$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Yakap ng Langit (Part 13)

By: James Silver Chapter 13: Raffy’s POV Ang buong akala ko ay magagamit ko ang mga panahong wala si daddy dito sa Pilipinas, para makipagki...

By: James Silver

Chapter 13: Raffy’s POV

Ang buong akala ko ay magagamit ko ang mga panahong wala si daddy dito sa Pilipinas, para makipagkita kay James. Nagkamali ako dahil marami palang trabahong naghihintay sa akin pagbalik ko dito. Andyan ang mga party na inorganize ng mga kapanalig na kompanya at ilang malalapit na kaibigan. Inauguration, anniversaries o birthdays ng mga taong hindi ko naman kilala sa personal. Kailangan daw akong umattend bilang kinatawan nya sa lahat ng nasabing okasyon. Magiging busy rin pala ako. Kahit na atat na atat na akong makita si James ay hindi ko pa rin mabibigyan ng pagkakataon ang pagkikita namin. Babawi na lang ako.
Hindi lang kung ano anong party ang kailangan kong puntahan. Naghanda rin sya ng ilang dates para sa akin. Naisip ko na rin ito nung una pa lang. Alam ko namang hindi nya ako bibigyan ng pagkakataong makita si James. Pero hindi naman ako masyadong nag-aalala pagdating sa mga date. Katulad ng dati ay babalewalain ko na lang ulit sila. Hindi ako nakokonsensya sa tuwing gagawin ko yun. Hindi naman kasi ako ang may plano ng mga ‘to. At sa tingin ko ganun din ang mga nakakadate hindi rin siguro nila gusto yun. Dapat nga magpasalamat pa sila sa akin dahil ginagawan ko sila ng pabor eh.
Ikinagulat ko ang isa sa mga babaeng makakadate ko. Hindi ko lubos akalain na pati sya ay makakasama sa listahan ng mga pagtitripan ng ama ko. Mukhang mahihirapan akong balewalain sya. Isa kasi sya sa mga pinakamalalapit kong kaibigan. Si Katrina. Pero sa tingin koi to na ang magandang pagkakataon para maamin ko sa kanya lahat lahat ng tungkol sa akin. Nung nandito pa kasi ako ay hindi man lang kami nakapag-usap ng masinsinan. Ang huling pag-uusap namin ng kami lang ay nung nagkaroon kami ng problema. Problemang matagal ko nang kinalimutan.

Alas sais ng hapon nagpunta si Christian sa bahay. Sya pala ang inatasan ni daddy na maging assistant ko para sa mga lakad ko. Mabuti naman at sya, at least hindi ko kailangang magtago. Alam nya naman lahat ng tungkol sa akin eh. Lalong lalo na ang tungkol sa amin ni James
Christian: Pare kumusta na? Tagal mong nawala ah.

Raffy: Oo nga eh. Nakakamiss dito, inuman nga tayo minsan para naman makapagkwentuhan tayo. Yung hindi na tayo busy.

Christian: Oo ba, miss na rin naman kita eh. Magready ka na para sa date nyo ni Katrina. I’m sure miss na miss ka na rin nun.

Raffy: Nga pala, bakit pala nasali sa listahan ng kalokohan ni daddy si Kat?

Christian: Nakalimutan mo na ba? Malaki ang maitutulong ng pamilya ni Katrina sa inyo. Lalo lalo na sa legal assistance. May law firm ang daddy nya diba?

Raffy: Oh! E pwede naman kaming kumuha ng abogado kahit saan ah. Bakit kailangan pa sila?

Christian: Trust pare connection. Maraming kliyenteng politiko ang tatay ni Kat. Kaya malaki ang maitutulong nila sa kompanya nyo. Bakit ka ba nag-aalala?

Raffy: Si Kat kasi ang involve, ayaw ko naman syang mapahiya. Kung iba lang yan magagawan ko pa ng kalokohan kaso close friend ko sya eh. Hindi ko sya maitataboy.

Christian: Exactly that’s the plan. Alam ng daddy mo na close kayo kaya si Kat ang pinili nya. Talino ng daddy mo noh?

Raffy: Ewan ko sa’yo tsk! Kaibigan ba talaga kita? Alam mo naman ang lagay ko diba?

Christian: Alam ko. Kaya ng gusto ko subukan kung hanggang saan ang kaya mo para ipaglaban yang nararamdaman mo eh.

Raffy: Ewan ko sayo. Tara na nga.

Naghanda na ako para sa date namin ni Katrina. Halos ayaw ko ngang gumalaw dahil gusto ko malate ako sa pagkikita namin. Yun na lang kasi ang pinaka madaling paraan para madisappoint sa akin si Kat. Kaso ito namang kaibigan ko parang tanga. Panay ang madali, parang sya ang mas atat na makipagdate.

Christian: Ano na boss, ready ka na ba?

Raffy: Ulol! Tara na nga, puro ka kalokohan eh. Paboss boss ka pa dyan.

Christian: Well, amo ko ang daddy mo at anak ka nya. Kaya boss na rin kita.

Raffy: Teka seryoso ka? Sasama ka pa sakin? Ano namang gagawin mo dun?

Christian: Kailangan kong ibalita sa daddy mo kung anong mga nangyayari sa date mo. Kaya magbehave ka dahil isusumbong talaga kita.

Raffy: Grabe, kampihan mo naman ako. Pinagtutulungan na nga ako dito, makikisali ka pa sa kanila.

Christian: Don’t take it personally, trabaho lang ‘to pre. Labas dito ang pagiging magkaibigan natin, ok?

Sa isang punto tama naman sya. Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan ni daddy, dahil masigasig sya sa mga trabahong ibinibigay sa kanya. Pero lintek, sobra naman yata. Hindi man lang ako inisip kahit konte. 8pm nang makarating kami sa isang sosyaling restaurant na punong puno ng mga plastic na tao. Ahm! Hindi naman pala lahat pwera pala kay Katrina.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pero nang Makita ko si Katrina ay para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ganung kagarbo ang suot nya. Simple lang, at wala rin syang masyadong kolorete sa mukha. Pero standout ang ganda nya. Compare sa ibang babaeng nandoon, sya ang pinaka pansinin. Napangiti ako, pakiramdam ko ang yabang ko. Para tuloy angswerte ng dating ko dahil sya ang babaeng nakatakda kong makadate.

“Tatayo ka lang ba dyan? Baka naman may balak kang lapitan ako dito para naman hindi tayo mukhang tanga.” Sabi ni Katrina.

Raffy: Huh? Ah oo sige. (at umupo na ako sa tapat nya.)

Katrina: Kumusta na, tagal mo nawala pare. Mukhang sineryoso mo ang pag-aaral ah.

Raffy: Ha? Ah oo kailangan eh. Alam mo na, obligasyon. Mahirap naman kung magtatrabaho ako ng walang alam sa kompanya.

Katrina: Sabagay tama ka naman dun. Ok hindi naman siguro tayo nagdate para pag-usapan ang negosyo diba? Ano na, umpisahan na. Kwento na para makarami tayo. O baka naman gusto mo na ako na ang mag-umpisa?

Naeengkanto pa rin ako sa mukha nya. Grabe talaga ang ganda nya. Hindi sya katulad ng iba na “tiis ganda”, sya kasi walang effort. Expressions ng mukha, ngiti nya kung papano sya kumain. Pati na rin ang walang kwentang bagay na lumalabas sa bibig nya sa tuwing, pabulong nya akong mumurahin. Gumaganda pa sya ang gumagawa. Sya yung tipo ng tao na kahit pagsuotin mo ng basahan ay magmumukha pa ring super model.

Katrina: Alam mo sa tingin ko hindi naman na natin kailangan pang masyadong magusap tungkol sa mga personality natin dahil matagal naman na tayong magkakilala. Yung mga sa tingin mo nagbago na lang? Ano naming bago sayo?

Raffy: Actually wala namang masyadong nagbago sakin. I’m still the same Raffy you used to know. Nagkaroon lang naman ako ng konting porma hahahaha.

Katrina: Asan? Wala naman akong nakikita. Kung ako naman ang tatanungin mo. Ganun pa rin naman ako, at kitang kita mo naman ang proweba. Kaya wag kang magloloko sakin dahil nag-aral ako ng martial arts. Kaya sa oras na magloko ka, ibabalibag kita.

Naging masaya ang muling pagkikita namin ni Katrina. Pero katulad ng dati wala pa rin akong naipagtapat sa kanya. Dahil lahat ng kwentuhan namin ay nauwi lang sa mga walang kakwenta kwentang palitan namin ng asaran. Lumabas na kami sa restaurant at pumunta na alang sa dating bar na tinatambayan namin. Dahil hindi na angkop sa lugar yung uri ng usapan namin. Lumalabas na naman kasi yung ugaling kanto namin ni Katrina. Syempre kasama namin si Christian.

Natapos na din ang date namin. Barkada date naman kasi ang nangyari. Pero at least nakasama ko sila, sobrang namiss ko rin naman talaga sila. Isang beses lang naman kasi nila ako nadalaw nung nasa states ako. Inihatid na namin si Katrina sa kanila. At sabay kami ni Christian na umuwi sa bahay naming, dahil balak pa naming ituloy ang inuman. Nabitin kasi kami eh, minsan lang naman kasi ako makapag inom ng ganito kaya sasagarin ko na. Sa bahay…

Christian: Pag kalokohan talaga tandem talaga kayo ni Kat eh noh. Bagay talaga kayo.

Raffy: Sir aka talaga, matagal na kaming ganun diba. Tsaka namiss ko lang talaga sya. Syempre pati ikaw, alam nyo naman na kayo lang ang mga itinuturing kong mga totoong kaibigan. Sa sobrang dami kasi ng nangyari sa akin, nandyan pa rin kayo para suportahan ako.

Christian: Kami lang kasi ang magtityaga sayo hahahaha.

Raffy: Ah ewan. Uminom ka na nga lang, baka di kita matantya.

Christian: Maiba tayo ng usapan. Ano na nga palang balak mo ngayong nandito ka na?

Raffy: Hindi ko pa rin talaga alam. Wala akong plano, andami kasing gumugulo sa isip ko eh. Basta ang gusto ko lang ngayon makita si James.

Christian: Anong gagawin mo? Bantay sarado ka ng tatay mo. Hindi nya papayagan na magkita kayo ulit.

Raffy: Kaya nga dapat tulungan mo ako. Ang hirap kasi sayo parang mas kampi ka pa dun kay daddy eh.

Christian: Iba na ang tinatahak mong landas Raffy. Pinapaunalad mo na ang sarili mo. Habang tumatagal lalo kang lumalayo kay James. Baka sa pagpupumilit mo, lalo mo lang masaktan si James sa huli.

Raffy: Hindi mangyayari yun. Mahal na mahal ko si James, hindi ko papayagang masaktan sya.

Christian: Pero kung titignan mong mabuti. Ganun ang nangyayari. Antagal mo nawala sa tingin mo ba madali lang yun para sa kanya?

Raffy: Hindi ko rin naman ginusto yun ah. Si daddy ang may kagustuhang umalis ako. Sinunod ko lang sya dahil may kasunduan kaming hindi nya pababayaan ang pamilya ni James. At tapos na ang kasunduan naming iyon. Kaya gagawin ko na lahat para magkasama kami ulit.

Christian: Hahahaha. Yun na nga eh. Kayang kaya ka contrlin ng tatay mo. At magagawa nya pa yun ulit.

Raffy: Ano bang pinupunto mo? Gusto mo ba iparating sakin na hindi ko kayang protektahan si James? Kaya ko, magagawa ko. Dahil sya lang ang gusto ko makasama. Sya lang ang gusto ko mahalin.

Christian: Payong kaibigan lang pre ah. Bakit di mo buksan yung puso mo sa iba? Bakit di mo subukang mahalin si Katrina. Hindi pa naman huli ang lahat eh. Mababago mo pa yang damdamin mo. Walang kakayahan si James na makasabay sayo, hindi katulad ni Katrina. Wala kang magiging problema sa kanya.

Raffy: Teka! Sinusubukan mo bang ilayo ako kay James? Nagsasayang ka lang ng laway mo dahil hindi mangyayari yun. Bakla ako at hindi ko kayang magmahal ng babae. Malinaw sa isip ko yun Christian. At matagal mo na ring alam yan.

Christian: Pre magkaibigan tayo at ganun din kami ni James. Bilang kaibigan nyong dalawa, hindi ko kayo hahayaang mapahamak kayo. Kalimutan mo na si James habang maaga pa. Habang hindi pa kayo nasasaktan ng mas matindi. Maniwala ka sakin, walang patutunguhan yang pagmamatigas mo.

Raffy: Itigil na natin ang usapan tungkol kay James. Nawawala ako sa mood eh. Iba na lang ang pagkwentuhan natin. May sarili akong puso’t isip Christian. Walang pupwedeng magdikta sa akin. Alam ko kung saan ako nararapat. Alam ko kung saan ako lulugar. At kay James lang yun, kay James lang nakalaan ang lahat lahat ko.

Christian: Let’s see kung hanggang saan ang mararating nyang katigasan ng ulo mo. Sige, kwentuhan mo na lang ako ng mga experience mo sa abroad.

Binago na lang namin ni Christian ang usapan dahil nakakaramdam na ako ng inis sa mga pinagsasabi nya. Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin hanggang hating gabi. Nabago naman ang mood ng inuman namin at naging masaya naman ito. Dahil na rin sa mga kalokohang ikinwento ko sa kanya. Nang matapos ang inuman namin ay pinatulog ko na lamang sya sa guestroom. At ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi nya. Hindi kaya masaktan ko lang si James? Papano kung ganun nga ang mangyari?
Ganun lamang ang inisip ko buong magdamag hanggang sa nakatulog na ako.

James’s POV

“Lo ano na naman ‘to? Mas malala pa ‘to sa nauna ah. 379 people my God lolo Ed.” Pagrereklamo ko.

Lolo Ed: Hahahaha. Binibiro lang kita. Hahaha para kang paslit kung magreklamo. Hindi madalas ang mga lakad ko kaya naman, doon ka muna sa opisina magtrabaho. Sinabihan ko yung isa kong kakilala na bigyan ka ng trabaho. Full time yun, ganun muna total hindi pa naman naguumpisa ang pasukan eh. Ayos ba sayo yun?

James: Ok lang naman po lo, pero baka mamaya nyan matagalan na naman ang pag-aaral ko dahil sa trabaho.

Lolo Ed: Basta abisuhan mo lang ako kung kelan ka mage-enrol para masabihan ko yung kakilala ko.

James: Sige po lo. Maraming salamat po.

Lolo Ed: Anong salamat? Linisin mo yung library ko puro alikabok na yung mga libro doon. Ano ka siniswerte.

James: Hahahaha. Akala ko lulusot eh hahaha.. sige lo sisimulan ko na.

Halos abutin na ako ng gabi sa paglilinis ko sa library. Putek! Tindahan yata ng libro ‘to eh. Halos wala pa ako sa ¼ ng dapat ko linisin ay itinigil ko na muna at bukas ko naman ipagpapatuloy. Nagpaalam ako kay lolo Ed tsaka ako umuwi ng bahay. Pag-uwi ko ng bahay ay nandoon si Limuel. Tinulungan pala nya si nanay hanggang sa makauwi ito dahil wala naman pala silang raket ngayon. Hindi man lang nagsabi.

Limuel: Antagal mo naman. Kanina pa ako naghihintay ditto eh. Hindi ka man lang nagreply sa text ko. (sabay tinignan ko ang cellphone ko para icheck ang mga nagtext. Hindi ko pala napansin na nalobat pala ako.)

James: Hahaha hindi ko napansin. Lobat na pala ako.

Limuel: Tsk! Tsk! Ano kayang cellphone yan walang silbi. Itapon mo na nga yan. Bilisan mo na magbihis nagugutom na kaya ako.

James: Eh bakit hindi pa kayo kumain?

N. Martha: Kumain na kami. Hinihintay ka kasi nya kaya hindi sya sumabay sa amin.

Limuel: At kanina pa sila kumain. Kaya gutom na talaga ako, bilisan mo na para makakain na tayo.

James: Ikaw pala ‘tong may problema eh. Kung sumabay ka na lang sa pagkain nila edi sana hindi mo ako nirereklamuhang gutom ngayon. Sandali lang bihis lang ako.

Nagpunta kaagad ako ng kwarto para makapagbihis na. Ganyan na talaga si Limuel. Feel at home na sa bahay dahil medyo napadalas yung bakante nila. Ayos rin naman dahil hindi ko masyadong inaalala si nanay sa tuwing nandyan sya. Ang kaso nga lang minsan hindi nya na ipinapaalam sa akin. Isa pa para syang boss magmando. Ako naman ‘to sunod ng sunod.
Nang matapos na ako magbihis ay agad akong lumabas para makapaghain na para sa aming dalawa.

Limuel: Bilisan mo. (para syang excite na excite)

James: Tsk! Sandali lang naman. Nagmamadali na nga eh, hindi mo ba nakikita?

Limuel: Ang bagal mo kasi eh. Excited na akong kumain. Gutom na kasi ako. (naririnig ko ang tawanan nila nanay at tatay.)

James: Tsk! Dapat kasi kumain ka na kanina eh. Hinintay mo lang yata ako para pahirapan eh.

Binilisan ko na ang paghahain dahil mukhang gutom na talaga ang mga halimaw ni Limuel sa tiyan. Umupo na kami para kumain. Medyo duda ako sa hinain ko kung pupwede ba talagang kainin yun. Puro gulay na overcooked. Halos madurog na nga eh. Antigas ng karneng sahog nito. Pero dahil sa gutom na rin naman ako ay pikit mata ko na lang na kinain iyon. Baka pagalitan pa ako ni nanay pag nagreklamo ako sa luto nya. Ano kayang nangyari kay nanay bakit ganito naman kasi ang luto nya? Baka sa sobrang pagod ay hindi na rin nya naintindihan ang pagluluto nya kaya ganito ang kinalabasan.

Limuel: Ano na? Masarap ba?

James: Ha? Ah etong ulam ba? Sakto lang bakit? Wala yata sa mood si nanay magluto kaya ganito ang kinalabasan.

Limuel: Ha! Bakit hindi k aba nasasarapan?

James: Bakit ba tanong ka ng tanong? Akala ko ba gutom ka na? Kumain ka na nga lang tsk! (sabay biglang simangot nya at nagtuloy na sa pagkain.)

T. Rene: Purihin mo naman, si Limuel ang nagluto nyan eh. Bagong sahod yata kaya nanlibre ng ulam.

Limuel: Kaya nga tay eh. Wala man lang pakiramdam.

James: Kaya naman pala hindi ko maintindihan ‘to eh. Ikaw pala ang nagluto.

Limuel: Akin nga yan wag mo na kainin. Bumili ka na lang ng ulam mo dun sa labas. (sabay hatak nya ng lalagyan ng ulam)

James: Akin na, niluto mo ‘to kaya kakainin ko na lang. Sayang naman ang pera mo kung hindi mapapakinabangan ‘tong niluto mo. Tsk! Nagpupumiling ka na naman kasi eh.

Limuel: Ang kapal neto akin na nga yan. Excited pa naman ako kanina. (hinatak nya ulit yung ulam)

James: Akin na sinabi eh. Para kang tanga, masarap na ok! As if naman may choice pa ‘ko.

Limuel: Kita mo napipilitan ka lang. Ang hirap kaya lutuin nyan, tapos hindi ka mo man lang naappreciate.(at nagtawanan ulit sila nanay)

N. Martha: Hahaha. Parang nandito si Raffy pag nandito si Limuel. (bigla akong natahimik. At si Limuel naman ay napatitig sa akin)

Limuel: Nay don’t say bad words po.

James: Sira! Kumain na nga lang tayo. (biglang natahimik na lang kami hanggang sa matapos kami kumain.)

Hinugasan ko ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay nag-aya naman si Limuel na makipag-inuman. Mukhang bagong sahod nga sya. Panay ang libre eh. Tinatanggihan ko nga sya baka maubos ang pera nya kaso sya ‘tong mapilit eh. Nagpaalam kami kay nanay at tatay na iinom kami sa tapat ng bahay. Nang mapayagan kami ay agad kaming bumili ng alak at tsaka inihanda iyon sa labas. Sa maliit na lamesa at dalawang bangko. One on one.

James: Hindi kaya maubos na yang pera mo kakalibre?

Limuel: Hayaan mo na minsan lang naman eh. Wag mo na alalahanin yun. Wala naman akong pamilyang binubuhay eh.

James: Sabagay. Binatang binata ka eh.

Limuel: Parang ikaw may asawa ah. (Natahimik ako sa tinuran nya. Tsk! Palagi na lang may nakakapagpaalala kay Raffy. Namimiss ko tuloy lalo yung tao.)

Limuel: Oh! Natahimik ka na naman dyan. Iniisip mo na naman ba si Raffy? Alam ko mahal mo sya, pero sa tingin ko hindi na tama yang ginagawa mo. Limang taon na yun James, hanggang ngayon wala pa rin sya. Ni hindi nga natin alam kung naaalala ka pa nya eh. Walang tawag, walang text. Ikaw nalulungkot ka dito, eh sya? Maraming libangan sa ibang bansa. Marami syang pwedeng makilala dun. Ayaw ko ‘to sabihin pero baka naghihintay ka na lang sa wala.

James: Ewan, minsan nga naiisip ko na wag nang umasa. Ang kaso mahal ko talaga sya eh.

Limuel: Tama na siguro yung paghihintay mo ng matagal. Magmove-on ka na James. Hindi ka naman mahihirapan eh. Gagawin ko lahat para makatulong sayo na makalimutan sya.

James: Alam mo namang wala kang magagawa para makalimutan ko sya eh. Hindi ko na yata sya makakalimutan kahit pa makahanap ako ng iba.

Limuel: Hindi mo sya makakalimutan kasi ayaw mo. Bakit hindi mo kasi subukan. Kesa naman nagmumukha ka ng tanga sa kakahintay dun. Bakit hindi mo ibaling sa iba yung atensyon mo. Maraming nakapaligid sayo na nagmamahal sayo. Bigyan mo sila ng pagkakataon. Hindi puro si Raffy, wala kang mapapala dun. Aasa ka na lang ba sa wala?

James: Hindi ko kasi sigurado eh. Baka mamaya naghihintay din sya katulad ko. Papano pag bumalik sya. Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko? Ayaw kong masaktan si Raffy sa maling desisyon ko.

Limuel: Papano kung nakalimutan ka na nya? Papano kung hindi ka na nya mahal? Ayos lang sayo kahit ikaw ang masaktan? James, wag puro si Raffy ang iniisip mo. Isipin mo naman ang sarili mo. Ayaw mo syang masaktan? Ikaw lang ang masasaktan sa huli James. Malaking tao sila, at hindi natin sila kayang abutin. Sa huli maghahanap pa rin sila ng nababagay sa kanila. Katulad ng nangyayari ngayon, hindi mo ba naiisip yun? Kalimutan mo na sya.

Napahinga ako ng malalalim sa mga sinabi ni Limuel. Papano nga pag nangyari yun? Yun pa naman ang matagal ko nang kinakatakutan. Ano bang gagawin ko? Naguguluhan ang isip ko. Nagpatuloy pa ang inuman namin. Sa totoo lang tinatanggap ko na lang ang mga sinasabi ni Limuel kahit na nakakaramdam ako ng inis sa kanya. Kung iisipin ko kasing mabuti at susuriin ang puso ko, may mga pagkakataon talagang parang napapagod na rin ako. Natatako ako. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Sigurado akong mahal na mahal ko pa rin si Raffy pero, sya hindi ko alam. Hindi na ako sigurado kung mahal pa nya ako.

James: Alam mo, makakapanakit lang ako kung gagawin ko yung mga sinasabi mo. Bibigyan ko ng pagkakataon yung iba? Kalokohan yun, ayaw kong may mahulog sakin habang nandito pa ang pagmamahal k okay Raffy.

Limuel: James wag ka naman maging makasarili.

James: Hindi ako makasarili, mahal ko lang talaga si Raffy. Mahal na maha…

Limuel: Putang inang pagmamahal yan. James napakaimposible na nyang iniisip mo. Kung gusto ka pa nya edi sana gumawa sya ng paraan para makumusta ka man lang. Isipin mo ngang mabuti, mayaman sya kaya magagawa nya lahat. Pwede ka naman nyang tawagan mayat maya o minu minuto kung gugutuhin nya kahit nasa ibang bansa pa sya. Pero ano?! Wala hindi nya yun nagawa. Dahil kinalimutan ka na nya.

James: Gago ka ah! Ano bang gusto mo iparating sakin? Mahal ko sya at wala ka nang magagawa doon. Wala kang karapatang turuan ako ng mga dapat kong gawin dahil hindi mo naman alam ang nararamdaman ko.

Limuel: Alam ko! Alam na alam ko! Dahil katulad mo matagal na rin akong naghihintay. Naghihintay ako na matauhan ka dyan sa katangahan mo! Tumingin ka naman sa paligid mo. Wag kang magbulag bulagan.

James: Sino? Kanino ako titingin? Wala na akong nakikitang iba para sa akin. Limuel naman.

Limuel: Sakin ka tumingin. Hindi mo ba nakikita? Matagal na kitang hinihintay. Nagbreak na nga kami ng girlfriend ko dahil sayo. Dahil simula nung makilala kita, hindi na ako matahimik sa kakaisip sayo. James makita mo naman sana ang pagsisikap kong mahalin mo rin ako. Luging lugi na ako dito. Kahit konti lang pansinin mo naman ako. Hindi kita sinusumbatan, pero sana magising ka na sa kahibangan mo. Tama na ang paghihintay James. May natitira pa naman sayo, nandito ako. Kaya ko rin namang magsakripisyo para sayo. Napatunayan ko na James, hinintay na kita ng limang taon.

James: Limuel, kalimutan mo na yang nararamdaman mo sakin. Mahal ko talaga si Raffy. Masasaktan ka lang sakin.

Limuel: Matagal na akong nasasaktan James. Magtitiis ako hanggang sa mahalin mo rin ako.

Wala na akong iba pang nasabi kay Limuel. Kaya pala sobra ang pag-aasikaso nya sakin dahil may nararamdaman na pala sya sakin. Hindi ko man lang yun napansin. Naaawa ako sa kanya dahil sakin pa sya nahulog. Walang ibang laman ang puso ko kundi si Raffy lang. Sobrang gulo ng isip ko. Hanggang sa umuwi si Limuel. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Parang napakalupit ko naman sa kanya. Ano ba ‘to.

Mga tatlong araw din ang lumipas bago kami nakapagusap ni Limuel. Masyado akong napraning sa mga sinabi nya kaya naman parang ayaw ko na muna sya makausap. Pero naisip ko naman na baka hindi naman sya sigurado sa sinabi nya. Ewan! Hindi ko alam kung tanga ako o nagtatangahan na lang para sa nararamdaman nya para sa akin dahil puro si Raffy nga ang laman ng isip ko.

Nagtext sa akin si Limuel at humihingi ng sorry sa mga nangyari nung nakaraan. Nireplyan ko naman sya na ayos lang. Ayaw ko nga sana syang replyan dahil ayaw ko na syang paasahin eh. Pero kaibigan ko sya at hindi ko naman sya pwedeng balewalain. Itinext nya rin sa akin na kung wala naman daw akong gagawin ay sumama raw ako sa kanya at magsideline daw ako sa catering dahil kakailanganin daw ng maraming tao. May malaking handaan daw kasing gaganapin sa hotel. Hindi na ako nagtanong ng detalye basta sumama na lang ako dahil kailangan ko rin ng kita.

Naghanda na ako para sa trabahong gagawin ko sa catering. Pagkatapos ay agad na akong umalis para pumunta sa hotel. Nang makita ako ni sir Anthony ay agad naman akong kinumusta nito.

Sir Anthony: Oh James tagal mong nawala ah. May kasalanan ka sa akin ah, hindi ka man lang nagpaalam sakin na aalis ka na pala. Nakakatampo ka.

James: Sorry sir, may nangyari lang pong hindi inaasahan eh. Biglaan po kasi yung pagalis namin.

Sir Anthony: Naku ka! Gulpihin kita ngayon eh. Pero hindi pala pwede at marami tayong guest ngayon. Basta kung wala ka naming trabaho eh, pwede ka namang bumalik dito. Buti na lang malakas yung backer mo. Si Glenn at Limuel. Sige na asikaso na at marami tayong bisita.

James: Eh sir ano po bang meron bakit mukhang malaki laki yata ‘to ah.

Sir Anthony: Malaki talaga. Anniversary kasi ng Roger & Kim Enterprise eh. Maraming mayayamang bisita. Nagmumukha nga akong pulubi sa kanila eh.

James: Ikaw naman may-ari nito ah. Papano ka naman magiging pulubi?

Sir Anthony: Naku ka! Pulubi lang ako sa mata ng mga yan.

James: Kung pulubi ka na sa kanila eh ano pa kami hahaha..

Sir Anthony: Sige na wag ka nang dumaldal dyan. Asikaso na.

Halos mahilo hilo na ako sa kakaikot. Andaming bisita grabe! Para akong trumpo sa pagseserve. Pero ok naman, dahil mga edukado naman silang mga tao at walang masyadong nantitrip. Hindi lang talaga maiwasan na may maligaw na iilang tarantado talaga. Pero hindi ko naman na sila masyadong pinapansin. Hindi ko naman first time eh. Sa sobrang busy ko sa trabaho ay hindi ko na rin masyadong napansin ang nasa paligid ko. Nang bigla akong naestatwa sa nakita ko. Bumilis ng husto ang pagpintig ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko. Nangangatal na naman ang bibig ko. Halos tumutulo na rin ang luha ko nang mapatingin di sya sa akin. Si Raffy.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Yakap ng Langit (Part 13)
Yakap ng Langit (Part 13)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s1600/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s72-c/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2014/12/yakap-ng-langit-part-13.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2014/12/yakap-ng-langit-part-13.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content