi ang tiyan ko e, kailangan ng mag-exercise” yaya niya sabay himas sa tiyan.
“Sige sunod ako, magkakape lang muna ako, iba kasing exercise ang ginagawa mo e? hehehe” loko ni Lenard.
“Ahahahah, di maiwasan e…” ang prangkang sagot nito at tumungo na sa ‘basketball ring’ sa tapat ng ‘boarding house’.
Pagkatapos ng 30 minutes, sumunod na rin si Lenard at iniwan muna pansamantala ang kalahating tasa ng kape sa lamesa.
Nakasando siya kaya’t mapapansin mo ang batak nitong katawan.
“P’re pasa mo naman dito ang bola” bigkas niya.
“Hanep sa katawan p’re, ang hirap habulin yang katawan na yan" banggit ng kalaro ni Lenard, sabay pasa ng bola sa kanya.
Maya-maya pa’y dumating na taxi na sinasakyan nila Marco at pumarada sa harapan ng ‘boarding house’.
“Sige mare, dito nalang ako. Oy Marco magpagaling ka ha? Dadalawa nalang ulit ako sa makalawa sa bahay ninyo.” Sabi ni Aling Martha sabay bukas ng pinto ng taxi.
Napansin agad ni Grace na may naglalaro ng basketball sa harapan ng boarding. Agad niyang nakita si Lenard dahil sa lakas ng ‘appeal’ nito. Napatulala siya at napanganga.
“Oh syeet ang gwapo!!!” bigkas niya na hindi naman talagang ginagawa sa buong buhay niya.
Tamang-tama na nakaakto si Lenard ng pa‘free-throw’.
“Manong driver wait muna, wag mo munang iandar, apashoshootin ko lang yung ‘cute’. Heheheh” ang sabi ni Grace sa driver habang kinikilig.
“Ano ba yun Grace?” sabi ni Aling Josephine.
Napalingon si Marco sa mga naglalaro dahil kay Grace. Napansin nya kaagad si Lenard na nakaakto ng pa-‘freethrow’. Tinitigan niya itong mabuti. Napansin nya rin ang malaki nitong braso na basang-basa ng pawis at sabay niyang tingnan ang sarili niyang braso. Para bang ikinukumpara niya ang sarili kay Lenard.
Sabay “shoot” ni Lenard sa bola.
At pumasok ito.
“Wow ang galing!” sabi ni Grace.
Napataas ng kilay si Marco at sabi sa isip
“hmmp, mas magaling pa ako dyan at mas pogi ako sa kanya hmmp.”
Napangiti si Lenard ng mapa ‘shoot’ niya ang bola at halos ikabaliw yun ni Grace.
“Ang cute niya!” sigaw niya.
“Hoy ang ingay mo, manong alis na tayo!” sabi ni Marco.
“Pero ang ganda ng ngiti niya ah?” sabi niya sa isip.
Hindi tinigilan ng tingin ni Marco si Lenard na para bang nagmamasid.
Sa di kalayuan, nasalubong ni Aling Martha ang dalawa habang naglalaro. Lumapit siya kay Lenard at gayon din si Lenard sa kanya.
“Kumusta ang date Nay?” bati ni Lenard.
“Anong date pinagsasabi mo? Galing ako ng ospital kasama ko sila Ate Jo mo at si Marco… Ay naku sandali….”
Hindi pa natatapos si Aling Martha sa pagsasalita, may bigla siyang naalala at yun yung pinag-uusapan nila sa taxi kanina.
“Gusto mo bang magtrabaho kay Marco?” sabay lingon ni Aling Martha sa taxi
“Ayun O, nasa taxi sila, naku paalis na”.
Sabay tiningnan ni Lenard ang taxi. Sampung metro ang layo nila dito. Imbis na makita niya si Grace, napansin niya kagad si Marco na tempong nakatingin din sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa. Biglang natigilan si Lenard at parang na-“love at first sight”. Para bang nakakita siya ng anghel na handa na syang kunin papunta langit. Bigla namang kinabahan si Marco, di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang matagal niyang kilala si Lenard.
Nawala na lamang ang pagtitinginan ng dalawa ng umalis ang taxi. Ngunit sinundan parin ng tingin ni Lenard si Marco. Gayun din si Marco kay Lenard.
“Ang gwapo naman nun?” sabi ni Lenard sa sarili.
“Siya ba yung Marco nay?”
“Oo sya nga, gusto mo bang magtrabaho sa kanya? Kailangan niya ng driver at assistant kahit 2 buwan lang. Naaksidente kasi siya kaya di makapagmaneho. Kaya lang nakaalis na e, sayang ipapakilala pa naman sana kita. ” paliwanag ni Aling Martha.
“Sayang naman” pabulong na sabi ni Lenard.
“Ano kamo?” tanong ni Aling Martha.
“Wa…wala nay, sige nay, pag-iispan ko”. paliwanag ni Lenard.
Sa di kalayuan,
“Do you know him tita? Yung Makisig na guy” tanong ni Grace kay Aling Josephine.
“Yun ba, si Lenard yun, boarder yun ni Mare, anak-anakan ang turin nya sa kanya” paliwanag ni Aling Josephine.
“So Lenard pala ang pangalan ng mokong na yun. Ang lagkit makatingin. Pero ang gwapo niyang makatitig pero pucha naman ba’t naman ako magwagwapuhan dun mas gwapo naman ako hehehe.” sabi ni Marco sa sarili habang nakangiti.
Apat na araw na ang nakakalipas simula ng makalabas si Marco sa ospital. Nuong unang araw niya’y isang makabuluhan at abalang araw. Tanging kasakasama lang niya ay ang kanyang ina sa pagsho-“shopping”, panonood ng sine at pamamasyal sa ibat-ibang lugar. Ngunit para kay Marco, ito’y para isang lamang pagpapalipas ng kanyang responsibilidad sa opisina na hindi niya madalas gawin. Ang dalawa niyang pinsan ay parating abala sa kani-kanilang gawain kaya di nila ito nakakasama. Si Grace ay abala sa kanyang trabaho sa gabi at si Jane nama’y sa kanyang pag-aaral. Masama ang pakiramdam ni Aling Martha nitong huling araw kaya’t di muna siya naglalabas ng ‘boarding house’.
At dumating na ang ikatlo at ikaapat na araw. Ramdam na ramdam niya ang pagkabagot sa bahay. Di siya gaanong makakilos ng maayos dahil sa naka-‘cast’ ang bali niya sa kanang braso.
Samantala, alas-siyete at kalahati ng umaga, si Lenard ay nakaupo sa harapan ng ‘boarding house’ katabi ang isang tasang kape. Malamig na ito at parang wala pang bawas. Tulala siya at parang may tinatanaw sa kalayuan. Nagdadalawang isip kung tatanggapin niya yung inaalok sa kanya ni Aling Martha na mamasukan munang driver ni Marco habang nagpapagaling siya.
“Ba’t di ko kaya subukan? Wala namang mawawala sakin kung susubukan ko muna, tutal mga 4 na buwan lang naman yun. Di naman mawawala ang dignidad ko kung pansamantalang magdi-“driver” muna ako. Pagkatapos nun, sana tumawag na yung kumpanyang papasukan ko sa Dubai, para tiyak na ang alis ko, siguro naman sa 4 na buwang iyon magaling na yung Marcong yun.”
“Kaya lang, kakayanin ko kaya? Ano kayang ugali meron ang Marcong yun? Mabait kaya sya? Sana madaling pakibagayan? Ang angas makatingin. Nakakatunaw. Kaya lang dyahe naman, nakakahiya, ang gwapo niya, naiilang ako sa mga taong tulad niya.”
“Gwapo nga kaso tatanga-tanga naman. Biruin mo sabi ni Aling Martha naaksidente dahil sa pagkadulas gawa ng ‘pentel pen’ hehehe. Pero ‘shit’ talaga ang guwapo niya. Baka mahulog ang loob ko sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk. Sana di niya malaman na… Naku, delekado ito. ‘Wag nalang kaya? Para biglang kinabahan ako, pero sayang naman yung oportunidad, ipagdidrive ko lang naman sya tapos…, tapos na…Tama!”
“Pero si Marco yung ipagdidrive ko e, yung lalaking maangas makatitig, ‘shiiit’ weakness ko yun, ‘tas malalaman niya na ano ako… waaaaaaah?!!! Baka bugbugin ako. Wag nalang nga…hehehe”.
“Pero talagang mababagot ako ng 2 hangggang 4 na buwan dito sa ‘boarding house’ at baka magamit ko pa ang naitatabi kong pera, kailangan ko ring makaroon ng ‘income’ kahit pambayad dito sa ‘boarding house’.”
Yan ang mga bumabagabag sa kaisipin ni Lenard, ng biglang tumunog ang kanyang ‘celphone’.
“Rrrriiiiiiiinnnnngggg!!!”
Nagising siya sa kayang pagkatulala, agad na tiningnan at biglang napakunot ng noo ng malaman niya ang kanyang kakausapin.
“Hello ‘Nay Martha, di ko ako sa harap ng ‘boarding house’ tumawag pa kayo?” sagot ni Lenard.
“Ay pasensya na hindi kita kasi mahanap dito sa loob…”sagot ni Aling Martha nasa mababa ang boses. “Ano na ang desisyon mo? Puntahan mo na yung sinasabi ko syo, ibibigay ko syo ang address ng bahay nila para makita mo narin si Marco’t magkausap na kyo.”
“Ayoko!, ayoko!, ayoko!, ayoko!” ang sinisigaw ni Lenard sa isip habang kausap niya si Aling Martha . At natigilan si Lenard ng matagal, matagal na halos nagtaka si aling Martha kung ano na nagyari.
“Hello?, Hello?!, Lenard?” sabi ni aling Martha.
“- Sige po! Maghahanda lang po ako ng biodata pupunta ako diyan sa kwarto niyo ‘within 30 minutes’ po” ang sabi niya kay Aling Martha.
“O sige kung ganon atayin kita” sabay patay ng ‘celphone’.
“Haaay?! Ano ba yan? Napasubo ako dun, makapag-‘prepare’ na nga, teka may ‘stock’ pa ata ako ng biodata sa folder ko, yun nalang muna ang gagamit ko” agad siyang tumayo upang maghanda na.
Ngunit parang may nakalimutan siya
“Teka ang kape ko?” sabay higop
“Naku malamig na pala.”
Mag-aalas diyes ng Byernes ng umaga, maaliwas ang panahon, ang lahat sa bahay nila Marco ay nakapag-almusal na. Si Grace ay nagpapahinga na sa kwarto at si Jane ay umalis para pumasok sa eskwela. Si Ate Beth, ang kasambahay nila Marco, ay abalang-abala sa paglalaba, at si Aling Josephine nama’y abala sa paghahanda ng pananghalian nila ng biglang tumunog ang telepono…
“Rrrriiiiiiiinnnnngggg!!!”
“Uy Mare, kumusta na? Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Ha? may nahanap ka na?”
“Si Lenard?”
“Talaga?”
“Pero OK lang ba sa kanya? E Professional yun e, di ba nakakahiya kung magiging driver lang sya ni Marco?”
“OK sige, sabihan ko si Marco..”
“Nasa sofa nagbabasa ng dyaryo, gusto na nga pumasok sa Lunes e buryong-buryo na sya dito sa bahay.”
“Ano? Papunta na sya? Naku nakapambahay lang si Marco, alam mo na? Nahihirapang magbihis ng damit kaya naka sando lang at maikli na short, yun kasi ang kaya niyang suotin e heheheh alam mo na. Naku nakakahiya naman kay Lenard”
Di pa natatapos ang kanilang usapan, biglang tumunog ang doorbell at sabay na napalingon si Aling Josephine sa gate. Di pinansin iyon ni Marco sapagkat ang alam niya abala si Ate Beth sa gawain malapit sa gate at alam niyang pagbubukasan niya iyon. Nadoon na si Lenard at nag-aabang ng magbubukas ng gate.
Si Lenard naman ay nininerbiyos sa labas. Parang gustong sumama ng kanyang pakiramdam. Sa lahat naman kasi ng interview na napuntahan niya dito pa siya nakaradaman ng kaba. Unang araw niyang makakausap si Marco pero ang pakiramdam niya parang katapusan na ng mundo. Hindi niya matukoy kung bakit at ano ang nagpapakaba sa kanya? Parang bang pinaghalong hiya, takot, ‘excitement’, curious at pakiramdam na may LBM ang nadarama niya.
Natanaw niyang sumisenyas si Aling Josephine sa bintana ng kusina na para bang nagsasabing “- sandali lang” habang hawak pa niya ang telepono. Agad namang hinintay ni Lenard ito. At napansin niya rin yung kulay pulang kotse na ipagdi ‘drive’ ban niya. Honda City na may plakang ‘RLA-051’.
Samatala, si Aling Josephine nama’y kausap pa si Aling Martha.
“Mare, nandito na si Lenard teka bababa ko muna ito ha’t pagbubuksan ko ng gate, tawagan nalang kita mamaya, sige pagaling ka, bye”
Pumunta agad si Aling Josephine sa kinaroroonan ni Marco at ibinalita sa kanya na may nakuha na silang magiging driver niya papuntang trabaho.
“Anak, pwede ka ng pumasok sa Lunes!”, surpresa ni Aling Josephine.
“Talaga Nay? Bakit?” tanong ni Marco.
“May magdidrive na syo!”
“Ha? Magdidrive? Ano? Ba’t ganon ang bilis? Akala ko biruan lang natin yun nila Ninang?” gulat ni Marco at sabay biglang napakunot ng noo.
“Ano ka ba? Yung mga ‘di mo inaasahan yun pa ang may kabuluhan” paliwanag ni Aling Josephine.
“Nay!? Ano ba? Di naman ako baldado?”
“Papasukin ko na si Lenard, dyan ka lang muna” sagot ni Aling Josephine.
“Si…” nabigla si Marco sa winika ng ina.
“Naku yung kumag na naglalaro ng basketball ang magiging driver ko?” bulong nito sa sarili, sabay kagat sa labi na para bang naiinis.
“Bakit yun pa? Hmp! Sabagay ako naman ang boss, nasa akin ang desisyon kung gusto ko syang tanggihan. Hehehe”
At lumabas ng bahay si Aling Josephine at pinagbuksan ng gate.
“Kumusta na Lenard? Kakakwento lang sakin ni Mare, halika tuloy ka, teka kumain ka na ba?” bati ni Aling Josephine.
“Mabuti naman po, nakapag-almusal na po ako” wika niya kay Aling Josephine.
“sa totoo lang kapeng malamig na ang inalmusal ko e”, bulog niya sa sarili.
“Ba’t parang gumagwapo ka ngayon ah? Hehehe.” Bati uli ni Aling Josephine.
“Tita Jo naman? Natural sakin yon, hehehe” sagot ni Lenard. “Pero mas gwapo ang anak ninyo” bulong niya.
Agad naman silang dumerecho sa sala kung saan andun si Marco na nagbabasa ng dyaryo, at patay-malisya niya itong di pinansin.
“Marco, siya nga pala si Lenard, border ni Mareng Martha, mag-aaply siya sayo bilang driver mo para di kana mahirapan, naku napagwapo ng driver mo hehehe” wika ni Aling Josephine.
Agad na niligon ni Marco si Lenard at agad na binaba ang binabasang dyaryo sa lamesa.
“Good Morning Sir Marco, I’m Mr. Lenard Sison at your service and I’m glad to meet you!” ang ‘introduction’ ni Lenard na nakangiti.
Agad na napalingon si Marco, napatulala at napanganga dahil sa ngiti ni Lenard na tila ba walang kapares, ngiting nagpapaamo at nagpapabagal ng oras.
“Naku? Napakapormal naman, O sha !, iwan ko muna kyo’t may niluluto pa ko.” Sabi ni Aling Josephine.
Ngunit si Lenard na akala mo’y panatag, e halos pumutok ang puso sa kaba dahil nakita niya si Marco ng malapitan. Maliwalas ang mukha ni Marco at kaakit-akit tingnan. Nakasando lang ito at mapapansin mo ang malaki niyang dibdib. Noong ibinaba ni Marco ang dyaryo, napansin ni Lenard na nakabukaka siya at nakita ni Lenard na naka- “boxers’” short lamang ito na halos bumakat na ang kanyang pagkalalaki sa ikli at sikip nito. Napansin din niya ang digaanong kalaguang buhok ni Marco sa maputi niyang hita papuntang binti. Ngunit mas kapansin-pansin ang ‘cast’ niya sa kanang braso na nagsasabi sa’yong na naaksidente siya.
Dahil sa pananamit ni Marco lalong nailang si Lenard at halos pagpawisan ng malamig ngunit walang siyang magawa kundi patay-malisya niyang nginitian na lamang si Marco.
Si Lenard naman bagamat simpleng polo-shirt na kulay puti, na halos bumakat din sa matikas nitong pangangatawan, at naka-‘jeans’ na bumagay sa kanyang polo-shirt, di mo akalaing mag-‘aapply’ siyang driver.
“Marco anak bahala kana kay Lenard ha? Mabait na bata iyan” wika ni Aling Josephine na nagpagising kay Marco sa pagkatulala.
At inabot ni Lenard ang kanyang biodata kay Marco.
“By the way Sir, this is my biodata.” wika ni Lenard.
Imbis na basahin ni Marco ang nilalaman nito agad niyang nakita ang 2 X 2 picture ni Lenard at napansin ang mga mata nito nalalong nagpaamo sa kanya at ang kanyang ngiti. Para bang matagal na niyang kakilala ang taong ito.
Habang nakatingin si Marco sa biodata ni Lenard, si Lenard naman ay panakaw na nakatingin sa mukha, dibdib at hanggang sa mga paa ni Marco.
“Napakakinis ni Sir Marco, malaki ang katawan wala kang itatapon sa kanya. Napakaperpekto. Ang mukha parang anghel at ang kilay napakakapal na lalung nag papalalaking-lalaki sa kanya. Shit naman wag sana mahulog ang loob ko sa kanya. Huwag!” yan ang nasa isip ni Lenard.
Agad na,
“Ok Mr. Sison, say something about yourself?” wika ni Marco.
“Naku” wika ni Lenard sa isip.
“Before anything else Sir Marco, Let me once again introduce myself, my name is Lenard Sison, 26 years of age, currently resident in Muntinlupa city particularly at Ms. Martha Rosales’ boarding house for almost 10 years. I was connect ADR Insdustry, one of the largest software industry in south of Manila, as Junior Programmer there.” paliwanag ni Lenard.
“Kaedad ko pa ang mokong na ‘to”, ang nasa isip ni Marco.
“Teka, teka, teka di ako naghihire ng executive, are you willing to demote yourself, from professional programmer to a simple driver?” tanong ni Marco na nakagiti.
“Acctually Sir?... Yes! In fact 3 to 4 months lang naman po ito, nag-aantay lang po ako ng tawag abroad, may ‘cliché’ po kasing nangyari doon kaya nadelay po ang ‘summoning’ sa’kin” paliwanag ni Lenard.
“Ahuh? Pero maliit ang sahod ng driver? OK lang ba syo?” tanong ni Marco.
“OK lang po sakin Sir Marco, (-kahit libre pa basta ikaw ang kasama ko Ok na Ok)” bulong ni Lenard.
“Talaga lang ha?” bulong ni Marco.
“May girlfriend ka na ba? Sure akong meron na sa gwapo mong yan.” tanong ni Marco.
“Pucha! mali ata tanong ko nakakahiya”, patay-malisyang sumisigaw sa isip si Marco at biglang namula sa hiya.
“Wala pa po akong girlfriend pero po maraming umaaligid sakin hehehehe” nahihiyang paliwanag ni Lenard.
“Kasi ang mga katulad mo ang gusto ko! hehehe” ang nasa isip ni Lenard.
Sabay tumayo si Marco at ibinaba ang biodata sa lamesa at handa na niyang tanggihan si Lenard.
“Acctually Mr. Sison, frankly speaking, di naman talaga ako ng hihire ng driver e, kaya ko naman ‘to.” wika ni Marco.
Nawala ang mga ngiti ni Lenard at biglang nalungkot.
At sabay humakbang si Marco papalapit kay Lenard para kamayan, ngunit di niya napansin na di pa niya pala nalalagpasan ang lamesa, kaya’t tumama ang binti niya rito at biglang natalisod.
“Si Nanay kasi, kaya ko namang magtaxi e, overacting lang ‘to sila nanay at Ninang Martha….Arrrgggg”
Agad na humakbang si Lenard papunta kay Marco upang saluhin.
Napasubsob naman ang mukha ni Marco sa pumuputok at matigas na dibdib ni Lenard at biglang napayakap siya. Naamoy ni Marco ang pinaghalong halimuyak ng pabango, ‘fabric conditioner’ ng damit at pawis ni Lenard na syang nagbaliw sa kanya. Nang iangat ni Marco ang mukha niya, tumambad naman ang mukha ni Lenard na nakagiti, at napatingin ng matagal si Marco sa mga mata at pagkatapos naman sa ngiti ni Lenard. Para bang nakakita siya ng aparisyon at parang lumiliwanag ang mukha ni Lenard. Matagal ang pagkakatitig ni Marco sa mukha ni Lenard. At si Lenard nama’y gayun din. At naamoy ni Marco ang mabangong hingi ni Lenard sa pagbikas niya ng
“OK ka lang ba? Sir Marco?”
Bigkas ng mahinahon, ngunit parang tumatagos sa puso na syang nagpapalaki ng mga mata ni Marco. Ramdam naman ni Lenard ang mahigpit na pagkakayakap ni Marco. Yakap na sana ‘wag nag matapos.
“Ok lang ako” wika ni Marco na nakayakap pa.
Sa pagkahumaling ni Marco kay Lenard, nabigla siya sa pagbibigkas na
“Sige tanggap ka na…”
Nagulat si Lenard at nagbigas ulit ng mahinahon.
“Talaga Marco...? Este Sir Marco pala?”
At natauhan si Marco, parang sumabog ang sandali at biglang natapos ang pangyayari.
Wika niya, “Ay sorry natapilok ako, di ko sinasadya pasensya na..(pucha anong ginawa ko?)”
Pulang-pula si Marco sa hiya ngunit di napansin ito ni Lenard sapagkat biglang tumalikod siya upang tanawin ang kotse sa labas.
Patay malisyang kinilig naman si Lenard,
“Oh shyet!, niyakap ako ni Marco, pucha wala namang ganyanan, ang hirap magpigil kung gagawin nya ulit yun, muntik ko ng halikan buti napigilan ko kundi masasapak ako nito, pero salamat sa lamesa.. haaay..” wika niya sa sarili.
“By the way Sir? When shall I start?” tanong ni Lenard naparang walang nangyari.
“Ha?” tanong ni Marco na parang wala sa sarili.
Ngunit bigla siyang nakapag-isip,
“Pasok ka ng maaga ng Monday mga thirty minutes after 6:00 am, ok lang ba?” sagot ni Marco na nakatulala at di parin maalis sa isip ang pangyayari.
“OK Sir Marco” sagot ni Lenard.
“Nasa biodata mo naman yung contact number mo ‘no? Paghindi kita tinawagan ibig sabihin tuloy tayo Oks ba?” wika ni Marco.
“OK, by the way Sir? Si Tita Jo po, magpapaalam po muna ako” sagot ni Lenard.
“Ay teka. Nay? Magpapaalam na po si Lenard” wika ni Marco.
Pasigaw na tumugon si Aling Josephine na nasa kusina
“Ha? Aalis ka na agad? Atayin mo na muna ‘tong pananghalian, sabayan mo na kami ni Marco”
Biglang napaisip si Lenard
“Tanghalian? Kasama si Sir Marco, naku di ko na yata kakayanin ‘to nakakahiya maghihintay pa ako ng 2 oras, baka magtanong ng magtanong pa si Marco at mabuking ako, mahirap na baka mabisto pa ako. Waaaaaah…”
“Tita Jo, hindi na po-" at biglang nagpalusot si Lenard.
“- Bibilihan ko pa po kasi ako ng gamot si Nay Martha, next time nalang po” .
“O sige, sabihin mo kay Mare na pagaling sya ha? Ingat ka sa daan Lenard.” paalala ni Aling Martha.
At biglang lumingon si Lenard kay Marco na nakangiti,
“O sige Sir, manuna muna po ako, thanks for the time” pagtatapos ni Lenard.
“Ok, don’t mention it, thank you for visiting us also” sagot ni Marco habang sinasamahan papunta pinto.
“By the way Sir Marco? After the office, wala naba tayong ibang lakad?” tanong ni Lenard.
“Wala na. Direcho na tayo dito sa bahay bakit mo tinatanong?” sagot ni Marco.
“Ha? ‘Di ninyo ihahatid ang ‘girlfriend’ ninyo o dadalawin sya after office?” tanong ni Lenard.
“Wala akong girlfriend.” sagot ni Marco at nagtataka, ngunit di na niya pinansin pa ito.
Patay-malisyang bumulong ulit si Lenard, “Oh My God? Single si Marco.”
“Ok Sir…” sabay isinarado ang pinto ng bahay at masayang umalis.
Pagkasarado ng pinto, agad na tumalikod si Marco at gulong-gulo sa sarili.
“PUTANG INA! ANONG GINAWA KO?!, NAKAKAHIYA!” ang nasa isip ni Marco at parang gulong-gulo sa sarili habang hinihimas ang gasgas niya sa binti.

itutuloy....

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: 30 Minutes (Part 2)
30 Minutes (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj31KdbGqpPqtMGasOGiKae75yCdAU7O90SKVDZtc4-sKLBZmsgGyghrapcbH1Q_zwkq-WHRSODwbq93vJwFsk7ITJMdqK1hy1dMLVcMCs6sZ_m80Y0oUE50fWm1QLHlXOtu1Y1XvUw3L_2/s1600/tumblr_n3x98wwAXB1tnyyofo1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj31KdbGqpPqtMGasOGiKae75yCdAU7O90SKVDZtc4-sKLBZmsgGyghrapcbH1Q_zwkq-WHRSODwbq93vJwFsk7ITJMdqK1hy1dMLVcMCs6sZ_m80Y0oUE50fWm1QLHlXOtu1Y1XvUw3L_2/s72-c/tumblr_n3x98wwAXB1tnyyofo1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/06/30-minutes-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/06/30-minutes-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content