$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Enjoying His First Time (Part 1)

By: A Little Mystery Is Healthy It was two days before Christmas. Hindi ako umuwi sa probinsya para takasan ang mga inaanak ko. You see, I h...

By: A Little Mystery Is Healthy

It was two days before Christmas. Hindi ako umuwi sa probinsya para takasan ang mga inaanak ko. You see, I had been in financial straits these past few months. Naglayas kasi ako. Ang natitira kong pera, pinambayad ko sa nirentahan kong maliit na bahay. Bumili ako ng konteng gamit. Di ako marunong magluto kaya either from fast food or lutong-bahay sa mga carinderia ang kinakain ko. Isa rin akong compulsive spender, lalo na sa libro. Kahit alam kong gipit ako, basta may bookstore, papasok at papasok ako, bibili at bibili nang magustuhan ko. Medyo marami na akong libro, yung iba di ko pa nababasa. Pero dahil mahilig akong magbasa, naniniwala naman akong di sayang ang mga binibili ko. Nagbabasa ako kung naghihintay sa pila sa 7-Eleven, sa Mang Inasal, Chowking o Jollibee. Nagbabasa ako kahit umaandar ang bus o jeep. Nung matuto akong mag-MRT at LRT, nagbabasa rin ako tuwing makakaupo. Minsan naman, maghapon ako sa inuupahan ko, tulog o nagbabasa. Pero mukha namang walang improvement sa pagsusulat ko, mas lalo sa pagsasalita. Nag-e-enjoy lang talaga akong magbasa.

Nung araw na yun, dalawang araw bago sumapit ang Pasko, pumunta ako ng Mall of Asia para magliwaliw. Matapos pumasok at makabili ng isang libro sa National Bookstore, tinungo ko ang loob ng mall at naupo sa isa sa mga benches. Kinuha ko ang binabasa kong libro mula sa aking bag at ipinasok ang nabili ko. Maya-maya, nag-vibrate ang phone ko sa bag; may nag-text. Kaibigan ko, nangungumusta at bumabati. Kaya naisip kong isa-isahin ang mga tao sa contacts ko at padalhan sila ng pagbati para sa Pasko. Konti lang naman sila kaya minabuti kong i-personalize ang mga mensahe ko para dun sa malalapit sa akin. Nang biglang nahulog ang librong binabasa ko. Bago ko ito pulutin, napadako ang aking tingin sa tao sa harap ko, nakaupo rin sa kabilang bench.
Nakatingin sya sa ... phone ko. Dali-dali kong pinasok sa bag ko ang phone ko (kahit na di naman ito kamahalan). Bigla syang tumayo at pinulot ang libro. Uunahan ko na sana sya pero maliksi syang kumilos. Binasa nya title ng libro, nagkunot ng noo. Inabot sa akin ang libro.

"Wala kang dios?" pag-uusisa nya matapos maibigay sa akin ang libro.

"Oo. Mamatay tao ako. Magnanakaw. Rapist. Holdaper. Terorista. In fact, ako ang nagbomba ng Twin Tower," tugon ko. Sa isip ko, porket ba nagbabasa ng libro tungkol sa mga argumento laban sa existence ng Dios, wala na agad dios? Pwede bang openminded lang? Sinisikap lang na malaman ang both sides of the coin before I reach my conclusion? Hindi biro ang usapin tungkol sa Dios at kailangan ng matamang pag-aaral. Naniniwala naman ako sa Dios. Hindi nga lang sa organized religion. Panira tong taong to. Malungkot na nga Pasko ko, huhusgahan pa ako ng di inaalam kung sino ako.

"San ang Twin Tower?" tanong nya na parang di nya talaga alam.

"Sa US," sagot ko.

"Katakot ka naman pala. Hehehe."

"Sa katunayan, holdap to!" pagbibiro ko. Tumawa sya, naupo sa tabi ko. Itinaas nya ang kanyang mga kamay na animo'y nagsu-surrender. Nalanghap ko pabango nya. Malinis sya. Neat. Makinis. Maputi. Mahaba ang mga pilik-mata. May isang dimple sa kanang pisngi. Matangos ang ilong. Maganda ang kurba ng panga. Cute. Hindi, hindi sya cute. Gwapo. Maamong gwapo.

"Alam ko namang nagbibiro ka lang. Sa liit mong yan, hoholdapin mo ako? Hahahaha."

Ngumiti lang ako. Ang bango nya. Ang weakness ko. Ang neat pa nya. Mas weakness ko. Pag-ibig na ituuu! Pero hindi pwede. Ipinasok ko ang libro sa aking bag at nag-ayos (kahit wala naman aayusin) para bigyan sya ng senyas na aalis na ako.

"Oops! Aalis ka na? Ayaw mo akong holdapin?" Sabay bunot ng cellphone nya sa bulsa. Kaya pala tinititigan nya cellphone ko kasi pareho kami ng unit. Mas cute nga lang case ng sa akin.

"Uuwi na ako." Papatayo na ako nang bigla nyang hawakan ang bag ko at pwersahin akong maupo.

"Itatanong ko lang naman kung san mo nabili yung case ng phone mo. Hehehe. Ang astig eh."

"Sa taas, harap ng McDo na nasa first floor. Hanap ka dun," sagot ko. Nagpumiglas ako pero nakahawak sya nang mahigpit sa bag ko.

"Penge number mo. Baka di ko mahanap."

"Gago ka ba? Di nga kita kilala. Oh, sya, sige na, matigil ka lang: 09XXX ... " Tinawagan nya. Tae, iba sumagot. Babae. Bigla nyang binaba.

"Tangina mo. Di kita bibitawan kung di mo ibibigay number mo. Pano kung di ko mahanap kung san ka nakabili? Di ako taga-rito. Mamaya maligaw ako. Samahan mo na lang ako kung ayaw mo ibigay number mo," wika nya sabay ngiti ng malalim. Maputi mga ngipin nya. Pantay pantay. Mapupula mga labi.

"Sige na, bigay ko na sayo. Uuwi na kasi di ba ako?"

Kaya ibinigay ko na. He dialed it and my phone vibrated inside my bag. Sinabi kong nakalagay sa "vibrate" mode ang phone ko. Alam kong ramdam nya sa higpit ng pagkakahawak nya ng bag ko. Ngumiti sya at bumitaw sa pagkakakapit sa bag ko. Mabilis akong tumayo at tinungo ang exit ng mall.

After two hours ...

Nagba-vibrate ang phone ko sa kama ko. May tumatawag at number lang nakalagay sa screen. Alam kong sya yun. Saulo ko ang huling numbers ng contact number nya. I secretly longed na sana di sya makahanap para tawagan nya ako. Nalusaw yung pag-asa ko when an hour had elapsed. Grabe naman katagal kung aabutin ng isang oras ang pagpili nya. Pero tumatawag sya ngayon. Syempre, para mukhang di naghihintay ng tawag nya, maang-maangan ako na di ko sya kilala.

"Hello. Who's this?" Mabait kong bati.

"English! Ang bait mo ah. Kani-kanila lang ang suplado mo."

"Excuse po, wrong number po yata kayo. Pa-check na lang ng number ng tinatawagan nyo. Pasensya na po." Super bait ko noh? Hahaha. Pakitang gilas lang.

"Tangina mo! Ako yung sa MOA kanina. Wag mong sabihing nag-uulyanin ka na?" Tahol nya sa kabilang linya.

"Sorry naman huh?! Pwede humingi ng pasensya dahil number lang nakalagay sa phone ko? At di nga kita kilala. Ba-bye na. May ginagawa ako." Pero di ko pinatay. Hinintay kong sumagot sya.

"Ayan, biglang tigre mode. Ganun ba ako kapangit at bigla na lang umiinit ulo mo? Ang cute ko kaya."

"Tae ka! Cute-tin mo muka mo! Siguro naman nakahanap ka na ng case para dyan sa lintik mong phone. Wala ng rason para guluhin mo pa ako. Bye na." Alam nyo na, di ko pinatay.

"Puta naman to. Di ba pwedeng makipagkaibigan? Para kasing matalino ka. Nagbabasa kung saan saan tapos naka-eyeglasses pa ng sobrang kapal. Hahaha. Joke lang. Medyo makapal lang. Hahaha. Magpapaturo sana ako mag-English. Hahaha. Gusto ko mag-apply sa "call cen'er".

"Bobo ako. Kaya nga nagbabasa para kahit papano eh may matutunan naman kahit konte. Ikaw ang matalino kasi di mo na kailangan magbasa di ba? Cellphone lang kelangan mo sa buhay. I bet kahit isang libro walang laman cellphone mo." Pintas ko sabay tawang nanunuya.

"Kapal mo ah. Meron akong libro sa phone ko. Yung guide kung pano gamitin ang phone. Hahaha. Sige na, turuan mo na ako kahit sa phone lang. Di ako titigil hangga't di ka umu-oo."

"Ba-bye na. May ginagawa kaya ako." Nilapit ko phone ko sa librong binabasa ko sabay lipat ng page para marinig nya ang kaluskos ng papel sa kapwa papel.

"Putang ina! Nagbabasa na naman ang hayup!"

"Bunganga mo ang anghang! Ba-bye na!" Pinatay ko na. Ilang segundo lang, tumawag ulit sya. Hinayaan ko lang. Paduda lang. Pinatay nya. Tumawag ulit. Sinagot ko na, baka patayin nya ulit.

"Putek naman oo. Ano ba problema mo? Alam mo naman pala na nagbabasa ako, eh bakit tawag ka nang tawag?" Sagot ko na may tono na parang asar na asar na pero di naman. In fact, natutuwa ako. Makulit din kasi ako. Mahilig mang-asar.

"Wala bang nawawala sa mga gamit mo? Hahaha. Gusto ko sana isole. Hahaha." Dali dali kong chineck bag ko. Nasa kama ang librong binabasa ko. Nasa loob ng bag ang bagong libro. Nandun din ang bolpen. Stabilo. Index cards. Nandun din ang wallet kong walang laman liban sa mga ID at cards. Takte, wala sa may kanang bulsa sa labas ng bag ang super liit kong payong.

"Sabi ko na nga bang magnanakaw tong takteng to. Ibalik mo yun. Di ko yun ninakaw. Kabibili ko lang nun last week. Asar to. Ibalik mo yun! At tatawag ka pa talaga para ipagmalaki ang ninakaw mo!"

"Hahaha. Di ko naman intensyon na kunin. Gagawin ko sanang excuse sakaling di kita mapigilang umalis. Eh bigla kang tumayo kaya di ko na naibalik sa bulsa. Hahaha."

"Magnanakaw kang lintek ka! Ibalik mo yan! Mahal pa yan sa buhay mo!" Biro ko na may halong konting inis. Nawala sa Jollibee ang isa kong payong kaya napilitan akong bumili ulit. At ngayon naman, kinuha ng bwiset na to.

"Di ko ibabalik hangga't di ka pumapayag na turuan ako ng English. Hahaha. May silbi rin pala itong payong na to. Cute pa naman nito. Di katulad ng may-ari, palaging handang manakmal!"

"Ikaw na magnanakaw, ikaw pang may ganang magsabi ng ganyan. Eh ikaw kaya maka-meet ng bwesit!"

"Wow huh. Bwesit ang ganitong mukha? Hahaha."

"Engot ka, oo. Sobrang kakabwesit! Ibalik mo payong ko. Magnanakaw!"

"Sige, di mo na to makikita. Hahaha. Magamit nga mamaya. Hahaha."

"Nasisikmura mong gamitin? Sabagay, ganyan mga magnanakaw, walang konsensya!"

"Hahaha. Wala akong pake. May pake ako kung papayag ka na."

"Takte ka. Sige na! Ibalik mo payong ko!"

"Sige, bukas dun sa labas ng Starbucks bukas. Libre mo! Hahaha."

"Ngarap ka! Ano oras?"

"Mga 5 para di na mainit."

Kinabukasan ...

Maaga sya Nagtext sya na nandun na sya 30 minutes before 5. Mas maaga ako. Isang oras bago ang alas singko. Nung nagtext sya, lumabas ako ng National Bookstore at tumungo sa Starbucks. Lumakas kabog ng dibdib ko. Bigla akong pinagpawisan. Napi-feel kong parang nahihiya ako.

"Aga ah. At galing ka na naman sa impierno?" Bungad nya.

"Pasok ka na dun. Kanina ka pa hinahanap ni Satanas." Natatameme ako. Parang ayoko magsalita. Umupo ako. Tumingin sa malayo. Tumingin sa kanya. Nakatingin sya sa aken. Nakangiti.

"Pumunta ako dito para sa payong ko. Asan na?"

"Ai, hala, naiwan ko!"

"Wag mo akong ginagago. Isang oras din byinahe ko sa sobrang traffic makapunta lang dito." Bigla akong kinabahan. Naka-shorts sya. Walang bag. Wala sa tabing upuan ang payong.

"Akin na nga kasi. Uuwi pa ako. Alam mo naman Pasko na mamaya." Nagsusumamo na ako, taliwas sa impression na alam nya sa akin. Alam ko na kasing di nya dala.

"Di ko dinala. Hahaha. Next time na lang. At least alam kong may next time. Hahaha. Upo ka na." Ngumiti sya na parang ulol, sabay hila pababa sa nakataas nyang kamay na parang nagsi-senyas ng "yes!"

"Alam mo po, hindi na ako natutuwa sa mga pang-aasar mo. Di po kita kilala. At di po ako nakikipagkilala kung kani-kanino. Tapos po malaman-laman ko po magnanakaw ka. Ngayon naman, manloloko. Sabihin ko lang po sayo na di ko ninakaw ang payong na yun. Pinagpawisan ko yun. Nagtipid ako para lang makabili ng maayos na payong. Alam ko naman na di mo alam kung paano maging mahirap, damit mo pa lang alam ko ng mayaman ka -- o magnanakaw. Medyo nakakaasar lang kasi. Dami ko na ngang problema, dadagdag ka pa. Sabagay, di mo naman mapapagdaanan ang mga pinagdadaanan ko. Sige na, alis na ako. At para di naman nakakahiya sayo, bigay ko na sayo ang payong. Sayong-sayo na!"

I left him there stunned. Dire-diretso ako sa sakayan pauwi. Parang gusto kong umiyak. Gustong kong manigaw. Gusto kong magalit. Gusto kong magmura ng "putang ina". Pero hindi ako ganun. Habang naglalakad, sinisimulan akong bagabagin ng konsensya ko. Kahit anong sama ng tao, di mo dapat pinagsasalitaan sila ng masama. Ikaw ang nakakaintindi, o kayang umintindi. Ganito ako matapos magalit. Nakokonsensya kahit di ko naman kasalanan.

Umuwi ako sa Tita ko para dun mag-celebrate ng Pasko. Nakatulog ako sa halos tatlong oras na byahe. 10:30 na ako nakarating. Pag-check ko ng phone ko, may 4 missed calls at 2 messages. Lahat galing kay Kuyang MOA. Humihingi ng sorry. Di na raw ako gagambalain pagkatapos nyang maisauli ang payong. Text ko raw sya kung saan kami meet. Basta raw yung malapit sa tinutuluyan ko. Sya na lang daw pupunta. Sorry ulit, ang sa hulihan ng mensahe nya. Sorry talaga.

Tinext ko sya na okay lang. Pasko naman, kelangan patawarin ang mga gagong tulad nya. Sabay lagay ng maraming "Hahahahahahahahahahahahahaha." Siguro ganyan karami. Tapos "Merry Christmas! :)"

December 25 na, alas dos ng madaling araw. Tulog na ako nang ginising ako ng nagba-vibrate kong phone.

"Grrrhh! Iba ka talaga. Hindi ka bwiset, sumpa ka!" Bungad ko, pero pabiro.

"Ai, sorry kung nagising kita! Tulog ka na ulit. Sorry. Sorry talaga."

"Wala na! Nawala na antok ko. Sino ba naman di magiging alerto kung may kausap na masamang tao?"

"Grabe ka naman. Di naman ako masamang tao," sagot nya na parang nagpapaawa.

"I-remind lang kita na magnanakaw kang takte ka! Payong ko!"

"Tanginang yan! Hanggang pagtulog, di makalimutan. Sabi mo bigay mo na saken yun. So di na ako magnanakaw. Pero isasauli ko. Kaya talagang sobrang bait ko. Kaya nga ako tumawag para isauli bukas. Kung pwede ka at kung gusto mo." Parang syang nagmamakaawa. Nakonsensya rin siguro ang gago.

"Di ako pwede bukas, kung mamaya ang ibig mong sabihin. O kahit kelan. At ayaw na kitang makita, engot ka!" Tumawa ako ng malakas. Tumigil bigla kasi pumasok Tita ko sa kwarto. Nagulat daw sya kasi ang alam nya tulog na ako. Sabi ko, nagising ako dahil may tumatawag. Ngumiti lang Tita ko. Parang alam nya.

"Ui sorry na. Di ko naman kasi alam na tulog ka na. Paskong-Pasko, tulog."

"Ai, sorry huh! Di naman ako bata para ma-excite ng sobra sa Pasko."

"Sige na, tulog ka na ulit. Pasensya na ulit. Tawag na lang ulit ako mamaya."

"Bukas na tayo magkita, December 26, 10 AM sa SM Sucat, sa Starbucks. Sharp. Late ka, libre mo. Late ako, libre mo. Hahahaha. Bye!"

Pinatay ko na. Di ko na sya hinintay pang magprotesta. Ilang segundo lang ang lumipas, nag-text sya: "OK."

December 26.

Nagtext ako na hihintayin ko na lang sya sa Starbucks. Umorder na ako kasi nahihiya ako; baka totohanin nya ang libre. Nagtext din sya na kanina pa sya. Sarado pa raw ang mall, nasa labas na sya. Pero di raw nya mahanap ang Starbucks. Parang wala naman daw. Nandun pala sya sa kabilang building. (Dalawa ang buildings ng SM Sucat, nahahati ng Skyway at pinagdugtong ng parang overpass sa second floor.) I instructed him kung san sya pupunta at maya-maya lang ay nagtext na sya na nasa building na sya. Ilang minuto lang ay nakita ko na syang pumasok ng Starbucks.

Naka-polo shirt sya. Naka-maong na medyo hapit sa legs. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, gentlemanly. Nakabackpack ng maliit na Jansport, deep blue. Napatingin ang dalawang mukhang sosyal na babae sa kanya habang papalapit sya sa akin. Di nya napansin. Nakangiti sya. Binalak kong salubungin sya na galit ang mukha pero di ko kinaya. Napangiti na lang ako nung nakita ko sya.

"Oh, payong mo para makatulog ka na nang mahimbing." Kinuha nya yung payong sa kyut nyang bag tapos binigay sa akin. Hinablot ko ang payong. Tumawa sya na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid. Tumingin ang dalawang babae kanina. Nakatalikod sya sa kanila kaya di nya pansin. Pero ako, alam ko na bet nitong dalawa si Kuya. Si Kuya naman, umupo sa harap ko, tumingin sa counter, pumili ng oorderin.

"Akala ko ba libre ko? Eh bakit may order ka na?"

"Libre mo nga. Di ba pwedeng bayaran mo na lang ako imbes na sa kahera?" Ngumiti ako. Ngumiti rin sya. Yung nakakaulol na ngiti. Humigop ako ng kape. Pinunasan ng tissue ang magkabilang gilid ng labi ko. Baka tumulo laway ko. Hahaha

Tumayo sya at nag-order. Tinanong nya ako kung may gusto pa ako; umiling-iling ako. Matapos magbayad, naupo sya ulit. Tapos bigla-bigla, humingi ng pasensya. Ako naman, panay okay lang, okay lang sabi. Sa huling "okay lang sabi" ko, pinandilatan ko sya para tumigil na.

"Wala ka yatang eyeglasses ngayon." Pansin nya. Biniro ko sya na nahulog nung nasa jeep ako pauwi matapos ko syang walk-out-tan. Natanggal ang isang salamin. Kinunsensya ko sya. Sumpa sya sa buhay ko kasi pulos kamalasan nangyayari simula nung nakilala ko sya. Bigla syang nag-assume ng malungkot na mukha. Di na nagsalita. Kaya napilitan akong bawiin ang mga sinabi ko. Joke lang. Naka-contacts ako. Biglang ngiti sya. Pagdakay nabaling ang tingin nya sa tabi ko, kung saan nandun ang librong binabasa ko. Bigla kong kinuha, saktong ipapasok ko na sa bag ko nang agawin nya. Nag-tug-of-war kami sa libro. Bago pa man masira, binitawan ko na. Binasa nya title.

"Puta, kahit kwentong rabbit, binabasa mo? Hahaha. Mas baliw ka pa yata sa baliw naming kapitbahay. Hahaha."

"Pake mo! Akin na nga yan at baka nakawin mo pa yan. Mura lang yan. Sa Booksale ko lang yan nahanap kaya wag mong pag-interesan. Unless na lang babasahin mo, ibibigay ko sayo."

"Talaga? Eh di mo pa naman tapos basahin ah. Nangangalahati ka pa lang oh." Binuklat ang parteng may bookmark.

"Pangatlong beses ko na yan binabasa ngayon. Favorite ko yan. Kung gagawin mo lang yang panggatong, akin na. Mahalaga pa yan sa buhay mo."

"Ulol! Akin na lang to. Binigay mo na. Di ko naman ninakaw ah. Babasahin ko. Mahilig din kaya ako magbasa. Hehehe."

"Medyo suspecha ko rin. Papaturo ka ng English, eh yung 'R' mo nga, sobrang arte mong bigkasin. Parang taga-Arneo."

"Hahaha. Sorry naman. May karapatan ... " Napatigil sya sa "ra", pinilit na bigkasin na di maarte pero di nya kaya, "karapatan naman ako na magbigkas ng ganun, eh sa Ateneo naman ako graduate."

"Takte. Magkaaway school natin. Mayaman school mo. Pangmahirap school namin. Allowance namin for one month, baon nyo pa lang for one day. Exam nyo, quiz pa lang namin. Hahahaha."

"Ulol. Alam ko na kung anong school ka. Alam ko yang joke na yan. Feeling nyo ketatalino nyo, pero sayo, parang totoo." Ngisi sya, labas ang konteng ngipin.

"Di ako matalino," sagot ko. Tinawag pangalan nya. Mark. Ngayon ko lang nalaman. Kinuha nya order nya.

"Di ko sinabing matalino ka. Sabi ko, sa case mo, talagang tunay na feeling matalino." Tawa na naman sya ng sobrang lakas. Tiningnan ko ang dalawang ate. Wala na sila.

"Takte ka. Makaalis na nga, tutal tapos na ako kumain at nasa akin na ang mahal kong payong." Inayos ko ang laman ng bag ko. Tapos nag-act na parang tatayo na. Tiningnan ko sya. Estatwa. Di na kumibo. Di na gumalaw. Nakayuko. Malungkot ang mukha.

"Joke lang. Tapusin mo na pagkain mo."

Nagsimula na syang magtanong, interview-type. Taga san ako. Kung malapit lang ba ako dito. Oo, isang sakay ng trike. Sino kasama ko sa bahay. Ako lang. Nasan family ko. Province. Ano trabaho ko. Naghahanap. Ano tinapos ko. Management. Kung totoo, ano ang functions of management. Sinagot ko. Management nga raw ako. So alam ko na management din sya. May jowa na ba ako. Wala. Girlfriend. Wala. Boyfriend. Gagu!

Tumawa kami ng malakas, Tumingi samen ang kabilang table na mukhang isang pamilya. Sssshhhh, sabi ko sa kanya.

"Apply akong jowa mo." Nakangiting wika nya.

"Tapusin mo na kinakain mo. Tapos umuwi ka na. Nagsimula ka naman mambwesit." Hindi ko alam pero di ko maintindihan naramdaman ko. Parang gusto kong maniwala na totoo ang sinabi nya. Pero naniniwala naman akong nagbibiro lang sya. Lalaki naman akong kumilos, most of the time. Once na magsalita ako, medyo may bahid na. Pero di naman sobrang halata. Lalaki naman sya kumilos. Lalaki magsalita. Tsaka di kami bagay. Gwapo sya. Gwap lang ako, kinapos ng "O". Mabango sya. Mabango naman perfume na ginagamit ko. Gago sya. Ewan ko lang kung gago ako. Di pwede. Alam ko yun.

Ang tagal nyang kumain. Ang dami nyang tanong. Maisusulat nya na biography ko once na mamatay ako. Wag ko raw syang iwan, di raw ako pwedeng mamatay. Ang waley ng joke nya. Magpapakamatay ako pagtinagalan pa nya. Inubos nya na. Tumayo kami. Tinungo at pinto. Pinasalamatan kami ng guard.

"Wow huh! Kahit sa guard, ang bait. Nginitian mo pa after magpasalamat. Pero saken, badtrip ka palagi. Totoo nga siguro ang "the more you hate, the more you love." Dalawang kamay, senyas ng yes! sa ere.

"Muka mo! Manahimik ka. Umuwi ka na. May pupuntahan pa ako."

"Tangino neto. Samahan na kita. Sa impierno ka naman pupunta sigurado."

"Uuwi na ako, takte ka. Umuwi ka na rin. Malayo ka pa ... Salamat."

"Naks naman, lumalabas ang bait pag nagpapasalamat. Isa pa nga?"

"Ang tagal mo maglakad!" Bigla kong binilisan hakbang ko. Bumilis sya ng lakad.

"Di ba mag-isa ka lang sa bahay? Sama ako. Inom tayo. Hahaha."

"Umuwi ka na. Di ako umiinom. May gagawin pa ako. At di ako nagdadala ng di ko kilalang tao sa bahay." (Hanggang ngayon, di ko tinatanong pangalan nya, na alam ko na. Pati rin sya, siguro nahihiyang mapahiya kung di ko sabihin. Hahaha) Gusto ko syang isama. Sige, iinom ako kahit di ko talaga gusto lasa ng alak. Basta sya ang kainuman ko. Sana magpumilit sya.

"Sige na. Kahit Red Horse lang." Pamimilit nya.

"Di nga ako umiinom; ang kulet! At sabi ko, may gagawin pa ako. Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng Nanay mo. Di pa raw kayo nagsasaing.

"Hahaha. Hayaan mo silang magutom. Sige na. Kahit tig-isang bote lang."

Pumayag na ako. Isang bote lang naman eh. Dumaan kami ng 7-Eleven. Bumili sya ng dalawang bote. Natakot ako. Akala ko yung kasing laki lang ng 12-ounce coke. Pang-1 liter ang putek. Di na ako kumibo. Kumuha sya chichirya. Nagbayad.

Sinamahan nya ako sa palengke. Bumili kami pagkain para sa pananghalian at hapunan. Ako nagluto. Kumain kami. Ang sama raw ng lasa. Halatang di marunong magluto. Binatukan ko sya. Joke lang daw. Konte lang kinain ko. Naubos nya kanin. Napakasinungaling! Parang halimaw kung kumain. Parang wala ng bukas. Alas 2:30 na kami natapos kumain ng pananghalian.

Naglinis muna ako konte. Tapos naligo. The whole time, he was watching TV. Nagjoke pa kung may bold films daw ako. Sabi ko, umuwi na sya kung yan ang hanap nya.

Alas 5. Nagsimula syang tumagay. Nung ikatlong round, ayoko na. Sinabi rin nyang namumula na raw ako. Tawa sya ng tawa. Halatang di ako marunong uminom. Para raw akong umiinom ng mapait na gamot tuwing tatagay. Gago ka! Minura ko sya. Isa o dalawang shots lang talaga ako. Tapos ayoko na. Uubusin daw nya yung isang bote. Hinayaan ko na lang sya.

Mabilis nyang naubos. Laging na sya. Maraming kwentong di ko naman maintindihan. Ang naaalala ko lang, nag-joke sya na gusto raw nya matalino, cute, demure at pa-virgin. Minura ko sya nung nabanggit nya ang hule. Malagkit tingin nya sa akin nung sinasabi nya yun. Parang alam ko na. Di na yata ako nangangarap.

Madilim na nung matapos inuman namin. O pag-inom nya. Kumain kami ng hapunan. Parang di naman sya sobrang lasing. maayos naman kung tumayo. Medyo lasing nga lang magsalita. Kaya ayun, inakay ko sya sa kwarto. Pinahiga ko sa kama ko. Bagsak!

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nag-prepare ng breakfast. Nung tatawagin ko na sya, nakaupo na sya sa gilid ng kama, ngumiti ng pagkalalim pagsilip ko. Matutunaw yata ako. Mas mainit pa sya kesa sa harap ng kalan. Akmang tutulungan ko syang tumayo pero bigla syang humagalpak ng tawa. Di na raw sya lasing. Sabi ko, baka may hangover sya. Wala raw dahil lasinggero sya. Sabay tawa ng malakas. Lumabas na ako ng kwarto.

"Ang sarap kagabi noh?" Bigla nyang banggit habang kumakain kami.

"Huh? Anong masarap kagabi?"

"Wag ka nang tumanggi. Nag-enjoy ka naman siguro. Ako kasi, sobrang nag-enjoy. Ang sarap talaga. First time ko."

"Gagu ka! Takte! Walang nangyari kagabi. Putek ka. Anong sinasabi mo dyan! Tingnan mo nga damit mo, nakabutones pa. Gagu to! Gagawin pa akong rapist!" Sunud sunod na maliliit na subo, parang badtrip na badtrip. Hagalpak sya sa tawa.

"Ang greenminded mo. Ang ibig kong sabihin, ang sarap matulog dito sa bahay mo. Presko. First time ko pa lang naman matulog dito ah. Eh ikaw, ewan ko lang kung mahimbing tulog mo. Tanggi ka pa nang tanggi na di ka mabait, eh nakita kitang sa lapag ka natulog. Ang bait mo talaga."

"Bisita ka, gagu ka! Next time, sa kalye ka na matulog dahil di ka na bisita."

"Thanks huh. May next time pa ...  Pero seriously, ang bait mo. As in sobra. Wag kang magagalit huh. Unang kita ko sayo, gusto na kita maging kaibigan. Di ka naman gwapo pero ang cute mo. Oh, oh, tahimik. Tapos alam kong matalino ka. Oh, oh, tumigil ka nga. Patapusin mo muna ako. Na-confirm kong gusto talaga kita kahapon lang. Gusto na kita nung una, pero mas lamang yung parang friends lang. Pero di na ngayon. At alam mo, iba ka. Sobrang iba. Mga katulad mo ... "

"Putek ka," mura ko sa kanya sa pagkukumpara sa akin sa iba.

"Hindi nga. Mga katulad mo, di na papalagpasin ang pagkakataon kagabi. Di naman talaga ako sobrang lasing. Alam ko kung may mangyayari. At kung meron man, gusto ko naman. Gusto na kita. Pero iba ka. Alam ko namang gusto mo ako, gustong gusto, pero ... "

"Presko mong animal ka ah!"

"Manahimik ka nga muna!" Sabay ngiti ng sobrang amo. Tumigil na ako. "Pero iba ka nga. Di ka nag-take advantage kahit alam mong gusto ko rin naman. Tangina, inlove na yata ako sayo, gagu ka!"

Di na ako makakibo. Nag-init na naman mukha ko. Katawan ko. Sunud sunud na maliliit na subo. Sulyap ng konte. Nakatingin sya. Biglang baba ng tingin sa kinakain.

"Alam mo, ang cute mo. Sobrang virgin! Hahaha."

"Takte ka. Kumain ka na. Dami mong sinasabi," wika ko, ngunit sa loob loob ko, gusto ko nang sumigaw ng Yahoo! ng sobrang lakas.

"Di mo ba ako gusto? Sorry ha, di yata ako pasado sa mapanlait mong taste. Naghahanap ka ba ng mas gwapo? Alam ko na! Naghahanap ka ng matalino! Sorry huh, di ako yun." Malungkot na mukha. Malalaking subo.

"Di ba sinabi mo na alam mong may gusto ako sayo? Kung wala, eh di tinanggi ko na sana. Di ba di naman ako nagprotesta sa pagpi-feeling mo? Totoo naman. Hehehe. Sorry, bigla akong nahiya. Hehehe." Nahiya talaga ako. Di ako vocal sa feelings ko.

"So tayo na?" Sino ba tatanggi sa mala-anghel na mukhang to? Tumango na lang ako. Parang pinipigil nya ang ngumiti ng sobra sobra.

"So sex na tayo after nito? Hahaha"

"Pagkatapos nito, uuwi ka na kasi baka hinahanap ka na nila Mommy (Hahaha). After nun, kita na lang tayo next time. Let's just see what happens next."

"Tang-ina, pa-hard to get ang puta."

"Okay. Bilisan mo na. Maligo ka na. Lumayas ka na. I-erase mo na number ko. Tapos!" Pagbibiro ko.

"Hahaha. Joke lang. Mas gusto ko nga ang ganun. May challenge. No pain, no gain," sabay nguso sa pwet ko.

"Gagu!"

Naligo sya. Pinahiram ko sya ng shorts at damit. Nilabhan ko damit nya. (Shit! Naging katulong! Hahaha.) Dalawang beses sa dryer. Sampay sa labas. Nag-usap kami tungkol sa buhay-buhay namin. May kaya raw sila, di naman mayaman. Di ako naniniwala. Pinakita nya mga photos ng pamilya nya sa phone nya. Yan ang mommy at daddy natin. Yan si Kuya. Pakilala nya. Mas gwapo si Kuya sayo. Pwedeng sya na lang? Biro ko. Tangina mo! May asawa na yan. Isang anak. Sagot nya. Okay lang. Sagot ko. Puta, ang landi mo! Dugtong nya. Sino kaya malandi? Tanong ko sabay tusok sa kili-kili nya. Lakas ng kiliti nya. Pati sa beywang at tiyan, meron. Kaya kiniliti ko sya nang kiniliti. Ang harot mo! Haliparot! Bulol-bulol nyang sabi sa gitna ng tawa nya. Hinawakan nya dalawa kong kamay. Kinabig ako papalapit sa kanya. Umiling iling ko. Papalapit na labi nya sa labi ko.

Matutuloy kaya? Abangan!

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Enjoying His First Time (Part 1)
Enjoying His First Time (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhWXUwN9ZVCNFuV7eM8cfyzBOWT36GAYbzCiG23FuW-SVjqK0qaDIvDfIBDl_8gxCbGOYWlEcqwL537XThNvs1OZeIdyExu2rEqKCda5sPMC8uHTIL6NRkJYUtc17_NiQUAoGF_w3b1DXEJ/s1600/blogger-image--1132679724.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhWXUwN9ZVCNFuV7eM8cfyzBOWT36GAYbzCiG23FuW-SVjqK0qaDIvDfIBDl_8gxCbGOYWlEcqwL537XThNvs1OZeIdyExu2rEqKCda5sPMC8uHTIL6NRkJYUtc17_NiQUAoGF_w3b1DXEJ/s72-c/blogger-image--1132679724.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/01/enjoying-his-first-time-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/01/enjoying-his-first-time-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content