$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Break Shot (Part 6)

By: Andrey A month had passed since the last the encounter i had with Matthew. I was left picking the pieces of our love story's wreckag...

By: Andrey

A month had passed since the last the encounter i had with Matthew. I was left picking the pieces of our love story's wreckage. Somehow, the love I felt for him turned to hate. Yung mga sinabi niya ssaking masasakit ay talagang tumagos sa puso ko. Though I admit that, here in my heart, Matthew still has his place. And i doubt if he will leave soon. I'm afraid kapag nakita ko siya next school year, mahulog uli ako sakanya. I can't bear another year with the burden of unrequitted love...

Ngunit marahil ay nahabag din saakin ang kapalaran.

Nandoon ako sa paanan ng puno ng niyog with my back laid against the green grass. The day was beautiful. I came there extra early para maabutan ang unang pagpasok ng sunrays sa mga dahon ng mga puno sa lugar na iyon. The view was definitely heartwarming. The rays passed between the leaves, and moments later, i smelled the sweet, fresh fragrance of little raindrops being evaporated into the skies. I closed my eyes and felt the beauty of nature. And when i opened them, two curious eyes were staring at me. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng makita na may nakatingin saakin. But i can't clearly see his face because he was blocking the sun kaya nagcreate ito ng silhouette effect sa likod niya. Ang ganda sana picturan.

"Andrey? Bakit andito ka? Ang aga pa ah." Said a voice that i think i heard at some part of my memory.

"Manong, pwede po wag ka jan sa may araw? Hindi ko po makita ang mukha mo eh." Ang sabi ko, trying to paint out the edges of his face. Gumalaw din siya at tumabi saaking pagkakaupo. Just then i immediately recognize him. He is Liam, anak ng isa naming tagapangalaga ng mga lupain ni papa. Matanda siya saakin ng dalawang taon, kaya naman kapag pumupunta siya saamin to do an errand for my father, i always call him Kuya. Gwapo si Kuya Liam,
matangkad, at tanned ang balat dahil sa araw. Siyempre nakadagdag ito sa appeal niya dahil ang ganda ng hubog katawan niya. Simula bata pa kasi ay nagtatrabaho na siya saamin, kaya nakita ko rin kung paano nagtransform ang isang patpating bata sa isang gwapong hunk. Habang nakaside siya saakin,
tiningnan ko siya and studied his face. At dahil nga naka side view, highlighted yung matangos niyang ilong. Hindi naman ganoon ka-akit akit ang mata niya ng tulad kay Matthew (arrrghh,,,i miss looking at his eyes). But he has very appealing lips. Medyo manipis sa itaas at makapal naman sa baba. His lips never looks dry, laging healthy at juicy tingnan. Na-iinsecure nga ako minsan kasi kahit pinagmamalaki ko ang mga labi ko, mas ma-appeal sakanya. Mayroon din siyang dimple na bagay na bagay sakanya kapag ngumingiti.

"Kapag ganyan ka makatingin andrey, iisipin kong pinagnanasaan mo 'ko" Ang sabi niya kasabay ng pilyong ngiti. I looked away and cleared my throat. Pa-taray effect "Pero siyempre impossible yun, diba?" dugtong niya.

Hindi ah. Possible yun. hehe

"Kuya ano ginagawa mo dito? Ngayon lang kita nakita rito ah." Paglalayo ko sa topic.

"Ako dapat ang magtanong niyan, bata ka. Alas siyete pa lng ng umaga eh nakahiga ka dito ng mag-isa." Feeling ko gusto niya na ako batukan habang sinasabi niya iyon. Natakot naman ako na baka isumbong ako kina papa.

"Ah...kuya, wag mo na 'to ipaalam kina papa, please?" pakiusap ko sabay pacute.

Nag-isip muna siya.

"Hmm...depende. Sa dalawang kundisyon."

"Talaga? Ano po yun?"

"Una, sasabihin mo kung bakit ka nandito. Pangalawa, susundin mo lahaaat ng ipaguutos ko sa buong araw na ito. Payag ka?" Tanong niya sabay ngiti saakin.

"ok lang po..." Inosente kong sagot. Mapagkakatiwalaan naman si Kuya Liam. "Basta wag lang yung mga utos na tumalon ako sa bangin o kaya magpalunod sa ilog, ha." biro ko.

"Kapag pasaway ka, uutusan kitang kumain ng pritong palaka." Lumaki naman ang mata ko. Alam niya kasing ang pinaka-kinatatakutan kong hayop sa balat ng lupa ay palaka. Katunayan, doon kami unang nagkakakilala dahil sa palaka. Siguro 7 or 8 years old ako noon at napaka-hilig kong maglakwatsa at gumala sa bukid namin. Sa sobrang kagagala ay naligaw ako. Hindi naman ako natakot kasi naniniwala pa ako noon sa pangako ni papa kahit saan daw ako magpunta ay mahahanap niya ako. At inosente akong naghintay sa lilim ng isang malaking puno na parang naghihintay lang ng bus. Maya-maya napagod ako kakatayo kaya umupo ako. Tapos may naramdaman akong nakakakiliti sa may inuupuan ko. Malamig. Tapos gumagalaw. Dahan dahan akong tumayo, at saka tiningnan ang kung anong naupuan ko. Tiningnan ko ito ng ilang segundo. Tapos biglang "KOKAK" at nagsisigaw ako at nagtatakbo. Sa katatakbo ko may nakabangga akong medyo payat na bata. "Kuya tulongan mo ako kasi naliligaw ako kaylangan ko nang makauwi nagaalala na si mama at si papa hinahabol ako ng matabang maliit na pangit na galit na galit saakin dahil naupuan ko siya pero pramis hindi ko iyon sinasadya napagod lang ako kakatayo kaya umupo ako pero ayaw ko talaga siyang upuan siguro nagalit siya kasi------" Tumigil ako dahil biglang tumawa ang nakasalubong kong lalaki. Tumawa din ako kahit hindi alam kung bakit. "Ang cute mo pala" Kinurot niya ang pisngi ko. "Sino tatay mo" Noong sinabi ko naman ay nataranta siyang kinarga ako sa likod at dali-daling inuwi. Simula noon ay takot na akong pumunta sa gubat ng mag-isa. At sa palaka.

"Tara. Sumunod ka saakin. May pupuntahan tayo." Ang sabi niya sabay tayo.

"Saan po?"

"Basta. Sumunod ka lang. Mag-ingat ka ha. Baka mapano ka. "

Sinundan ko rin siya at pumunta kami sa isang parte ng bukid na hind i ko pa napupuntahan. Masukal doon, at hindi ko alam na kaya palang pasukan ng tao. Noong mga 15 minutes na kaming naglalakad, nakakita ako ng isang clearing. Tapos sa gilid ay may bahay kubo na hindi pa tapos. Hindi masyadong maliwanag doon dahil parang canopy ang lugar. Napapakataas ng mga puno. Na-enganyo naman ako sa ganda ng lugar. Tago kasi at parang kami lang ang nakaka-alam noon. Kahit naman ako, doon sa labas, ay hindi iisipin na sa gitna pala ng masukal na gubat na iyon ay may clearing at may kubo pa sa gitna.

"Kuya, okay ako dito sa trip mong magtago ng bahay kubo sa gitna ng gubat, pero alisin mo na yung tungkol sa palaka ha?" Ang sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Nakangiti ako ng parang tanga dahil napaka-ideal ng lugar. Malinis yung clearing at may mga damong pantay. Doon lang yung parteng green at buhay yung dahon kasi halos doon lang sinisikatan ng araw. Parang munting paraiso ang lugar.

"Oo na. Marami akong iuutos saiyo kaya wag ka masyadong magsaya." Ang sabi niya sabay akyat sa bahay kubo.

May parang terace din yung kubo kasi naka-angat ito sa lupa. Tapos may kwarto din. May kinuha doong tools si Kuya Liam at nilapag sa sahig.

"Ang una mong task..." Ang sabi niya "Ay magtanggal ng damo sa palibot ng kubo. Gawin mo yan sa loob ng kalhating oras."

"Nakuu...Kuyang kuya ang dating ah. Pinoy Big Brother ba 'to? Asan yung camera?" Pilosopo kong tanong sabay kunwari kaway sa palibot kung may camera man.

"Seryoso ako...Time starts now."

Nagmadali naman akong kinuha yung asarol at sinubukang gamitin ito. Pano ba? Mabigat pa naman yung asarol. Tumalikod ako kay Liam para hindi niya mahalatang hindi ako marunong at nagsimulang mag-alis ng damo. Naupo lang siya sa may terrace. Limang minuto pa lang ang nakakalipas pero grabe na ang pawis ko. Malamig na pawis. Saglit ko siyang tiningnan at pigil siyang hindi tumatawa. Siyempre i maintained my posture.Tapos sinenyasan niya ako ng "go lang"

Ten minutes na siguro ang nakalipas pero wala pa rin akong nagawa kundi ang ibaon sa lupa ang asarol. Naramdaman ko na lang na lumapit si Kuya Liam at kinuha ang asarol saakin.

"Para kang ewan...Hindi alam mag-asarol...hahaha..." Nang-iinsulto talaga ang boses niya. Sumimangot na lang ako at pinagmasdan siya. Hindi ko naman mapigilang humanga sa postura ni Kuya Liam. Mas lalo kasi siyang gumawapo nung nagsimula na siyang magtrabaho. Tapos yung biceps niya mas lalong tumi-tense kapag nag-eexort siya ng force. Tiningnan niya ako and he smiled quickly, flashing those dimples that sent my pulse racing. I cleared my throat again at tumngin sa itaas, sa paligid.

"Tumingin ka sakin para matuto ka." Ang sabi niya noong mahalatang hindi na ako nakatingin sakanya.

"Wala naman akong planong matuto niyan eh. Kapag nalaman 'to ni papa.."

"Kapag nalaman ni papa mong gumagala ka ng mag-isa..." hindi na nya pinagpatuloy dahil alam ko na rin ang ibig niyang sabihin. Nang matapos siya doon ay umupo kami sa terrace at nagpakiramdaman. I decided to break the silence.

"Kuya Liam, ba't ka tumigil mag-aral?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Ayaw kong tumigil. Pero kailangan. Alam mo naman sigurong isang dosena kaming magkakapatid. Kaya kahit mataas naman ang binibigay ng papa mo saamin, sapat na iyon para sa mga pangangailangan ng buong pamilya. Tapos dalawang kuya ko ay nag-aaral sa college sa manila kaya sila ang priority. Wala naman akong magagawa kundi maghintay. Ayos rin lang. Masaya naman ako magtrabaho dito sa bukid." Ang sabi niya.

"Alam mo, may isang taong laging nagpapaalala saakin kung gaano kahalaga ang pag-aaral. Nagalit nga siya saakin dahil pinabayaan ko raw ang pag-aaral ko sa walang kwentang dahilan. Kuya Liam, mag-aral ka pa rin ha. Kahit anong mangyari...Ito lang ang tanging susi para maka-ahon ka sa hirap. Unless habang buhay mong gustong maging mambubukid." Ang sabi ko habang nakatingin sa taas. Inaalala ang kwento ng buhay ni Matthew. Huminga ako ng malalim.

"Ang lalim ng pinaghutan noon ha!" Natatawa niyang sabi. "Iyon taong binanggit mo...parang ang laki ng paghanga mo sakanya ah..."

"Huh? Ba't mo naman nasabi?" tanong ko.

"Kumikinang kasi ang mga mata mo habang nagkukwento."

Nagblush naman ako sa narinig.

"Andrey lumingon ka nga" utos niya

"Yoko nga."

"Task number 2 yun. IN 5 seconds, 1, 2, 3"

Agad naman akong humarap sakanya. Tiningnan ko ang mata niya. Tinitigan. Ngumiti siya with his pamatay dimple at kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo pa diiiiin..." ang sabi niya. Nagblush uli ako.

"Kuya may girlfriend ka na?" Hindi ko iyon pinagisipang tanong. Basta lang lumabas sa bibig ko.

"Break na kami. Selosa kasi eh. Ayoko ng ganun. Walang tiwala."

"Baka insecure lang kasi gwapo tsaka macho yung boyfriend niya. Alam mo na, takot na mawala ka. Ganun ang ibang babae. But i understand you kuya. Para kasi silang octupus na ang lakas ng kapit sa leeg. Hindi ka na makahinga." Naalala ko yung mga past gfs ko. Pero at least sila, hindi nila ako sinaktan ng tulad kay Matthew. They didn't make me feel like i'm nothing, like i'm the loser..

Tiningnan ko si Kuya Liam at medyo nawindang ako ng makitang nakatitig siya sakin. Kaya binalik ko yung sinabi niya sakin.

"Kapag ganyan ka makatingin Kuya Liam, iisipin kong pinagnanasaan mo 'ko" Ang sabi ko sabay pilyong ngiti.

"Ganun ba?" ngumiti rin siya at nilapit ang mukha sa mukha ko. Napa-atras naman ako dahil sa sobrang lapit. Ngunit nilalapit niya talaga kaya't nabagsak ko yung likod ko sa sahig at napahiga. Tumawa naman siya habang ako'y medyo na-shock. Are you teasing me?

"Kuya Liam, pwede ba akong pumunta rito kahit wala ka?" Tanong ko maya maya.

"Bawal. Dapat ay lagi mo akong kasama. Kapag naabutan kita ritong mag-isa, makakatikim saakin." Ang sabi niya sabay tayo. "Uwi na tayo. Tanghali na."

Tumayo na din ako. "Ibig sabihin ba nun kuya madalas tayong magkikita?" Ang sabi kong nakangiti.

"Depende.hehehe."

Madali kaming naging close ni Kuya Liam dahil sa pareho kami ng hobby: ang mamasyal sa bukid. Yun lang at nagi na kaming super close paglipas ng isang linggo. Masaya ako dahil hindi na ako nagkaproblema kina mama't papa dahil nagpapaalam si Kuya Liam sakanila bago kami gumala. Todo tiwala naman sila mama kaya lalo ako humanga kay kuya. Lagi kami pumupunta kung saan saan. Tinulungan ko din siyang tapusin yung bahay kubo niya at sinabi niyang saaming dalawa na iyon. Marami siyang itinuro saakin tulad ng tamang pagtatanim, pagbungkal ng lupa, pag-alis ng damo, pag-akyat sa puno at kung-ano ano pa. Everyday is full of surprises and new adventure. Kapag nagugutom kami lagi siya umaakyat sa puno ng bayabas o kaya sa puno ng niyog. Napaka the best ng niyog bilang thirst quencher. Kaya instantly, yun na ang naging paborito ko. Kay lagi niya na akong kinukunan noon pagkatapos naming gumala. Nakapunta na kami sa mga karatig bukid. Napakaganda ng mga tanawin at talaga namang breathtaking. Sa mga panahon kasing iyon, mais ang tinatanim kaya naman super ganda tingnan.

Napakamaalalahanin ni Kuya Liam at protective. Lagi niya akong tinatanong kung napapagod, kung nauuhaw, kung nagugutom. Sinabi kasi nila papa yung sakit ko kaya doble asikaso tuloy siya. Pero hindi niya ako ini-ispoil. Minsan nga sinubukan kong i-manipulate siya pero pinanindigan niya pa rin yung dalawang taon niyang tanda saakin. Pero sa kabila noon, lalong nabuhay ang inner child ko. Parang nagustuhan ko naman yung role na ako yung inaaruga, ako yung sinusuyo kaysa ako yung dominant. Minsan nga hindi siya nakasipot sa usapan namin at talagang nagtampo ako. Hindi ko siya pinansin ng dalawang araw. Grabe talaga yung effort niyang ginawa halos bigyan niya na alng ako ng chocolate at flowers. Tinuruan niya akong sumakay sa kalabaw ng mag-isa at siya yung may hawak ng tali. Napakasaya ko ng mga oras na iyon. Nawala na rin yung takot kong sumakay sa dambuhalang iyon. Tinulungan niya rin akong maalis ang takot sa mga palaka. Isang araw nanghuli siya noon at lahat inilagay sa loob ng kubo. Pinapasok ba naman ako doon at saka nilock ang pinto. Nandoon na yung nagsisigaw ako, nagtatalon, tapos pinagpapalo yung pinto para makalabas. Pero siguro mga 15 minutes tumigil na ako kasi wala namang ginagawa yung mga palaka kundi tumalon at magkokak doon sa loob. At noong hindi na ako nag-iingay, binuksan niya na yung pinto at niyakap ko siya. Ang tagal ko doon sa takot pero masaya ako dahil alam kong hindi na ako matatakot pa sa mga maliliit na palakang iyon.

Masaya ako dahil nakagagawa na ako ng mga bagay hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko kundi dahil sa tulong ni Kuya Liam. Marami akong na-overcome dahil yun ay gusto ko hindi dahil gusto kong pantayan yung sakit na nararamdaman ko. Di kalaunan, unti-unti na rin akong nag-open kay kuya. Yung mga araw na iyon na siguro ang pinakamasasayang araw ko simula ng masaktan ako kay Matthew. Nabalik ko na yung masayahin kong ugali at positive outlook in life. Minsan nga tinatawanan ko na lang kung bakit ganun yung ginawa ko sa sarili ko dahil lang kay Matthew. Speaking of Matt, hindi siya pumapasok sa isip ko kapag nandiyan si Kuya Liam. Iniisip ko lang na moment ko 'to para sa sarili ko at mag-enjoy as much as i can.

Around May siguro iyon, sumama ako sa pamilya ni Kuya Liam na magtanim. Ang buong araw na iyon ay napaka-saya kahit nakakapagod at mainit. Gustong gusto ako ng mga batang kapatid niya at napaka-bait naman saakin ng kanyang mga magulang. Doon ko rin unang na-experience ang kumain sa dahon ng saging. Napakasarap pala at nakaka-gana. Pagkatapos noon ay umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Matapos maglinis ng sarili ay diretso ako higa. Halos lahat ng parte ng katawan ko may masakit. Ang sabi ni papa dahil daw nagkakaroon na rin ako ng muscle sa mga mabibigat na gawain. Ganoon din ang sinabi ni Kuya Liam nang sumunod na araw.

"Kuya masakit ang katawan ko. Lalo na 'tong braso ko." Ang sabi ko noong nasa kubo kami. May inaayos siya sa bubong ng kubo.

"Normal lang iyan. Ito ha, kaya kita lagi pina-patrabaho at pinapatulong ay dahil sabi ng papa mo kulang ka sa exercise na sanhi ng sakit mo. At saka, para magka-muscle ka na din. Para kang Manila boy sa mga braso mo." Ang sabi niya. Natapos siya ng ginagawa at nakitang nakasimangot ako.

"Isipin mo na lang pampadagdag yan ng attraction sa mga chicks. Ganto oh." Tinaas niya naman ang isang braso at pinakita saakina ang muscle nito. Ganoon din sa kabila at ginaya niya yung mga hunk na nagpho-photo shoot. Siyempre tawa naman ako ng tawa at kinikilig din. Grabe talaga ang katawan niya. Napaka-yummy tingnan. Parang naglalaway ako.

"Alam mo Andrey, mas lalo kang cute kapag tumatawa ka. Kaya lagi kita pinapatawa." Umupo siya sa tabi ko. "Nalulungkot ako kapag bigla ka na lang titingin sa malayo at hihinga ng malalim. Kapag yang mata mo ay nawawalan ng buhay at sigla. Lagi ko tinatanong kung ano ang dahilan kung bakit ka nalulungkot. Pero imbis na magtanong, gumagawa na lang ako ng paraan para mapasaya kita." Ang sabi niya.

"Salamat kuya ah. Dahil nga sayo kaya unti-unti ko nang nababalik yung buhay ko. I feel so safe and secured kapag nandiyan ka. Parang lahat kaya kong gawin lahat. Mahulog man ako, alam kong may sasalo saakin. Dahil sayo kaya unti unti ko na nakakalimutan yung dahilan ng lungkot ko."

Nginitian ko siya. He smiled back. Pinakita uli yung mga dimples niya na lagi nagpapakabog ng puso ko.

"Pwede ko ba malaman kung bakit ka malungkot?" Tanong niya. May something doon sa boses niya na parang gustong kong magtiwala. Nag-isip isip ako kung sasabihin ko ba sakanya ang tungkol saamin ni Matthew. Kung mismong sa best friend ko nga hindi ko nasabi, kay Kuya Liam pa kaya?

"Mangako ka muna saakin na hindi ka magagalit. At iintindihin mo lahat ng sasabihin ko. Na lalawakan mo ang pang-unawa mo kuya." Ang sabi ko. "Wala pang ni isang tao sa mundo na pinagsabihan ko tungkol dito. At sayo ko napiling sabihin dahil nagtitiwala ako sayo. Sana kuya wag mo sayangin yung tiwalang ibibigay ko."

"Oo naman. Pangako. Bakit naman ako magagalit sayo. Masaya nga ako na pinakakatiwalaan mo ako." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Try me." He said softly.

Naalala ko ang pagka-bold at pagka-direct to the point ni Matthew kaya ginaya ko iyon.

"Na-inlove ako sa isang lalaki na kaklase ko." Tiningnan ko ang mukha niya pero mukhang hindi naman siya nagulat o natawa. Kaya nagpatuloy ako. Isinalaysay ko lahat, lahat ng mga nangyari. Simula sa mga araw na masasaya, walang worry, hanggang sa nalaman kong may gusto siya sa best friend ko, hanggang sa naging sila, mga araw na pinarusahan ko ang sarili ko....At habang isinasalaysay ko iyon, tumulo naman ang luha ko. Naalala ko lahat ng paghihirap ko. Yung sakit...yung mga times na gusto mo magwala, gusto mo umiyak, pero hindi mo magawa...yung mga oras na katakut-takot na panlulumo at awa sa sarili ang naramdaman ko. Ngunit hindi ko iyon tinapos sa mga oras na halos 'patay' na ako. Tinapos ko ang pagkwento sa pamamagitan ng pagtatapat kay Kuya Liam na siya ang nagbigay ng bagong pag-asa saakin. Na siya ang dahilan kung bakit finally, alam ko na kung ano ang ipinaglalaban ko. At nung matapos na ako, hinila ako ni kuya at niyakap ng mahigpit. At then my floodgates opened. Humagulhol ako sa bisig niya, nilabas lahat ng galit, ng poot, ng lungkot, nag panghihinayang, ng pagkakamali, ng pagsissi, ng sakit. Napakatagal namin sa ganoong posisyon dahil iyak pa rin ako ng iyak. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa aking loob nang makalabas lahat ng nararamdaman ko. Nang humupa na ang iyak ko, he gently touched my face and looked at me. Pinahid niya yung mga natitirang luha ko at saka siya ngumiti.

"Hindi ko alam kung pano mo nagawang itago lahat ng iyon diyan sa puso mo. You have been strong, Andrey. To be able to endure all of it. Basta tandaan mo na nandito lang ako. Nahuli man ako ng dating, pero po-protekthan kita." Iyon lang ang sinabi niya at niyakap ko uli siya.

"Thanks for understanding kuya."

Noong kalma na ako, nahiga kami sa sahig ng terrace. Ewan...kakaibang saya ang naramdaman ko. Para akong nabuhay uli dahil nakalabas na lahat ng hinanakit ko. Feeling ko dahon akong tinatangay ng hangin. I feel so relieved at dumating sa buhay ko si Kuya Liam.

"Ibig sabihin ba nun Andrey bisexual ka?" Tanong niya bigla. "At may chance na mahulog ka rin sakin?" Sabay ngiti.

Natawa naman ako.

"Wag ka mag-alala kuya. Hindi ko hahayaan na ma-inlove ako sayo. Impossible namang ma-inlove ka saakin diba?"

"Hayan ka na naman...Alam mo kung ano ang isang naging pagkakamali mo?"

"Ano?"

"Lagi mong inuunahan ang mga bagay bagay. Lagi ka sa hindi. Lagi sa impossible. Hindi porke't sinabi niyang mahal niya yung best friend mo, hindi ka na niya pwedeng mahalin. Eh kaso nilagay mo na sa utak mo ang impossible. At saka alam mo..." Gumulong siya para makalapit saakin at makaharap ang mukha sa sahig. "Yung mga eye to eye contacts niyo, its too much for a coincidence eh. May something dun Andrey. And both of you failed na ipaglaban iyon. Maaring natakot rin siya sa fact na na-aatract din siya sayo kaya hayun, pinilit magka girlfriend." Tumingin siya saakin at nakita niyang nalungkot uli ako sa sinabi niya. Kung ganon, kung ipinaglaban ko pala yung nararamdaman ko...

"Kung ipinaglaban mo ang nararamdaman mo maaring nasaktan ka pa rin. Dahil i can see naman na hindi ka niya handang ipaglaban. Pareho kayo nabigla sa nadiscover niyong pagbabago. Pareho kayo may takot. Kaya, you can't really expect happy ending kung pareho kayo 'getting to know one's self' pa lang. Wag ka na manghinayang sa naging wakas...Tanggapin mo na lang na mahal niya na yung best friend mo. At saka, nangako kang tatalunin mo siya diba? Yun na lang ang bigyang pansin mo."

Tumango ako sa sinabi niya. Kailangan kong matalo si Matthew.

"Pero kuya...mahirap talaga siya kalimutan eh."

Ang sabi ko sabay pikit, drawing Matthew's face in my mind.

"Hayaan mo...tutulungan kita."

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Break Shot (Part 6)
Break Shot (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghycaLzbrKqxOfOpnwZtQKDyUzjl7WtGW0umH7A4Gj2CX5srx2LdbWCgD8LmeB1HbMc5EAcHToTJhOFs98_YHxRf3LwZq0LVqNn-XzaU0EKhvsQlMUSam-sUPjqPgO8vf71I5mckiZmKEZ/s1600/Jeff.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghycaLzbrKqxOfOpnwZtQKDyUzjl7WtGW0umH7A4Gj2CX5srx2LdbWCgD8LmeB1HbMc5EAcHToTJhOFs98_YHxRf3LwZq0LVqNn-XzaU0EKhvsQlMUSam-sUPjqPgO8vf71I5mckiZmKEZ/s72-c/Jeff.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/06/break-shot-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/06/break-shot-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content