By: Jarod DISCLAIMER: The characters on this work, persons and places are all fictitious. Any resemblance to any person or place is purel...
By: Jarod
DISCLAIMER: The characters on this work, persons and places are all fictitious. Any resemblance to any person or place is purely coincidental. Kayo napo ang bahalang magpasensya kung meron akong mga pagkakamali sa istorya kong ito.
Nakaraan: Hindi naman sya nabigo na kausapin ang kanyang ina tungkol sa gusto ng kapatid pero meron nga lang isang kondisyon. “ I was able to talk to mom and she said “yes” about what you want for staying out late tonight but…” pambibitin nya sa kapatid na halatang excited na dahil makakahabol pa ito sa lakad nila magkakaibigan. “but?.. “ sabik na tanong neto. “ Kailangan kitang ihatid at sunduin sa lakad mo today.” Pagkasabi nun eh, nawala ang saya sa mukha nang kapatid nya, pero hindi lang sya ang nainis, dahil sa late na sya sa laro nilang magkakabarkada eh kailangan nya pang sunduin ito para siguradong safe na makakauwe.
Yari sya sa mga barkada nya, meron pa naman silang bagong makakalaro ngayon at wala pa sya…..
Ganun na nga ang nangyari sa kanila ng kapatid nya. Hinatid nya ito sa Robinson’s Mall Ermita sa isang sikat na Coffee shop dun. Pagkahatid nya ay hindi na sya bumaba sa sasakyan at binilin na sa kapatid na dadating sya bago mag alas nwebe ng gabi. Nagmamadali na sya para makapunta kagad sa subdivision nila Gener.
Pagdating nya doon ay agad syang dumiretso sa court kung saan naglalaro na ang kanyang mga barkada. Pagkakita sa kanya ng kanynag mga kaibigan, lalo na si Arthur ay napangiti ito, “ Sa wakas pare dumating kana, akala naming hindi ka na makakadating.” bati nito sa kanya. “ Pwede ba naman yun?! Matagal na din akong hindi nakakapaglaro kaya gusto ko ding pagpawisan. Pasensya na at late ako, hinatid ko pa yung kapatid ko.”
“ Hehe! Oo nga pre, matagal ka nanaming hindi nakakasama sa mga laro namin, buhat nuong…,” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pasimple syang tinapik ni Gener, “ ah ehh.., wala na yun, kalimutan mo na yun, wala namang problema, halos kakasimula palang naman naming maglaro. “ biglang bawi neto.
Nakaraan: Hindi naman sya nabigo na kausapin ang kanyang ina tungkol sa gusto ng kapatid pero meron nga lang isang kondisyon. “ I was able to talk to mom and she said “yes” about what you want for staying out late tonight but…” pambibitin nya sa kapatid na halatang excited na dahil makakahabol pa ito sa lakad nila magkakaibigan. “but?.. “ sabik na tanong neto. “ Kailangan kitang ihatid at sunduin sa lakad mo today.” Pagkasabi nun eh, nawala ang saya sa mukha nang kapatid nya, pero hindi lang sya ang nainis, dahil sa late na sya sa laro nilang magkakabarkada eh kailangan nya pang sunduin ito para siguradong safe na makakauwe.
Yari sya sa mga barkada nya, meron pa naman silang bagong makakalaro ngayon at wala pa sya…..
Ganun na nga ang nangyari sa kanila ng kapatid nya. Hinatid nya ito sa Robinson’s Mall Ermita sa isang sikat na Coffee shop dun. Pagkahatid nya ay hindi na sya bumaba sa sasakyan at binilin na sa kapatid na dadating sya bago mag alas nwebe ng gabi. Nagmamadali na sya para makapunta kagad sa subdivision nila Gener.
Pagdating nya doon ay agad syang dumiretso sa court kung saan naglalaro na ang kanyang mga barkada. Pagkakita sa kanya ng kanynag mga kaibigan, lalo na si Arthur ay napangiti ito, “ Sa wakas pare dumating kana, akala naming hindi ka na makakadating.” bati nito sa kanya. “ Pwede ba naman yun?! Matagal na din akong hindi nakakapaglaro kaya gusto ko ding pagpawisan. Pasensya na at late ako, hinatid ko pa yung kapatid ko.”
“ Hehe! Oo nga pre, matagal ka nanaming hindi nakakasama sa mga laro namin, buhat nuong…,” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pasimple syang tinapik ni Gener, “ ah ehh.., wala na yun, kalimutan mo na yun, wala namang problema, halos kakasimula palang naman naming maglaro. “ biglang bawi neto.
Alam ni Jacob ang gustong sabihin ni Arthur, tinutukoy nya yung babaeng niloko sya at nagpakasal sa iba. Biglang nag-iba ang mood nya ng maalala neto ang sakit at hapdi na naidulot sa kanya ng babaeng halos ialay nya ang kanyang buhay para dito. Alam ng kanyang mga malalapit na kaibigan ang kanyang pinagdaanan ng iwan sya neto, na halos hindi na sya makapasok sa klase at ayaw makipag-usap sa kahit kanino. Palaging tulala at nagkukulong lang sa kwarto.
Hindi nya alam kung ilang minuto syang tulala at wala sa sariling inaalala ang nangyari sa kanya noon. Nang biglang natamaan sya ng bola sa balikat at dahil dito ay bigla syang napamura. “ Aaarraayy, tang-ina.!” Nakita nya ang bola na gumulong palayo sa kanya kayat hinabol nya iyon. Dadamputin na sana nya ang bola ng biglang may malaking kamay na dumampot ito bigla.
“ Pasensya na pare, nakatulala ka kasi kanina kaya hindi mo napansin yung bola na parating.” Sabi ng boses mula dito. Pagtingin nya sa lalake ay nagulat sya dahil halos mag kasing tangkad lang sila neto at ang mas ikinagulat nya dahil parang ang lakas ng dating ng taong ito. “ Ahh ehh, ayos lang pare.” Yun lang ang nasabi nya, at umiwas na sya ng tingin dahil hindi nya kayang tagalaan ang pagkakatingin neto sa kanya. Para kasing kayang tumatagos sa buong pagkatao nya ang mga matang ito at kayang basahin ang lahat ng nasa isip nya. Lumakad na sya palayo dito at pumunta sa direksyon nila Arthur.
“ Ayos ka lang pre?” tanong neto sa kanya. “ Oo, ayos lang ako, hindi ko lang napansin talaga yung bola kanina kaya natamaan ako.”
“Pasensya kana pare, hindi ko sadyang banggitin yung tungkol dun sa… “ hindi na nya pinatapos pa ang sasabihin ng kaibigan, “Don’t worry pre, I’m fine. I just don’t want to talk about it anymore.”
“ O sya, tama na yan, tara na nang makapag stretching konti, siguradong kinakalawang na nyang mga tuhod mo at matagal kang walang praktis.” sabat ni Gener. “ Lul! Ano tingin mo saken matanda? Kahit walang praktis to, ako pa din ang pinakamagaling saten lahat.” pagmamayabang nya. Totoo yun, sa kanilang magbabarkada, sya ang pinakamatangkad dagdag pa ang magandang katawan nya dahil sa lingguhang pag gygym ay talagang angat sya pagdating sa basketball.
“ Yung kaninang lalake na dumampot ng bola, si Evan yun, kapit bahay ko lang din yun dito. Sa school lang din naten sya nag-aaral. Medicine ata yung kursong kinukuha nya. Kilala yan sa college nila kasi gwaping.” pagkwento ni Gener sa kanilang dalawa. Napalingon ulet sya sa taong tinutukoy ng kaibigan ata hindi naman nya matanggi na talagang gwapo ito.
Dito nya maayos na napagmasdan si Evan. Tama nga sya na halos magkasing tangkad sila neto. Kayumanggi ang kulay at maganda din ang katawan. Matangos ang ilong at higit sa lahat ang mga mata neto na parang kayang bumasa ng buong pagkatao.
“Huy, pare ayos ka lang ba? Tulala ka nanaman dyan. “ si Gener. “ Shit, tulala nanaman ako.” anas nya sa sarili. “ Huh?! Eh, wala pre. Me naisip lang ako bigla.” dahilan nya. Pero nagulat sya dahil nakita nya si Evan na nakingiti at parang umiiling habang patakbo sa kabilang direksyon ng court kung nasan sila. “ Nalintikan na, nakita nya ata akong nakatingin sa kanya kanina. Baka kung anu isipin nun ah.” pinagalitan nyan ang kanyang sarili.
Tapos na ung game ng mga kaibigan nila Jacob at natalo ung grupo nila. Pakatapos ay kinausap ng grupo nila Evan tungkol sa isa pang game. Syempre, sila na ang maglalaro. Laking pasalamat ni Jacob na hindi na kasali si Evan sa game na yun dahil kung hindi, siguradong magiging awkward sa kanya kung magkaharap sila lalo na’t hindi nya sigurado kung sya ba talaga ang nginingitian neto kanina.
Ayos naman ang laro nila nung una, pero habang tumatagal ang laban eh parang nagiging maiinit ang kalaban nila dahil natatambakan na nila ito sa puntos. At nung mag drive ang kalaban para magshoot ay hindi inaasahan na maaksidente ito pagbagsak dahil natapilok ito at hindi kagad makatayo. Panandaliang nahinto ang laro nila at mukhang kailangan dalhin sa ospital ang kalaro nila dahil biglang namaga ang paa neto ilang oras pagkatpos netong bumagsak kahit na nagbigyan na ng first aid.
At dahil sa nangyari, kailangan palitan ang kalaro nila ng kabilang team. Akala ni Jacob ay iba ang ipapalit nila pero nagulat sya ng biglang tumayo mula sa bench ang taong ayaw nyang makalaro sa mga oras nay un, si Evan.
At dahil mag kasing tangkad sila, sya ang parating kaharap neto sa laban. Hindi nya alam ang kanyang ikikilos ng magkatapat na sila at pinasa na sa kanya ang bola. Hndi normal sa kanya na ipasa kagad ang bola pero sa pagkakataong iyon eh, hindi nya matagalan ang sitwasyon na magkaharap sila kaya ipinasa nya kagad kay Arthur ang bola at dahil dito, nagawang ma steal ng kalaban ang pasa nyang un. “ Shit, potek na yan.” yun lang ang nasabi nya sa sarili habang tumatakbo sya para pigilan ang kalaban. Nagawa ng kalaban na maka easy two points dahil dun.
“Anong nangyare dun pre? Bat hindi ka dumiretso para ishoot yung bola kanina? Hindi naman ganyan ang laro mo kanina ah?” tanong ni Gener sa kanya habang binababa neto ang bola. “ Wala pre, sige pasa mo ulet saken ang bola, ako nang bahala.” yun nalang ang nasagot nya.
Pagpasa ni Gener sa kanya ng bola, si Evan ulet ang bumabantay sa kanya. Pero mas malapit na ito sa kanya. “ Hindi ako papayag na ma-intimidate sa presensya mo. Hindi pwede.” Sabi nya sa sarili. Pero bago sya mag drive ay may nakita syang isang bagay na biglang gumulo sa plano nya para mashoot ang bola. Ngumiti ito! Or should he say, Ngumisi ito. It’s the same smirk na nakita nya kanina habang nahuli sya netong nakatitig sa kanya.
Huli na ang lahat para pigilan pa ang pagdrive nya. Sumabay ito papunta sa ring hanggang sa hindi inaasahan, medyo nadulas sya pagbagsak nya kaya nabuwal sya kasama si Evan. Natagpuan nya ang kanyang sarili na nakapatong sa katawan ng kalaban. Sanay naman sya sa ganitong sitwasyon dati lalo na’t sa ganitong klaseng laro na hindi maiiwasan na magkabanggaan ang mga katawan nila. Pero hindi nya alam kung bakit ganito ang kanyang pakiramdam, parang ilang na ilang sya sa sitwasyon nya ngayon. Ni hindi nya nga alam kung nashoot nya ba ang bola eh.
Nagulat nalang sya ng muling magsalita ito sa kanya. “ Ahhh, I think you may want to get up now.” sabi neto sa kanya. Napahiya syang tumayo bigla at alam nyang parang kamatis na ang kanyang mukha sa pagkapula neto. Hindi nya alam kung gaanong katagal syang nakadagan sa kanya. Hindi nya nga alam kung anung itsura nila kanina. Parang gusto nyang mawala na sa mga oras na iyon.
“ Sorry pre.” Yun lang ang nasabi nya. Naiinis na sya sa kanyang sarili dahil sa nangyayari sa kanya. “ It’s ok, medyo late nga lang reaksyon mo kanina kaya nagsalita na ko.” There he goes again, that smirk on his face na nakakainis na sa paningin nya. Hindi na nya nilingon ito bagkus eh dumiretso na ito papunta sa mga kakampi para maiwasan na nya ang sitwasyon na iyon.
“ Ayos ka lang pre?” tanong ni Arthur, “ang tagal nyo kanina dun ah, akala naming maghahalikan na kayo. Hehe” pang-aasar neto. “ Eh kung sapakin kaya kita, nang makita mo ung hinahanap mo.” Bawi neto sa kanya. Lintek nay an, gaano ba talaga silang katagal sa ganong sitwasyon? Tanong nya sa sarili. “ Ah pota, bahala na nga yan,” yun lang ang nasa isip nya. Gusto na nyang matapos ang laro na to para makauwe na at kalimutan na ang pangit na araw na ito.
Natapos ang laro nila sila ang nanalo. Gusto pang maglaro ng kabilang team para sa rebanse pero hindi na sya sumali at idinahilan nya na meron pa syang pupuntahan bukod sa susunduin nya pa ang kapatid.
Pumunta sya sa cr ng court para magbihis at para magshower bago umalis. Naiinis sya sa sarili nya kung bakit ganun ang reaksyon nya pag kaharap ang taong iyon. He was never intimidated to anyone before, not even once. Pero bakit ganun ang kanyang reaksyon pag nakakaharap ang taong iyon. He’s very sure that it was not insecurity that causing this. He is confident of himself, gwapo sya, alam nya yun. In fact, maraming babae ang napapalingon sa kanya pag sya ay dumadaan sa hallway ng school nila. Ganun sya ka sigurado sa kanyang sarili. But not this time. He doesn’t know where it’s coming from and he doesn’t want to keep it.
Dumiretso sya sa cubicle, pangalawa sa dulo at binuksan nya ang shower neto. Sinara nya ang pinto at nagsimulang maligo. Nung magsasabon na sya ay napamura syang muli sa sarili. “Shit!” asar nyang sabi sa sarili. Nakalimutan nya kasing kunin sa kanyang bag ang sabon nya. Kailangan nyang lumabas ng cubicle para kunin yon. Wala pa man din syan suot na. Kinuha nya ang tuwalya at itinapis ito sa ibabang parte ng katawan.
Sumilip muna sya sa loob ng shower room para masiguradong walang tao. Nang masiguro nyang wala ng tao. Lumabas sya ng pinto para kunin ang sabon sa bag. Ngunit nagulat sya ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran, at dahil sa pagkagulat nya, nabitawan nyang bigla ang tuwalya sa kanyang katawan..
Lagot na, hiubo’t hubad pa man din sya…
Itutuloy….
COMMENTS