$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Takbo! Mahal Ko

By: Loop Kenon Paraiso naming maituturing ang  mga kalye ng intramuros. Dito kami madalas tumambay ng matalik kung kaibigang si Mark, simula...

By: Loop Kenon

Paraiso naming maituturing ang  mga kalye ng intramuros. Dito kami madalas tumambay ng matalik kung kaibigang si Mark, simula palang noong mga bata kami, para sa amin isa itong malaking palaruan at saksi kami sa mga pagbabago sa lugar na ito. Halos kabisado na namin ang mga pasikot sikot dito. Madalas nilalakad lang namin mula sa bahay papunta sa intramuros. Ibang ligaya ang dulot na sa amin dalawa tuwing nakikita namin ang mga lumang simbahan, gusali at mga magagarang ilaw nito. Isama mo pa ang napakagandang golf course sa tabi nito. Iba ibang uri din ng tao ang nakikilala namin minsan nagiging on the spot tourist guide pa kami ng mga bakasyonista galing ibang bansa . Dito rin kami rumaraket at naghanapbuhay bilang taga bantay ng mga sasakyan pumaparada sa paligid nito. Tuwing gabi hanggang umaga kami narito, kumbaga night shift din ang trabaho namin ni Mark wala nga lang night differential at permanenteng sweldo. Dahil parehas kaming galing sa mahirap na pamilya na nakatira sa may Baseco, Tondo at elementary lang ang aming natapos ito lang ang naisip namin pwedeng pagkitaan. Wala kaming reklamo sa buhay basta nakakakain kami ng 3 beses isang araw, kumpleto ang aming pamilya't walang sakit at higit sa lahat nariyan kami ni Mark para sa isa't isa. Sapat na iyon para mabuhay at patuloy na lumaban para sa hamon ng buhay.

Ako nga pala si Josh, 19 years old, 5'7 ang taas, moreno, payat pero siksik ang mga muscle dahil narin siguro sa bigat ng mga naging trabaho ko. May itsura din naman ako lalo na pag bagong ligo. Madalas maraming bading sa lugar namin ang nangungulit sa akin at handang  bayaran ako matikman lang ang katawan ko. Pero wala pa akong pinapatulan sa kanila at tiyak magagalit sa akin si Mark. Ayaw kasi niya na ginagawa ang mga ganun bagay para lang sa pera. Iba talaga ang prinsipyo nitong kaibigan ko siguro dahil mas matanda siya sa akin ng 2 taon kaya mas matured ng mag isip kaysa sa akin. Pero ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang kuya at malamang mababatukan ako.

Alas singko ng hapon, iyan ang oras ng gising ko. Pero parang tinatamad akong bumangon at kumilos ngayon.
Masyado kasi kaming napagod ni Mark sa sobrang dami ng tao sa Intramuros kagabi, simula na kasi ng simbang gabi at may bagong bukas na Christmas tiangge sa lugar.

"Anak! bangon na....alas singko na, nakapagluto narin ako at maya maya kakain na tayo" sambit ni nanay....

"Opo Nay! tatayo na!" sagot ko naman....

Agad ako dumiretso sa cr para umihi at naghilamos. Pag labas ko ng cr agad kong naamoy ang nilutong ulam ni Nanay, ang paborito kong adobo....

"Aba Nay, mukhang masarap ang ulam natin ngayon ha..ano bang meron" usisa ko

"Wala naman anak..gusto ko namang magluto ng masarap para sa iyo at sa kapatid mo...at anak medyo malaki ang binigay mo sa aking pera kanina......alam ko napagod kayo masyado ni Mark kagabi kaya dapat lang kahit minsan masarap at paboritong ulam mo ang ihahain ko" masayang sagot ni Nanay...

"Oo nga Nay, ito yun inaantay namin ni Mark na panahon, pag nagsimula na ang simbang gabi at iyong mga tiangge sa Intramuros sigurado kaming malaki ang kikitain namin at hindi tuyo ang magiging Noche Buena natin sa darating na Pasko" pagyayabang ko....

"Salamat anak, pero hinay hinay lang baka magkasakit kayo ni Mark sa sobrang pagod at doon lang mapunta ang kikitain nyo" lahad ni Nanay na may pag alala sa mga mata....

"Naku Nay ngayon pa ba kayo mag aalala sa amin ni Mark. Talo pa yata namin ang kalabaw sa tibay ng katawan pagdating sa pagtatrabaho......Teka Nay nasan naba yun kapatid ko tawagin mo na nga Nay para sabay sabay na tayong kumain at ako na ang maghahain"....sambit ko naman

Lumabas sandali si Nanay para sunduin ang kapatid ko. Malamang nasa kapitbahay iyon para makinood ng paborito niyang palabas. Habang ako naman ay naghahanda ng pakain sa lamesa.

" Teka! Tiyak matutuwa si Mark pag nagbaon ako nito"

Parehas kasi kami ng paborito ulam. Sa totoo lang maraming bagay ang nahihiligan at pareho naming nagugustuhan. Malamang sabay kaming lumaki at hanggang sa ngayon eh matalik parin na magkaibigan. Agad akong nagtabi ng ulam at kanin sapat para sa amin dalawa.

"Hello sa pinakagwapo at pinakamabait na kuya ko sa buong mundo" bungad sa akin ng kapatid ko.

Si Lea ang nag iisang dalaga ni Nanay, labing apat na taong gulang na ito nasa high school. Maswerte kami at ubod ng talino nitong kapatid ko at scholar ng isang private school sa amin. Wala kaming binabayad kahit pamasahe at baon sagot ng eskwelahan kaya minsan nakakapagbigay din ito kay Nanay kapag may natatabi na sobrang sa allowance niya. Oo nga pala wala na kaming Tatay, sabi ng Nanay bata palang kami noong iniwan at sumama sa ibang babae. Alam namin si Lea ang magiging pag asa namin para umangat sa buhay balang araw.

"Wow...ang sarap naman pakinggang nyan sinabi mo, halika nga dito, payakap si kuya at pahalik nga" masayang sagot ko sa kanya.

"Hala! Mag girlfriend kana na kasi kuya at ng may nayayakap ka at nahahalikang iba....subukan mo kayang tumingin sa iba palagi kasi kami ang nakikita mo at si kuya Mark. Baka magkatuluyan kayo ni kuya Mark nyan at araw araw kayong magkasama at parehas pa naman kayong walang girlfriend. Pero ok lang sa akin kung magiging magsyota kayo kahit si Nanay boto kaya kay kuya Mark. Bagay kaya kayo parehas responsible, mabait at gwapo" giit ni Lea

Bigla akong natigilan at napaisip sa sinabi ni Lea. Alam ko imposibleng mangyari iyon dahil hindi naman kami bakla ni Mark, mga tunay kaming lalaki. Pero posible kayang magmahalan ang dalawang lalaki hindi bilang magkaibigan.

"Oh kuya bakit bigla kang natahimik dyan? Yun ulam kuya at gutom na ako" pahabol niya

"Wala naman...ikaw bawas bawasan mo kakapanood ng mga teleserye at kakabasa ng mga pocketbook sa kabitbahay kung ano ano naiisip mo. Pati kami ni Mark nagiging tauhan sa mga pantasya mong kwento... paliwagan ko

" Tama na nga yan usapan na yan...ako na maghahain ng ulam, umupo kana doon tabihan mo si bunso. Basta ako anak masaya ako sa kung anong relasyon meron kayo ni Mark...alam ko kasi hindi ninyo pababayaan ang isa't isa.......paliwanag ni Nanay..

ito na ang special pork-chicken adobo".......

Handa na lahat para kumain, si Lea ang nagdasal para sa gabing ito. Tila galit galit ang lahat habang kumain. Iba kasi talaga ang adobo ni Nanay makakalimutan mo lahat ng iniisip mo sa unang subo palang. Pero bakit ganito hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lea. Gaano kaya ako kamahal ni Mark? Anong klaseng pagmamahal iyon? Kainis itong si Lea hindi ko tuloy ma enjoy ang kinakain ko, ng biglang nagsalita si Nanay.

"Anak....may tanong ako, yang tropa nila Berto sa Intramuros din rumaraket diba? Gaya nyo taga banta din ng mga pumaparadang sasakyan?

" Opo, Nanay...pero ibang lugar sila...kami ni Mark doon kami sa paligid ng Manila Cathedral at San Agustin. Sila naman paiba iba, minsan sa paligid ng mga restaurant o mga coffee shop" sagot ko kay Nanay....

"Anak....pakiusap ko sa inyo ni Mark lumayo kayo sa grupo nila may kalokohang ginagawa yan. Myembro na yata sila ng Bukas Kotse Gang....natatakot ako baka pag napalapit kayo eh mapagbintangan kayo kasali sa grupo" paalala ni Nanay na halatang may takot at kaba...

"Huwag kayo mag alala Nay, alam namin ni Mark iyon.... Kami na talaga ang umiiwas sa grupo na iyon at tsaka Nay may ID kami nakaregister sa pamunuan ng Intramuros kaya mas maraming nagtitiwala sa amin. Isa pa sa gwapo namin ni Mark wala kayang mag iisip na masama kaming tao at higit sa lahat parehas kaming may takot sa Diyos...lalo na si Mark, maya't maya kaya ang pasok sa simbahan at dasal ng dasal" paliwanag ko kay Nanay...

"Mabuti naman, basta anak huwag na huwag ninyo pababayaan ang isa't isa...magtulungan kayo at alalayan ang isa't isa...di bale mamaya pag dumating si Mark babanggitin ko din un mga sinabi ko sa iyo" pahayag ni Nanay....

Nauna na akong natapos kaya nagpaalam na ako kay Nanay na tatayo na ako at para makapag ayos na ng sarili at maya maya darating na si Mark ang sundo ko.

Dala ang plato lumabas ako ng kusina papunta sa likod ng bahay at nandoon ang poso. Nang biglang umihip ang malamig na hangin na humampas sa buong katawan ko at bigla akong may narinig na mahinang boses na bumulong sa tenga ko "TAKBO! MAHAL KO"......bigla kong nabitawan ang plato sa sahig at nagkabasag basag ito..

Bigla lumabas si Nanay at Lea sabay tanong kung napaano ako sabi ko wala bigla lang dumulas ang plato sa kamay ko gawa siguro mantika ng adobo.

"Nay dumating naba si Mark" biglang tanong ko...

"Wala pa anak....anak konting ingat ha buti nalang hindi sa paa mo bumagsak...sige iwan mo na yan at ako na maglilinis nyan...baka biglang dumating si Mark hindi ka pa nag aayos"

Sobra ang kaba at takot ko sa nangyari iyon, ano ibig sabihin nun? Alam ko boses ni Mark ang narinig ko, hindi ako pwedeng magkamali pero wala pa siya. Bumilis ang tibok ng puso ko, naisip ko baka may nangyaring hindi maganda habang papunta siya. Paano kung nasagasaan, naholdap, napagtripan.... haay parang maiiyak na ako sa pag alala. Kung may cellphone lang kami, sana na uupdate namin ang isa't isa. Nasan kana Mark?

Hindi muna ako naligo bagkos lumabas ako ng bahay at naghintay sa pagdating niya. Hindi ko pinahalata kay Nanay ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon at ayaw ko din mag alala siya. Umupo ako sa may bangko malapit sa pinto ng bahay. Tumingin sa langit, pumikit at nagsimulang magdasal.....

"Lord please wag ninyo hayaan may masamang mangyari sa taong mahal ko...Oo Lord Mahal ko si Mark...alam ko higit bilang kaibigan....at alam ko mauunawaan mo din ako....please Lord hindi ko kayang mabuhay kung mawawala siya...ikamamatay ko ito"

Hindi pa ako tapos sa pagdarasal ng biglang may nagsalita sa harap ko....

"Pare ang aga aga mo naman magdasal diyan at sino yun mahal mo? at sino ang mamamatay?

Dumilat ako at laking tuwa ko... si Mark ang nasa harap ko. Sa sobrang saya, bigla akong napayakap sa kanya ng mahigpit at biglang tumulo ang luha ko ng hindi sinasadya.

Nagulat din si Mark sa naging reaksyon ko....

" Pare may problema ba?" sabay tapik ng likod ko....

"Wala pare...basta wag ka lang mawawala ha....wag mo akong iiwan kahit kelan"

Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya ang mga katagang iyon habang yakap siya. Ang alam ko lang kailangan nyan narinig lahat iyon noong mga oras na yun...

"Pangako....hindi kita iiwan...dito lang ako" sagot nya....

Biglang lumabas si Lea at nakitang magkayakap kami...

"Nay...tingnan mo si kuya...niyayakap si kuya Mark, hindi na nahiya at wala pa nga siyang ligo eh at may paiyak iyak pa....bilis Nay tingnan mo parang sila Angelo at Yna ng Pangako Sa Iyo....

Bigla akong bumitaw sa pagkakayakap at nagpunas ng luha....

"Kuya Mark ang gwapo mo ngayon ha...ibang iba ang dating mo.....ang bango bango mo pa, hanggang loob ng bahay naamoy ka namin...para kang aakyat ng ligaw ha....liligawan mo na ba ang kuya ko?

"Kahit kelan palabiro talaga itong kapatid mo....Teka kailangan ko pa bang ligawan ang kuya mo? Eh matagal na kaya kaming mag M.U nito" sabay akbay sa akin...

Lumabas si Nanay at sinabihan na akong maligo at mag ayos ng sarili. Nagpaalam ako sandali kay Mark at iniwan ko sila ni Nanay. Nakikita ko mula sa kwarto na nag uusap sila, seryoso noong una pero maya maya nakita ko nalang nagtatawanan ang dalawa.

Pagkatapos ko magbihis agad na akong lumabas ng bahay at pinuntahan sila Nanay at Mark. Pasado alas siete ng gabi at malamang nagdadatingan na ang mga tao sa Intramuros. Kailangan makarami kami simula ngayon gabi. Gusto ko makaipon pambili ng cellphone namin ni Mark at ni Nanay. Nakita ko noong isang araw sa Quiapo na may tig 599 lang at ibig sabihin kailangan makaipon ako ng 1,800 hanggang bago magpasko. Yun ang surpresang regalo ko kay Nanay at kay Mark.

"Tara na Mark....para makarami tayo ngayon gabi....Nay alis na kami ha...isara nyo mabuti ang pinto at matulog na...Teka yun baon naming adobo baka makalimutan ko"

"Nay salamat ha....huwag po kayong mag alala...tutuparin ko ang pangako ko sa iyo...akong bahala dito sa anak nyo...Mahal ko kaya ito" sambit ni Mark kay Nanay....

Hindi ko alam ang napag usapan nilang dalawa pero tama ba ang narinig ko...sa harap mismo ni Nanay sinabi niyang mahal niya ako...pero bilang ano? kaibigan, kapatid o kasintahan... Bahala na...ang mahalaga mahal din niya ako doon palang masaya na ako. Bago umalis pumikit ulit ako at nagdasal ng mabilis.... "Lord..thank you at ligtas ang taong mahal ko".....

Nagsimula na kaming maglakad papuntang Intramuros. Noong una walang nagsasalita sa amin dalawa, nagpapakiramdaman lang at nag aantayan kung sino mauuna.

Huminto kami saglit sa isang tulay...tanaw na namin ang Intramuros ...ang ganda ng ilaw sa buong paligid...malapit na talagang magpasko...biglang nagsalita si Mark.....

M: "Josh bakit mo pala ako biglang niyakap kanina at napansin ko parang umiyak ka... May problema ba tayo? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

J: "May nangyari kasi kanina sa bahay....nabitawan ko bigla yun hawak kong plato at nabasag... bigla akong natakot naisip ko baka may nangyari sa iyong masama. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko parang hindi ko kayang mawala ka sa akin....."

(hinawakan ni Mark ang kamay ko, at tumingin sa akin ng diretso)

M: "Josh....gaya ng sabi ko hindi ako mamawala at hindi kita iiwan...halos buong buhay ko ikaw kasama ko, kaya hindi ko rin maisip ano mangyayari pag nawala ka sa tabi ko...tandaan mo ito kahit sarili kong buhay kayang kong ibigay para sa iyo..."

Wala na akong nasabi sa mga narinig ko bagkos isang mahigpit ulit na yakap ang ginawa ko.

Tumuloy na kami sa paglalakad, mga alas otso na ng gabi kami nakarating ng Intramuros... sakto lang at unti unti ng nagdadatingan ang mga tao, 10pm ang simbang gabi sa dalawang simbahan dito. Gaya ng palagi namin ginagawa, sinisimulan namin ang gabi sa pagpasok sa simbahan at pagdarasal. Higit labing limang taon na namin ginagawa ito. Mga bata palang kami sobrang madasalin na itong si Mark. Dahil wala pa naman masyadong tao, sabi ni Mark sa may bandang harap ng altar daw kami umupo. Sabay kaming lumuhod at nagdasal pero madalas ako ang unang natatapos at umuupo agad. Uupo na sana ako nun bigla niya akong pinigilan, hinawakan ang kamay ko habang patuloy siyang nagdadasal. Inantay ko siyang matapos at sabay kaming umupo. Hindi ko talaga mapigilan tanungin siya kung ano ang dinasal niya habang hawak ang kamay ko dahil sa buong buhay na magkasama kami ngayon lang iyon nangyari.

J: "Anong dasal mo noong hawak mo ang kamay ko? Ngayon lang kasi nangyari iyon"

M: "Wala....hindi na ako nagdadasal nun hawak ko ang kamay mo"

J: "Ha? Eh nakita ko nakapikit ka pa nga....ano ang ginawa mo kung hindi ka nagdadasal"

M: "Pinapakilala ko na sa kanya yung sinasabi kong taong mahal na mahal ko...."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya...hindi ko alam ang magiging reaksyon ko....gusto ko sumigaw sa saya dahil mahal din pala nya ako pero nasa loob kami ng simbahan. Tumahimik lang muna ako at pinakinggan ang mga sinasabi niya..

M: "Simula pa noong mga bata tayo at noong unang araw na natuto akong magdasal at pumasok sa simbahang ito, lagi kang kasama sa mga panalangin ko. Araw araw pinagdarasal ko wag ikaw pabayaan at ang pamilya mo. Hiling ko, na sana dumating iyong araw na mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko. At pinangako ko kay Lord na pag dumating ang araw na iyon at maramdaman kong mahal mo rin ako ipapakilala na kita sa kanya. At ngayon Josh....Mahal Ko! sa harap niya..saksi ang simbahan na ito sa loob ng mahigit labing limang taon. Handa na akong aminin sa lahat at sa iyo na mahal na mahal kita higit bilang kaibigan o kapatid"

M: Aalagaan kita.....hindi kita sasaktan....ipagtatanggol at ipaglalaban kahit kanino kahit maging kapalit pa nito ay buhay ko....Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon maging sa kabilang buhay....

Agad ko siyang niyakap at sinabi kong gaano ko din siya kamahal. Hindi talaga ako masalitang tao pero alam ko na ramdam niya kung gaano ko siya kamahal.

Napakasaya ng buong gabi namin. Tuloy tuloy ang dating ng mga suki namin para magpabantay. Tiyak malaki na naman ang kikitain namin.

Buong gabi hindi maalis ang paningin ko kay Mark. Tama ang kapatid ko ibang iba ang itsura niya ngayon...parang mas lalo siyang naging gwapo dahil sa suot nitong puting polo at puting short. Ngayon ko lang syang nakitang nagputi na talaga namang bumagay sa kanya na parang isang anghel na bumaba sa langit para bantayan ako. Iba talaga ang dating ng mahal ko ngayon kahit alam kong pagod ay hindi mo ito mapapansin dahil panay parin ang ngiti, walang pagod na kaka "I love you" at hindi maubos ubos na mga hirit at biro na tiyak kakikiligan mo.

Lagpas alas dose na ng madaling araw ng kami ay makakain, tama nga ako at talagang nagustuhan niya ang binaon kong adobo. Matapos kumain, nagpunta muna kami saglit sa madalas namin tambayan yun pwesto kung saan tanaw mo ang napakagandang golf course ng Intramuros.

Umupo kaming magkatabi, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang magkahawak ang aming mga kamay. Alam ko inaamoy amoy nya ang buhok ko ng bigla itong nagsalita....

M: "Mahal ko....gabing gabi na, bakit amoy araw ka parin?" (sabay tawa ng malakas)

J: "Ibig sabihin, hindi mo na ako mahal kapag amoy araw ako?"

M: "Mahal ko kahit amoy basura,  kanal, tae, patay na daga o kahit amoy kupal ka pa.....habang buhay kitang mamahalin kahit sa kabilang buhay ikaw parin ang mamahalin ko"

J: "Salamat Mahal ko....mahal na mahal din kita tandaan mo, habang buhay hanggang sa kabilang buhay"

M: "Mahal sobrang saya ko....siguro kahit ito na ang huling gabi ko...ok lang kasi nasabi at naparamdam ko sa iyo kung gaano kita mahal at naramdaman ko ganun ka din sa akin....I love you so much"

J: "I love you too.....tara balik na tayo baka dumating na yun mga may ari ng sasakyan at ng makasingil na tayo"

Habang pabalik sa parking area sa paligid ng dalawang simbahan, may nakita kaming police patrol car kaya mabilis kaming lumapit doon. Ngunit paglapit namin bigla nilang hinawakan si Mark, pinatalikod at nilagyan ng posas.

"Sir ano po bang problema, bakit ninyo hinuhuli ang kasama ko?" tanong ko.....

"Itong kotse na binabantayan niya, pagbalik ng may ari...basag na ang bintana at nawawala ang laptop, 2 cellphone, 1 tablet at ang component ng sasakyan" paliwanag ng pulis.....

"Sir...hindi siya ang may gawa nyan, magkasama kaming umalis para kumain at sabay din bumalik...kaya imposibleng siya ang gumawa..." sagot ko...

Takot na takot ang itsura ni Mark at awang awa ako sa kanya. Hindi pwedeng siya ang makulong sa kasalanang hindi niya ginawa. Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa kalapit na kanto nakatingin ang grupo nila Berto....

"Sir...ayun ang mga tunay na magnanakaw, yang grupo na yan...sigurado ako sila ang kumuha"

Agad nagpunta ang mga pulis at nakita ko nagtakbuhan ang grupo ni Berto. Makalipas ang isang oras lumapit ang isang pulis kay Mark para alisin ang posas nito. Nahuli na daw si Berto at umamin na ito. Sa wakas makakauwi na kami.

Habang naglalakad kami pauwi, biglang huminto si Mark. May nakita siyang grupo ng mga kalalakihan sa kanto na mukhang kami ang inaabangan. Tama, kami nga ang pakay nila, mga kasamahan ni Berto. Balak siguro gumanti sa pagkakahuli ng kanilang pinuno.

Hinawakan ni Mark ang kamay ko at pinaalala ang "trouble escape plan" namin noong mga bata pa kami. Kapag kami ay papa-away sa halip na lumaban mas gusto namin tumakbo at magtago. Sa dating plano kanya kanya muna kami ng takbo at takas sa kaaway pero sa huli sa bahay din namin kami magtatagpo.

M: "Mahal....naaalala mo pa yung escape plan natin nun bata pa tayo? mukhang kakailanganin natin ngayon yun"

J: "Mahal....ayaw ko, hindi pwede tayong maghiwalay... sabay dapat tayong tatakas at tatakbo"

M: "Mahal...hindi pwedeng magkasama tayo, sa sitwasyon ngayon mas marami sila kaya mas malaki ang chance mahuli tayo"

M: "Mahal....papalapit na sila...

Naramdaman ko nalang binitiwan na niya ang kamay ko, nun humarap ako sa kanya, narinig ko nalang ang huling salitang nasabi nito.....
"TAKBO! MAHAL KO!..."

Tumakbo kaming dalawa sa magkabilang direksyon. Binilisan ko ng todo para agad marating sa bahay at makahingi ng tulong.

Pagdating sa bahay, agad humingi ng tulong ang Nanay sa mga tanod at sa mga pulis malapit sa lugar namin. Nanatili ako sa bahay habang inaantay si Mark. Hindi ko namalayan nakatulog ako, gabi na ulit ng magising ako. Paggising ko agad kung hinanap sa tabi ko si Mark pero wala kahit anino. Lumabas ako ng bahay nakita ko si Nanay may kausap na mga pulis. Sinubukan kong lumapit pero nun mapansin ako ni Nanay siya na mismo ang lumapit sa akin. Pansin kong namamaga ang mata niya na para bang katatapos lang umiyak.

"Nay...dumating naba si Mark? Nasan siya Nay?"

Hindi agad nakasagot ang Nanay at bigla nito akong niyakap....

"Anak...wala na si Mark"

"Anung wala na si Mark Nay? Hindi kita maintindihan"

Biglang ko nalang nakitang lumuha si Nanay...

"Nasan si Mark Nay? Gusto ko siyang makausap..."

"Wala na si Mark....Patay na siya" lumuluhang sagot ni Nanay

Parang nabingi ako sa narinig ko...hindi ko talaga naintindihan ang sinabi ni Nanay...

"Sinong patay Nay? Si Mark nasan ba siya? Nakulong ba siya? Puntahan natin siya.."

Hinawakan ni Nanay ang magkabilang pisngi ko at harap harapan niyang sinabi ng malakas at mabagal ang mga salitang.... "Anak...makinig kang mabuti....iniwan na tayo ni Mark...wala na si Mark....Patay na siya"

"Nanay naman...huwag ka magbiro ng ganyan...kanina lang magkasama kami...sabi namin dito kami magkikita pag nailigaw na na namin yun mga humahabol sa amin...paanong patay?"

"Anak kaninang tanghali nakita si Mark diyan sa kabilang kanto malapit lang dito..duguan ang ulo at wala ng buhay"

Doon ko lang naintindihan ang sinabi ni Nanay....wala na daw ang taong pinakamamahal ko....patay na daw....

"Nay...hi...hi...hindi pwedeng patay si Mark.... Nay...mahal ko iyon....mahal na mahal ko iyon"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko.....namanhid ang buong katawan ko at bigla nalang akong napaupo.....

"MAAAAAARK!!!!!! BAKIT MO AKO INIWAN....SABI MO MAHAL MO AKOOO....."

"HINDI KO KAYA ITO NAY!!!!!! HINDI ITO TOTOO... NANANAGINIP LANG AKO....BUHAY PA ANG MAHAL KO...BUHAY PA SIYA"

Dahil sa kagustuhan kong makita si Mark, napilit ko si Nanay na dalhin ako kung nasan siya. Pumunta kami sa isang funeraria malapit sa amin. Pagpasok ko agad may nakita akong isang katawan na may takip na telang kulay green. Pinipigilan ako ni Nanay at ni Lea na lumapit at tingnan pero gusto ko talagang makita kung wala naba talaga ang taong mahal ko.

Lumapit ako sa katawan pero nanatili si Nanay at ang kapatid ko sa akin likuran. Nanginginig kong inalis ang tela sa may bandang mukha...unti unti kong nakita ang mukha...Lord si Mark nga....wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya bigla....sunod sunod ko din hinalikan ang noo, pisngi at maging mga labi niya. Ang kagabi lang na kasama kong kayakap at kakulitan ngaun ay malamig ng bangkay.

"Mahal....tumakbo ako ng mabilis noong sinabi mong tumakbo ako"

"Nandito na ako mahal ko...ligtas ako..."

"Mahal ang daya daya mo, kagabi lang sa harap ni Lord sabi mo hindi mo ako iiwan...pero bakit ganun ang bilis mo naman akong iniwan"

"Mahal hindi ko man lang napadama sa iyo kung gaano kita kamahal pero ikaw pati buhay mo ibinigay mo"

"Mahal ang sakit sakit...ang hirap hirap...."

"Mahal isama mo na ako....hindi ko alam kung paano mabuhay ngayong wala kana"

Patuloy ako sa pag iyak habang hinahaplos ang kanyang mukha. Bigla kung naalala iyong nangyari kagabi noong nabasag ang plato at narinig ko mismo iyong huling salita binigkas niya...

"Nay kasalanan ko ito, kagabi palang noong nabasag iyong plato alam ko may mangyayaring masama pero binalewala ko. Kaya ito Nay, wala na si Mark..wala na iyong taong mahal na mahal ko, iyong taong gusto kong makasama sa habang buhay...Nay hindi ko ito kaya...."

"Anak...wag mong sisihin ang sarili mo...wala kang kasalanan....lahat ito may dahilan kung bakit nangyayari"

"Anak...kagabi noong nagka usap kami maging ako ay parang may ibang pakiramdam sa kanya....sa tono ng pananalita niya ay parang naghahabilin at nagpapaalam na siya pero kitang kita ko kung gaano siya kasaya kaya inalis ko sa puso ang kaba, kaya kanina noong nalaman ko ang nangyari sa kanya maging ako sinisi ko ang aking sarili kung bakit hinayaan ko pa kayong umalis kagabi.....

(BALIK TANAW SA PAG UUSAP NILA NANAY AT MARK....)

"Mark...anak pagpasensyahan mo na si Josh ha...at ayan na naman siya't huli at balak ka na namang paghintayin...Ano nga pala ang pinag uusapan nyo at bakit dito pa kayo sa kalye nagyayakapan at mukhang umiyak pa ang isa iyon"

"Ah Nay....wala naman siyang sinabi, nagulat nalang ako noong nakita niya ako bigla siyang yumakap at umiiyak na sinasabi wag ko daw siyang iiwan at wag daw akong mawawala"

"Mark...simula yata noong natuto kayong magsalita at maglakad hindi na kayo mapaghiwalay....masaya ako na may isang tao na kagaya mo na nariyan para sa anak ko. Mark ramdam ko at pansin higit pa sa kaibigan o kapatid ang turingan nyo...hindi man kayo magsalita o aminin sa isa't isa...pero bilang isang ina tanggap ko kayo. Pero bago mangyari iyon dapat matuto muna kayong tanggapin sa sarili niyo kung ano ba talaga kayo at aminin sa sarili at sa isa't isa ang mga nararamdaman nyo. Alam ko kapag nangyari iyon mas magiging masaya kayo. Huwag ninyo isipin ang ibang tao at lalong lalo huwag nyo nang pahirapan at saktang ang mga sarili nyo"

"Nay....Mahal na mahal ko po ang anak niyo....simula pa lang noong mga bata kami....araw araw akong nagsisimba at nagdarasal na mahalin din niya ako. Kanina Nay naramdaman ko iyon noong niyakap niya ako. Ang tagal ko nag antay pero kahit kelan hindi ako napagod. Buong buhay ko, nilaan ko para alagaan at bantayan ang anak nyo. Alam ko kahit sarili kong buhay kaya kong ibigay para sa taong pinakamamahal ko. Nay mamaya aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko, ito na siguro ang panahon pinakahihintay ko. Kung ito man ang huling araw ko sa mundo masaya akong mawawala dahil nasabi ko na kung gaano ko kamahal ang anak nyo. At sobra ang pasasalamat ko dahil nandiyan kayo Nay at tanggap niyo po ako"

"Ano kaba Mark...hindi ka pa mamatay....mag sasama pa kayo ng anak ko ng matagal at kailangan mong tuparin ang pangako mo sa kanya na hindi ka mamawala at hindi mo siya iiwan"

"Basta Mark malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa ha...mga anak ko kayo....magtulungan kayo at protektahan ninyo ang isa't isa.....oh tapos na yata yan mahal mo at maya maya lalabas na iyon"

"Pangako Nay....salamat po"

(WAKAS NG BALIK TANAW)

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na ang taong pinakamamahal ko. Kailangan na daw namin lumabas at aayusin na daw siya para sa kanyang burol. Ngunit bago ako umalis, isang halik ulit sa labi ang iniwan ko at bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang...
"MAHAL! ANTAYIN MO AKO"

Bago tuluyan umalis ng funeraria, sinigurado muna ni Nanay na magiging maayos ang lahat sa burol ni Mark. Halos wala parin ako sa sarili nang bigla kung naisipan bumalik sa simbahan kung saan siya unang nag tapat ng nararamdaman sa akin. Alam ko walang ibang makakapagpagaan ng kalooban ko kundi si Lord. Hindi ako nagpaalam kay Nanay at tiyak hindi iyon papayag dahil sa takot na ako naman ang balikan ng grupo ni Berto.

Habang abala ang lahat nakakita ako ng pagkakataon para makaalis. Mga alas otso ng gabi nakarating ako sa simbahan, doon mismo ako umupo kung saan kami na pwesto kagabi. Bigla na naman tumulo ang luha ko at bumalik lahat ng mga alala ng unang gabi naging kami at huling gabing nakasama ko siya. Pumikit ako at nagsimula ng magdasal....

"Lord....wala na ang taong mahal ko....kinuha mo na siya sa akin...ang daya mo naman bakit agad agad...gusto ko magalit pero parang hindi ko magawa....Lord salamat at binigay mo si Mark sa buhay ko...alam ko lahat may dahilan, tulungan mo akong maintindihan at tulungan mo akong lumaban"

.....bigla akong may narinig na boses sa akin likuran...
"MAHAL.......

Hindi ako pwede akong magkamali...boses ni Mark iyon...Dali dali akong tumayo at tinungo ang pinanggagalingan ng tinig na iyon...malapit na ako sa pintuan ng simbahan ng may naramdaman akong matigas na bagay na humampas sa akin likuran. Bigla akong bumagsak at nakarinig ng sigawan. Halos hindi ko na maramdaman ang aking buong katawan. Pinilit kong idilat ang mata ko nang biglang may nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa aking harapan. Until unti itong naghugis tao, papalapit sa akin at bigla kong narinig na bumulong....
" Takbo! Mahal Ko"

....kay Mark ang tinig na iyon, bigla akong napangiti at napaluha...at pinilit kong magsalita....

"MAHAL, HINDI KO NA KAYANG TUMAKBO.....ANTAYIN MO AKO....SASAMA NA AKO SA IYO...."

.......wakas

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Takbo! Mahal Ko
Takbo! Mahal Ko
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEijEDLZa0kv1bJqhTuLOc7wbWlywPvxIijwXFGPyMapr7q2IB2SN2sO_a-QBhOpTPtvLqeA7L6lK9Rexb-Q1fVwjQTt-nQbVbSU0sidf0R9mZKmQWZTCr_ofd1QSBbw4_aEWN58MwwWQeVz/s1600/Gil109.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEijEDLZa0kv1bJqhTuLOc7wbWlywPvxIijwXFGPyMapr7q2IB2SN2sO_a-QBhOpTPtvLqeA7L6lK9Rexb-Q1fVwjQTt-nQbVbSU0sidf0R9mZKmQWZTCr_ofd1QSBbw4_aEWN58MwwWQeVz/s72-c/Gil109.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/12/takbo-mahal-ko.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/12/takbo-mahal-ko.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content