$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Skin Off Your Nose (Part 1)

By:BallpenNiLouie “Bye dad, have a safe trip to New York.” I said as we hugged each other for the last time. “Take care anak, I love you.” I...

By:BallpenNiLouie

“Bye dad, have a safe trip to New York.” I said as we hugged each other for the last time.
“Take care anak, I love you.” I was trying so hard to hold my tears back but there, I finally burst out.
“I love you too dad, so much.” And with that we parted ways.
Ngayon ang araw ng flight ni dad to New York para magpagamot sa complications ng sakit niyang diabetes and to be with my other siblings na rin.
I wanna be there with him but I can’t, graduating student na kasi ako at kakasimula pa lang ng school year so ayaw na ni dad na mag-abala pa ko.
I was living independently since first year college pero magkalapit lang naman ang condo ko at ang bahay namin ni dad kaya I didn’t felt alone pero ngayong magse-settle na siya sa States pakiramdam ko I’m all alone.
My mom died when I was only four years old while my two older sisters settled in States after getting married, kaya simula 14 years old ako kameng dalawa na lang ni dad ang magkasama, we were buddies, bestfriends, he is my idol, my hero and my no. 1 fan.
By the way my mom is Fil-am and naka base siya sa States kaya most of our relatives dun nakatira and my sisters were born there kaya siguro home for them is there.
“Nakaalis na ba si tito?” Pambungad na tanong ni Andrew saken pagkalabas ko ng airport, hindi kasi siya pinayagang pumasok ng guard.
“Yes.” Maikling sagot ko as I was trying to hide my face from him.
“You’ll be okay.” Sabi niya sabay akbay sa balikat ko.
Napatingala ako sa kanya mula sa pagkakayuko at nagkatitigan kaming dalawa.
Confirmed, mahal ko nga si Andrew.
First year college pa lang magkakilala na kami ni Andrew, magkasunod kasi yung apelyido namen kaya lagi kameng magkatabe sa halos lahat ng subjects tsaka lagi din kaming nagiging magkagrupo tuwing may activities sa school kaya madali kaming nagkapalagayan ng loob.
Katulad ng magbabarkada dumaan na rin kame sa lahat ng aspetong pang magkaibigan, kalokohan, trip, tawanan, drama, inuman, at kung anu-ano pa, in short we consider each other as best of friends.
Aminado naman ako na simula bata pa ko eh meron nakong kakaibang nararamdaman sa kapwa ko but never did I imagined it this way.
I acknowledged it as an affection to an older brother, wala kasi akong kapatid na lalake kaya siguro ganun ang nararamdaman ko tsaka never kong naisip na magkaroon ng relasyon sa kapwa ko lalo na ang sexual encounter.
But less than a year ago ng magkaroon ng girlfriend si Andrew nagsimulang makaramdam ako ng kakaiba, hindi ko alam kung ano yun pero nung maghiwalay naman sila ang saya saya ko.
I didn’t mind, sabe ko siguro hindi lang ako boto dun sa babae kaya ganon.
Time passed, mas naging close kame, napapadalas na yung sleep over niya sa condo ko at napapadalas rin yung pag hang-out namin ng kaming dalawa lang.
These past few months depressed talaga ko dahil nga sa pagkakasakit ni Dad, he’s the only one I have now kaya naman iba talaga yung sakit na naramdaman ko lalo na nung makita ko siyang nakaratay sa ospital.
Kasama pa sa depression ko ang confused feelings ko para kay Andrew na lalong nagpapagulo saken, but one night habang nagbabantay ako kay dad sa ospital I finally had the courage to tell him how I feel about Andrew, we were always honest with each other pero I kept this with myself kaya natatakot ako sa kung anuman ang magiging reaksyon nya pero anu’t anuman alam kong siya lang ang pwede kong makausap at mahingan ng payo.
Matalino ang mga magulang sila ang unang makakaalam.
“I know anak, I know. Whatever it is that you want, you are my son and you’ll forever be my son.” Those were his exact words. He is my dad and he loves me no matter what.
Sa lahat ng mga pinagdadaanan ko andyan lagi si Andrew naka-alalay, he always cheers me up.
Kaya ngayon ng sabihin niyang “You’ll be okay.” Nagtatatalon sa tuwa ang puso ko, pakiramdam ko nag-uunahan lahat ng kabayo sa dibdib ko.
Nagkaroon din ako ng dalawang girlfriend pero kahit kelan hindi ko naramdaman ang ganito, na isang tingin ko lang sa mga mata ni Andrew I know I’ll be okay.
Confirmed, mahal ko nga si Andrew.
“Hoy, halika na male-late na tayo.” Napukaw lang ang atensyon ko sa pagkaway ng kamay niya sa harap ng mukha ko.
“Baliw!” Sabe ko sabay alis ng kamay niya sa pagkakaakbay sa balikat ko at nagtatakbo akong papunta sa kotse niya.
“Hoy!” Sigaw niya habang humahabol ng takbo saken.
Tawanan lang kame ng tawanan buong biyahe papunta sa Campus pero ng mapansin kong sa ibang gawi ng intramuros niya dinala yung sasakyan niya nagtaka na agad ako.
“Akala ko ba male-late na tayo?”
“Tingnan mo nga yang itsura mo ang dungis dungis mo oh, sabihin pa nila pinaiyak kita dahil hindi ko tinupad yung promise kong mag-e-sm tayo.” Pang-asar niya sabay pahid ng kamay niya sa mukha ko.
“Ulol!” Ulol pero nakangiti ako, ewan ko ba, alam niya talaga kung pano ko mapapasaya.
Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa paborito naming tambayan dito sa Intra, bumaba na rin ako para sundan siya.
Halos magkatabi kaming umupo sa damuhan at pinanuod ang pagsikat ng araw.
“Kyle.” Napatingin ako bigla ng magsalita siya.
“I’ll always be here for you Kyle, I promise.” Eto na naman, nag-uunahan na naman ang mga kabayo sa dibdib ko.
“Dapat lang! Bestfriends tayo diba?” I said as I raised my right arm for a fist bump, tumingin siya saken, ngumiti at inilapat ang kamao niya sa kamao ko.
Hindi na kame pumasok ng araw na yon, buong maghapon kameng tumambay at nagkulitan sa lugar na yon.
Days passed by, ang bilis talaga ng panahon.
Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko, pati nga si Dad ok na pero syempre maintenance pa rin.
Kame ni Andrew ganun pa rin, mas lalong naging close, mas naging open sa isa’t-isa at araw araw na kameng magkasama ultimo weekends kasama ko siyang mag gym o kaya magsimba tapos gumala.
Niloloko na nga kame ng iba naming barkada na daig pa daw namin ang magsyota, tawa lang naman kami ni Andrew.
Halos tumira na siya sa condo ko to the point na may mga damit na siya don pamalit pag makikitulog siya, tapos lagi rin niya kong pinapapunta sa kanila para mag sleep-over, nakakahiya nga kila tita pero syempre matitiis ko ba naman si Andrew? Tsaka for thesis purposes din naman yon kaya sige na lang.
Habang tumatagal mas lalo na akong nahuhulog sa kanya, thinker akong tao kaya lahat ng bagay ina-analyze ko ng mabuti at dumating rin sa puntong gusto ko ng magtapat sa kanya pero natatakot ako.
Takot ako dahil mahal na mahal ko na si Andrew pero alam ko ring walang patutunguhan yon at sa huli masasaktan rin lang ako at ang mas malala baka tuluyan pang mawala yung kaisa-isang taong nagpaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa.
Sa huli nakunteto na rin lang ako sa pagkakaibigan namen at sa pagmamahal ko sa kanya ng patago dahil ang katotohanan, mas matimbang pa rin ang pagkakaibigan kesa sa aking nararamdaman.
‘Asan ka na ba?’ text ni Andrew.
‘Malapit na traffic eh.’ reply ko naman.
Napag usapan namen ni Andrew na magkita ng araw na yon, ewan ko ba magpapatulong daw, tinanong ko kung para san hindi naman nagreply.
Malayo pa lang kitang kita ko na siyang nakatayo sa labas ng isang restaurant sa loob ng MOA, ibang iba ang itsura ni loko, sume-semi pormal sa polo at jeans niya, matagal na siyang gwapo sa paningin ko pero mas gumwapo siya ng mga oras na yon.
Kinabahan ako, may dala dala siyang bouquet of roses at ngiting ngiti siya habang papalapit ako.
“Kelan libing?” Pang-aasar ko ng makalapit ako sa kanya.
“Baliw! Tara na nga kanina pa naghihintay si Kate sa loob.” Sabi naman niya sabay tulak sakin papasok sa loob ng restaurant.
“Kate si Kyle bestfriend ko.” Ang pakilala sakin ni Andrew sa isang babae na nakaupo sa isang table sa loob.
“Hi Kate I’m Kyle.” Pakilala ko sabay abot ng kamay ko, tumayo naman siya at nakipag shake hands.
“Hi Kyle, nice to finally meet you, lagi ka kasing kinikwento nitong si Andrew eh.”
Noon ko nakilala si Kate, high school classmates sila ni Andrew and they kept in touch through the years at ngayon nga eh nililigawan na siya ni Andrew.
Mabait at maganda si Kate, siya yung tipong babae na magugustuhan ng kahit sinong lalake, siya yung tipong sineseryoso at pinapakasalan.
Pero kahit ganon inis na inis ako kay Kate, oo nagseselos ako, alam ba niya kung gaano kasakit ang ipakilala sayo ang nililigawan ng taong mahal mo? HINDI.
Galit na galit ako kay Andrew, gusto ko siyang murahin, sipain, at ibalibag pero ano bang kasalanan ni Andrew? WALA.
Nagpilit ako ng ngiti ng araw na yon.
“Bat ang tahimik mo?” Tanong ni Andrew habang nagmamaneho ng kotse, kakahatid lang namin kay Kate at ngayon ako naman ang ihahatid niya sa condo ko.
“Napagod lang.” Sagot ko.
“Ok si Kate no?” Sabi niyang nakangiti habang nakatingin sa driveway.
“Bagay kayo.” Labas sa ilong ‘Ok din naman ako ah.’ Yun talaga ang gusto kung sabihin.
Lumipas ang dalawang linggo at naging mag on sina Kate at Andrew, iyon ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko, mas masakit pa sa pagkamatay ng mom ko at pagkakahiwalay namin ng dad ko.
Kate, Kate, Kate, lumipas ang mga araw na puro Kate na lang ang laman ng bibig ni Andrew, no more sleep over, no more wantusawa texting, hindi na kame nagha-hang out pag weekends, at maswerte na kung sabay kaming makakapag lunch tuwing breaktime, asan na yung sinasabe niyang ‘I’ll always be here for you Kyle, I promise’?
Bumalik yung pakiramdam ng nag-iisa, ng walang karamay, masasandalan, makikinig at makakausap.
“Dad? Hey dad it’s me.” Finally sumagot din ang kaisa-isang taong alam kong hindi ako iiwan.
“Hey what’s wrong?”
“How do you know something’s wrong?”
“I know because you are my son.”
“I miss you, I feel so alone.” I tried to calm myself.
“I miss you too son, you know you’re not alone, I’m always here for you.”
“The last person who said that left me too Dad.”
“Andrew?” Tanong niya.
“Yeah but not really, alam ko naman na hindi niya ko obligasyon. May girlfriend na siya Dad and you know how I feel for him kaya siguro now that he has his attention to somebody I suddenly felt alone again.”
“Why don’t you tell him?” Sagot niya.
“Tell him what?”
“Come on where’s your balls?”
“It will make things worst Dad.”
“Worse than losing him without being able to tell how you really feel for him?”
“I don’t wanna lose him.”
“You’re already losing him son.”
“What if he can’t accept me?”
“That’s a possibility but what if it’s the opposite? You know son, what and if are two words non-threatening as words can be, but put them together side by side and they‘ll have the power to haunt you for the rest of your life. What if? What if… what if…”
Natahimik ako.
“Still there?” Dad.
“What should I do?” Tanong ko.
“Wag mong hintaying mawalan ka ng oras para sabihin ang tamang bagay sa tamang tao dahil ang tao pwedeng mag-adjust pero ang panahon hindi anak.”
“Thanks Dad, take care, love you.” I hang up.
Hindi naman dahil sa mga sinabe ni dad eh nagkandarapa na kong magtapat kay Andrew, I was waiting for the right time and I guess thinking of the right thing to say, nga lang mas lalo akong nawalan ng chance para sabihin sa kanya.
Lumipas pa ang isang buwan na halos hindi na kame nagpapansinan ni Andrew, in fact nagsasalita lang siya pag may itatanong o pag kailangan lang talaga.
Nakakapanibago, para bang out of the blue nagising na lang ako na iba na yung usual daily routine ng buhay ko, parang may isang part ng katawan ko na bigla na lang hindi na nagpa-function. Ayaw ko ng ganito, malungkot.
One time nagkasabay kame sa cr sa school, ang weird, ang awkward ng pakiramdam, ramdam kong bigla bigla siyang nagmadali. Hindi ako nakatiis.
“Drew can we talk?” Napatingin siya sakin mula sa pagkakatalikod niya patungong pinto ng banyo.
“Sa classroom na lang baka ma-late tayo oh.” Sagot niya sabay tingin sa relo niya habang nakatalikod pa rin saken.
“May problema ba tayo?” Hindi ako nagpaawat.
“Ha? Anong sinasabe mo?” This time humarap na siya at kita kong parang naguguluhan ang expression ng mukha niya, but he can’t fool me.
“I’m not stupid Andrew, iniiwasan mo ba ko?” I kept my voice as calm as possible.
“Bat naman kita iiwasan?” Sagot niya na parang natatawa.
“Exactly! Ano bang ginawa ko para iwasan mo ko? Kase as far as I can remember wala naman, sana man lang kung may galit ka sabihin mo hindi yung iiwasan mo ko na para bang hindi tayo magkakilala. Ang hirap eh, tangina pakiramdam ko pinapagilatan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.” Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko.
Hindi siya nakasagot. Silence.
“I guess this is it, thanks for being a friend.” Ang arte ko parang nakikipag-break lang. Ewan ko ba yun ang lumabas sa bibig ko eh.
Hindi siya nagsalita, saglit lang niya kong tiningnan bago tuluyang lumabas ng pintuan.
Hindi ko alam kung anong naramdam ko ng mga oras na iyon, o baka nga wala na talaga kong pakiramdam, na masyado ng masakit kaya nagkusa na lang akong magmanhid.
Yun na ang pinaka huling converasation at pansinan namin ni Andrew, after ng incident na yon lumipat na agad ako ng upuan sa classroom.
Maraming nakapansin, nakahalata at nagtanong sa biglaang deadmahan namin ni Andrew pero wala din naman akong maisagot dahil kahit ako hindi ko alam ang dahilan.
Pinanindigan ko ang sinabi ko, umarte ako na parang walang nangyare, in fact naging friendly pa nga ako sa ibang classmates ko na eventually naging bagong group of friends ko na rin. Kahit papano napasaya naman nila ako pero andyan pa rin yung sakit, one time habang kumakain kame sa isang fast food chain bigla bigla na lang may nagpatugtog ng “Di Lang Ikaw” peste nabulunan ako habang umiiyak. Meron ding pagkakataon na magigising ako sa kalagitnaan ng gabe tapos bigla na lang tutulo yung luha ko. Nahilig pa nga kong makinig ng radyo at na temt din minsan to share my feelings on air pero buti na lang hindi nasagot yung mga tawag ko, napag isip-isip ko rin parang ang hopeless ko naman, na parang pang end of the world naman yung drama ko.
Sa mga panahong ito ko naman nakilala si Liezel, isa sa mga bago kong kaibigan, akalain mong makakahanap pa pala ko ng bagong bestfriend? As in swak talaga yung personality namin sa isa’t-isa kaya talagang ang ganda ng naging bonding namen until naging confident na ko na sabihan sa kanya ang mga nararamdaman ko. Ramdam pala niya ang pagiging bi ko, yun ang assessment niya since nagka-gf naman daw ako at kahit papano eh attracted pa rin ako sa opposite sex although it’s been 2 yrs. nung last relationship ko with a girl.
Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Liezel, in fact ang drama nga lagi ng converstation namin since nasa moving on stage din siya ng mga panahong yon so kahit papano may common ground kame at pakiramdam ko may karamay na ko sa mga pinagdadaanan ko lalo na pag tungkol kay Andrew, I wasn’t as lonely as before.
Parehas kaming mahilig manood ng sine ni Liezel lalo na pag hollywood film talagang nag-uunahan kame para manuod sa special screening kaso ang ending laging kami lang ang magkasama since nagtitipid yung iba. Okay na rin movie date, a friendly movie date. Nakaka-miss si Andrew, erase erase! (siya lagi yung kasa kasama ko pag dating sa mga ganito)
“Hati na lang tayo sa popcorn para sweet haha.” Pang-aasar ko kay Liezel habang nakayuko ako sa istante ng mga popcorn at namimili ng bibilhin.
“Wui Andrew? Oy!” Napatingin ako sa direksyon ng boses ni Liezel at napatulala ng makita kong magkasama si Andrew at Kate.
Kelan ba nung huling makita ko siya ng malapitan? Bakit parang mas gumagwapo ata siya?
“Hi Kyle!” Bati ni Kate na pumukaw sa atensyon ko.
“Hi Kate! Ahh… si Liezel nga pala.” Turo ko kay Liezel ng mapansin kong parang nagtatanong ang expression ng mukha ni Kate.
“Hi Liezel I’m Kate.” Sabay lahad ng kamay ni Kate na siya namang inabot ni Liezel.
“Liezel, by any chance eto rin ba panonoorin nyo?” Tanong ni Liezel sabay turo sa pila ng mga tao sa cinema 8.
“Yeah.” Si Andrew na ang sumagot, bakit parang badtrip siya?
“Really? eto rin kasi papanoorin namen, gusto niyo sabay sabay na lang tayo?” Tanong ni Liezel sabay tingin saken na may halong nakakalokong ngiti. Babaeng to nananadya! Pinandilatan ko siya ng mata.
“Sure! Double date.” Pagsang-ayon naman ni Kate, napansin kong lalong kumunot ang noo ni Andrew.
Wala na rin akong nagawa so nanahimik na lang ako. Baka isipin pa ni Andrew affected ako masyado.
Bukas pa yung ilaw sa sinehan nung pumasok kame kaya nakahanap kame ng magandang pwesto, tabe kame ni Liezel habang katabi naman niya si Kate na katabi rin si Andrew. We were just two seats apart and It’s so ironic that I feel were so close yet so far from each other.
Krooo Krooo Krooo, awkward!
Buti na lang tahimik din sa sinehan nung magsimula na yung pelikula kaya nag focus na din lang ako sa panonood. Ang bango niya shit naamoy ko pabango niya, focus focus! Arghhh! Ang hirap, alam mo yung feeling na gusto mong lumingon sa side niya pero pakiramdam mo mahuhuli ka niya kaya hindi mo magawa. Olats, wala pang ¼ ng pelikula distracted na ko kaya napagdesisyunan kong magbanyo.
Nagulat na lang ako ng makita ko si Andrew na naghuhugas ng kamay sa sink paglabas ko ng cubicle. Dineadma ko, nagdire-diretso ko sa katabing sink at naghugas ng kamay ko. Krooo krooo krooo, walang ibang tao sa loob ng banyo kaya lagaslas lang ng tubig ang maririnig mo.
“Kayo na pala ni Liezel.” Napatingin ako ng magsalita siya.
Hindi ako sumagot, sa tono naman kase ng boses niya parang hindi naman siya nagtatanong, hindi nga ba? Ewan!
“Kelan pa?” Sumunod na tanong niya.
“I think it’s really no skin off your nose Andrew.” Sagot ko habang tinutuyo ng panyo ang kamay ko.
There, that did him; I took advantage of the moment and chose to leave.
“Si Andrew?” Tanong ni Kate pagkabalik ko sa seat ko.
“Ha?” Nag maang-maangan ako.
“He went to the bathroom too.” Sagot niya.
“Ahh ganun ba? Hindi ko ata napansin.” I said sabay tingin kay Liezel, alam kong alam niyang may ganap.
A minute later dumating si Andrew at bumalik ang atmosphere sa dati, awkward. Sinubukan ko na lang mag focus sa pinapanood ko pero ang harot ni Liezel, andyang susubuan niya ko ng popcorn, hihilig siya sa balikat ko tapos out of nowhere biglang hahawak sa kamay ko. Jeez nakakasuka!
“I know what you’re doing.” Bulong ko kay Liezel at ang bruha umarte pa na parang nakiliti sa ginawa ko.
“So?” Bulong naman niya saken, ramdam kong nakangiti ang gaga. Pasulyap kong nakita si Kate at Andrew na nakatingin samin ni Liezel.
“Well, two can play.” Sagot ko kay Liezel sabay akbay sa kanya, hinilig naman niya ang ulo niya sa dibdib ko. Alam kong nakangiti ang gaga at kahit ako hindi ko rin mapigil ang ngiti ko.
Tumingin ako saglit kay Andrew pero nahuli niya ko kaya agad kong binawi ang tingin ko.
Natapos ng tahimik ang pelikula, parang yun na ata ang pinakamahabang pelikulang napanood ko sa buong buhay ko, pakiramdam ko nga hinold ko yung breath ko the whole time at nakahinga lang ako nung lumabas na kame ng sinehan.
“San kayo?” Tanong ni Kate kay Liezel.
“Kakain sana.” Sagot naman ni Liezel na parang nagpapaalam saken.
“Good, sabay sabay na tayo gutom na rin ako eh, treat ko.” Sagot ni Kate habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Andrew na parang nagpapacute pa rito.
“Ahh hindi na… actually may bibilhin pa kasi kame ni Liezel eh, baka matagalan pa kame.” Inunahan ko ng sumagot si Liezel sabay abot at pisil sa kamay niya bilang warning.
“Ahh oo nga pala.” Pag sang-ayon naman ni Liezel na mukhang naintindihan ang gusto kung ipahiwatig.
“Oh sayang naman, anyways it was nice meeting you Liezel, and I hope to see you more Kyle, balita ko kase hindi daw kayo nagpapansinan nitong si Andrew, I hope maayos na kung anuman yung naging problema niyo.” Sagot ni Kate na ikinabigla ko, so alam niya? Shit ano kaya mga kinukuwento ni Andrew sa kanya?
“Haha…” Nagpilit na lang ako ng tawa sa sinabe niya.
“Sige we’ll go na.” Sagot naman ni Kate.
Ngitian na lang hanggang sa mawala na sila sa paningin namin ni Liezel.
“May bibilhin pala ah.” Pang asar ni Liezel nung makalayo yung dalawa.
“Baliw! Halika na nga at gutom na rin ako.” Hinila ko na lang siya sa kabilang direksyon.
Napag-usapan namin ni Liezel over dinner ang naging encounter namin ni Andrew sa banyo.
“Obvious namang curious siya sa mga nangyayari sa buhay mo lalo na sa lovelife mo no.” Paliwanag ni Liezel.
“Neknek niya, iiwasan niya ko tapos ngayon magtatanong siya tungkol sa buhay ko, baket?” Sagot ko.
“Kalma! Sa pagkaka-alam ko wala namang ampalaya tong pizza pero bakit parang mas bitter ka pa? Alam mo yun nga rin ang iniisip ko eh, tsaka kanina nung sa sinehan parang ang cold niya kahit kay Kate bat ganun?” Sagot at tanong niya habang ngumunguya ng pizza.
“I don’t care, at least success tayo sa pagpapakitang I can live without him, kala niya kakulangan siya ah, ulol haha.”
“Yun ba talaga? Baka naman pinagselos mo siya dahil ang gusto mo talagang malaman eh kung affected ba siya kung sakaling magkarelasyon ka?” Napahinto ako sa pagtawa.
Bato bato sa langit tamaan SAPUL!
“Mainit lang ulo nun pano ba naman ayaw na nga niya kong makasama diba?” Iniba ko na lang ang usapan.
One week after ng insidente sa mall balik sa dati ang lahat sa school, hindi pa rin kami nagpapansinan na parang hindi kame nag-e-exist sa buhay ng isa’t-isa. Sa isip isip ko okay lang, anu bang ine-expect mo Kyle? Na magseselos siya sa ginawa mo? Magkape ka nga oy! Nagawa ka nga niyang kalimutan at yung 3 years niyong friendship ng ganun ganun lang tapos dahil lang may iba ka ng bestfriend maapektuhan na siya? Baket?
“Hoy tulala ka na naman!” Panggugulat ni Liezel.
“Bhe pwedeng favor?” May naisip ako.
“Anu na naman yan? Baka kalokohan na naman yan ayaw ko.” Pagtanggi niya.
“Hindi promise hindi kalokohan to.” Pakiusap ko.
“Anu ba yon?” Nakakunot noong tanong niya.
Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang isang red and white jersey jacket na may nakaburdang Kyle sa likuran at 07 sa harapan bandang kaliwang dibdib. Kilala ni Liezel ang jacket na yon, ilang beses ko na rin kasi itong nagamit sa school. Ang jacket na bigay ni Andrew sakin bilang peace offering daw nung hindi ko siya pansinin dahil sa kakulitan niya. Isang beses kase naglalaro kame ng psp sa condo, nung matatalo ko na siya biglang nangiliti ang loko, gawain niya talaga yon para i-distract ako, minsan pa nga wre-wrestlingin niya ko para lang wag siyang matalo kaso nung araw na yon napikon ako kaya hindi ko talaga siya pinansin. Sorry siya ng sorry pero deadma lang ako.
“Sakto giniginaw ako.” Sabay hablot ni Liezel sa jacket ko.
“Baliw hindi ko pinapagamit sayo, ahhhmmm… ikaw na magsoli kay Andrew.”
“Haaa? Bat ako? Kala ko ba wala ka ng paki dito tsaka hindi naman niya magagamit to hello may pangalan kaya oh!” Sabay pakita ni Liezel ng burda sa likuran ng jacket.
Naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa jacket kaso hindi ko nga alam kung isosoli ko pa ba o wag na lang, hindi ko rin naman kayang itapon na lang pero siguro nga kung gusto ko talagang tuluyang maka move on kailangan ko na ring I let go lahat ng memory ko about him.
“Sige na ikaw na bahala.” Pagpipilit ko kay Liezel.
“Hay nako bahala ka!” Pagtanggi niya.
“Sige na sige na, uy papayag na yan.” Pangungulit ko kay Liezel sabay kiliti sa bewang nito.
“Ano ba ahh haha, anu ba kase ayaw ko, tama na ahh haa.” Hindi naman magkanda tuto si Liezel sa pag-iwas sa kamay ko.
“Anu ba yan Mr. Espinosa at Ms. Perez, kung maglalandian kayo wag dito sa klase ko.” Saway ni Mam Gina.
“Oyyyy! Yiiieeeee!” Kantyawan at palakpakan ang klase.
Natigilan kami ni Liezel, nakakahiya shet!
“Ikaw kasi eh.” Sisi niya sabay kurot sa tuhod ako.
“Aw! Naman ang arte kasi eh.”
“Ahh maarte? Sige ikaw na lang magsoli niyan.” Sabay balik ng jacket sakin.
“Eto naman kinilig ka naman, joke lang. Sige na isoli muna please!”
“Tsss, siya siya wag ka ng mangulit napagkakamalan tayo eh, ewww.”
“Haha... salamat I love you haha.” Sabay kapit sa braso niya.
“Tigilan mu nga ko anu ba?” Pilit niyang inaalis at pinapalo yung kamay ko.
“Yiiiiieeeeee! Nice one Kyle!” Sigaw nung nasa likuran ko.
“Wooaaahhhh!” Sigawan at palakpakan na naman sila, napatingin ako kay Kyle, blangko ang expression ng mukha niya.
“Anu ba tanggalin mo na nga yang kamay mo nakakahiya.” Natauhan naman ako sa sinabe ni Liezel kaya inalis ko na rin ang kamay ko.
“Oh sige na isoli mu yung jacket ah, basta isoli mo na lang wag ka ng magbigay ng dahilan, ok?” Tanong ko.
“Oo na ketong na paulit ulit.” Sagot niya sabay suot ng jacket.
“Peram muna malamig eh, haha.” Dugtong niya.
“Bahala ka.”
Natapos ang last subject pero hindi naisoli ni Liezel yung jacket, bukas na lang daw. Sus if I know gusto lang niya yung jacket, maghapon ba naman niyang suot? Sa isip isip ko nga parang wala na ata tong balak isoli ah.
“Sige iyo muna, ikaw na bahala.” Sabi ko na lang.
“Okies, kita kits bukas.” Sabay halik niya sa pisingi ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
“Paraan nga, sa daan pa kasi naglalandian.” Sabay daan ni Andrew sa pagitan namin ni Liezel.
Saglit kong naramdaman ang pagdampi ng braso niya sa tiyan ko at ang amoy niya, ang pinakamabangong amoy sa ilong ko.
“Problema nun?” Si Liezel, napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa direksyong nilalakaran ni Andrew.
“Nakaharang raw tayo sa daan.” Sagot ko.
“Ang luwag luwag ng corridor oh hello!”
“Sus halika na nga.” Pinutol ko na lang ang usapan.
Isang linggo, isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin naisosoli ni Liezel yung jacket, wala na inarbor na ng bruha. Nag-enjoy masyado in fact araw araw na nga niyang sinusuot. Hindi ko na rin kinulit, bahala na kung gusto niya sa kanya na lang tutal hindi ko na rin naman alam kung anung gagawin ko dun, mabuti na rin siguro yun.
“Oh Mr. Espinosa and Ms. Perez kayo na ah?” Tanong ni Mam Gina.
Ha? Anu daw?
“Sige po mam kami na pong bahala, diba bhe?” Sagot ni Liezel sabay tingin at tanong sakin.
“Yiiiieeeeeee!” Kantyawan na naman sila.
Napatango na lang din ako ng makita kung nag-aabang si mam ng sagot. Anu daw? Anung kami ng bahala? Hay ewan!
Natapos ang 3 subjects na puro kantyaw ang inabot namin sa mga kaklase namin, eto namang si Liezel tuwang tuwa parang nag-e-enjoy pa nga eh, hindi tuloy ako nakahanap ng tiyempong itanong kung anu ba talaga yung sinasabi nila.
“Hindi kasi nakikinig.” Sumbat ni Liezel matapos niyang ipaliwanag sakin ang nangyari kanina habang kumakain kame ng lunch sa ministop. Halos mabulunan ako sa mga sinabe niya.
“Naku hindi ako mahilig sa ganyan nakakahiya.” Pagpupumilit kong mag back out kame.
“Hindi pwede nasabi ko na no, tsaka nag confirm ka rin naman diba? Wag ka ng maarte exposure din to, malay mo manalo tayo eh di sikat tayo sa school diba? Plus wala na tayong poproblemahin sa finals, malay mo hindi pa tayo pahirapan ni mam sa defense ng thesis natin, sige na kasi.” Pagpupumilit at pagdadahilan niya.
“Hay nako bahala ka!” Sinubukan kong mag-galit galitan.
“Oy payag na siya, wuh ngingiti na yan. Ahhh… Say Ahhh… sige na.” Pilit niyang sinusubo sa bibig ko yung kutsara niya na may ice cream.
Sumubo ako, anu pa nga bang magagawa ko eh kahinaan ko yata ang dark chocolate ice cream ng ministop.
“Yehey! Aarte pa eh.” Kita mo yan parang bata.
Wala lang naman pala yon, wala lang kami lang naman ang representative ng course at year level namin sa parating na Lakan and Lambini 2013. Okay lang papanuorin lang naman kami ng lahat ng estudyante sa school habang rumarampa ng naka school uniform, casual, at formal attire, tapos mag ta-talent ng at least 2 minutes. No big deal. Fuck!
“Wag kang umasa hindi naman tayo mananalo diyan no, mediocre lang mga itsura natin oy, tsaka wala kong talent.” Drama ko.
“Sus don’t worry I’ll teach you, tsaka magkasama naman tayo sa talent partner partner yun eh. Ako ng bahala kahit di manalo basta makilala tayo.” Dahilan naman niya.
Patapos na ang klase ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
“Sige bhe una ka na I need to pee.” Paalam ko kay Liezel.
“Okay bye, don’t forget magpa-praktis na tayo tom ah!”
“Oo na sige na atat naman to 1 month pa yung pageant eh, sige na bye.”
“Mabuti na yung ready, sige ingat.” Sabay halik niya sa pisngi ko. Nasanay na rin ako sa mga beso niyang ganyan, ganun naman talaga pag close na kayong magkaibigan diba?
Dire-diretso ko sa banyo, pasok sa cubicle at jingle.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ng banyo napahinto na ako sa nakita ko.
My heart starts to flutter.
Alam mo ba yung pakiramdam na parang nakita o naramdaman mo na ang isang bagay, na feeling mo parang nangyari na ito?
Deja vu.
“Mag-usap tayo.” Sabay hila niya sa kamay ko pabalik sa cubicle, sa isang iglap isinandal niya ko sa pintuan and he trapped me between his arms effectively immobilizing me.
Kinabahan ako, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko hinahabol ko ang hininga ko. So far lahat ng tagpo namin sa banyo hindi maganda ang kinalabasan.
“Anu ba Andrew baka may makakita at makarinig satin kung anung isipin.” Pilit ko siyang tinutulak sa dibdib pero mas malaki at mas malakas siya sakin.
“Eto!” Sabay alis ng isang kamay niya sa kaliwang dingding ng banyo. Noon ko lang napansin na hawak hawak pala niya yung jacket na bigay niya. Panu nangyari yon? Diba na kay Liezel yun?
“Wag na wag mong ibabalik lahat ng binigay ko sayo, nasasaktan ako.” Kitang kita ko ang galit sa mukha niya, but it wasn’t just that, he looked vulnerable, he looked pained.
I cock my head to one side.
Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hawakan sa baba at pilit iniharap ang mukha ko sa mukha niya, sa pagkakataong to mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, iba na ang nakikita ko sa mga mata ni Andrew.
Dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko, palapit ng palapit ito hanggang sa ilang distansya na lang ang namamagitan sa mukha namin lalo na sa mga labi namin. Napapakit na lang ako sa hindi ko malamang kadahilanan.
Para bang inaantay ko na lang na magdampi ang mga labi namin but instead…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Skin Off Your Nose (Part 1)
Skin Off Your Nose (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj2sPYvNcGHqX6eO2cdbKZRrGRwsxomIyMpDdXEDFAhCKwqq5gDyhe64potEjqJmrrcnka2s-v8kLZJe8EF277Vv9lrEeiKQFXFxJ2hc3XHjMXDfLxRxwlWbTf5SvCpve37dM7lDT0U8iuJ/s1600/jheem.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj2sPYvNcGHqX6eO2cdbKZRrGRwsxomIyMpDdXEDFAhCKwqq5gDyhe64potEjqJmrrcnka2s-v8kLZJe8EF277Vv9lrEeiKQFXFxJ2hc3XHjMXDfLxRxwlWbTf5SvCpve37dM7lDT0U8iuJ/s72-c/jheem.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/07/skin-off-your-nose-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/07/skin-off-your-nose-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content