By: James Silver Chapter 10: Raffy's POV Napatawag si mommy upang sabihin ang hindi magandang balita. Kaninang hapon pa pala nila sinusu...
By: James Silver
Chapter 10: Raffy's POV
Napatawag si mommy upang sabihin ang hindi magandang balita. Kaninang hapon pa pala nila sinusubukang tawagan si James pero hindi sya macontact dahil battery empty na sya kagabi pa. Nakalimutan kasi nyang magpacharge nung nasa bayan pa sya.
Raffy: James si tatay!
James: Bakit anong nangyari kay tatay?
Raffy: Eto, kausapin mo sila nanay.
Nang makausap na nya sila mommy ay halos hindi maipinta ang mukha nya sa sobrang pag-aalala. Bumigay raw ang kidney ni tatay Rene at kailangang isagawa sa lalong madaling panahon ang transplant. Dahil kung hindi ay tuluyan na ring masisira ang isa pang kidney nya. Ako man ay halos hindi makapag-isip ng matino sa sobrang pangangambang baka may mangyaring mas masama pang bagay kay tatay kung hindi kami agad gagawa ng paraan.
Raffy: Kailangan nating makaluwas kaagad sa Maynila.
James: Oo nga kailangan talaga nating umuwi. Pero sa katapusan pa tayo makakauwi, wala pa tayong sahod eh.
Raffy: Tsk! Pamasahe pa lang wala na tayo. Syempre kailangan din natin yung panggastos doon sa ospital.
James: Haynaku! Ano ba 'to. Ano bang gagawin natin tsk!
Raffy: Wag ka mag-alala kaya natin yan hmm.
Niyakap ko sya at napatitig sya sa mukha ko. Pareho kaming nag-aalala pero kailangang maghintay kami ng mga sahod namin. Dahil hindi naman kami pwedeng sumugod sa giyera kung kahit tirador ay wala kami. Pagkatapos naming mag-usap tungkol doon ay nagpahinga na kami. Dahil maaga pa kami gigising bukas.
Gumising ako ng ala una ng madaling araw para ipaghanda si James ng babaunin nya at ng damit na pamalit sa pagpalaot nya. Nang bumangon ako ay naramdaman kong wala na akong katabi. Nakita kong nakasindi ang gasera sa kusina. Pumunta ako doon at nakita ko si James na kakatapos lang maligo.
Raffy: Oh! Bat ang aga mo nagising?
James: Hindi ako makatulog eh.
Raffy: Tsk! Mahal naman wag mo muna masyadong isipin 'yon at wala pa tayong magagawa. Uuwi tayo pag may pera na tayo ok? Hindi naman makakatulong yang pag-aalala mo sa problema eh. Buti sana kung umuulan ng pera pag nag-alala ka.
James: Eh, hindi ko kasi maiwasan eh. Tsk! kawawa naman si tatay.
Raffy: Nag-aalala rin naman ako kay tatay eh. Ang kaso nga wala pa talaga tayong pera. Sige na magbihis ka na at ipagtitimpla kita ng kape. (Nilapitan nya ako at niyakap.)
James: Sorry ah, nadadamay ka pa sa problema ko.
Raffy: Ano ba yang sinasabi mo? Hindi pa ba pamilya ang tingin mo sa akin at nagsosorry ka?
James: Syempre pamilya ang tingin ko sayo. Ikaw ang asawa ko eh.
Raffy: Yun naman pala eh. Ang problema mo, problema ko rin. Hindi mo kailangang humingi ng pasensya sa akin dahil dun. Sige na magbihis ka na para makakain ka muna bago umalis.
Maya maya pa ay dumating na si kuya Tonio para sunduin si James. Niyaya namin itong kumain pero tinanggihan nya kami. Minadali na ni James ang pagkain at agad na niyaya si kuya Tonio na umalis na.
James: Tara na kuya, para maaga tayo makarating doon.
Kuya Tonio: Oo nga tara na. Kumiss ka na dyan sa asawa mo.
Raffy: Wag na sige na, umalis na kayo. Hahaha! Parang tanga 'to si kuya Tonio. Nakakarami ka na, napapadalas na yang pantitrip mo ah. hahahaha!
Kuya Tonio: Sus! Nahiya pa kayo sakin, eh mga bata pa kayo alam ko nang ganito ang mangyayari sa inyo. Eh, mga uhugin pa kayo, hindi na kayo mapaghiwalay eh.
James: Haynaku! Sige na nga.
Hinalikan nya ako sa harap ni kuya Tonio. Grabe! Para akong malulusaw sa hiya. Si kuya Tonio naman ay abot hanggang sa likuran ng bungo nya ang ngiti.
Nagpaalam na sila at ako naman ay bumalik sa higaan dahil maya-maya lang ay papasok na rin ako sa trabaho.
Mag-aalas syete na ako nagising. Lintek! Tinanghali ako kaya mabilis akong kumilos. Kumain, nagtoothbrush at naligo, ginawa ko lahat iyon sa loob lamang ng trenta minutos. Habang inila-lock ko ang bahay namin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay Mr.Wee ang nakaregister na pangalan. Mukhang alam ko na kung bakit sya tumawag. Matindi talaga, wala syang pinapalagpas na pagkakataon para mapaghiwalay kami ni James.
Raffy: Hello po, ano pong kailangan nyo?
Mr. Wee: Ganyan ba ang tamang pagbati sa ama mo.
Raffy: Wag po tayong magdrama ngayon, may trabaho pa po ako. Kaya sabihin nyo na kung bakit kayo napatawag.
Mr. Wee: Well, una gusto kong kumustahin ang anak ko. At pangalawa may iooffer ako sayo.
Raffy: Maayos po ako at masayang masaya. Ano po iooffer nyo sakin?
Mr. Wee: Gusto kong mag-offer ng tulong para sa tatay ni James.
Tulong para kay tatay iyon kaya naman mataimtim akong nakinig.
Mr. Wee: Alam kong wala kayong pera para sa operasyon ng tatay ni James. Kaya ako na ang sasagot ng lahat ng gastos.
Raffy: Wag na, alam ko na ang kapalit nyan. Makakagawa kami ng paraan at hindi namin kailangan ng tulong nyo.
Mr. Wee: Alam kong hindi ka sasagot agad ngayon kaya hihintayin ko hanggang magbago ang isip mo. Anak gusto kitang ilagay sa tama. Mali yang ginagawa nyo. Malaking kasalanan sa Diyos yan, alam mo ba yun?
Raffy: Hehe, Napakalinis nyo ah! Wag nyo akong pangaralan tungkol dyan dahil kung tutuusin mas kilala ko ang Diyos kesa sa inyo. Nakasama namin sya nung mga panahong wala kaming makapitan ni nanay, buhay kami ngayon ng dahil sa Kanya. Hindi nya kami pinabayaan noon, hindi katulad mo.
Mr. Wee: Galit ka pa rin ba dahil iniwan ko kayo noon? Bumalik na ako ngayon ah, pero kayo naman ang lumayo sa akin.
Raffy: Wag mo nga kami baligtarin, hindi kami lumayo sayo. Itinaboy mo kami ni nanay, dahil gusto mong sumunod kami sa lahat ng plano mo. Pwes hindi mangyayari iyon. Sinisisi mo kami kung bakit nawala kami sayo ulit? Bakit ba parang utang na loob pa namin ang pagbabalik mo? Sinira mo lang lalo ang buhay namin ng nanay ko. At idinadamay mo pa ang pamilyang naging kasangga namin sa lahat ng bagay.
Mr. Wee: Mukhang mainit ang ulo mo ah, sa susunod na tayo mag-usap ulit pag malinaw na yang isip mo. Hihintayin ko ang sagot mo sa inaalok ko.
At bigla na lang namatay ang phone.
Lumipas ang mga araw at malapit nang dumating ang pera namin ni James. Iyon lang talaga ang hinihintay namin para makauwi kami ng Maynila. Pero nag-aalala ako dahil malaki ang gagastusin sa kidney transplant ni tatay. Siguradong kakapusin kami. Hindi naalis sa isip ko ang alok ng daddy ko. Inihahanda ko talaga iyon bilang panghuling baraha ko pag wala na talagang pag-asa. Hindi ko iyon binanggit kay James dahil ayaw kong mag-isip sya ng kung ano.
Pauwi na kami ni James. Nagpaalam kami kila kuya Tonio at sinabing babalik kami pag maayos na ang lahat. Nagustuhan na kasi talaga namin sa Palawan. At marami na kaming nabuong masasayang ala-ala ni James dito. Ala-ala, hindi bilang magkaibigan o magkasintahan. Kundi ala-ala bilang tunay na mag-asawa. Dito namin nasubukan kung papaano mamuhay ng kami lang dalawa. Kaya kahit anong mangyari ay babalik at babalik kami dito ng magkasama.
Nakarating na kami sa Maynila. Agad kaming dumiretso ng ospital. Hindi naman kami nahirapan dahil konting gamit lang naman ang dinala namin. Iniwan namin halos lahat doon sa Palawan dahil babalik pa naman kami doon. Pag karating namin sa ospital ay agad kaming pumunta kung nasaan si tatay.
James' POV
Napakapayat ni tatay at hinang hina. Nangingitim ang balat at tumanda ng husto ang itsura nya. Parang hindi ko sya kayang tingnan ng nasa ganoong kalagayan. Hindi kayang tanggapin ng loob ko na nakakaranas sya ng matinding karamdaman. Parang tutulo na ang luha ko anumang oras nung makita ko syang nakaratay sa kamang iyon at mahimbing na natutulog. Si nanay naman ay nangayayat din marahil ay sa palagi syang puyat sa pagbabantay. Nang makita nya kami ni Raffy.
N. Martha: Mga anak, kumusta na. Dapat sa bahay muna kayo dumiretso, pagod pa kayo sa byahe.
James: Ayos lang po kami nay, wag nyo po kaming alalahanin. Kayo po? Nangangayayat kayo nay ah, wag nyo naman pabayaan yung sarili nyo.
Raffy: Nay umuwi na muna po kayo, kami na po muna dito ni James. Kayo po ang kailangan magpahinga.
N. Martha: Salamat ah, maya maya uuwi na rin ako dahil magbabantay ako sa palengke mamayang hapon. Para naman makapagpahinga si Esther. Relyebo kasi kami sa pagbabantay sa palengke at dito sa tatay nyo eh. Kailangan yun para may mapagkunan ng panggastos. Yung dalawang bata naman ay inaasahan namin sa mga gawaing bahay.
James: Ngayon na po kaya kayo umuwi para mahaba ang pahinga nyo. Bukas tutulong na din kami sa pagbabantay sa palengke.
Hindi nagtagal ay nagising na si tatay.
T. Rene: Anak!
James: Tay! (sabay kaming tatlong napalapit sa nagising kong ama)
T. Rene: Kumusta kayong dalawa?
James: Ayos naman po kami tay. Kayo po ang kumusta, may masakit po ba sa inyo?
T. Rene: Wala naman. Pasensya na kayo at naistorbo pa namin kayo doon sa Palawan.
Raffy: Ano ka ba naman tay bakit yun pa ang iniisip mo. Wala yun, hindi rin kami magiging masaya kung ganito naman ang lagay nyo.
T. Rene: Salamat talaga sa inyo mga anak.
Alam kong hindi maganda ang lagay ni tatay. Pero natutuwa ako sa twing tatawagin nyang anak si Raffy. Ramdam ko kasi ang buong pusong pagtanggap nila sa taong pinili ng puso ko para mahalin.
T. Rene: James, Raffy kumusta nga pala ang binuo nyong pamilya? Nakapag-ampon ba kayo? Asan na ang apo ko sa inyong dalawa?
Raffy: Aynaku tay, hindi natuloy yung pag-aampon namin. Ito kasing si James antigas ng ulo eh, sabi nang lalake ang ampunin namin ayaw nya.
James: Eh, gusto ko nga kasi babae. Ano yun puro lalake na lang tayo sa bahay?
Raffy: Ewan ko sayo.
N. Martha: Mali ka kasi ng tanong eh, dapat ang kinumusta mo eh yung pag-aaway nila. Mas madalas na kayong mag-away ngayon ano?
James: Medyo madalang na nay, hindi na katulad ng dati na maya't maya. Nayon araw araw na lang.
Nagkwentuhan kami at nagtawanan. Natutuwa ako at nagagawa naming pangitiin si tatay sa kabila ng iniinda nyang sakit. Maya maya ay nagpaalam na si nanay na uuwi.
Tumatagal na ang pamamalagi namin sa ospital. Lumalaki na rin ang babayaran, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naooperahan si tatay. Nagseservice na ulit ako para makatulong sa gastusin. Pero sinisikreto ko lang kay Raffy, dahil siguradong away na naman ang kahihinatnan nun. Sinabi ko na lang na may napasukan akong trabaho na pang-gabi. Kahit na labag sa kalooban ko ay kailangan kong gawin, dahil iyon lang naman ang alam kong may mabilis na kita. Sa isip ko ay panay panay ang hingi ko ng tawad sa kanya. Lumapit din ako sa mga kaibigan ko. Kay Limuel, Glenn, Christian at sa iba pa at nakapagbigay naman sila ng kaunting halaga para pang suporta. Malaking tulong na sa amin iyon.Kahit na malaki kasi ang kinikita ko ay talagang kinakapos pa rin kami. Nahihirapan na akong mag-isip ng paraan. At dumating nga ang napakatinding problema na susubok sa tatag ng loob ko. Lumalabas na ang mga kumplikasyon sa sakit ni tatay. Madalas na syang lagnatin ng matataas na umaabot na sa pangungumbulsyon. Parang masisiraan ako ng bait sa tuwing mangyayari iyon, buti na lang ay buong buo ang suporta ng asawa ko sa akin at nabibigyan nya ako ng lakas ng loob.
Raffy's POV
Hindi ko talaga kayang basta na lang panoorin si tatay habang unti-unti syang nanghihina. Ayoko syang mawala, dahil kung tutuusin ay sya lang rin naman ang kinilala kong ama sa loob ng mahabang panaho. Sya ang nanenermon sa akin kapag may nagawa akong hindi maganda. Napapagalitan nya ako noon ng madalas, pero kahit minsan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Dahil alam kong para rin sa ikabubuti ko ang mga sinasabi nya. Kaya hindi ako papayag na basta na lang sya mawala sa mundong ito. Kung kinakailangan kong suhulan si kamatayan ay gagawin ko.
Naisip ko nga ang naging usapan namin ni daddy. Mukhang matatalo ako dito, pero para kay tatay at kay James ay handa akong magpatalo sa daddy ko.
Lalapitan ko si daddy ng hindi alam ni James. Ang sabi ko ay may pupuntahan lang ako. Gusto nya ngang sumama pero sabi ko ay wag na. Nagpalusot na lang ako na pupunta kila Kat, at dahil yun ang sinabi ko ay bigla namang nalukot yung mukha nya.
Raffy: Mahal, kalimutan mo na yung nangyari na yun. Tsk! Magkaibigan na lang kami ni Kat ngayun, dadalawin ko lang sya at baka makatulong din sya sa problema natin, ok?
James: Sige na nga, eh kasi baka mamaya kampante lang ako dito tapos iba na pala ang ine-enjoy nyo dun.
Raffy: Ano ka ba, kahit maglaway pa sya sa akin hindi ko na sya papatulan ulit ok? Tsaka takot ko lang sayo. Mahal na mahal kaya kita.
James: Talaga? Kahit na mas masarap si Kat kesa sakin? Hehehehe.
Raffy: Para kang tanga! Sige na aalis na ako.
At lumabas na ako ng bahay.
Tinawagan ko ang daddy ko. Sinabihan nya ako na dumirecho na lang ako sa opisina nya. At nang makarating ako doon ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang lolo ko. May pinag-uusapan sila ni daddy na hindi ko maintindihan. Chekwa ang usapan kaya hindi ko masyadong maintindihan. Konti lang kasi ang pumasok sa utak ko nung nag-aaral ako nun. Nang makita nila ako ay huminto na sila sa kanilang usapan at agad akong bumati sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin palagay ang loob ko sa lolo ko. Alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit nya kami tinanggap ng nanay ko. Pangbawi ao sa mga pagkukulang na ginawa ng daddy ko noon. Isa rin ito sa mga dahilan kung bait masama ang loob ko sa kanila. Plinano na nila ang buhay ko nang hindi man lang humihingi ng permiso sa akin.
Tumayo na ang lolo ko at lumakad papunta sa akin. Hindi ko sya matingnan sa mata kaya nakatungo lang ako. Pagkalapit nya sa akin ay tinapik nya ang balikat ko ng tatlong beses at kasunod nun ay ang malakas na tawa. Hindi ko na sya pinansin hanggang sa tuluyan na nga syang lumabas ng opisina.
Nakangiti ang daddy ko nung nilapitan ko sya.
Mr. Wee: Oh, ano malinaw na ba ang isip mo ngayon?
Raffy: Nakikiusap po ako, tulungan nyo po ang tatay ni James. (Sabay hugot ko ng malalim na hininga.)
Mr. Wee: Oo naman, syempre. Para sayo anak, gagawin ko 'yon. Pero syempre alam mo na ang magiging kapalit nun.
Raffy: Alam ko po. Ang mahalaga lang po sa akin ngayon ay maoperahan si tatay Rene. Pagkatapos nun ay gagawin ko po ang gusto nyo.
Mr. Wee: Walang problema ngayon rin mismo ay ipapadala ko ang pera. Ipapasundo ko na lang yung mommy mo mamaya. At sa bahay na kayo uuwi mamaya. At gusto ko ring ipaalam sayo na sa abroad ka na mag-aaral. Sisiguruhin ko nang hindi kayo magkikita ni James. Niloko nya na ako minsan at hindi na iyon mauulit pa.
Biglang naniip ang dibdib ko sa mga sinabi nya. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang kabayarang hinihingi nya.
Raffy: May huling pakiusap po ako.
Mr. Wee: Ano yun?
Raffy: Pwede po ba akong magstay pa kahit isang araw sa bahay nila James?
Mr. Wee: Sige kung yan ang gusto mo. Walang problema. Ipasusundo ko na lang kayo bukas ng gabi, para naman makasiguro ako. Naloko nyo na ako minsan kaya hindi nyo na mauulit pa iyon.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagmadali akong pumunta kila James. Wala akong balak tumalikod sa napag-usapan namin ng daddy ko. Kailangan kong makasiguro sa kaligtasan ni tatay Rene. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan, para mapanatiling buo ang masayang pamilya ni James. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa sakit na mararamdaman ko. Titiisin ko ito alang-alang sa kanila. Sa pamamagitan nito ay mapapatunayan ko kung gaano ko sya kamahal. At paulit-ulit kong patutunayan iyon, kahit pa sa paraang hindi nya maiintindihan.
Pagkarating ko ay agad naman kaming naghanda ni James, dahil kami ang nakatokang magbantay ngayon sa ospital.
James: Oh! Magpahinga ka muna, kagagaling mo lang sa byahe. Kumusta nga pala yung lakad mo, nagkausap ba kayo ni Kat?
Raffy: Oo, magiging ok na lahat. Mababayaran na natin yung operasyon ni tatay.
James: Ahy! Salamat naman. Pwede na ba natin sya ipa-schedule para sa operasyon?
Raffy: Oo, ipa-sched na natin sya mamaya.
James: Salamat talaga, ang problema na lang kung papano natin babayaran si Kat.
Raffy: Wag mo na muna isipin yun, ang mahalaga magiging ok na si tatay.
James: Mahal. Salamat.
Nilapitan ko sya at niyakap. Naramdaman ko ang kalungkutan, pero hindi ako pwede magpadala dito.
Pumunta na kami sa ospital. Pinaschedule muna namin si tatay para sa operasyon. Bago namin pinauwi si nanay Martha para makapagpahinga. Natutulog si tatay. Naupo lang kami ni James sa tabi nya. Buti na lang at wala yung mga rumorondang guard na nagpapalabas sa sobrang bantay. Isang bantay lang kasi ang pinapayagan. Kaya madalas ay panay ang salitang paglabas namin ni James.
Habang magkatabi kaming nakaupo ni James ay hinawakan ko ang kamay nya.
Raffy: Bakit mo ako mahal? (halos pabulong kong tanong sa kanya)
James: Ewan, mahal lang kita eh. Kailangan ba may dahilan ako?
Raffy: Oo, dapat may dahilan ka. Dapat meron kang bente hanggang isang daang dahilan kung bakit mahal mo ako.
James: Grabe naman ang OA naman, ganung karami?
Raffy: Oo nga, paulit-ulit? Mag-isip ka na timer starts now.
James: Sira-ulo ka. Inorasan mo pa ako eh kahit isa wala nga akong maisip.
Raffy: Kahit isa wala? Grabe ka ah, nagdududa na ako kung mahal mo ba talaga ako eh.
James: Tanga nagduda ka pa sa akin ah. Subukan mo ngang ilista sa papel lahat ng katangiang meron ka. Kung uumpisahan mo sa maganda siguradong mabilis ka lang matatapos. Pero pag inumpisahan mo nang ilista yung mga panget makakaubos ka ng isang pad ng intermediate bago ka matapos. Marami kaya akong ayaw sa ugali mo. Pero sa kabila ng isang libong hindi magagandang katangiang na sayo, ikaw pa rin ang gusto kong makasama. Hindi ko kayang maging panatag kahit anghel pa ang ipalit sayo. Ang tarantadong si Raffy lang ang gusto ko makasama.
Raffy: Wala ka bang balak na awayin ako ngayon?
James: Bukas na lang kita aawayin. Mabait ka ngayon eh.
Raffy: Wala ka bang balak na inisin ako ngayon?
James: Wala. Tsk! Bakit ba, ayaw mo nun natahimik tayong dalawa kahit isang araw lang.
Raffy: Mahal kita James. Mahal na mahal. Kaya tatandaan mo na lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Para lang sayo.
James: Ang wirdo mo. Para kang tanga.
Raffy: Mag-date tayo bukas.
James: Wala na nga tayong pera magdedate pa tayo.
Raffy: Basta. Gusto ko magdate tayo bukas. May pupuntahan ako ng gabi kaya umaga na lang tayo magdate.
James: Sige na nga. Saan ka naman pupunta?
Raffy: Basta.

COMMENTS