$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sana'y Wala Nang Wakas

By: Jefford Good day! “Don’t chase people. Be yourself, do your own thing, and work hard. The right  people, the one who really belongs to y...

By: Jefford

Good day! “Don’t chase people. Be yourself, do your own thing, and work hard. The right  people, the one who really belongs to you, will come to your life and stay”. Ako si Jefford isang General Practitioner, 28, 5’8” ang taas, katamtaman ang pangangatawan with fair complexion. Sabihin nating malapit ang facial feature ko kay Isko Moreno, dahil yun naman talaga ang mga sinasabi ng nakakakita sa akin. Sabi lang nila. Isa akong discreet, though alam kong may mga lihim na katanungan ang mga kapamilya ko’t malalapit na kaibigan sa pagkatao ko.
Nakilala ko si Jaydon sa agency na pinag-aplayan ko patungong Middle East. Isang Dentist, 26, kasingtaas ko, moreno at athletic ang pangangatawan dahil na rin siguro sa pagiging football player nya. Straight. Hawig sya kay Gary Estrada. Noong una naming pagkikita medyo tahimik lang sya hindi katulad ko na nagbiro kaagad. Pinakilala kasi kami ng agent namin sa isa’t-isa dahil kaming dalawa ang magkasabay sa flight.
“Ang tagal mo kaming pinag-antay ah”, ang biro ko sa kanya.
Kasi naman halos dalawang oras namin syang inantay. Wala syang reaksyon sa biro ko. Siguro dahil na-guilty rin sya. Tinapunan nya lang ako ng sulyap. Matapos kaming i-orient nung agent namin nagpaalam na ako dahil marami pa akong aayusin. Si Jaydon naiwan pa kasi may mga pinaphotocopy pa. Wala na rin akong balak na makipagkwentuhan pa sa kanya dahil nga medyo suplado ang dating. Habang nag-aabang ako ng sasakyan sa may Mabini St. sa Ermita, naramdaman ko na may nakatitig sa akin. Paglingon ko sa may bandang kanan si Jaydon pala. Mga isang metro ang pagitan namin.
“O pre, andyan ka pala? Saan uwi mo?”, sabay nakipagkamay ako sa kanya dahil di namin nagawang makipagkilala ng pormal sa agency. Inorient kasi kami kaagad nung agent namin.
“Sa Pasig pre, pero daan muna ako sa Quiapo. Doon ako mag-aabang ng masasakyan” , sagot nya.
“Salamat naman at nagsalita rin”, sabi ko sa isip ko. “Ganun ba, ako sa Caloocan naman uwi ko. O pano, kita na lang tayo sa airport bukas”, paalam ko sa kanya.
“Saglit lang pre, pwede ko ba makuha number mo? “, pahabol nya.
“O sige, walang problema”, sabi ko naman. Nagkakuhanan kami ng number at nagkapaalamanan.

Sa airport kinabukasan.
“Pre, asan ka na?”, sabi sa text message na nareceive ko galing kay Jaydon habang pababa ako ng taxi. Di na ako nagpahatid sa kahit kanino kasi ayokong magkadramahan pa kaya nagtaxi na lang ako. Bago pa man ako nakapagreply nakareceive ulit ako ng message galing sa kanya.
“Pre, andito na agent, asan ka na?
Puntahan mo kami rito sa may entrance sa bandang kaliwa”. Di na ako nagreply sa message nya. Tinungo ko na lang yung direksyon na sinabi nya. Di naman ako nahirapan sa paghanap dahil nakita ko naman kaagad sya. Nakasuot sya ng hapit na kupasing maong at polo shirt na kulay puti. Rugged ang dating.
“Sensya na pre, medyo na-late ako ng gising. Nagkainuman pa kasi kami kagabi”, ang paumanhin ko sa kanya habang nakakamot ako sa aking batok.
“Ayos lang pre, halos magkasunod lang kayong dumating ni Mam Rose”, sagot nya habang tinuturo si Rose, yung agent namin. Matapos naming makuha ang mga dokumento pumasok na kami sa loob ng airport.
-----
Habang nakapila kami sa immigration kwento sya ng kwento tungkol sa mga experience nya sa dating ospital na pinagtrabahuhan nya sa Jeddah. Pangalawang balik nya na pala sa Saudi. Nung natapos nya yung unang kontrata  sa loob ng isang taon sa isang private hospital, nagdecide syang wag ng magrenew dahil sobrang toxic daw doon. Saka gusto pala ng girlfriend nya na isang nurse, sa Riyadh sya mag-apply para kahit di sila magkasama sa ospital at least di na sila mahihirapang magkita. Di tulad nung nasa Jeddah sya na sobrang layo.
“Alam mo pre, ayoko na sanang magSaudi ulit kasi malungkot dun. Kaso mapilit gf ko. Mahal na mahal ko kasi yun kaya di ko sya mapahindian. Ikaw? Bakit ka nagSaudi”, tanong nya sa akin.
“Wala pre, gusto ko lang maexperience at gusto ko ring makalayo”, sagot ko.
“Aba mukhang may malalim kang dahilan ah. Di na kita tatanungin tungkol dyan baka masyadong personal yan”.
Napaisip ako. Tama sya sa iniisip nya. Gusto ko lang talagang makalayo dahil nagkahiwalay kami ng asawa ko. Married na nga pala ako. May isa kaming anak. Medyo malalim ang dahilan ng paghihiwalay namin. Hindi ko na masyadong i-elaborate kasi ibang version ng kwento na yun.
“Hey! Mukhang malalim iniisip mo ah! Tara ihi muna tayo bago tayo pumasok sa waiting area”, panggulat nya sa akin.
Nakalabas na kami ng immigration nun at papasok na sa gate 23 sa waiting area.
“Sige pre, antayin na lang kita rito sa labas”, sagot ko naman.
-----
Pagkapasok namin sa eroplano nag-agawan pa kami sa pag-upo sa may window side. Kahit na alam namin pareho na ako talaga ang naka-assign dun. Huminto lang kami sa kulitan nung napansin namin na pinagtitinginan na kami nung mga kahilera namin. Kaming dalawa lang siguro ang maingay dun. Nun ko lang napansin na may kakuletan din pala sya. Akala ko nung una seryosong tao. Mapagbiro rin naman pala.
“Nung pumasa ka sa Board Exam nakapagpractice ka ba kaagad as Dentist”, tanong ko sa kanya.
“Hindi”, sagot nya.
“Eh anong naging trabaho mo?”
“Call boy”.
“Gago”!
“Aba! Ginagago mo na ako, close na ba tayo?”
“Hahahaha”. 
Halos inabot ng walong oras ang biyahe namin. Direct flight kasi kami from Manila to Riyadh. Sa walong oras na yun  puro tulog lang ang ginawa ko. Nagigising lang ako pag nagsiserve na ng pagkain ang mga cabin crew. Si Jaydon naman panay laro o panood ng video. May monitor kasi lahat ng upuan. Mamimili ka kung manonood ng movies o maglaro ng computer games. Di raw talaga sya mahilig matulog pag nagbibiyahe.
-----
Pagkalabas namin sa immigration sa King Khalid International Airport, Riyadh, sinalubong kaagad kami ni Sir Mon. Kilos pa lang halatang binabae na. Sya ang in-charge sa accommodation ng mga medical staff.
“Welcome mga pogi! Mas pogi pala kayo sa personal. Natanggap ko yung email ng agency nyo nung isang araw na ngayon nga ang dating nyo. Halina kayo sa van. Alam kong gusto nyo na ring magpahinga”, ang malambing na pagtanggap sa amin ni Sir Mon.
-----
Sa unang araw namin sa Ospital, natanggap kaagad namin yung cash advance. Sapat para sa panggastos sa isang buwan. Pero pareho kaming may pasigurong pocket money just incase mangailangan kami ng extrang halaga. Namili kami lahat ng kakailanganin namin sa pagluto pati na rin ng mga kailangan namin sa pansarili. Magkasama kami sa isang flat pero may kanya-kanya kaming kwarto.
“Pre, pwede bang share na lang tayo sa pagkain. Di kasi ako kagalingan sa pagluto”, pakiusap ko sa kanya.
“Walang problema, tayong dalawa lang naman dito sa flat eh”, sang-ayon nya naman.
“Salamat pre, sige ganito na lang, ako ang maghuhugas at mamalengke ikaw ang magluluto”.
“Hahaha, ikaw talaga. Kung sino na lang yung available sya na lang ang gagawa. Sabi ko nga dalawa lang naman tayo rito eh”.
Ganun nga ang nangyari.  Kung sino available para magluto, maghugas o maglinis sya na lang ang gumagawa. Nag-ambag na lang kami para sa pagkain namin. Masarap magluto si Jaydon. Tubong Baguio kaya maraming alam na putaheng Ilokano.
-----
Lumipas ang mga araw na ganun lagi ang routine namin. Kulitan pagdating sa bahay. Pagkatapos kumain, magkukwentuhan  saglit tapos magbababad na sa internet. Mahilig nga palang magboxer short si Jaydon pag nasa bahay. Lagi rin syang nakahubad baro kasi nga alam naman natin na maalinsangan ang klima sa Saudi Arabia pagdating ng summer. April kasi kami dumating. Maganda ang hubog ng katawan ni Jaydon. Bukod kasi sa pagiging football player nya, regular din syang naggi-gym. Sa ospital naman, naging regular ang pagtawag  ni Jaydon sa extension number namin. Kung hindi pangungulet, nanghihingi ng pagkain. Minsan naman nangungumusta tungkol sa flow ng pasyente. Sa ER nga pala ako na-assign. May staff lounge kami, dun ang tambayan ko pag walang pasyente. Sa unang tatlong buwan, wala kaming masyadong naging ka-close na ibang staff kasi kaming dalawa lang ang laging magkasama. Tuwing Friday naman, araw ng off namin, kaming dalawa rin ang magkasamang namamasyal. Di pa sila nagkita ng gf nya kasi di pa sila nagkasabay ng off. Sa loob ng panahon na yun, wala pa akong kakaibang nararamdaman sa kanya. Siguro dahil pareho pa kaming nasa adjustment period. Hanggang sa unti-unting nabago ang routine namin.
“Pre nagyayayang magbasketball sina Geoff, yung nurse sa ICU, sama tayo”, sabi nya sa akin nung tumawag sya sa extension ko.
“Huh! Hindi ako marunong maglaro ng basketball pre. Isa pa, alam mo namang may asthma ako di ba?”, sagot ko.
“Laro-laro lang, sama na tayo”.
“Kayo na lang pre, sa bahay na lang ako”.
“Eto naman napaka-KJ, o sige sumama ka lang kahit di ka maglaro”.
“Kayo na lang talaga pre, sa susunod na lang ako”.
“Ganun ba, o sige ikaw, bahala ka. O pano, mauuna akong uuwi mamaya kasi magbibihis pa ako para makahabol ako sa kanila”.
“Ok, sige, ingat kayo”.
Hindi man lang nagsabi ng ”bye” na madalas nyang gawin pag tumatawag sa akin kundi binabaan kaagad ako ng telepono. Halatang nagtampo ang loko.
-----
Isang oras bago mag-uwian, inabangan ko yung tawag ni Jaydon. Nakasanayan ko na kasi na tumatawag sya akin para mangulet at sabihin na antayin sya para sabay kaming umuwi. Pero sa pagkakataong ito wala akong nareceive na tawag. Kahit na nga alam kong mauuna syang uuwi dahil nga maglalaro ng basketball. Lumipas pa ang sampung minuto wala talaga. Susubukan ko sanang i-dial yung extension nya para tawagan ko sya pero nagbago isip ko. Isa pa, di ko naman talaga ginagawa yun kasi nga nakasanayan ko na sya lagi ang tumatawag. Parang may disappointment akong naramdaman. Hanggang sa mag-uwian, dala-dala ko pa rin yung kakaibang nararamdaman ko. Para akong nalulungkot na ewan. Umuwi ako na walang katabi sa service van na naghahatid sa mga staff. Pagdating sa bahay nagluto kaagad ako. Pero parang wala akong gana.
“Shit! Bakit ganito ang nararamdaman ko”, sabi ko sa sarili ko.
“Hindi pwede yung ganito. F_ck! Bakit hinahanap-hanap ko yung presence nya”, patuloy na pakikipag-usap ko sa sarili ko.
-----
Mga bandang alas diyes na ng gabi ng makarinig ako ng ingay sa sala. Nakahiga na ako nun.
“Ang galing mo palang maglaro Doc”, sabi nung isa.
Di ako sigurado kung kanino galing yung boses na yun.
“Hindi naman, tsamba lang yung mga moves na yun. Football talaga kasi ang hilig ko”, sagot ng pamilyar na boses. Alam kong kay Jaydon yun.
“Sana sumama si Doc Jeffford para nagkabonding naman tayo”, sabi naman nung isa pang kasamahan nila.
“Oo nga, sana nga nakasama sya. Nagpaka-KJ kasi” sabat ni Jaydon.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-uusap nila.
-----
Ganun kabilis nabago ang mga pangyayari sa loob lang ng dalawang Linggo umpisa nung sumama sya sa paglalaro ng basketball. Minsan ko na lang nakasabay kumain si Jaydon. Bihira na rin syang tumawag sa extension ko. Mas madalas na yung mga kalaro nya na sa basketball ang nakakasama nya kahit off namin. Nanibago ako sa nangyari. Dun ko na rin na-realize na may iba na akong nararamdaman para kay Jaydon. Kasi nagseselos na ako sa mga bago nyang kaibigan. Nalaman ko rin na may mga nurses na nagbibigay ng mga pagkain sa kanya kasi sya mismo ang nagkukwento. Hanggang isang araw, nayaya kaming mag-inuman sa bahay ng isang couple. Birthday raw nung asawa ng kasamahan naming doctor. Kainan, kantahan, inuman at sayawan. Nagulat ako nung una kasi akala ko bawal ang alak sa Saudi Arabia pero meron pala talagang nagbebenta nun. Patago nga lang. First time kong nakainum ng ganung klase ng alak kaya tinamaan kaagad ako. Si Jaydon dati na palang nakainum nun nung andun pa sya sa Jeddah. Pero halatang may tama na rin kasi namumula na.
“Dito na kayo matulog na dalawa. Hindi ko na kayo mahahatid kasi lasing na rin ako”, sabi ni Dr. De Taza. May sarili na silang sasakyan at naka live-out na rin kasi halos 10 years na sila sa Saudi Arabia.
“Oo nga, saka delikado na pag lumabas pa kayo ng bahay”, sang-ayon naman ni Ate Pearl, asawa ni Dr. De Taza at Nursing Directress sa ibang Hospital.
“O sige po, total wala naman kaming pasok ni Jefford bukas”, sabi naman ni Jaydon.
“Doon na kayo sa isang kwarto. Kasya naman yata kayo sa isang bed. Saka may AC naman dun”, sabi ni Ate Pearl.
Parang may kakaiba akong excitement sa narinig.
“Tabi kaming matutulog ni Jaydon?”, sabi ko sa isip ko.
Pagkapasok namin sa kwarto agad na naghubad ng pantalon at t-shirt si Jaydon na ikinagulat ko.
“Pre, halika na, antok na antok na ako”, sabi nya sabay higa sa kama na walang pag-aalinlangan na ibinuyangyang ang katawan nya kahit alam nyang andun ako.
Nasanay naman na ako na nakikita syang nakahubad-baro sa bahay at nakaboxer lang pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayong nakabrief lang sya at sobrang lapit ko sa kanya. Parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. Ang sarap nyang pagmasadan. Ang kinis-kinis ng balat. Nagpakasawa ako sa pagmasid sa kanya. Hindi na ako naghubad ng short kasi hindi ako sanay na matulog ng nakabrief lang pag nasa ibang bahay. Hirap ako kung pano ko ipupwesto sarili ko kasi talagang halos sa gitna ng bed sya nakahiga. Alanganin kung sa kanan at alanganin din kung sa kaliwa ako pupwesto. May naririnig na akong mahihinang hilik na nanggagaling sa kanya. Sinubukan ko syang gisingin para ipausog sya ng kunti pero di na sya kumikilos.
“Ambilis namang makatulog nito”, sabi ko sa sarili ko.
“Pre, usog ka naman ng kunti”, paulit kong sinabi sabay tapik sa may balikat nya.
Wala talaga. Pinatay ko na lang yung ilaw sabay pwesto sa may kanan na nakatagilid. Hirap ako sa posisyon ko. Kahit tinamaan ako sa nainum namin hindi ako makatulog dahil sa init na nararamdaman ko sa loob ng katawan ko. Paano ba naman magkadikit talaga ang katawan namin. Hindi ako nakapagpigil at dinantay ko ang kamay ko sa kanyang dibdib ng marahan para di sya magising. Ramdam ko ang mga mumunting balahibo sa kanyang dibdib at palibot ng kanyang nipple. Pinagapang ko ang kamay ko hanggang sa may pusod nya. Doon maingat kong nilaro ang medyo makapal nyang balahibo. Wala pa rin syang reaksyon. Sobrang himbing ng kanyang pagkatulog. Ang kaninang medyo mahinang hilik ngayon ay papalakas na. Sinamantala ko ang pagkakataon. Masama mang isipin pero nadarang na ako. Dinilaan ko ang utong nya habang ang kanang kamay ko patuloy na humihimas sa kanyang abs. Nung nagsawa ako niyakap ko sya habang nakaunan ako sa kanyang kanang braso. May mga sampung minuto siguro kami sa ganung posisyon ng makaramdam ako ng bahagyang pagkilos mula sa kanya. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkayakap sa kanya at inayos ko ang pagkahiga. Sa pagkakataon na yun medyo naipwesto ko na ang sarili ko ng maayos. Sobrang kinabahan ako dahil baka napansin nya na nakayakap ako sa kanya. Mayamaya naramdaman kong tumagilid sya paharap sa akin at pinatong nya ang kanyang kaliwang paa sa aking kaliwang hita kaya naman naramdaman ko ang matigas na parteng yun na tumatama sa may left hip ko. Libog na libog na ako sa pwesto naming yun. Langhap na langhap ko ang kanyang hininga. Iba ang dating ng kanyang hininga. Di ko maexplain pero gustong-gusto kong langhapin. Pagkalipas ng mga tantiya ko kalahating oras bumalik sya sa pwesto nyang nakatihaya at humihilik pa rin. Gumana ang init ng katawang lupa ko kaya walang pakundangang pinatong ko ang kanang palad ko sa umbok nya. Wala akong reaksyon o pagkilos na naramdaman galing sa kanya bagkus puro mahihinang hilik lang ang naririnig ko. Hinimas ko ng marahan ang parteng yun at unti-unti ko ng naramdaman na lalong tumigas at halos kumawala na sa pagkakakulong nya. Gustung-gusto ko ng ipasok ang kamay ko sa loob ng brief nya pero nagpigil ako at umiral pa rin ang takot ko na baka magising sya at magalit. Kaya tinapos ko na ang tagpong yun at natulog na rin ako na may ngiti sa labi.
Pagkagising ko medyo masakit ang ulo ko at nagulat ako dahil nakayakap ako kay Jaydon na hanggang sa oras na yun ay tulog pa rin. Tiningnan ko ang oras sa relos pasado alas dose na pala ng tanghali. Ginising ko si Jaydon.
“Pre, gising! Pasado alas dose na!”
“Hmmm…mamaya na. Maaga pa. Tulog ka na lang ulit”.
Wala akong nagawa kundi pumikit na lang ulit. Pero hindi na ako nakatulog. Inisip ko ang nangyari kanina. Baka nahalata nya na nag-take advantage ako. Baka magalit sya at iwasan nya na ako. Pagkalipas ng isang oras naramdaman kong sinisiko nya ako.
“Pssst! Hoy, gising na, nagugutom na ako”, sabi nya.
Di ako sumagot. Mayamaya siniko nya ulit ako.
“Hoy lasenggero, tara na bangon na tayo”.
Mukhang di naman sya galit. Pero di pa rin ako kumilos. Inisip ko na sana nga di nya alam yung mga ginawa ko sa kanya kanina. Nainip siguro, bigla nyang hinampas ng unan nya ang mukha ko sabay tawa. Nainis ako kaya ginantihan ko sya.
“Oy, pikon!”
“Eh, nakakainis ka eh, masakit kaya”.
“Asus, yun lang! Ako nga di napikon sayo na niyakap mo ako ng mahigpit kagabi. Di nga ako halos makahinga eh!”
Nagulat ako sa sinabi nya. Di yata alam nya? Buti na lang madilim sa kwarto kundi kitang-kita nya siguro pamumula ko.
“Alam mo?”
“Joke lang, di ka naman mabiro. Bakit totoo bang niyakap mo ako? Binibiro lang kita eh!”
“Hindi ah, bakit naman kita yayakapin?”
“Yun naman pala eh, di naman pala totoo eh. Bakit defensive ka?” patuloy nyang pang-aalaska sabay tawa.
“Bumangon ka na nga dyan. Wala namang problema kung niyakap mo ako, kung totoo man. Di ko naman alam eh. Saka di maiwasan yun. Masikip tong tinulugan natin. Isa pa pareho naman tayong lalake eh. Bangon na dyan!”
Nauna syang bumangon at nagbihis. Ako naman tahimik pa rin. Hanggang sa makauwi kami di ako nagsalita. Sya pasipol-sipol lang at minsan naman pakanta-kanta. Pinagdarasal ko sa isip ko na sana nga di nya alam.
-----
Mula nung malaman ni Jaydon na may kakilalang nabibilhang alak si Dr. De Taza, di na sya  masyadong sumasama sa paglalaro ng basketball. Dun na lang sya lagi sa bahay at niyayaya nya akong uminum. One on one. Ikinatuwa ko ang pangyayari pero hindi ng sikmura ko. Halos naging acidic na ako. Pano ba naman halos araw-araw kami umiinum ng alak. Routine na namin yun pagkatapos naming maghapunan. Nakasanayan na pala ni Jaydon ang pag-inum mula pa nung natuto sya nung nasa High School sya. Dun namin nakilala ng lubusan ang isa’t-isa.
“Alam mo pre, ambait-bait mo. Pero di ka dapat ganyan. Medyo tigasan mo ng kunti ang personality mo. Kasi baka may mag-take advantage sa kabaitan mo.” Sabi nya sa akin.
“Mas maganda na yung ganito pre. Maraming nagiging kaibigan.” Sabi ko naman.
“Naniniwala ka ba run? Ang mga kaibigan andyan lang yan pag may pera ka. Pag  may naitutulong ka. Pero pag wala ka ng pera at di ka na nila mapapakinabangan wala ka na ring kaibigan.” Patuloy nya.
“Hindi naman lahat ng kaibigan ganyan pre. Meron sigurong iilan pero hindi lahat.”
Umismid sya. Tumahimik bigla.
“Hindi ko sasabihin yan kung hindi ko personal na naexperience.”
“Mukhang may pinagdaanan ka pre ah”.
“Oo. Alam mo bang hindi totoong hindi ako nagrenew? Kaya ako umuwi dahil terminated ako.”
Nabigla ako sa sinabi nya.
“Ha?”
“Pre may kababayan akong tinulungan para ma-clear yung medical nya. Wala syang pambayad sa dental fee. Alam mo naman kung gaano kamahal ang dental service dito sa Saudi Arabia di ba? Nilibre ko sya pero nahuli ako. Nireport kaagad ako sa Admin kaya yun. Nung time na yun walang-wala akong pera dahil kapapadala ko lang. Pinasagot sa akin yung airfare ko pati yung mga ginastos nila sa paghire sa akin.”
Napansin kong may galit sa mukha nya habang nagkukwento.
“Alam mo, nilapitan ko lahat ng kaibigan ko. Yung mga taong iniexpect ko na tutulong sa akin, wala man lang naibigay. Kung sino pa yung inaakala ko na hindi tutulong sa akin, sila pa ang nagcontribute para makalikom ng halaga para makauwi ako.” Pagpapatuloy nya.
“Hindi ko nga iniexpect na maha-hire ulit ako rito. Akala ko blacklisted na ako rito sa Saudi Arabia.”
“Ang hirap pala ng pinagdaanan mo pre.” Yun lang ang nasabi ko.
“Ikaw, bakit kayo naghiwalay ng asawa mo?”
“Kung pwede pre, wag na natin yang pag-usapan”
“Sensya pre. Naiintindihan kita. Ibahin na lang natin usapan. Wala ka bang kahit isang sports?”
“Tennis pre. Pero di na ako masyadong nakakapaglaro umpisa nung nagpractice ako ng profession ko. Medyo naging busy”
“Ako, umpisa nung elementary, player ako ng school namin. Nakasama pa nga ako sa palarong pambansa. Kaya naging scholar ako sa College. Sikat na sikat ako sa mga babae o bakla man.”
“Bakla? May nakarelasyon ka bang bakla?”
“Hahaha. Sabi ko sikat lang. Di ko sinabing nagkarelasyon ako. Pero may nag-alaga sa akin nun nung college ako. Nasa Australia. Pag umuuwi sa Pilipinas pinapakiusapan akong samahan sya sa pamamasyal. Kaso kuripot. Pag binibilhan ako ng load gusto nya sa kanya ko lang gagamitin. Saka sa mga karinderia lang kami kumakain. Hahaha. Iniwasan ko nga.”
“Tapos nung nagpractice na ako sa isang ospital sa Pampanga meron ding nagkagusto sa akin. Nurse. Lagi akong nililibre sa pagkain. Di na rin nya ako pinagbayad sa apartment na pag-aari ng magulang nya na parehong nasa America. Ang kaso naman, napakaselosa. Pero wala pa akong nakasex sa kanila. Hanggang hipo lang sila.”
“Bakit naman”.
“Di ako komportable eh.”
“Ouch! Sabi ko sa isip ko. Wala pala talaga akong pag-asa.”
-----
Laging ganun ang nangyayari sa gabi. Minsan pag ayaw kong uminum, hinihila nya talaga paa ko pababa sa bed. Minsan naman kinakarga nya ako. May time din na kinakagat nya pa braso ko para lang tumayo ako. Ako naman hahabulin ko sya at doon kami magsusuntukan kunwari sa sala. Hanggang sa mapapayag nya na ako. Isang gabi, di ko inaasahan yun. Ibang klase yung nabili naming alak. Halos one-fourth pa lang nauubos namin medyo lango na kami. Kinuha nya gitara at nagkantahan kami. Magaling maggitara si Jaydon. Marami syang alam na kantang kaya nyang tugtugin. Nung malapit na naming maubos yung alak nagpaalam akong mauna na sa kanya dahil nasusuka na ako.
“Saglit lang, ubusin na natin to.”
“Ayoko na. Saka ang init dito. “
Nung time na yun kalakasan ang humidity. Yung tipong kahit nakaupo ka lang papawisan ka talaga.
“Sobrang init nga.” Sabi nya naman. “Saglit lang at maliligo lang ako. Wag kang aalis dito ah, kundi bubuhusan kita ng tubig”.
“Oo sabi ko naman.”
Pero sa isip ko pagkakataon ko na to para makaeskapo. Pagpasok nya ng banyo agad akong pumasok sa kwarto. Siguro dahil sa sobrang kalasingan nakalimutan kong i-lock yung pinto. Nakatulog na ako at halos nananaginip na ng biglang may sumaboy ng tubig sa akin. Tawa ng tawa ang mokong habang pinagmamasdan nya akong basang-basa. Ang walang-hiya, tinotoo nga ang banta nya. Hubo’t hubad na pumasok sa kwarto at dala-dala ang timbang may tubig. Nung makabawi ako bumangon ako’t hinabol ko sya. Tumakbo sya sa loob ng banyo habang tawa ng tawa. Binatukan ko sya pero sinabuyan nya naman ulit ako ng tubig sabay hagalpak ng tawa. Basang-basa na ako nung oras na yun.
“Gago ka talaga! Alam mong tulog na ako binuhusan mo pa ako. Saan ako matutulog nyan? Pati yung bed ko basa?”
“Oh! Di ba yun ang usapan natin? Pag umalis ka bubuhusan kita ng tubig. Eh di ka nakinig!”
Nung time na yun magkaharap na kami. Di ko maiwasan na mapasulyap sa harap nya na semi-erected na. Makinis yung sa kanya. Maganda ang pagka-tuli. Di maugat. Namumula ang ulo. Napansin nya sigurong tinititigan ko iyon. Bigla syang tumalikod at muling nagbuhos ng tubig.
“Alam mo, kesa sa magmukha kang tanga dyan sa pagtitig sa akin, bakit di mo na lang ako sabayang maligo?”
Dun  bumalik ang ulirat ko. Napahiya na naman ako sa sinabi nya. Naramdaman kong namuo ang dugo ko sa mukha ko. Siguro sa pinaghalong kalasingan at pagkapahiya.
“Halika rito, sabunin mo likod ko!”
Nagpaka-epokrito ako kunwari.
“Ayoko nga. Sino ka para sabunin ko?”
“Halika na, wag ka ng mag-inarte. Kanina titig na titig ka sa katawan ko!”
Yun ang signal para kumilos na ako. Kinuha ko sabon sa kamay nya. Sinabon ko likod nya ng marahan.
“Ano ba namang klaseng pagsasabon yan? Parang babae. Kuskusin mo naman ng maayos pero yung mabilis.”
Nabubwisit na ako kaya kinuskos ko ng kinuskos pero pagdating sa may butt nya medyo binagalan ko ulit. Matambok yun. Hubog na hubog. Uminit na ako ng husto kaya sinabayan ko na ng haplos.
“Humarap ka”, sabi ko.
“Ako na, kaya ko namang sabunin to,” sagot nya habang nagpakawala ng tinatawag na ngising aso.
“Ako na, lubus-lubusin ko na. Pinasabon mo ako eh di sasabunin kita,” sabay kuskos ko sa dibdib nya. Pababa sa abs at pusod. Wala syang kilos kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Sinabon ko na rin ang kahindigan nya na nung oras na yun ay talagang sobrang tigas na. Di sya masyadong mahaba. Mga limang pulgada siguro pero mataba. Napaigtad sya sabay hawi sa kamay ko.
“Bakla ka ba?” malakas nyang sabi.
“B-b-bakit?” halos pautal na sagot ko.
“Tinatanong ko kung bakla ka ba?”
Hindi ako sumagot. Yumuko ako at di ko mapigilang mapahikbi dahil sa magkahalong emosyon. Natakot ako na baka suntukin nya ako. Sobra-sobra rin ang hiyang naramdaman ko sa ginawa ko. Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang magkabila kong balikat.
“Huwag ka ng umiyak. Nagulat lang ako sa ginawa mo. Di ko akalain na ganyan ka.”
Niyakap nya ako sabay tapik sa likod ko.  Dun naman ako umiyak na ng tuluyan. Niyakap ko rin sya ng mahigpit at humagulgol ng humagulgol.
“Tahan na sabi. Magagalit na ako pag di ka pa tumigil. Halika, ituloy mo pagsabon mo sa akin. Para makapagbanlaw na ako”.
“Boy pasensya na. Di ko napigil sarili ko. Hindi ka galit?”
“Pag-usapan natin yan pag di na tayo lasing ah. Halika na sabunin mo na ako. Nawawala na lasing ko.”
Muli kong kinuha ang sabon at saka ko hinagod ang katawan nya. Pero iniwasan ko na ang parteng yun.
“O bakit hindi mo sinama to?” Sabay turo nya sa alaga nya na nag-uumpisa na namang tumigas.
“Wag na. baka kung ano na naman ang magawa ko”.
“Ang arte oh! Ikaw din. Alam ko namang gusto mo ring sabunin to”. Sabay tawa.
Di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Imbes na sabunin sinubo ko yun na ikinagulat nya naman.
“Aray! Dahan-dahan”, ang napalakas nyang nasabi nung sinubo ko yung sa kanya.
Maniwala man kayo sa hindi pero yun ang kauna-unahang pagkakataon na sumuso ako ng titi ng lalake. Kahit bi ako, pinili kong kontrolin ang sarili ko. Proteksyon na rin sa pagkatao ko. Though marami akong na-meet na lalake na talaga namang pinagpantasyahan ko. Pero hanggang dun lang. Isa pa, may asawa’t anak na rin ako kaya mas kailangan kong magkontrol. Yun ang mahirap sa tago. Talagang kailangan mong itago ang nararamdaman mo.
Napaigtad sya dahil sumasabit yung alaga nya sa mga ngipin ko. Ang taba naman kasi kaya hirap akong isubo ng buo. Isa pa di ko alam kung paano ang tamang pag suso. Basta ang alam ko sinusubo lang.
“First time mo?”
Tumango lang ako habang subo ko yung sa kanya. Bigla nyang kinadyot yung bunganga ko. Siguro nalibugan na rin. Pero muli syang umaray.
“Wag mong ipasayad sa mga ipin mo”
Pero di talaga ako marunong. Di ko makuha kung paano ang tamang pagsuso na hindi sumasayad sa ipin. Kaya hinugot nya ito sabay tapi ng tuwalya.
“Magbihis ka na. Tulog na tayo”. Dun ka na sa kwarto matulog. Nabasa ko yata pati bed mo”.
Pagkabihis ko pumasok na ako sa kwarto nya. Nakahiga na sya sa kama. As usual naka-boxer lang at hubad-baro pa rin. Alanganin akong tumabi sa kanya kaya dun ako sa sofa nya humiga.
“Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Dito ka na sa tabi ko. Wala akong extrang comforter. Mamaya giginawin ka dyan. Bahala ka”.
Hindi ako kumilos. Antok na antok na rin ako nung time na yun kaya dun na ako natulog. Mayamaya nakaramdam ako ng lamig. Naka maximum yata ang thermostat ng aircon ng mokong na to. Wala akong nagawa kundi lumipat sa bed nya. Ang lakas ng hilik ng gago. Eto na naman. Nakaramdam na naman ako ng pag-init ng katawan. Isa rin to sa dahilan kung bakit ayokong tumabi sa kanya kasi baka makagawa na naman ako ng kung anong bagay. Sinantabi ko muna ang libog ko kasi nanaig ang antok ko. Tinulugan ko na lang pagnanansa ko sa kanya.
-----
Pagkagising ko wala na sya sa tabi ko. Nakapatay na rin yung aircon kaya medyo nakaramdam ako ng alinsangan. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sya sa kusina. Friday nun. Off namin pareho.
“O, gising ka na pala. Timpla ka na ng kape at maluluto na to.”
“Ang aga mo namang nagising!”
“Ang lakas ng hilik mo eh. Di ako makatulog!”
“Aba’t ang tarantadong to at binaliktad pa ako. Pasalamat ka pinagluto mo ako ng almusal”, sabi ko sa isip ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Bigla na naman akong nahiya. Kaya lumabas ako ng kusina at hinanda ko na lang ang kakainan namin.
Habang kumakain kami, wala kaming imikan. Di ko alam kung nagpapakiramdaman kami o sadyang wala rin sya sa mood para makipag-usap. Pagkatapos naming kumain nagsindi sya ng sigarilyo. Ako naman inaantay kong sya ang unang magsalita pero mauubos na ang sigarilyo nya wala pa rin akong naririnig na salita galing sa kanya kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
“Boy, yung kagabi”, sabi ko.
“O bakit, anong meron kagabi?” medyo pang-aasar na sagot nya.
Di na naman ako nakapagsalita. Ewan ko kung bakit napakaiyakin ko ngayon kasi medyo napapaiyak na naman ako. Hindi ko alam kung sa hiya na nararamdaman ko o sa pang-aasar nya.
“Pwede ba nating pag-usapan?”
“Mamaya pag-usapan natin yan. Bili ka ng alak ah”.
“Ayoko ng uminum”.
“Ay wala! Di tayo mag-uusap pag walang alak”.
“Sige, bibili ako pero ikaw lang iinum”.
“O sige, hindi ka iinum? Pwes, magtatawag ako ng mga kainuman. Basta bumili ka”.
“Eh pano tayo makakapag-usap nun?”
“Bakit hindi ba pwede? Mas Masaya yun. Marami tayo.”
“Yung tungkol nga sa nangyari kagabi ang pag-uusapan natin”.
“Bakit ano bang special sa nangyari kagabi at kailangan pa nating pag-usapan ulit?”
Alam kong nang-aasar na naman sya kaya nagpipigil ako sa sarili ko.
“Eh di ba sabi mo kaya mo ako pinabibili ng alak para pag-usapan natin yun?” pasigaw kong sabi.
“Galit? Galit?” sabay tawa.
“Magligpit ka na nga. Ako na nga nagluto ako pa maghuhugas?” pahabol nyang pang-aasar.
“Bakit sinabi ko bang ikaw maghugas?”
“Ang taray! Sige na, mamaya na lang ah. Tulog muna tayo ulit. Pagkagising ko may alak na ah?”
Pagkapasok nya sa kwarto hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Ganun si Jaydon. Makulet. Alam nya kung paano kukulitin yung kasama nya ng hindi napipikon. Sa kwarto ko na ako natulog kasi tuyo na naman na yung bed ko. Sinalang ko muna sa washing machine yung mga labahin ko bago ko tinawagan si James para magpadeliver ng alak.
-----
Nagising ako sa tawag ni James. Nasa labas na raw sya at andun na yung alak. Kinatok ko si Jaydon para sya na ang kumuha pero naka-lock ang pinto. Kumatok ulit ako pero walang sumasagot. Tiningnan ko ang oras, alas singko na pala. “Asan kaya yun”, sabi ko sa isip ko. Wala akong nagawa kundi lumabas at kunin yung alak. Tinext ko sya para alamin kung nasaan sya. Nagreply naman. Nagkita raw sila ng gf nya. Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa dibdib ko. “Ang walang-hiya di man lang nagpaalam”, sabi ko ulit sa isip ko. “Bakit sino ka ba? Ano ka ba nya para magpaalam sya sayo?” sagot ulit ng isip ko. “Ano ba to? Nasisira na yata ulo ko”! Nagtext back  ako sa kanya. Tinanong ko kung anong oras uuwi. Di kaagad sya nagreply. Makalipas ang 30 mins, wala pa ring reply. Nagluto na lang ako ng hapunan. Alas otso na ng sya ay makauwi. Nasa sala ako nun at nanood ng TFC. Naiinis ako kasi di man lang nagtext back kanina.
“O kain na. Alas otso na”, sabi ko sa kanya
“Tapos na. Kumain na kami ni Julie pati mga barkada nya sa Chillis”.
“Ganun ba? Marami pa naman akong niluto”,
“Ayos lang yun. Di naman masasayang yan. Kainin natin bukas. Asan na yung alak?”
“Wala. Hindi ako nakabili”.
“Ganun! O sige, tulog na ako”.
Akala ko nagbibiro lang ang loko. Nag-antay ako ng halos isang oras para lumabas sya pero wala na akong nakita kahit anino nya na lumabas sa kwarto nya. Kaya kinatok ko sya. Walang nagbubukas. Kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto nya.
“O bakit?”
“Akala ko ba iinum tayo?”
“Eh sabi mo wala kang binili?
“Labas ka na dyan, binibiro ka lang eh.”
“O sige, saglit lang ka-chat ko si Julie”.
Nakaramdam na naman ako ng pagselos. Pero binalewala ko na lang. Inisip ko na lang na kahit paano di nagbago pakikitungo nya sa akin sa kabila nung nangyari kagabi.
-----
Pagkalipas ng mahigit isang oras lumabas na sya. Mukhang masayang-masaya sya.
“Asan na yung alak?”
Kinuha ko sa ref yung alak at padabog kong pinatong sa mesa sa may harap nya.
“Ayan ang alak mo!”
“Galit?! Kung ayaw mong magpainum wag kang magpainum!”
“Sinabi ko ba?”
“Tagay na nga tayo. Sayang yung oras.”
“Boy, yung tungkol sa nangyari sa atin…”
Pinutol nya kaagad kung anuman yung sasabihin ko.
“Easy ka lang. Masyado ka namang excited”.
“Sana sa atin na lang yun. At sana wag magbago pakikitungo mo sa akin”, pagpupumilit kong maumpisahan na pag-uusap namin para mawala na sa isip ko.
“Bakit mo ginawa yun?”
“Hindi ko rin alam. Hindi ko nakontrol sarili ko”.
“Kelan pa?”
“Anong kelan pa?”
“Kelan ka pa ganyan?”
Natahimik ako. Di ko alam kung paano ko uumpisahan.
“Sa totoo lang sayo ko lang naramdaman yung ganito”.
Hindi ko alam kung pagsisinungaling yun pero talagang sa kanya ko lang naramdaman yung todong pagka-inlove. O mas magandang sabihin nating sa kanya lang ako nagkaroon ng pagkakataon para gawin yun at ipadama ang bagay na yun.
“Paano ako nakakasiguro na ngayon ka lang naging ganyan? Ngayon lang naman tayo nagkakilala”.
“Boy, ngayon nga lang. Sobrang hiyang-hiya nga ako sayo”.
“Nung gabing dun tayo natulog kina Dr. De Taza, sinadya mo bang yumakap sa akin o talagang napayakap ka lang?”
“Alam mo yung ginawa ko”
“Oo naman. Hindi naman ako patay. Naramdaman ko rin nung hinimas mo yung akin saka nung niyakap mo ako ng mahigpit. Sabi ko sa sarili ko, aba loko to ah! Hinayaan lang kita kasi ayokong mag-away tayo. Kung iba gumawa nun baka nasuntok ko. Ayokong magkaron tayo ng gap. Dalawa lang tayo dito sa bahay. Sabay tayong dumating dito, sabay tayong aalis”, mahaba nyang pahayag.
Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko nung oras na yun. Hiyang-hiya ako at kung pwede lang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Pero nagkalakas loob pa rin akong ipagpatuloy pag-uusap namin.
“Boy, pwede bang maging tayo?”
“Huh! Alam mong hindi tayo talo. Ikaw ang tinuturing kong pinakamalapit na kaibigan ko rito. Saka may gf ako. Isa pa, hindi ako komportable sa ganyang klase ng relasyon. Kung may naging kaibigan man akong bakla dati, yun eh pakikipagkaibigan lang. Yung kinuwento ko sayo tungkol sa nag-alaga sa akin nung college, totoo yun pero walang nangyari sa amin. Pinakisamahan ko lang sya”.
“Kung hindi magiging tayo, sana wag magbago pagkakaibigan natin”.
“Yun naman ang ginagawa ko di ba? Alam mo kung iba siguro baka di ka na kakausapin”.
“Salamat boy”.
“Halika nga rito sa tabi ko”.
Binuhat ko upuan ko at tumabi ako sa kanya. Bigla nya akong inakbayan at tinapik-tapik.
“Wala namang problema sa akin kung ano ka. Basta ayoko lang nung ginawa mo. Sana wag ng maulit yun ah? Magkaibigan tayo. Pahalagahan mo pagkakaibigan natin ah?”
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nung time na yun. Masaya ako dahil kahit paano magiging magkaibigan pa rin kami. Malungkot dahil parang di ko kakayanin yung makakasama ko sya na hanggang kaibigan lang.
-----
Dumaan yung mga araw na pilit kong kinontrol sarili ko. Kahit na nga may pagkakataon na lumalambing sya sa akin at niyayakap-yakap nya ako. Hirap na hirap ako sa pagkontrol kasi gusting-gusto kong ako ang yumayakap sa kanya. Lalo pa ngayong mas lalong naging bilugan pangangatawan nya. Parang ang sarap nyang yakapin. Naging mas close kami nung kinontrol ko pagnanasa ko sa kanya kahit mahirap. Lagi kaming magkasamang lumabas pag off namin at pag wala silang schedule ng gf nya para lumabas. Pag nagkakainuman kami ng mga kasamahan naming staff sa ospital hindi pwedeng hindi ako ang katabi nya. Minsang nagkainuman din kami sinabihan nya ang mga kainuman namin na “Walang kakanti kay Jefford ah, sino man sainyo ang kumanti sa kanya, ako ang makakalaban nyo!” nagkatinginan na lang bigla mga kainuman namin. Pag umaalis sya na hindi ako nakakasama hindi pwedeng wala akong pasalubong. Pag may biglaang lakad naman ako na hindi ako nakapagpaalam sa kanya, tatawagan nya ako at sisermunan. “Bakit ka umalis na hindi nagpapaalam. Paano kung may nangyari sayo sa pinuntahan mo? Sinong mananagot, di ba ako, kasi ako ang kasama mo rito sa bahay?” Minsan natatawa na lang ako sa pagiging OA nya pero deep inside kinikilig ako. Hanggang isang araw biglang nabago ang samahan namin. Niyaya sya nung head ng maintenance department na makipag-inuman sa isang pagtitipon ng Filipino Community. Sayang nga lang kasi hindi ako nakasama. Huwebes pa naman nun kaya kinabukasan off namin. Night duty kasi ako. Alas siyete ng umaga ang labas ko. Pagdating ko sa bahay sinilip ko kwarto nya. Hindi na kami nagla-lock ng pinto pareho kasi dalawa lang naman kami dun kaya free kaming pumasok sa kwarto ng bawat-isa. Pagsilip ko sa kwarto nya may katabi syang natutulog. Napaisip ako kung sino yun. Di naman pwedeng babae kasi bawal pumasok ang mga babae sa accommodation ng mga lalake. Hindi rin pwede yung mga taga ibang department kasi may kanya-kanya naman kaming kwarto. Bigla akong napaisip. Habang kumakain ako ng almusal, may lumabas sa kwarto ni Jaydon. Hindi ko kilala kasi ngayon ko lang nakita. Sa pananamit at kilos mapapansin mong isang bakla. Dumiretso sa banyo. Hindi man lang ako pinansin. Hindi ko na rin pinansin. Paglabas nya ng banyo, ganun pa rin. Walang sali-salita. Pumasok sa kwarto ni Jaydon at narinig kong ni-lock. Lalong uminit pakiramdam ko. “Bwisit na yun, sino kaya yun?” sabi ko sa isip ko. Hindi ako mapakali kaya inantay ko silang magising. Mga pasado alas onse ng tanghali ng lumabas si Jaydon. Nakabrief lang. pupungas-pungas. Hindi ko na naman naiwasang hindi tingnan yung umbok na yun. Kasi naman talagang mapapansin mong tayung-tayo.
“O andyan ka na pala.” Tumingin sya sa orasan. “Huh! alas-onse y media na? Bakit gising ka pa di ba galing ka pa ng night duty?”
Dumiretso sya sa ref at uminum ng tubig. Papasok na ulit sya ng kwarto nya ng tanungin ko sya.
“Sino yung kasama mo dyan sa kwarto?”
“Ah si Eric, teacher sya. Nakilala ko kagabi dun sa handaan.”
“Teacher pala, bakit mukhang bastos”.
“Bakit binastos ka ba nya?”
“Lumabas dito kanina. Hindi man lang ako pinansin. Hindi man lang nagsalita”.
“Baka nahihiya lang. Mamaya na tayo mag-usap ah. Gusto kong matulog ulit. Sige.”
Sabay sara ng pinto. At narinig ko ring ni-lock nya. Doon na ako nagalit ng todo. Di naman sya nagla-lock dati. Bakit ngayon pa na may kasama sya. Anong ginagawa nila sa loob. Kung anu-ano ang pumasok sa isip ko. “Akala ko ba ayaw nyang pumatol sa bakla? Bakit may kasama syang bakla ngayon? Magkatabi pa silang natulog. Naka brief pa sya”, pakikipag-usap ko sa sarili ko. Pumasok na rin ako ng kwarto ko. Bigla na lang akong naiyak. Sobra-sobra ang selos ko nun. Gusto ko silang katukin sa kwarto para lumabas at pagsusuntukin. Nahiga ako at patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit pala ng ganun. Sobra! Nakapikit ako pero gising na gising ang diwa ko. Pagkalipas ng halos dalawang oras may narinig aking ingay sa labas. Bumangon ako para alamin. Pagbukas ko ng kwarto nakita ko yung dalawa na nagtatawanan habang kumakain. Nakabrief pa rin si Jaydon. Nakatapis naman ng tuwalya yung bakla.
“O pre, halika na, sabay ka na sa aming kumain”, sabi ni Jaydon
“Sige, salamat. Mamaya na ako. Pumasok ako sa banyo para umihi kunwari.
Paglabas ko, kitang-kita kong hinahampas-hampas nung bakla sabay kurot sa braso si Jaydon. Tuwang-tuwa naman ang loko.
“Ang galing mo talagang magpatawa. Nakakatuwa ka”, malanding pagkasabi nung bakla.
“Pre, si Eric nga pala”, sabi ni Jaydon
Tumango lang ako.
“Si Doc. Jefford”, patuloy na pagpapakilala sa amin ni Jaydon.
“Hi Doc!” Sabay mwestra ng pakikipagkamay pero hindi ko pinansin.
Tumuloy ako sa kwarto ko at medyo pabalibag na sinara.
“Ay! Galit ba sya?” narinig ko pang sabi ni Eric.
Dinikit ko yung tenga ko sa pinto para marinig pag-uusap nila.
“Ang suplado naman nya!” sabi ulit ni Eric.
“Hayaan mo, pagod lang yata sa duty”, sagot naman ni Jaydon.
“Gwapo pa naman. Pero mas gwapo ka. Lalakeng-lalake ang dating. Mas yummy ka pa. Hahaha”.
“Ikaw talaga!”
“Oy, salamat sa lahat-lahat ah. Nag-enjoy ako. Di ko makakalimutan to.”
Sobrang nasaktan ako sa narinig. Bigla kong tinawagan si Sir Mon, yung in-charge sa accommodation. Nagrequest ako na ilipat ako ng kwarto at flat agad-agad.
“Ha? Bakit, anong nangyari Doc?”
“Basta, ilipat mo ako ngayon din”.
“Ay teka lang Doc, hindi pwede yung ganyan. Kailangan pa nating ipa-approve sa admin. Saka i-check ko muna kung may bakanteng kwarto.”
“Please Sir, kailangan kong makalipat”.
“Ano ba kasi nangyari?”
Biglang naputol pag-uusap namin kasi biglang pumasok si Jaydon. Nakatapis na sya ng tuwalya.
“Hello Doc…Doc…Hello…Doc andyan ka pa?
Hindi ko na sinagot si Sir Mon at inend call ko na.
“Gusto mong sumama? Nagyayaya si Eric sa kanila. Magpapainum daw sya”.
Iyon ang weakness ni Jaydon. Basta pag may alak, go agad sya.
“Akala ko ba ayaw mong pumatol sa bakla?” Anong ginawa nyo sa kwarto at may pa-lock lock pa kayong nalalaman”.
“Eto kung mag-isip. Saka ano naman pakialam mo kung may ginawa kami?”
“At meron nga”. Sabay bato ko sa kanya ng unan.
“Ikaw tumigil ka ah! Sipain kita dyan eh!” sabay duro nya sa akin. “Andun ka ba sa loob? Nakita mo ba kung ano ginawa namin? Kung anu-ano iniisip mo!”
Hindi ako nakakibo. Nun nya lang ako napagsabihan ng ganun. Bigla syang lumabas ng kwarto. Inasahan ko pa naman na magpaliwanag sya pero bakit sya pa ang galit? Tinawagan ko ulit si Sir Mon pero di nya na ako sinagot.
-----
Kinabukasan tinawagan ko ulit si Sir Mon sa office nya pero wala raw dun. Tinawagan ko rin yung celfon nya pero nagri-ring lang. Pagkauwi ko ng bahay inabutan ko si Jaydon na nanonood ng TV. Hindi man lang ako pinansin kahit dumaan ako sa harap nya kaya hindi ko na rin sya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko. Pagkabihis lumabas ulit ako kasi nung time na yun gutom na rin ako kaya kumain ako. Wala pa rin kaming imikan. Pero infairness masarap pagkaluto nya ng papaitan ah. Mayamaya may kumatok sa maindoor ng flat namin. Binuksan ni Jaydon. Si Sir Mon.
“Hi mga pogi! Anong nangyari sa inyo?
“Bakit?” patanong na sagot ni Jaydon.
“Bakit gustong lumipat ni Doc Jefford ng kwarto?”
“Gusto nya bang lumipat? Palipatin mo! Gusto nya tulungan ko pa syang maghakot?”
Hindi ko napaghandaan yung sitwasyon na yun. Hindi ko inaasahan na pupunta si Sir Mon doon. Kaya wala akong nasabi kahit isa.
“Mag-usap nga kayo. Sayang naman yung pagkakaibigan nyo. Witness ako sa ganda ng samahan nyo.”
“Wala kaming dapat pag-usapan. Kung gusto nyang lumipat Kuya Mon, palipatin mo!” sabay pasok sa kwarto nya at binalibag nya ito.
“War? War?” sabi ni Sir Mon na namimilog ang mga mata.
“Kuya Mon, please, hanapan mo naman ako ng kwarto.”
“Pasensya na Doc. Walang bakante eh. Pag-usapan nyo kung anong problema meron kayo ah?”
“Wala talagang bakante?” ang sabi ko na may pagkadisappoint.
“Wala Doc. Pasensya na rin ah. Sige, magpapaalam na ako”.
“Sige, salamat Kuya.”
-----
Three months na lang at matatapos na kontrata namin. Wala pa rin kaming pansinan. May nakabarkada syang mga taga ibang company. Hindi na rin kami nagsi-share sa pagkain. Minsan doon sila sa flat nag-iinuman. Pero talagang para sa kanya di ako nag-iexist. Ni hindi nga man lang ako pinakikilala. Nag-file na ako ng Non-renewal of contract. Kasi three months bago mag-end yung kontrata kailangan makapag-file ka. Kung hindi iko-consider nila na magri-renew ka. Lagi ko syang tinitext. Humihingi ako ng sorry sa naging reaction ko pero walang reply. Pag tinatawagan ko naman kinacancel nya yung tawag ko. Minsang inabutan ko sya sa sala, personal akong humingi ng sorry.
“Boy, sorry na. Bati na tayo. Malapit na tayong magkakahiwalay eh”.
Pero hindi nya ako pinansin. Bagkus tinawagan nya yung kabarkada nya sa labas.
“O pre, Friday ngayon. Inuman na!” sabi nya sa kausap nya sabay pasok sa kwarto.
Lagi na lang ganun. Sa tuwing off nya, nakikipag-inuman sya sa labas. O kahit pagkatapos ng duty nya. Minsan na lang kami nagkikita sa bahay. Sa ospital naman napansin na rin ng mga kasamahan ko na hindi na sya pumupunta sa ER na madalas nyang gawin pag walang pasyente. Nabalitaan ko na nag-file na rin sya ng non-renewal of contract pero pinag-iextend daw sya ng another 3 months kasi walang kapalit. Kaya nung inabutan ko sya sa sala tinanong ko sya.
“Boy, hindi pala tayo sabay na uuwi?” tanong ko sa kanya.
“Oo, pinag-extend nila ako. Pero ayos na rin yun. Para dagdag kita. Kain ka na”.
Nagpasalamat ako dahil kahit paano sumasagot na sya. Pero mahahalata mong may kalamigan pa rin. Di tulad nung dati na may halong mga biro ang sagot nya.
“Anong niluto mo boy?”
“Andyan tingnan mo na lang”.
“Tara kain tayo”.
Hindi na naman sya sumagot. May tinawagan sa celfon
“Ano, ready na ba?” o sige, punta na ako dyan”.
Umalis ng wala man lang paapaalam kahit na nga andun ako sa sala. Talagang kinaya nyang wag akong kausapin. Sabagay kasalanan ko naman eh.
Pag pumupunta naman sya sa ER dinadanan nya lang ako. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin o kahit kausapin man lang.
-----
Ganun ang sitwasyon namin hanggang sa isang buwan na lang at uuwi na ako. Nasanay na ako na halos walang kasama sa bahay. Andun man sya sa bahay pero lagi namang nasa kwarto. Di tulad nung dati na lagi kaming magkukulitan sa sala. Na miss ko yung ganung sitwasyon. Hanggang isang araw nagulat ako nung pag-uwi ko sinalubong nya ako ng isang ngiti.
“Wow, malapit na syang umuwi. Painum ka naman!”
“Anong nangyari at kinakausap mo ako?”
“Bili ka na ng alak. Magcelebrate tayo”.
“Celebrate ng alin?”
“Uuwi ka na di ba? Akalain mo yun, parang kelan lang uuwi na si Jefford! Ang bwisit na Jefford!”
“Ouch, uuwi na nga ako binubwisit mo pa ako?”
“Painum ka na Boy. Iiwanan mo na nga ako eh. Ako, talagang naconfirm ng mag-iextend ng another 3 mos.”
Natuwa ako sa nangyari kaya umorder kaagad ako ng alak.
-----
Araw ng flight ko pauwi. Niyakap nya ako ng mahigpit. Pinabaunan nya ako ng pabango. Hugo Boss.
“Antayin mo ako run ah. Wag ka munang mag-apply”.
“Oo naman. Aantayin kita. Ipapasyal mo pa ako sa Baguio di ba?”
“Sige na alis na. Nag-aantay na yung hahatid sayo sa airport. Di na kita ihahatid sa baba ah.”
Bago ako bumaba niyakap ko rin sya.
“Mag-ingat ka rito ah. Pakabait ka.”
-----
Pagkalapag ng eroplano sa NAIA inoff ko kaagad yung roaming ko. Nag-connect ako sa wifi. Yung message kaagad ni Jaydon sa wechat ang nabasa ko. “Pre andyan ka na ba sa Pinas? Kumustang biyahe?” sabi sa message. Nagreply naman ako kaagad. Nakaonline din pala sya kaya nagpalitan kami ng message. “Pag-uwi ko dyan ako tutuloy sa inyo ah”, sabi nya sa message.
Umpisa nung nakauwi ako dito sa Pinas regular kaming nagpapalitan ng message sa wechat. Hindi sya nakakalimot na hindi magparamdam.
“Sobrang lungkot ko talaga nung umalis ka”, sabi nya sa message. “Parang hindi ako sanay na walang Jefford na nakikita”.
“Weh, hindi siguro. Nung andyan pa ako hindi mo naman ako pinapansin”.
“Hehehe. Kalimutan mo na yun”
“Ikaw eh. Pinagselos mo ako”
“Nagselos ka naman kasi ng walang kadahi-dahilan. Yung pangit na yun sa tingin mo naman papatol ako dun. Sorry sa sinabi ko pero nakita mo naman itsura nya di ba? Saka sabi ko naman sayo na hindi ako komportable sa bakla di ba? Pag ba magkatabi sa paghiga may ginagawa na?”
“Malay ko ba kung may ginawa kayo. Lalo pa’t naka brief ka lang.”
“Hehehe. Baka sya may ginawa sa akin pero ako walang ginawa sa kanya”.
“Kita mo. Hinayaan mo lang na may ginawa sya sayo”.
“Wag na nga nating pag-usapan yan. Basta antayin mo ako dyan ah”.
-----
Pag-uwi ni Jaydon sa amin nga sya tumuloy. Nag-stay sya sa amin sa QC ng 3 days tapos sabay kaming umakyat ng Baguio. Pinasyal nya ako run. Walang mag-iisip na wala kaming relasyon sa makakakita sa amin. Sobrang sweet nya kasi sa akin. Minsan nga ako na tuloy ang naiilang. Nagpost pa sya ng mga pictures sa facebook at naka-tag sa akin. Puro “sweet” ang mababasa mong comment.
Ngayon pareho kaming nag-aantay ng visa papuntang Oman. Pero magkaiba na ng ospital. Sya kasama ng gf nya sa pinakamalaking private hospital. Ako naman sa isang gov’t hospital. Balak na rin yata nilang magpakasal pagkatapos ng kontrata. Habang nag-aantay kami ng pag-alis namin nagpa-part time sya sa isang diagnostic center dito sa malapit sa amin. Ayaw nya sa Baguio kasi mababa yung rate. Saka mas madali kasing mag-follow-up sa agency pag andito  sya sa Maynila. Gabi-gabi sinususo ko sya. Pero hindi ko alam kung alam nya na sinususo ko sya. Gabi-gabi rin kasi kaming nag-iinuman. Pag alam kong tulog na sya saka ko sya sususuhin. Magkatabi kasi kami sa kama kong matulog. Kaya laging masaya gising ko. As usual, hubad-baro pa rin sya at laging naka-boxer. Sabihin nyo ng masama ako at mapagsamantala pero di ko na talaga makontrol sarili ko. Wala rin akong nakikitang pagbabago sa kilos nya, alam nya man o hindi ang pagsuso ko sa kanya. Pinaghahandaan ko sya ng almusal sa umaga. Pagdating nya sa gabi ako na rin ang nagliligpit ng pinaghubaran nya. Yung mga labahin nya yung kasambahay na namin ang nag-aasikaso pati na rin ang pamamlantsa ng mga damit nya. Feeling ko talaga nagli-live-in na kami. Dalawang buwan na kaming magkasama rito sa bahay. Wala ring alam sina daddy at mommy pati na rin ang mga kapatid ko kung anong meron sa amin. Basta ang pagkaalam nila magkaibigan kami.
Mas mauuna syang aalis sa akin. Siguro 2 weeks ahead. Nauna sya kasing ma-visahan. Kaya hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos. Sa ngayon inienjoy ko na lang kung anong meron sa amin. Sobra-sobra ang kasiyahan ko sa company nya. Ngayong magkasama kami tinuturing ko syang akin kahit na nga walang official na maituturing na kami. Hindi ko alam kung hanggang saan hahantong ang pagsasama namin. Ilusyon man to pero sana’y wala ng wakas.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Sana'y Wala Nang Wakas
Sana'y Wala Nang Wakas
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjHkgkGrXPOQ-9k1gVn5uLeDChDDnLuACK6QVck7QU_SRk37VjF__f7R2MZqOypjQp2WjXHnnve_chrKVI2vJG4Dt6mfSJ0DqXSnRprP8ipKPJwg8Hgys0dy2mQVWS4qEMNiQzr5vfH4Zni/s1600/tumblr_nbqh2hG7lL1sgcp2fo5_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjHkgkGrXPOQ-9k1gVn5uLeDChDDnLuACK6QVck7QU_SRk37VjF__f7R2MZqOypjQp2WjXHnnve_chrKVI2vJG4Dt6mfSJ0DqXSnRprP8ipKPJwg8Hgys0dy2mQVWS4qEMNiQzr5vfH4Zni/s72-c/tumblr_nbqh2hG7lL1sgcp2fo5_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/09/sana-wala-nang-wakas.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/09/sana-wala-nang-wakas.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content