$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Yakap ng Langit (Part 7)

By: James Silver Chapter 7: Raffy’s POV Tulala sa kawalan si Katrina, hindi ko alam kung nakikinig ba sya sa mga sinasabi ko sa kanya. Wala ...

By: James Silver

Chapter 7: Raffy’s POV

Tulala sa kawalan si Katrina, hindi ko alam kung nakikinig ba sya sa mga sinasabi ko sa kanya. Wala akong makitang bakas ng anuman sa mukha nya. Maya maya pa ay nakita ko nang tumutulo ang luha nya. Hihimasin ko sana ang likod nya para pakalmahin sya pero bigla nyang tinapik ang kamay ko.

Katrina: Please wag mo akong hawakan. Sinusubukan kong patawarin ka pero sa tingin ko hindi ko pa kaya. Wag muna tayong mag-usap, naguguluhan pa ako.

Raffy: Naiintindihan ko, pero sana kahit mahirap makita mo na sobra ang pagsisisi ko sa ginawa ko sa’yo.

Katrina: Yun na nga ang mahirap tanggapin eh. Yung pinagsisihan mo yung nangyari sa atin. At humihingi ka ng tawad sakin ng dahil dun, ginusto ko rin yun Raffy. Ayaw mo ba sa nangyari sa atin? Hindi mo ba nakikita na ibinibigay ko na buong kaluluwa ko sa’yo. Oo ako ang nag-umpisa nun, gusto talaga kitang akitin kagabi. Dahil gusto kita Raffy. Mahal na kita, kaya wala na akong pakialam kung anuman ang kahihinatnan ng ng pagiging mapusok nating dalawa kagabi. Pero bigla akong napahiya sa sarili ko. Nakakahiya ako, nagmukha na akong puta ng dahil sa’yo. Pero tinanggihan mo ako, hindi mo alam kung gaano kasakit yun para sa akin.

Gusto ko na ipagtapat sa kanya ang tungkol sa amin ni James pero napipi ako sa mga sinabi nya. Naramdaman ko kasi ang sakit na pinagdadaanan nya. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat ko sabihin para mapatawad na nya ako. Wala akong maisip, napakalaking katangahan ang ginawa ko.

Katrina: Wag muna tayo mag-usap. Gusto ko muna mag-isip ayoko munang makita ka Raffy. Pabayaan mo muna ako.

Agad syang umalis pagkatapos nya sabihin ang lahat ng iyon. Bigla na lang nagpatong patong ang mga iniisip ko. Iniisip ko kung mapapatawad ba ako ni Katrina sa mga ginawa ko. Iniisip ko rin kung napatawad na ba talaga ako ni James. Naguguluhan ako sa mga nagyayari sa akin. Nakakapagod, kung merong bagay na pupwede ko mabili para ibalik ang oras ay uubusin ko lahat ng pera ng pamilya ko para lang mabili ang bagay na iyon.
At sisiguraduhin kong hindi na ulit mangyayari kung ano man ang naganap kagabi. Isang napakalaking pagsisisi ang pinagdadaanan ko ngayun. At wala akong magawa para dito.

Pinalipas ko ang buong araw ko sa bahay. Nasa kwarto lang ako. Walang gana kumain. Hindi ko alam ang mga dapat ko isipin. Parusa ‘to ang hirap ayoko ng ganitong pakiramdam. Natutuliro ako. “Ambobo mo Raffy, napakatanga mo. Nanakit ka ng taong malapit sa’yo at higit sa lahat sinaktan mo ang pinakamamahal mo. Wala kang kwenta.” Ang sabi ko sa sarili ko. Hindi nagtetext si James. Tinatawagan ko sya pero hindi rin nya sinasagot. Doon ako lalong napraning. Gusto ko syang puntahan sa kanila pero nagdadalawang isip ako. Baka hindi nya pa ako napatawad ng tuluyan. Kaya gusto ko syang bigyan ng panahon para makapag-isip.

James’s POV

Mr. Wee: Oh, sige ibibigay ko sayo yung number ng susundo sayo para madali kayong magkita.

James: Sige po.

Pagkatapos namin mag-usap ay may tumawag, sya raw ang susundo sa akin. Naghintay ako, tumatawag sya sa akin at ibinibigay ko sa kanya ang direksyon kung nasaan ako. Hanggang sa nagkita na kami nung taong susundo sa akin. Dinala nya ako sa Makati, doon sa isang restawran na ang pangalan ay “Banana Leaf”. Namangha ako sa ganda ng lugar at napansin ko na puro mayayamang tao lang ang nandun. Inihatid ako nung driver sa loob, dahil baka raw hindi ako papasukin. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang kasi ito ang unang beses ko makarating sa ganitong kainan. Isa pa naiilang ako sa mga suot nila puro magaganda, samantalang ako naka polo shirt lang at maong na pantalon, maganda rin naman ang porma ko pero parang hindi angkop sa ganitong lugar. Nakita na namin ang tatay ni Raffy, pinaupo ako at agad nyang pinaghintay ang driver doon sa sasakyan. Nagtataka ako kung bakit ang napaka-abalang tao na katulad nya ay makikipag-usap sa akin. Maya-maya pa ay umorder na sya ng makakain namin, hindi ko na masyadong inintindi yung pagkain. Kinakabahan kasi ako sa kung ano man ang sasabihin nya.

Mr. Wee: Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi lingid sa kaalaman ko ang relasyon mo sa anak ko. Kaya ang gusto ko sana eh itigil nyo na ang relasyon nyo habang maaga pa.

James: Po? Ah eh, Ahm! (gusto kong itanggi, pero mukhang alam na nga nya talaga)

Mr. Wee: Wag mo nang itanggi, dahil alam ko naman lahat ng tungkol sa inyo. Inihahanda ko na si Raffy sa mga obligasyong hahawakan nya pag dating ng araw. At ayaw ko syang maabala, kaya gusto kong itigil nyo na ito. Bukod kasi sa hindi kayo nababagay ng anak ko eh, pareho pa kayong lalaki. Naiisip mo ba kung anong kahihiyan ang idudulot nun sa pamilya namin? Alam kong naging mabuti kayong magkaibigan, at nagpapasalamat ako doon. Marami rin kayong naitulong sa mag-ina ko, kaya naman gusto ko rin suklian iyon ng kagandahang loob. Bibigyan ko kayo ng bahay, pag-aaralin kita at ang mga kapatid mo. At pera para makapagbukas ng kahit maliit na negosyo. Pero ang kapalit nun ay ihihinto mo na ang pakikipag-kita sa anak ko. Para naman hindi ka masyadong mahirapan ay, bibigyan kita ng panahon para makipaghiwalay sa anak ko.

James: Pero papaano po ang anak nyo, ayoko po syang saktan. Mahal ko po talaga sya, wala pa kayo sa buhay nila mahal ko na sya. Kaya papaano ko po sya hihiwalayan? Hindi ko po sya kayang iwan, at hindi ko po alam ang gagawin ko pag nagkahiwalay kami.

Mr. Wee: Kaya nga binibigyan kita ng panahon para makapag-isip ng paraan kung papano mo sya hihiwalayan ng hindi nasasaktan. Ganun lang naman kadali ang hinihiling ko. Isipin mong mabuti, masaya na kami ngayun bilang isang pamilya. Sa piling ko magkakaroon sila ng mas magandang kinabukasan. Maaatim mo bang sirain ang magandang kinabukasan nya kapalit ng panandaliang kaligayahan na dulot ng relasyon nyong dalawa. Kung itutuloy nyo ang relasyong yan, para na ring sinira mo ang buhay ng anak ko. Hindi ko yun mapapayagan. Gusto ko ring maging masaya ang anak ko pero hindi katanggap-tanggap sa lipunan na ginagalawan namin ang relasyon nyo. Wag kang maging makasarili, wag mong sirain ang mga pangarap ko para sa nag-iisa kong anak. Hindi mo pa naiintindihan yang sinasabi mong pagmamahal, mga bata pa kayo kaya siguradong naguguluhan lang yang mga isip nyo. Mahal mo ba talaga si Raffy?

James: Opo, mahal ko po talaga sya. Totoo po ang nararamdaman ko hindi po ako naguguluhan, alam ko po ang ginagawa ko.



Mr. Wee: Eh di patunayan mo, kung totoong mahal mo sya magsasakripisyo ka para sa kanya kahit ang maging kahulugan pa nun ay ang sarili mong kaligayahan. Gusto ko lang na matapos na ito kaagad, kaya naglaan ako ng oras para makausap ka. At alam kong mabuti kang tao, mabuti kang anak. Alam kong uunahin mo ang pamilya mo kesa sa kalokohang iyan diba?

Parang sumasakit ang lalamunan ko habang pinakikinggan ko sya. Halos ayaw ko na ngang magsalita eh, pero alam kong hinihintay nya ang sagot ko. Habang naguusap kami ay marami akong naramdaman sa sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko dahil wala nang naging kaligayahan para sa akin, puro paghihirap na lang at sama ng loob. Nung bumalik si Raffy ulit sa buhay ko ay tsaka lang naging payapa ang isip ko, si Raffy lang ang natatanging saya sa buhay ko. Pero ngayun ay kailangan ko syang isuko. Hindi ako makapag-isip ng maayos, bigla na lang pumintig ang puso ko ng napakalakas, gusto na sana lumabas ng luha ko pero pinipigilan ko kasi baka kung ano ang isipin ng mga tao sa paligid namin. Hindi malinaw sa isip ko kung papaano ko hihiwalayan si Raffy ng hindi ko sya nasasaktan, imposible yun. Sa kabilang banda ay naisip kong tama ang mga sinabi ng tatay nya kaya nagdesisyon akong itigil na ang relasyon namin. Dahil nga ayaw ko ring maging dahilan sa pagkasira ng buhay nya. At sa ganitong paraan ay magiging ayos na din ang pamilya ko. Malapit na din kasi kaming paalisin sa bahay kaya naman kailangan namin ang lahat ng tulong na makukuha namin. Mapapakinabangan ng pamilya ko ang mga magiging desisyon ko ngayun. Kung mayaman lang rin sana ako ay lalaban ako ng sabayan sa kanila, pero wala ako ni katiting na kapangyarihan. Gusto ko ilaban ang nararamdaman ko pero, paano? Nanggigigil ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para sa relasyon namin ni Raffy, samantalang sya ay marami nang naisakripisyo para mabuo ito. Wala akong kwenta, wala akong kwenta, wala akong kwenta! Yan ang mga naisigaw ko sa sarili ko. Habang nakakuyom ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa ay sinabi ko na ang napagdesisyunan ko.

James: Sige po, pumapayag po ako, pero bigyan nyo po sana ako ng dalawang linggo mahihirapan po ako sa pakikipaghiwalay kung masyadong maigsi ang ibibigay nyong oras.

Mr. Wee: Sige, pumapayag ako, dalawang linggo lang. Salamat James at naging tama ang desisyon mo, mapapanatag na ako at alam kong magiging maayos din ang lahat. Aasahan ko ang kooperasyon mo, ipapaayos ko na ang bahay na lilipatan nyo, malayo-layo rin iyon para hindi kayo magkita. At maganda mong gawin ay huwag mo nang sabihin sa kanya para hindi ka na nya masundan. Ganun din ang pera, magpapabukas ako ng account para sa mga magulang mo. Ibibigay ko lahat yun sayo pagkatapos mong magawa ang napagkasunduan natin. Salamat ulit sayo, pangako, hindi ko pababayaan ang pamilya mo basta susunod ka lang sa usapan. Ok?

James: naiiintindihan ko po, wala pong anuman.

Nasa jeep na ako at ngayun ay nagmumuka na akong tanga, dahil pinagtitinginan ako ng mga taong katabi ko. Walang hinto ang luha ko, hindi ko mapigilan. Merong isang tao na humimas ng likod ko. “Hindi ko alam kung anong problema mo, pero hinihiling ko na sana maging maayos ang lahat para sa’yo” sabi nya. Gumaan ang loob ko sa mga sinabi nya pero hindi pa rin nya ako nagawang patahanin. Pagbaba ko ng jeep ay naglakad na ako papunta sa amin. Nakatingin lang ako sa kawalan. Namumugto ang mga mata. Parang ayaw ko pa umuwi ng bahay, ayaw kong makita ng mga magulang ko ang itsura kong ganito. Gusto ko ng makakausap at naisip ko si Limuel. Sya lang ang naisip kong makakaintindi sa akin ngayun.

Hindi ako binigo ni Limuel. Nagkita kami sa Mindanao Avenue at sabay kami nagpunta sa may inuman doon sa palengke. Kailangan ko rin ng alak sa katawan, hindi para magpakalasing. Gusto ko lang ng pampakalma. Nang makarating kami sa palengke ay nagpunta kami doon sa videokehan na tinatawag naming Kawayan. Wala pa halos tao dahil medyo maaga pa naman. Doon kami pumwesto sa isa sa mga kubo-kubong nakatayo sa labas. Para naman walang masyadong istorbo sa pag-uusap namin at para medyo malayo na rin doon sa videoke. Pagkatapos naming umorder ng iinumin namin ay nag-umpisa na akong maglabas ng sama ng loob ko.

James: Ano bang gagawin ko? nakakapraning yung sitwasyon ko ngayun.

Limuel: Bakit ano bang nagyari? Ikwento mo nga parang ako ang napapraning diyan sa itsura mo eh. Nawawala tuloy yung gandang lalake mo. Hahaha nabebeki na yata ako sayo ah. Yari ako sa girlfriend ko neto hahaha. Ano na?

James: Tsk! Wag mo na akong biruin diyan. May problema na nga yung tao eh.

Limuel: Eto, naman pinapatawa lang kita eh. Oh bira na, ano ba yang problema mo?

Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. At tahimik lang syang nakinig. Noong una ay napapangiti-ngiti pa sya. Pero di nagtagal ay nagiging seryoso na rin ang mukha nya.

Limuel: Mahirap nga yang lagay mo. Eh anong balak mo ngayun?

James: Nahihirapan ako, pero nagdesisyon na akong hiwalayan si Raffy. Kakalimutan ko na lang sya.

Limuel: Kakalimutan? Hahaha. Madaling sabihin yan pero napakahirap gawin nyan. Sinasabi ko na ngayun pa lang, sasaktan mo lang sarili mo nyan. Ang problema mo, nasa gitna ka kasi ng pamilya mo at ni Raffy. Mahal mo si Raffy at mahal mo rin ang pamilya mo kaya ginagawa mo ito para sa kanila. Ganyan ka ba palagi? Lagi mong iniisip yung kapakanan ng mga taong mahal mo. Kahit nahihirapan ka sila pa rin uunahin mo?

James: Syempre, ayaw ko nang mahirapan ulit ang pamilya ko. Kaya gagawin ko lahat para mailagay sila sa maayos. Mahal ko rin si Raffy kaya nga nahihirapan ako eh. Wala naman dapat problema eh, ang kaso hindi pabor sa relasyon namin ang tatay nya.

Limuel: Tsk! Ang hirap nga ng problema mo. Alam mo kung kayo, kayo talaga. Ang sagot dyan bahala na si batman.

James: Salamat sa pakikinig ah. Mas magaan na loob ko ngayun kasi may napagsabihan ako.

Limuel: Ayos lang yun, tawagin mo lang ako palagi. Makikinig ako sa anumang problemang meron ka. Wag mo isipin na nag-iisa ka, pag inaway ka nila lahat. Takbo ka sakin kakampihan kita kahit anong mangyari. Pag hindi natin sila kaya sa suntukan, papasanin kita at tatakbo tayo ng matulin.

James: Hahahaha. Takbuhin ka pala eh, hindi ka pwede sa sabong. Hahahaha.

Limuel: Hehehe. Ayan tumatawa ka na. Muka ka kasing gago kanina eh. Gwapo ka na ulit.

Salamat naman at may kaibigan akong katulad ni Limuel. Napagaan nya talaga ang loob ko. Napakarami nya talagang kalokohan kaya hindi ko mapigilang tumawa. Natapos ang inuman namin, puro tawan na lang ang ginawa namin habang nagkukwentuhan. At umuwi ako sa bahay na buo na ang loob. Masakit man ay itutuloy ko na ang napagdesiyonan ko. Bahala na ang langit saming dalawa. Kagaya nga ng sinabi ni Limuel kanina, kung kami talaga para sa isa’t isa, kami talaga.

Raffy’s POV

Isang linggo din ang lumipas mula nung mangyari ang kalokohang ginawa ko. Akala ko ay magtatagal pa bago ako mapatawad ni Katrina. Pero isang araw tinawagan nya na lang ako bigla at sinabing pinapatawad nya na ako. Pero kailangan ko daw syang ilibre ng isang buong buwan. Napatawa ako dahil para syang bata mag-isip. Pero at least nabawasan na ang dalahin ko, dahil napatawad na ako ni Kat at magkaibigan pa rin kami hanggang ngayun. Ang inaalala ko na lang ay si James, hindi pa rin sya nagtetext sa akin at hindi pa rin sya sumasagot sa mga tawag ko sa kanya. Nag-aalala na akong baka hanggang ngayun ay iniisip nya pa rin ang mga nangyari. Pero nung tumunog ang cellphone ko at nakita kong si James ang nagtext ay bigla akong nalaglag sa huling baitang ng hagdan namin dahil hindi ko na napansin yung tatapakan ko sa sobrang tuwa.

N.Esther: Anong problema mo anak at kailangan pa talagang nalalag-lag ka sa hagdan?

Raffy: Wala! Nagtext na kasi si James.

N.Esther: Alam mo nak, malandi ka na me pagkatanga ka pa. Eh bakit kasi sa dami ng lugar dito sa bahay dyan ka pa sa hagdan kumekerengkeng. Oh, kumusta naman daw ang manugang ko? Sabihin mo sa kanya baka gusto nyang dalawin yung biyenan nyang dyosa ng mga dyosa.

Raffy: Busy siya sa trabaho. At tsaka maiinis lang ako pag nandito yun, aasarin lang ako nun.

N.Esther: Wesus! Parang totoo ah, eh kung bangasan kaya kita dyan. Bahala nga kayo wala ako sa mood ngayun dahil nagdurugo ang pekpek ko. Ikaw anak nireregla ka na ba? Oo nga pala bakit ka nga naman pala rereglahin eh buntis ka nga pala.

Raffy: Kadiri ka ma! Mamaya marinig ka ni daddy na ginaganyan mo ako.

N.Esther: Ahy! Umaarte ka? Ipakain ko kaya tong napkin ko sayo. Huh! Takot lang sakin ng daddy mo.

Nagkita kami ni James kasama si Christian. Naginuman kami doon sa paborito naming tambayan. Isasama sana namin si Katrina pero may lakad daw silang pamilya. Sayang nga yung pagkakataon eh. ngayun ko na sana balak sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni James. Para maging mas malinaw ang lahat.

Pag dating namin sa bar ay medyo marami ng tao. Pero may pagkatahimik talaga ang lugar na ‘to kesa sa mga dati naming pinupuntahan ni Christian. Tuwang tuwa ako ngayun dahil napakalambing na naman ni James sa akin. Ansarap sa pakiramdam, matapos ang pag-aalala ko na baka galit sya sa akin. Nag-aalala lang pala ako sa wala. Panay ang halik nya sa akin. Kung dati rati ay nahihiya sya ngayun ay parang wala na talaga syang pakialam sa ibang tao. Paborito nyang ikiskis sa leeg ko ang ilong nya na ikinakikiliti ko naman. Gustong gusto ko sya pag ganito ang inaasal nya, para kasi syang batang naglalambing.

Naging masaya naman kaming tatlo nung gabing iyon, parang ayaw pa nga naming umuwi eh kaso kailangan pa naming gumising ng maaga dahil may pasok pa sa school at isasama na naman ako ni daddy sa nakakaboring na opisina nya. Isasama ko nga sana si James sa bahay kaso may pasok din daw sya kinabukasan. Sayang kasi, yun lang sana ang pagkakataon namin para magkasama ng matagal. Kasi magiging busy na rin ako sa mga susunod na linggo.

Matapos ang pagkikita naming iyon ay bumalik na naman sa dati. Hindi na naman nagtetext si James. Medyo nasasanay na rin ako ng ganun dahil alam ko namang kailangan nya yun. Busy lang sya sa trabaho. Minsan sumasagot sya sa tawag ko pero kailangan putulin kaagad dahil palagi syang nagmamadali.

Naiinis na ako dahil mas dumadalang na ang pag-uusap namin sa telepono. Hindi na nga kami nagkikita tapos hindi pa kami makapag-usap ng matino sa telepono. Busy lang sya sa trabaho, yan ang lagi kong itinatatak sa isip ko. Paulit ulit na lang, kailangan ko sya pagbigyan dahil may dahilan sya. Pero isang gabi, dahil hindi na ako makatiis dahil nga miss na miss ko na sya. Pumunta ako sa kanila at sa daan ko papunta doon ay nakita ko syang may kasamang lalake. Hindi naman ako nag-isip ng kung ano dahil may tiwala naman ako sa kanya. Hindi ako nagpakita sa kanila. Pero tinawagan ko sya sa cellphone nya. Nagring ang telepono at nakita kong tiningnan nya iyon pero hindi nya sinagot. Bigla akong kinabahan, hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari. Matapos ko syang tawagan ay sumakay sila ng jeep. Gusto ko sana sila sundan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa. Dahil alam kong wala lang yun.

Lumipas ang maraming araw at talagang hindi na maganda ang nararamdaman ko sa amin ni James. Para kasing unti-unti na syang lumalayo sa akin, hindi ko naman alam ang dahilan. Dahil sigurado akong wala naman akong ginawang kasalanan, dumadalas na rin ang pagiging mainitin ng ulo nya. Sa tuwing tatawag ako sa kanya ay palagi na lamang nya akong nasisigawan, tapos hihingi ng sorry dahil hindi nya naman daw sinasadya. Alam kong matindi ang topak nya at alam kong ganun talaga sya maglambing sa akin. Pero ngayun ay parang walang lambing, parang seryoso na sya na ewan. Medyo dinalangan ko ang pagtetext at tawag sa kanya dahil baka nakukulitan lang sya sa akin. Pero talagang natitiis nya na hindi magtext sa akin sa buong araw, samantalang halos ibato ko na yung cellphone ko sa kakahintay ng text nya. Nung talagang hindi ko na kaya ay pinuntahan ko na sya ulit sa kanila. At maswerte ko naman syang naabutan.

Raffy: Tara bilis punta tayo sa tambayan natin. Wag ka na umangal, dahil talagang naiinis na ako sa ginagawa mo. (kinapitan ko sya sa kamay at tsaka hinatak) nay tay may pupuntahan lang po kami, please payagan nyo na po kami, hindi rin po kami uuwi ngayun. Kaya po wag nyo na po syang hintayin.

Hinatak ko sya papalabas ng bahay at hindi ko na sya binigyan ng pagkakataong magsalita pa para tumanggi. Dahil alam ko namang yun ang gagawin nya. Alam ko rin na medyo kabastusan para kila nanay ang ginawa ko pero sa ibang araw na ako magpapaliwanag sa kanila. Ang mahalaga ngayun ay mabigyang linaw ko, kung bakit ganito ang inaasal ni sayad. Lumalala na yata sya. Pagkarating namin sa bar ay agad akong umorder ng alak, pagkalapag sa harapan namin ay agad kong tinungga yung isang bote. Inubos ko kaagad, at pagkaubos ko ay kumuha ulit ako at inubos ko rin kaagad. Hindi pa rin sya nagsasalita, naluluha na ako dahil ansakit sa lalamunan nung beer na iniinom ko. Kukuha sana ako ulit ngunit pinigilan nya na ako.

James: Ano ba yang ginagawa mo? Nilulunod mo ba yang sarili mo sa alak?

Raffy: Oo, nagpapakalunod ako sa alak. Dinala kita dito para makita mo naman kung paano ako abutin ng saltik. Sobra ka na eh, hindi na kita maintindihan. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang kasalanan ko?

James: Wala, sorry na, tara na umuwi na tayo, maaga ka pa bukas oh.

Raffy: Hindi tayo uuwi hanggat hindi ka nagpapaliwanag, lintek! James lagi na lang ako nakikiramdam kung ano bang nangyayari sayo, bigla ka na lang nagkaganyan. Wala akong makita sa mga mata mo, hindi ko mabasa yang mga iniisip mo, wala akong maramdaman sa mga gusto mo iparating. JAMES! Nagmumukha na akong MANGHUHULA! Yung pasensya ko sayo James tatlo na lang, uupakan na talaga kita. (habang inaatake ako ng hi-blood sa kanya ay bigla na lang syang napangiti)

Raffy: Anong nginingiti-ngiti mo dyan?

James: (habang nakangiti pa rin) Mahal, akala ko matindi na ako, yun pala mas malala ka pa pala pag-inatake ng sayad eh.

Raffy: Ah, ganun eh kung sipain ko yang mukha mo.

Bigla syang lumapit sa akin at bigla akong niyakap, natatabunan ng dib-dib nya ang mukha ko. Ang matinding galit na nararamdaman ko ay bigla na lang nawala, at para akong batang umiiyak sa dib-dib nya. Pagkakalas nya ng yakap sa akin ay tsaka ko sinabi lahat ng napapansin ko sa kanya.

Raffy: Alam mo napapansin ko kasi sayo parang nagbabago ka na sakin, hindi ka na malambing katulad nung una. Lagi mo na akong sinisigawan sa telepono, lagi ka na lang nagtatampo. nahihirapan naman ako sa ginagawa mo. Bihira ka na ring sumama pag niyayaya kita, hindi ka na rin masaya kausap. Ano na bang nangyayari sayo? Mahal mo pa ba ako? Nasasaktan naman ako James.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, bigla na lang tumulo ang luha nya, pinipilit nya ngumiti pero talagang napakalungkot ng mukha nya.

James: Mahal na mahal kita, wala akong ibang hinihiling sa buong araw kundi ang makasama ka. Nahihirapan din ako. Kung alam mo lang, halos mamatay-matay na ako pag hindi ka nagtetext o tumatawag. Pero hindi na tayo pwede, pinipilit kong isik-sik ang sarili ko sa mundo mo pero hindi talaga ako bagay diyan. Sana maintindihan mo ako, tulungan mo naman akong layuan ka. Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng buhay mo. Kalimutan mo na ako.

Raffy: Bakit, bakit biglang nagkaganun? Sabihin mo kasi sakin yung dahilan para naiintindihan ko. Anong pagkasira ng buhay? Mas masisira ang buhay ko pag nilayuan mo ako, ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. James lahat ng hilingin mo sa akin kaya kong gawin. Wag lang to, wag mo hilingin sa akin na layuan ka. Patayin mo na lang kaya ako kung ganun lang din.

Pakatapos kong magsalita ay, tuloy tuloy na lang syang umiyak. Wala, hindi ko talaga sya maintindihan, nakakabobo ng utak pag nakikita ko syang ganun kalungkot. Wala akong alam na dahilan para magkaganun sya, ayos naman ang relasyon namin sa lahat. Bakit nagkakaganito sya, pinunasan nya ang mga luha nya at huminga sya ng malalim.

James: Maghiwalay na tayo, wag mo na akong hahanapin kasi hindi na ako magpapakita. Wag mo na akong tawagan kasi hindi na akong sasagot. Hindi na tayo pwede, pakiusap pabayaan mo na akong lumayo.

Tumayo sya at naglakad palabas ng bar, mabilis ko syang hinabol at nang maabutan ko sya ay niyakap ko sya mula sa likod. Panay ang tulo ng luha ko, ayaw ko talaga sya mawala sakin. Kung hindi ko sya pipigilan, ito na ang pangalawang beses, hindi maganda ang pakiramdam ko dito, baka hindi na sya makabalik sakin. Kung hindi pa rin sapat ang ibinigay kong pagmamahal, para mapanatili ka sa tabi ko ano pa bang pupwede ko gawin? Tanginang buhay to, wala na akong ibibigay, eto na yung buong-buo, wala na. Handa na ako, handa na akong magpakatanga ng ilang beses pa, kaya pa naman ng puso ko. Hindi ako mapapagod, matibay ako, hindi kita bibitawan kahit magpumiglas ka pa. patuloy sa pag-agos ang luha ko, ramdam ko na nagmumukha na kaming tanga, lalo na ako na naghahabol sa kanya. Tuliro na ang utak ko wala na akong pakialam sa iba, MAHAL KITA, MAHAL KITA, MAHAL KITA… PUTANG INA, MAHAL NA MAHAL KITA. Gigil na gigil kong sigaw sa utak ko. Nilamon na ako ng emosyon ko, hindi nauubos ang luha ko pero tulala na ako habang nakayakap sa kanya.

James: Raf, nakikiusap ako, naiipit na ako sa sitwasyon, tulungan mo naman akong kalimutan ka. Please wag ka ganyan, nahihirapan din ako, hindi lang ikaw.

Raffy: Meron na bang iba, kaya hindi mo na ako mahal?

James: Oo, meron na ngang iba at mas mahal ko sya kesa sayo. Kaya please pakawalan mo na ako, ganun ka rin pinapakawalan na rin kita.

Raffy: Kung meron nang iba dapat sinabi mo kaagad, kahit na meron ka nang iba, hindi naman natin kailangan maghiwalay diba?

Pagkasabi ko nun ay bigla ko na lang naramdaman ang katawan nya na parang nanginginig, at kasabay nun ay ang mga pigil na hikbi na kanina ay halos hindi ko marinig.

Raffy: Lokohin mo ako, magpapaloko naman ako sayo eh, kung yan ang gusto mo. Paglaruan mo ako, gawin mo akong tanga, kung dun ka masaya magpapakatanga ako kahit pagtawanan mo pa ako ng ilang ulit. Gamitin mo ako, magpapagamit ako sayo, gawin mo lahat ng gusto mo. Handa ako sa lahat basta wag mo akong iiwan. Noon pa sinabi ko na sayo na mahal kita higit sa kahit anong materyal na bagay sa mundo. Sayo lang ako masaya, sayo lang napapanatag ang loob ko. Hindi ko pinapatulan yung ibang may gusto sakin kasi ibinuhos ko na lahat ng atensyon ko sayo. Kasi alam kong gusto mo na ikaw lang ang mahal ko, sabi mo nung mga bata pa tayo na gusto mong ikaw lang ang pinapansin ko. Nagagalit ka kapag may iba akong tinatapunan ng atensyon. Ito nako James, sayong sayo, buong buo. Mas gusto ko na makipagtalo sayo buong maghapon kesa magsaya kasama ng iba. (nakatulala lang ang mata ko sa kawalan habang binabanggit ko to, hindi ko nga alam kung lumalabas ba yung mga sinabi ko sa bibig ko eh)

Nang masabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin, ay bigla na lang naghina ng husto ang buong katawan ko. Naiisip ko na kung walang epekto sa kanya yung mga sinabi ko ay siguradong katapusan na nga ng relasyon namin. Siguradong wala na akong masasabi pa para pigilan sya. Hindi pa man natutuluyan ay sobrang laki na ng panghihinayang ko sa samahan namin na mawawala ng ganun-ganun na lang. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa para mapigilan sya, umiisip pa ako ng ibang paraan pero sa tingin ko ay naibigay ko na talaga lahat. Wala na. Sa gitna ng pagkatuliro ko ay bigla nyang kinalas ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya. Tuluyan na syang aalis, iiwan nya na talaga ako nang bigla syang humarap sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Dun na ako tuluyang humagul-gol dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

Hearts Never Lie – Tiffany

Too good together to be so apart these days
and now more than ever
we need to talk face to face

We stopped moving forward
and now we're some place else
but the more we fool each other
the less we fool ourselves

Cause our hearts never lie
they just feel the love
Try so hard to deny
There's no reason to act like we don't care
when the truth is always there
Oh hearts never lie
Why should we
Why should we

This whole thing is crazy (crazy)
Building walls to keep out the pain
And when there's no changing
mistakes are ready made

So let's start all over
one emotion at a time
Beginning with this feeling
that we've never lost inside

Cause our hearts never lie
they just feel the love
Try so hard to deny
There's no reason to act like we don't care
when the truth is always there
Oh hearts never lie
Why should we

Does the word love scare you away
Does forever seem to long to say
Now it's time we end this nowhere charade
and a real good place to start
is to listen to your heart

Cause our hearts never lie
they just feel the love
Try so hard to deny
There's no reason to act like we don't care
when the truth is always there
Oh hearts never lie

Why should we
Oh why should we
Why should we lie
oh why should we lie
Oh hearts never lie
Something is crazy
Oh hearts never lie

James: Gago ka! Bakit ang-hirap mo iwan? Alam mo, bukod sa pamilya ko ikaw lang ang nagmahal sakin ng ganyan. At alam mo rin bang ikaw lang rin ang minahal ko ng ganito? Buong buhay ko, Lagi kong iniisip ang kapakanan ng pamilya ko. Hindi patas ang mundo sa akin. Dahil puro paghihirap na lang ang nararanasan ko. Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na pakikinggan ko ang puso ko. Magiging makasarili ako ngayun, kasi gusto kong maging masaya, kasama ka. Mahal na mahal kita. Pero Raf anong gagawin natin?

Raffy: Bakit ba kasi ano bang problema natin? Sabihin mo kasi hindi yung nagdedesisyon ka mag-isa. Dalawa tayo dito James, dapat sabay tayo. Ano tingin mo sakin sa relasyong ‘to display? Dinadala mo lahat eh, kung nabibigatan ka tutulungan kita. Hindi ako papayag na kayanin mo mag-isa yan. Kung masakit sabay tayong magtiis, wag mo sarilinin. Ang sabi mo sakin hindi mo ako iiwan. Magtiwala ka naman sakin, kaya natin yan basta magkasama tayo.

James’s POV

Ilang linggo rin akong nagtitiis, kung nagtiwala lang ako kay Raffy sa magagawa namin ng magkasama, edi sana hindi ako nahirapan. Tama si Limuel sasaktan ko nga lang ang sarili ko. Pero anong gagawin namin ngayun?

Ikinwento ko kay Raffy lahat ng sinabi sa akin ng tatay nya. Bigla syang nagalit sa tatay nya pero ipinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit iyon nagawa ng tatay nya. At dahil doon ay umisip kami ng paraan kung papaano namin maaayos ang problemang ito. Isang tao lang ang naisip naming may kakayahang tumulong sa aming dalawa.

“Anong gusto mo gawin sa tatay mo? Sitensyahan na natin? Tsk! Gago eh. Hindi man lang inisip yung kaligayahan ng nag-iisa nyang dalaga.”

Raffy: Ma naman eh, puro ka biro eh. Hindi na nga namin alam kung papano namin aayusin to eh.

N.Esther: Hindi ako papayag sa gusto nya noh! Huh! Hindi nya kilala ang pinakasalan nya, hindi nya alam na dati akong diwata ng kadiliman.

Raffy: Ma, kahit hindi mo naman sabihin yun, muka ka naman talagang engkanto.

N.Esther: Eh! Kung ibalik kita sa pinanggalingan mong lintek ka! Ah! Magtanan kaya kayong dalawa? Hmm good idea. Sige na magimpake na kayo ng damit bilisan nyo.

Pareho kaming nagulat ni Raffy sa naisip ni nanay Esther.

Raffy: Ma, Seryoso ka? Papano naman yun?

N.Esther: Tanga ka! Hindi ka nanonood ng T.V. tanan aalis na kayo dito para maging mag-asawa ganun yun. Alam mo anak nagdududa na tuloy ako kung anak ba talaga kita eh. Hindi kaya napalitan ka lang sa ospital, shunga ka kasi eh. Sanay naman ako na medyo shunga ka, pero anak napapadalas na eh.

Raffy: Ikaw na matalino, tsk! Ano na nga ma seryoso ka ba dun sa sinabi mo?

N.Esther: Oo nga, Naalala nyo ba si ate Celia nyo? Nasa Palawan yun nakatira ngayun, dun kayo pupunta. Akong bahala sa pera.

James: Pero nay may problema po eh.

N. Esther: Isa ka pang shunga eh, alangan namang pabayaan ko yung bff ko. Alam ko yun kahit di mo sabihin, nasabi na sa akin ni Raffy nung nakaraan na pinapaalis na kayo dun sa lupa. Hindi ko ipinapaalam to kay Jigger, pero bumili na ako ng bahay para sa inyo.

James: PO! Totoo po?

N. Esther: Ahy, hindi joke joke lang yun, lakas tama ko ngayun eh, laugh trip. Adik ka ba? syempre totoo yun. Wala ka na dapat problemahin sa kanila. Hindi ko sila pababayaan, at kapag hindi pa rin umepek ‘tong plano natin lalayas rin ako para masaya. Balik mahirap tayo nak.

Raffy: Ma, talagang gagawin mo yun para samin? Salamat ma. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa’yo kahit minsan. Sa dami ng naging sakripisyo mo sakin, kulang pa yung salitang salamat. Ma, hindi ko madalas sabihin sa’yo ‘to pero mahal na mahal kita.

N. Esther: Ahy! Andrama talaga ng anak ko nakakapagdilim ng isip. Dali na kilos na bago kita masunganga nitong chinelas ko.

Raffy: Tsk! Anghirap talaga magseryoso pag kayo ang kaharap. Palagi kayong nambabasag eh. Magiimpake na ako. Dyan ka lang Tart ah.

N. Esther: Huh! Ano ba talagang tawagan nyo? Nung huli ang tawagan nyo mahal tapos sayad, tapos mokong, minsan naman monyo. Ano ba talaga? Ano yan depende lang sa trip nyo ganun?

Raffy: Ah ewan.
At nagimpake nga ng damit si Raffy. Mukang seryosong usapan pala ‘to. Medyo natatakot na naman ako dahil sa panibagong lebel ng relasyon namin ni Raffy. Hindi pa ako masyadong nasasanay sa isang pagbabago, meron na namang dumating. Ano na naman kayang mangyayari sa amin. Baka naman lalo lang kaming mapasama nito. Baka lalong hindi kami matanggap ng tatay ni Raffy.

Pinanghawakan ko ang mga sinabi ni nanay Esther. Ngayun ay ipagkakatiwala ko sa mga kamay nya ang pamilya ko. Para lang maisalba ang relasyong matagal na rin naming binuo ng paunti-unti. Pumunta muna kami sa mga magulang ko kasama namin si nanay Esther. At todo suporta naman sila sa amin. Napag-alaman din namin na hindi lang pala ang tatay nya ang magiging problema namin. Parating na pala ang isa pang problema. Ang lolo ni Raffy ay pauwi na rin pala ng Pilipinas sa isang buwan.

Gusto sana naming mapabilis ang byahe papuntang Palawan. Ang kaso pinili ni Raffy na sumakay ng barko kesa sa eroplano. Sabagay alin man sa dalawang yun ay wala pa akong nasasakyan kaya gusto kong maranasan pareho. Doon ko lang nakita kung gaano kalawak ang mundong ginagalawan namin. Parang dagat walang kasiguraduhan, dahil maraming pupwedeng mangyari. Hindi ako naga-alala sa byahe, basta si Raffy ang kasama ko. Wala akong katatakutan. Haharapin namin ang bagong yugto sa buhay namin ng magkahawak kamay habang nasa ilalim ng iisang langit.

Raffy’s POV

Raffy: Ah. Nahihilo ako mahal (nagsusuka habang inaakay ako ni James papunta sa kwarto namin. Kakatapos lang naming kumain. Tsk! Ramdam na ramdam ko kasi yung paggalaw ng barko dahil sa alon kaya sobrang nahihilo ako.)

James: Dapat kasi nag-eroplano na tayo eh. edi dapat kanina pa tayo nandun. Ayan magchaga ka dyan bukas pa tayo makakarating dun.

Raffy: Tsk! Tarantadong ‘to nahihilo na nga yung tao naninisi pa.

James: Eh kasalanan mo naman kasi talaga, ikaw ang namilit na sumakay dito. kutusan pa kita dyan eh.

Raffy: Oo na, oo na. Imbes na alagaan mo ako dahil masama yung pakiramdam ko ginaganyan mo pa ako. (naiirita kong tugon sa kanya)

James: Hindi pa ba tumatalab yung ininom mong gamot?

Raffy: Sa tingin mo, nahihilo pa nga ako diba?

James: Pasensya na ah! Sungit neto sipain ko muka mo dyan eh. Lalabas ako bahala ka dyan sa buhay mong lintek ka!

Raffy: Mahal, nahihilo nga ako.

James: Eh, anong gagawin ko ilaglag kita dito sa barko?

Raffy: Ano ba naman yan, wala man lang kalambing-lambing, ‘tong monyong ‘to.

James: Monyo ka rin! Bahala ka dyan basta ako mag-iikot.

Raffy: Sandali mahal! Wag ka muna lumabas, nahihilo talaga ako. Mamaya ka na lang magikot, dali na tabihan mo ako dito. Masakit na tuloy pati ulo ko.

Bumalik si James sa higaang kinaroroonan ko. Naupo sya at hinawakan ang ulo ko at inhiga sa mga hita nya. Matapos nyang gawin yun ay pumikit ako dahil talagang nahihilo ako. Hinihimas nya ang buhok ko ng paulit-ulit. Napakasarap sa pakiramdam. Kahit na maingay kaming dalawa at maya’t maya nagbabangayan ay kalmado naman ang puso ko. Walang may kayang gawin ito sakin kundi si James lang. May mga pagkakataong kahit gusto ko na magwala, sa isang tingin nya lang nagiging payapa na ang nagpupuyos kong damdamin. Nakatulog ako dahil sa ginagawa nya, at nakapagpahinga ako ng maayos.

James’s POV

Nakatulog si Raffy sa hita ko. Kahit na namamanhid na ang binti ko ay tiniis ko. Ayaw kong gumalaw dahil ayaw kong maistorbo ang pagpapahinga nya. Ansarap nya tingnan. Ang singkit nyang mata, na kapag ngumiti sya ay halos hindi mo na makita. Ang matangos na ilong nya na nagkakaroon ng maninipis na kulubot pag naiinis sya sakin. Ang mga labi nya na walang lumalabas na magandang salita pag ako ang kausap ay ang mga labing maya’t maya kong pinapangarap halikan. Ang maliit nyang tenga na gustong gusto ko kinakagat. Ang mukha nya na ansarap sugatan dahil sa kakinisan. Ang kilay nya na nakakadag-dag amo sa itsura nya kahit na malakas ang saltik nya. Ang katawan nyang may konting taba, na ayos naman tingnan kahit walang muscle. Ang mabigat nyang ulo na kanina pa dumadagan sa akin. Yan ang mga bagay na hahanapin ko kung sakaling natuluyan ang paghihiwalay namin. Nasa akin pa rin sya. Muntikan na. Buti na lang mahigpit ang kapit nya at hindi nya ako binitiwan. Sigurado akong pagsisisihan ko ang lahat kung sakaling nagpatalo ako. Buti na lang alam nya kung papano baguhin ang isip ko. Buti na lang alam nya kung papano pasusunurin ang puso ko. Dahil kung hindi. Ang manatili sa mundong wala sya sa tabi ko ay hindi ko matatawag na buhay. Gagalaw at hihinga ako, pero hindi ako nabubuhay. Hindi yun nangyari. Buti na lang.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Yakap ng Langit (Part 7)
Yakap ng Langit (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s1600/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s72-c/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/08/yakap-ng-langit-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/08/yakap-ng-langit-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content