$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tatlong Ugok (Part 1)

By FictionsOfAJ  Kahit malayo pa lang ako sa tambayan ng barkada ay  dinig ko na ang malalakas na tawanan ng mga mga kaibigan  ko. Ang lalak...

By FictionsOfAJ 

Kahit malayo pa lang ako sa tambayan ng barkada ay  dinig ko na ang malalakas na tawanan ng mga mga kaibigan  ko. Ang lalakas talaga ng mga trip ng mga ito. Nung makarating ako sa harap ng tindahan ng mga Perez  ay naaninag ko na ang mga mokong. Sila Henry,  Terrence at Derrick. Ang tatlong ugok. "Uy Aldo!" bati sa'kin ng pilyong si Terrence. Ang  gagong mukhang nerd pero gago talaga. Kahit na may  salamin siya, loko-loko pa rin yan. Nerdy-looking lang  talaga. "Oh ano trip niyong tatlo? Nakadrugs ba kayo?" ganti  kong sagot sabay upo sa tabi ni Derrick. "Baliw hindi, may naisip kasi tong si Henry." sabi ni  Terrence. "Ano?" tanong ko kay Henry. Ang mayamang dude.  Mayaman ang pamilya niya kumpara sa aming tatlo na may  kaya lang. "Mag-boarding house tayo!" sabi ni Henry. "Huh?" gulat kong sabi, "Bakit?" Nagtataka akong tumingin sa kanila. Anong trip ng mga  'to? Medyo malayo nga ang college school na  pinapasukan namin, pero wala naman kaming problema. "Ano ka ba pare, masaya mag-board!" singit ni Terrence,  sabay akting, "May freedom!" Natawa yung dalawa, habang ako nagtataka pa rin.  Boarding house? Bakit? "KJ naman neto, payag ka na! Di naman mahal eh,  makakatipid ka pa nga." sabi ni Henry. "Sige na, payag ka na." singit naman ni Derrick. Ang  silent type. Ika nga sa utot, silent but deadly, maliban kay  Henry, si Derrick ang isa pang matinik sa chicks. "Bakit nga kasi?" pagpupumilit ko. "Trip lang pare, para masaya. Sama-sama tayong apat sa  iisang kwarto. Hati-hati sa renta, oh diba. Tipid!" sabi ni  Terrence na mukhang pinaka-excited sa lahat. Paano ba  namang hindi siya sasang-ayon sa trip ni Henry eh  magbespren yang dalawa. Kung anong gusto ng isa,  gugustuhin din ng isa. "Magkano?" tanong ko. "1,500." Mura nga, "Sige na nga." "Ayun! Payag din si Aldo!" pagcecelebrate ni Terrence. "Maghanda na kayo sa paglilipat sa linggo. Nagawan ko  na ng paraan yung paunang bayad, yung last installment  na lang ang pag-aambagan natin." sabi ni Henry. "Linggo agad?" gulat kong tanong. Biyernes ngayon,  hapon. "Alam ko kasing papayag na kayo." nakangiting sabi ni  Henry. "Kausapin ko na lang si Tita para pumayag." biglang  sabat ni Derrick. Si Mama nga ang iniisip ko, baka di ako  payagan. "Ikaw bahala ah, lagot ako dun pag ako nagpaalam."
sabi  ko. Magkalapit ang mga magulang namin ni Derrick, tas  magkalapit pa ang mga bahay namin. "Under ka pala sa nanay mo eh!" pang-aasar ni Terrence  sa akin. "Gago!" sigaw ko sa kanya. Nagtawanan ang buong  barkada kasama ako. "Haay, kaya naman pala may maingay na naman sa harap  ng tindahan ko. Andito na naman kasi kayong apat." sabi  ng isang matandang boses sa loob ng tindahan. "Good Morning, Lolo Jose! Kamusta tulog niyo?"  mapang-asar na tanong ni Terrence. "Maayos naman, kung di lang kayo nambulabog mga  gunggong kayo." Tawanan lahat. Close kaming apat kay Lolo Jose, payag naman siyang  maging tambayan naming apat ang harap ng tindahan  niya. Siya lang naman kasi ang nakatira dito. Malaki yung  bahay pero nag-iisa na lang si Lolo Jose sa buhay.  Namatay ang asawa niya dalawang taon na ang  nakakalipas. Wala pa silang naging anak. "Pabili nga po ng apat na softdrinks, Lolo Jose." sabi ni  Henry, sabay labas ng pitaka. "Coke?" "Opo." sagot ni Henry sabay labas ng one-hundred.  Hanep, daming laman ng pitaka. Wala akong makitang  kulay red o orange, puro kulay violet. Minsan nga dilaw at  blue na papel ang nakikita ko. Bumili na rin si Henry ng chichirya para sa aming apat. Ganyan si Henry, galante kung manlibre. Minsan nga  tumatanggi kaming tatlo pero gusto naman daw niya gawin  ito. Walang pumipilit sa kanya kaya wala kaming choice.  Pero pag siya naman ang nililibre ng isa sa amin. Hindi rin  siya tumatanggi, kahit papano ay nababawian namin si  Henry. "Lolo Jose!" biglang sabi ni Terrence. "Oh?" "Mamimiss namin kayo." paglalambing ni Terrence. "Anong kalokohan iyan?" natawa kaming apat sa mukha ni  Lolo Jose, parang nandidiri, haha. "Aalis na kami eh, magboboard na kami simula ngayon."  patuloy sa pantitrip si Terrence. "Board?" "Boarding house po." "Ahh, aba'y sa wakas. Maaari na akong makatulog ng  mahimbing sa hapon." Tawanan. "Di niyo naman kami tinataboy, Lolo Jose?" "Di naman." sagot ni Lolo Jose, "Pwede na kayong  umalis." Tawanan ulit. Eto ang makulit kay Lolo Jose eh,  sumasakay sa trip namin. Nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan sa harap ng  tindahan ni Lolo Jose hanggang sa unti-unti nang  dumilim. Napagpasyahan naming magsiuwian na.  Magkasama si Terrence at Henry (Bestfriends eh) at  kami naman ni Derrick. Hindi naman kami ganun ka-close ni Derrick. Tahimik  nga to eh, wala tuloy nagsasalita sa aming dalawa kasi ako  ang pangalawa sa pinakatahimik sa grupo. Pangatlo si  Henry, at ang pinakamaingay sa aming apat ay si  Terrence. "Diretso ka na sa bahay para ipagpaalam mo ko kay  Mama." sabi ko kay Derrick habang nakatingin sa kanya. "Sige." Nagtetext si Derrick sa cellphone niya kaya malaya  akong matitigan ang gwapo niyang hitsura. Isa sa dahilan kung bakit nag-aalinlangan akong pumayag  sa pagboboarding house ay dahil sa sexual orientation  ko. Nalilibugan ako sa kapwa ko lalaki. Parang may uhaw  sa loob-loob ko na lalaki lang ang makakapatid. Umiwas na ako ng tingin kay Derrick. Si Derrick ang  pinakatrip (translation: pinagnanasahan) ko sa kanilang  tatlo. Matangkad, makapal ngunit magandang buhok (sa  ulo ha, sa may anit), makinis at gwapong mukha, may  pagkamatalino at mabait. Shit, ang perfect niya. Idagdag  pa ang nakakatakam niyang katawan. Nasilayan ko na ang katawan nilang tatlo dahil may isang  gym na kung saan sabay-sabay kaming apat sa pag-  eexercise. At sa aking opinyon, yung kay Derrick ang  pinakamasarap. Sakto lang ang kay Derrick. Sobrang  laki nung kay Henry (katawan ha), samantalang yung kay  Terrence ay medyo slim. Yung akin? Okay lang, pwede na. Haha. Ang napapansin nila sa akin ay ang kutis ko. Parang ang  kinis daw parang sa babae. Syempre mga gunggong yon  kaya inaasar ako minsan na pahipo daw. Di nila alam na  kung seryoso sila dun ay payag na payag ako. Basta ba  eh papayag din silang pahipo sa akin. Haha. Nawala ako sa sarili kong mundo nung makarating kami sa  bahay. Syempre nandito si Derrick kaya maganda ang  bati ni Mama saming dalawa. Bisita eh. Pinagpaalam ako ni Derrick. Nung una eh nag-  aalinlangan si Mama, pero nung sinabi ni Derrick yung  magic words ay pumayag na si Mama. "Ako na pong bahala kay Aldrin." Oo agad ang sagot ni  mama. Tunay kong pangalan ang Aldrin, hindi Aldo, nickname  lang sakin yun ni Terrence at ng barkada. Nakikain na sa amin si Derrick. Kita mo, feel at home si  Derrick dito. Pero nananatiling malayo ang loob ni  Derrick sa akin. Di ko alam kung bakit. Ganun din naman  siya sa barkada eh. Ayoko nang magpahalata masyado  na gusto kong mapalapit sa kanya. Baka malaman niya pa  ang malalim kong pagtingin at pagnanasa, lalo pa niya  akong layuan niyan. --------------------------------------------- "WOW!" exaggerated na sigaw ni Terrence  pagkapasok namin sa loob ng board namin. Sakto lang  ito. May C.R. sa isang sulok at tabi nito ang lababo.  De-tiles ang lababo. Sa gilid ng mahabang lababo ay ang  kalan na pwedeng paglutuan. Sa ibabaw ng lababo ay  may cabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit  pangkusina. May isang mahabang kawayang upuan at isang malaking  stand fan sa kabilang gilid. Tapos may dalawang kwarto, at sa loob ng mga ito ay  may kama na pangdalawahan. Parehong may cabinet at  bedside table sa loob. May tig-isang electric fan pa. Hanep! Hindi nga exaggerated ang pag-WOW ni  Terrence. Ang ganda nito. "Pang 1,500 lang to?" tanong ko kay Henry na nakaupo  na sa upuan at nag-aayos na ng gamit. "Kakilala ko ang anak ng may-ari nito eh. Kaibigan ko."  nakangiting sagot ni Henry. "Sinong magkakasama sa kwarto?" tanong ni Derrick na  nakaupo sa kabilang gilid ng upuan. Si Terrence naman  chineck yung C.R. "Kami ni Rence. Tas kayo ni Aldo." sagot ni Henry sa  tanong niya. Napalunok ako ng di oras. Kinakabahan ako, makakatabi  ko si Derrick. Shit. Makakatabi ko yung  pinagnanasahan kong lalaki. Pero naisip ko malaki yung dalawang kama. Magkalayo pa  rin kami kaya walang malisya kung magtatabi kami. Walang  sikuhan, tadyakan, o kaya hipuan na mangyayari dahil  malaki yung space. Tama Aldrin, malaki yung space.  Malaking-malaki. Malaki. Lumabas si Terrence mula sa C.R. "Party time na!" ----------------------------- Inuman pala ang ibig-sabihin ni Terrence. Lasinggero  talaga yung taong yun eh, kasama niya si Henry.  Samantalang kami ni Derrick, mga light drinkers lang.  Pero nagkakamali ata ako eh, kahit si Derrick, umiinom ng  marami. May pasok pa naman bukas, baliw tong tatlong  to. Nagkukwentuhan kaming apat sa may sahig habang  umiinom. Ayaw namin sa lamesa, mas presko sa sahig. Nagtatawanan kami sa kwento ni Terrence nung may  kumatok. Agad na tumayo si Henry na parang inaasahan  niya na ito. Pagkabukas niya ng pinto, iniluwal nito ang  isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng  pambahay. "Mga pare, si Janett nga pala." pakilala ni Henry. Sa di  malamang dahilan ay tahimik lang si Terrence at  nakatingin. Nakakapagtaka kasi sa ibang pagkakataon ay  siya ang unang kumikilos pag may babae. Ako ang unang bumati dahil parehong tahimik yung  dalawa. Sumunod si Terrence na alam kong pilit lang  tapos sumunod si Derrick. "Mga barkada ko. Si Aldrin (turo sa akin), si Terrence  (kumaway si Terrence), at si Derrick (tumango lang si  Derrick habang nakangiti)." "Okay lang ba kayo sa kwarto?" tanong ni Janett. "Ayos nga eh!" pagbabalik-sigla ni Terrence. "Ang  ganda! Kasing ganda mo." "Ang corny mo, baliw!" pang-aasar ni Henry. Tawanan  kaming apat kasama si Janett. Matapos nun ay nagpaalam na si Janett, siya pala yung  tinutukoy ni Henry na anak ng may-ari na kaibigan niya. "Kaibigan lang ba?" mapang-asar na tanong ni Terrence. "Gago, di ko type yun! Friends nga lang kami!"  pagrarason ni Henry. "May babae ka bang hindi type? Lahat naman ata eh!" "Gunggong!" Tawanan kami ulit. Nagpatuloy ang kwentuhan,  kantsawan at asaran hanggang alas dyes ng gabi. Lasing  na lasing na yung tatlo, habang ako medyo hilo lang. Si  Terrence maingay, habang si Henry paungol-ungol  sumagot, tapos si Derrick (as usual) tahimik kahit lasing.  Sakit na niya ata ang pagkatahimik. Mga alas-diyes kinse napagpasyahan na naming matulog. Yung mga loko diretso agad sa kanya-kanya nilang  pwesto habang ako eh nagligpit pa. Mga mandaraya! Inayos ko na rin yung gamit ko para bukas. Ako lang kasi  ang may pasok ng umaga, mga 7:30 AM, kaya hindi ako  masyadong uminom. Si Derrick mga 10:30 AM pa.  Yung dalawa, parehong 12:00 ang pasok. Matapos gawin ang lahat ng yun, nag-ayos na rin ako ng  higaan. Nahiga na ako sa tabi ni Derrick, na  kasalukuyang nakadapa at nakaharap ang mukha sa  opposite side ko. Tama nga ang hinala ko, malaki ang space sa pagitan  namin, hindi nakakailang. Pinikit ko na ang mata ko para matulog. --------------------------- "Ooooooh, sarap..." Naalimpungatan ako, mababaw pa naman ang tulog ko.  Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lang ang paligid.  Laging may dahilan kapag nagigising ako ng madaling  araw. Narinig ko ulit ang isang pamilyar na tunog pero ngayon  alam ko nang malayo ito. Parang nasa kabilang kwarto. Pinakiramdaman ko ulit ang paligid at nakinig ng mabuti.  At isang ungol na naman ang narinig ko. Dahan-dahan  akong tumayo at lumabas ng kwarto. Tumayo ako sa tapat ng kwarto nila Terrence at Henry. "Shit, aaaaaahhhhh...." Hinawakan ko ang door knob at gulat kong nalaman na  hindi nakasara ang pinto. Itinulak ko ito ng matahimik para  makagawa ng maliit na siwang. Lumuhod ako at unti-  unting sumilip sa loob. Nakita ko ang isang nakakalibog na tanawin: si Terrence  nakaluhod sa harap ni Henry at labas pasok ang ari nito  sa bibig ng isa..

Itutuloy...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Tatlong Ugok (Part 1)
Tatlong Ugok (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjzmT-6K8WmWWUsGZRvCsaYPZRLV-KbvrJtfxMYtPFAaUwln-emVX8GuPM5vxLn67w7XwO4hl6KFRhceSohedLbJtvQR0ERH7WkbblW0X5U02T1cZHXP6vjdyshRo479x8UGeZ-jyErqc0i/s1600/tumblr_n6jxsnWQMQ1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjzmT-6K8WmWWUsGZRvCsaYPZRLV-KbvrJtfxMYtPFAaUwln-emVX8GuPM5vxLn67w7XwO4hl6KFRhceSohedLbJtvQR0ERH7WkbblW0X5U02T1cZHXP6vjdyshRo479x8UGeZ-jyErqc0i/s72-c/tumblr_n6jxsnWQMQ1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/07/tatlong-ugok-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/07/tatlong-ugok-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content