$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Call Center Love Confusion

By Drei, Arranged by Menver My name is Drei, 5' 5" ang height ko at hindi mejo payat pero di rin naman mataba, medyo may ...


By Drei, Arranged by Menver

My name is Drei, 5' 5" ang height ko at hindi mejo payat pero di rin naman mataba, medyo may kaputian and sabi nila kamukha ko si Dingdong Dantes, konti lang naman, sana pati height nakuha ko haha

I, myself, am a bit confused kung ano talaga ako. May pagkafeminine ako kumilos pero iniisip ko baka dahil lang sa upbringing and environment kaya hindi ko alam how to act like a man.

I grew up with my mom and older sister, my ninang na kapatid ni mama and ang lola ko. I wanted to blame it to them but I know its not their fault. I had 2 girlfriends na din naman which didn't last long, i knew I loved them, so i wanted to consider myself bisexual.

It was my first day as a call center rep sa ortigas and training pa lang kami nun. One by one names and past experiences were given. Then come across this guy na mejo feminine. His name is Tom, matangkad, chinito, maputi. Fresh grad as a nurse. Ako naman HRM graduate pero at that time 1 year na akong tengga. That time hindi ko naramdaman na magkakagusto ako sa kanya or what kasi may pinopormahan pa kong babae nun.

The time na napansin ko na nasa kanya na atensyon ko e nung nagsastalk na ako sa facebook. Napansin ko na lang na instead dun sa babaeng pinopormahan ko, e sa profile ako ni Tom madalas. Sabi ko iba na ata ito. I knew I had gay tendencies and i'd know if i'd fall or not.

Nalaman kong may girlfriend siya dahil sa facebook and tatlong taon niya itong niligawan, recently lang sila naging official dahil gusto nung girl na gumraduate muna sila bago siya magkaboyfriend.

Days passed and nagkakaron kami ng mga activities sa training na kaylangan ng partners, to do mock calls and teach each others about flaws and such, pinagdarasal ko lagi na kaming dalawa ang magkapartner which eventually happened.

Nagiging close na kaming magkakawave, nagiging personalan na ang mga tanong, which eventually lead to asking me and Tom about our sexual preference. Syempre sagot ko straight ako, ganun din naman siya.

"Lagi na lang ako napagkakamalan. Nakakainis", sabi ko. 

"Hayaan mo na.", sabi niya "Ako sanay na ako laging natatanong. Pero diba alam naman natin sa sarili natin kung ano ang totoo. You dont need to explain to anyone."

"Salamat."

"Anytime. Bestfriends?"

"O ba!"

Lagi kaming magkasama, lunch, breaks even biyahe pauwi kaso malapit lang ako Cubao lang while siya ay taga Bulacan. lagi din kaming nagaasaran. Inaasar niya akong jollibee, hindi ko alam bakit, siya naman lagi kong inaasar dahil hirap siyang magbigkas ng P and F pati na B and V. Minsan pag wala kaming ginagawa, binibigyan ko siya ng mga words na may halong P and F para mapractice siya, pero most of the time inaasar ko siya about dun.

Tuwing end of shift, tumatambay kami sa pantry, bumibili ng makakain, kwentuhan, I learned so much about him and nakakagulat kasi andami naming pagkakapareho, esp sa mga pinapanuod namin! pareho kaming mahilig manuod ng mga reality shows from the states, almost all the shows that i like e gusto din niya and napaguusapan namin ang kahit ano about sa mga shows na un, most of all, ang main similarity namin ay feminine and laging napagkakamalang bakla.

That time pala sa office na kami natutulog. dun niya pinipiling matulog kesa umuwi sa Bulacan, ako naman dahil aircon kaya masarap matulog. 

"Mauna ka na matulog, susunod na ako. Magpapantok lang muna ako dito.", sabi niya. 

Ako naman ayaw kong iwan siya dahil siyempre gusto ko kasama ko siya lagi. 

"Ayaw kitang iwan. Okay lang ako dito Tom. Hindi pa rin naman ako inaantok." 

"Ikaw bahala." 

"Alam mo kasi, ang pinakaayoko sa lahat e feeling na naiiwan or iniiwan, kaya as much as possible, ayoko din mang-iwan kaya dito lang ako hangga't nandito ka. Sabay ako sayo pagpunta mo ng sleeping quarters."

"Okay."

Unti unti ko nang nacoconfirm ang pagkagusto ko sa kanya. Tuwing umaga tinetext ko siya ng good morning, ingat sa pagpasok, which magrereply naman siya ng thanks ikaw din. Inaantay ko lagi na makita siya pag pumapasok sa trabaho. Umabot pa sa time na nag-aabang ako ng bus na ang ruta e from sapang palay in the hopes of seeing him riding the same bus, which never happened. Sa dinami dami ba naman ng bus na bumibyahe e anong chance ang makasabay ko siya.

Hindi naman din niya ako tinataboy pero may ginagawa siya na ikiinaseselos kong tunay. Tatlo kaming naging magkakaibigan kasama na si Eric, ang pinakamataba naming kaibigan. Haha. Napansin ko na lang na nagseselos na ako kay Eric dahil niyayakap siya ni Tom.

"Bestfriend mo din naman ako ah, bakit hindi mo ko niyayakap yakap?", sabi ko.

"Malaki kasi si Eric, mataba kaya masarap yakapin."

"Ewan ko sayo.", sabay walkout. 

Iniisip ko kung anong pahiwatig ng mga kilos ko sa kanya. Baka masyado na akong pahalata. Pero talaga namang nagseselos ako, Pero siyempre pinapalipas ko na lang un at sinasarili.

Nagpasya kaming magkakawave na magpunta sa Araneta para magbanchetto, I dunno if i spelled that correctly.

"Etong si Drei oh mukhang Jollibee talaga", sabi niya habang papunta kaming Cubao.

"Ay nako Tom wag mo kong simulan ah. Patay ka sakin."

"Kaya kitang labanan, englishan pa eh. taga call center kaya ako!"

"Taga call center nga english grade 1 naman. Di marunong ng P at F."

Tapos bigla siyang tumahimik. Patay. I think i went over the limits. Hindi na niya ako kinausap mula non hangang sa mag-uwian na kami.

Pabalik na kami sa office nun. I decided to talk to him along the way.

"Uy sorry na."

"Layuan mo ko. Ayoko makita pagmumuka mo. Alam mo namang hirap ako sa P at F, ginagawa mo pang katatawanan. To think na kinumpara mo ako sa grade 1."

"I know i made a mistake of going overboard and i know i hurt your feelings."

"Ok lang. I don't want you to get to concerned over me. Siguro lalayuan na lang kita."

"Why do you have to? Aabot talaga sa ganun?"

"Hayaan mo na ako. Nasaktan lang tlga ako"

Then he went straight to the office door without looking back at me.

Mahilig akong mag-iwan ng mga sulat so I decided to write him an apology letter to regain him back. Hindi ko maipaliwanag ang feeling na galit siya sakin. Nahihirapan akong pumasok sa trabaho na alam kong galit siya sakin.

Hinulog ko yung letter sa locker niya and eventually nabasa niya naman siguro dahil kinabukasan pinuntahan ko siya habang break namin at kinausap naman niya ako.

"Uy sorry talaga.", sabi ko.

"Wag mo na isipin un. Tapos na yun."

"I'm glad we're okay"

"Ako rin."

Naging okay ang lahat, hanggang sa umiral na naman ang pagkaseloso ko. Niyayakap na naman niya si Eric.

"Grabe ka sakin.", sabi ko.

"Oh bakit naman Jollibee?"

"Ayan nangasar ka pa. Naiinggit kasi ako pag niyayakap mo si Eric. Tapos ako hindi."

"O nasabi ko na sayo dati pa kung bakit ah."

"Oo kaso iba pa rin yung feeling eh."

"Halika nga rito.", at bigla niya akong niyakap"

Tumalon talon yung puso ko sa tuwa. iba yung feeling.

"Oh okay na ba yun?"

"Grabe ka. binigla mo ako. Hindi ganong yakap! Akbay lang."

"E yakap ka kasi ng yakap e di niyakap kita."

"E bakit ba kasi ayaw mo akong akbayan, nakakainggit e bestfriend mo din naman ako."

"May dahilan kasi ako kung bakit hindi kita inaakbayan."

"Ano naman yun?"

"Ah eh...", ang tagal niyang nakasagot.

"O natahimik ka jan. bakit nga ba?"

"Baka kasi mapagkamalan tayo."

"Mapagkamalang ano?"

"Mapagkamalang magsyota."

"Akbay lang magsyota agad? E bakit pag si Eric, hindi mo ba yun naiisip?"

"E iba kasi si Eric. Mataba yun. Tsaka iba ka."

Shet anong iba ako? Special? May nararamdaman ba to para sakin kaya ayaw niya akong inaakbayan?

"May iba pang dahilan bakit ayaw kitang akbayan. Pero para sayo at sa friendship natin, isasantabi ko yung reason na yun.", sabi niya.

"Ano naman yung isang reason na yun."

"Ayoko sabihin. Kasi baka layuan mo na ako kung malaman mo."

Iba na ito. There's a big part of me that tells me na may gusto siya sakin but I'm giving him the benefit of the doubt. Baka iba din naman ung reason at baka assuming lang ako.

"Grabe ganun talaga iniisip mo sakin, na lalayuan kita pag nalaman ko?" 

"Hindi naman pero I'm expecting it to be that way."

I know somewhere deep inside me tells me that baka nga may gusto na siya sakin. I just wanted to hear it straight from his mouth. Nung time na yun wala akong ibang maisip na bagay na pag nalaman ko e lalayo ako, bukod sa may gusto na siya sakin. Kaya nagpahiwatig ako, kungbaga.

"Kung ano man yang dahilan mo. Sabihin mo na, dahil malay mo gusto ko naman pala yang dahilan mo. You'll never know until you tell it to me." 

"Ayoko. Wag mo na ko pilitin dahil hindi mo malalaman." 

"Okay fine. Titigilan kita for now. But that doesn't mean na titigilan ko na ang pag alam ng reason na yan."

Dumaan ang mga araw, kinukulit at kinukulit ko siya na malaman ang rason na yun. Madalas pag kami na lang dalawa, aakbay siya sakin habang nagkukwentuhan kami. Natutuwa naman ako, kasi kahit papano may chance na naakbayan niya ako. Hanggang sa isang araw, tapos na ang shift namin nun.

"Uy ilang araw na ang lumipas. Hindi mo pa rin ba sasabihin kung ano yung rason mo?" sabi ko.

"Ayoko nga sabihin. Ilang ulit ko bang sasabihin yun?"

"Dali na kasi Tom, sabihin mo na yung dahilan."

"O sige na para matahimik na ang iyong isip sasabihin ko na. Pero pumunta muna tayong pantry."

Agad naman kaming nagpunta sa pantry. Walang tao nung mga oras na yun kasi 5 am na yun at usually hanggang mga 4 am lang ang mga nagtitinda sa pantry.

"O andito na tayo sa pantry.", sabi ko.

Umupo kami sa pinakadulo at sulok na table kung saan walang makakakita samin.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Ay naku! Hindi. Wala kong balak malaman. Kaya nga sumama ako rito diba?"

"Ayan ka na naman sa pagkapilosopo mo."

"O bilis na nga ano na ang dahilan mo?"

Bigla siyang umiyak sa harap ko. Natigilan ako. Hala anong gagawin ko may lalaking umiiyak sa harap ko.

"Uy anong iniiyak mo jan?", sabi ko.

"Ayokong malaman mo ang dahilan dahil baka layuan mo ako. Mag-iba ang tingin mo sakin. Ayokong mapunta tayo sa sitwasyon na hindi natin gusto."

"Ha? Naguguluhan ako. Sa anong sitwasyon tayo mapupunta?"

"Yung sitwasyong idinidikta ng mundong mali. Na magkagusto tayo sa isa't isa."

"So you're falling for me?"

"I'm on the process of. Ayokong i-entertain yung nararamdaman ko sayo dahil alam ko mali. Ayokong ientertain ang idea na bakla ako. Sabi ng tatay ko sakin pag nalaman lang daw niya na bakla ako. Ipapakaladkad niya ako sa barko. At sabi ni mama itatakwil niya ako bilang anak at ayoko mangyari yun. Kaya ayaw kitang akbayan kasi alam ko iba ang nararamdaman ko sayo at pag tinuloy tuloy ko yun e baka hindi na ako makaalis." 

Natulala ako. First time may nagconfess sa akin ng ganun. Kahit ako ayoko mapunta dun sa sitwasyon na yon. Pero alam kong gusto ko rin naman ang mga sinabi niya.

"I'm also starting to fall for you Tom. I knew it inside me. Kaya ayaw kitang iwan kahit sandali, kasi masaya akong kasama ka. Napapasaya mo ang araw ko kahit sa simpleng pangaasar mo lang."

"But I have a girlfriend."

"Okay lang. I'm fine with it."

Ano raw? Tama ba ang sinabi ko? Okay lang ako maging kabit? E sa kung yun lang ang paraan para makasama ko siya e edi okay na ako dun. Alam kong magiging masaya ako sa mga desisyon ko.

"Ampangit mo umiyak" sabi ko.

At bigla siyang sumimangot.

"Ay tampo naman ang labidabs ko. Halika nga rito, payakap naman."

Lumipat siya sa tabi ko kaya nayakap ko siya. Yung yakap na alam kong mutual ang nararamdaman naming pagmamahal.

"Ang cheesy naman masyado ng labidabs, feeling ko natutunaw ako."

"Edi dabs na lang, para pag masabi mo man yun with friends. Sabihin na lang natin dabarkads ang meaning nun. Pero for us, labidabs un"

"Okay dabs."

Nagtagal kami sa ganung posisyon, naka yakap ako sa kanya, nakatingin sa kawalan, ninanamnam ang mga sandaling ang lalaking mahal ko e mahal din pala ako. 

"Is it weird to say I love you?" sabi niya.

My heart skipped a beat. Hindi ko maipaliwanag yung feeling na naramdaman ko nung tinanong niya ako nun. Umiling ako.

"I love you.", sabi niya.

Feeling ko nagmamalfunction yung puso ko dahil iba yung tibok niya nung mga oras na yun.

"I love you too.", sagot ko.

"Shet, I feel like I'm melting.", sabi niya.

Nakayakap pa rin ako sa kanya. i never felt this loved my entire life, to think na sa lalaki ko pa yun mararamdaman.

Napansin ko na lang na titig siya ng titig sakin.

"May problema ba sa mukha ko?", tanong ko.

"Wala naman, natutuwa lang akong titigan ka."

"Okay. Baka naman matunaw ako niyan."

Titig pa din siya ng titig pero napansin kong sa lips ko siya nakatingin.

"Ano ba kasing titig yan, naasiwa ako.", sabi ko.

Kahit na kinikilig ako, yung titig na mala Tom Rodriguez na nagapapacute, ayy! Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa.

"Ano ba kasi yang tinititigan mo?!"

"Wala lang nga, natutuwa lang ako na yakap mo ako."

"Ako na nga gagawa.",sabi ko sabay kiss sa cheek niya.

"Shet eto na namaan yung feeling na natutunaw ako dabs.", sabi niya.

"Picture na lang tayo dabs."

"Sige.", mahilig kasi ako magpicture, #SelfieLord kumbaga.

Kinuha ko yung phone ko at akmang kukuha ng picture hanggang sa hinalikan niya ako sa cheeks while taking the photo. Kahit na napindot ko na yung shutter button sabi ko wag kang gagalaw, para lang mapahaba yung dikit ng lips niya sa cheeks ko.

"Okay na!"

"Tagal nun ah!"

"E antagal ng camera ng phone ko e."

"Okay", tinanggap naman niya yung rason ko, haha!

Tumagal kami sa posisyong nakayakap ako sa kanya, yun kasi yung pose namin dun sa picture. Nagtagpo ang aming mga mata. Sabi ko sa aking sarili na "Lord, salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon mahalin at magmahal sa pamamagitan ng lalaking ito."

Nakatitig lang kami sa isat isa hanggang sa dinikit niya ang mga labi niya sa labi ko. Ibinuka ko naman ang mga ito bilang pahiwatig na gusto ko rin iyon. Naglaban ang aming mga dila, yung halikang parang walang bukas. Sheeet! ano ba tong nararamdaman kong ito! Hinawakan ko siya sa pisngi at hawak naman niya ako sa aking batok. Tuloy tuloy pa rin ang paghahalikan namin, ang putol lang ay ang paghabol sa aming hininga.

"I love you dabs."

"I love you too."

May araw na nun sa labas kaya napagpasyahan naming umuwi na. Rest day namin yun kaya umuuwi kami sa aming mga bahay.

Dumaan muna kami ng McDonalds para kumain at pagkatapos nun ay umuwi na. Sumakay kami ng bus, pumunta sa may gitnang upuan kung saan kami na ang pinakalikod na nakaupo, yung pangdalawahan siyempre. Sumandal ako sa balikat niya habang pareho kaming dalawang nakasilip sa labas habang tinatahak namin ang daan pauwi. Taga Cubao lang ako kaya sandali lang ang naging biyahe namin at akoy nagpaalam.

"Dabs, dito na ko. Mauuna na akong bumaba sayo. Ingat ka ha!"

"Opo dabs, magiingat ako. Ikaw din. Take full rest okay?"

"Okay po. I love you!"

"I love you too." sabay halik ko sa kanyang labi.

Tumayo na ako at humakbang paunti-unti papuntang pinto ng aircon bus nang sumulyap ako sa kanya. Nakatitig siya sa aking may ngiti sa labi at ang pacute na mga mata.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Call Center Love Confusion
Call Center Love Confusion
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhbVqNcc9y3P0cmgayOT6OwVnFVudcqRg532yxiCr81_SfdU_MWXqHlqbRldYic3qkurTAAHMcscilRZNoItL05RRaUN4tUA9l6EKeB4AbyzqRBaRoGeC4dK2sApNy9t61kDjxhwXMPFklI/s320/call+center+love+confusion.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhbVqNcc9y3P0cmgayOT6OwVnFVudcqRg532yxiCr81_SfdU_MWXqHlqbRldYic3qkurTAAHMcscilRZNoItL05RRaUN4tUA9l6EKeB4AbyzqRBaRoGeC4dK2sApNy9t61kDjxhwXMPFklI/s72-c/call+center+love+confusion.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/11/call-center-love-confusion.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/11/call-center-love-confusion.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content