$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Yakap ng Langit (Part 12)

By: James Silver Chapter 12: James POV Limang taon. Nakakatuwang isipin na heto pa rin ako at naghihintay kay Raffy. Walang text, walang taw...

By: James Silver

Chapter 12: James POV

Limang taon. Nakakatuwang isipin na heto pa rin ako at naghihintay kay Raffy. Walang text, walang tawag. Napakatagal na, at tahimik lang akong naghihintay sa kanya. Walang nakakaalam kung anong klaseng hirap sa kalooban ang pinagdadaanan ko. Ang mga kalungkutang hinahakbangan ko na lang hanggang ngayon. Matibay pala ang loob ko. Wala na yatang kasing tanga ko ang maghihintay ng ganito katagal. Ano nga bang dahilan ko kung bakit nagawa kong magtiis ng ganito. Mahal ko sya, yun lang.

Napakalayo nya. Ang hirap nya abutin. Mayaman, makapangyarihan. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili kong “wala akong kalaban laban”. Pero heto ako patuloy na nagpapakatatag. At puno pa rin ng pag-asa, na isang araw ay bubulagain na lamang ako ni Raffy at sasabihin nyang “mahal, nandito na ako. Namiss kita.” Minsan iniisip ko kung gaano katagal nga ba ang kaya ko hintayin para sa kanya. Sa mga nakalipas na panahon kasi, tinatanong ko na ang sarili ko kung may katuturan pa ba itong ginagawa ko. Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang posibilidad na kinalimutan nya na ako. Kelan ko lang napagtanto sa sarili ko na, limitado lang pala ang mga kaya kong gawin para sa kanya. Noong una akala ko lahat ay maibibigay ko, mapanatili lang ang pag-ibig namin sa isa’t isa. Pero ngayon nalaman ko, wala pala akong kwenta. Ito lang ang tanging magagawa ko. Ang maghintay. Ang umasa. Na ang tanging pinanghahawakan lang ay ang walang kasiguruhan nyang pangako. Kelan kaya sya babalik? Kung bumalik sya at nakalimutan nya na ako. Doon na lang. Doon pa lang ako mag-uumpisang kalimutan sya. Oo! Lugi talaga ako. Kung sakali mang mangyari yun ay tatanggapin ko na lang ng maluwag. Yung paghihirap na dinanas ko at dadanasin ko pa ay iisipin ko na lang na kabayaran sa lahat ng abalang ginawa ko sa kanya at sa pamilya nya. Kung sakali mang magmahal na sya ng iba ay hindi ako magrereklamo. Hindi ko sya pipigilan, dahil ang isa sa pinakamahalagang bagay sa akin ay ang masiguro ko ang kaligayahan nya. Kaya hindi ako gagawa ng paraan para kontrahin ang nararamdaman nya. Kasi mahal na mahal ko sya. Nakakatakot. Natatakot ako na baka isang araw ay magising na lang ako at harapin ang katotohanan, na ang lahat ng pagtitiis na ginawa ko ay walang saysay.
Pantasya ko lang ang lahat, wag naman sana. Sana bumalik sya. At sana mahal nya pa rin ako. Kung babalik sya at tatanungin nya ako kung gusto kong sumama ulit sa kanya at magpakalayo-layo. Tangina! “OO!”.

Maraming nangyari sa loob ng limang taon. Gumaling na si tatay. At ito ang isa sa habang buhay kong ipagpapasalamat sa Diyos. Dahil hindi nya hinayaang maulila kami sa ama. Si nanay naman ay patuloy na nagtitinda sa palengke ng karne. Naging malusog naman kaming lahat lalo na ako na parang nabibigatan na sa katawan ko dahil nahilig ako sa paglamon para makalimutan ang lungkot. Pero hindi pa naman ako tumataba dahil araw araw naman akong nagbubuhat ng tig-iilang kilo ng karne para kay nanay. Naging malapit din si Christian at Limuel sa pamilya ko. Si Limuel ay tumutulong sa amin ni nanay sa palengke sa tuwing walang raket sa catering. Si Christian naman ay nagsilbing tutor ko pag wala syang pasok. Ngayon ay nagtatrabaho na sya sa kompanya nila Raffy. Ako naman. Sa wakas! Nakapagtapos na rin ako ng high school at naghahanap ako ngayon ng trabahong pupwede kong gawing suporta sa pagpasok ko ng college. Ang mga kapatid ko naman na sina Irene at Lezel ay nag-aaral na rin, malapit na mag-grade 6 si Irene. Si Lezel naman ay grade 4 na ngayon. Napakabilis lang lumipas ng mga taon sa buhay namin. May lungkot man akong nararamdaman ay hindi ko nakakalimutang magpasalamat sa buhay na ibinigay sa amin ng Diyos. Lubos ang pagpapasalamat ko sa Kaniya dahil pinahintulutan nyang humakbang ang pamilya ko, pasulong sa buhay. Paunti-unti ay nagkakaroon na ng linaw ang kinabukasan namin.

Natural na nga talaga siguro sa tao ang problema. Ito na siguro ang paraan ng mundo para ipaalala sa atin na buhay pa tayo, kaya kailangan nating magsikilos. Minsan nakakaramdam ako ng pagod pero pag naaalala ko ang mga payo ni lolo Ed sa akin ay parang lumalakas ako ulit.

Lolo Ed: James, ganyan naman talaga ang buhay eh, nakakapagod. Diyos rin ang lumikha ng pagod, hindi para pasukuin tayo. Nilikha nya yan para maalala natin sa bawat sandali na tao tayo, at marami tayong limitasyon. Hindi natin kaya ang lahat, ng tayo lang. Sa mga oras na gusto na nating sumuko, alalahanin natin na nandyan lang Sya sa likod ng mga ulap. Naghihintay, nag-aabang na humingi ka ng tulong. Sa mga panahong sa tingin mo ay imposible na ang lahat, lumapit ka lang sa Kanya. Maniwala ka sa akin, kahit imposible sa sarili mong pananaw. Gagawa at gagawa Sya ng himala para sa ‘yo. Wag ka lang bibitiw sa Kanya. Pag ginawa mo iyon, hahayaan ka na nyang sumandal sa Kanya para lasapin mo ang sarap ng pagpapahinga. Hindi man natin naririnig pero gusto nyang sabihin sa atin na hindi mo na kailangan mag-alala dahil narito na Sya. At Sya na ang bahala sa lahat, magpahinga ka lang dyan.
Nakikita mo ba yung ibon na nasa puno? Wala syang gusto gawin sa buhay nya kundi ang lumipad. Pero kahit na gusto nya iyong gawin bawat sandali, may mga pagkakataon pa rin na kailangan nyang lumapag sa sanga ng isang puno, hindi para itigil ang paglipad. Kundi para ipahinga ang pagod nyang pakpak at ihanda muli ang sarili sa susunod na hampas ng mas malalakas na hangin.
Minsan kailangan natin ng panahon para sa mga sarili natin. Para makapag isip isip. Hindi kasali sa mga pagpipilian natin ang pagsuko dahil karuwagan yun. Pahinga lang ang katapat ng pagod, para masabi mo sa sarili mo na handa ka na ulit para lumaban.

Yan ang mga sinabi sa akin ni lolo Ed noong mga huling araw namin sa ospital. Talagang tumatak sa utak ko yang lahat kaya naman, mas naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng salitang “tiyaga”. Naging malapit kami ni lolo Ed sa isa’t isa. Para syang nagsisilbing tagapayo ko sa tuwing makakaramdam ako ng kalungkutan. Nakaugalian ko na kasi na sa tuwing araw ng Sabado ay pupunta ako sa mansion nila. Grabe ang yaman ng matandang yun. Parang nahihilo ako sa bahay nya sa sobrang laki. Ang sabi sa akin ni lolo Ed ay makukuha ko kung anuman ang hilingin ko sa kanya. Pero kailangan ko daw muna paghirapan. Katulad na nga lang nung nangailangan ako ng isang mamahaling libro at napag-alaman kong meron pala sya, ay hiningi ko iyon. Pero bago nya ibigay sa akin ay halos isang linggo nya akong pinaglinis ng paligid ng bahay nya. Pinabrush nya sa akin yung espasyo sa paligid ng bahay nya na may simento. Madali lang sana kung maraming tubig, pero hindi nya ako pinagamit ng hose, kailangan daw ay timba lang ang gagamitin ko sa tubig. Pakiramdam ko nun ay namaga ang braso ko sa sobrang hirap.

Lolo Ed: Tatandaan mo palagi na walang libre sa mundong ito. Lahat ng bagay na nais mong makuha ay makakamit mo lamang sa pamamagitan ng sarili mong pagsisikap. Dugo’t pawis ang ipinuhunan ko para mapalago ang negosyo ko. Itinuturo ko sa’yo lahat dahil balang araw ay pakikinabangan mo ang lahat ng nalalaman ko.

James: Naiintindihan ko po, hindi naman po ako nagrereklamo eh. Natutuwa nga po ako kasi pinagkakatiwalaan nyo po ako.

Lolo Ed: Nakikita ko kasi ang sarili ko sa’yo. Halatang halata ang mga dinanas mong hirap sa buhay. May kalaliman ka kasi mag-isip at sa tingin ko naman ay may kaunti kang utak, sapat na yun.

James: Hahaha, ansakit naman po nung kaunti ang utak lolo.

Lolo Ed: Hahaha, biro lang yun pinapatawa lang kita dahil mukang napagod ka ng husto dahil hindi mo na magawang ngumiti. Hahaha, sa tingin ko naman matalino ka. Yan ang isang bagay na wag mong sisirain James, tiwala. Ibinibigay ko sa’yo ang buo kong tiwala dahil alam kong hindi mo ako bibiguin. Matanda na ako James, at nakikita mo namang mag-isa ako. Kaya kailangan ko ng mga taong katulad mo para kahit papaano ay may naituturing akong pamilya.

James: Asan po ang mga anak nyo? Akala ko po may mga anak kayo?

Lolo Ed: Dalawa ang anak ko. Pero pareho na silang may kanikaniyang pamilya. At pareho silang may tampo sa akin kaya naman mas pinili nilang bumukod kesa makasama ang huklubang katulad ko.

James: Kawawa naman po pala kayo.

Lolo Ed: Hayaan mo na at sanay na naman akong mag-isa. Hindi kasi nila ako maintindihan eh, akala nila pinagmalupitan ko sila. Ang hindi nila alam ay inililigtas ko lang sila sa mga taong mapanamantala. Dumating din kasi sa akin yung panahong naging ganid ako sa pera. Pero ngayon, kung kelan matanda na ako ay tsaka ko lang naunawaan na hindi lang pala pera ang mahalaga. Mali pala ang mga naging paraan ko ng pamumuhay. Ang sabi nga ni Confucius “Kapag alam mo kung ano ang dapat unahin sa buhay. Tinatahak mo ang tamang daan”.

Napatango na lang ako nun. Naiintindihan ko naman ang mga sinabi nya. Lalo akong nagkakaroon ng pag-asa sa tuwing papayuhan nya ako. Libre, walang bayad at walang kabayaran ang mga bagay na naituturo nya sa akin. Pakiramdam ko tama ang lahat ng ginagawa ko pag iniisip ko ang mga sinasabi nya. Salamat at nakilala ko sya, para syang anghel na nagpapaalala sa akin ng mga bagay na tama at mga bagay na mali. May mga pagkakataon kasi na hindi ko na malaman ang tama at mali dahil naguguluhan na ako sa takbo ng buhay ko. Ngayong nariyan na sya, alam ko na kung ano ang mga dapat kong gawin para makaiwas sa maraming kamalian. Malaki ang naging papel nya sa buhay ko nitong nakalipas na limang taon. Kaya masasabi kong mas mabuti na akong tao ngayon.

Matagal na panahon na ang nakalipas. Pero sa tuwing sumasapit ang gabi, doon ko na lamang nailalabas ang lahat ng totoo kong nararamdaman. Masaya man ako sa harap ng karamihan, pero pag mag-isa na lang ako ay doon na naglalabasan ang sakit, kalungkutan, pagkainip na kinikimkim ko lang. Tuwing maiisip ko si Raffy ay bigla na lamang tumutulo ang luha ko. Mukha nya lang ang nakikita ko sa tuwing mananaginip ako. Sa panaginip ko ay kayakap ko sya. Sa panaginip ko hinahalikan ko sya. Sa panaginip ko nilalambing ko sya. Nangangarap kami ng sabay, kahit sa panaginip ko lang. Kaya ako patuloy na nagtitiis dahil umaasa pa rin ako na babalik ang lahat. Magiging matibay ako hanggang sa makita ko lahat ng bunga ng ginawa kong paghihintay.
---
N. Martha: Anak! Nakatulala ka pa dyan, magasikaso ka na para marami kang mapuntahang aaplyan. Pupunta na akong palengke may pera ka bang gagamitin?

James: Meron po nay! Ingat po kayo.

Kanina pa pala ako nakatunganga sa kapeng iniinom ko. Naalala ko na naman ang mga nangyari nitong nakaraang mga taon habang wala si Raffy. Maaga akong nagising para maghanda sa paghahanap ko ng part time job. Kailangan ko ng iba pang mapagkakakitaan bukod sa ibinibigay sa akin ni nanay sa pagtulong ko sa palengke. Dahil mage-enrol ako sa college sa susunod na pasukan. May kaunti na akong naipon kaya kailangan ko pang dagdagan. Sana madali lang ako matanggap, sabagay kakagraduate ko lang nitong April eh.

Pumasok na ako sa CR para maligo. Hinubad ko na ang lahat ng suot ko. Hinawakan ko ang tabo para makapagbuhos na. Pero natulala na naman ako. “Raffy” sabi ko sa isip ko. Antagal na pero parang kahapon lang sya nawala at sariwang sariwa pa rin ang nararamdaman kong pangungulila. May isang bagay pa akong namimiss.
Hinawakan ko ang dibdib ko at hinimas ito. Papuntang leeg sa batok, pababa ng tiyan at sa aking alaga. Pinaligaya ko ang aking sarili sa pamamagitan ng aking kamay. Hindi ko naman ito madalas gawin. Pero sa mga pagkakataong pakiramdam ko ay tigang na ako sa sex ay ginagawa ko ito para mabawasan ang pangungulila ko kay Raffy. Namimiss ko ang mga ginagawa namin noon. Tinitiis ko kasi ang sarili ko, dahil ipinangako ko na sa sarili kong hindi ko na lolokohin si Raffy. Huli na iyong nangailangan ako para sa pagpapagamot ni tatay. Hindi ko na talaga uulitin yun, ayaw ko nang lokohin ang asawa ko. Matapos kong makipagsex sa kamay ko ay tumuloy na ako sa paliligo.

Maghapon na akong naghahanap pero wala pa rin akong makita. Mailap sa akin ngayon ang pagkakataon. Meron namang tumatanggap sa akin pero puro full time ang hinahanap nila. Kaya naisip ko na lang na pumunta kila lolo Ed para hindi naman masayang ang lakad ko. Kesa naman umuwi ako ng wala man lang napala.

Nagtext ako kay lolo Ed at agad naman syang tumawag sa akin. Hindi kasi sya marunong magtext kaya lagi syang tumatawag sa tuwing magtetext ako. Sinabi ko sa kanyang pupunta ako sa kanila. At sumagot naman sya na “sige ipapasundo na lang kita sa gate.” Nang makarating na ako sa bahay nila ay agad nya naman akong sinalubong. Sa totoo lang naiilang ako pag nasa bahay nya ako dahil masungit sya sa lahat ng kasama nya doon maliban sa akin. Pero natutuwa ako sa tuwing magsusungit sya dahil alam ko naman na arte nya lang yun.

Lolo Ed: Oh! Hindi pa Sabado ah, bakit mo naman naisipang pumunta dito?

James: Eh kasi lo may kailangan ako eh.(Ganyan na kami kaclose direktang direkta, walang paligoy ligoy.)

Lolo Ed: Libro na naman ba? Tamang tama may gusto akong ipalinis doon sa taas eh.

James: Hindi po libro. Kailangan ko po kasi ng trabaho para pandag dag doon sa ipon ko. Mag-aaral na po kasi ako ng college sa susunod na pasukan eh.

Lolo Ed: Ah ganun ba? Hay! Akala ko maipalilinis ko na yung study room ko. Puro alikabok na kasi doon eh. Ah ganito na lang, may ibibigay akong trabaho sa’yo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo hindi madali ‘to. Sabagay wala namang madaling trabaho eh.

Tinawag nya si mang Alfonzo, alalay nya. At may ipinaabot itong makapal na bungkos ng papel na naglalaman ng mga profile ng kung sino sinong tao.

Lolo Ed: Kakailanganin kita sa tuwing pupunta ako sa mga sinusuportahan kong charity. Gusto kong kilalanin mo lahat ng tao dyan at tandaan mo. Makakalimutin kasi ako sa mga taong nakikilala ko kaya, kailangan ko ng magpapaalala sa akin.

Napamulagat ako sa sinabi nya. Dahil napakarami nun. “Putek!” hindi ako computer. Nakupo mukhang napasubo yata ako dito ah. Baka magkamali ako, tingin ko lagpas isang daang katao yung kailangan kong tandaan. Minsan tuloy nagdududa na ako kung tinutulungan nya ba ako o trip nya lang akong pahirapan. Kailangan ko ‘to para sa pag-aaral ko kaya naman agad kong tinanggap. Isa pa ayaw kong mapahiya sa kanya. Baka kasi sabihin nya na yung ganoong kasimpleng bagay lang ay susukuan ko na agad.

James: Sige po!

Lolo Ed: Kailangan sa linggo kabisado mo na yan. May pupuntahan tayong charity. Ayaw ko kasi magdala ng maraming bantay baka sabihin nilang napakayabang ko. Hindi naman sosyalan ang pupuntahan ko kaya isa lang ang kailangan ko. Ito kasing si Alfonzo, makakalimutin na rin palibhasa magkasing edad kami hahaha.

Mang Alfonzo: Hahaha, mas matanda po kayo sa akin ng isang buwan.

Lolo Ed: Hmp! Hindi ako natatawa sa biro mo!

Tumawa na lamang si mang Alfonzo habang nakasimangot naman si lolo Ed, natawa na rin ako dahil nagsusungit na naman sya. Maya maya pa ay nakitawa na rin sya. Pero muka talagang mapapalaban ako dito, grabe andami tapos sa linggo nya na kailangan.

Umuwi na ako ng bahay matapos kong makapagpasalamat kay lolo Ed. At pagdating ko naman ay inumpisahan ko na agad ang trabaho ko. Kinabisado ko lahat ng tao doon. Nagkamali pa nga ako sa tancha ko eh. Akala ko ay isang daan mahigit lang pero 230 katao pala iyon nung bilangin ko isa isa. Hindi naman siguro lahat ‘to makakarating doon sa charity. Pero hindi ko naman alam kung sino ang darating at hindi kaya kailangan kong kabisaduhin. “Takte!”

Raffy’s POV

Mr. Wee: Reiko Ishida, 23 years old. Fashion designer. Anak sya ni Toshiro Ishida sila ang may-ari ng Shin Hwa group of companies. Marami silang pag-aaring hotel kaya malaki ang maitutulong nila sa kompanya natin.

Tumango na lang ako habang ipinapakita sa akin ni daddy ang larawan ng isang babae. Pang ilang date ko na ba ‘to? Siguro pang labing apat na. Nawala na ako sa bilang eh. Talagang pinipilit nya akong ipagkasundo sa kung kanikanino. Pilit nya akong binibrain wash. Totoo daw akong lalake at hindi daw ako bakla. He tried so many times but it just turned out to be a reminder, na meron akong taong iniwan sa Pilipinas at kinakailangan kong balikan. Masakit isipin na hindi ako kayang tanggapin ng sarili kong ama kung ano ako. Pero kahit na anong gawin nya, hindi nya kayang baguhin ang isip ko. Walang sino man ang may kakayahang baguhin ang puso’t isip ko. Natatawa na lang ako sa tuwing babalik sa ala-ala ko kung paano ko diniscourage lahat ng mga naging kadate ko. Nadyan yung ipinipilantik ko yung daliri ko. Hahabol ako ng tingin sa isang gwapong lalake at babalewalain ang kausap ko. At ang pinakamalala ay nung hinatak ko ang isang waiter na binayaran ko para makipaghalikan sa akin sa harap ng babaeng kadate ko. Ilang beses inatake ng high blood si daddy ng dahil sa akin. Tinatawanan ko lang ang lahat ng nangyayari sa akin. Bakit ba kasi kailangan nya pang pasakitin ang ulo nya para baguhin ang isang tao na walang balak baguhin ang sarili nya. Kung binalikan nya kami nung mga panahong wala pa si James sa buhay ko malamang na sumusunod ako ngayon sa mga kagustuhan nya. Pero nahuli sya ng dating, mas nauna kong nakilala si James kesa sa kanya. At kung tutuusin mas kilala ko ang buong pagkatao ni James. Si daddy kasi akala ko nung una magiging mabait sa akin eh. Pero nagkamali ako. Mukhang pera sya, nakikiisa sya sa mga taong makikitid ang utak na hindi kayang tanggapin ang mga katulad ko. Wala naman akong pakialam kahit ano pang itawag sa akin ng mga tao. Bakla, binabae, shoke o beki. Basta ako lalake ako sa puso’t isip ko ang kaibahan nga lang lalake rin ang gusto ko at nag-iisa lang sya sa buhay ko, si James lang. Kahit ilagay mo pa sya sa gitna ng milyon milyong naggagandahan at naggagwapuhang tao sa mundo, si James at si James lang ang hahanapin ko. Mamatay sila sa pagpilit sa aking magkagusto sa iba. Basta si James lang ang gusto ko makasama, malagutan man ako ng hininga. Sya ang nakaraan ko, sya rin ang kasalukuyan ko at ang hinaharap ko. Hindi ko kailangan ng manghuhula para itanong kung ano ang mangyayari sa amin ni James. Dahil kung hindi man pahintulutan ng tadhana ang pagmamahalan namin. Then everyone should watch me, defying my own destiny. Walang pupwedeng pumigil sa akin kahit si Senyang, Ondoy o Yolanda pa yan. Dahil para sa akin walang nakatakdang tadahana ang tao. Tao mismo ang gumagawa ng tadhana nya. Kaya kung ano man ang mangyayari sa kanya sa hinaharap ay bunga lamang iyon ng mga naging desisyon nya sa nakaraan.

Tapos na ako ng college. Tapos na rin ang pagtitiis ko, malapit na rin akong makabalik ng Pilipinas. Gustong gusto ko na makita si James. Baka kotongan nya ako pag nagkita na kami sa sobrang tagal ko. Pero kahit na ilang kotong ang abutin ko, ok lang. Makikita ko na ang mahal kong asawa. Konti na lang. Yung kadate ko sa isang araw? Hindi ko iniisip yun, magbabayad na lang ulit ako ng waiter na makikipaglaplapan sa akin. Problem solved.
---
Airport. Napahinga ako ng malalim. Dahil sa wakas nandito na ako sa airport. Eto na yun! Ilang oras na lang nasa Pilipinas na ako. Para akong maiiyak pag naiisip kong tapos na ang paghihintay ko. “Oh! Shit totoo na ‘to.”Sa loob ng limang taong lumipas walang ibang laman ang isip ko kundi ang araw na ‘to.

Sinalubong ako ni mommy sa airport. Gagamitin ko lahat ng libre kong pagkakataon para makipagkita kay James habang nasa ibang bansa pa rin si daddy. Hindi kasi sya sumabay sa akin dahil marami pa raw syang dapat asikasuhin. Pero medyo magiging mahirap na ang schedule ko ngayon dahil magtatrabaho na ako sa kompanya. Planning department, kailangan ko raw mag-umpisa sa mababa. Wala naman akong pakialam ke mababa o mataas ang posisyon basta may trabaho ok na sa akin. Wag nyo naman isiping wala akong pangarap. May pangarap ako, gusto ko maging isang environmentalist. Nabuo sa isip ko ang pangarap na ‘to nung nagsasama pa kami ni James sa Palawan. Mahilig si James na pagmasdan ang kalikasan kaya naisip ko ‘to. Dahil gusto kong protektahan ang kalikasan. Mas bagay na kami ngayon haha. Ano na kayang itsura nya? Hindi ko man lang sya nacontact nung nasa ibang bansa ako kasi may kontrabidang palaging umaaligid sa akin. May nagchecheck pa ng cellphone ko. Bwiset diba?

Pag-uwi namin ng bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga. Grabe parang lumulutang pa rin ang pakiramdam ko. Tsk! Ayaw ko talaga sa barko at eroplano.

James’s POV

“Kape pa, kailangan ko ng kape.” Habang nagtitimpla ako ng kape. Putek! Iilang tao pa lang ang natatandaan ko. Kinse pa lang yata, pero para na akong mamamatay. May ganito ba talagang trabaho? Takte! Eh mapapahiya sa akin ang computer nito pag nakabisado ko lahat ‘to. Ay grabe. Makakabisado ko rin ‘to ayaw kong mapahiya kay lolo Ed, ayaw kong masira ang tiwala nya sa akin. Nagtiwala syang magagawa ko ‘to kaya magtitiwala rin ako sa sarili ko.

“YYYEEEsSSS!” nakabisado ko rin lahat. Salamat naman. Makilala ko kaya sila ng personal? Eh papano kung nagpapalit sila ng bungo, haynaku bahala na. Go! Go! Go! Pagdating ko sa bahay ni lolo Ed ay agad nya akong pinagbihis ng pormal. At ng magmukha na akong ililibing ay agad kaming umalis.

Lolo Ed: Sino yun? (habang itinuturo ang isang batang babae)

James: Si Janine Dizon po, 12 years old. Ulilang lubos na kaya dinala sa ampunan ng isa nyang kamag-anak. Nagchampion po yan sa WCOPA last year. (Napangiti si lolo Ed)

Lolo Ed: Eh yun? (isang batang lalake naman ang itinuro nya.)

James: Si Marvic Daganio po, 9 years old. Wag nyo ismolin yan kasi math wizard po yan.

Lolo Ed: Eh yung lalakeng yun? (Kinabahan ako sa itinuro nya dahil hindi ko masyadong makita yung mukha)

James: Ah, eh. Sandali lang po.

Lolo Ed: Hahaha! Wag mo na isipin hahaha hardinero yan dito hahaha.

James: Tsk! Lolo naman eh.

Lolo Ed: Sinusubukan lang kita kung kinabisado mo nga hahaha. Hirap nun ah. Pasok ka na, tuwing may pupuntahan akong ganito ay lagi kitang isasama. Para masanay ka na rin makipag usap ng pormal sa ibang tao. Malaki rin ang maitutulong nito sa college mo akala mo ba? Pag nasanay kang kumabisado, hindi mo na kakailanganin ng kodigo diba? Hahahaha!

Natapos din ang araw sa wakas. Pakiramdam ko ay ilang ugat sa utak ko ang pumutok dahil sa kakaisip. Pero kahit na mahirap atleast may trabaho na akong maipansusuporta ko sa pag-aaral ko ng college. Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong naupo dahil pakiramdam ko ay nagbuhat ako ng isang sakong bigas at naglakad ng isang kilometro. Napatingin ako sa kalendaryo “Putek” magpapasko na naman pala. Grabe ang bilis talaga ng panahon. Kaya pala parang malamig na yung paa ko. Ganito kasi ako pag malapit na ang pagpapalit ng taon. Lumalamig yung talampakan ko. Isang taon na naman pala ang lilipas. Bigla akong nalungkot.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Yakap ng Langit (Part 12)
Yakap ng Langit (Part 12)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s1600/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s72-c/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/12/yakap-ng-langit-part-12.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/12/yakap-ng-langit-part-12.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content