$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Dalawang Linggong Pagtingin (Part 1)

By: Jad Marahil ay masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam, pero parang isang bagyong dumaan ang naganap. Masaya, malungkot, nak...

By: Jad

Marahil ay masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam, pero parang isang bagyong dumaan ang naganap. Masaya, malungkot, nakakainis, nakaka-ewan, asan na nga ba ako ngayon? Bakit parang ako nalang ata ang naiwan sa pagsasama naming tinagurian kong “dalawang linggong pagtingin”?

Ako nga pala si jad. Tunay na bansag ko sa aking sarili na siya rin namang ginagamit ng karamihan. Sa ngayon ay kasalukuyan akong nagrereview para sa darating na board examination ko sa Hulyo. Sa mura kong edad na dalawampu, masasabi kong marami na akong karanasan sa buhay. Mapa-pamilya man, mapakaibigan, mapa-makamundong bagay, at maging sa relasyon ay tila alam ko na ang pasikut-sikot. Pero namumukod tangi ang karanasan ko sa isang tao na di naman talaga parte ng plano ko sa buhay.

Isang gabi, nito lamang katapusan abril ng taon ding ito, ako ay bagot na bagot na sa bahay. Madaling araw, mainit na panahon. Lahat na ata ng pwede mong ikabagot ay nasa panahon na iyon. Wala naman akong makalikot sa aking phone dahil na rin sa di naman ganoon ka-hi-tech ang phone ko. Ngunit naisipan ko paring magdownload ulit ng isang gay app dito. Gumamit na ako nito noon, ngunit wala naman akong napapala dahil hanggang tingin lang naman ako at ang hanap ko lagi ay mga kano at europeo at mga chinito (kahinaan ko talaga ang mga singkit na mala-enchong dee). May nakilala ako dati sa app na ito na isang Taiwanese, ngunit di naman ako kagaya ng iba na puro sex ang hanap, kaya hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami at bumalik na siya sa Taiwan. At ayun nga, nakapagdownload na akong muli nito at niregister ko ang sarili. Naglagay ng mga larawan ko na wala ang ulo (alam niyo na, discreet problems. Ayaw magbalandra ng mukha sa mundo). In-edit ko ang stats ko: 75kgs, 6’0 ft, 20 y.o., slim, and for friends, networking, chat, etc. Tipikal na itsurang pinoy. Kahawig ko daw ng kaunti si Zanjoe Marudo.
So tapos na! Voila! May account na ako. At nagbbrowse ako ng nagbbrowse. Message dito, message doon. Hanggang sa umabot na ako ng 20kms. Mahilig kasi ako magtingin ng mga taong wala ding pinapakitang mukha para may halong kaba at excitement kung ano ang itsura sa likod ng kanyang pagkatao. At nakita ko ang isang profile na may larawang nakatalikod, gabi ang setting, nakasando at nakabackpack na jansport, na wala manlang kahit anong detalye patungkol sa kanya. Kaya naman nagpadala ako ng mensaheng “hello! :)”. Tipikal na app user, gustong makita ang mukha ko. So, sabi ko siya muna. Mabuti na lamang at pumayag siya. Aba! Napaka-amo ng mukha niya. Akala ko masasabihan ko na ng “pedophile” ang sarili ko dahil sa maamo at baby face niyang mukha. Bonus pa na siya’y medyo chinito at kahawig niya si Sung-Min (crush na crush ko sa kpop group na super junior). Mukha siyang katorse anyos, pero hindi at kasing edad ko siya! Siya namang ikinatuwa ko dahil alam ko na hindi ako makukulong kung may maganap man sa aming dalawa. (hahaha! Ngunit malinis ang motibo ko.) At ipinakita ko ang mga pribadong larawan ko. Nang makita na niya iyon ay naramdaman ko ang kanyang pagkasabik. Napaisip ako. Malamang ay nagustuhan niya ang mga larawan ko. Doon na kami nagsimulang magkakilanlan, magtanungan, at magkapalitan ng contact details. Ino, ito ang kanyang pangalang binigay niya sa akin. Tunog hapon, pero sabi niya’y intsik ang lahi nila kaya naintindihan ko naman. Dahil nga wala pala akong load noon, sinabi kong sa isang “free call and chat app” nalang kami mag-usap. Ibinigay ko ang numero ko ng may tiwala at dignidad at ganun din naman siya. Pero hindi ako nagsesave ng number dahil dalawang cellphone ang gamit ko. Yung gamit ko pang “app” ay walang sim card, samantalang yung isa ay para lamang sa mga kakilala ko.

“Sige bukas nalang tayo mag-usap ulit.” Mensahe ko.
“salamat! :”> nice meeting you jad.” Responde niya.
“wala yun, osiya ino, matutulog na ako. Goodnight.” Pahabol ko.

Kinabukasan, linggo,wala akong natanggap na mensahe. Pero hinayaan ko nalang. Wala naman akong pakielam talaga kasi di naman ako naghahanap ng makakatagpo o kung ano pa man. Kailangan ko narin kasing magmadali dahil nagpapack-up ako ng mga gamit ko pabalik ng maynila (dito kasi ako nakatira sa maynila para malapit sa review school). Kaya dali-dali akong umuwi mula cavite patungong maynila. Parang normal na araw lang to. Pagkauwi ko’y hawak-hawak kong muli ang phone at ginamit ang “gay app”. Nagtingin-tingin bago ako matulog, nang biglang nakatanggap ako ng mensahe sa “free call and chat app”. Numero lang ang lumabas dahil nga walang sim card ang phone na iyon.

“Hi! Ino to.” Ang sabi sa mensahe.

Ino, ino, ino... ahhhh! Siya nga. Di talaga ako matandain sa mga bagay-bagay

“ah ikaw pala. O, napatext ka? Tutulog na ako. Bukas nalang tayo usap. Goodnight!” at pinatay ko na ang wi-fi.

Kinabukasan, isa nanamang panibagong araw ng pagrereview. Mayo na agad! Nalalapit na ang exam ko! Kaso... Nakakatamad na kasi uulit lang naman ako talaga ng tatlong subjects ko na hindi nakaabot sa grading kailangan. Nakakatamad umulit. Sa kabila ng katamaran ay kailangan ko nang kumilos upang makapag-ayos papuntang cafeteria malapit sa bahay. Pero kuha muna ulit ng cellphone. Aba! May mensahe mula kay ino (alam kong siya yun dahil madali lang naman kabisaduhin ang numero niya).

Ino: Good morning jad! Ingat ka today.
Ako: good morning din ino. O, aga mo yata magtext?
Ino: ahh. Maaga ako pumasok eh.
Ako: may klase ka? Diba bakasyon?
Ino: ah, hindi. Sa may tindahan namin ako pumasok.
Ako: wow, business, mayaman pala kayo. Hahahaha. Ikaw na!
Ino: ay hindi ako mayaman, sila lang.
Ako: anong business yan?
Ino: ah, mga pintura ganun.
Ako: bigatin. Hahahaha. San ba yan?
Ino: Bakit pupunta ka? Hehe.
Ako: ang layo. Maynila pa ako.
Ino: kita tayo sige na, kaso mamayang gabi pa ako pwede.
Ako: hala, eh gusto ko ngayon na, pano yan?
Ino: mamayang gabi pa ako pwede eh. Mga 7, okay lang?

Medyo nakakaramdam pa ako ng init ng katawan noon kaya medyo pilyo ko siyang kinausap at tumawag na ako...

Ako: osige, pero gusto kita matikman.
Ino: ha? Pano?
Ako: mag-motel tayo. Sa metropoint tayo magkita. Okay? 7pm ha? Bilisan mo.
Ino: ah osige. Kinakabahan naman ako. Di ako sanay sa ganyan eh.
Ako: akong bahala sayo, di kita papahirapan. Aalalayan kita. Fifinger muna kita para marelax ang butas mo saka ko ipapasok ang ari ko. Okay lang? (biro ko sa kanya.)
Ino: ah eh sige. Uuwi muna ako tapos diretso na ako sa metropoint
Ako: osiya, iidlip muna ako ulit. See you mamaya.
Ino: osige. Sleep well.

Nang magising ako, 5:30 na ng hapon. Ngunit hindi pa rin pala siya nakakauwi ng kanilang bahay. Kaya medyo nainis ako kasi nga bawal ako umuwi ng gabing-gabi at nagdahilan na lamang ako sa aming tahanan na makikipagkita sa aking bestfriend.

Ako: ano na? Di na ba tuloy? Sabi ko madali ka eh. (ang inis kong sabi.)
Ino: hala malapit naman na ako makauwi. Hintay lang.
Ako: eh 7pm sa metropoint diba? Lagpas alabang ka pa. Baka maghintay ako.
Ino: sasaglit lang ako magbababa lang ako ng kinita naming tapos magpapalit tapos alis ako agad ng bahay. Promise mabilis lang.
Ako: alam ko yung byahe ino, matagal. Kaya wag nalang tayong tumuloy (sobrang inis na. Mahina talaga ako pagdating sa pagtitimpi.)
Ino: hala sorry na. Osige wag nalang. Hay.
Ako: next time wag ka nalang um-oo pag alanganin ka. Para wala kang napapaasa. (medyo naging harsh na ako magsalita. Alam kong mali pero sige parin ako. Wala naman akong karapatan magdemand.)
Ino: wag ka na magalit. Sige.
Di na ako nagreply. Alam ko kasing inis na ako at kailangang magpalamig ng ulo. Makalipas ang 30mins, nakapag-ayos na ako ng sarili. Naligo, nagbihis ng maayos (shorts na khaki at polo at ang topsider kong sapatos ang lagi kong porma). Tinext ko siya...

Ako: bahay ka na ba? Sorry (agad naman akong nagsosorry pag alam kong sobra na ako)
Ino: oo, sorry din.
Ako: tara na kita na tayo. Maghihintay ako kahit hanggang anong oras. Sa moa ka na dumiretso.
Ino: hala, sige. Wait lang! Magaayos lang ako.
Ako: osige. Nagpaload na ako, dun nalang tayo magusap. Hintayin kita.
Ino: osige. See you! :)

At ayun na nga. Siyempre alam kong malayo ang patutunguhan niya kaya mga 7pm na ako umalis ng bahay. At siya naman ay byahe na ng ganung oras. Nang mga bandang 8pm na ay nasa gil puyat station palang ako at siya at nasa edsa na, nataranta ako! Siya pa palang maghihintay sakin!

Nakarating na nga ako sa moa at siya naman ay nandoon na sa moa. Madali akong naglakad patungo sa kanya. Naghihintay siya sa second floor ng main mall sa labas. Kaya madali akong nagtungo sa kanyang pinaroroonan. Nakita na niya ako ngunit siya’y di pa. Nalagpasan ko siya. Kaya bumalik ako at nakita ko ang isang lalaking may kaliitan sa akin (5’6 kasi siya at ako naman ay 6’0), napakacute at baby face, magandang mga ngiti, at isang masayahing nilalang. Pang-dancer ang suot niya (palibhasa ay fan ng 2ne1). Nagmukha akong tatay dahil sa layo n gaming agwat sa tangkad. At mas matanda lamang ako ng 135 days. Haha. Naengganyo ako sa kanya dahil nahihiya siya at natatakot sa akin dahil baka daw ay galit ako. Ngunit di ko na naisip ang mga yon. Masaya akong nakilala ko ang isang gaya niya. Kahit na hindi siya parte ng mga plano ko ay di ko alam kung papapasukin ko ba siya sa buhay ko o pansamantala lamang ang lahat ng ito.

Tumambay kami sa bay side at nagkwentuhan ng buhay buhay. Marami kaming natutunan sa isa’t isa. Tungkol sa mga karanasan naming sa buhay, mga ginagawa naming at mga bagay na Masaya para sa amin.

Ako: uyy, bakit di ka makatingin ng mata sa mata?
Ino: nahihiya ako eh. Saka di ako sanay.
Ako: sorry kanina ha? Mabilis lang talaga ako mainip. Sorry. Tsaka joke ko lang yung dadalhin kita sa motel. Di naman ako ganung tao na sex lang ang habol. Gusto kita makilala kaya gusto kong makipagkita sayo. Gusto ko magkakilanlan tayo.
Ino: ay ganun ba? (waring may pagkadismaya pero nakangiti parin siya at parang natutuwa.) okay lang. Salamat kung ganun.
Ako: oo naman. Wala yun. Saka ewan ko din kung bakit ako nakipagkita. Di ko naman ugaling makipagkita talaga. Hanggang tingin lang ako. Pero nandito ako, kasama ka. (binigyan ko siya ng matamis na ngiti)

Wala nang umimik. Hanggang sa niyaya ko siya na maglakad lakad na muna. Mga bandang 9:30 na nang matapos ang aming kwentuhan. At naglakad lakad kami sa gilid ng MOA complex. Madilim doon at kakaunti lamang ang mga dumadaang tao at sasakyan. Nang magawi kami sa gilid ng SMX, nauuna akong maglakad at nakasunod siya. Nagtaka ako dahil mabagal ang kanyang lakad. Kaya humarap ako sa kanya at nagulat ako dahil nakatitig siya sa akin. Di ko napigilan ang aking sarili at siya’y aking hinalikan. Yung halik na may kaba at kabog sa dibdib. Yung halik na may paghigop sa mga labi. May dilang naglalabanan sa gitna ng nagiinit na mga laway. At nang bumitaw na kami sa isa’t isa, naglakad na kaming muli at parang walang nangyari. Pero nung nasa bandang MOA Arena na kami ay naulit ang ganoong mga eksena at naramdaman kong hinahawakan na niya ang aking pagkalalaki. Tigas at ang tindig nito’y tayong tayo na. Ganoon din naman ang kanya. Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ako mapakali, kaya hinalikan ko lang siya ng hinalikan kahit alam naming may mga guwardiya sa kabilang dako ng aming kinaroroonan. May kaba, libog, at saya akong naramdaman noong mga panahon na iyon. Umalis na kami sa pwesto namin at baka may makakita pa sa amin. Sa may starbucks sa moa arena kami tumambay. Tahimik, malamig, at wala masyadong tao. Nandoon kami para uminom ng tubig. Ewan ko ba kung bakit doon niya naisipang uminom eh napakamahal ng tubig. Pero siya naman ang nagbayad at parang wala lang sa kanya gumastos ng malaki.

Ako: ang gastos mo. Matuto ka kayang magtipid.
Ino: ah, eh, sorry... uhaw na kasi ako eh. Uhaw na sayo.
Ako: haha loko ka talagang bata ka. O bakit parang di ka mapakali dyan?
Ino: ewan ko din nga eh. Hay. (para bagang kating kati siya at may gustong gawin)
Ako: ano nga? Wag ka na mahiya.
Ino: ah, eh... kasi... di ba talaga tayo pupunta ng motel?
Ako: ha? Nako, di ko naman talaga plano. Saka unang kita natin kaya di ko hahayaang may mangyari agad.
Ino: ah ganun ba. (parang di parin mapakali. Pinapalapit niya ako at aakmang hahalikan sa labi). Mag-aayos lang ako ng mga gamit! Daming laman ng bulsa ko eh.
Ako: napansin ko nga, ano bang laman ng bulsa mo?

At inilathala niya sa akin ang laman ng bulsa niya. Isang wallet, ang phone niyang s5, at nagulat ako na may pakete ng lube at condom siyang nilabas! Kaya pala siya natagalan kanina ay bumili siya ng sex paraphernalia dahil akala niyang may mangyayari sa amin! Natawa nalang ako at kinuskos ko ang kanyang buhok. “napakaadik ng batang ito” sa loob loob ko.

Ako: osige, tara na. Alis na tayo.
Ino: ha? San tayo pupunta?

Hinila ko ang kanyang kamay. Bandang alas diyes na ng gabi noong mga panahong iyon. Naglakad kami hanggang sa terminal ng jeep. Sumakay patungong edsa – taft. Bakas parin sa mukha niya ang di mapakaling itsura. Para bagang sabik na sabik at parang uhaw na uhaw sa tubig.

Ino: san ba tayo pupunta?
Ako: kung saan tayong dalawa lang. Para naman di masayang ang pinagpaguran mo, siguro it’s my time to do my part.

Sabay kindat at ngiti sa kanya. Ngiting may pagnanasa at may makamundong balak.

Itutuloy...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Dalawang Linggong Pagtingin (Part 1)
Dalawang Linggong Pagtingin (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhMB6g_OXdC7RxahBo7M-dKl_v7YYFTLcF6z4w_cBd6_oQXdky65mJB6FVVwepYdak5GKlK0fUsogIwp0l2qM9hqavb8eY2iGo2USXhz-Byq9V4Og9RAoSwP5b_a7JBhoFGgffhncvbQQ4D/s1600/IMG_5696-copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhMB6g_OXdC7RxahBo7M-dKl_v7YYFTLcF6z4w_cBd6_oQXdky65mJB6FVVwepYdak5GKlK0fUsogIwp0l2qM9hqavb8eY2iGo2USXhz-Byq9V4Og9RAoSwP5b_a7JBhoFGgffhncvbQQ4D/s72-c/IMG_5696-copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/07/dalawang-linggong-pagtingin-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/07/dalawang-linggong-pagtingin-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content