$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Study, Work, Love

By: Joshua Madami-dami na din akong nabasang mga kwento sa site na ito mula nung una ko itong madiskubre, mahigit isang taon na ang nakalili...

By: Joshua

Madami-dami na din akong nabasang mga kwento sa site na ito mula nung una ko itong madiskubre, mahigit isang taon na ang nakalilipas. Minsan napapadpad ako dito kapag wala akong ginagawa or kapag hindi naman ako makatulog. Iba’t-ibang klase ng mga kwento ang mababasa mo, may mga masasayang kwento, may nakakalibog, may nakaka-inlove, may nakaka-excite, at mayroon din namang boring at walang saysay, sabi nga ng iba. Sari-saring kwento ang nababasa ko, at naisip ko na baka it’s time for me to share my own story. Well, I guess hindi naman talaga ako isang magaling magsulat. Well sana magustuhan niyo kahit yung effort ko na lang, sa pagsusulat.

Anyways, I’m Joshua, 24 years old na ngayon, tubong Central Luzon, nakatira sa Sampaloc, Manila kasama ang dalawang nakababata kong mga kapatid na lalaki (kambal sila). May tatlo pa akong kapatid, dalawang mas nakatatanda sakin na lalaki, at ang bunso naming prinsesa. Nagtatrabaho ako bilang isang empleyado sa isang company sa Eastwood tuwing gabi, habang sa umaga nama’y nag-aaral ako sa isang Pamantasan sa Manila, sa may Silangan na Pula, kumukuha ng second course na BS Accountancy.

Mahirap kung tutuusin, physically and mentally. 18 units ang kailangan kong kunin ngayong semester, may mga oras na halos wala akong tulog from school to work at dinadaan ko na lang sa vitamins or kape dahil ayaw ko din namang maapektuhan ang trabaho ko, mas lalo ang pag-aaral ko. Kung tutuusin kaya naman akong pag-aralin ng mga magulang ko, pero may ibang passion kasing naibibigay sa akin ng trabaho ko ngayon. Tinutulungan pa din ako ng parents namin sa tuition fee ko, pero yung mga personal expenses ko ay mula na sa sweldo ko sa work. Buti na lang may Educational Assistance akong benefit sa company so kahit papaano nakakatulong sa pag-aaral ko. Nasa second year na ako ngayon. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Wala na nga din akong masyadong social life mula nang magsimula akong magbalik-eskwela. Unlike noong puro trabaho lang ako na halos every weekend ay may gala ako kasama ang mga friends and classmates ko noong High School.
Nagtatampo na nga sa akin ang mga kabarkada ko dahil madalas daw, hindi na ako sumasama kapag may lakad sila. Madalas kasi pag Sabado ay tulog ako buong araw. Linggo na ako ng umaga nagigising at ito na lang ang pinaka-free day ko at gusto ko nalang itong ilaan sa bahay kasama ang mga kapatid ko. Kung minsan nilalaan ko ang Sunday sa pag-aaral.

Hindi lingid sa kaalaman ng pamilya ko ang tunay na sekswalidad ko at tanggap nila ako kung ano at sino pa man ako. Nagtataka nga sila kung bakit wala pa daw akong nakakarelasyon ever since magbreak kami nung partner ko noong 2012. Sabi ko naman, wala talaga akong oras sa mga ganyan as of now, dahil na din siguro sa pag-aaral at pagtatrabaho ko. Yun din ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Mark, ang unang lalaki sa buhay ko na minahal ko since 2nd year college ako sa aking unang course na BS Nursing. Lumipas ang panahon, nakamove on na siya, nakamove na din ako. Masaya kami pareho sa buhay namin, pero naisip ko na baka may pagkukulang nga talaga ako. Physically? Hindi naman ako pangit, just saying. Presentable naman ako magsuot. 5’7” in height at maputi. Mentally? Dahil siguro childish ako kahit 24 years old na ako, ay nanood pa din ako ng cartoons like Spongebob, Pokemon at Tom and Jerry. Emotionally? Kasi daw medyo madrama daw ako. Spiritually? Well, honestly bihira talaga ako magawi sa simbahan, pero nagpapasalamat pa din ako sa mga biyayang binibigay sa amin. Well kung ano pa man yun ay nakaligtaan ko na din sa tagal ng panahong naghiwalay kami. May kanya-kanya na kaming buhay.

Hindi ko aasahang sa kabila ng mga kaganapan sa buhay ko ay muling titibok ang puso ko sa pangalawang pagkakataon, sa katauhan ni Jake.

Araw-araw pala akong sumasakay ng LRT papuntang Cubao papasok sa aking trabaho. Konting tulog at pahinga from school, then maliligo na ako at magtatrabaho na ako.

Alas-otso ng gabi ang pasok ko sa trabaho, umaalis ako ng bahay ng alas-siete ng gabi. Alas-singko naman ng madaling araw ang uwi ko. Tuwing matatapos ang trabaho ay dali-dali akong umuuwi para makabawi kahit na kaunting tulog.

Last year, buwan ng Hunyo, unang taon ko bilang isang second-courser College student, alas sais ng gabi, ay napaaga ako ng pasok sa work, sa di maipaliwanag na dahilan ay naisipan kong magpalipas ng oras sa Gateway, siguro para magpalamig, tumingin tingin ng kung anu-ano, maglakad-lakad, nang may isa akong damit na nakita sa isang store. Nagandahan ako at agad pumasok sa store.

Lumapit ang isang salesman at nag-good evening, na wari sa pagkaka-assess ko ay nasa 19 or 20’s pero hindi ko naman talaga siya pinagtuunan ng pansin sapagkat nasa damit ang attention ko.

“May medium kayo nito?” tanong ko sa salesman.

“Eto po, Sir.” sabay abot sakin ng damit.

Binigay niya ito sakin at pumunta ako sa fitting room, at saktong sakto sakin. Walang pagdadalawang isip na sinabi ko sa sarili ko na bibilhin ko ito. Nang makita ko ang price ng damit ay nagulat ako sa presyo. Hindi pa man suweldo nun, wala akong dalang cash. Gusto ko na siyang bilin, may feeling kasi ako na baka kapag ipagpaliban ko pa na hindi ito bilin eh may ibang makabili. Laking panghihinayang ko lang pag magkataon. Buti na lang at dala ko yung credit card ko. Matapos mabayaran ang biniling damit ay umalis agad ako at naglakad mula Gateway hanggang sa sakayan ng jeep pa-Libis.

Makaraan ang mahigit isang linggo nang bilhin ko yung damit, Sabado ng hapon ay nagpunta ulit ako ng Gateway dahil magkikita kami ng matalik kong kaibigang babae, si Joey (Josephine ang tunay pangalan), dahil ipinangako ko sa kanya na kakain kami sa labas. Halos kalahating taong ko na rin siyang hindi nakikita. Siya ay dati kong katrabaho sa dating Call Center Company na pinagtatrabahuhan ko malapit sa school. Naisipan ko lang magresign sa dalawang kadahilanan: una, ay dahil may mas mataas na salary offer sa akin sa Eastwood; ikalawa, ay hindi na din maganda ang Operations and Management sa department namin at hindi nagiging maganda ang performance ng buong clusters and account namin. Napaaga ako ng dating sa Gateway at wari ko pa din ang antok dahil hindi pa talaga sapat ang tulog ko pagkauwi ko galing ng trabaho from Friday night.  Naisip kong uminom ng kape sa Starbucks, first time ko magcoffee dito, at laking gulat ko na ang daming tao nung araw na iyon. Gusto ko sana doon na lang hintayin si Joey, dahil masakit na din ang paa ko, lalo’t nakatayo pa ako sa LRT. Nakahanap ako ng table na may dalawang upuan at habang nag-aantay ay nagbasa muna ako ng libro. Dala ko yung ‘Catching Fire’ ko na libro habang umiinom ng Green Tea Frappe, nang biglang nagring ang phone ko. Medyo malelate lang daw ng dating si Joey so sabi ko na hihintayin ko na lang siya.

Matapos iyon ay may lumapit ang Guard.

“Sir, may kasama po ba kayo?” tanong nung Guard. Umiling lang ako sabay sabing.

“Wala ho.” habang nakatingin pa din ako sa binabasa ko.

Nang sandaling iyon ay pinaupo niya ang isang lalaki sa harap ko na wari ko ay wala ding mahanap na upuan dahil sa dami ng tao. Habang nakatuon pa din ang attention ko sa binabasa ko at umiinom, ay bigla siyang nagsalita. “Ay, Sir kayo po pala yan. Kumusta po?” biglang nawala ako sa binabasa ko, humarap ako sa kanya na nakakunot ang ulo, iniisip kung ako ba ang tinatanong niya. Isang ngiti ang nasaksihan ko sa isang binata sa harap ko na umiinom din ng kape. Napataas ang kilay ko at tinanong ko siya. “Magkakilala ba tayo? Nagkita na ba tayo before? Have we been introduced by a common friend?” Naguluhan talaga ko sa kanya. Anong malay ko kung may masama palang balak itong taong to sa likod ng kanyang mga ngiti.

“Ay, Sir nakalimutan niyo na pala.” sagot niya na waring may panghihinayang. “Ako po yung Salesman na nag-assist sa inyo nung bumili kayo ng damit sa store namin last week.” dugtong pa niya. Naalala ko nung bumili ako ng damit pero hindi ko matandaan ang mukha at itsura niya. Pinagmasdan ko ang lang siya at napansin ko ang gwapo at maamong mukha ng isang binata sa harap ko, samahan mo pa ng nakakatunaw niyang ngiti.

“Ah ikaw pala yun. Hindi ko na kasi matandaan, pero natandaan kong bumili nga ako ng damit last week, kaso hindi ko na natandaan yung mukha mo.” paliwanag ko sa kanya.

“Ayos lang po iyon, Sir. Walang kaso sa akin yun. Tandang tanda ko po kasi yung mukha niyo dahil sa totoo lang. . . .” banggit niya.

Nabigla ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya, at nag-interrupt ako.

“Sa dami ng customer niyo at ng mga tao sa mall at sa store niyo ay naalala mo pa talaga ako.” sabi ko. Nagtaka ako, pero binalewala ko na lang iyon, kasi hindi naman din kako imposible yun. Dagdag pa niya ay nagcoffee muna siya bago pumasok sa work.

“First Day ko po kasi sa work ko ng araw na iyon at kayo po yung unang bumili nung oras na iyon.” sagot niya, at tinanong niya kung anong pangalan ko.

“I’m Joshua pala.” pagpapakilala ko.

“I’m Jake ho pala.” sagot niya sabay inabot ang kamay niya at nakipag-shake hands.

Kinilatis ko siya sa kanyang itsura at parang hindi mo iisipin na isa siyang Salesman, hindi naman sa pagstereotype, pero sa wangis at kisig ng katawan niya baka pwede pa siyang magmodel or mag-advertise ng mga damit na binebenta niya. Nasa 5’8” siya sa tantsa ko, sakto ang pangangatawan at malinis manamit.

Hindi ko na naituloy ang pagbabasa ng libro, napunta na ang attention ko kay Jake, at nakipagkwentuhan na din ako.

Tinanong ko siya kung may mga new arrivals ba silang damit. Pero wala pa daw. Sinabi ko pa sa kanya na hindi ko pa naisusuot yung damit na binili ko last week. Aayain niya sana ako sa store para tumingin ulit, kasi sabi ko na nagustuhan ko yung damit na nakadisplay sa kanila last week kaya binili ko agad, kaso kako inaantay ko pa si Joey.

“Sir, kung gusto niyo po eh kunin ko po ang number niyo para itext ko po kayo kung may mga new arrivals, or kung may mga designs po sa ibang branch na magustuhan niyo.” bigla niyang banggit na parang nahihiya ang pagkakasabi niya.

Kinuha ko ang phone niya at sinave ko ang number ko at nagpaalam na siya dahil 15 minutes na lang daw at start na ng work niya. Sakto naman na nagring ulit ang phone ko at tumawag ulit si Joey. On-the-way na daw siya at sinabi kong nandito ako sa Starbucks.

Lumipas ang mga araw, siguro dalawang linggo na din, ay hindi naman ako nakakareceive ng mga text messages sa kanya, inisip ko baka binobola niya lang ako noong araw na iyon para lang bumili ulit ako ng damit. Baka nagbreak-the-ice na lang siya nung nakasabay niya ako magkape. Inisip ko na ding huwag nang dumaan sa store nila baka akalain nagpapapansin ako sa kanya.

Buwan ng Hulyo, Sabado nang mapadaan ako sa SM San Lazaro para mag grocery, kasama ang mga kapatid ko, ay nakareceive ako ng tawag kay Jake.

“Hello po, kumusta na?” bungad niya.

“Uy napatawag ka, ayos naman ako. Siguro madami na kayong mga new arrivals na damit kaya napatawag ka?” sagot ko.

“Actually po, wala pa nga ho kaming bagong stocks pero ang sabi samin ng supervisor ko, sa katapusan daw po ng buwan may mga dadating na mga bagong damit na tiyak magugustuhan niyo. Di na kasi kayo nadadaan dito, Sir.” Sabi ni Jake.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Masyado na kasi akong busy sa trabaho at school, kaya hindi na ako masyado makadaan diyan sa Gateway.” paliwanag ko

“Ah, nag-aaral ho pala kayo.” Ang pagulat niyang reaksyon.

“Oo, sa umaga, tapos trabaho sa gabi.” sagot ko kanya. Dahil na din dito ay parang lumakas ang loob ko na ayain siyang lumabas. Pumayag siyang makipagkita kinabukasan, at napagdesisyonan naming magkita sa McDonald’s sa tabi ng UST, para magbreakfast.

Kinabukasan, maaga akong nagising, medyo naexcite ako na makipagkita sa kanya, at naisip kong suotin yung damit na binili ko last month. Malapit lang ang McDonald’s dun sa tinutuluyan naming unit, pero napansin ng kapatid ko na nakagel at nagpabango pa ako, samantalang magbebreakfast lang naman kami. Paglabas ko ng unit ay nilakad ko papuntang McDonald’s. Nakareceive ako ng text na nandun na daw siya. Hindi na din ako nakapagreply kasi malapit lang naman, walking-distance lang mula sa Unit namin.

Nasa labas pa lang ako ng McDonald’s ay nakita ko na siyang nag-aantay sa counter, naka-pambahay na akala mo’y kababangon lang sa kama dahil medyo gusot pa ang t-shirt niya. Pero hindi mo maipinta sa mukha niya na mukhang kagigising lang niya. Pagpasok ko ay sinalubong niya ako ng kanyang pamatay na ngiti kung saan parang nafeel kong busog na ako at ayaw ko ng kumain. “Anong gusto mong orderin?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw? Anong gusto mong orderin? Unang suweldo ko, treat kita.” Pagmamalaki niyang sagot.

“Teka, ako ang nag-aya so ako dapat ang taya, tsaka dapat ipunin mo yung unang sweldo mo.” paliwanag ko.
“Okay lang yun, hindi naman siguro aabot ng Php 500.00 yung makakain natin ngayon, diba?” sagot niya na may halong pangugulit.

“Sa bagay. Oh sige na nga, anu sakin Longganisa with rice, scrambled yung egg, hot choco yung drink at hash brown, wala pang Php 200.00 yun.” sabi ko. Yan ang usual order ko sa McDonald’s kapag breakfast.

“Oh sige, yun na din ang order ko. Hanap ka na lang ng upuan sa taas. Salamat” sabay sabi niya na may ngiti.

Sa second floor, wala pang masyadong tao, mainit pa at hindi pa nakabukas ang aircon. Umakyat na siya dala-dala ang order naming pagkain. Bigla akong napaisip, na yung feeling na matagal na kayong magkakilala, pero sa totoo lang third time pa lang naming nagkikita. Una sa store, pangalawa sa Starbucks, pangatlo dito. Siyempre, nagkwentuhan din kami habang kumakain. Napag-alaman ko na 3rd Year College na dapat siya sa kursong BSBA Major in Business Management, sa isang Pamantasan din sa Manila, sa Malayong Silangan na Berde, pero tinamad daw siyang mag-enroll at huminto. Sinubukan niyang maghanap ng trabaho habang walang ginagawa. Bandang Dimasalang siya nakatira, apat silang magkakapatid, pangatlo siya. 19 years old na siya, at nalaman kong Single, na ikinasiya ko naman. Ang saya-saya ng kwnetuhan namin na kung pwede hanggang gabi na kami doon magstay.

Hindi pa din siya pala makapaniwala na nag-aaral ako sa umaga, at nagtatrabaho ako sa gabi.

“Grabe, ang bangis mo pala. Hindi ko kaya yang nag-aaral at nagtatrabaho ng sabay. Kaya nga ako huminto muna kasi medyo tinamad ako at parang gusto ko na magtrabaho at kumita ng pera. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam.” banggit niya.

“Actually sa ngayon, medyo kaya ko pa kasi hindi pa naman ako Full Load, eh pag dating ng higher years baka magresign na din ako sa trabaho dahil tiyak kailangan kong maging tutok sa pag-aaral. Itong kurso kasi talaga ang isa sa mga gusto kong kunin. Wag mong madaliin kasi ako nung nagtatrabaho ako, kapag nakikita ko yung mga estudyante na naka-uniform, iniisip ko na sana student pa din ako dahil iba pa din talaga ang nag-aaral sa nagtatrabaho.” paliwanag ko sa kanya.

Nakapatong ang mga kamay niya sa table at pinagmamasdan ko ito, dahil sa ang ganda ng mga daliri niya. Tapos unti-unti akong tumingin pataas hanggang sa mukha niya at maabot ko ang nakangiti niyang mga labi, napaka-kissable. Yung mga mata niyang nakakatunaw, ngayon ko lang nasabi sa isip ko na ‘Ang gwapo niya.’

Siya naman, bigla niyang napansin na suot ko yung damit na binili ko sa store nila. “Familiar yang damit na iyan ha.” banggit niya na may halong ngisi.

“Ngayon ko lang siya sinuot, at sinadya ko talagang suotin ito para sa yo.”

“Wow ah, talagang para sa akin ha.” aniya.

Sa mga ngiti ko ang mga tingin ko sa kanya, naiisip ko kung obvious na ba na nagugustuhan ko siya. Ayaw ko namang ipakita agad-agad, may mga oras lang na hindi ko mapigilang kiligin sa kanya, baka kasi isipin niya easy-to-get ako or taking thinks for granted, or taking advantage blah blah blah. Haha… Habang tumatawa ako ay sinasagi ko ang legs niya, ng paa ko, na napapahimas na. Natetempt akong magsabi ng kung anu-ano at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, nang nahawakan ko siya sa kamay. Pag hinihimas ko ang legs niya ng paa ko, ay natatawa lang siya at nakikiliti. Hindi kaya kinikilabutan? Haha.

Hanggang sa maitanong ko, “Bakit ka pala Single? Sa gwapo mong iyan?”

“Ako? Ewan, hindi naman sa pihikan ako pero siguro naghahanap ako ng taong masarap kasama at witty.” sagot niya.

Napalunok ako na sana ako na yung tinutukoy niya, pero naging serious siya. Mas gumagwapo pala siya pag seryoso siya. Nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Minsan na daw siyang nasaktan sa maling tao. Ito ay sa unang babaeng minahal niya nung 1st year College siya hanggang 1st Semester noong  Second Year College siya. Naka-7 months daw sila nung babae at ang masaklap ay pinagpalit daw siya sa Tomboy na Varsity player ng Volleyball, na lalong kinainsulto daw niya. Na halos madurog daw ang pagkalalaki niya sa ginawa sa kanya nung girl. Yun pa daw yung isang dahilan kung bakit parang tinamad siyang mag-aral dahil hindi siya makamove on tuwing nagkikita sila nung babae sa school kasama ang jowang tibo.

“Actually, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, pero ano naman ang magagawa ko kung siya na ang may ayaw sa akin. Bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya kung may iba na siyang gusto. Nainsulto lang talaga ako na ipinagpalit niya ako sa isang KFC.” ang madamdamin niyang pag-amin. “What’s worse eh parang mas boto pa ang parents niya doon sa tibo kaysa sakin. Palibhasa akala nila, easy-go-lucky daw ako at walang mararating sa buhay. Baka buntisin ko lang daw siya takbuhan.”

Nang sabihin niyang “KFC” alam ko ang tinutukoy niya, dahil nga ang business tagline ng KFC ay ‘Finger Lickin’ Good.’ Well hindi ko inexpect na dito mapupunta ang usapan namin.

Tinapik ko siya sa balikat sabay sabing, “Uy tama na, baka may dahilan talaga kung bakit nangyari yan sa yo. Malay mo may mas higit pa sa kanya kang makikita diba.”

“Uy pasensiya na ah. Ikaw naman kasi tinanong mo pa yung about sa lovelife ko.” aniya.

“Ay ganoon ba, pasensiya na ha. Hindi ko naman alam na may pinagdadaanan ka pala.” paliwanag ko na may halong awa sa kanya.

“OK lang ano ka ba, hindi mo naman kasalanan eh. Mabuti na din ito na may napaglalabasan ako ng nararamdaman ko. Ang alam kasi sa amin ay naghiwalay kami ng maayos, pinalabas ko na lang hindi kami magkatugma ng schedule kaya nawawalan kami ng time sa isa’t isa. Salamat pala sa pakikinig ah. Sa susunod ikaw naman magkwento ah” sabi niya sabay ngiti sa akin.

Kahit paano parang nabunutan siya ng tinik sa pagkwento niya sa akin ng lovelife niya. Madami pa kaming napag-usapan, about sa mga hilig niya, at ang pinakamaganda pa ay, pareho kaming mahilig mag out-of-town at magfoodtrip. Mukhang magkakasundo kami ni Jake, palagay ko. Dumami na din ang tao sa 2nd Floor, at hindi na din naming namalayan ang Air Con. Alas-onse na ng umaga nang mag-aya na kaming umuwi, may mga assignments pa kasi akong gagawin, kailangan matapos ko iyon.

Habang bumaba kami sa hagdan, ay umakbay siya sa akin, at hinatid niya ako pauwi sa amin. Nilakad lang namin pauwi ng bahay sa gitna ng katirikan ng araw, sabay sabi kong, “Oh ayan ah, alam mo na ang bahay namin.” Sabay ngiti sa kanya. Umalis na din siya at nag-abang ng jeep pauwi.

Pag-akyat ko ay nagpahinga lang ako saglit habang nagtext ako sa kanya ng “Ingat” with a “happy face.” Nagreply lang siya ng “Thanks” pero hindi na ako nagtextback. Tinapos ko ang mga Worksheets ko at ibang mga assignments namin. Hindi na nga ako nakapagmeryenda noon sa dami ng ginawa ko. At mag-a-alas sais na ng gabi ng may tumawag sa phone ko. Si Jake. Sinagot ko at. . .

“Hi Joshua, nandito pala ako sa labas ng Unit niyo.”

Itutuloy. . . . .

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Study, Work, Love
Study, Work, Love
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiCnq4okXqL1TjlhECyLx9kRGFS6Q7W6BbCmCvhQn9Aw5xWC6FzqA7KDeM8VkgUzCyvccMq0TtGz-eLlzTu3jQfzojiE-g9CFMvOXK5uKW9ZmfM9t-xF-j3lKVIdgJT9DB_L10uDnZnNw3k/s1600/48198b00-40fb-11e4-89d6-b1a6f12692f6_20140920_NPPA-VFD_00056947.JPG
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiCnq4okXqL1TjlhECyLx9kRGFS6Q7W6BbCmCvhQn9Aw5xWC6FzqA7KDeM8VkgUzCyvccMq0TtGz-eLlzTu3jQfzojiE-g9CFMvOXK5uKW9ZmfM9t-xF-j3lKVIdgJT9DB_L10uDnZnNw3k/s72-c/48198b00-40fb-11e4-89d6-b1a6f12692f6_20140920_NPPA-VFD_00056947.JPG
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/09/study-work-love.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/09/study-work-love.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content