By: Mike Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Aldrin. Dapat nagpaalam muna ako sa kanya bago ko siya hinalikan. Damn! So stupid! Pagkauwi ko galin...
By: Mike
Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Aldrin. Dapat nagpaalam muna ako sa kanya bago ko siya hinalikan. Damn! So stupid!
Pagkauwi ko galing sa bahay nila ay dali-dali kong siyang tinext at humingi ng pasensya sa ginawa ko kanina. Sinabi ko na di ko sinasadya. Pero hindi siya nagreply. Trinay ko siyang tawagan pero hindi niya tinatanggap mga calls ko. Minsan ini-end niya ang mga calls ko eh. Nagalit siguro. Nagtatampo. Argggghh! I cursed myself for being too rash and stupid!
School day. Usually hinihintay ako ni Aldrin sa may gate para maglunch kami pero hindi siya dumating. Naiwan ako sa gate na gutom at naiinip sa kakahintay sa kanya. Tinext ko siya na hinihintay ko siya sa may gate pero wala pa rin. Mukhang iniiwasan niya ako.
Nagdecide ako na personally na magsorry sa kanya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa ginawa ko. Pero sa totoo lang... hindi lang yung pagkakaibigan namin ang sinasalba ko eh. Parang mahal ko na kasi siya.
Oo, mahal ko na siya at ayokong mawala siya sa akin. Gagawin ko ang lahat para magkabati ulit kami.
Hinintay kong matapos ang klase niya at nang matapos ay unti-unting lumabas ang mga kaklase niya. Huli siyang lumabas dahil kinakausap siya ng instructor. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinapansin.
"Aldrin!" napatingin siya sa akin pero walang emosyon ang mukha niya. Baka matagal na niyang alam na hinihintay ko siya. Hindi siya umimik at dali-daling naglakad palayo sa akin.
"Aldrin, teka lang! Magsosorry ako sa ginawa ko sa'yu!" habol ko sa kanya. Naabutan ko siya at tinapik sa likod. Paglingon niya sa akin ay nakita kong naiiyak ang kanyang mga mata. Natulala ako. Nadurog yung puso ko dahil parang pinapahiwatig ng mata nito na ayaw niya akong kausapin talaga. Nakatitig lang ako sa kanya at maya maya ay tumakbo na siya palayo.
Umuwi ako na naguguluhan. Bakit siya naiiyak?
Ganun ba talaga siya naapektuhan sa ginawa ko? Tinext ko siya at tinanong kung okay siya. Di siya nagreply. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang mukha niya kanina. Malungkot talaga. Nakakadepress isipin kasi parang nagiguilty ako. :(
"Tol nagaaway ba kayo ni Aldrin?" tanong sa akin ni Josh nung nasa school ako.
"Huh...eh hindi..."
"Sus, 'wag mo nang ideny tol, halata naman eh. Usually kasi magkasama kayo ni Aldrin sa lunch pero bakit this last few days, sa amin ka na sumasama maglunch?"
Hindi ko na kayang maitago pa kay Josh. Nahalata niya siguro dahil tahimik lang akong nagmumukmok sa upuan ko kaya ikwinento ko sa kanya yung nangyari.
"Ahhh...foul move talaga ginawa mo tol, siyempre baka hindi kayo parehas ng nararamdaman kaya iniiwasan ka niya." sabi ni Josh.
"Anong gagawin ko tol? Galit ata siya sa akin at hindi na niya ata ako kakausapin. Hindi ko alam kung nasaktan siya sa akin."
"Hmmm, hindi natin masasabi yan pero huwag kang mawalan ng pagasa. Baka ngayon, medyo nabigla lang si Aldrin, bigyan mo yun ng space at siguradong okay na yun, tignan mo, baka hindi pa makatiis na bumalik sayo." ani ni Josh sabay tapik sa likod ko.
Tumango nalang ako at binigyan nga si Aldrin ng space. Pero sa tuwing magkikita ang barkada namin ay hindi niya ako kakausapin at panay ang deadma niya sa akin kapag may sinasabi ako sa kanya. Nasasaktan ako dahil yung ibang mga kabarkada ko nakikipagbiruan siya samantala ako ay parang multo lang na hindi niya nakikita.
Naginuman kami one time sa bahay nila Josh. Birthday ng barkada ko nun at siyempre nandoon si Aldrin. As usual, hindi niya ako kinakausap. Panay lang ang tawa niya sa mga jokes at kantyaw ng ibang kasama niyang nagiinuman. Naiinis ako dahil nagsorry na ako't lahat ay nagawa niyang pang ipamukha sa akin na okay siya pero di naman niya ako pinapansin.
"O, pareng Mike, anyare sayo? Ba't ka napatahimik diyan?" tanong ni Ken sa akin. Straight kong ininom yung shot ko at malakas na dinabog sa lamesa kaya natigilan silang lahat. Pati si Aldrin ay nagulat sa ginawa ko kaya siya nakatingin sa akin. Nagtataka.
"Ano pang kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako Aldrin? Ano pang kailangan kong sabihin para hindi ka na galit sa akin?" Ewan ko. Lumabas nalang yun sa bunganga ko dahil lasing na ako nung time na yun at parang sasabog na yung dibdib ko dahil sa sobrang emosyon na pinipilit kong kinikimkim.
"Woah, easy tol!" pinapakalma ako ni Josh dahil na rin siguro sa tono ng boses ko.
"Ayoko! Aldrin! Gusto mo bang lumuhod ako sa harap mo at magsorry? Gusto mo bang magsorry ako sa pamilya mo?? Huh? Kailan mo na ako mapapatawad?" Totoo pala yung sinasabi nila na kapag lasing ka, nagagawa mong masabi ang mga hurtful feelings mo. Lumuhod ako sa harap niya sabay na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Di ko sinasadya Aldrin... please...huwag mo naman hayaan na makakasira itong nangyari sa friendship natin...please..." naiiyak na ako nung time na yun tapos naramdaman ko nalang na parang umiikot ang mundo ko dahil na rin sa sobrang kalasingan ko.
"Pareng Mike, tama na lasing ka na!" sabi sa akin ni Ken. Dalawa sila ni Josh ang tumulong sa akin para tumayo sa kakaluhod sa harap ni Aldrin.
"Huwag niyo akong pigilan!" pumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin.
"Aldrin, sorry na kasi!"sigaw ko sa kanya. Di pa rin siya umiimik.
"Tol, tama na pasok ka nga sa bahay, lasing ka na eh!" sabi sa akin ni Josh. Hindi ako makapagsagot dahil hilong-hilo na ako. Naramdaman ko nalang na natumba ako sa damuan at ang huli kong nakita ay ang mukha ni Aldrin na nagulat sa nangyari sa akin.
"Okay na ba siya?"
"Hayaan mo muna siya Aldrin na mahimasmasan..."
"Sige kuya Josh, dito muna ako, bantayan ko muna siya..."
Naririnig ko na lang na may naguusap pero nakapikit ako. Nasa loob ako ng kwarto ni Josh at nakahiga sa kama niya. Pero hindi ako nagiisa. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko si Aldrin. Nakaupo siya malapit sa ulo ko at naramdaman ko nalang na hinahaplos niya ang mukha ko. Maya-maya ay naririnig ko nalang siyang humihikbi. Teka? Umiiyak ba siya?
"Kuya Mike...I'm sorry..."
Tama ba ang narinig ko? Nagsorry siya. Pero bakit siya umiiyak. Pumapatak ang luha niya sa pisngi ko kaya hindi ko na kaya pang magkunwari na tulog.
Dinilat ko ang mga mata ko at nagulat siya. Dali-dali niyang tinakpan ang mukha niya at pinunasana ang kanyang luha.
"Aldrin? Bakit ka umiiyak?" umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya. Hindi niya ako tinitignan pero umiiyak pa rin siya. Panay ang hikbi niya.
"Hey, may problema ba?" hinawakan ko yung baba niya at ihinarap ang mukha niya sa akin. Para akong naiiyak din dahil sa nakita ko. Nakakaawa ang itsura niya nung time na yun. Niyakap niya ako na ikinabigla ko. Niyakap ko din siya at hinayaan lang na umiyak sa balikat ko. Hinahagod ko lang ang likod niya. Pinaparamdam sa kanya na nandito ako para sa kanya. Grabe, namiss ko yung yakap niya at nararamdaman kong ganoon din siya.
Matapos umiyak si Aldrin ay humiwalay siya sa kakayakap sa akin. Basang-basa ang polo ko pero okay lang.
"Okay ka na?" mahina kong tanong sa kanya. Nakayuko lang siya.
"No..."
"Huh? Ba't di ka okay?"
"Coz it's my fault why you're like this!"
"Lasing ako kanina, huwag mong intindihin yun..."
"Kuya Mike, I'm sorry...I'm sorry, I'm sorry, I'm sorryyy..." hinawakan niya yung kamay ko.
"Shhh, tahan na, wala ka namang kasalanan eh...ako dapat magsorry sa iyo eh." Pinunasan ko yung luha niya sa pisngi.
"Sorry dahil di kita pinapansin lately...dahil...may pinagdadaanan kasi ako eh." Doon na ako nakuhang tanungin si Aldrin kung ano talaga ang pinagdadaanan niya dahil ayokong nakikita siyang nagkakaganito. Sinagot naman niya.
"Huh? Hindi alam ng tatay mo na bading ka?" gulat kong tanong sa kanya.
"Matagal ko nang tinatago sa tatay ko ang totoong pagkatao ko dahil, strikto yun...kaya patago nalang ang nakikita mong Aldrin ngayon..."
"Pero alam ba ng mommy mo na bading ka?"
"Alam ni Mommy, matagal na rin pero sinisekreto na lamang niya kay daddy para hindi magkagulo sa bahay...sigurado kasing magagalit si daddy kung nalaman niyang bading ang nagiisang lalaking anak niya..."
Nakikinig lang ako, nakakaawa naman si Aldrin."Nung pinagkuha niya ako ng Business Management dahil gusto niya ako ang susunod na magmamanage sa business niya kapag magreretire na siya., gusto kong magrebelde dahil hindi iyon ang gusto kong course...gusto kong maging teacher kuya Mike..." tumingin siya sa akin.
"Pero hindi pwede...ayokong magalit ang daddy ko...ayokong madisappoint siya sa akin...."
"At nung hinalikan mo ako, doon ako natauhan na hindi pwede ang namamagitan sa atin kuya Mike...hindi pwedeng malaman ni daddy na mahal na mahal kita..."
What??? Mahal na mahal ako ni Aldrin?
"Kaya pinilit kong iwasan ka para maibaon ang feelings ko para sa iyo kuya...pero masakit na kapag nakikita kita dahil hindi kita pwedeng mahalin..."
Doon ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "You love me?" hindi pa rin ako makapaniwala.
"Yes kuya Mike...I do love you.."
Bigla ko siyang hinalikan. Mahal din ako ng taong mahal ko. "Aldrin, mahal din kita, at ayokong nakikita kang nalulungkot o naghihirap, kaya kung pwede, pagbigyan mo ako at papatunayan kong tama lang na minahal mo ako...please..."
Nakatulala siya sa akin pero maya-maya lang ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"Natatakot ako kuya..."
Muli ko siyang ihinarap sa akin at kiniss ang noo niya.
"Huwag kang matakot, nandito ako para sa iyo, pagkatiwalaan mo lang ako at hindi ka mabibigo sa akin, promise ko yan. Poprotektahan kita sa lungkot dahil hindi pwedeng malungkot ang Cutie Pie ko." Napangiti siya sa sinabi ko at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.
"Ikaw ang superman ko...huwag mo akong iiwan kuya..."
"Bakit ko naman gagawin yun eh nahanap ko na ang mahal ko sa buhay..."Nagtawanan kami. Namiss ko yung tawa niya.
"Aldrin, susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo at hindi kita pipilitin...pero lagi mong tatandaan, I will always be there for you whenever you need me."
Ngumiti siya ng matamis at kiniss ako sa pisngi ng matagal. Sarap sa feeling yung ginagawa niya. Parang gusto niyang iparating sa akin na mahal na mahal niya ako.
"Para saan yun?" nakangiti kong tanong.
"Wala... ang cute mo kasi eh."
Tumawa ako. "Hindi ba ako guwapo?"
"Guwapo ka para sa akin." pinisil niya ang pisngi ko.
"Tsk. Parang sinasabi mo na di talaga ako guwapo." Nagtampo ako kunwari. Tumawa nalang siya. Loko talaga mahal ko.
"Oh? Anong nangyari? Bati na kayo noh?" sabi ni Josh nang sabay kaming lumabas ni Aldrin mula sa bahay niya.
"Obvious ba?" Itinaas ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Aldrin.
"Ayeeee! Sa wakas, nagkaayos na rin ang love team natin." Naghiyawan ang mga mokong. Tumawa nalang kami ni Aldrin.
"Anong ginawa ninyo sa kuwarto ko kaya kayo nagbati huh?" malisyosong tanong ni Josh sa akin sabay may demonyong ngiti ito sa mukha.
"Loko! Ang dumi ng isip mo! Nagbati lang kami...at..." tinignan ko muna si Aldrin kung sure talaga siya na sabihin ko sa kanila. Ngumiti siya at tumango.
"...kami na." :)
"Huwaattt???" As usual ang OA ng reaction ng barkada ko.
"Di nga tol?!" sabi ni Ken. Gulat talaga siya.
"Ayeee!!! Talaga? Wow naman... mukhang extended ang birthday celebration ni Josh." sabi ni Fred, kapatid ni Ken at barkada ko rin.
"Uyyyy! Bakit masyadong mabilis ata? Kanina lang mukhang mababaliw ka na kanina sa kakahingi ng sorry kay Aldrin 'tas ngayon bati na kayo? Hmmm, baka naman pinilit mo siya noh?" biro ni Wally.
"Threat lang?" Nagtawanan ang mga mokong.
"Gago kayo, eh mahal ko eh kaya anong magagawa ko." sabay tingin kay Aldrin na nakangiti din sa akin.
"Ayeeeeee! Oh siya, tagay tayo sa magkasintahan! Aldrin and Mike!" sigaw ni Josh.
"Awoo! Awoo!" parang Sparta lang ang trip namin.
"Mga 'tol, pwedeng secret lang natin 'to? Hindi kasi pwedeng malaman ng tatay ni Aldrin dahil strikto yun." pakiusap ko sa kanila.
"Psh, kanino naman namin ipagchichismis? Wag kayong magalala, barkada ata tayo dito ah." reassurance ni Fred.
"Thank you mga kuya." sabi ni Aldrin.
"Naks welcome Aldrin, oh! Nagthank you yung bf mo, kaw din ah." Hirit ni Ken.
"Kiss gusto mo?" nagtawanan nalang kami.
"Anong iniisip mo diyan?" tanong ko kay Aldrin habang nakahiga siya sa braso ko. Nasa kwarto ko siya nung time na yun. Saturday nun at pinayagan naman siya dahil sinabi niya na may gagawin siyang project pero ang totoo nag-date kami at nang matapos ay sa bahay ko siya nagpahinga muna.
Nagiba siya ng pwesto, humarap siya sa akin at niyakap ng isang kamay niya ang katawan ko.
"Iniisip ko? Hmmm..tayo." mahina niyang sinabi. Parang bulong.
"Huh? Tayo?" ginaya ko din ang tono ng boses niya na siyang dahilan ng pgbungisngis niya.
"I'm thinking about our relationship...paano kung ayaw ni daddy? Paano kung nalaman niyang bading ako?Paano---"
Pinigilan ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghalik sa lips niya.
"Huwag mong isipin masyado ang mga yan dahil hindi mangyayari ang iniisip mo at makakagarantisado ka niyan." sabi ko sabay haplos sa pisngi niya.
"Huh? You mean to say na okay lang sa iyo na patago ang relationship natin?" tanong niya sa akin.
"Hmmm, okay lang...nirerespeto ko naman ang desisyon mo na secret ang relationship natin dahil ayoko naman na magaway kayo ng daddy mo. Tsaka hindi naman ako choosy dahil ang importante, kasama ko yung taong mahal ko, yung nagpapasaya sa akin..."
Tahimik lang siyang nakatitig sa akin pero nakita ko sa mga mata niya na natouch siya.
"Cutie Pie, hindi kita pinipilit na sabihin sa daddy mo kung ano ka talaga pero isang advice lang ang masasabi ko at yun ay kung saan ka tunay na maliligayahan, ay dapat iyon ang ipinaglalaban mo..."
Dahil sa sinabi ko ay mas lalong siniksik niya ang sarili niya sa katawan ko at mahigpit niya akong niyakap.
Thank you poh sa pagbasa. Sabi kasi ng kaibigan ko, ayusin ko daw pagsusulat ko. -Mike
Ipagpapatuloy...

COMMENTS