$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Yakap ng Langit (Part 11)

By: James Silver Chapter 11: James's POV Nagising si Raffy ng maaga. Nagluto ng almusal, naglinis ng kusina. Nilinis nya rin ang banyo a...

By: James Silver

Chapter 11: James's POV

Nagising si Raffy ng maaga. Nagluto ng almusal, naglinis ng kusina. Nilinis nya rin ang banyo at ang buong kabahayan. Maga-alas otso nya nadin ako ginising at napa-Wow! na lang ako sa nakita ko. Pagkabangon ko naman ay, ipinagtimpla nya rin ako ng kape at ipinaghanda ng makakain. Ito ang mga tipikal na ginagawa nya nung magkasama pa kami sa Palawan. Medyo nakakailang lang ngayon kasi panay ang tingin nya sa mukha ko. Dahil sa mainit nung araw na yun ay pinipunasan nya rin ang pawis ko. Tinitignan nya kung basa ang likod ko. Yayakap sa akin ng mahigpit. Napakalambing talaga ni Raffy. Ito ang isa sa mga katangian nyang palagi ko hinahanap-hanap. Kahit na mabigat ang problemang hinaharap namin ay hindi ako masyadong nag-aalala. Dahil alam kong kakayanin ko lahat basta nandyan sya at ang pamilya ko.

Pagkatapos naming mag-almusal, agad akong naligo. Magdedate kami ngayon. Kahit na araw araw kaming nagkikita ay kailangan pa rin namin ang mga ganitong pagkakataon. Ito kasi ang oras na nararamdaman ko na walang kakaiba sa relasyon namin. Mga normal na tao lang din kami na lubos na nagmamahalan. At higit sa lahat, kami lang ang dapat naming isipin. Ito rin kasi ang panahon kung kailan kami nakakatakas sa mga problema. Ang oras namin na sya lang at ako.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito sa Quezon City Memorial Circle. Maaliwalas ang panahon. Walang kahit anong senyales na may paparating na ulan. Hindi naman ganoong karami ang tao.

Wala. Ganito lang kami, magkatabing nakaupo. Kahit na ganito lang ang ginagawa namin ay sapat na sapat na. Para sa akin ay wala nang papantay pa sa mga ganitong oras na magkasama kami, kahit hindi kami nag-uusap o nagkukulitan.

Luminga-linga si Raffy sa paligid. At nung makita nyang wala namang nakakapansin sa amin, ay bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Natuwa ako sa ginawa nya na may halong kaba. Parang first time kung baga. Pagkatapos nun ay pasimple nyang iginapang ang kanang kamay nya papunta sa kaliwa kong kamay at hinawakan nya iyon ng mahigpit. Pareho kaming nakangiti sa ginawa nya. Nakakagaan ng loob, sobrang sarap sa pakiramdam.
Tahimik pa rin. Pero wala akong gustong sabihin sa kanya. Wala akong maisip. Tiningnan ko sya at nakangiti lang sya. Mukhang wala rin syang maisip na sabihin. Napabaling ang paningin nya sa magkahawak naming kamay. At hinimas nya ng hinlalaki nya ang ibabaw na bahagi ng kaliwang kamay ko, pagkatapos ay piniga-piga nya iyon. Sabay ngiti na naman. Tumalikod sya sa akin at ipinatong nya ang mga paa nya sa natitirang espasyo ng bench sabay sandal sa akin.

Raffy: James, pag iniisip ko kung gaano kita kamahal. Nagugulat ako sa sarili ko, kasi hindi ko inisip na magiging ganito katindi ang pagmamahal ko sayo. Marami akong bagay na hindi ko sukat akalaing magagawa ko pala. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit mahal na mahal kita. Hindi ko rin masagot. Ang nakakatawa pa nga eh, nakukuha ko lang yung sagot sa tuwing aawayin mo ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko, na pinili ko ang daan papunta sayo. Wala akong kahit na anong pinagsisisihan. Ako na ang pinakamasayang tao simula nung mahalin kita at mahalin mo ako. Kung mabubuhay ako ulit sa mga susunod na panahon. Mamahalin pa rin kita.

Napangiti lang ako sa mga sinabi nya. At hinalikan ko sya sa ulo, sininghap ko ang bango ng buhok nya. Mas pinili kong wag na lang magsalita. Hindi nya na kailangan pang marinig ang mga sasabihin ko dahil uulitin ko lang naman yung mga lumabas sa bibig nya. Ipaparamdam ko na lang sa kanya at alam kong maiintindihan nya na yun.

Marami pa kaming pinuntahan. Nagpakasaya lang kami na para bang walang problema. Alam ko naman na maaayos ang lahat.

Pag-uwi namin ng bahay ay biglang nagtext si nanay. Sinabi daw ng doktor na kailangan nang maoperahan si tatay ngayon din mismo. Kumakalat na raw ang impeksyon sa katawan nya kaya kailangan nang maisagawa ang transplant. Napatingin ako kay Raffy at sinabi ko ang hindi magandang balita. Hindi sya nagsalita at tumango lang.

James: Tara mahal punta na tayo ng ospital.

Raffy: Sige na pumunta ka na, may pupuntahan pa ako eh.

James: Saan ba yang lakad mo hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang yan?

Raffy: Hindi pwede, kailangan nating makakuha ng pera ngayon diba? Pumunta ka na sa ospital at aalis na ako. Hintayin mo na lang ako.

James: O sige, mag-iingat ka ah. Itext mo ako kung nasaan kana.

Hinalikan ko na sya at nagmadali akong pumunta ng ospital. Pagdating ko sa ospital ay agad naming kinausap ni nanay ang doktor na nakadestino sa kanya. Nireset ang schedule at ginawang mas maaga. Hindi ko rin alam kung talaga bang ganito ang kalakaran sa ospital. Pero pabor naman sa amin dahil hindi na sila nanghingi ng paunang bayad. At hindi rin kami nagkaroon ng problema sa donor. Buti na lang, dahil kung ngayon namin puproblemahin yun ay siguradong mahuhuli na ang lahat. At wala pa talaga kaming maiibibigay kung ngayon sila manghihingi.

Malalim na ang gabi. Hindi pa rin nagtetext si Raffy. Ilang beses na akong nagpadala ng mensahe sa kanya pero hindi sya nagrereply. Sinusubukan ko rin syang tawagan pero nakapatay ata ang cellphone nya. Nag-aalala na ako, pero hindi ko masyadong iniintindi dahil mas nag-aalala ako sa tatay ko. Dahil maya maya lang ay dadalhin na sya sa operating room.

Dumating na ang oras at dinala na nga si tatay sa OR. Ako lang ang naghihintay sa labas dahil nagpunta si nanay sa chapel para magdasal. Hindi ako mapakali. Paikot ikot ako at humihiling na sana ay maging matagumpay ang operasyon.

"Nakakahilo ka naman!" boses ng isang matandang lalake.

James: Pasensya na po kayo. Nagaalala po kasi ako sa pasyente namin eh.

Matanda: Halika at umupo ka muna rito at kumalma ka.

Sinunod ko ang lalake at pinilit kong pakalmahin ang loob ko.

Matanda: Ano mo, yung nasa loob?

James: Tatay ko po.

Matanda: Ano namang ginagawa sa kanya?

Nagtataka ako sa pagsasalita nya dahil parang may mali sa tagalog nya. Nililinaw ko na lang sa isip ko para maintindihan ko ng maayos.

James: Kidney transplant po.

Matanda: Tsk! Anghirap ng ganyan. Takot na takot ka siguro ano?

James: Sobra po. Natatakot ako na baka po may masamang mangyari. Mahal na mahal ko po ang tatay ko eh.

Matanda: Nakakatuwa ka naman. Mahal na mahal mo ang tatay mo. Naalala ko tuloy nung kabataan ko, mahal na mahal ko rin ang tatay ko. Mahirap lang kami noon, kahit anong sipag nya ay hindi nya kami nabigyan ng magandang buhay. Kaya nagsikap akong mabuti dahil gusto kong maiahon ang mga magulang ko sa kahirapan. Pero bago ako magtagumpay, huli na ang lahat. Kaya malaki ang pagsisisi ko. Namatay kasi sila sa hirap. Kaya patuloy akong nagsikap para naman sa mga anak ko. Ayaw kong maranasan nila ang mga naranasan ko. Pero natakot ako ng husto sa kahihinatnan ng buhay nila kaya pinaghigpitan ko sila. Gusto ko kasing makasiguro na magiging maayos ang kinabukasan nila. Hindi siguro nila ako naintindihan kaya masama ang loob nila sa akin. Ikaw lang ba mag-isa dito?

James: Ah, may kasama po ako yung nanay ko nasa chapel. Eh, kayo po sino pong kasama nyo rito?

Matanda: Tinakasan ko yung mga kasama ko. Panay kasi ang buntot sakin eh.

James: Hehe! May pasyente rin po ba kayo dito? Baka po nag-aalala na yung mga kasama nyo sa inyo.

Matanda: Naka-confine ako dito pero wala naman akong sakit. Medyo napagod lang kaya dito ako nagpapahinga. Bayaan mo yung mga yun. Masarap din kasi minsan yung nararamdaman mo na may nag-aalala sayo. Pero sa katulad ko, iba ang inaalala nila sa akin. Hindi ako, kundi yung pera ko.

James: Ganun po ba?

Matagal kaming nagkwentuhan nung matanda. Panay ang kwento nya ng mga karanasan nya nung bata pa sya. Nakakatuwa nga dahil halos pareho lang pala kami ng sinapit sa buhay. May mga tao rin pala na nagdanas ng kahirapang sinapit namin ng pamilya ko. Naging malayo ang tingin ko sa hinaharap dahil sa mga naikwento ng matanda. Pero nagkaroon ako ng malaking pag-asa na hindi lang sa ganito matatapos ang buhay ko. Kung tutuusin naging mas maswerte pa ako kesa sa kanya. Dahil wala syang kinakapitan noon. Samantalang ako ay may Raffy na handang samahan ako mula kaibabawan hanggang kailaliman.

Hindi umalis ang matanda, hanggang sa malaman na namin ang naging resulta ng operasyon. Mukhang napagod ang doktor sa ginawa nya, dahil nakita ko pang piniga nya ang kanyang balikat. Naging matagumpay daw ang operasyon at kailangan na lang magpahinga ni tatay. Pero under observation pa raw dahil titignan pa nila kung magiging maayos ang function ng bagong kidney nya. Binigyan kami ng mga reseta para sa maintenance nya. Nagtaka pa nga ako kung bakit may steroids na kasama eh. Dun ko lang nalaman na ginagamit pala talaga yun para daw booster ng immune system. Nakahinga na ako ng maluwag.

Matanda: Paano, mukhang ayos ka na. Mauuna na ako sayo at baka nababaliw na yung mga kasama ko sa kakahanap sakin.

James: Ingat po kayo manong.. .

Matanda: Edisto. Lolo Ed na lang ang itawag mo sa akin. Sana ay magkita pa tayo ulit, dahil gusto ko pang makipagkwentuhan sayo. Ikaw anong pangalan mo?

James: James po, sige po lolo Ed. Maraming salamat po sa inyo. Mag-iingat po kayo.

Lolo Ed: Oo nga pala, sa susunod na magkita ulit tayo wag kang matatakot sakin ah. Kasi ganitong itsura ang inihaharap ko sa mga tao. (Ang maamong mukha kanina ay naging mabagsik. Nakakatakot nga, pero alam ko naman na hindi talaga yun ang totoo.)

Napangiti ako sa ginawa ni lolo Ed. Masayang masaya ako sa bagong kaibigan na nakilala ko. Nakatulong sya para mabawasan ang pag-aalala ko. Napahinga ako ng malalim at tsaka kumaway sa kanya habang papalayo.

Wala pa rin si nanay. Siguro ay nag-aalala pa rin sya kaya naman sinundo ko na sya sa chapel at sinabi ko na ang napakagandang balita. Naalala ko na naman si Raffy. Nasaan kaya yung mokong nayun?

Raffy's POV

Pagka-alis ni James sa bahay kanina ay agad kong inasikaso ang mga dapat kong gawin. Baka hindi na ako makapagpaalam sa kanya kaya, iniwan ko na lang ang isang kahon na naglalaman ng ilang paborito kong gamit at isang sulat. Sina Irene at Lezel naman ay iniwanan ko ng pera para panggastos nila kung may gusto man silang bilhin. Pagkatapos nun ay agad na akong umalis para sunduin si mommy sa palengke. Binanggit ko sa kanya ang mga napagdesisyunan ko. Nagtampo sya sa akin dahil sinarili ko lahat. Pero naunawaan nya naman na makakatulong ng malaki yung ginawa ko para sa pamilya ni James.

Nagtext pala sa akin si James, pero hindi ko pinansin. Hindi ko na iyon binasa dahil ayaw kong magbago ang isip ko. Dahil alam kong kahit na anong sandali man ay bibigay at bibigay ako. Binura ko kaagad ang text nya.

Itinext ko si daddy na handa na kami. At bigla naman syang tumawag at tuwang tuwa dahil tumupad ako sa usapan. Ipapasundo nya na raw kami agad. Pero bago iyon ay tinanong ko sya kung papaano ang pera para sa operasyon ni tatay. Nabayaran nya na daw yung ospital kaninang umaga kaya wala na raw akong dapat alalahanin pa. Pagkatapos naming mag-usap ay pinatay ko ang cellphone ko. Nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi nya. Nananalangin na lang ako na sana ay maging maayos ang lahat.

"Oh, sino 'tong mga 'to?" tanong ni mommy.

Raffy: Sila yung susundo sa atin.

N. Esther: Hindi ko naman nabalitaan na nirarayuma yung hayop mong ama ah. Bakit hindi sya ang nagdrive para sumundo sa atin?

Raffy: Pabayaan nyo na, hindi naman na mahalaga kung sino ang susundo sa atin eh. Para namang mahalaga pa sayo si daddy.

N. Esther: Gaga ka noh! Anong palagay mo sakin adobe? Mahal ko pa rin naman yung tatay mo. Hayop lang talaga sya kaya pag dating natin doon susungal-ngalin ko sya nitong chinelas ko.

Pagkatapos nya sabihin iyon ay inihabilin nya ang pwesto sa katabing tindahan nito. Hindi na kasi namin maihahatid ang ibang mga gamit sa bahay nila James dahil kay daddy na nga kami tutuloy. Nilapitan na kami nung tatlong nagsundo sa amin.

N. Esther: Eh, parang tanga! Bigwasan kita dyan eh, hahawak pa. Anong tingin mo sakin uugod-ugod? Lumayo-layo ka nga sakin at wala akong katiwa-tiwala dyan sa kwadrado mong mukha. Ipatabas mo nga yan, yung korte ng mukha na pangtao. Naaalala ko yung kulay dilaw na cartoons na kwadrado rin tapos maraming tama ng pellet gun.

Pagmamapaet ni mommy doon sa lalakeng umaalalay sa kanya. Natatawa na lang yung ibang kasama nya pero sya ay seryoso pa rin, pero namumula na ang mukha. Napahiya siguro. Nainis nga ako kay mommy eh, napakataklesa. Kahit yung taong walang ginagawang masama sa kanya dinadale.

N. Esther: Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Wala ng atrasan 'to.

Raffy: Opo, sigurado na ako.

Kailangan ko gawin ito para maging maayos ang pamilya ni James. Mas mapuprotektahan ko sya kung nakadistansya ako sa kanya. Mas magagawa ko ang mga bagay na matagal ko nang pinaplano. Uumpisahan ko na lahat iyon at wala nang pwedeng pumigil. Ngayon ko ipapaalam sa lahat kung hanggang saan ang kayang saklawan ng pagmamahal ko para kay James. Hindi ko malilimutan ang mga dinanas nya sa mga kamay ni Gie at ng mga kasama nya. Seryoso ako, igaganti ko si James. Kung kinakailangan kong maging demonyo din katulad nila ay gagawin ko. Hindi nila sinanto si James kaya wala rin silang aasahang awa sa akin. Ako ang magiging bangungot nila. Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako nagpauto sa tatay ko. Kung hindi nya ako mahal bilang anak nya, dahil sa pagkontra nya sa kaligayahan ko ay mabuti pang maggamitan na lang kami. Mahal ko pa rin naman sya, humihiling pa rin ako na isang araw ay matatanggap nya kami ni James. Pero kailangan ko muna maging bato para tiisin ang sakit, hanggang sa sumapit ang araw na yun.

Pagkarating namin ng bahay ay masaya kaming sinalubong ng aking ama. Medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil dumiretso lang kami ni mommy sa kwarto. Kasalanan nya rin kasi eh. Gusto nyang sumunod kami sa gusto nya kaya hindi nya kami masisisi kung bakit ganito kami kalamig sa kanya.

James's POV

Umuwi na ako ng bahay at nagpaiwan si nanay doon sa ospital. Sya na lang daw ang magbabantay kay tatay dahil, hindi rin daw naman sya makakatulog sa pag-iisip kaya, minabuti nya na lang na manatili doon. Doon na lang daw sya magpapahinga.

Pagkarating ko ng bahay ay wala pa rin si Raffy. Hindi na tama ito. Madaling araw na bakit wala pa rin sya. Pumasok ako sa kwarto at nakita kong tulog na ang dalawang kapatid ko. Magbibihis sana ako nang mapansin ko ang isang kahon na nakalagay sa damitan namin ni Raffy. Binuksan ko ang kahon para malaman kung ano ang laman. May pagkapakialamero kasi ako pagdating sa mga gamit ni Raffy.

Pagkabukas ko ay nakita kong puro paboritong gamit nya iyon. Yung compass na iniwan sa kanya ng tatay nya dati, na lagi kong nakikita sa bulsa ng pantalon o shorts nya sa tuwing maglalaba kami. Yung perdible na letrang R ang uluhan. Mga maliliit na sundalong laruan. Lego, heart shape na card na binigay ko sa kanya nung first month namin. At isang sobre na may pangalan ko sa likuran. Para sa akin ang sulat kaya binasa ko agad.

Sayad,

Hindi ko alam kung anong gagawin mo sa sulat na'to. Alam kong tamad ka magbasa, kaya nagaalala ako na baka itapon mo lang, pero sana tapusin mong basahin 'to at intindihing mabuti. May pupuntahan ako at hindi ako makakabalik kaagad. Pero sana hintayin mo ako. James nakikiusap ako, wag kang mapapagod sa pag-aantay. Saglit lang naman ako mawawala. Saglit lang kumpara sa habang buhay na pinapangarap natin. Wag ka iiyak, dahil mararamdaman ko yun kung nasaan man ako. Kailangan ko gawin ito para sa ating dalawa. Ipinangako ko sayo noon na puprotektahan kita sa mga may balak mang-api sayo. Nabigo ako nung una, pero sisiguruhin kong hindi na mauulit pa yon. Wag kang magtatampo sakin dahil umalis ako. Nagkaroon lang kasi ako ng dalawang pagpipilian. Kaya sa pangalawang pagkakataon ay kailangan kita iwan. Lumayo ako ngayon para mapatunayan ko sa'yo na ikaw ang pinili ko. Pero sa pagkakataong ito, sabay tayong magtitiis.

Mahal kita alam mo na yun diba? Mahal ko lahat ng bagay tungkol sayo. Negro ka, Nakakahiya ang boses mo pag kumakanta ka. Anlakas mo umutot, nakanganga ka pag natutulog. Malakas ang saltik mo. May sayad ka, matampuhin, pikunin at anga-anga. Mahal ko lahat ng pangit na katangiang yun na nasa sa'yo. Yun ang mga bagay na magpapasaya sa akin. At patuloy na magpapasaya sakin kahit sa isip ko na lang. Sa isip ko lang muna.

Kahit anong mangyari wag kang susuko ah. Yung mga gamit na nadyan sa box gamitin mo. Yan muna ang magsisilbing ako hanggang sa makabalik ako sayo. Yung compass ingatan mo, tanga ka sa direksyon kaya kailangan mo yan. Yung perdible na may letter R ako yan, tusukin mo yung sarili mo pag nagloloko ka. Yung card na ibinigay mo sakin, wag na wag mong iwawala ah, kayamanan ko yan. Gugulpihin kita pag nawala yan. Isipin mo na lang na yan ang puso ko na kailangan mong ingatang mabuti para hindi mawala o mapunit. Yung mga sunadalo, isipin mo na yan ang katapangan ko. Titigan mo yang mabuti para hindi ka matakot. Lagi mong isipin na ako ang pinakamatapang na taong nakilala mo. Pag may nang-api sayo, dyan ka magsumbong. Pangako, igaganti kita pagbalik ko. Yung lego, isipin mong yan yung mga pangarap natin. Unti-unti mong buuhin at tutuparin natin yan lahat pag magkasama na tayo ulit. Kaya hintayin mo lang ako. Bawal ka tumingin sa iba, raratratin ko kayo ng machine gun.

Wag mong babaguhin ang puso mo, hanggang sa makabalik ako. Pag tumibok yan para sa iba, dudukutin ko mata mo. Basta maghintay ka lang hindi naman ako magtatagal. Mahal na mahal kita asawa ko.

Raprap

Tahimik lang ang loob ko. Wala akong maramdaman. Para akong lumulutang sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. Magiging masaya ba ako dahil nagsakripisyo sya para sa akin o malulungkot dahil matagal syang mawawala sa tabi ko. Hindi ko alam kung sino sa amin ang naging makasarili. Ako ba na nanatili para sa kanya o sya na lumayo para sa akin. Ramdam ko ang pagkabasa ng mukha ko dahil sa tama ng hangin mula sa electricfan. Pakiramdam ko ay may malaking butas sa dibdib ko, dahil kahit ilang oras pa lang sya nalalayo sa akin ay parang ramdam ko na agad ang kawalan. Ramdam ko na agad na may kulang.

Pinatay ko ang ilaw, tahimik lang akong nagdaramdam sa dilim. Mahinahon kong itinuping muli ang sulat nya at ibinalik iyon sa sobre. Dahan dahan ko ring ibinalik sa box at inilagay ko ang box sa damitan namin. Blangko lang ang isip ko. Hindi ko sya masisi, dahil alam kong para sa akin din naman ang ginawa nya. Ramdam ko naman na mangyayari ito, dahil alam ko naman na lahat ay kaya nyang gawin para sa akin. Wala pa rin akong nagagawa para sa kanya. Kaya parang nakaramdam ako ng hiya sa sarili. Sumandal ako sa dingding at tumingala. "Salamat sa pagmamahal Raffy" nasabi ko lang sa sarili ko. Pagkatapos ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Raffy's POV

Ilang araw na ang lumipas. Pinapanatili kong matatag yung sarili ko dahil ayaw kong masira ang mga plano ko. Hindi ako dapat bumalik kila James. Aalis na ako sa isang araw at sa ibang bansa na ako magpapatuloy ng pag-aaral. Mukhang maayos na rin naman na lahat, dahil nabalitaan ko mula sa tauhan ni daddy na naging maayos ang operasyon. "Salamat naman" sabi ko sa isip ko. Hindi na rin gaanong mabigat ang pag-alis ko dahil nalaman ko ang magandang balita. Pinanghahawakan ko naman ang pangako ni daddy na susuportahan nya ang tatay ni James hanggang sa makarecover ito. Alam kong mahal din kasi ang maintenance ng ganun, kaya kakailanganin pa rin nila ng malaking halaga. Hindi na ako malulungkot. Dahil natandaan ko namang mabuti ang mukha ni James. Yayakapin ko na lang sya at hahalikan palagi sa isip ko.

Dumating na ang araw ng flight ko. Wala ng atrasan 'to at wala rin naman akong balak na baguhin pa ang isip ko. Para naman sa kanya lahat ng ginagawa ko eh. Sana lang ay masunod nya lahat ng nasa sulat dahil kung hindi ay ba-black-eyean ko talaga sya ng sampu. Magiging masaya ako habang hinihintay ko ang panahong matatapos na ang lahat ng ito. Pag dating ng panahong iyon ay wala nang pwede humadlang sa akin para mahalin si James. Dahil pag may kumontra pa pagdating ng panahong iyon, ay sisiguruhin kong magkakamatayan na.

"Wag kang bibitiw James, babalikan kita" Huling bagay na tumakbo sa isip ko hanggang sa makasakay na ako ng eroplano.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Yakap ng Langit (Part 11)
Yakap ng Langit (Part 11)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s1600/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s72-c/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/11/yakap-ng-langit-part-11.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/11/yakap-ng-langit-part-11.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content