$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Where Do Broken Hearts Go?

By: Depressed Guy Note: Yay. thanks for reading it po, I hope na appreciate niyo ulit :) I must admit, I've had the worst times writing ...

By: Depressed Guy

Note: Yay. thanks for reading it po, I hope na appreciate niyo ulit :) I must admit, I've had the worst times writing it po kase the past days lumalala na depression ko. Anyways, thank you po. Happy Holidays :)

"Is it better to have had a good thing and lost it or never to have had it?" -Statistical Probability of love at first sight (J Smith)

Valentine's of 2013, I decided to step out of Metro Manila. Kahit once man lang I need to be elsewhere, walang stress, walang makakakilala sa'kin, tho andyan pa rin yung sakit na dala dala ko dito sa fragile heart ko.

Calea, Lacson Street- Dun nagsimula lahat. Intense yung downpour ng ulan dito, valentines pa naman sana. Pero okay lang, mamimiss ko rin yung ganito. Anyway, so ayun ako, naghihintay ng order ko then may pumasok na guy, basang basa sa ulan, kawawa naman to talagang sinuyod talaga ang ulan basta't makapunta lang dito. Masarap naman talaga yung cakes dito kase I've been here din a lot of times. Balik sa kanya, parang may hinahanap itong si oh-so wet guy. Parang natawa ako sa kanya, siguro hindi siya sinipot ng date niya. Tsk naloko

I noticed na may dalang white roses itong si rainy guy, sayang naman ng effort nito kung hindi man lang siya sisiputin. Hindi masyado kalakihan yung pastry shop kaya wala ng seats na vacant maliban sa isa na nasa table ko. Ikot pa rin siya ng ikot pero mistulang hindi niya mahanap yung date niya. Nilapitan siya ng guard siguro pinapalabas na. Kawawa naman to, ewan pero parang may tumutulak sa akin na sabihan yung guard na ako yung kadate niya pero kusa siyang lumabas. Naawa na talaga ako kase sobrang lakas ng ulan sa labas. Haay sino kaya yung ka date nito?
Biglang nag ring phone ko
"Ah Ma?"
"Sander, diba I told you na huwag kang basta bastang aalis alam mo na"
"Ma I'm fine, kaya ko na to. Everything's going to be okay, trust me on this"
"Alagaan mo sarili mo diyan Sander, please anak ingatan mo"
"Ma, alam ko, iingatan ko, bye Ma. Love you"
"Keep safe ha? Mahal na mahal kita Sander anak, bye"

Si Mama talaga, inaalala yung puso ko. Ako nga hindi ko na lang pinapansin kase pag maaalala ko malulungkot lang ako. Kaya nga ako umalis para makalimutan kahit minsan man lang yung trahedyang kasalukuyang bumabalot at tumataga sa puso ko. For once gusto kung maranasang mabuhay ng normal, pero epal talaga tong pusong ito tsk.

Hindi parin maalis sa isip ko yung si rainy guy, asan na kaya yun. Pagkatapos kong kumain umalis na agad ako. Buti na lang pinahiram ako ng payong ng staff kaya ayun hindi ako mababasa. Lumabas na ako, ang hirap namang humanap ng taxi parang may laman lahat at umuulan pa. Kawawa naman ang valentine's dito, kinontra ng ulan.

Nagpalakad lakad ako ng kunti, parang feel na feel ko talaga yung moment. Tapos biglang

"Hoy! Magpapakamatay ka ba!"

Natigilan ako, sino kaya yung sinigawan. Tinuon ko ang atensyon ko sa daan.
"Where did all those white roses come from?" narinig ko sa mga taong tila nangungusisa
"I feel pity for that guy, kawawa naman siya"

Ano tong mga naririnig ko? Kaya ayun lumapit ako dun sa actual scene. Tapos, HALA! SIYA YUNG GUY KANINA! Naka scatter yung mga rose sa daan pero hindi naman napaano itong si rainy guy. Umuulan pa rin.

"Hoy! Kung balak mong magpakamaty huwag mo akong idamay! Wala akong paki kung nag break man kayo ng girlfriend mo o hindi ka sinipot ng date mo! Tabi" sigaw ng driver, nasa tapat ng kotse si rainy guy. Ako naman itong good samaritan, nilapitan ko siya at pinayungan.

"Ah Hey, umuulan, if you're going thru something well dun ka mag drama sa safe na lugar huwag dito"
"Leave me alone"

Aba siya na nga yung tinutulongan

"Hoy ano ba! Umalis na kayo diyan!" sigaw ulit ng driver

"Opo, aalis na kame ng bestfriend ko diba best?"
Bigla na lang umiyak itong si rainy guy kaya ayun sumama rin. Nakiki isa yung ulan sa buhos ng kanyang emosyon.

"Please take me to Calea, please. Hinihintay na niya ako"
"Uh sure ka ba na nandun siya? I mean baka hindi ka lang sisiputin"
"Please" sabay punas ng mga mata

Grabe first time akong makakita ng lalakeng sobrang umiyak. Yung parang labis na labis ang pagmamahal niya dun sa taong tinutukoy niya. Kawawa naman talaga to.
"Sige na nga"

Ayun dinala ko siya dun. Back to where I first saw him.

Pagpasok namin dun, buti na lang vacant pa yung seat ko kanina kaya dun kami pumwesto. I took the initiative na mag order, ulit.

Grabe parang na mute itong si rainy guy. Siguro dinidibdib pa rin yung mga nangyari.

"What is it like?"
Tanong ko

Hindi pa rin siya kumibo

"What is it like to be heart broken?"
"Masakit" tipid niyang sagot
"Hindi naman masyado, heart broken din nga ako ngayon pero wala naman akong nararamdamang sakit"

Umiba yung timpla ng mukha niya. Nagtataka siguro sa mga nasambit ko

"Lilipas din yan! Buti nga yung sayo maaagapan pa yung sa'kin hopeless na"

Tapos biglang siyang umiyak, kalalakeng tao daig pa ang babae kung umiyak.

"Ginawa ko naman lahat lahat! 6 years minahal ko siya ng sobra sobra, sinakripisyo ko pa nga pati trabaho at pamilya ko para lang sa kanya tapos dumating lang yung lecheng first love niya kase sabi niya na rekindle daw yung love nila! Ganun lang yun? Tangina!"

"Grabe nam-

"Tapos nung pumunta kame ng Baguio tiniis ko talaga yung lecheng road trip na yun kase ayaw niyang mag eroplano. Nung birthday niya nag leave talaga ako sa trabaho at pinili kong puntahan siya kahit anniversay ng parents ko! Nung new year halos maubos savings ko kase gusto niya yung fireworks na may heart shape at nung valentines pinakiusapan ko pa yung landscaper na uuwi na sana ng probinsya para lang mapagawan yung garden niya ng mga white rose pagkatapos ng lahat ng mga pinagsamahan namin ganun ganun na lang yung gagawin niya?

Lumakas yung boses niya at parang naiistorbo na yung ibang kumakain.

"Okay, eto gagawin mo. Tawagan mo siya ngayon, sabihin mong mahal na mahal mo siya na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya"
"Ginawa ko na yun"
"Uh, tawagin mo yung first love niya! Sabihin mo na huwag umapel sa inyo"
"Ginawa ko na, binugbog lang ako"
"Hmm. Gawin mo ulit"
"Pagod na pagod na ako"
"Edi mag move on ka! Wala naman tayong magagawa, huwag pilitin ang ayaw!"
"Bakit sino ka ba? Ang lakas mo ring umepal no! Hindi mo alam kung gaano kasakit!"
"Una, Ako lang naman ang lumigtas sa buhay mo eh no? Pangalawa, ikaw na nga tong tinutulongan. Pangatlo, hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan!"
"Eh ano yung sayo?"
"Huwag na lang nating pag usapan yon, kaya nga ako pumunta dito para makalimot"
"Gusto ko nang mamatay"
"Yung iba nga sumisikap para lang mabuhay tapos ikaw gusto mo ng mamatay agad agad ng dahil lang sa babae?"

Natigilan siya, hindi ko alam kung bakit pero parang na aawkward siya sa mga nasabi ko

"Oh bakit?"
"Wala"
"Sus wala daw eh bakit parang naiilang ka?"
"Ah kase, ewan hindi mo naman maiiintidihan. Ayokong mahusgahan"
"Bakit ba?"
"uh"
"Yes?"
"Kase"
"Carry on"
"Okay ganito yun. Wala na akong pake kung mandiri ka man pero hindi babae yung iniiyakan ko"
"Sus ganun lang naman, nahihiya ka pa"
"Hindi ba awkward sayo?"
"Kaya nga siguro naging magaan yung loob ko sayo kase parehas tayo"
"Ikaw? Talaga?"
"Bakit bawal ba?"
"Ah hindi naman"
"Nga pala kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko pa alam pangalan mo"
"Marcus, nice to meet you
"Sander. Siguro taga Manila ka rin"
"Yup, napadpad lang ako dito dahil sa lecheng Stan na yun!"

And so dun nagsimula ang mahabang convo namin. Unti unti na siyang ngumingiti, tumatawa pa minsan minsan. Lumalabas yung kagwapuhan niya, siguro kung ako si Stan hinding hindi ko na siya pakakawalan. Sa huli parang lumalabas na yung pagiging masiyahin niya.

"Sander, kwento mo naman yung sayo?"
"Hindi mo kakayanin!"
"Bakit? May mas masaklap pa ba yung sa akin?"
"Kuwento ko na lang pag maging close tayo"
"Daya mo!"

Nagring ang phone ko, facebook notification.

"Ah yan na ba?"
Ngumiti lang ako, "Masaya na siya ngayon Marcus"
"Sino?"
"Ex ko, yung nang-iwan sa akin"
"Huh? Ba't ka naman iniwanan?"
"Dahil yun sa pagmamahal"
"Ang labo naman nun!"
"Ayaw kase niyang masaktan lang ako kaya ayun umalis siya"
"Wala naman akong nakikitang rason para iwanan ka niya. Ang swerte nga niya sayo"
"Paano mo naman nasabi yun? Kakakilala pa lang natin Marcus"
"Ewan, siguro kase ang gaan din ng loob ko sayo"
"Haha, Marcus parang dumidilim na. Babalik na siguro ako ng hotel"
"Magkikita pa tayo diba? Sander?"
"Oo naman, may tungkulin pa ako sayo"
"Ano naman yun?"
"Tulungan kang maka move on"
"Sweet mo naman, Hehe"
"Nasa bucketlist ko kase yun Haha! Sige see you tomorrow"

Pagkarating ko sa hotel room, agad akong humiga dala na rin siguro ng pagod. Biglang may kumatok, yung room service na siguro. Tamang tama nagugutom na ako

"Sandali lang"
"Knock knock"
Parang pamilyar ang boses
"knock knock"
"who's there" sabi ko
"Marcus"
"Sabi ko na nga ba!" pinagbuksan ko na siya
"At talagang sinundan mo pa ako ha"
"Naman, nakalimutan mo kaseng ibigay phone number mo kaya sinundan talaga kita"
"Ay oo nga, Haha sorry"

Part two ng convo namin, marami na akong nalaman tungkol kay Marcus. Malapit lang pala yung pinagtatrabahuan namin tapos two years ahead lang siya sa akin. At magaling siyang kumanta. Napaka jolly naman pala ni Marcus.

"Anu yang notebook sa unan?"
Tanong ni Marcus
"Yun? Ah eh bakit close na ba tayo?"
"Sige na Sander! Hero kaya kita! So technically close na tayo"
"Ah so yun pala ang basis ng pagiging close, Haha"
"Sige huwag na lang"
"Sus parang joke lang. Ikaw naman."
Then I instantly grabbed my notebook, "naalala mo kanina yung sa tutulongan kitang maka move on? Isa lang yun sa mga naka lista dito"
"So parang yan yung full bucketlist mo?"
"Yep! Bucketlist aka things to do before ako kunin ni Lord"
"Atat lang? Excited ka Sander ha"
"Haay pero parang ang labo nung isa dito sa bucketlist tsk"
"Bakit naman?"
"Basta, parang hindi na ata mangyayari"
"Gusto mo tulungan kita dyan sa listahan mo? Parang Valentines gift ko na lang. Game?"
"Sure ka ba Marcus?"
"Oo ba! Game na game!"
"Basta bawal kang mainlove sa akin ha!"
"Anung klaseng condition yan? Grabe naman malay mo ma develop ako sayo Hehe"
"Mag promise ka!"
"Joke lang yun! Sus ang dali lang naman yun! Sige! I promise na hindi ako maiinlove kay Sander kahit ang cute at bait at friendly at sobrang cute, bait at friendly at cute niya!"
"Deal! Punta ka ng Sanders, 10 am sharp tomorrow!"
"San ba yun? Sayo ba yung lugar kase kapangalan mo Hehe"
"Edi magtanong tanong ka! Gamitin mo charm mo duh at hindi sa akin yun!"
"Ayoko, irereserve ko to para sayo. Joke Haha sige see you!"
"Huwag kang malalate ha!"
"Okay! See you Sander!"
"Ingat ka Marcus!"
"Naman!"

The next day

"I'm really amazed lang sa lugar na to kase kapangalan ko Hehe at super sarap ng spareribs dito"
"Ganun pala. Sus ang corny naman ng mga side stories ng bucketlist mo"
"Corny na kung corny! Basta ngayon, may progress na tong listahan ko"
"So libre mo ako?"
"Kung sabihin kong wala akong dalang pambayad anung gagawin mo?"
"Anak ng! Alis na nga ako!"
"Joke lang! Bucketlist number 1, resto joke sa isang restaurant na kaname ko. Check!"
"Ayos mo naman pala!"
"Tara alis na tayo!"
"Ganun lang yun! Paano yung inorder mo?"
"Ang slow mo, nasa bucketlist number 1 pa lang tayo, joke yun!"
"Ayoko na sayo"
"Sayang naman pagmamahal ko sayo Marcus"
Sa sinabi ko parang nag blush si Marcus at medyo na speechless
"Uy joke ulit yun! Haha"
"Alam ko!"
"Bakit ka nag blush?"
"Hindi ah"
"Denial"
"Hindi naman talaga"
"Sus! Haha sige after nating kumain gawin nating yung iba sa bucketlist ko"
"Ayoko! Hindi ako sasama!"
"Ay nagtatampo!"
"Bahala ka"
"Sige bilhan kita ng Krispy Kreme!"
"Yun lang naman tara tapusin na natin yang listahan mo!"
"Joke ulit!"
"Nakakainis ka! Pasalamat ka cute ka kung hindi ewan ko talaga!"
"Haha ayos ng concern mo ha!"

At yun na nga sinimulan na namin yung bucketlist ko. Andyan yung prank transactions sa bank, planking sa gitna ng daan, drama drama sa labas ng hospital, papasok sa hotel tapos makikigamit lang ng cr and marami pa! Sobrang saya lalo pa itong si Marcus, game na game talaga at ang sarap pakinggan ng mga tawa niya. Haay ewan parang nafafall na ako sa kanya pero bawal! Hindi dapat! Hindi kakayanin ng puso! Tsk sabay sulat sa notebook, "Dear heart, fall inlove when you're ready, not when you're loney".

The next month bumalik na kame ng Manila. Pero ginagawa pa rin namin ang bucketlist. Grabe ang enthusiasm nitong si Marcus, parang siya pa yung excited keysa sakin. Parati na lang tumatawag kung gagawin ba namin yung nasa bucketlist o tanong ng tanong kung anu yung susunod.

"Next Tuesday, wedding ng friend ko at pupunta tayo"
"Huh? Ayoko, nakakahiya naman yun hindi ko naman siya ka anoano tapos pupunta ako parang walang manners"
"Marcus, diba tutulongan mo ako sa bucketlist ko? Besides, super friend ko yun at I asked her na bibitbitin kita!"
"So parang bagay na lang pala ako na dinadala o chaperon o alalay ganun?"
"Gwapong alalay. Yun ka"
"Sige na nga! Pasalamat ka mahal kita, bilang friend!"
"Basta huwag kang mawawala ah! Importante yung bucketlist ko dun!"
"Eh anu ba talaga yun? Ang makawitness ng mga I do at you may kiss the bride part? O ang makasal? Hehe gusto mo pakasalan kita Sander?"
"Baliw! Baliw ka talaga! Basta malalaman mo!"
"Oh sige!"

Wedding day. . .

"Caroline, that day when I met you alam ko na talaga na ikaw na yung taong magiging katuwang ko habang buhay. I like those little things about you, yung mga ngiti, tawa, kahit nagtatampo ka na you're still the prettiest. Binigyan mo ng direction ang buhay. Ikaw yung vector quantity ko. Ikaw ang oxygen atom sa electron transport chain at ako naman ang hydrogen kase you waited so long to accept me. Bobo ako sa science pero yung pagmamahal ko sayo hindi ma eexplain ng chemical equation at ma quaquantify ng physics. Mahal kita, I love you, till death do us part"

"Jack, noon hindi ako naniniwala sa love, sa forever, sa happy ending. Nung dumating ka sa buhay ko umiba ang tingin ko sa love. Siguro hindi kinaya ng taas ang bitterness ko kaya ayun God gave me you. I love you Jack, even when I'm 90 aalagaan pa rin kita kahit uugod-ugod na mga tuhod ko mamahalin pa rin kita"

"Sander ang sweet naman ng vows nila"
"Talaga? Ako gumawa nun"
"Santa ikaw ba yan? Ah so bucketlist mo yun"
"Marami na kaming pinagdaanan ni Caroline, alam niya lahat lahat sa akin. Nung iniwan ako ng ex ko, tanging si Caroline lang yung binuhosan ko ng mga emosyon ko. Kaya gusto kung makabawi sa kanya. Dalawa sa bucketlist ang natupad ko ngayon. Una, ang iiyak sa exchange of vows at yung pangalawa eh mamaya ko na lang sabihin"
"Iiyak sa exchange of vows? Umiyak ka ba? At akala ko yung bucketlist mo, na ikaw ang gagawa nga vows? Ang labo mo!"
"Haay Marcus don't you get it? Yung bucketlist na yun ay parang hitting two birds at one stone. Una ako ang gumawa ng vows para makabawi kay Caroline at Pangalawa, Yes ako mismo ang sumulat para siguradong iiyak talaga ako nang sa ganun magagawa ko ang nasa bucketlist ko!"
"Ahhh! Yun pala! Grabe ang husay mo ring mag-isip no"
"Ang slow mo Marcus! Haha tara punta na tayo dun sa reception"
"Ako lang ata ang slow na cute at gwapo Haha! Sige kain na tayo!
"Kapal! Haha"

"Grabe sobrang busog ko!"
"Marcus diba na mention mo last time na kumakanta ka?"
"Bakit?"
"Kase hindi raw makakapunta yung wedding singer, parang na tetense na si Caroline"
"Sige ba! Ako pa! Hehe"

Tapos nag sign language ako kay Caroline na kakanta si Marcus

"Sander anung ginagawa mo"
"Sinasabihan ko lang siya na kakanta ka"
"Huh? Seryoso yun? Akala ko joke lang! Ayoko nakakahiya
"Wala ng atrasan Marcus! Kaya mo yan ikaw pa!"

Biglang may iaanounce ang host,
"To entertain us with his voice, let's welcome our wedding singer, Marcus!"

"Anak ng! Ayoko!"
"Marcus please do it?
"Nakakahiya kaya Sander"
"Sige na please?"
"OKAY!"
"Hindi mo rin ako matiis no! Haha"
"Humanda ka Sander!"

Ayun pumunta na siya sa stage
"Um unang-una, Congratulations sa new couple! This song's for you at syempre para sa special someone ko, Sander"

At todo kilig ang lahat! Lagot ka Sander! This better be good!

"What If"

I see you standing over there
You look around without a care
I pretend you notice me
I look in your eyes
And what you see

Is made up in my mind.
Am I just wasting time?
I think this could be love.
I'm serious.

What if we were made for each other
Born to become best friends and lovers
I want to stay right here
In this moment with you
Over and over and over again
What if this could be a real love

I write our names down in the sand
Picturing all our plans
I close my eyes and I can see
You, and you ask, "Will you marry me? "

Is it made up in my mind?
Am I crazy, just wasting time?
I think this could be love
I am serious.

I don't know what to think.
Is this real or just a dream?
In my heart is where you'll be
I'll keep waiting till we meet.

What if we were made for each other
Born to become best friends and lovers
I want to stay right here
In this moment with you
Over and over and over again
What if this could be a real love

Boy, you know you really make my heart stop
Stop, stop
Inaamin ko, kinilig ako dun Haha pero ayoko talaga. Bawal mainlove.

"Ganda ng bose ah Haha"
"Uy kinilig ka kanina!"
"Ewan ko sayo Marcus!"
"Haha! Anyway, anu na yung isang bucketlist mo?"
"Hmm, pinanood mo ba ako kanina habang lumalakad papunta sa altar?"
"Ah so yun pala"
"Actually ganito yun. I want to walk down the aisle for my sister"
"Bakit naman?"
"Hindi ko makalimutan yung araw na yun. Araw ng ate ko, yung pinaka masayang araw sana ng buhay niya kaso hindi siya nakalakad. Yung fiance niya hindi sumipot, iyak siya ng iyak. Haay awang awa ako sa kanya nun kaya sabi ko sa sarili ko someday I'll walk the aisle para kay ate!"
"Gagong fiance! Upakan ko yun! Kamusta na ate mo ngayon?"
"limang taon na rin yun. Masaya na siya ngayon, seseryosohin yung pagiging matandang dalaga!"
"Naiisip mo rin ba yun?"
"Ang alin?"
"Yung tatanda kang mag-isa? Forever alone kumbaga"
"Sus hindi naman ako tatanda!
"Kase ako natatakot akung tatandang mag-isa. Parang ang lungkot naman yun. Walang morning hugs and kisses, magtitimpla ng kape ko, magpeprepare ng meds ko tsk"
"Marcus, may plano ang Diyos. Malay mo, aabot pa ako ng ganung edad edi sabay tayong tatanda"
"Yan ka na naman. Parati mo talagang sinasabi na parang bukas makalawa kukunin ka na ni Lord. Masyado kang Nega Sander!"
"Hay Marcus, pero salamat ha kase nariyan ka pa rin, suportado sa bucketlist ko"
"Ano ka ba, oks lang yun!"

Sabay titig niya sa mukha ko. Parang nahyhypnotize ako. Shet ang gwapo naman talaga niya lalo pat parang ang lapit na ng mga mukha namin sa isat isa. Anu ba tong ginagawa niya, please stop please stop please. . .

Naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa labi ko. Parang nagstop ang buong universe dun! Kumalas ako. Shit ang awkward

"Sander I'm sorry, nadala lang talaga ako"
"Dun muna ako sa labas, please huwag mo akong sundan"
"Sander sorry"
"Okay after 10 minutes sundan mo ako"
"Sander I'm sorry"

Lumabas ako ng reception area. Parang may gazebo sa bandang likuran kaya dun ako pumunta. Haay anu ba naman tong mga nangyayari. Ang bilis. Una umalis ako ng manila tapos nameet ko si Marcus then ginawa namin ang bucketlist at heto ako ngayon nahuhulog na sa kanya. Bakit? Ayoko ng mainlove, masasaktan lang ako at higit sa lahat masasaktan lang din si Marcus. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

"Sander I'm sorry"
"Wala pang 10 minutes ah! Hehe"
"Sorry talaga"
"Huwag na lang nating pag-usapan please"
"Bakit? Kase San"
"Stop"
"Okay"

Ilang minutes of silence

"Sander?"
"Stop!"
"Iba to, may itatanong lang"
"Sige, anu yun?"
"Um, I'm just wondering if ah"
"If what?"
"You and me, parang more than friends. I'm wondering lang if you have those kinds of thought"
"Marcus, honestly uh"

Tapos parang bigla na lang tumulo mga luha ko

"Kalimutan mo na lang yun Sander. Siguro mahal mo pa yung ex mo. Hindi naman kita pipilitin. Atleast alam mo na may feelings ako sayo. Ewan ko ba ba't ang lakas ng tama ko sayo pero ganun eh, mahal na ata kita Sander"
"Star gazing na lang tayo!"

Yun na lang ang nasagot ko. Nafefeel ko na medyo nahurt or nasad si Marcus. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin yung totoo.

"Sander, mahal mo pa ba ex mo?"
"Sa totoo lang, parang may konting feelings pang natitira pero tanggap ko na na wala ng kame"
"Anu ba yung reason ng break up niyo?"
"Kase may nalaman siya tungkol sa akin, nasaktan siya ng lubosan kaya ayun nag decide siya na mag part ways kame kase yun daw ang nakabubuti. Masasaktan lang kame pag itutuloy namin ang relasyon"
"Anu bang nalaman niya tungkol sayo?"
"Tumingin ka sa langit"
"Tapos?"
"Anung nakikita mo?"
"Stars. Maraming stars, okay now what?"
"Tanungin mo ang mga stars. How do you say good bye to someone you can't live without?"
"Hindi naman mag rerespond ang mga stars. Bakit ganyan ang tanong? Sander mawawala ka ba? Aalis ka?"
"Marcus, lahat tayo aalis, mawawala. In this world, nothing lasts forever"
"Kung ganun Sander, kung nothing lasts forever can you be my nothing para forever tayong magkasama?"
"Gustohin ko man, ang labo"
"Bakit ba? Please sabihin mo na"
"Alis na nga tayo"
"Tangina Sander! Bakit ka ba laging ganyan! Marami na tayong pinagsamahan, at oo parang gago akong atat na atat sa yo kase mahal na mahal na kita! Please naman sabihin mo na!"
"Natatakot ako!"
"Wala ka bang tiwala sa akin Sander?"
"Kase ayokong masaktan Marcus"
"Ako naman itong nasasaktan"
"Oo na! Marcus may nararamdan din ako sayo! Oo mahal na din kita! Pero masasaktan lang tayo Marcus! Mahina ang puso ko, literal. May sakit ako sa puso at bilang na lang ang mga araw ko, hindi ko kayang umibig sa taong iiwanan ko lang naman. At I'm sure na iiwanan mo rin lang ako, ayokong maramdaman yun. Iniwan ako ng ex ko dahil pag itutuloy namin masasaktan lang kame pero mas masakit yun kase parang buhay nga ako pero pinapatay na niya ako. Mahal na mahal kita Marcus pero mamamatay na ako! Ngayon sabihin mo, mamahalin mo pa ba ako kahit alam mong mawawala na ako?"

Ayun hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Sobrang sakit kase nun. Nararamdaman ko na lang na yumayakap sa akin si Marcus. Umiiyak din.

"Bakit ba laging ganito? Parati na lang kinukuha sa akin ang mga minamahal ko. Sander hindi ka mawawala, maniwala ka lang. Please lumaban ka, katuwang mo ako. Sander mahal na mahal na mahal na mahal kita! At hindi hadlang yang puso mo sa pagmamahalan natin!
"Mahal na mahal kita Marcus. Kahit na hindi kakayanin ng puso ko mamahalin pa rin kita"
"Huwag mong sabihin na hindi mo kaya, lalabanan natin to. It's you and me against all barricades!
"Marcus salamat. Promise na hindi ka bibitaw, huwag mo akong iwan"
"Sander kahit na anung mangyari, magunaw man ang mundo, husgahan man tayo ng lahat, kunin man nila lahat ng meron sa akin hinding hindi kita iiwanan!"
"I love you Marcus"
"Mahal na mahal kita Sander, till death do us part"

Christmas

At lumalala na ang sakit ko, kaya I spent Christmas sa hospital. Ayoko mang maniwala sa mga sinasabi ng doktor pero malala na raw tong puso ko. Kame ni Marcus? Well he's keeping his promise. Nariyan pa rin siya, 24/7 nakabantay sa hospital. Ang swerte ko sa kanya, kaya siguro lumalaban pa rin tong puso ko dahil sa kanya.

"Marcus gising na!"
"Sander mamaya pa ang schedule ng meds mo"
"Mahal, gising na! December 25 na! Merry Christmas!"
"December 25! Mahal bakit ngayon mo lang ako ginising! Mahaba na yung pila sa pastry shop, yung cake mo Mahal, naku ang sama kong boyfriend. Mahal alis muna ako"
"Marcus, hindi ko na yun kailangan. Yung pag-aalaga at pagmamahal mo sobrang sapat na! Merry Christmas Mahal!
"Di bali magpapa deliver ako, maghintay na lang tayo. Mahal ko Merry Christmas! Mahal na mahal kita!
"Talaga Mahal? Mahal na mahal mo ako?"
"Hindi na pala ngayon"
"Sakit naman nun Marcus,
"Kase mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Mahal!"
"Sweet naman itong si Mahal ko, Hehe ang swer-"
"Sander okay ka lang? Doc! Si Sander! Mahal please huwag ngayon! Please! Doc! Tulong!"

Dinala ako sa ICU nun, grabe naman tong Christmas na to. Nang nagkamalay na ako, naramdaman kong nakahawak ang mga kamay ni Marcus sa akin"

"Mahal, I'm sorry ha pero parang hindi na ata ako tatagal"
"Sander mahal, huwag mo namang sabihin yan. Mabubuhay ka pa"
"Mahal be strong enough kung kunin man ako ni Lord"
"Alam kong sobrang sakit pag ganun pero pipilitin ko Mahal"
"Marcus, mahal, you gave me forever within my numbered days. Siguro kung hindi kita nakilala matagal na akong sumuko"
"Basta magpagaling ka, may pag-asa pa mahal. Ganito na lang, pag gagaling ka na babalikan natin ang lugar kung san tayo unang nagkita"
"Pipilitin ko Mahal. Para sayo at sa cakes doon! Hehe"
"Magpagaling ka Sander, mahal na mahal kita"
"Oo magpapagaling ako, I love you mahal!"

Natapos din ang taon at salamat sa Diyos lumalaban pa rin ako. Laking pasasalamat ko na binigyan niya ako ng Marcus sa buhay ko. Kailanman ay hindi ko naramdaman na sumuko siya sa akin. Mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko siya.

Valentines 2014

"Happy Valentines Sander, I love you"
"Marcus Happy Valentines din! I love you more! Nakakatuwa lang isiping one year ago dito tayo unang nagtagpo, Thank you Calea"
"Oo nga Hehe, salamat sa pastry shop na to"
"May naiisip lang ako"
"Anu yun?"
"Yung mga broken hearted, pag nagtagpo ang landas unti unting humihilum ang mga sugat ng kanilang puso. Parang yung sa atin"
"Now I know where broken hearts go"
"Sa partry shop!" Sabay naming sabi
Tawa lang kame ng tawa, inienjoy bawat moment nag magkasama kame.
"Sander yung bucketlist mo pala?"
"Yun? Bakit gusto mo na ba akung mamatay?"
"Anu ka ba! Anu na yung bucketlist mo!"
"Meron pang isa na hindi natutupad. Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo dun sa hotel?"
"Uh yung wish mo na malabo nang matupad?"
"That one! Pero matutupad na yun! Kase nariyan ka na, ang taong pinakamamahal ko"
"Ang sweet mo naman mahal, kelan natin gagawin?"
"Hindi pa ito ang tamang panahon, basta pupunta din tayo dun"

Summer 2014

"Marcus sure ka bang kakayanin mong magdrive hanggang Baguio? Akala ko ayaw na ayaw mo sa mga roadtrip"
"Noon yun, basta kasama kita lahat lahat kakayanin ko!"
"Sabihin mo lang pag napapagod ka na, ako naman ang mag drive"
"Hinding hindi ako mapapagod! Kaya ko na to, matulog ka na lang diyan Mahal"
"Paano naman ako makakatulog nito kase ang bilis mong mag drive Hehe"
"Sige babagalan ko"
"Buti pa baka ma aksidente tayo dito"
"Mahal?"
"Mahal akala ko babagalan mo na ang pagdrive bakit parang ang bilis pa rin?"
"Mahal ah eh"
"Anu na?
"Mahal ayaw niyang huminto!"
"Huh?"
"Mahal kahit anung gagawin ko ayaw talaga, paano na to?"
I took his hand
"Sander mamamatay na tayo"
"Marcus alam mo ba kung anu yung huling nasa bucketlist ko"
"Bakit anu ba yun?"
"Ang makasama ang taong pinakamamahal ko sa pinakahuling sandali ng buhay ko"
"Sander siguro yung happy ending natin nasa kabilang buhay pa"
"Maybe it's not about the ending, maybe it's about the story. Ang kwento nating puno ng pagmamahal"
"So Sander, are you ready to face our happy ending?"
"Marcus, matagal na akong ready."
"Till death do us part?"
"Till death do us part"

The End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Where Do Broken Hearts Go?
Where Do Broken Hearts Go?
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgjzc01y6cQ4KekonhM3SY6Qkr6ScnSFUVc87gF05SogooSLFrKMnBcsLSgI5Q1d_TbjfBzeM8NMANRYHQEhvNiNSVBOLOAcJ4X-Z82L2c7_ijhz_P5idDqnEUCcJ0VspciACdOV4jGz9s7/s1600/Judavid+-+Copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgjzc01y6cQ4KekonhM3SY6Qkr6ScnSFUVc87gF05SogooSLFrKMnBcsLSgI5Q1d_TbjfBzeM8NMANRYHQEhvNiNSVBOLOAcJ4X-Z82L2c7_ijhz_P5idDqnEUCcJ0VspciACdOV4jGz9s7/s72-c/Judavid+-+Copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/01/where-do-broken-hearts-go.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/01/where-do-broken-hearts-go.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content