$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Reality Stranger than Fiction (Part 1)

By: Jigo Hello. Ngayon lang ako nag start magbasa sa blog na to, at naiisip ko ikwento ang nangyari sa akin. Di ako writer at cellphone lang...

By: Jigo

Hello. Ngayon lang ako nag start magbasa sa blog na to, at naiisip ko ikwento ang nangyari sa akin. Di ako writer at cellphone lang ang ginamit ko kaya maraming typo. May mga parts din ako na kelangan. Isinulat ko na din pati naging karanasan ko sa ex gf ko, pakiramdam ko kasi bahagi yun ng discovery ko kung sino ako. At kung paano nabuo ang buhay ko ng isang tunay na pag ibig galing sa isang di inaasahang tao. Pasensiya na din kung mahaba ang kwento, pinilit ko lang ikwento ang mga nangyari base sa naalala ko, at kung ano ang mahalaga sa loob ng nagdaang limang taon.

Ako si Miko. Taga Batangas. Napaluwas ng Maynila dahil sa trabaho ko sa isang kilalang call center company. 25 taong gulang ngayon

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang kaibigan ko. Bestfriend. Kuya.

Si Harry. Ka edad ko siya. Kabatch ko si Harry sa training. Mabilis kaming nag click. 21 pa lang kami noon. Mga bagito sa trabaho. Kakambal ko siya sa kalokohan. Wingman namin ang isat isa sa bar lalo pa at may babae  kaming nagustuhan. Kakampi sa baketball. Puro gimik kami noon.

Lapitin ng babae si Harry. Gwapo. Dati kasi siyang commercial model. Kilala.

Pero magkaiba kami.

Tahimik ako, pero takaw away kasi intense tumingin sa tao. Mukhang barumbado. Kalbo, moreno, jeans na punit at tshirt na puti madalas ang suot sa gimikan. Dahil madalas maisama ni Harry sa gym, maayos ang built. Madaming tattoo sa katawan.

Si Harry, mabait ang mukha. Maputi. Maganda ang katawan. Pormado parati. Madalas naka polo at maayos ang buhok. Mabango dahil sa mamahaling cologne. D&G ata ang ginagamit niya. Ako? Bench. Nakakagamit lang ng mahal kapag pinapihiram niya.
Magkaiba man sa personalidad, maraming magkatulad sa amin ni Harry. Pareho kaming solong anak. Siya, hiwalay ang magulang kaya puro half lang ang mga kapatid. Ako, ulila sa ama. Di naman niya ka close ang apat pang nakababatang kapatid dahil nasa ibang bansa na ang mga ito.

Dahil sa sabik sa kapatid, naging sandalan namin ang isat isa. Naranasan na namin maghimas ng rehas ng minsan mapa trouble kami dahil sa babae.

Malalim ang pinagsamahan namin. Sa loob ng mga taon na magkakilala kami, naging malalim ang ugat ng aming pagkakaibigan.

Pareho din kami ng buwan ng birthday.

January.  Jan 1 siya ako naman 14, kaya parang kuya siya sa aming dalawa. Wala kaming sikreto sa isat isa. Kaya alam niya ang baho ng buhay ko, ako din, ganon sa kanya.

Kasangga namin ang isat isa. Sa trabaho at sa buhay.

Mahirap ang trabaho lalo nung nagsisimula pa kami. Naka adjust na din kahit paano. Alalay lang kami ni Harry sa isat isa. Lalo na nung training.

Doon din  nagsimula ang lahat.

----

Patindi ng patindi ang init pag summer. Dahil wala naman akong aircon, pahirap ng pahirap bumuo ng tulog sa tanghali. Bago pa lang ako nag aadjust sa panggabi.

Sa training kami naging malapit ni Harry. Ewan ko ba sa gagong yun, malakas talaga ang charisma sa tao. Pumapasa kahit puro gimik. Matalino din kasi siya. Maboka.

Usap usapan din na nag sesex sila ng trainer namin kaya di siya ibinabagsak nito.

Isang alok ang hindi ko matanggihan mula kay Harry. Dahil na din siguro sa awa sa kin dahil tulala ako sa training kaya niya naisip.

"Bro, isang late na lang memo ka na niyan. Alam mo sa bahay ka nalang kasi. Huwag ka na mahiya, ako lang at sina Manang Doring ang tao dun. Gamitin mo na lang ang guest room sa baba. Kesa parati kang tulala dahil walang tulog at walang pang gimik  sa kakabayad mo ng rent. Sige na Miko. Huwag ka lang magdadala ng syota mo dun. I check in mo na lang sa labas. Dun mo na lang yariin. Ha ha ha" alok niya.

Pumayag ako. Nag alsa balutan ako sa apartment at lumipat sa bahay nila. Malaki ang bahay. May pool. Anim ang kwarto. May music room at entertainment room pa.

Libre kain din ako. Dahil sa nahihiya at para di naman free loader ang asta ko, nag offer naman ako na ako na lang ang mag da drive ng kotse ni Harry. Pag day off, ako na din ang naglilinis ng pool. Errand boy din ako ni Manang. Pag nag grocery, ako nagmamaneho at nagbibitbit ng mga pinamili. Di naman tumutol si Harry. Nakasundo ko lahat sa bahay  sa maikling panahon.

Mabait man si Harry, may isang flaw lang sa ugali niya. Ewan ko ba. Mabilis uminit ang ulo niya. Basag ulo talaga. Swerte lang talaga at di napupuruhan sa mukha kaya gwapo pa din. Pero minsan umuwi na yun na may tahi ang ulo dahil napukpok ng bote ng beer.

Ako naman, side kick niya.

Kahit ganoon, mabait siya. Nakikinig siya lalo na kay Manang Doring na halos pangalawa na niyang ina dahil ito ang nag alaga sa kanya noong bata pa at napaghabilinan nung naghiwalay ang mga magulang niya.

Overprotective na kapatid tong si Harry. Walang sasantuhin yun lalo i kapag may umaargabyado sa kin. Dahil kuya ang tingin ko sa kanya, nakikinig din ako pag pinagsasabihan niya.

Mabilis magsawa sa babae tong si Harry. Papalit palit ng gf. Walang nagtatagal. Ako.naman, malas lang. Kung hindi may boyfriend, may asawa. Kaya parati ko dinidispatsa kaagad.

----

Isang araw, nagising ako sa maingay na kalabog sa hallway. Dali dali akong bumangon kasi akala ko napasok kami sa bahay. Nagulat ako ng makita ko si Harry. Lasing na lasing.

"Bro, di ka naman nag aya. Nag sosolo ka na ah. Saan ka ba galing?" usisa ko.

"Naparami lang ng inom bro, wala na kasi kami ni Mia" sagot niya.

Inalalayan ko siya makapasok sa kwarto niya. Inihiga sa kama. Mabilis din nakatulog sa dami ng nainom.

Ako naman ay naghanda ng maligamgam na tubig at tuwalya. Nagising na din si Manang Doring kaya inabutan ako ng ekstrang palanggana sakaling masuka si Harry. At ayun nga, suka siya ng suka. Awang awa ako sa kapatid ko, kasi parang mabigat ang dinadala. Pinunasan ko siya. Tinanggal ang polo at iniwan ang undershirt na puti. Nakakaawa ang itsura niya. Mabigat siguro pinagawayan nila.

Noong sumunod na araw, parang walang nangyari, masaya siyang sumabay sa agahan namin ni Manang. Gusto ko magtanong noon.pero naduwag ako. Natauhan lang ako nung napansin niya nakatitig ako sa kanya.

"Ayos lang ako bro. Ano ka ba. Di na bago ang ganito sa tin di ba?" at nakangisi pa siya.

Naputol ang usapan dahil may tao sa pinto at nag do doorbell.

Mga pulis.

"SPO2 Reyes po. Magandang araw. Dito Po ba nakatira si Harry Saavedra? May nagsampa po kasi ng reklamo sa presinto. Grave threat and damage to property. Iimbitahan po sana namin siya sa presinto"

Nagulat kami ni Manang. Si Harry naman,uminom ng isang basong tubig, tumayo at lumapit sa mga pulis

"Sige, Chief. Tayo na po" sabi niya.

Kinuha lang ni Manang ang balabal niya at ako naman ay ang susi ng kotse para sundan si Harry at ang mga pulis. Andami tanong sa utak ko. Pero isa lang ang nangingibabaw.

Sino ang nagrereklamo?

Yun ang ikinagulat namin ni Manang pagdating sa presinto.

Si Mia.

Takot na takot. Umiiyak.

Tahimik lamang si Harry.

At nabuo ang kwento batay sa salaysay ni Mia.

Madaling araw ng Sabado ng pumunta si Harry sa condo unit niya. Lasing. Nakipagtalo sa kanya. Inaapoy ng selos. Nung walang marating na mabuti ang usapan nila, pinaalis niya ito. Nagulat lamang ito na may dala palang baril si Harry. Nagpaputok ng ilang beses. Basag ang mga salamin sa sala. Sa sobrang takot tumakbo siya palabas at iniwan si Harry. Makalipas ang isang oras bumalik sa unit. Tumawag sa mga kaibigan na siyang sumama dito para mag pa blotter.

Walang saksi sa insidente.

Hindi pa rin nagsalita si Harry.

----

Tumawag kami ni Manang sa abogado ng pamilya para ayusin ang gusot ni Harry. Halos buong araw kami sa presinto. Dumating din ang mga abogado ni Mia.

Natapos ang araw at napagkasunduan na lang na bayaran ng danyos si Mia. At napagkasunduan ding hindi lalapit si Harry kay Mia. Para na rin siguro iwasan ang mahabang debate sa korte.

Wala pa ring imik si Harry.

Pinauwi na din nila kami. Wala kaming imikan sa kotse. Pagkadating sa bahay, dumirecho na ito sa kwarto. Bilang respeto, di ko na din siya kinulit. Ipinaghanda ko na lang ng pagkain sakaling magutom ito.

Tatlong araw nagkulong sa kwarto si Harry. Matapos nun, bumalik na siya sa normal. Pero nagiba na siya. May nagbago. Iba na siya kumilos. Di na mahilig gumimik. Pagkatapos ng trabaho, uwi na kami agad. Di ko na rin inungkat ang mga detalye nun kay Harry. Nanumbalik ang sigla sa mga mata niya. Parati na ring siyang nakangiti.

Nagustuhan namin ni Manang ang pagbabago kay Harry.

Ibang iba na si Harry. Mas responsable na ito. Na promote na siyang Team Lead. Naging maganda ang takbo ng career niya. May halong inggit ako sa kanya noon kasi di ko ata kayang abutin ang narating niya.

Ako naman, natutong mag bisyo. Alak, sugal, babae, yosi. Madalas kami magtalo ni Harry dahil sinasaway niya ako sa mga maling asal ko. Sumagad na din ata ang tigas ng ulo ko. Ewan ko ba. Napabarkada siguro.

Isang pangyayari ang naglagay sa kin sa alanganin.

Isang grupo ng mga agents na nagiinuman din sa bar kung nasaan ako ang narinig kong nag comment ng di maganda about kay Harry. Sabi nila, masyado daw sipsip ito sa management kaya napromote. Nagpanting ang tenga ko   nun. Walang anu anoy tumayo, sumugod sa mesa nila at nagpakawala ng suntok. Nasapul ko yung isa sa panga pero nasapol ako ng kasama niya sa mukha. Rambol ang ending namin.

Umuwi ako noon na duguan. Nang makita ako ni Harry, nakita ko nag iba ang itsura niya. Tikom ang bibig at umigting ang kamao. Halatang nagpipigil. Nagpaliwanag ako kung ano ang nanyari habang pinupunasan niya ng pinaghalong alcohol at tubig ang dugo sa mukha at labi ko.

Isa lang ang narinig ko sa kanya.

"Sana hindi mo ginawa yun." Sabi niya

"Putcha, bro! di ka nila kilala. Magaling ka kaya ka na promote. Hindi dahil simipsip ka sa taas" maangas kong sagot.

"Pero walang mababago kung manapak ka. Promoted pa din ako. At sila, hindi" sagot niya

Di na ako nakipagtalo. Ayoko na siyang kausapin nun kasi parang wala lang sa kanya ang ipagtanggol ko siya sa mga naninira sa kanya.

Matapos ang hapunan, di ko matiis na di ko siya kausapin. Lumapit ako sa kanya habang nagpapahinga siya sa poolside at humingi ng dispensa.

"Sana di ka na ulit makipag basag ulo. Kasi pag may nanakit sa iyo, baka mapatay ko sila" may halong galit sa boses niya.

Simula noon di na ko masyado gumigimik. Ayoko mapahamak si Harry ng dahil sa kin. Iniwasan na ding magbisyo. Nahiya ako kay Harry. Nakikituloy lang ako sa kanila.

Naging masunurin din ako kay Harry at Manang Doring. Pinilit ko ibalik ang lahat sa dati.

----

Naging maayos ang mga takbo ng bagay sa bahay matapos iyon. Lalo ko pinagigihan ang trabaho kaya naging top agent ng company. Naging Product Specialist naman ako matapos ang ilang buwan.

Minsan, naabutan ko si Harry sa pantry. Akala ko magisa lang ito. Lalapit sana ako kaya lang, biglang may naglagay ng tray sa space sa harap niya. May kasabay pala siya. Si Don, isang supervisor din.

May halong inis na din, kaya di na ko kumain. Nagyosi na lang ako. Di ko maintindihan bakit ako naiinis nun. Pero mabilis ko din namang nakalimot.

Malapit si Don kay Harry. Di ko alam kung nagseselos ako dahil wala na sa akin ang attensiyon niya bilang bunso.

Minsan pag uwi ng bahay ni Harry, napansin ko na may naghatid sa kanya. Si Don. Di ko napigil ang sarili ko.

"Wow! may bago ka na palang driver. Magkano sweldo mo sa kanya?" mapangasar ang tono ko.

"Miko, he was just nice enough na isabay ako"
tugon niya.

"Hindi ba ako pwede i text para magpasundo ka?" sabi ko.

"Ano bang point mo at ganyan ang reaction mo?" asar niyang sagot.

"Wala. Di ko alam" at tinalikuran ko na siya.

Hindi ko din maisip kung bakit ganun ang reaction ko. Kumukulo ang dugo ko kay Don. Pero wala naman siyang nagawa sa aking mali. Wala siyang atraso sa kin, pero di ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya.

Naiinis ako na parating magkasama si Harry at Don. Minsan nag out of town ang mga supervisor sa Tagaytay. Di ako mapakali dahil alam ko na magkasama na naman si Don at Harry. Uminom ako at nagpakalasing magisa.

Si Don pa din ang naghatid kay Harry. Hindi ko napigil ang sarili ko. Kinompronta ko na si Harry. Nagkasagutan na naman kami.

"Bakit ka ba nag didikit sa baklang yun! Di ka na ba nahiya? Alam mo  bang pinag uusapan na kayo sa  office? Tangina Harry. Umamin ka nga sa kin, kayo na ba? Bakla na ba gusto mo ngayon?" mataas ang tono ko at sumisigaw sa kanya. Umaapaw ang galit ko.

"Bakit ba ganyan ka maka arte? Hindi kita maintindihan Miko? Wala kaming ginagawang masama ni Don! Oo, bakla siya. Alam na ng lahat yun. Pero hindi wala sa kin yun! Hindi kami at hindi magiging kami! Tigilan mo na yan Miko! You are bring unreasonable!" sagot niya.
Muli, tinalikuran ko si Harry. Dumirecho ako sa kwarto. Inabot ang maleta at nagimpake. Sinundan ako ni Harry.

"O, san ka pupunta? Aalis ka? Sige! Wala ka namang alam gawin kundi umalis at tumakas dahil ayaw mong harapin na mali ka" sumbat niya. "Ano bang problema mo!"

Hindi ako sumagot. Tuloy pa din ako sa  pagiimpake.

Nang marating ko ang pinto, hindi inasahan ang mga sumunod na nagyari. Isang malakas na suntok ang tumama sa akin. Natumba ako. Nang makabangon, sinapak ko din si Harry. Alam ko mas malakas ako kay Harry kaya dumugo ang kanyang labi sa lakas ng suntok ko sa kanya. Bigla akong natauhan ng nakita kong duguan na siya.

"Bro, sorry. Nabigla lang ako" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

Nahiya ako sa sarili dahil sa inasal ko. Pinaupo ko saglit si Harry sa kusina. Naghanda ng palanganang may maligamgam na tubig para punasan ang dugo sa mukha niya. Walang imik si Harry habang pinupunasan ko ang sugat niya.

Ilang araw kami hindi nagusap ni Harry. Nakakabingi ang katahimikan sa bahay. Nilalamon ako ng hiya sa nagawa ko kay Harry noon. Ipinangako ko sa sarili na hindi na ako makikialam sa mga ginagawa niya.

Umiiwas na din ako. Gayun man, dahil na din sa pakiusap ni Manang Doring, hindi na muna ako umalis ng bahay nila Harry. Pero mahaba ang bawat araw na magakasama kami ni Harry sa bahay.

Lumipas ang mga araw at nakasanayan na namin ang hindi magpansinan. Pero hindi ko matiis at alam ko na ako ang mali, ako ang unang lumapit kay Harry. Sinubukan ko siyang kausapin, pero katahimikan ang sagot niya. Hindi ko alam pero masakit sa akin yun.

Dahil magulo ang isip ko, parati akong lasing. Yun ang naisip kong outlet para kapag umuwi ako, matutulog na lang. Umiwas ako na magabot kami.

Naramdaman kong naging malayo sa kin ang loob ni Harry. Doon nabuo ang desisyon ko na umalis na ng bahay. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kahit kay Manang Doring at sa mga kasambahay.

Nag renta ako ng isang maliit na kwarto. Nabalitaan ko na inilipat na sa ibang site si Harry. Sa Ortigas na ito nag ta trabaho, ako naman ay sa Makati pa din. Kaya wala akong naging problema pumasok sa office dahil hindi naman kami nagkikita.

Pinilit kong kalimutan ang mga nangyari. Iniwasan ko na din ang bumarkada at nagawa kong tumigil sa paginom. Itinuon ko ang attensiyon ko sa trabaho.

Isang araw nakasabay ko si Don sa elevator. Hindi ko napigil at kinausap ko siya.

"Don.. Kumusta na si Harry? Wala na ako balita sa kanya ah." tanong ko.

"Hindi na kami naguusap. Sabi niya, "Mas mabuting ng ganun kasi iyon daw ang gusto mo" sagot niya.

Medyo naguluhan ako. Iniwasan ni Harry si Don dahil sa kin?

Naisip ko na kailangan ko na harapin ang kuya ko. Pinuntahan ko siya sa bahay. Magisa siya noon dahil lumabas si Manang Doring para mag grocery. Araw iyon ng Sabado kaya lumabas ang mga kasambahay.

Pinatuloy ako ni Harry. Nakatungo lamang ako dahil sa hiya. Nagsimula akong nagpaliwanag. Humingi ako ng dispensiya sa kanya.

Pinatawad ako ni Harry. Inalok niya akong muli na bumalik na lang doon. Naging malungkot sa bahay simula ng umalis ako. Wala na daw makulit at maingay. Pumayag na din ako.

Nakabalik ako sa bahay nina Harry. Unti unting bumalik sa dati ang lahat. Makulit na kami sa isat isa.

Naging maayos na ang lahat matapos iyon.

----

"Bro! sinagot na ako ni Michelle!" masaya kong ibinalita kay Harry.

Wala siyang sinabi agad noon. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Pero ganun man, sinabi niya na masaya siya para sa amin.

Mahal na mahal namin ni Michelle ang isat isa. Di kami mapaghiwalay. Parati kaming magkasama.

Sweet siya.

Malambing.

Maasikaso.

Matapos ang tatlong buwan, naging intimate na kami ni Michelle. Nag sex kami.

Itutuloy…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Reality Stranger than Fiction (Part 1)
Reality Stranger than Fiction (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhbMSZpwH6cCdiVcfCk2QF12EyZHKf72LpwPdO5q0tQbxaBnyyVOk51LAAwqc24RrFnP4a4fVCXKWktfSUhPBH8YcveM3YKRBHv-UgWPQwPSej-X6UQZyvsQ0YPIHosD7W5FWmEMaFpCZqU/s1600/tumblr_n547lkGBbp1rldhwxo1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhbMSZpwH6cCdiVcfCk2QF12EyZHKf72LpwPdO5q0tQbxaBnyyVOk51LAAwqc24RrFnP4a4fVCXKWktfSUhPBH8YcveM3YKRBHv-UgWPQwPSej-X6UQZyvsQ0YPIHosD7W5FWmEMaFpCZqU/s72-c/tumblr_n547lkGBbp1rldhwxo1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/06/reality-stranger-than-fiction-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/06/reality-stranger-than-fiction-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content