By: MFW Previously: Lumipas ang ilang araw ay nalaman ko na ang resulta. Nagsimula akong lumuha... ''POSITIVE'' sabi ng Dok...
By: MFW
Previously:
Lumipas ang ilang araw ay nalaman ko na ang resulta.
Nagsimula akong lumuha...
''POSITIVE'' sabi ng Doktor
Niyakap ako ni Dino. Habang ako'y humagulgol ng iyak, naramdaman kong umiiyak sya ng palihim. Ang akala ko na magiging masayang buhay naming dalawa ay hindi pala. Ngayon..ang Happy Ending para sa akin, sa fairytale ko nalang mababasa o di kaya ay mapapanood sa mga teleserye at pelikula.
Pero paano ko sasabibin sa mga magulang ko? Sa mga kapatid ko? Mas lalo akong naiyak dahil nadagdagan na naman ang suliranin sa aking buhay.
Nagsalita ang Doktor.
"Mr. Adrian, buti nalang po ay naagapan niyo, dahil malapit na po kayo sa 'Critical stage' ng HIV, ang AIDS."
"Paano mangyayari yun? Wala naman po akong symptoms na may HIV ako. Pero pano?" tanong ko, pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang sinasabi ng Doktor.
"Maaring months o years, bago natin maramdaman ang epekto ng HIV sa ating katawan. Dahil sa pinapababa nya ang kapasidad ng ating immune system kaya mabilis tayong kapitan ng sakit.
Kaya dapat we always practice safe sex at laging may regular check up. Though hindi na natin maaalis ang HIV sa katawan ng tao, may mga meds naman na pwedeng inumin para mas mapahaba pa ang buhay niyo. We're going to observe kung kaya pang agapan ang HIV niyo Sir,kaya kailangan natin kayong i-check every after two weeks."
dagdag ng Doktor.
Lumabas kami sa kwartong iyon ng pawang nahulugan ng karayom.
Kasalukuyan:
Sa mga panahong kailangan ko si Dino ay hindi ako nagkamali. Hindi nya ako inalisan. Inalagaan nya ako. Dumating pa ang ibang araw naramdamdan ko na ang epekto ng HIV sa akin. May nakapa akong bukol sa likod ng aking batok at lagi akong dumudumi ng basa. Ako ngayo'y nakaratay sa kama. Wala ng epekto ang gamot na inirekomenda sa akin ng Doktor. Wala na akong pag asa.
After 2 weeks
"Sir Adrian, ang HIV ay hindi pa masyadong kumalat sa katawan niyo, early signs pa lamang ho ito at kaya pa syang agapan ng gamot. Sir Adrian, wag ho kayong mawawalan ng pagasa." paliwanag ng Doktor.
"Anong alam mo sa 'wag mawalan ng pag asa?' palibhasa kasi hindi mo nararamdaman ang sakit na nararanasan ko ngayon! sabihin mo nalang na wala na akong pag asa at mamatay na ako pagkatapps ng isang buwan o isang linggo o isang araw o pagkatapos ng isang oras !" habang patuloy na lumuluha ang aking mga mata, hindi napigilan ni Dino ang sarili at niyakap nya ako. Umalis ang Doktor ng tahimik.
"Yan, wag kang mag alala, andito lang ako. Totoo ang sinabi ng Doktor, wag kang mawalan ng pag asa, gagaling ka ( habang pinipigilan nya ang luha nya) Please, para sa akin wag kang mawalan ng pag asa."
tsaka hinalikan nya ako sa aking ulo habang pilit akong pinapatahan.
Pagkatapos ng halos isang buwan na gamutan ay bumuti ako. Hindi ko na nagawang bumalik sa trabaho at hindi ko ipinaalam sa king mga magulang ang nangyari.
Bumalik kami sa Doktor.
"You're doing good Mr. Adrian, ipagpatuloy niyo lang po ang pag inom sa mga gamot niyo at sinong makakapagsabi na tatagal pa ang buhay niyo." sabi ng Doktor.
Humingi ako ng pasensya sa Doktor dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Malugod naman nya itong tinanggap.
Lumipas pa ang mga araw. At nakarecover ako, though minsan nakakaramdam ako ng sakit. Nasa sala kami ni Dino at naguusap.
"Salamat" sabi ko
Hinalikan nya ako sa kamay sabay sabing, "Natandaan mo yung sinabi ko sayo nung nagpropose ako sa yo?" tanong nya
Ang mga salitang iyon na tumatak sa akin,ang mga salitang hindi ko malilimutan. Hinding-hindi ko malilimutan hanggang sa huling hininga ko.
"Lahat gagawin mo,kahit mahirap basta para sakin. Ganyan moko kamahal." sabi ko sa kanya.
"Lagi mong tatandaan yan ha" at hinalikan nya ako sa noo at saka niyakap.
Lumipas pa ang mga araw at bumalik na ako sa aking trabaho sa pag aakalang tapos na ang lahat, pero hindi pa pala.
Isang araw tinawagan ako ni Dino sabi nya ay puntahan nya daw ang address na itinext nya sakin dahil may mahalaga syang sasabihin sa akin. Nag paalam ako sa aking boss at sinabi kong emergency kaya pinayagan nya agad ako. Pinuntahan ko agad si Dino, nang makarating ako sa lugar na iyon ay nagtaka ako kung bakit wala sya kaya tinawagan ko sya agad.
"Hello?" natatakot ako na baka magalit sya dahil sobrang tagal ko.
"Yan." maikling sagot nya.
"Oh? Asan kana?" tanong ko
"Dito ako sa likod mo." sagot nya
Lumingon ako sa likuran nya at nandun nga sya. Niyakap ko sya atsaka nagpaliwanag na masyadong traffic kaya natagalan ako. Pero isa sa napansin ko, ay ang mga bagahe nyang dala.
"Oh? Aalis ka?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya, at yun lang ang sagot nya.
"Dino, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong ko
"Yan." panimula nya.
Nagsimulang tumulo ang luha ko.
"Oh? Bakit ka lumuluha? Parang di naman ako babalik." at pinunasan nya ang luha ko pero napansin ko na nanginginid ang luha sa gilid ng mga mata nya. Pinipigil nyang umiyak sa harap ko.
"San ka ba pupunta? Sasama ako?" pilit ko
"Yan. Uuwi lang ako sa amin dahil kailangan ako ni Nanay." Paliwanag nya.
"Oh di sasama nga ako. Sige na, please ayaw kong mawala ka.Please." pagpipilit ko.
"Yan. May trabaho ka at ayaw kong isakripisyo mo yung trabaho mo sa akin." mahinahong paliwanag nya sa kin.
At doon ay di ko napigilang yakapin sya at umiyak. Ayaw kong mawala sya dahil sa kanya,safe ako. Dahil sa kanya, hindi ako nag iisa.Dahil sa kanya, alam kong may pag asa. Ayaw ko syang mawalay sa akin. Ngayon ay hinawakan nya ang mukha ko. Pansin ko na umiyak sya pero pinunasan nya agad.
"Please (habang sumisinghot) ipangako mo na magiging masaya ka ha, habang wala ako. Lagi mong iinumin ang mga gamot mo at alagaan ang sarili mo ha." bilin nya habang pinipigilan ang luha.
Sa mga huling sandali ay nagyakapan kami at naghalikan sa labi ng matagal. Sa masakit at mahirap na pamamaalam na iyon ay pinilit kong maging masaya. " Babalik naman sya Adrian." bulong ko sa sarili ko habang nag papaalam kay Dino na pasakay na ng taxi.
Isang buwan. Isang buwan syang mawawala. Isang buwan rin akong malulungkot at isang buwan rin akong walang katabi sa kama. At isang buwan ring...Bigla ko na lamang na alala ang bilin nya sa akin na maging masaya ako. Pero paano? Hindi ko kayang maging masaya kung wala sya.
Pagkalipas ng isang buwan.
Hinihintay ko ang tawag nya. Pero wala.
Pagkalipas ng Isang linggo.
May nagtext.
Dali dali kong binuksan at laking tuwa ko dahil kay Dino galing iyon.
"Kita tayo sa address na ito." Ang address na ibinigay nya sa akin ay ang address kung saan huli kaming nagkita,kaya agad akong tumungo roon.
Pagkarating sa lugar na iyon. Wala sya. Kaya tinawagan ko ulit sya at para gawin nya ulit ang ginawa nya sa aking panggulat.
Nag ring ang phone nya.
Hindi nya sinasagot.
"Hmmm.siguro may binibili saglit." sabi ko sa sarili ko.
Umupo ako saglit sa isang kalapitang Cafe House at doon naghintay.
May biglang lumapit sa akin.
"Dino?" sabi ko habang lumingon ako sa kanya.
Nagkamali ako. Hindi sya si Dino pero kamukha nya.
"Ikaw po ba si kuya Adrian?" tanong nya.
"Oo bakit, sino ka ba?" tanong ko
"Ah ako po Aldren, nakababatang kapatid ni kuya Dino." sabi nya.
"Oh, halika umupo ka ano bang gusto mo?" offer ko sa kanya.
"Ah hehe, di na po, kumain na po ako kanina habang hinihintay kayo." sabi nya
"Ah so kanina ka pa?" tanong ko ulit
"Opo." maikling sagot nya
"Asan na ang kuya mo?" tanong ko.
Tumahimik sya at yumuko. Kinabahan ako sa reaksyon nya. Mayamaya ay may iniabot sya sa akin. Isang cassette tape.
"Ano to? Asan ba si Dino?" tanong ko ulit pero ngayon medyo nag hysterical na ako.
"Sabi niya po, ibigay ko daw sa inyo ito bago ho sya.'' isang matagal na tigil nya.
"Bago sya pumanaw." at nag simulang lumuha si Aldren.
Wala akong nagawa kundi natulala at pilit iniisip na hindi iyon totoo. Hindi! Hindi iyon totoo. Sabi nya babalik sya, pinangako nya sa akin na maging masaya ako, at sinabi nyang lahat ay gagawin nya para sa akin kahit mahirap dahil..dahil mahal nya ako.
At tuluyang na akong umiyak at umalis dala dala ang cassette tape at agad na umuwi.
Sunod sunod na ang kamalasan sa buhay ko. Dapat pa ba akong maging masaya? Pero. Pero. Paano?
humahagulgol akong binuksan ang pintuan.
Pagkapasok ko sa aking bahay, tila nahulugan ako ng langit,.parang nanghihina ako. Parang gusto ko ng mamatay. Naghanap ako ng cassette player, buti nalang naipamana pa sa akin iyon ni Mama bago sila pumunta ng ibang bansa.
Bago ko umpisahang pakinggan ay binasa ko ang sulat na nakaipit roon.
"Pagkatapos mong pakinggan iyan, maging masaya ka. -Dino"
Naiinis ako sa kanya. Bakit nya nagawa sa akin ito? Bakit di nya sinabi sa akin? Bakit di ko alam na nag aagaw buhay na sya bakit?
Pinindot ko ang play button at nagsimula syang magsalita.
"Ikaw at ako, Pinagtagpo.
Nag usap ang ating puso,
Nagkasundong magsama habang buhay."
-kumakanta sya, at ang kantang iyin ay ang isa sa napakagandang bersyong narinig ko. (habang lumuluha)
"...Sana'y di mag mamaliw ang pag tingin,
Kay daling sabihin, kay hirap gawin.
Sa mundong walang katiyakan,
Sabay nating gawing kahapon ang bukas."
-Naalala ko yung araw na iyon,ang isa mga napakasayang pangyayari sa buhay ko. Ngayon, bangungot nalang iyon (habang lumuluha)
"Hehehe, sorry Yan, pangit ba ang boses ko? Pasensya na ha?"
-Hindi. Hindi kailanman magiging pangit ang boses mo Dino.
"Pasensya na kung naglihim ako sa iyo. Isa iyon sa pinagsisihan ko."
-Sabihin mo kung bakit ka naglihim sa akin? Gusto kong malaman.
"Pero bago ang lahat, gusto kong malaman mong mahal na mahal kita."
-Pero bakit ka naglihim? Bakit ka naglihim sa akin Dino?
"Lahat ng ipinakita ko sa iyo, totoo. Gusto mo bang malaman ang lahat ng kwento Yan? Pero gusto ko ipangako mo sa aking di ka malulungkot sa pagkawala ko. Gusto ko na humanap ka ng iba maliban sa akin. Gusto ko masaya ka kahit wala ako."
-Hindi. Hindi ko kayang magmahal Dino. Ikaw lang ang mahal ko. Maging masaya? Hindi ko maipapangako. Hindi, Dino.
"At ito ang buhay ko at buhay mo."
-Dino....
"Nang gabing iyon, sa restaurant kung saan kayo nag away ng ex boyfriend mo, andun ako. Alam ko ang simula at hanggang sa umalis ka sa loob ng restaurant na iyon."
-Hindi. Hindi kita napansin doon Dino.
"Kung di mo ko matatandaan, ako yung nag serve sa inyo ng wine. Una palang kitang nakita nahulog na agad ako sayo, at alam ko ring hindi na maganda ang relasyon niyong dalawa ng ex boyfriend mo."
-Natandaan ko na, kaya pala iba ang mga titig nya sa akin noong mga oras na iyon.
"Natandaan mo bang yung sinabi ko sa iyo noong unang gabing nagkulitan tayo?"
-Pumikit ako, pilit kong inaalala.
"Tama lang iyon sa kanya, Yan."
-Oo.Dino naalala ko.
"Nung umalis ka, agad kitang sinundan."
-Hindi Dino. Pero. Hindi
"Kaya lang mabilis kang nawala at hindi kita agad nakita. Pero sa maniwala ka man at hindi hinanap kita ngunit huli lamang ako."
-Pero ang sabi mo sa akin sa sulat Dino, papauwi ka na nun? Ano ba talaga ang totoo?
"At sa halos isang oras na pinaghanap ko sayo nakita rin kita at di ko lubos maisip ang naabutan ko."
-Ituloy mo lang Dino.
"Wala kang halos saplot. At nakita kong mga drug addicts na gumawa nun sa iyo patakbo na papalayo."
-Dino...
"Wala akong nagawang habulin sila at sundan dahil medyo malala ang mga pasa mo."
-Ngayon naiintindihan ko na.
"Dinala kita sa boarding house ko. Akala nga ng mga ka board mates ko binugbog kita.(sabay tawa)"
-Tumatawa sya. Ang tawang iyon ay kailanman di ko na maririnig.
"Kaya pagka gising mo, iba na ang suot mo."
-Bakit mo ako hinalikan?
"Teka. Sana hindi mo naalala na hinalikan kita."
-Sabihin mo Dino ang dahilan.
"Hinalikan kita dahil sa dalawang rason. Una, dahil baka iyon na ang last na pagkikita natin. Pangalawa, dahil gusto ko suntukin mo ako at umiyak ka, at para mayakap kita."
-(bumuntong hininga ako)
"At, nangyari nga."
-Matalino ka nga.
"Pero, ilan lang iyon sa mga masayang pangyayari sa buhay ko. Nagtagumpay ako na mapalapit sa iyo at mahalin mo ko dahil yon ang matagal ko ng hinahangad."
-Mahal din kita Dino.
"Nung tinanong mo sa akin kung may gf ako, hindi lang ako umimik."
-Alam ko yun Dino, at alam ko na rin sa una pa ang pagkatao mo.
"Kaya niyakap kita, para malaman mong ikaw lang kauna unahang lalaki na minahal ko."
-Isang karangalan iyon sa akin Dino. Ngunit ang akala ko ay namimiss mo lang ang bf mo kaya nagawa mo iyon sa akin. Nagkamali pala ako.
"Naalala mo ba yung araw na pinagsabihan mo ako?"
-Oo. Dino at pinagsisihan ko yun akala ko ay nagalit ka sa akin.
"Hindi ako nakaramdam ng galit, dahil pag mahal mo talaga ang isang tao, kaya mong tanggapin ang mga kahinaan nya."
-Ganyan ka ba talaga Dino? Hindi ka nagtatanim ng galit.
"Alam mo ba nung tatlong araw na nagkasakit ako, alam ko na mag aalala at darating ka kaya di na ako nagtext sa yo."
-Tama ka nga Dino.Tama ka.
"Pero nung araw na gumaling ako. Ang totoo, hindi pa talaga ako magaling. Dahil una palang, Yan. May sakit na ako."
-Ano yon Dino? Bakit mo di sinabi sa akin?
"May osteosarcoma ako."
-Kaya pala, kaya pala napansin kong di ka makalakad ng maayos.
"At pilit kong itinago na may suot akong prosthetic leg sa kanang bahagi ng aking binti. Buti nalang at di mo napansin."
-Hindi ko napansin agad Dino. Sana mapatawad mo ako.
"Lumala lang iyon Yan, nung nalaman mong may HIV ka na. Hindi ko na sinabing may sakit ako dahil ayaw kong mag alala ka."
-Hindi Dino, sana sinabi mo sa akin.
"Kaya di ako nag aksaya ng oras na maging tayo dahil gusto kong malaman mong mahal na mahal kita."
-Kahit di mo gawin, ramdam ko na iyon, Dino.
"Natatandaan mo ba nung huli tayong magkita?"
-Oo dino, hinding hindi ko makakalimutan mo iyon.
"Bago tayo magkita nun, nagpachecked-up muna ako sa doktor."
-Pero di mo sinabi sa akin Dino, sana humaba pa ang buhay mo. (Nagsimula na naman akong umiyak.)
"Sabi nya, terminal stage na. Maniwala kaman sa hindi Yan, pinilit kong maging masaya pero, hindi ko kayang mawala dahil mahal kita. Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong masaktan ka. Alam mo ba napakahirap sa akin nun? Pero sabi ko nga sayo, kahit mahirap gagawin ko para sayo dahil mahal kita."
-Hindi Dino. Hindi...
"Sana pagkatapos mong pakinggan ito, pwede mong itapon kung nagalit ka sa akin dahil inilihim ko lahat ng ito sayo o di kaya ay itago mo."
-(pinunasan ko ang luha ko)
"Gusto ko maging masaya ka kahit wala na ako. Ikaw Yan, ikaw lang ang lalaking minahal ko. Babantayan kita hahaha.. kahit sa impyerno man ako mapunta. (Tumawa ulit sya)"
-Hintayin mo lang ako Dino.Magkakasama rin tayo.
"Hihintayin kita. Pero sana gusto kong i enjoy mo ang buhay mo. Tandaan mo lang yung ... (bigla nalamang akong nakarinig ng iyak na nahihirapan) .. Huling mga salitang sinabi ko sayo."
-Oo Dino.
"Mahal na mahal kita."
Narinig ko ulit ang iyak ng isang lalaking nahihirapan at saka tumigil ang cassette tape.
Pag kalipas ng dalawang buwan.
Naka move on ako sa pagkawala ng taong mahal ko. Mahirap syang kalimutan mahirap syang hindi mahalin. Ngayon, natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pag mamahal, simple lang, "Ang pagmamahal ay pagmamahal mismo. Kung susuklian mo ng pagmamahal ang pag ibig na ibinigay sayo ng isang tao, matututo kang magparaya at mag move on at matututo kang tanggapin ang kahinaan nya."
Ang korni noh? Pero para sa akin yan talaga ang kahulugan ng pagmamahal.
Kung namimiss ko naman si Dino ay pinupuntahan ko lang ang dalawang lugar na mahalaga sa akin, ang lugar kung saan sya nagproposed at kung saan kami huling nagkita.
Sa office, kung saan nakatanaw ako sa malayo. "Mr.Adrian" isang boses na kahawig ng boses ni Dino ang pumukaw ng atensyon ko.
Lumingon ako sa lalaki.
"Oh Mr. Jon."
The End.
COMMENTS