$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

30 Minutes (Part 3)

By: Robi Quijano Hi, thank you for waiting, by the way I’ll like to acknowledge all the readers, those who commented my work especially JB t...

By: Robi Quijano

Hi, thank you for waiting, by the way I’ll like to acknowledge all the readers, those who commented my work especially JB thanks sa pagtyaga and to the admins for posting my story. Also to all my bashers, thanks you, dahil sa inyo nakikita ko ang weakness ko at lalo kong pinupunan ang kakulang ang mga pagkakamali ko. By the way im just an amateur novelist kaya di ko pa siguro gamay. Sorry pala guys di ito short story, it is a novel, kaya masyadong detailed yung bagsak ng mga lines, medyo matagal ang pang popost ko kasi po on-going po yung pag gawa ko at medyo busy sa buhay hehehe… don’t worry may structure naman yung story. Hope you like it. Thanks! happy reading…RobiQ.

===========================================

Ang kwarto ay bahagi ng bahay kung saan tayo ay nagpapahinga. Dito napapaloob ang mga personal nating kagamitan. Pero kung iisipin mo, napakaliteral na paglalahad sa bagay na ito, ngunit hindi ba ninyo alam na ang kwarto rin ay isang lugar kung saan ay may malaking kontribusyon sa paghulma ng ating kinabukasan? Sa silid na ito binubuo ng mag-asawa ang mga pangarap nila sa kanilang pamilya. Nagsisilbing pangalawang paaralan ng mga estudyante. Ang lugar kung saan ang mga taong bigo sa buhay ay namamahinga upang mag-ipon ng lakas para gamitin muli ang kakayahan upang harapin ang bukas.
Sa kwarto din nagdidisisyon kung ano ang susunod ng gagawin ng pangulo ng isang bansa kung ano ang mga plano na dapat niyang gawin sa ikakataguyod ng kinabukasan ng kanyang nasasakupan. Ang lugar kung saan naipapahayag natin ang saloobin, mga sama ng loob, mga pangangailangan, mga kasiyahan, pasasalamat at kapatawaran sa pamamagitan ng panalangin atin sa Diyos. Ito’y sumasalamin ng ating pagkataon.

Pagkatapos ng mga pangyayari sa bahay nila Marco, nakangiting tumungo si Lenard sa botika para bilhan si Aling Martha ng gamot para sa kanyang karamdaman.

Sa sobrang kasiyahan, nilakad niya simula sa bahay nila Marco pagtungo sa botika. Lahat ng makakasalubong niya’y napapatingin sa kanya’t napapa-isip na para bang may sakit siya sa utak. Ngunit di napapansin iyon ni Lenard sapagkat abala siya sa pananariwa sa mga pangyayari sa kanila ni Marco.
Atat na atat na siya na sana’y bukas na ang umpisa ng kanyang trabaho at ipinapanalangin niya rin na sana’y huwag ng tumawag si Marco sa kanya dahil napagkasuduan nila na, kapag hindi tumawag si Marco sa kanya, ibig sabihi’y tuloy sila sa Lunes ng umaga.

Parang ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay niya. Di mo tuloy malalaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya masaya. Masaya ba siya dahil natanggap na siya sa trabaho? Masaya siya dahil makakasama niya si Marco? O Masaya siya dahil sa pangyayari sa kanila Marco? Pero para sa kanya tila ba nanalo siya ng ‘house and lot with living room and entertainment showcase’, pinatos niyang lahat.

Pagkatapos ng 30 minutes na paglalakad, narating niya ang botika. Good mood na good mood si Lenard. Agad na pumasok at masaya niyang binati ang pharmacist ng ‘good morning!’, na hindi niya naman talagang ginagawa, at sinabi ang gamot na kailangan niyang bilhin.

“Meron ba tayong ‘Paracetamol’?” tanong ni Marco sa nanay niya.

Kung ano ang pakiramdam ni Lenard sa sarili, kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Marco. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya kay Lenard at parang di nya matanggap iyon. Kung si Lenard sinasariwa niya ang bawat sandali, si Marco naman ay pilit niya itong ibinubura sa isipan. Parang gusto niyang isumpa ang araw na iyon.

“Kumain ka muna anak, meron tayo dyan sa ‘medicine cabinet’, bakit masama ba ang pakiramdam mo?” ang sabi ni Aling Josephine sa anak.

“Opo ‘nay, parang biglang sumama ang pakiramdam ko”, sagot ni Marco.

“Parang may dalang epidemya si Lenard at nahawa ako sa kanya” bulong niya sa sarili.

“’Nak ng…, nakakahiya ang ginawa ko, baka sabihin ng mokong na yun na babading ako sa kanya at isa pa, malapit ko na syang tanggihan e… ba’t ganon napa ‘Oo’ agad ako, parang may ‘something’ sa mga titig niya. Di kaya myembro siya sa mga asosasyon ng mga makukulam dito sa Pilipinas o isa sa mga myembro ng budol budol gang? Para akong babae na gayuma ah?…” bulong ni Marco.

“Teka asan na pala ang biodata niya?”

Asar na asar niyang tinungo ang lamesa at muntik ng sipain ito dahil, ito ang dahilan ng kanyang kahihiyan.

Pagalit na kinuha ang biodata at humakbang siya patungo sa hagdan na nakakunot-noo.

Pumanhik siya at tiningnan niya ang biodata, ngunit na imbis na basahin ang nilalaman nito, sa ‘2 x 2 picture’ siya agad tumingin.

Napahinto siya sa kalagitnaan ng hadganan.

Matagal ang pagkakatitig niya sa ‘picture’. At ilang sandali pa’y -nilukot niya ang biodata, tumungo na sa kwarto at sabay na inihagis niya ang inlamukot na biodata sa lamesa. Nahiga siya ng pahalang sa kanyang kama pansamantala at tiningnan ang kisame.

At sinabi niya kanyang sarili.

“ANG GAGO KO TALAGA!!!”

Di maipinta ang mukha niya. Parang pinaghalong inis, galit at hiya ang kanyang pakiramdam. Agad siyang bumangon at kinuha ang nilamukot na biodata at inayos muli ito. Humiga siya ulit sa kama ng padapa dala ang biodata at tinitigan muli ang picture ni Lenard.

“Mukha naman siyang mabait”

“Maamo ang mukha, pero mas pogi kaya ako sa kanya?”

“Oo, mas pogi ako… hehehe… At macho pa…”

Tinitigan pa niya ang nakangiting picture ni Lenard at sabay na ginaya ang ngiti nito.

“Maganda ang kanyang mga ngipin at napakaamo ng kanyang mga ngiti, ako kaya maganda ba ang ngiti ko?”

Bumangon siya dala ang biodata, pumunta sa salamin at sabay na ngumiti.

“Maganda naman ang ngiti ko ah?”

At di pa siya nakuntento, itinapat pa niya ang biodata sa harap ng salamin at ipinagkumpara niya ang sarili niya sa picture ni Lenard habang nakangiti.

At sabay na tumawa.

“Wahahaha!”

“hahahahaha!”

At biglang di ulit maipinta ang mukha ni Marco sabay lamukos sa biodata at itinapon ito basurahan. At muling bumulong sa sarili..

“PUTANG-INA!!!”

“NA-IINSECURE AKO!!! WAHHH!!!”
Biglang tumakbo at tumalong sa kama ng padapa at nakalimutan niyang may bali pala siya sa kanang braso.

“ARAYYY!!! ANG SAKKKKIITTT!!!

Samantala, nakalabas na ng botika si Lenard, sabay niyang inilagay sa bulsa ang binili niyang gamot at tumungo na pauwi sa ‘boarding house’. Pagkauwi niya, agad na tumungo siya sa kwarto ni Aling Martha.

“Nay Martha? Nay Martha? Binili ko kayo ng gamot” sabi ni Lenard habang kumakatok.

“Teka Sandali lang, di ko mahanap ang kabilang pares ng tsinelas ko, sige pumasok ka bukas ang pinto” sabi ni Aling Martha.

Pagpasok ni Lenard sa kwarto nadatnan niyang nakaupo si Aling Martha sa kanyang kama at suot-suot ang kabilang pares ng
tsinelas. Mahahalata mong maysakit siya. Magulo ang buhok at parang antok na antok.

“Ay pasensya na po iaabot ko lang po ang gamot ninyo, teka ‘nay asan ba ang kabilang pares ng tsinelas nyo?” sabi ni Lenard at sabay na yumuko at sinilip ang ilalim ng silong ng kama. Agad naman niya itong nakita at kinuha, ibinigay kay Aling Martha.

“Salamat, kumusta pala ang lakad mo? Nagkita ba kyo ni Marco?
Kumusta nya sya?” sabi ni Aling Martha.

“Opo nagkita po kami at tanggap na po ako, pero siguro Nay Martha inumin nyo muna ang gamot ninyo’t magpahinga muna kayo. Maya-maya nalang tayo magkwentuhan” sabi ni Lenard.

“Ah ganon ba? Mabuti naman. Pakiabot na nga lang yung bote ng ‘mineral water’ dun sa lamesa ng mainum ko na ‘to” pakiusap ni Aling Martha.

Matapos ang kanilang usapan dali-daling tumungo si Lenard sa kanyang kwarto na para bang ‘excited’. Pagkasarado niya sa kanyang pinto, hinubad niya ang kanyang sapatos at sabay na tumalong sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang una at mahigpit niya itong niyakap.

Nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama habang yakap niya ang kanyang unan.

At nagsimula siya sa kanyang pagpapantasya.

“Oh Marco? Oh Marco ng buhay ko? Ba’t ganito ang nararadaman ko syo? Bakit? Parang napakaespesyal mo sa akin?” sabi niya sa sarili.
Huminto siya sa pagkakagulong-gulong at nakadapa na habang nadadaganan niya ang unan. At ipangpatuloy niya ang pagpapantasya.

“Oh Marco? Ano bang ginawa mo sakin, bakit ako ng kakaganito? Bakit parang nahuhulog na ang loob ko sayo?” ang pabulong niyang sabi sa unan na animoy si Marco ang kausap niya.

Lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa unan, mahigpit na parang si Marco ang kanyang kayakap.

“Napakaganda ng iyong mga mata at napakakisig mo? Lalo nahuhulog ang loob ko syo?”

“Ang yakap mo kanina sakin, alam kong aksidente yun, pero para lalong nagpapakalas ng buto ko..”

“Ang mga labi mo parang nag-aalok ng halik” sabay hinalikan ni Lenard ang unan. Matagal ang pagkakahalik niya at pagkatapos tinitigan niya ulit ang unan, napansin niyang nabasa ito ng kanya laway.

“Oh shyet Marco? Ba’t sa’yo pa? Sandali lang tayong nakasama kanina, pero ba’t parang ang lakas talaga ng tama ko syo. Papaano pa kaya kung magkasama na tayo sa Lunes…” sabay halik ulit sa unan.

“Oh Marco! Marco! Marco! Mahal kooo! Napa-ibig mo ako…” sabay nginitian niya ang unan.

Saksi ang apat na sulong ng kwarto sa mga pangyayari at
pagpapantasya ni Lenard kay Marco. Alam niya na sa paraang ito lamang ang kaya niyang gawin upang mailahad ang kanya nadarama kay Marco. Ang kwarto niya rin mismo ang nagsisilbing kulungan ng kanyang tunay na pagkatao. Dito niya lamang naipapakita ang kanya lihim at kanyang saloobin. Para sa kanya, ang kwarto niya lamang ang tanging lugar sa mundo kung saan tanggap ang kanyang pagkatao.

Hanggang sa tumunong ang kanyang ‘cellphone’, at binunot niya sa kanyang pantalong. Napansin niyang di nakarehistro ang pangalan ng tumatawag sapagkat numero lamang ang nakatala doon.

Agad siyang kinabahan, alam niyang hindi iyon ang ‘agency’ na kanya papasukan sa abroad. Ang tangi nasa isipan niya ay si Marco na lalong nagpakaba sa kanya. Sinagot niya ang tawag…

“Hello?”

“Hello? Lenard? Si Marco ito.” ang sabi ni Marco na walang kaemo-emosyon.

Gumuho ang mundo ni Lenard, alam niya ang usapan nila na kapag di siya tumawag ibig sabihin tuloy ang trabaho niya ngunit ngayon para may mali, parang may masamang mangyayari na…

----------------------

Naalimpungatan si Marco, nakatulog sya sa tindi ng papanakit ng kanyang kanang braso dahil sa kanyang kagagawan. Naupo siya sa kanyang kama at tinanaw niya ang basurahan kung saan nanduon ang nilamukot na biodata ni Lenard. Hindi niya na muna pinansin iyon bagkus pinabayaan niya muna ito pansamantala at nagdesisyong mamaya na muna ito kunin. Nakaramdam siya ng pagkagutom at sabay tumingin sa orasan.

“Alas dose na pala? Kaya pala nagugutom nako teka makababa na nga..” bulong niya.

Lumabas siya sa kwarto at tinanaw sa ibaba kung nakahain na ng pananghalian nila. Pagkababa niya, lumabas na rin ng kwarto si Grace. Gulong-gulong ang buhok at halatang galing sa pahinga.

“Oh? Nagising kana pala?” bati ni Marco kay Grace.

“Yes kuya, mababaw ang tulog ko e…” sabi ni Grace.

“O dyan na pala kayo? Ano anak masakit paba ang ulo mo?” tanong ni Aling Josephine.

“Medyo ‘Nay, ikakain ko lang ‘to baka gutom lang ‘to” sabi ni Marco.

“Mabuti pa nga. Tara kain na. Ate Beth?! Tama na muna yan halika’t saluhan mo na kami” sigaw ni Aling Josephine sa
kasambahay.

Nasa kalagitnaan sila ng kanilang kainan, agad na nagtanong si Grace.

“I saw you kuya kanina, you had a visitor, segorow mga brunch time, who was that guy?” tanong ni Grace na nakangiti at parang kakatwa ang kanyang pagmumukha.

Agad na nabulunan si Marco at nagulat sa pagkakasabi ni Grace sa kanya. Agad siyang nakinabahan baka kasi nakita sila ni Grace na magkayakap ni Lenard.

Kinuha niya ang isang baso ng tubig at habang iniinum niya ito, nag-iisip na siya ng ipapaliwanag kay Grace.

“Ah yun ba? Si… si… ano? Si… Si… Kwan?” sabi ni Marco na nauutal.

“Si Lenard yun. Yung mag-aapply ng driver niya” ang sabi ni Aling Josephine na biglang sumabat sa usapan.

“Lenard?” tanong ni Grace.

“Si Lenard!? Yung border ni Mare, yung nakita mo nung isang araw na nag babasketball sa harap ng boarding house nila?” paliwanag ni Aling Josephine.

“Lenard? Ah! Si Lenard yung gwaphow? OH MY GOD!!!” sabay tingin ni Grace kay Marco na para bang may alam siya.

Agad na nabahala si Marco sa pagkakatingin ni Grace at parang may alam nga sya sa pangyayari sa kanila kaninang umaga at nag tanong kaagad si Marco…

“Na… na…nakita mo ba kami kanina? Anong na… na…kita mo?” tanong ni Marco kay Grace pa bang kinakabahan.

“Well actually was in my room, I heard that you’re talking to someone... Then I checked who was this guy you’re talking with, but unfortunately I saw him na palabas na sya ng bahay... I saw you leading him outside na… So yung back nalang niya ang nakita kow… Mataas na tao… hmm… segurow same height kayo kuya” paliwanag ni Grace.

“Sigurado ka bang yun lang ba ang nakita mo?” tanong ni Marco na may pagdududa.

“What else should I need to see? Sayang nga e, sana nameet ko man lang, teka kuya? aren’t you gonna hire him, are you? Did he pass your preference Kuya?” sabi ni Grace.

“Hay salamat naman buti yung lang ang nakita niya at least I’m safe, hehehe” bulong ni Marco.

“Well, I’ll expect him on Monday, may magagawa pa ba ako? Eh si Nanay at Ninang na ang nagdesisyon.”

“Oh My… Yehey I gonna meet him on Monday, how’s he kuya? Is he nice?” kulit ni Grace.

“Mabuting tao si Lenard, masipag at higit sa lahat mabait” ang sabat uli ni Aling Josephine.

“Talaga Tita, bagay ba kami? Heheheh” tanong ni Grace.

“Ilusyunada ka talaga heheheh” ang biro ni Aling Josephine.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap biglang tumunog ang busina ng “Truck” ng basura sa labas. Hudyat na ito na ilabas na ang basura sa loob ng bahay upang kolektahin.

“Ay ano ba yan? Nakalimutan kung kunin ang mga basura ninyo sa kwarto sandali nga’t kukunin ko muna?” sabi ni Ate Beth na pansamantalang umalis sa hapag para kunin ang basura sa bawat kwarto nila.

Hindi pinansin iyon ni Marco bagkus tuloy parin sila sa pag-uusap.

“Teka Marco? Malinis ba ng kotse? Nakakahiya naman kay Lenard kung marumi ito” sabi ni Aling Josephine.

“Nay? Ipapalinis ko nalang ito sa kanya...” paliwanag ni Marco.

“Anak nakakahiya naman kay Lenard, ipagmamaneho ka lang naman ng tao di mo sya kailangang aalilain” sabi ni Aling Josephine.

“O shya, shya! Papapuntahin ko sya bukas dito para ipadrive ko sa carwash” sabi ni Marco.

Biglang napa-isip si Marco at napahinto sa pagnguya…

“Teka may number na ba ako ni Lenard? Teka? Sabi nya nasa contacts daw yung number niya… sa Biodata at ang biodata nasa…”
“WAAAHHH?!” sigaw ni Marco.

At biglang nagulat sila Grace at Aling Josephine.

“Ate Beth?! Ate Beth?! Asan si Ate Beth?!” tanong ni Marco.

“Nasa labas nagtatapon ng basura, bakit?” tanong ni Aling Josephine.
Agad na kumaripas ng takbo papalabas ng bahay si Marco, at nakita niya si Ate Beth na inaabot lalagayan ng basura sa mamang kolektor ng basura.

Agad siyang sumigaw ng malakas ng makita niyang ibinuhos na ng mama yung basura sa truck…

“WAGGGGGG! Waaaaaaaaaaaaaaaaahh!” sigaw ni Marco na nakasabunot sa kanyang buhok.

Agad na lumapit si Ate Beth kay Marco at tiningnan ang kanyang mukha.

Nagtaka at pansin ni Ate Beth na hindi pa tapos kumain si Marco dahil napansin niya ang isang mumo ng kanin malapit sa kanyang bibig…

“Bakit po Sir?” ang sabi ni Ate Beth.

Nanlambot ang tuhod ni Marco at agad itong napaupo sa harap ng bahay. Hinayang na hinayang siya sa biodatang itinapon niya sa kanyang basurahan. Agad niyang naisip ang pagmumukha ni Lenard na nakagiti sa ‘picture’. Gusto niyang sisihin si Ate Beth sa pangyayari ngunit wala syang magawa sapagkat kung meron mang pagkakamali sa bagay na ito, ang dapat niyang sisihin ay ang kanyang sarili.

“Wala na? Wala na Ate Beth? Wala na sya? Naitapon na…” ang malungkot na sabi ni Marco kay Ate Beth.

“Wala na sino Sir?” ang malambing na tanong ni Ate Beth.

“Si Lenard…” ang di mapigilang pagkasabi ni Marco.

“Hah? Yung tinutukoy nyo po ba e yung basura ninyo?” tanong ni Ate Beth.

“Oo Ate Beth…” ang maramdam niyang pagkakabigkas.
“Ayan pa po yung iba oh?! Sa gilid ninyo. Asan ba dyan yung basurahan ninyo?” sabi ni Ate Beth

Biglang lumingon si Marco sa gilid at nakita niya ang basurahan niya partikular na ang biodata ni Lenard. Nabuhayan si Marco at nagbago ng itsura...

“Ayun pala e…” sabi ni Marco at biglang sumigla.

Kinuha niya biodata na nakalamukos at inayos muli, sabay pumasok sa loob ng bahay at iniwan si Ate Beth na takang-taka.

“Ay Sus! Lenard pala ang pangalan ng basura nya…” sabi ni Ate Beth na parang naliwanagan.

Pagpasok ni Marco sa loob ng bahay agad na sinalubong ng ina niya ng tanong,

“Oh? Ba’t anong nangyari sa’yo? Ano yang hawak mo?” tanong ni Aling Josephine.

“Ay wala ‘Nay, wala ito.” sagot ni Marco sabay nilagay ang nalamukot na biodata ni Lenard sa kanyang likod.

Itinago ni Marco sa likod niya ang biodata upang di makita ng nanay niya at di pagalitan siya sa pagiging burara nito.

Hindi tinapos ni Marco ang kanyang pagkain at dumeretso siya sa kanyang kwarto at kanyang sinabi sa sarili…

“Hay?! Muntik ko na ikaw matapon buti nahabol ko heheheh…”
At sabay hinalikan ang picture ni Lenard sa biodata

Nabigla rin si Marco sa kanyang ginawa.

“Ay shit ano bang ginawa ko? Ba’t ko hinalikan ‘tong mokong na ‘to”
“Pero nandito parin ang amoy ni Lenard sa biodata, di natanggal kahit naitapon ko na sa basura”

“Teka na’san na contact number niya? Hmmp”

Hinanap ni Marco ang ‘contact number’ ni Lenard sa biodata, nakita niyang ‘cellphone number’ iyon kaya’t di nag atubiling kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawag niya si Lenard.

“Hello? Lenard? Si Marco ito…” Ang bati ni Marco.

“Sir Marco kayo po pala, may problema po ba?” tanong ni Lenard.

Sa puntong ito kinakabahan si Lenard, baka kasi di sya matuloy sa pagmamaneho niya sa Lunes.

“Ay wala naman. Pasensya na kung naistorbo kita? Pwede ka bang sumaglit dito bukas ng umaga o kung anong oras ka pwede… Pwede bang ipa-carwash mo muna yung kotse? Matalaga na kasing ‘di ko nagamit e…” magalang na pakiusap ni Marco kay Lenard.

Parang biglang nabago ang ‘mood’ ni Marco, bilang bumait kay Lenard. Si Lenard naman nawala ang tensyon niya, bagkus biglang naexcite.

“Oo naman Sir, pwede po, kung OK lang po sa inyo kahit mamayang hapon wala naman akong gagawin mamaya e…” sabi ni Lenard na parang napakakisig pakinggan.

Kilig na kilig si Lenard ngunit pigil na pigil ito sa kanyang mga pananalita, halos masira na ang unan niya kakayakap ng mahigpit. Habang kausap ni Lenard si Marco, malalaman mong nakangiti siya at gayun din si Marco sa kanya. Para bang nag-uusap sila bilang makakilala na talaga.

“Hindi bukas nalang masama kasi ang pakiramdam ‘ko sasamahan kita kasi upang malaman mo saan ako nagpapa-carwash.” paliwanag ni Marco.

“Ah O sige po Sir, bukas nalang po, pupunta nalang po ako bukas” ang sagot ni Lenard.

“OK sige bye!” sabi ni Marco na malumanay.

Sabay ibinaba ang tawag.

“Anong bye? Bye bye bayin mo mukha mo!!! heheheh” sabi ni Marco.
“Bye rin Sir Mahal ko! Waaaaaaaaaah!!!” ang kilig na sabi ni Lenard na halos maihi.

“Sasamahan ako ni Marco bukas? Naku kailangan kung maghanda, kailangan kung magpagupit, teka isasave ko muna ang contact number ni Sir” bulong ni Lenard.

Agad nya ito ‘sinave’ sa kanyang cellphone at pinangalanan niya itong

S-I-R—M-A-R-C-O

Ngunit di sya nakuntento, kaya’t pinalitan niya ito ng

S-I-R—M-A-H-A-L—K-O

At nasiyahan siya sa kanyang ginawa.

At si Marco naman sinave din niya ang contact number ni Lenard na…

M-O-K-O-N-G

“Wahahaha mokong ang pangalan mo sa phone ko.. heheheh” sabi ni Marco.

“Teka malinis ko na nga ang loob ng kotse baka sabihin ni mokong na burara ako”

Kinagabihan isinet ni Lenard ang alarm ng alas siyete y medya ng umaga upang gumising.

Dumating ang araw ng kinabukasan, maagang nagising si Marco, naligo at nagdamit ng madali niyang suotin “walking-short” at simpleng pang-itaas na T-shirt. Agad syang bumaba upang mag-almusal. Pagkababa nya, nagulat siya sa kanyang nakita, Si Grace. Maaga siyang umuwi sa bahay, at nakapagpalit na rin damit, naka-‘spaghetti strap’ at maikling ‘walking-short’, di rin nya pinalagpas ang mag-make-up dahil alam niyang pupunta si Lenard.

“O di ka pa ba matutulog?” tanong ni Marco dahil alam nyang panggabi ito.

“Later Kuya.” Sagot ni Grace habang abalang-abala sa kakamake-up.

“May lakad kaba?” tanong uli ni Marco.

“Well Kuya as far I know? E pupunta si Lenard, magpapakacarwash at sasama ako sa kanya” ang agresibong sagot ni Grace.

“Ah! Talaga? Kasama ka? Bakit?” tanong ni Marco.

“Sige na Kuya? Please? I just want to meet Lenard… Pretty-pretty please?” pakiusap ni Grace.

“Edi e meet mo ngayon pero wag kanang sumama, ituturo ko lang naman kung saan ako ng papacarwash ‘tas tapos na, yun lang” sabi ni Marco.

“Ako nalang ang magtuturo para di kana mahirapan please?” sabi ni Grace.

“At tapos magdadate kayo?” sagot ni Marco.

“Uhmm, Oo waaahhhhh!?” ang sagot ni Grace habang kinikilig.

“Anong kalandian na naman yang naririnig ko?” ang entrada ni Jane na kagigising lang.

Habang pababa si Jane sa hagdanan, may natanaw siyang lalaki na nakatayo sa gate nila para bang may hinihintay at panay ayos sa kanyang buhok. Si Lenard. Maaga rin siyang nagising dahil mababaw ang kanya tulog at upang maging maaga siya sa unang araw, di rin nasunod ang kanyang itinakdang oras ng paggising.

“Oh may tao sa labas…” sabi ni Jane.
Bago siya pumunta sa hapag, dumirecho muna sa gate upang tanungin kung ano ang kailangan ng taong nakatayo roon.

“Ano po yun? Ano po ang kailangan nila?” tanong ni Jane.
Hindi kilala ni Jane si Lenard…

“Uhm, good morning po, ako po si Lenard, ako po yung magiging driver ni Sir Marco” sagot ni Lenard na nakangiti kay Jane.
Si Lenard ay nakasuot ng simpleng puting T-shirt, kupas na maong at ‘sneakers’. Nakasabit sa kanyang T-shirt ang kanyang ‘sun glasses’. Malayo palang maamoy mo na siya sa kanyang pabango.

“Aba ang bilis ata ng pangyayari? Nakaroon kaagad ng driver at may itsura pa, ah teka? kaya pala lumalandi ngayon si Ate dahil sa kanya” sabi ni Grace sa isip.

“Tara pasok ka?” sabi ni Jane.

At pumasok naman si Lenard at pansamantalang huminto upang tiningnan ang kotse. Napansin niya na kailangan na ngang linisin dahil sa makapal nitong alikabok.

“Ah Kuya pasok ka muna sa loob” ang banggit ni Jane kay Lenard habang nag-aantay sa tapat ng pinto. Agad naman sumunod si Lenard.

Pagpasok ni Lenard, agad na tumambad ang pagmumukha ni Marco na medyo malamlam ang itsura, ngunit nginitian lamang iyon ni Lenard at sabay bati ng…

“Good morning sir, kumusta po ang pakiramdam ninyo?” sabi ni Lenard.

Medyo naiilang si Lenard na tingnan si Marco, kaya napabaling ang tingin niya kay Grace.

“Good Morning Ma’am” sabi ni Lenard at pagkatapos nginitian niya si Grace na ngayon lang din niya nakita.

At si Grace naman ay nanlaki mga mata, sapagkat mas malapitan niyang nakita si Lenard at nakangiti ito. Tagus-tagusan sa puso ang pagkakilig ni Grace at na ‘love at first sight’. Hindi siya nakasagot kaagad kay Lenard at natahimik pansamantala.

“Medyo ko na ako kaysa kahapon…Teka bagong gupit ka ngayon ah” sagot ni Marco.

Biglang namula ulit ang mukha ni Marco dahil naisip niya muli ang nangyari kahapon sa kanila ni Lenard ngunit hindi na iyon pinahalata.
Si Lenard naman ay nakatayo lamang sa may bandang sala at parang nahihiya.

“Sir kukunin ko lang po sana ang susi ng kotse” sabi ni Lenard.
At sabay lumabas si Aling Josephine sa kusina at nakita nya si Lenard.

“Aba nandiyan ka na pala Lenard, tara’t kumain ka na muna sabayan mo na kami” bati ni Aling Josephine.

“Good Morning Ate Jo, tapos napo ako mag-breakfast” sabi ni Lenard na nahihiya.

“Aba’y kahit kape lang humigop ka na muna” sabi ni Aling Josephine.
At niyaya ni Grace si Lenard na kumain…

“Hi thura kumain ka na muna… By the way, I’m Grace, cousin ni Kuya Marco” ang pademure effect ni Grace.

Inabot ni Grace ang kamay ni Lenard upang makipag- ‘hand shake’ at lalong kinilig dahil sa magaspang at makalyong kamay ni Lenard.

“Oh my? Lalaking-lalaki ang kanyang kamay, ang tigas-tigas at bango-bango pa niya…” bulong ni Grace.

“Dito ka sa tabi ko Lenard…don’t be shy” anyaya ni Grace.

“Thanks…” sabi ni Lenard.

Dumating sa eksena si Ate Beth.

“Ah sya pala ang Lenard? Akala ko kasi yung ano…” ang banggit ni Ate Beth sabay tingin kay Marco.

Sa kabisera umupo si Aling Josephine, magkatabi si Marco at si Ate Beth at katapat nila si Grace at Lenard, sa dulo ng lamesa umupo si Jane, na dapat sana’y katabi ni Grace.

Tinanong ni Aling Josephine si Lenard…

“Sya nga pala kumusta na si Mare?”

“Medyo mabuti po ang pakiramdam niya kaysa kahapon, pabago-bago po kasi ang panahon natin ngayon e, kaya siguro nagkasakit sya..” paliwanag ni Lenard.

Sa bawat papaliwanag ni Lenard kay Aling Josephine, ay panakaw syang tumitingin kay Marco. Walang nakakapansin nito maliban kay Jane. Natyetyempuhan kasi ni Jane ang ginagawa ni Lenard at duon nahihiwagaan siya sa kanya.

“Teka nga ba’t panay tingin ng taong ito kay kuya Marco, andyan naman si Ate… Si Ate naman parang dumalagang aso, kulang na lang kumadong na kay Lenard para lang mapansin pero ba’t parang binabalewala lang nya…hmmm parang may mali, hindi kaya naiinsecure si Lenard? Hmmp” bulong ni Jane.

Di namamalayan ni Marco na ninanakawan na sya ng tingin ni Lenard, Si Grace nama’y kada isang mahinhin na pagsubo, isang sulyap kay Lenard na tila pinapapak niya siya ng tingin.

Aksidenteng sumulyap si Marco kay Lenard at napansin iyon ni Lenard, nagulat sila pareho, kaya’t naibaling nila ang tingin sa kinakain nila. Parehas sila namula. Huling-huli naman ni Jane ang pangyayaring iyon.

Bigla namuo ang katahimikan.

Walang anu-ano’y tumunog ang alarm ni Lenard sa cellphone, at ang lahat ay tumingin sa kanya…

“RRRRRRRRRIIIIIINNNNGGGG!!!”

“Oh? You have a call Lenard” sabi ni Grace.

“Ay sorry…” sabi ni Lenard at agad na dinukot niya ang cellphone sa bulsa.

“Ay yung alarm pala nakalimutan kong ioff” paliwanag nalang niya.

“Oh my? We’re the same phone…Motorola Sliver ka rin? Parehas pa tayo ng color, color black din yung akin” puna ni Grace at ipinakita rin nya ang kanya cellphone.

Napuna ni Aling Josephine ang kanilang cellphone…

“Aba’y ang nipis naman n’yan at ang ganda pa…” sabi ni Aling Josephine.

“May iba’t-ibang colors din yan tita, may white, pink at transparent din” sabi ni Grace.

“Talaga? ang galing naman, sakin kasi Nokia 3310 parin at burado na ang mga letra niya…hehehe” sabi ni Aling Josephine.

“Hmmp! mas maganda naman ang phone ko dyan, Motorazor” bulong ni Marco.

“Lenard, anong number mo? Text text tayo ha?” sabi ni Grace.

“Ah sige, eto number ko” sabi ni Lenard.

“Lumalandi na naman ito si Grace, parang sinisilaban ang tumbong, di mapakali, baka mamaya e, babaero ‘tong si Lenard … hmmp” bulong ni Marco.

Palihim na tumitingin si Marco sa mga cellphone ng dalawa…

“Hmmm?, alam ko na! Tama, yun na nga…mamaya pag-alis..” bulong ulit ni Marco sa sarili at parang may binabalak.

Pagkatapos ng 30 minutes na kainan at usapan nagdesisyon ng umalis si Marco at Lenard,

“So?, tara na Lenard, pwede bang ‘Nard ang tawag ko syo? Ang haba kasi ng Lenard e” sabi ni Marco.

“Ok lang po sakin yun Sir…” sabi ni Lenard.

“Pero gusto ko, Mahal nalang sana ang itawag mo sakin, hehehe” sabi ni Lenard sa isip.

“Honey ang itatawag ko syo kung magiging boyfriend kita hehehe” bulong rin ni Grace.

“Mokong sana itatawag ko syo e wahahahha” sabi rin ni Marco sa isip.

“Wirdo ang itatawag ko syo, gago!” ang sabi rin ni Jane sa sarili.

“Ay teka nakalimutan ko yung susi, Grace pakikuha nga yung susi sa table malapit sa altar” utos ni Marco.

“Kuya pagkinuha ko yung susi, sasama ako ha?” pabirong sabi ni Grace.

“Tsk!.. wag na nga ako nalang” sabi ni Marco na nakakunot-noo.
Pag-akyat ni Marco sa hagdan, muling napansin ni Lenard ang mga binti ni Marco at tiningnan ito hanggang sa makapanhik sya. Para sa kanya, nakakasilaw ito at parang isang napakagandang tanawin.
Hindi nakatakas sa paningin ni Jane ang pagtitig ni Lenard sa binti ni Marco, na sa simula’t simula pa ay tinitingnan na ito.

“Isa pang ‘clue’ mababasa na kita…” bulong ulit ni Jane.
Palabas na sila ng bahay. Sa likod pinaupo ni Lenard si Marco at di naman ito tumanggi. Tamang-tama lang ang tuling ng takbo ni Lenard, sapagkat ayaw nilang matagtag ang kotse na magiging sanhi ng pag-alog ng kanang braso ni Marco. At nagsimula ng magtanong si Lenard…

“Sir san ba yung pagcacarwash-san natin?”

“Dun lang sa labas ng Village sa Santiago’s Cashwash” sabi ni Marco.

“Ah kina Danny? Alam ko yun, officemate ko ang may-ari nun, family business nila yung carwash, at dun minsan ako nagpapalinis ng taxing hinihiram ko sa boardmate ko” sabi ni Lenard.

“Ah ganon ba?” sagot ni Marco. “Di ko naman tinatanong… hmmp!” bulong niya.

‘Casual’ ang usapan nila. Ngunit ang sagot ni Marco ay parang napakatabang at walang kaemomosyon.

Tahimik sila parehas at parehas silang nakikiramdam. Naiilang si Lenard. Kada galaw ni Marco ay napapatingin siya sa salamin at upang di mahalata ang patingin-tingin niya, sinuot niya ang kanyang ‘sunglasses’. at si Marco naman ay di nagpapahalata na tinitingnan bawat kilos ni Lenard. Sinimulan niyang usisain ang sinuot na ‘sunglasses’ hanggang sa batok ni Lenard.

“Ano kaya ang brand ng ‘sunglasses’ niya, sayang sana sinuot ko rin ang ‘sunglasses’ ko”

“Hmmp… ang puti ng batok niya, makinis at malaki ang kanyang balikat” sabay kapa ni Marco sa sarili niyang batok hanggang sa kanyang balikat.

“Ang bango niya. Ano kaya ang pabango niya? Tama lang, di gaanong matapang at mukhang mamahalin, sana nagpabango rin ako, tanungin ko kaya kung anong brand?”

“Wag nalang baka sabihin inggetero ako, mas mabango naman yung sakin, pero ang bango talaga e.”

Lalong nainsecure si Marco.

Nakarating na sila sa carwash. Bumaba agad si Marco at sinabihan ang attendant na magpapalinis sila. Nakilala naman ng attendant si Marco sapagkat isa sya sa mga regular customer nila. Bumaba na rin si Lenard, agad binati niya ang attendant…

“Pare, kumusta na? Dyan ba si Pareng Danny?” tanong ni Lenard.
“Ay Sir ikaw pala yan? Bago na ba raket natin? Nandyan po si Sir Danny sa loob, teka tatawagin ko po" sabi ng attendant.
Ilang sadali pa’y…

“Oh? Lenard dito ka pa pala? Kala ko nasa abroad kana? Anong nangyari?” bati ni Danny.

“Wala pare e, nag-aantay ako ulit ng tawag, nagkaproblema kasi sa kumpanyang papasukan ko e, 3 months pa raw, kaya eto driver muna ako, kakaumpisa ko palang” paliwanag ni Lenard.

Naechapwera si Marco sa biglang pagpasok sa usapan ni Lenard…
“Excuse me! magpapacarwash kami, pakibilisan” singgit ni Marco na parang naiirita.

“Ay sori Sir… kayo po pala… Sige po aasikasuhin na namin…” ang pagsensya ni Danny kay Marco.

Ayaw na ayaw ni Marco yung mawawala siya sa eksena lalong lalo na yung sasapawan siya.

Napansin din yun ni Lenard.

“Ay Pareng Danny, Si Sir Marco pala sya ang boss ko ngayon, driver niya ako” pakilala ni Lenard.

Alam ni Danny ang estado ng pamumuhay ni Lenard, professional sya tuwing weekdays at professional taxi at jeepney driver naman sya kapag weekends.

“Ay oo kilala ko yan si Sir Marco, suki namin yan dito” sabi ni Danny.
“Ah Lenard lika muna saglit may ipapakita ako syo sa loob” paanyaya ni Danny.

“Sige sandali lang, Sir Marco iwan ko muna kayo saglit ha?” sabi ni Lenard.

Pero pakana lamang iyon ni Danny para di marinig ni Marco ang sasabi niya kay Lenard.

“Pre, sya ba boss mo? Masungit yan… Ayaw niyang babagal bagal sa trabaho…” ang bulong ni Danny kay Lenard.

“Ah talaga? Buti sinabi mo… Kasi pinakikiramdaman ko palang siya. Naku sayang na sayang ang kagwapuhan niya… Este ang kanyang gandang pagkalalaki” sabi ni Lenard na muntik ng mabuking.
30 minutes na ang nakakalipat at natapos na ang paglilinis ng kotse at agad na nagtanong si Marco…

“Magkano nga ulit ang bayad?” pabalang na sabi ni Marco.
“Ah Sir, libre lang po, libre lang, kilala ko naman po si Lenard e…” sabi ni Danny.

“Thank you Pare ah! di bali makakabawi rin ako syo…” pasasalamat ni Lenard.

“Tara na Sir uwi na po tayo…” yaya ni Lenard.
Pumasok agad si Marco sa kotse na nakakunot-noong nakatingin sa kalayuan…

Alam ni Lenard na mainit ang ulo ni Marco kaya’t ang tanging ginawa niya ay humingi paumanhin..

“Sir Marco sori po pala kanina, di ko sinasadyang i-cut ang usapan ninyo… Sorry po” ang madamdaming paumanhin niya...

Si Marco nama’y mabilis na humupa ang galit at biglang nahiya kay Lenard. Hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam. Kung pagalitan niya nga si Emily sa bawat pagkakamali nito’y parang kriminal ang turing, kahit ilang ulit na siyang humingi ng tawad walang epekto kahit na katiting. Pero iba si Lenard, iba ang amor niya sa kapwa lalaki, simula’t sapul pa sa pagkabata’y wala siyang nakagisnang kamag-anak na lalaki na humubog sa kanyang pagkatao at papano ang mamuhay na kasama ito. Mas panatag siyang makisalamuha sa mga kababaihan dahil sa apat ng sulok ng kanilang bahay, puro mga babae ang kanyang kasakasama, kaya pagdating sa mga kalalakihan e medyo, naiilang siya.

“Wag munang isipin yun, sige alis na tayo, shya nga pala saan mo nabili yang cellphone mo? Ganyan ang ireregalo ko kay Nanay… Magbibirthday na sya sa Wednesday… wag ka lang maingay ha?” sabi ni Marco.

“Ah talaga po Sir? Sa festival po... alis na po tayo…”sabi ni Lenard.
“Naku, para na rin kaming magdadate kami ni Mahal ko…” bulong niya.

-----------------------------------------

Maaliwalas ang panahon at maliwanag ang kalangitan, sapagkat iilan lamang ang ulap sa himpapawid para takpan ang haring araw ng umaga yaon, ngunit bakas parin sa kapaligiran ang nagdaang bagyo. Nabawasan kasi ang mga sanga ng mga punong-kahoy at lumiwanag ang mga daan. Nagsipaglagasan kasi ang mga dahon nito na nagsisilbing lilim sa mga daraanan.

Kapansin-pansing araw iyon ng Sabado. Wala makikitang mga estudyante na naka-unipormeng naglalakad at mga empleyadong nakasuot ng pangtrabaho. Sa loob ng ‘subdivision’ nila Marco, ay makikita mo ang mga batang masayang naglalaro sa ‘club house’. Araw ng Sabado, araw ng pahinga, pero kay Marco, ito na ang huling dalawang araw na kung saan matatapos na ang kayang pahinga at ‘excited’ na syang pumasok muli sa kanilang opisina. Si Lenard naman, ito ang unang araw niya ng paninilbihan kay Marco bilang isang driver.

“Ah?... Sir Marco, masyado pa po ‘ata tayong maaga para pumunta sa ‘Festival Mall’ 8:30 pala po ng umaga… mga alas diyes pa po ang bukas nun sa pagkakaalam ko…” wika ni Lenard.

“Oo nga pala nun? Ah Sige iderecho mo nalang sa Makati, dun nalang tayo bibili ng cellphone, para tamang-tama ang oras sa pagbukas ng ‘mall’ doon at para makahinga na rin ako nakakabagot sa bahay e…”, sagot ni Marco.

“Ok po Sir…” wika ni Lenard na halatang excited.
“Yes! Excited nako mahal ko sa date natin hehehehe” wika ni Lenard sa isip at nakangiti pa.

Habang binabaybay nila ang SLEX papuntang Makati, matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan nila dahil nagkakailangan pa ang mag-amo. Nag-iisip silang dalawa kung ano ang na dapat nilang pag-usapan. Parehas silang ayaw na masabihang ‘boring’ kaya’t kung anu-ano nalang ang kanilang maiisipan pag-usapan kahit na wala naman itong katuturan, gaya ng…

SA BILLBOARD…
“Sino yang nasa billboard na yan? Maganda sya ah? Chinita…” tanong ni Marco.
“Ah sya po ba? Yan po si Kim Chiu, sya po ang bagong Pinoy Big Brother Teen Edition Winner…” sagot ni Lenard. “Pero mas bet ko si Gerard...gwapo pa…” bulong ni Lenard.

SA SPORTS…
“Umabot pala ng 12 rounds ang laban ni Pacquiao kay Oscar Larios…unanimous decision ang hatol” sabi ni Marco.
“Oo nga daw Sir…” sagot ni Lenard “Si Lia Andrea Ramos kaya Miss Photogenic sa Miss Universe” bulong ulit ni Lenard.

SA PULITIKA…
“Talamak na ang mga tao sa gobyerno ngayon? Lataran na ang pangungurakot…” wika ni Lenard…
“Onga e!” sagot ni Marco…“Ano naman ang paki mo …” bulong ni Marco.

SA IBANG BANSA…
“Lalong lumalaganap ang sakit na SARS sa Hongkong…” wika ni Marco.
“Ah talaga Sir?” sagot ni Lenard “Teka pa’no ko durugtungan…’to” bulong ni Lenard…

SA KALUSUGAN…
“Alam nyo Sir? Mabisa daw pantanggal ng bato sa kidney ang parsley…” wika ni Lenard.

“Ah Talaga…?” sagot ni Marco. “E wala naman akong sakit bato e” sagot ni Marco sa isip.

Hanggang sa napunta sila sa…

“Sir ba’t wala kayong girlfriend? Sayang naman ang ganda lalaki ninyo… hehehe” tanong ni Lenard.

“Hmm…matagal na kong wala girlfriend… Hmmp… Siguro… maglilima ng taon na akong bakante… Wala na siya…Wag mo nang itanong kung bakit, ayoko nang pag-usapan pa…” sagot ni Marco namalamlam ang boses at parang irita…

Napansin iyon ni Lenard at biglang tumingin sa salamin upang pagmasdan si Marco. Malungkot ang kanyang mga mata at nakatingin siya sa kanyang mga hita. Banaag sa kanyang mga mukha ang lungkot.

At namayani muli ang katahimikan sa loob ng kotse.

Nabali nalang ito ng magtanong si Marco…

“E ikaw may girlfriend ka ba?”

“Pucha?! Ito na nga ba ang sinasabi ko e… mali ang tanong ko e… tiyak talagang sa’kin din ang balik ng tanong na ito… kainis naman…” wika ni Lenard sa sarili at nag-simulang mag-alala.

“Ah? Sir wala pa…” sagot niya kay Marco.

“Talaga…? Seryoso ka…? Ba’t naman…? Alam mo sa totoo lang mas pogi ka pa nga sa’kin e, tapos wala ka pang girlfriend?” gulat na tanong ni Marco.

“E kasi Sir ano e?... Ano?” sagot ni Lenard na kinakabahan… “Waah! paano ko ‘to lulusutan? Ang mga kagaya mo ang type ko Sir e…”

“Naku baka malaman nyang bading ako! Wag sa ganitong paraan wag waaah!” ang nagsusumamong bulong ni Lenard sa kanyang isipan.

“Alam mo kasi, dalawa lang ang dahilan yan ‘Nard… Either Torpe ka… o –BADING KA!” wika ni Marco.

Umalingawngaw kay Lenard ang salitang “-BADING KA” ng paulit-ulit. Gustong dumugo ng mga tenga niya ng oras ding yun. Banayad ang pagkakabigkas ni Marco sa mga salitang iyon pero kay Lenard ay parang nakakabingi at tumatagos sa kanyang mga buto. Parang sasabog ang kayang ulo at hindi niya alam ang kanyang isasagot kay Marco kundi ang mga salitang…

“Hindi ako bading sir ah?!…”sagot ni Lenard na malaki at buo ang boses.

“Ah? So Torpe ka pala…buti nalang di ka bading, kasi kung bading ka? Matitikman mo ang tamis ng kamao ko! Hehehe Ayoko sa mga bading e…” wika ni Marco.

Lalong nanlamig ang buong katawan ni Lenard at para siyang lalagnatin. Pakiramdam niya ay lumapat na ang kamao ni Marco sa kanyang mukha at parang isang daang beses tinutusok ang kanyang puso.

“Di sa torpe ako Sir Marco, marami pa kasi akong pangarap na dapat tupdin…wala pa kasi akong panahon sa mga babae e, sa totoo lang marami ang nagpaparamdam dyan sa tabi-tabi…” palusot ni Lenard.

“Sabagay sakit lang sa ulo yang mga babae yan, teka ano naman ang masasabi mo kay Grace?...sa pinsan ko?” wika ni Marco.

“Mukha namang mabait si Grace…” sagot ni Lenard.

“Teka nga…? Sino nga ulit yung Grace? Yung katabi ko o yung nasa dulong upuan?”

Nakalimutan na kasi kaagad ni Lenard kung sino sa dalawang pinsan ni Marco ang Grace. Kapansin-pansing hindi siya interesado sa mga babae.

Panatag ang pagsasalita ni Marco wala syang kamalay-malay
na nanadudurog na ang damdamin ni Lenard. Si Lenard naman ay nananalangin na tuldukan na ang pagtatanong ni Marco tungkol sa mga babae…

“Please? Mahal ko tama na ang pagtatanong?!, Oo tanggap ko, na bading ako! E ikaw kaya, tanggap mo ko? E di ba hindi…so please stop this…bago mo pa ako mabuko” wika ni Lenard sa isip habang nakakagat sa labi…

Kaya’t naisip ni Lenard na ibaling nalang pagtatanong ng…

“Ah Sir di ba sumasakit yang kanang braso mo?”

“Well?, Sumasakit pagsinusumpong at pagnagagalaw… medyo makati sa loob ng simento… gusto ko ngang kamutin e” wika ni Marco.

Alam ni Lenard kung ano ang nangyari sa kanang braso ni Marco kaya’t di na sya nag-atubiling tanungin pa. Ayaw nya rin kasing mapahiya pa ang kanyang amo sa sinapit nito.

“Ilang araw na po pala kayong ganyan?” tanong ni Lenard.

“Mag-iisang linggo palang… sabi daw kasi ni Dr. Rivera, mga ilang buwan pa daw bago gumaling” sagot ni Marco.

“So? Isang mag-iisang linggo na pala kayong walang ano…? Di rin ba sumasakit ang tiyan ninyo? Naku sir…? Buo-buo na yan… Hehehe…” pabirong tanong ni Lenard.

“Anong ano? Ahh? heheh ikaw talaga? Ang libog mong mokong ka? Hehehe… Siguro gawain mo yan ano? Panay panay ka ata e…ahahahah” sagot ni Marco.

“Ahahahah!!! Di naman Sir, paminsan-minsan lang din pagbored ahahahah!!!” sagot ni Lenard.

“Kasi sir kung di pwede yang kanang kamay nyo e...”

“E ano?” tanong ni Marco.

“Yung kalawang kamay nalang… hehehe” sagot ni Lenard.

“Kung gusto mo ako nalang ang gagawa nyan mahal ko…Oh Shit?!... tinigasan ako dun ah? Pero wag na… baka sa ospital pa ako damputin…” wika ni Lenard sa isipan.

“Oo nga naman, sige mamayang gabi nga? Ahahahah! You give me an idea…” sagot ni Marco.

At nagsimula nang magpantasya si Lenard.

Sa ganong usapan nila, nakapalagayan ng loob ang mag-amo. Nawala ang ilangan at pagiging pormal nila sa bawat isa. Pero si Lenard ay lalong nabalutan ng pag-aalinlangan lalo’t alam niyang ayaw na ayaw ni Marco sa mga bakla. Kaya’t ano man ang mangyari hinding-hindi sya dapat bumibigay sa harapan ni Marco at mananatiling nakabaon sa lupa ang kayang lihim.

Sa Makati avenue nila iginarahe ang kotse. Maaga pa ngunit marami nang tao ang namamasyal sa labas ng mall. Mga magkakabarkada at mag-anak. Pumasok sila sa isang kilalang mall upang makapamili ng cellphoneng ipangreregalo ni Marco sa kanyang ina. Iba’t-ibang ‘stalls’ at mga cellphone shops ang mga pagpipilian pero mas pinili nila yung mismong brand ng cellphone ang pinuntahan nila.

Naunang pumasok si Marco sa shop, agad syang nilapitan ng isa sa mga ‘sales lady’…

“Yes Sir, What phone are you looking for?”

“Ang cute naman nito kahit nakabenda ang kanyang mga braso…tsk..tsk..” bulong sales lady.

“Ah? wait lang miss, tatanong ko lang sa kasama ko…’Nard halika, pakita mo nga cellphone mo” banggit ni Marco.

Lumapit si Lenard at tumabi kay Marco…

“Ah? Miss meron pa ba kyong stock ng L7 na Motorola?” singit ni Lenard.

“Oh my God? Napapalibutan akong dalawang gwapo…” bulong ng sales lady.

“Meron po Sir… Sundan nyo po ako…ito po ba?”

“Meron ba kyong kulay pink?” wika ni Marco.

“Oo nga kulay pink… tama! Sige nga Miss ikuha mo kami ng kulay pink na L7” wika rin ni Lenard.

Pink ang napili nilang kulay para sa nanay ni Marco ngunit na dismaya ang sales lady…

“Ay patay na… pink as in Fwwink talaga? Bongga!” bulong ulit ng sales lady na gulat na gulat.

“Ito po Sir…”

Ngunit di nagustuhan ito ni Marco kaya’t napagpasyahan nilang kulay itim nalang katulad ng kay Lenard ang kunin. Binayaran agad ni Marco ito at agad na silang umalis sa shop.

Habang papalabas sila, pinagtitingin sila at pinag-uusapan ng mga sales ladies…

“Sayang naman, ang gwagwapo nila kaya lang… parehas ayaw sa
tulya… magjowa pa ata…”

“E kase naman kahit na ako di ako pipili ng bilasang tulya…! hahahaha…” wika ng isa.

“Ay naku? dibale nang bilasa kesa naman dyan sa tulya mo…
nagsasalita…hahahah!... madaldal pa…baka matakot ang makakita nyan baka kasi tumawa…hahaha” ganti naman ng isa.
Habang naglalakad ang mag-amo sa pasilyo ng mall, may naramdaman si Marco na ikinatuwa ni Lenard…

“Nard, sadali muna…”

“Bakit Sir? Ano po yun?” tanong ni Lenard

“Naiihi ako… ihi muna tayo… tara…” wika ni Marco.

Nasorpresa nang labis si Lenard sa sinabi ni Marco, para sa kanya mas exciting yayain ng kanyang amo sa banyo, kaysa mamasyal sa mall. Dali-daling pumasok sila sa CR, ngunit nanlumo si Lenard dahil ‘divided’ ang ‘urinal’ at may mga harang ang bawat isa. Kaya’t imbis na umihi siya ay nanalamin nalamang.

Dalawa lang sila sa CR. Napansin ni Lenard na napakatagal umihi ni Marco. Nagtataka siya dahil alam nyang tapos nang umihi si Marco, wala na kasi siyang naririnig na agos ng ihi sa urinal. Ilang sandali pa’y nag-salita si Marco…

“Nard, halika bilis… wala namang tao e?” sabi ni Marco.

Nagulat si Lenard bilang kinabahan at naexcite…

“Paki-sarado nga itong zipper ng short ko… di ko maisara e…di kaya
ng kaliwa kong kamay… mahirap… maganit na kasi siguro ang
zipper… bilis baka may dumating pa na tao…” pakiusap ni Marco na para walang malisya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lenard, pakiramdam niya’y lumulobo ang ulo niya. Hindi niya alam kung susundin niya si Marco.
“Sinusubukan ba ni Sir ang pagkalalaki ko…? Kung hindi ko sya susundin…? baka sabihin, naiilang ako? At magiging tama ang teoriya niya na bading ako…”

“Kung susundin ko siya, dapat ngayon na at patay malisya akong isasara ang zipper niya. Kung mabagal ako? Ibig sabihi’y para akong ng dadalawang isip, dapat alam nyang di ako ng aalinlangan – kasi ibig sabihin ay naiilang talaga ako…naku… Kalma lang Lenard… Kalma lang…” yan ang mga bumabagabag sa isip ni Lenard.

“Sige na ‘Nard, isasara mo lang ‘tong zipper… Sige na please? Lalaki naman tayo parehas di ba? Ang hirap e...Wag ka nang mailang…” pakiusap ni Marco.

“Putik!? Ano ba ang gagawin ko…? Isasara ko ba o hindi? Ano na Lenard? Ano na?” bulong ulit ni Lenard.

Hanggang sa…

“Ay ito na pala…sandali… ayan… nagsara na ang zipper… maganit na kasi e…” sabi ni Marco at sabay lumabas ng CR.

“Ok na pala sir e… isasara ko na sana?” wika ni Lenard.

Naiwan si Marco na hinayang na hinayang sa loob ng CR.

“Putik…! Jackpot na sana naging bato pa? ARGGGG!!! SAYANGGGG!!! Ang tanga-tanga mo Lenard, ang tanga-tanga mo…”

Palabas na si Lenard ng CR. Natanaw niya si Marco na may kinakausap na bata. Nakaupo siya habang kinakausap ito dahil sa mababa ang bata. Masaya ang mababanaag mo sa mukha ni Marco. Nang lalapitan na nya ang dalawa, may lumapit na babae sa kanila. Nakasuot siya ng mahabang palda at nakaspaghetti-strap na damit. Kinuha niya ang bata, kinarga at para ayaw ipahawak ay Marco…

“OK Migs…Let’s go… say goodbye to Tito Marco…” wika ng
babae.

“Bha” ang sabi ng bata.

At iniabot ng babae sa yaya ang bata. Hinintay niya ang magyaya na makalayo sa kanila.

At kinausap ng babae si Marco.

“Wala na tayo Marco, matagal na, mahal ko ang anak mo, kaya sa puder ko na sya… mamaya na ang flight namin papuntang Maldives… we will stay there for good…wag mo na kaming sundan pa…” wika ng babae.

“Oo tanggap ko na wala na tayo… pero bakit mo inilalayo sa
akin ang anak ko? Bakit parang ipinagkakait mo na maging tatay ako sa kanya? Bakit?” wika ni Marco habang gumigilid ang luha.

Natahimik ang babae at tinitigan si Marco.

“Kalimutan mo na sya… Kalimutan mo na si Miguel… in fact kaya nga kami pupunta sa abroad dahil nag-aantay na ang mapapangasawa ko doon…magpakasal na kami at tanggap siya ng mapapangasawa ko… Marco I’m sorry… Buo na plano ko…” ang malamig na pakikitungo ng babae kay Marco.

“E paano naman ang mga plano ko? Napakasama mo… Bakit mo ginagawa sa’kin ito? Anong kasalanan ko syo?” wika ni Marco.
Hindi pinansin iyon ng babae bagkus iniwan niya si Marco na lumuluha…

Natunghayan iyon ni Lenard at nagtaka kung bakit ganon na lamang ang nagyari sa usapan ng babae at ni Marco. Si Marco nama’y parang batang inagawan ng kendi. Napako ang kayang mga paa at tanging ang mga balikat niya lamang ang gumagalaw sa pag-iyak. ‘Di nya alintana ang mga taong dumaan sa harapan niya. Malalim ang kanyang paghinga, magkahalong galit at lungkot ang kanyang pakiramdam. Ilang sadali pa’y naramdaman niya na may humahagod sa likod niya, si Lenard.

Sa gitna ng mall mayroong chapel na napaliligiran ng halamanan at palaisdaan at ito ang nagiging sentro ng atraksiyon ng mall. Maaliwalas ang kapaligiran. Niyaya ni Lenard si Marco na tumungo sa lugar na ito upang umupo at upang ilayo siya sa mga taong nakatingin sa kanila. Walang tinanong si Lenard kung ano at bakit, gustuhin man niya pero napangunahan siya ng alinlangan na baka pagsabihan siya ni Marco na huwag siyang makialam sa pangyayari. Ang tanging ginawa niya lamang ay hagurin ang likod ni Marco.

Nilingon ni Marco si Lenard. Napansin niya ang mukha nito na nag-aalala at parang nagtatanong kung bakit?

“Siya si Trixie… sya ang dating kong nobya… nagkaanak kami… Miguel daw ang pangalan…siya yung batang kausap ko kanina…” sabi ni Marco at walang tigil sa pag-iyak.
“Bakit niya ipinagkait sa akin ang aking anak? kahit 30 minutes lang! Kahit… 30 minutes lang… Ni hindi ko man lamang nayakap ang anak ko….Tito Marco?! Tito Marco ang gusto niyang itawag sa’kin ng sarili kong anak?! PUTANG-INA NYA!!! NAPAKASAMA NYA!!!” ang hinagpis ni Marco.

Hindi na tapos ang pang-iyak ni Marco. Iyak ng masama ang loob. Malalim ang pahugot niya sa kanyang mga paghikbi. Basang-basa ng pawis ang kanyang leeg. Walang nagawa si Lenard kundi pag-masdan na lamang ang pagluha ni Marco. Gusto na ring gumilid ang luha niya sa kanyang mga mata sapagkat ramdam niya ang kalungkutang sinasapit ng kanyang amo. Ngayon niya rin napagtanto kung bakit ganoon nalang ang ugali ni Marco. Bugnutin at magagalitin parati.

Dahil dito, pansamatalang umalis si Lenard at nagpaalam kay Marco habang nakaupo siya. Natukoy naman agad ni Marco ang kung ano pakay ni Lenard sapagkat napansin kasi niya sa sarili, na ang kaliwa niyang kamay ang pinampapahid niya sa kanyang mga luha. Alam niyang bibili si Lenard ng ‘tissue’ upang ipamahid ngunit nagulat siya sa binili nito…

“Pasensya na Sir...wala akong maipapayo sa'yo sapagkat 'di ko napagdaanan ang mga yan... Heto kainin nyo po, para lumuwag naman kahit na papaano ang dinidibdib inyo…” wika ni Lenard habang inaabot ang binili.

“Ice cream daw ang mabisang gamot sa mga pusong sugatan...”
“Salamat ‘Nard…” wika ni Marco.

Natigil ang pangluha ni Marco pansamantala, naibaling kasi ang atensiyon niya sa pagkain ng ice cream.

“Sir, kung gusto nyo ng mahihingahan nandito ang lang ako… kung gusto nyo ng karamay tawagin nyo lang ako… sa totoo lang Sir, hindi ako magaling magpayo hindi ako bihasa sa mga ganyan, pero kung gusto nyo ng kasama nandito lang ako…’di ko kayo iiwan…” sabi ni Lenard.

“Salamat ‘Nard, isa kang mabuting kaibigan…” sagot ni Marco.
“Sa totoo lang, ikaw pa lang ang nakakaalam ng matagal kong kinikimkim… Ikaw palang ang taong nag-alok ng ganyang serbisyo… Medyo mabuti na ang pakiramdam ko, nailabas ko nang lahat ang sama ng loob ko… Sayang… Ito na sana ang pinakamasayang araw sa buhay ko… ang mahagkan ko ang anak ko’t maging mabuti ama sa kanya…”

Sa araw na ito, lalong namangha si Lenard sa kanyang amo. Natunghayan niya na napakasimple bagay lang naman pala ang minimithi ni Marco sa buhay. Natunghayan niya rin ang iba’t-ibang emosyon ng kanya amo, ang magalit, ang matuwa at ang lumuha.
“Sa totoo lang, naiinggit ako sa inyo Sir Marco… kaya ninyong ipahayag ang nilalaman ng inyong puso ng walang pag-aalinlangan… kaya ninyong ilabas ng inyo emosyon sa harap ng maraming tao, samatalang ako… pinangungunahan ako ng takot, parang walang lugar sa mundo ang ipaghayag ko ang aking damdamin… bago ko pa kasi ipahayag, naiisip ko na ang kinalabasan, kung matatanggap ba nila o hindi… kung makakatulong ba ito o makakakapanira… Natatakot akong mareject…” wika ni Lenard.

‘Di pinansin iyon ni Marco, sa halip ay inatupag pa niya ang pagdila sa kanyang ice cream…
“Nard, pano mo nalamang ice cream ang weakness ko? Ang
sarap ah?” wika ni Marco.

“Tingnan mo, kasasabi ko lang, maganda na sana ang pagkakaemote ko. talagang walang puwang sa mundo ang mga ipinahahayag ko…hmmp… pero ok lang ‘at least’ ok na ang mahal ko… wala talaga akong tyansang ipahayag ang sarili ko syo…hmmp..” sabi ni Lenard sa isip.

Lumabas na sila ng mall, nauunang lumakad si Lenard dala ang kanilang pinamili. Nang sasakay na sila sa kanilang kotse, naupo si Marco sa tabi ni Lenard imbis na sa likuran at iyon ang labis niyang pinagtaka…

“Nard… Salamat… pwede ba kitang maging ‘bestfriend’?... Ikaw palang ang tao sa buong buhay ko ang napahingahan ko ng loob… ikaw palang ang taong nakakaaalam ng aking pagkatao… Sabi ko na nga ba? Tama ako at mali sila nanay, hindi driver ang kailangan ko… Dahil ikaw ang kailangan ko…” wika ni Marco.

“Oo naman Sir Marco…” tugon ni Lenard.

“Marco nalang ang itawag mo sakin…” sabay tapik ni Marco sa hita ni Lenard at sabay na umakbay…

Kinilig ng husto si Lenard at bumilis ang pagtibok ng kayang puso. Dahil doon sinuklian niya ng ngiti si Marco. Napatitig si Marco sa mga ngiti ni Lenard at nagsimulang bumagal na ang oras. May parang kakaiba ginhawa ang mga ngiti nito na nagpabago ng kanyang pakiramdam.

“Ayan na naman ang kanyang mga ngiti… para akong hinihypnotize… bumibilis ang pagtibok ng puso ko…” bulong ni Marco.

“Pangiti-ngiti ka nalang dyan ah? Alam mo? Kung naging babae ka? Naku… Hinalikan na kita… hehehehe nakakainlove yang ngiti mo…” biro ni Marco kay Lenard.

Nagulat si Lenard…

“Huh? Naku Sir Marco… Di tayo talo” ang panlinlang tugon ni Lenard na napangiti ulit sa tuwa.

Bigla syang binatukan ni Marco,

“Ano kaba? Sinabi nang Marco nalang e… Mokong ang itatawag ko syo…hahahahah” wika ni Marco.

Nakapagpalagayan sila ng loob. Pero si Lenard, pilit paring pinipigilan ang damdamin niya kay Marco. Mas lalong naging komplekado ang situasyon ngayon para sa kanya. Mas mahihirapan siyang itago ang pagkatao niya kay Marco.

Itutuloy…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: 30 Minutes (Part 3)
30 Minutes (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj31KdbGqpPqtMGasOGiKae75yCdAU7O90SKVDZtc4-sKLBZmsgGyghrapcbH1Q_zwkq-WHRSODwbq93vJwFsk7ITJMdqK1hy1dMLVcMCs6sZ_m80Y0oUE50fWm1QLHlXOtu1Y1XvUw3L_2/s1600/tumblr_n3x98wwAXB1tnyyofo1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj31KdbGqpPqtMGasOGiKae75yCdAU7O90SKVDZtc4-sKLBZmsgGyghrapcbH1Q_zwkq-WHRSODwbq93vJwFsk7ITJMdqK1hy1dMLVcMCs6sZ_m80Y0oUE50fWm1QLHlXOtu1Y1XvUw3L_2/s72-c/tumblr_n3x98wwAXB1tnyyofo1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/06/30-minutes-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/06/30-minutes-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content