$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Love Chooses No One (Part 1)

By: Jepoy Mabilis ang tibok ng kanyang puso nang mga oras na iyon, kasabay ng pagtagaktak ng kanyang pawis habang nakaupo sa isang sementong...

By: Jepoy

Mabilis ang tibok ng kanyang puso nang mga oras na iyon, kasabay ng pagtagaktak ng kanyang pawis habang nakaupo sa isang sementong hagdan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Kahit ilang beses na niyang sinanay ang kanyang sarili, hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan. Maraming tumatakbo sa kanyang isip. Mga bagay na kung tutuusin ay hindi na niya dapat isipin ng mga oras a iyon. Hanggang sa marinig na niya ang mga palakaan sa likod ng ding ding na kanyang sinasandalan. Dahan-dahan siyang tumayo at huminga ng malalim, sabay ayos sa kanyang suot na puting toga habang hawak ang puting papel na medyo nalulukot na sa pagkakatupi dahil sa kanyang pagkakahawak.
"Narito ka lang pala eh, kanina pa kita hinahanap diyan, " agad siyang napalingon sa kanyang likuran. Nakatayo ang isang binatilyong nakasuot din ng toga. Kayumanggi at medyo at medyo mas mataas sa kanya ng ilang pulgada. Katamtaman lang ang laki ng katawan para sa kanyang edad. Samantalang siya naman ay may kapayatan at medyo mas maitim lang ng konti.
"Ano ginagawa mo dito? Diba nagsisimula na?" tanung naman niya na kahit na labing tatlong taong gulang na ay medyo pambata pa rin ang boses.
"Ikaw, anu pa rin ang ginagawa mo dito? Bakit narito ka pa eh alam mo namang magsisimula na. Tsaka hinahanap ka na ni Aling Aida. Kaya ayun, hinanap kita. Anu ba kasi ginagawa mo pa dito Jepoy? Tayo na kasi dun, Pat!" pamimilit nito sa kanya.
"Eh Dino, kinabahan ako para mamaya eh. Parang hindi ko kaya. Hindi ko nga yata kaya Pat!" Nangangatog at karalgal niyang sabi. Halos hindi na siya makapag-salita ng maayos ng dahil sa kaba. Parang sasabog na ang kanyang puso nang mga oras na iyon. Napatakip na lang siya ng kanyang mukha sa tindi ng kanyang kaba. Hanggang sa namalayan na lang niya na lumpit na pala sa kanya ang kaibigan.
"Pat..." At bigla na lamang niyang naramdaman ang mainit na brasong yumakap sa kanyang katawan. Biglang natigilan. Unti-unti ay tumigil sa pangangatog ang kanyang tuhod. Bumabaw ang kanyang paghinga at dahan-dahang bumagal ang pagtibok ng kanyang puso.
"Ano Pat, kinakabahan ka pa ba?" Tanong ni Dino sa kanya habang mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi makapagsalita si Jepoy nang mga oras a iyon, parang lahat ng bagay na tumatakbo sa kanyang isipan kanina ay naglahong parang bula. Tumigil ang kanyang ginhawa. Hindi niya alam kung bakit nang mga oras na iyon ay nakadama siya ng kakaibang ginhawa. Kakaibang saya na walang ibang nakaka-alam at naakaramdm kundi siya lamang. Maya-maya pa ay unti-unting kumalas si Dino at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang mga balikat, na hanggang ngayon ay nakatulala, at dahan-dahang inilapit ang kanyabg mukha.
"Ano Pat, ok ka na? Huy! Magsalita ka!" Sabay yugyog sa kanang balikat. Bigla siyang natauhan napalingon sa mukha ng kaibigan. At sa unang pagkakataon ay natitigan niya ang mukha ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit pero iba nararamdaman niya habang nakatitig sa mukha ni Dino.
"Pat.." Isa pang sabi ni Dino. At sa wakas ay natauhan din siya.
"O-oo o-okay lang ako," sagot naman niya.
"Pat, makinig ka ok? Hindi ka dapat kabahan. Moment mo to. Hindi mo lang alam kung gaano kami ka-proud sa'yo ngayon. Kami ng nanay mo, lalong lalo na ako! Ako yata bestfriend mo noh!" sabay ngiti. At sa puntong iyon ay parang nakahinga siya ng maluwag. Parang natanggalan siya ng bara sa lalamunan at kung anung saya ang bumalot sa kanyang puso. Hangang biglang tumunog ang malakas na musika ng pagtatapos. Nagkatinginan silang dalawa sabay ngiti sa isa't-isa.
"Ano pa hinihintay mo, tayo na!" bigla na lamang kinuha ang kanyang kamay ni Dino at patakbo siyang hinila palabas ng kwartong iyon.
****
Pat, iyan ang naging tawagan ng magkaibigang Jepoy at Dino simula nang sila ay naging matalik na magkaibigan. Hindi nila alam kung bakit iyon ang napagkasunduan nilang tawag sa isa't-isa. Basta ang alam nila na kapag sinabing Pat, sila lang iyon at wala nang iba. Hindi sila katulad ng ibang magkaibigan na nagsimula ang lahat sa pagiging magkaibigan, magkalaro, o magkapitbahay. Maykaya kasi ang pamilya ni Dino at nakatira sa isang malaking subdivision sa kanilang bayan. Kaya ang madalas na kasama noon ni Dino ay mga batang maykaya rin sa buhay at madalas ay hindi rin siya pinapayagang lumabas ng bahay. Samantalang si Jepoy naman ay lumaki sa pamilya ng mga magsasaka at nakatira sa isang bukid na hindi kalayuan sa mismong bayan nila. Mahirap lamang sila kaya madalas ay kasa-kasama siya ng kanyang ama sa bukid upang makatulong sa mga gawain doon. Magkaiba rin sila noon ng school na pinag-aaralan. Si Dino ay nag-aaral sa isang pribadong paaralan samantalang si Jepoy naman sa pampublikong paaralan lamang sa parehong bayan. Magkalayong-magkalayo ang kanilang mundo. Hanggang sa isang araw, isinama si Jepoy ng kanyang ina sa bahay ng kanyang amo. Pitong taong gulang pa lamang noon si Jepoy kaya nagpasya ang kanyang ina na isama na lamang siya sa kanyang trabaho. Mabait na bata si Jepoy at mahinhin kumilos kaya alam niyang hindi ito gagawa ng gulo sa bahay ng kanyang amo. Abalang naglalaba noon ang kanyang ijna habang ang batang si Jepoy naman ay tahimik lang na nakaupo at pinapanuod ang kanyang ina. Maya-maya pa ay nakadama na siya ng pagkainip kaya naman naisipan niyang tumayo at napansin ang isang pulang bagay na nasa damuhan. Nilapitan niya ito at kinuha. Napangiti siya sa kanyang napulot, isang laruang Superman. Tuwang-tuwa siya at patakbong lumapit sa ina para ipakita. Ngunit nang mga oras na iyon ay kasalukuyang nagsasampay sa labas ang nanay niya at naiwan ang isang palangganang puno ng bula. Hanggang sa mapansin niya ang konting dumi sa mukha ni Superman.
"Ang dumi-dumi mo na superman, oras na para maligo!" Sabi niya sabay lublob ang laruan sa batya. Tuwang-tuwa siya habang pinaliliguan si Superman. Hanggang sa may sumigaw.
"Waaaag! No! Anong ginagawa mo sa Superman ko!" Nagulat si Jepoy at nabitiwan ang laruang hawak. Nahulog ito sa batya.
"Hah!! Si superman ko!" Sigaw ng bata. Sabay lusong sa batya para kunin ang laruan. Tumayo siya na punong puno ng bula ang katawan.
"Anong ginagawa mo sa Superman ko!" Tanong ng bata.
"Pinaliliguan ko lang siya. Ang dumi-dumi na kasi nya eh," sagot naman ni Jepoy.
"Hindi naliligo si Superman! Nagtatransform muna siya bago maligo!" Sigaw na naman ng bata.
"Eh ang dumi-dumi na nga niya eh," sabi na naman ni Jepoy.
"Jepoy anung problema? Sinong kaus..." Natulala na lamang ang kanya ina nang makita ang batang basang-basa at puno ng bula sa katawan.
"What's the problem Dino? Why are you..." sabi naman ng isang magandang babae na napatakip ng bibig nang makita ang bata. "Oh my gosh Dino what happened to you?" Dagdag pa niya sabay lapit sa batang si Dino na noo'y masama ang tingin kay Jepoy.
"Eh kasi Mama, siya kasi eh.." Sabay turo kay Jepoy "Nakita ko siya, nilalaro niya ni si Superman ko eh. Hindi ko nga nipapalaro yun kina Jerry eh," sumbong ni Dino. Nilapitan si Jepoy ng kanyang ina. "Anak totoo ba 'yon? Di 'ba sabi ko sa'yo umupo ka lang dito at hin ayin mo ako matapos?" Malumanay na sambit ng ina.
"Eh kasi po 'Nay nakita ko lang po siya sa damuhan eh. Kinuha ko po tsaka ang dumi-dumi na po niya kaya ni-paliguan ko," paliwanag naman ni Jepoy.
"Eh yun naman pala Dino eh, he's just washing your toy, " paliwanag naman ng ina ni Dino sa anak.
"Anak magsorry ka sa kanya," wika naman ng ina ni Jepoy at pagkatapos ay lumapit si Jepoy kay Dino.
"Sorry ha, di ko na uulitin, " sabay lahad ng kaliwang kamay para makipagkamay.
Tiningnan lang ni Dino ang kamay ni Jepoy at patakbong umalis.
"Mam Angela, pasensya na ho kayo.. Pagsasabihan ko na lang uli si Jepoy," wika ng kanyang ina noo'y bakas na bakas sa mukha ang pagod sa paglalaba.
"Ay naku Aida, wala yun. Away bata lang yan. Baka nainip lang yung bata kaya ayun, naghanap ng mapaglilibangan. Ito pala si Jepoy? Naku parang magkasing-edad lang kayo ni Dino ko ah," sabay ngiti ni Angela sa bata.
"Ay naku Mam, opo. Grade two na rin po yan sa pasukan," sabad naman ni Aida.
"Wow talaga? Naku dalasdalasan mo pagdalaw dito ha. Para naman may makalaro itong si Dino sa bahay. Ayaw ko kasing ipasama si Dino dun sa iba nyang kalaro dito Aida, para kasing walang maituturong maganda yung mga bata dito. Pano kasi, laking mayaman, walang disiplina. Maganda pa yung katulad ni Jepoy na hindi nga kayamanan eh, puno naman ng magandang asal," napangiti si Aida sa narinig. Para sa kanya, totoo ang mga sinabi ng amo niya. Wala silang yaman na pwede nilang ipamana kay Jepoy at sa mga kapatid niya, kundi ang disiplina at kagandahang asal na itinuro niya at ng kanyang asawa sa kanilang mga anak.
"Ngayon ngang pasukan eh balak kong ilipat si Dino sa public school, para naman maranasan niyang makisalamuha sa iba't ibang klaseng mga bata. At Aida, please. Wag mo na akong tawaging mam. Angela na lang," sabay ngiti.
"Oh Jepoy, halika muna sa loob at manood ka muna ng tv para hindi ka mainip. Mukhang matatagalan pa si Nanay mo eh," sabay hawak sa likod ng bata. Napangiti na lamang si Aida sa kanyang amo habang pumapasok sila sa loob.
At simula nang araw na iyon ay madalas nang isama ni Aida ang anak sa bahay ng kanyang amo. Doon kahit papaano ay nararanasan ni Jepoy ang ilang mga bagay na hindi niya nararanasan sa kanilang bahay kagaya ng panonood ng tv, paglalaro ng computer, oh di kaya ay ang makakain ng masasarap na pagkain. Mabait ang pamilya ni Angela, bagama't nakaririwasa ay natutuhan nilang maging mapagkumbaba. Hindi sila katulad ng ibang mayayaman na mataas ang tingin sa sarili.
At simula din noon ay nagkalapit na ang mundo nina Jepoy at Dino. Noong una ay hindi naging maganda ang pagsasama nila. Nariyang ayaw ipahiram ni Dino ang kanyang mga laruan kay Jepoy. Kung minsan, kapag nanonood si Jepoy ng TV ay bigla na lamang papatayin ni Dino ang Tv. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Dino kay Jepoy sa simula at lagi siyang pagalitan ng mama niya dahil doon.
Ngunit isang araw, habang naglalaro si Jepoy sa labas ay bigla siyang nilapitan ng isang grupo ng mga batang lalaki. Iba-iba sila ng taas  at laki. Pinalibutan siya ng mga bata at maya-maya ay nagsalita ang isa sa pinakamalaki sa kanila.
"Ikaw siguro yung bagong kalaro ni Dino," sambit niya gamit ang maliit ba boses 
Hindi nagsasalita si Jepoy. Nakatingin lang siya batang nagsasalita.
"Alam mo ba, simula nang dumating ka, hindi nakikipaglaro sa amin si Dino. Hindi na siya sumasama sa amin, " wika nang bata. "Oo nga!" sigaw naman ng mga kasama. " Alam mo daoat umalis ka na dito eh, hindi ka dapat nakikipaglaro kay Dino. Mga kagaya lang namin dapat makipaglaro sa kanya, umalis ka na!" Sigaw ng bata. "Oo nga! Alis na!" Sigaw ng mga kasama.
Kinakabahan ba si Jepoy. Unti-unti nang lumalapit sa kanya ang mga bata. "Sandali, hindi pa tapos si nanay maglaba, tsaka.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Bigla na lamang siyang itinulak ng isa sa pinakamalaking bata at agad siyang tumumba at napahiga sa kalsada.
"Turuan na natin iyan ng leksyon Jerry!" Sigaw ng isa. Akmang susuntukin naniya si Jepoy nang may biglang sumigaw sa likod.
"Jerry huwag!" Napalingon silang lahat sa likod.
"Dino, ano makikipaglaro na samin? " tanong ng isa. Hindi siya nagsasalita. Lumapit lang siya kay Jepoy at humarap kay Jerry. "Huwag mo siyang sasaktan," matikas na wika ni Dino na bagama't boses bata. "Sige na, makikipaglaro na ako sa inyo, tayo na," wika ni Dino. Natuwa naman ang ilang mga bata sa narinig. Ngunit hindi si Jerry. "Tayo na Jerry, hayaan mo na siya," wika ni Dino sabay akbay sa kaibigan. "Dino pagagalitan ka nang mama mo!" Sigaw ni Jepoy habang dahan-dahang tumatayo sa pagkakahiga at habang naglalakad papalayo ang kaibigan. At katulad ng dati, hindi siya sinagot ni Dino, ni hindi munlang siya nilingon.
Patuloy na naging ganoon ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Si Dino, na naiinis at naiilang sa kanya, at si Jepoy na nahihiya at natatakot na lumapit sa kanya. Hanggang sa isang araw, isang linggo bago magpasukan nang taong ding iyon ay nagkaroon ng pagtatalo ang mga magulang ni Jepoy. Nanghihingi kasi ng perang pambili ng mga gamit si Aida sa kanyang asawa noon ngunit imbis na bigyan ay sumbat at mura lamang ang natanggap niya mula sa asawa. Dinig na dinig niya kung paano murahin ng kanyang ama ang kanyang ina. Ganito madalas ang kanyang mga magulang. Madalas silang mag-away, magsigawan, magsumbatan. Mahilig kasing manumbat ang kanyang ama. Siya na lang daw palagi ang gumagawa ng paraan para mabuhay silang pamilya. Wala daw kahit isang makaalalang tulungan siya o kaya magkusang magtrabaho para sa kanya. Nagpapakasarap lang daw sila sa buhay samantalang siya ay nagpapakahirap sa pagbubungkal ng lupa. At sa tuwing may hihingin sila ay imbis na bigyan, pagmumura at panunumbat ang inaabot nila. Kaya naman naging malayo ang loob nilang magkakapatid sa kanilang ama. Kahit kailan ay hindi nila naramdaman ang kanyang suporta. At sa limang magkakatid, si Jepoy ang pinaka-ayaw niya. "Lampang bata! Pagkahina-hina ng katawan! Daig pa ng babae!" Iyan ang palagi niyang naririnig mula sa kanyang ama kapag nakikipagkwentuhan ito sa kanyang mga kumpare. Totoo, mahina ang pangangatawan ni Jepoy, pero hindi kasing hina ang utak niya. Matalino si Jepoy at magaling siyang gumuhit, yun nga lang, hindi ito nakikita ng kanyang ama. At kahit kailan ay wala siyang ibang hiniling, kundi ang mahalin at ipagmalaki siya ng kanyang ama. Kaya naman sa tuwing makakakita siya ng mag-amang masaya at nagmamahalan ay hindi niya mapigilang mainggit at malungkot. At nang araw ngang iyon ay narinig niyang murahin ng kanyang ama ang kanyang ina. Malungkot na malungkot siya noon at para maibsan ito ay nanood na lamang siya ng tv sa sala ng bahay nina Dino. At dahil hindi na siya iba sa bahay na iyon ay hinahayaan na lamang siya ng mama ni Dino na buksan ang tv o di kaya ay kumuha ng pagkain sa ref. At habang nanood nga ng tv ay umandar na naman ang kapilyuhan ni Dino. Kinuha niya ang remote kay Jepoy at akmang papatayin ang tv. Ngunit nagtaka siya sapagkat hindi munlang nanlaban si Jepoy, hindi katulad ng dati na nakikipag-agawan ito sa kanya. Nakaupo lang si Jepoy. Tiningnan ni Dino sa mukha si Jepoy. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha ng bata. Parang may kung anong bagay ang kumurot sa puso niya. Tiningnan din siya ni Jepoy at saka tumayo at umalis sa kanyang kinatatayuan. Naglakad si Jepoy sa may at doon naupo. Hindi alam ni Dino kung ano nangyayari kay Jepoy. Ngunit napansin na lamang niya itong may kung anong pinupunas sa mukha gamit ang isang braso. Pansin din niya ang galaw ng kanyang mga balikat at maya-maya ay nakakarining na siya ng mga hikbi. Umiiyak na pala si Jepoy. Hindi niya alam ang gagawin. Ngayon niya lamang ito nakitang umiyak.
Palakas ng palakas ang paghikbi ni Jepoy kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na niya kinaya ang lungkot niya. Basang-basa na rin ang kanyang mga braso ng kanyang sipon at luha. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na may umupo sa tabi niya. Humarap siya dito at nakita niya ang malungkot na mukha ni Dino.
"Sorry," sabi ni Dino sabay abot ng remote kay Jepoy. Nagulat si Jepoy sa ginawa ni Dino. Ito ang unang beses na nagsorry sa kanya si Dino. Napangiti si Jepoy at napatawa.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni Dino na nagtataka.
"Eh kasi ang dumi ng mukha mo! Hahahaha!" Tawa ni Jepoy habang nagpupunas ng luha.
Napatingin si Dino sa salamin at nakitang puro kulay ang kanyang mukha. Naalala niya na nagkukulay nga pala siya noon bago niya agawin ang remote kay Jepoy. Tumawa n rin si Dino at masayang nagtawanan ang dalawang bata.
"Huwag ka na uling iiyak ha," sabi Dino. Habang pinupunas ang luha ni Jepoy gamit ang kanyang kamay. Ngunit nagulat siya pagkatapos. Napatakip siya ng bibig."Ooops! Sorry!" Nawala sa isip niya na may dumi rin ng pangkulay ang mga kamay niya. Kaya pinaharap ni Dino si Jepoy sa salamin. Nagulat si Jepoy sa nakita niyang dumi sa mukha. Ngunit imbis na magalit ay tumawa na lamang ito ng malakas. Nang araw na iyon ay agad na nawala ang lungkot na kanyang dinadala. Nang araw kasing iyon ay parang nakatagpo siya ng isang bagobg kaibigan at iyon ay sa katauhan ni Dino.
Simula noon ay naging magkalaro na ang dalawa hanggang sa matapos ang linggong iyon at nagsimula ang pasukan.
Maagang pumapasok si Jepoy sa school sapagkat nilalakad nito ang daan mula bahay hanggang paaralan kasabay ng kanyang mga kapatid. Pangatlo siya sa limang magkakapatid at noong mga panahong iyon ay tatlo pa lamang silang nagaaral sa school na pinapasukan nila. Tuwing umaga ay sabay-sabay silang pumapasok ngnunit ngayon, sapagkat unang araw ng pasukan ay kasa-kasama nila ang kanilang ina. Nang mga panahong iyon ay papel  at lapis lamang ang kanilang mga dala dahil na rin sa hindi sila binigyan ng ama nila ng pambili ng mga gamit. magkahalong lungkot at pananabik ang nararamdaman ni Jepoy nang araw na iyon. Inihatid na siya ng kanyang ina sa kanyang magiging classroom at pagkatapos niyang umupo ay nakita na niyang kinakausap nito ang kanyang magiging guro. Maya-maya pa ay umalis na rin ito.
Napakaraming bata sa loob ng classroom na iyon, maiingay, magugulo, lahat sila ay may kani-kaniyang pinag-uusapan. May nagtatawanan, nagsisigawan, nagbubulungan, at ang iba naman ay normal na pag-uusap lang. May mga ilang bata din na nagpapayabangan ng kanilang nga gamit. At siya, kagaya ng dati, tahimik lang at walang kibo. Walang kuma-kausap sa kanya ng mga oras na iyon, hanggang sa may umupo sa tabi niya.
Si Dino.
Laking gulat niya nang makita ang kaibigan sa tabi niya.
"Dito ka rin papasok?" Tanong ni Jepoy.
"Oo, dito ako pinapasok ni mommy eh. Ayun siya oh," sabay turo sa kanyang mommy na nakatayo sa may pinto kasama ang kanyang ina. Kinawayan sila nito.
"Ang saya naman! Magkaklase pala tayo! Haha!" Sabi ni Jepoy na tuwang tuwa.
"Oo nga eh, heheh, oo nga pala may pinabibigay si mommy," sabay talikod at biglang binuhat ang isang malaki at magandang bag na may mga larawan ni Batman at maraming bulsa.
"Oh ayan, para sa iyo yan, ang bigat ang dami kasing laman" nakangiting sabi ni Dino. Gulat na gulat si Jepoy sa nakita.
"Oh anu pang hinihintay mu. Ayaw mo ba?" Tanong ni Dino. Sa pagkakataong iyon ay walang mapaglagyan ng saya si Jepoy. Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. Agad niyang binuksan ang bag at mas lalo pa siyang nagulat sa nakita. Punong-puno ito ng mga gamit sa school. Mga notebook, lapis, papel, crayon na tatluhan, gunting, pencil case(yung maraming pindutan,) lagayan ng tubig , at kung anu-ano pa at lahat ng iyon ay may mga disenyong batman. Maging ang kanyang mga notebook ay batman din ang design. Agad napatakbo si Jepoy sa saya at niyakap ang ina. Doon ay nagsimulang tumulo ang luha ni Jepoy. Hindi niya napigilan ang sayang nararamdaman.
"Anak, bigay sayo ni Mam Angela iyan, mabait ka daw kasing bata," garalgal na sabi ni Aida sa anak na mukhang tutulo na rin ang luha.
"Hik-teynkyu po-hik mam Angela!" Nauutal utal na sabi ni Jepoy kasabay ng pagpunas ng mga luha.
"Naku huwag ka lang sa akin magpasalamat. Kasama ko si Dino nang mamili kami ng nga gamit mo. Siya ang pumili ng lahat ng iyon" wika ni Abgela sabay turo sa anak na noo'y nakangiti habang pinapanood sila, sabay OK sa kanyang kamay. Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang guro at ang lahat bumalikna sa kanilang mga upuan. Masayang masaya si Jepoy nang araw na iyon hanggang sa matapos.
Naging magkaklase nga ang dalawa simula nung araw na iyon. Palagi silang magkasama, at magkalaro. Magkakampi sa lahat ng oras. At sa paglipas ng panahon ay mas lumalim pa ang kanilang samahan. Naging matalik silang magkaibigan at parang kapatid na rin ang turingan. Dumami na rin ang kanilang mga kaibigan.
Si Jepoy, na siyang magaling pagdating sa pag-aaral, ang palaging tumutulong kay Dino sa oras namayroon silang assignment o di kaya ay exam. At si Dino naman, na siyang matapang at malakas, ang siyang palaging nagtatanggol sa kaibigan sa oras na may umaaway kay Dino. Kaya naman si Dino ang palaging napapaaway sa kanilang dalawa. May mga pagkakataon din na binibigyan ni Dino ng pagkain si Jepoy sa oras na wala itong ibang baon kundi kamote lang. Minsan nga ay nagpapalit pa sila ng baon. Lumipas pa ang mga araw, buwan, at taon sa kanilang dalawa at mas lalo pang lumalim ang kanilang samahan. Araw-araw, maging sabado at linggo ay palagi silang magkasama hanggang sa sumapit sila ng grade 4. Nang mga panahon kasing iyon ay pinipilit na siya ng kanyang ama na magtrabaho na lang sa bukid para makatulong, na siya namang pinaka-aayaw niya sa lahat. Bukod sa mahirap ang mga trabaho at hindi siya ganoon kalakas ang katawan ay palagi siyang napagagalitan ng ama dahil nga sa hindi niya magawa ng maayos ang mga pinagagawa sa kanya. Dahil doon ay hindi nila magawang magkita ni Dino. Kaya naman sa tuwing sasapit ang lunes ay hindi mapigil ang dalawa sa kanilang kwentuhan na parang ang tagal nilang hindi nagkikita.
Isang araw ay isinama ni Jepoy si Dino sa kanilang bahay. Araw noon ng Byernes at saktong maaga silang pinalabas ng kanilang guro. Sabik na sabik noon si Dino sapagkat ito ang unang beses na makakapunta siya sa bahay ng kaibigan, at syempre, gayundin si Jepoy. At nang dumating sila sa bahay ay agad silang nakita ni Aida.
"Oh Dino, aba't napasyal ka dito. Alam ba iyan ng mommy mo?" Tanong ni Aida na noo'y naghuhugas ng pinggan sa isang bangbang.
"Opo Aling Aida, alam po ni mommy na nandito ako. Oo nga po pala, bakit po diyan po kayo ngahuhugas ng pinggan sa bangbang? Di po ba madumi iyan?" Pagtataka ni Dino pagkatapos niyang magmano.
"Naku malinis iyan Dino. Sa bukal kasi iyan nanggagaling. Ito oh." Sabay turo sa isang bukal na kalapit nila. "Dito rin kami kumukuha ng inuming tubig. Malinis iyan." Sabi pa ni Jepoy.
"Talaga? Ang galing naman, libre kayo sa tubig" wika ni Dino.
"Oo, at doon. Doon sa may ilog, doon kami naliligo, mamaya isasama kita," wika ni Jepoy. Kaya naman mas lalo pang nasabik si Dino. Ito kasi ang unang beses niya na mararating ang lugar na iyon. Maya-maya ay pumasok sila sa loob ng bahay para ilagay ang kanilang mga gamit, at para magbihis na rin. Ito rin ang unang pagkakataon na makita ni Dino ang bahay nina Jepoy. Kumpara sa bahay nila ay maliit ito ngunit maaliwalas. Walang air-con pero ramdam niya ang presko at lamig ng hangin. At bukod pa dito ay tahimik, payapa at napakaginhawa sa paliramdam habang nasa loob siya ng bahay na iyon. Ang mga ding-ding ay gawa sa sawali at ang bubong ay gawa sa pinagtagpi-tagping mga anahaw. Sa loob naman ay makikita ang kalinisan at kaayusan ng mga bagay. At sa sobrang presko ng pakiramdam ay napapikit na lamang si Dino at napahigop ng hangin. Parang noon lang siya nakalanghap ng sariwang hangin. Maya-maya pa ay bigla silang tinawag ni Aida para magmiryenda. Pinagsaluhan nilang dalawa ang nooy masarap at matamis na minatamis na kamote. Tuwang-tuwa si Dino noon sapagkat naging paborito na niya ang kamote simula noong nakipagpalit siya ng baon kay Jepoy. Maya-maya ay umalis na sila. Ipinasyal ni Jepoy si Dino sa bukid na kanilang tinitirhan. Mabuti na lang at malayo ito sa palayan na pinagtatrabahuhan ng kanyang ama dahil kung hindi ay malamang uutusan siya nito at pagagawain sa gawaing bukid.
At nang hapong iyon ay sinulit nila ang pagkakataon. Pinuntahan nila ang ilog, na kung saan ay tuwang-tuwa si Dino lalo na nang lumusong sila dito, tumawid sa mga pilapil, nariyang muntik pang mahulog si Dino dahil hindi siya sanay, at umakyat sa mga puno. Tuwang-tuwa si Dino sa mga bagay na noon lamang niya nararanasan, at ikinasiya naman ito ni Jepoy. Marami pa silang pinuntahan hanggang sa dalhin na siya ni Jepoy sa isa sa pinakapaborito niyang lugar. Ito daw ang lugar kung saan siya madalas magpunta kapag siya ay nalulungkot ang gustong mapag-isa. Ang lugar na tinatawag niyang santwaryo. Tinawid nila ang ilang pilapil (at kapag nakakakita si Dino ng isang bagay na kakaiba ay tinitigilan niya ito) , ilog (dahilan para mabasa na ang suot niyang shorts) at maya-maya ay pumasok na sila sa isang gubat. Pagod na pagod si Dino noon hanggang marinig na niya ang isang kakaibang ingay. Muli siyang nakaramdam ng pananabik. Ilang segundo pa ay natulala na lamang siya sa kanyang nakita. Tumambad sa kanya ang isang napakaganda at napakataas na talon. Napanganga siya sa mga oras na iyon. Hindi niya akalaing sa pagkakataong iyon ay makakita siya ng isang napakagandang lugar na akala niya ay sa mga larawan lamang niya makikita. Nakangiting-nakangiti noon si Jepoy at agad na kinuha ang kamay ni Dino at agad na hinila papalapit sa may ilog. Agad na tumakbo ang dalawa at agad na lumusong. Masayang naglaro ang dalawang bata, nagbasaan, mangolekta ng mga bato, at nanghuli ng mga maliliit na isda at katang. Masayang-masaya ang dalawa hanggang sa mapagod at naupo sa isang malaking bato na nasa gitna ng ilog at nakaharap sa mataas na talon.
"Alam mo Jepoy, ngayon lang ako nakakita ng kagaya nito. Buti na lang dinala mo ako dito, ayos ka talaga" wika ni Dino na nooy nakatitig sa talon.
"Naku secret lang natin to ha. Ikaw lang pinagsabihan ko nito," wika ni Jepoy.
"Oo ba, basta tayo lang nakaka-alam nito ha, promise?" Sabi pa ni Dino. At pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay.
"Promise,"sagot ni Jepoy sabay taas din ng kanang kamay sabay apir kay Dino.
"At simula ngayon, hindi na Jepoy ang itatawag ko sayo," sabi pa ni Dino.
"Hah? Ano naman?" Tanong niya.
"Pat," sagot naman ni Dino.
"Hah?"
"Pat, tama, Pat na lang ang itatawag ko sa iyo," sabi Dino sabay ngiti.
"Sige. Pat na rin itatawag ko sa iyo," sagot naman ni Jepoy sabay ngiti rin sa kaibigan.
At simula noon ay madalas na silanfmg pumunta sa lugar na iyon. Doon pakiramdam nila ay sa kanila lang ang lugar na iyon. Minsan nga ay doon sila gumagawa ng kanilang mga assignment at projects. Kapag may mga pagkakataon maaga silang pinauuwi o di kaya ay nawawalan ng pasok, ang lugar na kaagad na iyon ang kanilang naiisip. Tuwang- tuwa si Dino kapag pumupunta sila roon sapagkat doon lamang niya nararanasan ang mga bagay na malayo sa buhay na mayroon siya.
Nagdaan ang panahon sa kanilang dalawa at mas lalo pang tumibay ang kanilang pagkakaibigan. Nagkaroon rin sila ng mga tampuhan ngunit hindi rin naman nagtatagal at nagkakabati rin naman. Naging aktibo rin sila sa kani-kanilang mga larangan. Si Dino, dahil sa hindi naman siya katalinuhan sa pag-aaral, ay kasali sa isang team ng volleyball. Si Jepoy naman ay pambato ng paaralan sa mga quiz bee, na lubos namang tinututulan ng ama sapagka't dahil dito ay hindi siya nakakatulong gawaing bukid. Sinusuportahan nila ang isa't-isa. Si Jepoy, para mas maging malakas ang kaibigan ay palagi niya itong dinadalhan ng gatas ng kalabaw. At si Dino naman ang tumutulong kay Jepoy sa pagrereview kapag may mga laban ang kaibigan. Siya at ang kanyang mommy ang sumasagot sa kanyang pamasahe sa oras na may laban ito sa ibang lugar.  Madalas ding isama ni Jepoy si Dino sa pamimingwit ng isda, panghuhuli ng mga katang, pangangakyat sa mga puno, panggagawa ng tirador, pagpapastol sa alaga nilang kalabaw o di kaya'y pagpapalipad ng saranggola sa parang. Lahat nang iyan ay naging parte ng buhay nina Dino at Jepoy, magkaiba ng mundo ngunit pinag-isa ng kapalaran.
Hanggang sa sumapit sila ng Grade 6.
Sa taong ito nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Hindi lang ito tungkol sa pagbibinata nila at kung paanong mas tumangkad pa sila at lumagong ang mga boses, maliban kay Jepoy, kundi pati na rin sa estado ng kanilang pagkakaibigan at sa mga pangyayari sa kanilang buhay.  
Nang taong iyon nagkaroon ng malaking dagok sa pamilya nina Dino. Isang gabi noon ng marinig niyang simisigaw ang kanyang mommy habang may kausap ito sa telepono. Umiiyak at nagmamakaawa.
"Please Ronald! Huwag mong gawin sakin toh. Wag mong gawin samin ng anak mo. Kailangan ka ni Dino!" Sigaw ng kanyang mommy. At sapagkat lumalaki na ay nagkakaroon na rin siya ng malay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Alam niyang hindi na tama ang nangyayari at ngayon lamang niya nakitang umiiyak ang kanyang ina. Dahan-dahan siyang lumapit kay Angela na noo'y nakatalikod habang nakikipag-usap sa telepono. Maya-maya ay pinatay na ni Angela ang telepono at nagulat ng makita niya si Dino sa kanyang likuran. Agad niyang niyakap ang kanyang anak at humagulgol ng iyak.
"Wala na ang Papa mo Dino, hindi na siya babalik sa atin. Iniwan na niya tayo, pinagpalit na niya tayo sa ibang babae!" Hagulgol ni Angela habang yakap ang anak.
At nang mga oras ding iyon ay tumulo na rin ang luha ni Dino. Sa mga sandaling iyon ay halo-halo ang nararamdaman niya. Matinding awa sa para sa kanyang ina, at pagtataka kung bakit sila iniwan ng kanyang ama. Hindi niya inakalang magagawa ng Papa ang bagay na iyon sapagkat para sa kanya ay napakabait ng kanyang ama. Akala niya ay napakaswerte niya sapagkat iba ang kanyang ama kaysa sa tatay ni Jepoy.
Simula nang araw na iyon ay naging tahimik si Dino. Mapag-isa at hindi maka-usap. Naging magagalitin siya at bugnutin. At nang mga panahong iyon ay tanging si Jepoy na lamang atang kanyang ina ang kinakausap niya at wala nang iba. Naging madalas din ang pagpunta niya sa may gilid ng talon upang ang doon ilabas ang galit na nakakulong sa puso niya. Galit na galit siya sa kanyang ama. Galit siya sapagka't hindi niya inaakalang iiwan sila ng kanyang ama, galit na galit siya sapagka't wala siya sa mga panahong nangangailangan siya ng isang ama. Hindi na babalik ang papa niya at sumama na sa ibang babae, bagay na lalo niyang ikinamuhi.
Isang araw ay hindi nakapasok sa school si Dino. Akala mi Jepoy ay may sakit lamang ito kaya dinalaw niya ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay. Ngunit laking gulat niya nang malamang wala ito sa kanilang bahay. At ang alam pa sa kanila ay pumasok ito. Alalang-alala si Angela nang mga oras a iyon. Pinuntahan niya ang mga kaibigan ni Dino sa kanilang subdivision para ipagtanong sa mga kainigan ngunit lahat sila ay walang kaalam-alam kung nasaan si Dino.
Biglang pumasok sa isip ni Jepoy ang iaang lugar. Lugar na alam niya at siguradong kinalalagyan ni Dino ng mga oras na iyon. Kaya dali-dali siyang pumunta sa may gilid ng talon.
At hindi nga siya nagkamali. Nakita niya noon si Dino na naka-upo sa malaking bato na palagi nilang inuupuan paglatapos nilang maglaro.
"Kanina ka pa namim hinahanap ng mommy mo, nandito ka lang pala," wika ni Jepoy.
"Iwan mo muna ako dito, gusto kong mapag-isa," sagot naman ni Dino.
"Ano bang problema Pat? Si Papa mo pa rin ba iyan?" Tanong ni Jepoy.
Hindi sumasagot si Dino. Nanatili lang itong nakaupo at sinubsob pa ang ulo sa dalawabg tuhod.
"Pat, sumagot ka naman oh, namimiss ko yung bestfriend ko eh"
"Umalis ka na, iwan mo na rin ako, kagaya ni Papa" sagot ni Dino.
Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng kaibigan nang mga oras na iyon ngunit alam niya nahihirapan ito.
"Wag ka namang ganyan Pat, hindi ako katulad ng Papa mo. Hindi kita iiwan. Pat mo ko di ba?" Sabi pa ni Jepoy. Ipinatong ni Jepoy ang mga kamay niya sa balikat ng kaibigan.
"Sinabi nang gusto kong mapag-isa! Iwan mo na ako!" Sigaw niya at pagkatapos ay biglang siyang tumayo at itinulak si Jepoy. Sanhi para mahulog ito sa tubig. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng inis sa kaibigan.
"Sige, kung gusto mong mapag-isa bahala ka sa buhay mo. Hindi na kita papakaelaman mula ngayon," pagalit na wika ni Jepoy sabay alis. Tiningnan lamang siya ni Dino at nang maka-alis na si Jepoy ay humagulgol na ito ng iyak.
Nagdaan ang mga araw at patuloy ang hindi pagpapansinan ng magkaibigan. Hindi sila nag-uusap o kahit magkatinginan. Patuloy rin ang pagbabago sa ugali ni Dino. Madalas nang gabi kung umuwi ng bahay ang bata at dumadalas din ang pagpunta ng kanyang ina sa school sapagkat palagi na itong napapa-away. Mabilis na siyang magalat magwala sa paaralan. Nahihirapan na rin ang kanyang mga guro sa kanya. Hindi siya masyadong sumasama sa pagpapractice ng volleyball. Naging miserable ang buhay ni Dino nang mga panahong iyon at sa mga panahong iyon ay nanatili lamang na nakamasid si Jepoy. Gustong-gusto niyang lapitan ang kaibigan. Gusto niya itong kausapin ngunit natatakot siya na baka mas lalo lang itong mainis sa kanya. Ngunit alam niyang may pag-asa pa. Alam niyang maibabalik pa rin niya ang dati nilang samahan.
Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng gulo sa loob ng kanilang classroom. At kasali sa gulong ito ay walang iba kundi si Dino. May isakasing kaklase ang nangahas na mangasar sa kanya, at dahil sa sitwasyon ni Dino ay nakatikim ang kaklase. Nagtulakan, hanggang umabot sa suntukan, at nagkagulo na. Agad na tumakbo si Jepoy para awatin ang dalawa. Hanggang sa aksidenteng nasuntok ni Dino si Jepoy sa mukha. Napatumba si Jepoy sa lakas ng suntok at nagdugo ang ilong.
Natahimik ang buong klase sa nangyari. Maging ang dalawang nag-aaway ay natigilan din. Dahan-dahang tumayo si Jepoy habang hawak ang nagdurugong ilong. Sa mga oras na iyon ay may kung anong kaba ang pumasok sa puso ni Dino. Hindi niya alam kung bakit pero nasaktan siya nang makitang nagdurugo ang mukha ni Dino nang dahil sa kanya. Lalapitan sana niya ang kaibigan ngunit bigla itong umiwas at patakbong pumasok sa banyo. Sa muling pagkakataon ay nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Hindi niya akalaing magagawa niya ang bagay na iyon kay Jepoy. At mas lalo pa itong naawa nang makitang may pasaito sa mukha. Nagtaka siya ng makita iyon sapagkat alam niyang malakas iyong pagkakasuntok niya kahapin ngunit hindi iyon papasa ng ganoong kalaki. Gusto niya sanang lapitan ang kaibigan ngunit alam niyang galit pa ito sa kanya dahil sa kanyang mga inasal nitong mga nagdaang araw. Hanggang sa mapansin niya sa labas si Aling Aida na kausap ang guro nila. Maya-maya pa ay natapos ang pag-uusap ng dalawa. Papaalis na sana si Aida nang biglang may tumawag sa pangalan niya,  Si Dino.
"Oh Dino anak, kumusta ka na" wika ni Aling Aida habang nakatitig sa mga mata ng bata.
"Aling Aida im sorry po, nasuntok ko po si Jepoy. Hindi ko po sinasadya yun, di Alan po kasi..."
"Shhhh.." Wika ni Aida sabay patong ng kamay sa balikat ng bata.
"Wag kang mag-alala naniniwala ako sa iyo, alam kong hindi mo magagawa iyon sa anak ko," wika ni Aida.
"Salamat po, oo nga po pala. Nagpasa po pala yung suntok ko kay Jepoy, hihingi na lang po ako ng pera kay mommy para ipagamot yung mukha niya." Alok ng bata.
Umiling lang si Aling Aida. "Ayps langbiyon anak, hindi mo na kailangang mag-abala pa. Tsaka hindi ikaw ang may kasalanan sa pasa sa mukha niya," sagot ni Aida na ikinagulat naman niya. Itatanong sana niya kung sino ngunit tinawsg na siya ng guro at nagpaalam na rin si Aida.
Buong maghapon niyang tiniis ang pasang iyon sa kanyang mukha. Hindi maiwasan ang pagtinginan siya ng mga batang nagdaraan at ang iba ay nagawa pa siyang tawanan. Wala na lamang siyang nagawa nang mga oras na iyon kundi ang manahimik na lang. Hanggang sumapit ang tanghalian at agad na dumiretso si Jepoy sa canteen upang kumain. Pagdating doon ay umupo siya sa pinakang dulo upang hindi masyadong mapansin ng ibang bata. Tahimik siyang kumakain ng biglang may batang umupo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin. Patuloy lang ito sa pagkain. Hanggang sa mapansin niyang masyadong maraming pagkaing ipinapatong ang bata sa mesa at nagulat siya nang mapansin niyang inilalagay niya ito sa gitna nilang dalawa. May kanin, hotdog, fried chicken, porkchop, at menudo. Hanggang sa tiningnan niya kung sino ang batang iyon.  At iyon ay walang iba kundi si Dino. Hindi niyavito pinansin at nagpatuloy siya sa pagkain. Hindi niya aldm ang gagawin pero parang nakakaramdam siya ng saya nang mga oras na iyon. Ito ang kadalasang ginagawa nila kapag oras ng tanghalian. Nang mga panahong maayos pa ang lahat. Ngunit pinagpatuloy lang niya ang pagkain at mas lalo pa niyang binilisan at pagkatapos ay iniligpit na niya ang pinagkainan at tumayo dahil naiilang siya sa mga oras na iyon. Papaalis na sana si nang biglang magsalita si Dino.
"I'm sorry.."
Bigla siyang napatigil.
"Sorry Pat, hindi ko sinasadya, " wika ni Dino.
"Ok lang, hindi naman masakit eh," sagot ni Jepoy na noo'y nakatalikod pa. Maya-maya ay hindi na nakatiis si Jepoy. Umupo na ito at hinarap ang kaibigan. Matagal na niyang gustong maka-usap sng kaibigan.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap ang ginawa ng papa mo?" Taning ni Jepoy.
"Mali yung ginawa niya Pat eh. Mali yung iwan niya si mommy. Mali yung iwan niya kami, masakit, napakasakit" sabi ni Dino hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Muling ipinatong ni Jepoy ang kamay sa balikat ng kaibigan.
"Pat, huwag kang mag-alala. Narito lang ako. Kung yung papa mo, nagawa kang iwan, pwes ako hindi. Dito lang ako sa tabi mo. Kaibigan mo ako eh, Pat mo ko eh," sabi ni Jepoy. Tiningnan siya ni Dino habang nagpupunas ng kanyang luha at idinampi ang isang kamay sa kamay ni Jepoy na nakapatong sa kanyang balikat.
Ngmuti siya at nginitian din siya ng kaibigan.
"Salamat, Jepoy. Salamat, Pat," wika ni Dino.  "Ay naku paakbay nga sa Pat ko! Hehe! Namiss ko to eh!"sabay akbay kay Jepoy. Napakasaya ng pakiramdam ni Jepoy ng mga oras na iyon. Hindi niya akalaing manunumbalik ang dating Dino na nakilala niya. Ang Dino na naging bestfriend niya at gayundin ang pakiramdam ni Dino.
"Syanga pala Pat, sorry talaga kahapon ha, ikaw kasi eh. Inawat mo pa kami. Matagal na akong nagtitiis dyan sa Allan na iyan eh. Nagkapasa ka tuloy, patingin nga," sabi ni Dino sabay hawak sa baba ni Jepoy para tingnan ang pasa.
"Anu ka ba. Ok nga lang eh. Hindi naman ikaw ang may gawa niyan eh. Si Tatay, akala kasi niya nakipag-away ako ka..." Biglang natigilan si Jepoy. Wala sana siyang balak na sabihin iyon. Biglang nagbago ang timpla ang mukha ni Dino sa narinig.
"Talaga, ginawa ni Mang Kastor iyan," malungkot na sabi ni Dino. Alam niyang kasalanan niya ang nangyari kung bakit may pasa ngayon si Jepoy.
"Sorry Jepoy," sabi ni Dino.
"Anu ka ba, kanina ka pa nagsosorry dyan eh, sinabi nang ok lang. Sige ka, magtatampo ako uli sa iyo nyan. Baka mamaya. Grumaduate na lang tayo nang hindi kita kinakausap," sabi ni Jepoy.
"Huwag kang mag-alala Pat. Babawi ako. Babawi ako bago pa man tayo maka-graduate
At muling nagsimula ang araw para kina Dino at Jepoy. Hindi naging madali kay Dino ang maka-move on sa ginawa ng kanyang ama ngunit sa tulong ni Jepoy ay unti-unti siyang nakabangon at naibalik ang dating Dino. Balik sa normalang lahat. Hanggang sa sumapit ang araw ng kanilang pagtatapos.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Love Chooses No One (Part 1)
Love Chooses No One (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjujGUVyNTs2WncXaNNinPhK6fh8GfUbaDEeHbDWNof2LaJPg5EXzGPM1lWv6BhVQie_pcPGohr6kd5StGirzcAC2xJY7lf1tWq1r_PzZ5pLqPscgqtnDBYc8b4joAQdevpR-NCR1iNitap/s1600/tumblr_nbqh2hG7lL1sgcp2fo1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjujGUVyNTs2WncXaNNinPhK6fh8GfUbaDEeHbDWNof2LaJPg5EXzGPM1lWv6BhVQie_pcPGohr6kd5StGirzcAC2xJY7lf1tWq1r_PzZ5pLqPscgqtnDBYc8b4joAQdevpR-NCR1iNitap/s72-c/tumblr_nbqh2hG7lL1sgcp2fo1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/09/love-chooses-no-one-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/09/love-chooses-no-one-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content