$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Andromeda, A Warrior's Tale

By: James Silver (Your home is in my heart – Boyz II men) Makinig na lang ng music para makakapit pa rin sa mga makatotohanang bagay. Da...

By: James Silver

(Your home is in my heart – Boyz II men) Makinig na lang ng music para makakapit pa rin sa mga makatotohanang bagay. Dahil pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ang utak ko. Problema, grabe, sige pa! Ulanin mo pa ako.

Nagkaron ka na ba ng matinding problema na para bang sinakluban ka na ng langit at lupa? Ako? Oo. Parang naging routine ko na nga na araw araw pagkagising ko ay mumurahin ko ang buhay dahil nagising pa ako. Ayaw kong maghanap ng sisisihin kung bakit nararanasan ko ang mga bagay na ‘to kaya naman lahat ng sama ng loob ko ay kinikimkim ko na lang. Hindi naman kasi ako pupwedeng magwala o di naman kaya ay magpakamatay. Dahil kung gagawin ko iyon ay siguradong kawawa lang ang mga maiiwan ko. Kaya tiis lang, puta! Wala akong magagawa, unfair talaga ang mundo para saken eh. Tama ba namang sabay sabayin? Nagbugbugan ang mga magulang ko. Pinalayas ng nanay ko ang tatay ko. Naputulan kami ng kuryente. Putol din ang tubig. Mae-elite na ang bahay namin. Manganganak pa ang kapatid ko. May maintenance pa ng gamot ang tatay ko. ANO?! PUTA! MERON PA BA?! Ito lang ang magagawa ko, kumilos at sumigaw sa likod ng utak ko. Hindi ako pwedeng magreklamo. Hindi ko pupwedeng indahin ang hirap. Kailangan kong maging matibay para sa mga umaasa saken. KAYA KO ‘TO. KAYA! WAAAAHHHH! Kailangan ko talagang ilabas lahat ng nasa loob ko dahil pakiramdam ko ay anumang oras mababaliw na talaga ako.

Hindi patas ang buhay para saken. Ganyan tumatakbo ang isip ko. Dahil pakiramdam ko ay ako na yata ang pinakamalas na taong nabubuhay sa mundo. Grabe OA ang mga problemang dumarating saken. Pero hindi ko inaasahang darating ang isang taong babago sa takbo ng pag-iisip ko tungkol sa buhay.

Tawagin nyo na lang akong Enzo.Tumingin ka na lang sa salamin kung sakaling maghanap ka ng description. Hindi naman talaga ako ang breadwinner samen. Ang kaso nga lang yung katulong ko bumuhay samen, ayun walang trabaho dahil malapit nang manganak. Kaya ilang buwan ko rin pinasan ang lahat ng mag-isa. Hindi naman makapagtrabaho ang tatay ko, halos nabubulok na kasi ang paa dahil sa diabetes. Pinalayas pa ng nanay ko, ambait diba? Eto naman kasing tatay ko tahimik nga pero medyo magaan ang kamay nya.

Hindi naman madalas pero nakakapanakit sya. Sanay na naman ako sa mga ganong eksena nila. Bata pa ako ay halos araw araw ko na silang nakikitang ganun. Pero may mga oras naman na akala mo mga magjowang hindi mapigilan ang ka-sweetan. Yun nga lang eto ang unang beses na pinalayas ng nanay ko ang tatay ko kaya parang mabigat ang loob ko sa nangyayare. Nandun na, wala na akong magagawa.

Dahil nga sa liit ng sinasahod ko ay hindi ko kayang pagsabay sabayin ang lahat ng mga gastusin. Syempre kung mapagmahal kang tao ay siguradong uunahin mo ang pagakain kesa sa kahit anong bagay. Hanggang hindi na ako makabayad ng kuryente, tubig at ang buwanang hulog sa bahay namen. At eto na nga ang nangyayare. Nagkanda leche leche na kami.

Pauwi na ako galing ng trabaho. Pero naisipan ko munang tumambay sa isang park. Ganito ako palage. Tatambay sa isang tahimik na lugar para umiyak o di naman kaya ay magmuni muni. Sa dami ng problemang dumarating sa pamilya ko ay hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal. Kailangan kong mailabas ito para naman hindi ako mabaliw. Mag-aalas nuebe na nun. Naupo ako sa isang bench. Tumingala ako at pumikit. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos. Ayaw kong pasukan ako ng kahit anong ideya katulad na lamang ng pagpapakamatay o ano pa mang negatibong kaisipan. Hihinga lang ako ng malalim at magrerelax. Patuloy na tumakbo sa utak ko ang mga problemang hinaharap namin at maya maya pa ay hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon nang maramdaman ko na may tumabi saken. Nabigla ako at napamulat na lang ng wala sa oras. Baka mamaya magnanakaw, kaya naman kinapitan kong mabuti ang bag ko. Paglingon ko sa kanya nakatingala rin sya at nakapikit. Aalis na sana ako nang mapansin kong. “Aba ang gwapo naman neto.” Sambit ko sa isip ko. Maya maya pa ay iminulat nya na ang mga mata nya sabay tingin saken. Iniwas ko sa kanya ang mga mata ko pero sa tingin ko ay nahuli nya na ako. Nang tinignan ko sya ulit ay nakangiti na sya saken. Kaya para naman akong nahiya. Tumayo na ako para umalis. Hindi ko naman sya kilala kaya bakit ko naman sya kakausapin. Iniayos ko na ang sarili ko at isinukbit ang bag ko nang bigla syang magsalita.

“Mukhang malaki ang problema mo ah.” Sabi nya. Hindi normal para saken ang may taong bigla na lang kakausap saken na hindi ko naman kilala. Kaya naman hindi ko sya pinansin at dumiretso lang ako ng lakad.

“I’m Stephen, baka gusto mo pag-usapan natin yung problema mo.” Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglakad. Para kasing ang weird nya eh. Kakatakot baka mamaya patayin nya pa ako, mahirap na. Nagkakagusto nga ako sa lalake. At syempre lalo na sa katulad nyang gwapo pero hindi naman ako basta basta makikipag-usap na lang sa hindi ko kilala noh. Eh papano kung matagal na pala nya akong minaman manan at alam nyang bakla ako kaya inaakit nya ako. Tapos pag bumigay na ako patayin nya ako at kunin lahat ng laman loob ko para ibenta. Wag na noh. Ibebenta ko na lang ‘to sa ospital para mapakinabangan ng pamilya ko kesa naman matanggalan ako ng laman loob dahil sa kalandian ko. Mabuti nang nag-iingat, iba na ang panahon ngayon eh. Konti na lang ang supply ng puso sa mundo kaya marami nang tao ang walang puso’t pakiramdam.

Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nahiga sandali. Pipikit na sana ako nang tawagin ako ng nanay ko para kumain. Hindi na ako nagatubili pa at agad akong bumaba dahil medyo gutom na rin ako. Pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain. Inaya ko silang lahat para kumain na, pero nauna na raw sila kaya ako na lang mag-isa ang kumain. Wala akong keme sa pagkain. Lamon kung lamon. Kaya mabilis akong natatapos. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako para makapag yosi. Eto na naman ako. Tinitignan ko yung magandang bahay sa tapat namin. Bata pa ako ay pangarap ko na yung bahay na yon. Sabi ko sa sarili ko na isang araw ay makakapagpatayo din ako ng ganyan. At dyan ko ititira ang mga magulang ko para hindi na sila mag-away pa. Ganun lang naman kasi ang palaging issue nila sa tuwing mag-aaway eh. Kung hindi pera eh tungkol sa bahay. Sisikapin kong magkaroon ng mas magandang trabaho para makaipon ako. Hindi matatapos sa ganito lang ang buhay namen. Ipatitikim ko sa pamilya ko ang masaganang buhay. Pagkatapos ko magyosi ay agad na akong pumasok. Matutulog na ako para maaga akong magising at katulad ng nakagawian ko ay mago-overtime na naman ako.

Pagkagising ko kinabukasan ay mabilis akong naghanda sa pagpasok ko ng trabaho. Muntikan pa nga ako tanghaliin dahil napasarap ang tulog ko eh. At pagdating ko ay mabilis akong kumilos para maiready ko na agad lahat ng display para pagdating ng mga costumer ay assist na lang ako ng assist. Hindi ko na namalayan ang oras at hindi ko na rin napansin ang pagdami ng tao sa department store. Nang biglang may nagtanong saken.

“Magkano ‘tong shower cuddy nyo? Wala kasing price tag eh.” Sabi nung lalake.

“Yung plastic po ba o yung chrome?” at pagtingin nya saken ay nagulat sya at bigla na lamang syang napatingin sa name plate ko.

“Yung chrome, Enzo.” Sabay ngiti nya. Hindi ko matandaan pero parang nakita ko na sya. Tsk may pagkaulyanin kasi ako eh, dahil siguro sa lakas ko magyosi.

“Ahm, 375 po yung Rubbermaid ang tatak at yung EZ naman po ay 259 lang.” sagot ko. Nakangiti pa rin sya at medyo nawiwirduhan na ako sa kanya. Gwapo pa naman sana.

“Ah, kukunin ko ‘tong Rubbermaid. Enzo pala pangalan mo?” At napatango tango sya.

“Ah, opo. Akin na po sir ia-assist ko na po kayo. May iba pa po ba kayong kailangan sir?” tanong ko.

“Actually, wala na. Pero kung tutulungan mo ako eh, sa tingin ko marami pa.” that’s it weirdo nga sya, sayang talaga.

Inikot ko sya sa mga gusto nyang puntahan. Kahit na alam kong hindi sya interesado ay panay pa rin ang sales talk ko sa kanya. Lahat naman ng inalok ko ay kinuha nya. Kung ano ano nga ang tanong nya saken na hindi naman konektado dun sa product na ini-endorse ko. Pero sinakyan ko na lang ang trip nya. Tutal ay nalilibang na rin naman ako sa tuwing makikita ko yung ngiti nya at ang gwapo nyang mukha. Hindi ako masyadong ngumingiti dahil ayaw ko namang ipahalata sa kanyang nagagwapuhan ako sa kanya. Mamaya nyan kung ano pa ang isipin nya tungkol saken.

Natapos na naman ang araw at uwian na naman. Halos hindi ko nga napansin na gabi na pala eh. Parang hindi kasi ako napagod. Buong maghapon ko kasing iniimagine yung mukha nung costumer ko kaninang umaga. Palagi naman akong ganun pag may gwapong nagpapa-assist saken. Parang yun na lang ang ginagawa kong libangan para hindi ako antukin. Kagaya nga ng nakaugalian ko ay pumunta na naman ako doon sa palagi kong tinatambayan. Gusto ko doon kasi tahimik at walang masyadong tao. Gusto ko palagi akong relax at ayaw ko na muna isipin ang problema. Dati kasi sa tuwing uuwi ako ng bahay ay palagi na lang mainit ang ulo ko. Yung tipong gusto ko magwala pero hindi ko naman magawa kaya natutulog na lang ako. Pero kahit na natutunan ko nang magrelax ay galit pa rin ako sa mundo. Hindi pa rin mawala sa ugali ko na napapamura ako sa tuwing gigising ako. Bwiset naman kasi talaga eh. Buti na lang at nabawasan na. Nabayaran ko na kasi yung utang sa tubig at kuryente. Yun nga lang tiyaga sa tuyo araw araw ang pamilya ko. Pinag-iipunan ko pa kasi yung pambayad sa apat na buwang palya namen sa PAG-IBIG.

Umupo ako doon sa dati kong pwesto sa park. Tingala, pikit at hinga ng malalim. Parang ansarap lumipad pag nandito ako. Malayo kasi sa lahat. Malayo sa reyalidad. Malayo sa totoong mundo. Dito, parang natutupad ang mga pangarap ko. Inihahain saken ng imahinasyon ko ang naging bunga ng mga pagsisikap ko. Pinakikiramdaman ko lang at maya maya ay naluluha na ako dahil bigla na lang akong huhugutin ng katotohanan, mula sa loob ng sarili kong mundo. Pagmulat ko ay napabaling ako sa gilid ko. Nagulat na naman ako dahil andito na naman yung lalake na nakatingala din at nakapikit. Hindi katulad kagabi ay hindi na ako natakot sa kanya. Pero kinuha ko ang ballpen ko sa bag para kung sakaling masamang tao nga sya ay titirahin ko na lang agad sa leeg bago pa nya ako maunahan. Ayaw ko pa rin kasi umuwi sa bahay eh. Maya maya pa ay iminulat nya na ang mata nya at tumingin saken habang nakangiti. “Ahh! Sya pala yon.” Sabi ko sa isip ko. Sya pala kasi yung lalake kaninang umaga at nandito rin kagabi.

“Hi! Enzo. Ako nga pala si Stephen. Nagpapakilala ako sayo kagabi pero hindi mo naman ako pinansin.” Sabi nya.

“Ah, sorry sir natakot kasi ako kagabi kaya hindi ko kayo pinansin.” Sabi ko.

“Wag mo na akong tawaging sir. Wala ka naman sa dept. store eh. Natatakot ka pa rin ba hanggang ngayon kaya mahigpit ang hawak mo dyan sa ballpen mo?” medyo nahiya ako ng mapansin kong ready-to-attack ang pagkakahawak ko sa ballpen ko. Nginitian nya na lang ako. At nasabi ko naman sa sarili ko na mukha naman syang mabait eh.

“Andami mo sigurong problema? Palagi kitang nakikita dito na nakatingala tapos nakapikit eh.” Sabi nya.

“Ah, medyo lang naman. Alam mo na, unfair talaga ang buhay.” Sabi ko na napangiti na rin.

“Hoy! Umayos ka! Pano mo naman nasabing unfair ang buhay? Dahil ba sa bigat ng problema mo ngayon?”

“Oo, alam ko naman na panay problema dito sa mundo. Pero grabe naman kasi yung saken eh. Sabay sabay, hindi man lang ginawang isa isa.” Sabi ko.

“Pagsubok lang yan. Wag ka naman mawalan kaagad ng pag-asa.” Sabi nya.

“Puro pagsubok na lang. Wala nang ginhawa.” Sabi ko.

“Siguro naman nakaranas ka na ng test sa school diba. Kung kabisado mo na ang sagot sa test, test pa bang matatawag yun? Diba hindi na? May leakage na nangyari kasi kabisado mo na yung sagot eh. Kaya hindi mo na kailangang maghanda sa test. Dahil isusulat mo na lang yung sagot kahit hindi ka na nag-iisip. Cheating ang tawag dun. Parang ganyan din sa buhay. Kung alam mo na ang mangyayari sayo sa hinaharap, bakit ka pa mamomroblema? Kung alam mo palang magiging hari ka balang araw eh bakit mo pa iindahin ang hirap ngayon kung nakahanda na pala ang kinabukasan mo! Namomroblema ka ngayon dahil patas ka lumaban. Nahihirapan ka kasi hindi mo naman inisip na ganito ang mangyayari sayo diba. Natatakot ka sa pagkakamali kasi gusto mong maging perpekto ang hinaharap mo. Hindi naman masamang maghangad ka ng perpektong buhay sa hinaharap. Pero tandaan mo palagi na walang perpekto sa mundo. Lahat ng mangyayari bukas ay resulta lang ng nangyari ngayon. Kaya kung natanggal ka sa trabaho kanina. Wala ka nang papasukang trabaho bukas diba?” litanya nya.

“Alam ko naman yun eh. Kaso lang napakahirap talaga eh. Minsan parang mababaliw na ako sa problema.” Sabi ko.

“Mahirap ba talaga? Siguro lagi kang bagsak sa exam nyo noon noh? Kasi ganyan ka mag-isip eh.” Sabi nya.

“Hindi noh! Nasa top naman ako nung nag-aaral ako ah.” Pagyayabang ko sa kanya.

“Weee! Maniwala ako sayo.” Duda nya.

“Oo nga, ipakita ko pa sayo card ko nung high school ako eh.” Paniniguro ko.

“Oh, eh bakit ka nahihirapan? Sige nga papano ka nakapasa noon sa mga test nyo?” tanong nya.

“Nagrereview ako syempre.” Sabi ko.

“Oh, edi iapply mo sa buhay yan. Isipin mo na binigyan ka ng special test ng buhay. Kaya magreview ka para hindi ka mangamote.” Sabi nya.

“Hindi kita magets.” Napakunot ang noo ko.

“Kagaya nga ng sinabi ko. Lahat ng mangyayari sa hinaharap ay bunga lang ng mga nangyari sa nakalipas. Bakit hindi mo reviewhin yung mga ginawa mo sa nakalipas. Papano ka ba humarap sa mga problema mo noon? Edi iapply mo yun sa mga nangyayari sayo ngayon. Nakalagpas ka sa mga problema noon diba? At kung may natutunan ka dun, makakalagpas ka rin ngayon. Kung may mga bagong bagay man na nangyayari ngayon. Edi pag-aralan mong gumawa ng paraan at tandaan mo para magamit mo na naman sa hinaharap. Dapat sa bawat pagsubok sa buhay may natutunan ka, para makapaghanda ka sa mga darating pa. Hindi yung para kang engot na nakanganga pag ginulat ka ng pagsubok.” sabi nya.

“Marami na akong napagdaanang pagsubok pero masasabi kong ito ang pinakamabigat. Sana kayanin ko.” Sabi ko.

“Talaga lang ah. Siguro para sayo yan na ang pinakamabigat. Nakatingin ka kasi sa hirap mo eh. Bakit di mo subukang tumingin sa hirap ng iba? May bahay kayo. May nakakain kayo. Eh papano naman yung iba? Buti ikaw hindi ka nagising isang araw na nasa ampunan ka. Hindi ikaw yung bata na nangangarap na magkaroon ng totoong pamilya. Nandyan ang mga magulang mo. Yung iba nagtatanong sila sa mga sarili nila, kung ano bang nagawa nilang mali sa buhay at kailangan silang pagkaitan ng tahanan. Walang nag-aagaw buhay sa inyo. Hindi ikaw yung tao na nagbibilang ng bawat minuto sa buhay nya. Hindi ka humihiling na sana dagdagan pa ng kahit isang araw ang ipapamalagi nya sa mundo. Maraming uri ng problema. At kung magmamasid ka lang mabuti sa paligid mo. Masasabi mong napakaswerte mo.”sabi ni Stephen.

“Salamat talaga. Tatandaan ko ang mga sinabi mo.” Tinapik nya ako sa balikat at tsaka ako tumayo para umuwi na. Malalim na pala ang gabi, at maaga pa ako bukas. Tumayo na rin sya para umuwi na. Ang akala ko talaga ay weirdo sya kaya naman kung ano ano pa ang naisip ko tungkol sa kanya. Ok naman pala sya. Mabait na, gwapo pa.

----------

Sa mga nakalipas na linggo ay naging madalas ang pagkikita namin ni Stephen. Para akong naiinggit sa kanya kasi wala akong makitang bakas ng problema sa kanya. Palagi lang syang nakangiti. Hays, buti na lang at nakilala ko sya. Kasi ngiti nya pa lang nababawasan na ang problema ko. Ganun talaga siguro pag nakakasama mo yung crush mo, pero ayaw ko ipahalata baka mamaya straight ‘to tapos masapak lang ako kapag nalaman nyang galing ako sa serenadia. Maraming bagay na rin ang napagkwentuhan namin. May pagkaweirdo talaga sya. Ewan habang tumatagal ay lalo lang akong naiintriga sa kanya. Minsan nga iniisip ko kung papaano ba mabuhay ng katulad nya. Wala syang naikwentong problema sa kanila. Lahat masaya. Sabagay may pagkamadrama kasi akong tao eh kaya naman lahat ay ikinikwento ko. Masaya kaming nagkukwentuhan palagi, nasanay na rin akong tumawa sa mga corning jokes nya. At isang joke ang talagang ikinatawa ko ng husto dahil seryosong seryoso sya habang sinasabi ito.

“Aten aten lang ‘to ah. Diba tinanong mo saken nung isang araw kung tagasaan ako? Ang totoo nyan hindi ako taga dito. Wag kang magugulat ah. Taga-Andromeda kasi ako. Enzo hindi ako galing dito sa galaxy nyo .” bulong nya saken. Bigla na lamang akong napahagalpak ng tawa at sya naman ay nanatiling seryoso. Patuloy ako sa pagtawa. Maya maya pa ay nakita ko syang parang nalulungkot. “Hindi ka naniniwala saken? Akala ko pa naman kaibigan kita.”

“Hahahahaha! Kaibigan mo ako syempre. Ano ka si Mateo Do o si Kal-El?” Sabi ko.

“Stephen ang pangalan ko. Wag mo nga akong itulad sa mga fake na alien na yon! Tsaka kung kaibigan kita dapat naniniwala ka saken. Seryoso ako dun sa sinabi ko.” At tuluyan na nga syang nalungkot.

Hindi ako sanay na makita ang itsura nyang ganun kaya naman sinakyan ko na sya sa kawirduhan nya. “Oo, na naniniwala na ako. Kwento ka naman tungkol sa galaxy nyo. Saang planeta ka sa Andromeda nakatira?” pagkasabi ko noon ay bigla na lamang lumiwanag ang mukha nya at tsaka sya nagkwento.

“Nakatira ako sa planetang Erion. Napakaliwanag samen. Kaya nakikita kami sa buong universe kahit na napakalayo. Sobrang layo namen dito, na kahit ang liwanag na nagmumula samen na naglalakbay ng 186,000 miles per second ay umaabot pa ng dalawang milyong taon para marating ang mundo nyo. Naimagine mo ba kung gano kalayo ang nilakbay ko?” sabi nya.

“Papano mo nakita ang mundo namen? Bakit ka pumunta dito? May balak ba kayong sakupin ang mundo namen? At tsaka kung ganun kalayo papano ka nakarating dito, dapat matanda ka na diba?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Naaliw na ako sa kwentuhan namen dahil mukhang pinaghandaan nya talaga ito. Kaya naman todo sakay na ako sa kalokohan nya.

“Isa isa lang naman ang tanong tsk! Nakita ko yung mundo nyo sa pamamagitan ng radio active telescope ko. Meron din kayo nun dito sa earth. Ang kaso lang panget na klase yung sa inyo. Yung amin kase hindi lang impression ang nakikita kundi yung mismong image. Doon ko nakita ang earth. Sa pamamagitan din nun, nakita kita. Araw araw kitang pinapanood at nakita kong malungkot ka kaya ako nagpunta dito. Kaya dapat maging mabait ka saken kasi pumunta ako dito para sayo. Hindi para sakupin ang mundo nyo noh. Maganda nga ang mundo nyo, pulubi naman. Low tech lahat ng gamit nyo at mabagal ang development ng kakayahan ng mga tao dito. Samen natuklasan na ang 5th dimensional space. Eh kayo 2nd dimension pa lang ang natutuklasan nyo at malabo pa ang analysis nyo nyan ah. Samen normal lang ang hologram, dito screen pa rin ang gamit at 3D lang natutuwa na kayo. Eh hindi naman totoo yung 3D nyo. Kami, may kakayahan na kaming magteleport samantalang kayo lakad at takbo pa rin ang alam. Ang maganda lang dito sa mundo nyo, marunong kayo magmahal. Samen kasi walang nagmamahal saken eh. Walang nagmamahalan dun, puro pag-unlad ng lipi ng Andromedans ang inaatupag nila.” Litanya nya.

“Ah ganun ba? Edi malungkot ka rin pala katulad ko? Hahaha, wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi mo pero at least alam ko na kung papano ka nakarating dito. Tara na Mateo Do/Kal-El uwi na tayo, may pasok pa ako bukas eh. Babalik ka pa nyan sa Andromeda?”

“Stephen ang pangalan ko hindi Mateo Do o Kal-El, mas gwapo ako sa mga yon. Ah, yun nga ang problema eh. Hindi ako makabalik samen kaya naistock ako dito. Hindi kasi gumagana ang teleporting ability ko dito sa mundo nyo eh.” Sabi nya na dismayado.

“Hahaha, low tech din pala yang ability mo eh. Tara na uwi na tayo pagtyagaan mo na lang ang pinakapowerful na travelling ability ng mga taga-earth ang maglakad, san ka ba tumutuloy dito sa mundo namen?” tanong ko.

“Ah, dyan lang. Basta may inuuwian ako dito kaya wag mo akong alalahanin.” Sagot nya at tsaka sya tumayo at inaya rin akong umuwi na.

Nang makauwi na ako ng bahay ay agad akong sinalubong ni nanay.

“Anak, manganganak na ang kapatid mo!” sabi nya. At bigla naman akong natarantang pumasok sa loob ng bahay. Si nanay naman ay nagpunta kila aleng Mameng; sya ang nagpapaanak dito sa lugar namen. Pero nang makita na sya ni aleng Mameng ay sinabi nito na hindi nya raw kayang paanakin si Krizzie dahil suwhe o nauuna yung paa nung bata. Agad akong nagpatawag ng taxi para dalhin na lamang sya sa ospital. At nang makarating doon ay halos 30 mins din ang hinintay namen para asikasuhin kami. Nang makausap na kami ay inadmit naman kaagad si Krizzie. Naghintay kami ulit at sinabi ng doctor ay kailangan daw i-CS si Krizzie. Naiiyak ako sa gastos. Puta! 50k daw lahat lahat ng magagastos. San ako kukuha nun? “Bayaan mo lang, may darating na solusyon sa lahat ng problema. Tandaan mo hindi ka nag-iisa, may nanonood sayo kaya umayos ka.” Bigla na lamang pumasok sa utak ko ang payo ni Stephen saken. Humugot na lamang ako ng malalim na buntong hininga at sinabi ko sa sarili kong “Magiging maayos din ang lahat, hindi ako nag-iisa. May nanonood saken kaya kailangang umayos ako.”

Naipanganak na ang unang baby ni Krizzie. Akala ko ay dapat ko pa alalahanin ang gastos. Yun naman pala ay matagal na pala silang nag-uusap ulit ng boyfriend nya na nakabuntis sa kanya. Si Randell, boyfriend ni Krizzie ang nagbayad ng lahat ng gastusin sa ospital. Nung makita ko nga sya ay gusto ko syang suntukin eh, dahil iniwan nya si Krizzie nung mabuntis nya. Buti na lamang at natauhan sya at gusto nya raw panagutan ang kapatid ko at ang anak nito. Kaya binanggit nya na rin samen ang plano nyang pakasalan ang kapatid ko. Humarap sya samen pati na rin ang mga magulang nya at humingi ng tawad sa karuwagang ipinakita nya. Tinanggap naman namen iyon ni nanay kaya naging maayos na samen ang lahat.

Ilang buwan matapos maipanganak ni Krizzie ang baby nya ay niyaya na ito ni Randell na magpakasal. May kaya ang pamilya ni Randell kaya mukhang hindi na rin namen kailangan pang mag-isip tungkol dun. Magreregalo na lamang kami at sasagutin ang ilang parte sa balak nilang kasal. Tutal babae naman ang galing sa partido namen eh.

Isang gabi habang nasa tapat ako ng bahay ay napatingin muli ako sa bahay na pinapangarap ko. Namumuo na naman ang ngiti sa mukha ko dahil sa naiisip ko na isang araw ay magkakaroon din ako nun. Angsarap talaga mangarap at syempre lalong masarap kung matutupad ko lahat iyon. Habang nakatitig ako sa bahay ay may nakita akong pumasok rito. Nang sipatin ko itong mabuti ay nakita kong si Stephen ang papasok. Lumingon pa sya sa babaeng kasama nya kaya lalo akong nakasigurong sya yon. Sa tingin ko ay may edad na ang babae, siguro nanay nya yon. Tatawagin ko sana sya kaso lang nahihiya ako dun sa babaeng kasama nya kaya naisip kong itanong na lang iyon pag nagkita na lang kami.

Nang magkita kami ni Stephen tatlong araw matapos ko syang makita na pumasok sa pangarap kong bahay ay agad ko syang tinanong.

“Magkatapat lang pala tayo ng bahay?” tanong ko na parang sinagot ko na rin.

“Huh?! Ah, oo. Pasensya na kung hindi ko sinabi sayo. Pero please lang wag mo ako pupuntahan sa bahay. May ibang enerhiya doon sa bahay na yon na maaring ikahina ng katawan mo kaya please wag kang pupunta samen.” Medyo nalungkot ako sa sinabi nya. Ayos lang naman saken kung ayaw nya akong papuntahin doon, pero sana lang hindi na sya gumawa ng hindi makatotohanang dahilan.

“Wala ka bang maisip na mas magandang dahilan?” tanong ko.

“Wala namang ibang dahilan eh. Baka kasi kung anong mangyari sayo doon, inaalala lang kita. Manghihina ka talaga kapag nagpunta ka don.” Sagot nya.

“Ah, ewan.” Sabi ko at ipinaramdam ko talaga sa kanya na nagtatampo ako.

“Please, maniwala ka saken. Wag ka naman sana magtampo. Iniisip ko lang ang kalagayan mo. Baka hindi mo kayanin pag nandun ka na eh.” Sabi nya pa ulit. Hindi ko na sya sinagot pa. Ayaw ko nang pakinggan ang kalokohan nya at ayaw ko na ring sakyan pa. Nabadtrip na talaga ako.

“Tara na uwi na tayo. Inaantok na ako eh.” Sabi ko at tumayo na ako. Pinigilan nya ako sa tuluyang pag-alis, akala ko naman ay sasabihin nya na ang totoong dahilan kung bakit hindi ako pwedeng pumunta sa kanila. Pero nagkamali ako. Tumayo rin sya. Tinitigan nya ang mga mata ko. Seryoso at walang bahid ng kahit anong kalokohan. Parang inililibot nya ang mata nya sa buong mukha ko. Maya maya pa ay iniangat nya ang kamay nya at inilapat sa pisngi ko. Napadako ang paningin nya sa labi ko at hinawakan nya iyon ng hinlalaki nya. Ako naman ay parang naestatwa na lamang at naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Unti unting lumapit ang mukha nya saken. Dahan dahan at ako naman ay handa nang bumigay. Pero bigla syang huminto. Ibinaba nya ang kamay nya at hinagilap ang kamay ko. Hinawakan nya iyong mahigpit at sinabi nyang.

“Maniwala ka saken.” Sabi nya. Seryoso ang mukha nya at kapag nakikita ko ang magandang mata nya ay para na lamang akong napapasunod sa mga gusto nyang mangyare. May kung ano kasi sa mga mata nya na nakapanghihina. Putek! Alien kaya talaga ‘to?!

“Palagi naman akong naniniwala sayo ah.” Sabi ko at nakita ko ang dahan dahan nyang pagngiti na ikinagaan naman ng loob ko. Grabe split second lang nabago nya na ng ganun ganun na lang ang mood ko. Naglakad na kami at hindi ko namalayan na magkahawak kamay pa rin pala kami. Napansin ko na lang ang tingin samen ng iba pang naglalakad kaya naman napabitiw ako sa kanya agad.

“Hays, grabe talaga kasi eh. Bakit ba lahat ng nagpapalakas saken eh nagpapahina sa inyong mga tao. Kung pareho lang sana ang nagbibigay lakas saten edi sana palagi kitang niyayaya sa bahay.” Sabi nya na nakangiti.

“Oo na tama ka na. Ilang taon ka na ba kasing nabubuhay dito sa mundo namen at bakit hanggang ngayon hindi pa rin sanay ang katawan mo dito?”tanong ko sa kanya.

“Nung nag-ten years old ka. Bale 15 years na ako dito, 25 ka na diba?” balik tanong nya.

“Oo, edi ibig sabihin matanda ka pa saken? Ilang daang taon ka na ba?” tanong ko ulit.

“Hindi ah, magkasintanda lang tayo. Ten years old lang din ako nung nagpunta ako dito noh. Mabilis ang takbo ng oras dito sa earth. Samen mabagal, six years old ako nung makita kita, gamit ang telescope ko. Mula pagkapanganak mo hanggang sa maging bata ka. Hanggang sa maging six years old ka na rin katulad ko. Mabilis mo lang nahabol ang edad ko kasi nga mabilis ang oras dito sa inyo. Simula noon araw araw na kitang pinapanood. Pag papasok ka ng school, pag naglalaro ka sa tapat ng bahay nyo, minsan nga nakita pa kitang pinalo ng nanay mo sa pwet eh. At nung sabay na tayong tumungtong ng sampung taong gulang, doon ko napagdesisyunang magteleport papunta dito.” Paliwanag nya.

“Eh bakit kelan mo lang ako kinausap kung matagal ka na pala dito.” Tanong ko ulit.

“Eh, kasi hindi pa ako sanay noon sa mundo nyo eh. Nahihirapan pa ako huminga dati kasi oxygen ang ikinabubuhay nyo. Eh, kami nitrogen kaya kailangan ko pang maghanap ng nitrogen inhaler para makatagal ako, hanggang sa nasanay na lang akong iinhale ang oxygen. Tsaka natatakot ako noon sa ibang tao, sayo lang naman ako hindi natatakot. Napansin ko nga na maraming may gustong makasama ka eh. Hindi ako nagkaroon ng pagkaktaong lapitan ka noon kasi andameng nakapaligid sayo. Pero nung makita kitang nag-iisa dito sa park, doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ka. Pinagkamalian mo pa nga akong nangunguha ng laman loob diba?” sagot nya.

“Ah, ok. Galing mo ah, kongkreto ang mga paliwanag mo ah. Nga pala Stephen iinvite kita sa kasal ng kapatid ko ah. Sinabihan ko na yung kapatid ko at isasama ka na raw nila sa listahan ng mga darating kaya bawal ka na tumanggi. Teka! Hindi ka na ba natatakot sa ibang tao ngayon?” sabi ko.

“Hindi na ako takot sa ibang tao napag-aralan ko na kasi ng husto ang ugali ng mga tao netong last 15 years kaya naman ok na rin sila saken. Kasal? Wow! Ito yung kauna-unahang beses ko na makaka attend sa isang party. Yehey! Maghahanda ako ng regalo para sa kapatid mo. Asan pala ang invitation ko?” para syang batang naexcite sa party. Inilahad nya ang kamay nya at hiningi na ang invitation card.

“Wala pa, hindi pa gawa. Ibibigay ko rin sayo, wag kang excited.” Sabi ko sabay bigla syang sumimangot.

“Magi-invite tapos wala pa palang invitation. Ibigay mo saken agad pag nagawa na yung aken ah. Pag hindi ipapadala kita sa blackhole.” Pananakot nya.

“Oo na, takot ko lang mapunta sa blackhole.”

“Ay, Enzo para sayo nga pala ito.” At iniabot nya saken ang isang makinis na bato na kasinlaki ng palad ko. Perpekto ang bilog na hugis nito at talagang makintab.

“Ano naman ‘to?” nagtataka kong tanong.

“Pag kinausap mo ang batong yan. Maririnig ko ang lahat ng sasabihin mo. Parang cellphone yan. Ganyan ang ginagamit namen sa planeta namen. Ang kaibahan lang, hindi mo ako maririnig. Andromedan lang ang nakakarinig ng boses na lumalabas dyan pero kahit sino pwede magsalita dyan. Kaya pag kailangan mo ako, magsalita ka lang dyan tapos darating ako kaagad. Isa pa nga pala magagamit mo rin yan sa oras na mangailangan ka, kung sakaling hindi ako dumating. Ok? Syempre may mga oras din na busy ako noh.” sabi nya.

“Ah, ok ah. Sige gagamitin ko ‘to palagi. Teka! Wala ka bang cellphone na gawa dito sa earth? Hindi ko pa nakukuha yung number mo eh.” Tanong ko sa kanya.

“Ah, wala akong cellphone na gawa dito sa inyo eh. Ikaw lang naman ang kinakausap ko dito sa mundo nyo. Since, lagi naman tayong nagkikita eh sa tingin ko hindi ko na kailangan yun.” Sabi nya. Napatango na lang ako.

Masaya kaming naglakad at sumakay ng jeep. Habang nasa sasakyan kami ay napansin kong napagod sya sa paglalakad at panay pawis na ang noo nya. Hindi naman ganun kalayo ang nilakad namen ah. Pero napansin ko rin na may pawis rin pala ako, at medyo hinihingal din. Hmp! Maalinsangan na kasi at anglakas ko pa magyosi. Nang makarating na kami sa kanto ay pinauna na nya akong maglakad papasok sa bahay namen. Sinilip ko naman sya sa pinto at nakita ko rin ang pagpasok nya sa kanila. Napangiti na naman ako ng walang humpay dahil nakita ko na naman sya. Kahit may pagka-isip bata sya at maraming kalokohang naiisip ay napaka gwapo pa rin nya sa paningin ko. Actually nako-cutan nga ako sa pagkaisip bata nya eh, bagay sa kanya kasi baby face sya. Well, ako rin naman hahaha. Walang pakemalanan!

----------

Nalulungkot ako. Halos isang buwan na kasi kaming hindi nagkikita ni Stephen. Wala akong pasok at nandito lang ako sa bahay. Naglalaro ako ng mga games na naka-install sa cellphone ko hanggang sa maburyo na talaga ako. Naalala ko yung bato na ibinigay saken ni Stephen. Kinuha ko iyon at kinausap ko.

“Wui, asan ka bakit hindi ka nagpapakita saken?” sabi ko. “Ah alam ko na, kikwentuhan na lang kita. Ahy! Hindi na lang pala, nakakaboring din kasi hindi ka naman sasagot eh.” Napapangiti ako sa sarili ko dahil para akong baliw na kinakausap ang isang bato. Pero sa kabila ng utak ko ay gusto kong maniwala na naririnig nya ako kaya naman nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa bato. Nandyan yung ikinikwento ko sa bato yung mga bagong dating na problema na gusto kong isigaw. Nakakatuwa kasi gumagaan yung pakiramdam ko. Nagtatanong din ako sa bato, at iniisip ko lang ang mga kasagutan sa tanong ko. “Gwapo ba lahat ng Andromedan? Kasi ang gwapo mo eh.” Sabi ko. “Nga pala Stephen, wag ka magagalit ah pero sa tingin ko mahal na kita. Nakikinig ka ba? Baka naman magalit ka saken ah. Wag kang magagalit saken kasi kung ayaw mo naman. Kakalimutan ko na lang yung nararamdaman ko para sayo basta maging magkaibigan pa rin tayo.” Naaliw na ako ng husto sa pakikipag-usap ko doon sa bato. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Dumating na ang invitation sa kasal. Sa isang linggo na kasi iyon kaya todo na ang preparation. May ilang bagay na hinihingi saken ang kapatid ko para naman daw may partisipasyon kami sa mga gastos sa kasal na masaya ko namang ibinibigay. Minsan pa nga ay hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing aabutan ko sya ng pera eh. Hindi dahil sa nanghihinayang ako sa pera kundi dahil naiisip ko na ang bunso kong kapatid ay ikakasal na. Dati ang liit nya lang at palagi ko syang pinapatulog. Ngayon ikakasal na ang kapatid ko. Napapayakap na lang ako sa kanya sa tuwing maiisip ko na minsan sa buhay ko ay inalagaan ko rin ang pinakamamahal kong kapatid. Tapos ngayon ay may iba ng mag-aalaga sa kanya. Hindi nya na kailangan ang kuya nya para ipagtanggol sya dahil may iba nang gagawa nun para sa kanya. Nagsisisi ako sa mga panahong inaaway ko sya dahil sa tigas ng ulo nya. Kung alam ko lang na mabilis na darating ang araw na ito edi sana nilambing ko na ng husto ang kapatid ko bago pa sya maikasal. Babawi na lang ako sa magiging pamangkin ko sa kanya.

Hindi pa rin kami nagkikita ni Stephen. Ipinaabot ko na nga lang sa kasambahay nila ang invitation card para naman matanggap nya. Nalulungkot man ako ay wala pa rin akong magawa. Hindi ko naman kasi alam kung saan ko sya hahagilapin eh. Nung tinanong ko yung katulong nila, hindi rin nito alam kung nasaan ang amo nya kaya naman hindi na ako nangulit pa.

Araw ng kasal ni Krizzie at Randell. Masaya ang lahat hanggang sa matapos ang seremonya. Ang inaasahan kong dumating ay wala. Hindi man lang nagpakita si Stephen. Pero nung magpunta kami sa reception. Nagulat kaming lahat dahil nung nagkakainan na kami ay bigla na lamang may mga kalalakihang nagpasok ng piano sa loob. Kasunod noon ang ilang tila mga musikero na may bit bit na kung ano anong instrumento sa musika. Nakita ko pa ngang nag-usap ang bagong kasal eh. Sa tingin ko sila man ay nagtataka sa mga nangyayare. Hanggang sa bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong umakyat ng stage si Stephen.

Nagsalita si Stephen sa stage at sinabi nitong ito raw ang regalo nya sa bagong kasal. Umupo si Stephen sa tapat ng piano at nag-umpisa na silang tumugtog. Hanggang sa tumayo muli si Stephen at inannounce ang father and daughter dance. Muli syang bumalik sa harap ng piano at nag-umpisa nang tumugtog. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil nakikita ko ang mata nyang nakatingin saken. Seryoso sya habang kumakanta. Hindi ko mawari ang itsura nya. Para syang stress na stress pero patuloy pa rin sya sa ginagawa nya.

Cinderalla – Steven Curtis Chapman

Tumayo na ang tatay at si Krizzie. Nagumpisa na silang sumayaw. Naluluha ako sa nakikita kong pagiging emosyonal ni tatay. May asawa na ang kapatid ko. Sana ay maging masaya silang dalawa. Ramdam ko ang nararamdaman ni tatay. Ang bunso nyang anak na minsan ay idinuyan nya sa kanyang mga bisig ay kinakailangan nang sumama sa napangasawa nito. Malulungkot talaga sya dahil alam ko kung gaano katindi ang pag-iingat nya kay Krizzie. Si tatay ang may pinaka matinding galit nong mabuntis si Krizzie na halos sugurin nya na si Randell para patayin. Ganon talaga kung nadisgrasya ang anak mong iningatan mo na parang isang mahalagang kayamanan. Sa mga huling bahagi ng awiting inihandog ni Stephen para kina tatay at Krizzie ay mas lalo pa silang naging emosyonal. Pareho na silang umiiyak at si Krizzie naman ay parang batang yumakap na lamang kay tatay ng mahigpit. Si tatay ay patuloy pa rin sa pagsayaw, parang halos buhat buhat nya na ang bunso namen. Nang lingunin ko naman si Stephen ay nakita kong nangangatal na rin ang bibig at nanginginig na ang boses nito habang kumakanta. Halos napapapikit na ito na para bang nahihirapang abutin ang nota ng kanta. Pinilit nya iyong makanta ng maayos at maganda naman ang lumalabas na boses nya, pero hirap talaga.Tumingin din sya saken at tsaka sya humugot ng malalim na hininga. Ipinagpatuloy nya ang mga huling bahagi ng kanta, hanggang sa ito ay matapos.

Tumingin muli ako sa pwesto ni Stephen nang matapos magsayaw sina tatay at Krizzie. Bumaba na ito sa stage at ako naman ay sinalubong sya. Nakangiti ito saken, pero mukhang napagod sya sa ginawa nya dahil puro pawis na ito at medyo humihingal. Inaya ko sya sa lamesa namen at ipinakilala ko sya sa mga magulang ko na ngayon ay nag-uumpisa nang magkasundo ulit. Pero hindi pa rin umuuwi si tatay sa bahay. Masaya nilang binati si Stephen at ganun din si Stephen sa kanila. Agad ding lumapit ang bagong kasal kay Stephen at sobrang saya nila itong pinasalamatan sa regalong inihandog nito sa kanila. Pinakain ko si Stephen at nagkwentuhan pa kami ng kaunti sa loob bago kami lumabas at doon ipagpatuloy ang kwentuhan. Nasa labas na kami, at doon ko sya tinanong.

“Saan ka nanggaling bakit hindi ka nagpakita saken ng matagal?” ngumiti lang sya at hindi sumagot. “Nagkasakit ka ba? Ang putla mo kasi eh.” Tanong ko ulit. Muli ay ngumiti lang sya at hindi pa rin sumagot. Naiinis man ako ay hindi ko magawang ipakita sa kanya iyon.

“Nagalit ka ba saken nung hindi tayo nagkikita?” biglang tanong nya.

“Hindi naman ako nagalit. Medyo nagtampo lang. Ilang beses kitang kinausap don sa Andromedan cellphone mo pero mukhang sira naman yun kasi hindi mo ako narinig eh.” Sabi ko na medyo nakasimangot.

“Ah, narinig ko yon. Kaso kailangan kong magpahinga eh. Kasi masyado na akong naexpose sa oxygen. Naalala mo na, hindi naman talaga oxygen ang gamit namen sa paghinga. Akala ko sanay na ako, masama pa rin pala ang epekto nun sa katawan ko. Hehehehe.”ngumiti sya pero alam kong pilit iyon. Maya maya pa ay naging seryoso na ulit ang mukha nya. Para syang may iniindang saket sa loob nya na hindi ko mahulaan.“Uwi na ako ah, pakisabi na lang kay nanay at tatay. Naeexpose na naman kasi ako sa oxygen eh.” Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang babae at inakay sya papuntang sasakyan nila. Pero bago pa man lang ito makapasok ay bigla na lamang nawalan ng malay si Stephen. Agad akong napatakbo sa kinaroroonan nila.

“Itakbo na po naten sya sa ospital! Mukha pong hindi maganda ang lagay nya eh.” Pakiusap ko sa babae.

“Huh? Ah eh, sige tara na!” sabi nung babae. Hindi na muna ako nag-abala pang tanungin ang pangalan nya dahil nga nag-aalala ako kay Stephen. Hanggang sa makarating kami sa ospital. Sinalubong kami agad ng doctor.

“Naku mam bakit nyo po kasi hinayaang gawin ni Stephen ang gusto nya?!” sabi ng doctor. Nagtaka ako dahil sa pananalita ng doctor ay parang regular na pasyente nila si Stephen. Dahil mukhang kilalang kilala nya na ito. “Baka po lumala ng husto yung mga komplikasyon nya.” At napapa-iling ang doctor doon sa babae. Hindi naman alam nung babae kung papaano magpapaliwanag sa doctor.

Ipinasok si Stephen sa ICU. Lalo akong nag-alala dahil mukhang hindi biro ang sakit ni Stephen at alam iyon ng babaeng ito. Umupo muna kami sandale. Nagulat ako nung hawakan nung babae ang kamay ko at tumingin sya ng diretso saken.

“Enzo, pasensya ka na ah at naabala ka pa. Si Stephen kasi eh. Pinilit nya akong pumunta daw kami sa kasal ng kapatid mo. Ayaw ko nga sana kasi kailangan nya talagang makapagpahinga dito sa ospital. Dahil nitong mga nakaraang linggo lumala ang sakit ni Stephen. Kaso talagang mapilit eh, nagwawala. Takot na takot na baka daw magalit ka kapag hindi sya pumunta. Ipinagbabawal pa naman sa kanyang magpunta sa mga matataong lugar. Dahil baka kung anong infection ang masagap nya. ”sabi nung babae. Nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko.

“Ahm, kilala nyo po ako?” pagtataka ko.

“Oo, matagal na kitang kilala Enzo. Bata ka pa kilala na kita, dahil kay Stephen. Pero yung pangalan mo kelan ko lang nalaman.” Sabi nya.

“Papano nyo po ako nakilala eh hindi ko naman po kayo nakikita at tsaka kelan ko lang rin po nalaman na sa tapat namen nakatira si Stephen eh. Pwede nyo po bang ikwento kasi medyo naguguluhan po ako sa nangyayari sa kanya eh.” Sabi ko.

“Buong buhay ni Stephen ay nasa loob lang sya ng bahay. Hindi kasi sya pwedeng maexpose sa kahit anong uri ng dumi dahil ikakahina ng katawan nya yon. Hindi kasi sya normal katulad ng ibang malulusog na bata. Mula kasi nang ipanganak sya ay may sakit na sya. Palagi syang malungkot noon. Gusto nya lumabas pero hindi ko naman sya magawang payagan dahil natatakot ako sa anumang pupwedeng mangyari sa kanya. Ilang beses rin nya akong pinilit. Naawa ako sa pamangkin ko dahil hindi naman nararapat sa kanya ang makulong sa bahay. Pero wala akong magawa Enzo. Kaya naisip kong bumili ng telescope para naman masilip nya ang labas pati na rin ang malalayong lugar na maaaring matanaw gamit ang telescope. Ayaw nya yong gamitin dati pero nung makita nya ang isang masayahing bata ay naging madalas ang pagsilip nya rito. Ikaw yung batang yon Enzo. Napansin ko rin na naging madalas na ang pagngiti nya. Naging masayahin na rin sya. Alam mo ba na naging masigla ang katawan nya simula nung makita ka nya. Pero nalulungkot sya kapag wala ka. Gusto nga sana kitang papuntahin dati sa bahay eh. Pero hindi na pumayag noon si Stephen dahil ayaw ka raw nyang mahawa sa sakit nya.” Kwento ng tita ni Stephen.

“Ah ano po bang sakit ni Stephen?” tanong ko.

“Enzo, please may ilang bagay muna akong gusto sabihin sayo bago ko sabihin kung anong sakit nya. Nakikiusap ako wag mong lalayuan si Stephen. Ikaw na lang Enzo, ikaw na lang ang dahilan nya kung bakit pinipilit nya pa ring mabuhay. Simula pagkabata ay alam ko nang mahal na mahal ka na ng pamangkin ko. Kaya please, wag kang lalayo sa kanya. Baka kasi hindi nya kayanin. Kahit magkano magbabayad ako basta wag mo lang syang layuan. Hanggang sa mga huling sandali nya dito sa mundo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil isinilang ka sa mundong ito Enzo. Dahil sayo ay naging malakas si Stephen at hindi sya madaling nagapi ng karamdaman nya. Sya na lang ang meron ako Enzo. Marame akong pera pero walang say say yon kung wala si Stephen. Sya lang ang itinuturing kong anak. Simula kasi nung mamatay ang kapatid ko ay ako na ang nagalaga sa kanya. Kaya hindi ko na naisip mag-asawa. Enzo sayo sya humuhugot ng lakas para lumaban kaya please, wag kang lalayo sa kanya. Wag ka sanang mandidiri sa kanya ah. Enzo.. . . may….may AIDS si Stephen. Namana nya ang sakit nya sa mga magulang nya. Hindi alam ng kapatid ko na may AIDS ang napangasawa nya kaya nahawa sya rito. At dahil sa pagtatalik nila ay nabuo si Stephen. Kung parehong infected ng AIDS ang magkatalik at nakabuo sila ay maisasalin din iyon sa bata. Enzo, please wag mo syang pandirihan. Palagi syang mag-isa buong buhay nya, palagi ko syang naiiwan dahil kailangan kong asikasuhin ang mga negosyo namin para masiguro kong hindi kami mauubusan ng pera para sa paulit ulit na pagbalik nya sa ospital. Ayaw ko naman kasing galawin ang pera nya. Kaya akala nya hindi ko sya mahal. Akala nya nandidiri din ako sa kanya. Pero mali sya dahil mahal na mahal ko sya. At palagi kong hinihiling na sana malipat na saken ang sakit nya. Ako na lang wag na ang pamangkin ko.” Pumintig ng napakalakas ang puso ko sa mga nalaman ko. Dumaloy na lang ng kusa ang mga luha ko. Hindi ko alam kung papaano ako magrereact sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako ng takot. Pero mas nangibabaw ang awa’t pagmamahal ko para kay Stephen. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Hinawakang mahigpit ng tita ni Stephen ang mga kamay ko. Nag-aalala sya na baka dahil sa nalaman ko ay lalayo na ako kay Stephen.

“Wag po kayong mag-alala, hindi ko po lalayuan si Stephen kahit anong mangyare. Kasi, kasi.. mahal ko rin po ang pamangkin nyo.” Nang marinig nya ang mga sinabi ko ay doon na sya napahagulgol at napayakap saken. Yumakap na rin ako. Gusto kong iparamdam sa tita ni Stephen na dapat syang mapanatag dahil kahit kelan ay hindi ko lalayuan ang pamangkin nya. Naging malakas si Stephen para saken nung mga panahong kailangan ko sya. Kaya sa puntong ito ako naman ang magiging malakas para sa kanya. Magiging matatag ako at hinding hindi ko sya bibitawan.

Nang matapos kaming mag-usap ay sinilip na namin kung anong lagay ni Stephen. Natutulog lang ito. Sobrang amo ng mukha nya, para syang batang walang muwang sa mundo. Alam ko sa sarili kong magtatagal pa ang buhay nya. Sa tulong ng Diyos at ng pagmamahal namin ng tita nya para sa kanya ay alam kong magiging maayos din ang lahat. Turo saken ni Stephen iyon, kaya nga wala na akong pakialam sa kahit anong problemang dumarating samen eh. Nagpaalam na akong uuwi sa tita ni Stephen. May pasok pa kasi ako kinabukasan eh. Naga-alala naman ang tita nya na baka hindi na ako bumalik. Ang sabi ko naman ay wala syang dapat alalahanin dahil hindi naman ako kayang sindakin ng AIDS.

Pagkatapos ko sa trabaho ay agad akong umuwi ng bahay. Nagbihis lang ako sandali at dumiretso na ako ng ospital para bantayan si Stephen. Pero nadurog ang puso ko nung makita ko sya. Nakita kong nagwawala sya at inihahagis lahat ng mahawakan nya sa mga doctor na nakapaligid sa kanya. Nakita ko si tita na iyak na lang ng iyak.

“BAKET?! BAKET?! NYO PA AKO KAILANGANG IKULONG SA IMPYERNONG TO? HA? WALA NAMANG GAMOT SA SAKIT KO AH!? Alam ko naman na mamamatay na ako. Ang gusto ko lang namang mangyari makasama si Enzo bago ako mawala. Baket?! Ayaw Nyong pagBIGYAN ANG GUSTO KO?! SYA NA LANG ANG NAG-IISANG KALIGAYAHAN KO. BAKET?! BAKET?! Baket ayaw nyo syang ibigay saken. MAGSIALIS KAYO DYAN, PUPUNTAHAN KO SI ENZO!” At maya maya pa ay unti unti na syang nanghina at bigla na naman syang nawalan ng malay.

Wala na rin akong nagawa kundi ang umiyak na lang rin sa nakikita ko. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kahalaga sa mundo. May mga taong nakasandal saken kaya kailangan kong maging matibay. Hindi ko sila dapat biguin dahil katumbas ng kabiguan ko ay ang kabiguan din nila. Kaya dapat kong iayos ang pananaw ko sa buhay. Hindi ako dapat hihina hina. Dapat lagi akong palaban sa buhay. “Hoy! Umayos ka!” naalala kong sabi ni Stephen.

Nang makatulog na si Stephen ay tsaka ako pumasok para bantayan sya. Si tita naman ay pinauwi ko muna para na rin makapagpahinga. Alam kong kagabi pa sya rito. Nabanggit nya rin kasi saken na ayaw nya nang abalahin pa ang mga kasambahay nila para bantayan si Stephen. Dahil makikitid ang mga utak nito at ignorante sa sakit na AIDS. Akala nila ay mahahawa na sila sa oras na lumapit sila kay Stephen.

Halos madaling araw na rin akong umuwi. Medyo nalate kasi si tita Alma. Panay nga ang hingi nya ng sorry saken dahil daw napuyat na ako. Pero para saken ay balewala lang yon. Kahit ano gagawin ko para kay Stephen. Medyo kalokohan ‘tong nasa isip ko pero totoo, wala talaga akong pakialam kahit mahawa pa ako kay Stephen.

Nasa park ako, pagkatapos ng trabaho. Dahil gusto ko munang huminga. Napakarami na kasing nangyari at exhausted na ako. Pero hindi katulad dati na nagpupunta ako dito para matakasan ang problema. Ngayon ay nagpupunta ako dito para magpahinga lang sandali at iready ang sarili ko sa mga susunod pang mangyayari. Hindi na ako duwag, hindi na ako kahit kelan tatakbo sa problema. Matatag na ako ngayon. Nagmumuni muni ako ng bigla na lamang may tumapik saken. Si Stephen.

“Uy! Anong ginagawa mo? May mabigat ka na naman bang problema?” tanong nya. Itatanong ko sana kung papano sya nakalabas ng ospital pero naalala kong hindi nya nga pala alam na alam ko na ang lahat. Sa tuwing pupunta kasi ako ng ospital ay sinisilip ko muna kung gising ba sya o tulog na. Pag natutulog na sya ay tsaka lang ako papasok para bantayan sya. Ayaw kong malaman nya na alam ko na ang lahat dahil baka mailang sya. Kaya kinausap ko ang tita nya na wag na ipaalam sa kanya.

“Ha? Ah, wala naman nandyan ka na kasi kaya nawala na. Teka san ka ba nanggaling at hindi na naman kita napagkikita?” pamaang kong tanong.

“Eh, kasi sinubukan kong magteleport papunta sa planeta namen kaso lumanding ako sa Sahara kaya hindi ako nakabalik kaagad. Palpak talaga dito sa mundo nyo eh. Yung Andromedan cellphone na ibinigay ko sayo? Pahiram nga. Maghahanap na lang ako ng magandang signal para makontact ko yung mga magulang ko doon para sunduin ako dito. Dun kaya sa burol na malapit saten, maganda kaya ang signal don? Nagsasawa na kasi ako sa earth eh.” Sabi nya na ikinalungkot ko talaga.

“Bakit naman? Ayaw mo na ba dito? Malulungkot ako pag umalis ka.” Sabi ko habang pinipigilan ko ang luha ko.

“Oo, ayaw ko na dito hindi na kasi maganda ang epekto ng oxygen saken eh. Bahala ka mamamatay ako dahil sa suffocation gusto mo ba yon? Wag ka malungkot pag umalis ako. Gusto ko nakangiti ka lang. Iiwan ko naman sayo yung Andromedan cellphone para pwede mo pa rin akong makausap.” Sabi nya.

“Eh, papano naman ako? Hindi naman kita maririnig. Lugi ako ah. Hindi mo ako mamimiss dahil maririnig mo ang kwento ko sayo, pero ikaw, hindi ko maririnig ang sagot mo.” Sabi ko na talagang hindi ko na mapigilan ang luha ko. Pumatak na ito pero hindi dire diretso.

“Pag-aralan mong makinig dyan. Gamitin mo ang puso mo para marinig mo lahat ng sasabihin ko. Yan lang kasi ang tanging bagay na maiiwan ko sayo eh. At tsaka kaya ka nyang protektahan. Makakatulong yan sayo sa oras ng pangangailangan mo. Pagpasensyahan mo na, yan lang kasi ang meron ako eh.”sabi nya. Ginamit nya ang hinlalaki nya para pahirin ang pumatak kong luha.

“Habang buhay kitang kakausapin sa pamamagitan nito.” Sabi ko.

“Umuwi ka na. Anong oras na oh maaga pa ang pasok mo bukas. Wag kang magpupuyat, malalim na ang mata mo oh. At tsaka kumain ka ng marame para hindi ka manghina. Alagaan mo ang sarili mo at maging masaya ka palagi, para hindi ako malulungkot pag tinignan kita mula sa Andromeda.” Sabi nya.Tumango na lamang ako at tumayo na kami para umuwi.

Nag-undertime ako sa trabaho kinabukasan. Tinawagan kasi ako ng tita ni Stephen at sinabi saken na nawawala daw si Stephen. Sobrang nag-alala ako kaya naman umuwi ako kaagad. Paglabas ko ay nakipagkita ako sa tita ni Stephen at agad namin syang hinanap. Halos buong maghapon kaming naghahanap. Kung saan saan kami nag-ikot. Sobrang hirap kasi wala kaming ideya kung saan sya maaaring magpunta. Naalala kong naghahanap nga pala sya ng signal para doon sa Andromedan cellphone. At nabanggit nya saken ang burol na malapit samen kaya sinubukan kong magpunta doon. At nang makarating ako sa paanan ng burol ay agad ko syang nakita. Nakaupo sya sa ilalim ng isang puno at nakataas ang kamay nya na hawak ang Andromedan cellphone. Puta! Yung luha ko wala nang katigil tigil sa sobrang paga-alala sa kanya. Nagngingit ngit na ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Agad akong tumakbo sa kinroroonan nya at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ang hirap maghanap ng signal dito sa mundo nyo.” Sabay kumalas sya bigla sa pagkakayakap ko at tumayo sya para ibaling kung saan saan ang batong hawak nya.

“Kasi sobrang layo nung kinocontact mo eh. Tara na umuwi na tayo, lumalamig na eh.” Sabi ko.

“Gusto ko na makauwi sa galaxy namen. Gusto ko na makita ang mama at papa ko.”naawa ako sa kanya nang sabihin nya ito. Alam kong matagal na syang nangungulila sa pag-aaruga ng isang magulang, kaya hindi ko mapigilang maluha. Pero kailangan ko na talaga syang iuwi baka kung ano pang mangyari sa kanya.

“Darating ang panahon at magkikita rin kayo. Pero habang hindi dumarating ang panahon na yon, dito ka lang muna. Halika na, nandito naman ako eh, hindi kita pababayaan.” Sabi ko.

“Hindi mo naiintindihan, nanghihina na ako dito sa mundo nyo. Gusto ko na umuwi.” Nakikita ko na ang pagpatak ng luha nya.

“Stephen, dito ang tahanan mo. Dito sa piling ko, hindi kita iiwan basta ipangako mo lang saken na mananatili ka rin sa tabi ko. Pakiusap tara na!” pakiusap ko sa kanya. Gusto kong ipaunawa sa kanya na hindi ko kayang mawala sya.

“Hindi ako tagarito. Andromedan ako, hindi ako nababagay dito.” Sabi nya.

“TUMIGIL KA NA!? HINDI MO BA NAKIKITA? NAHIHIRAPAN NA AKO SA GINAGAWA MO!” Sigaw ko sa kanya at tsaka ako napabaling sa puno at sumuntok ng ubod lakas. Narinig ko ang pigil na hikbi nya.

“Hindi ka na naniniwala?” nanghihinang tanong nya habang nakatalikod pa rin. Hindi ko sinagot ang tanong nya at patuloy ko lang na pinigilan ang pagiyak ko. Maya maya pa ay bigla syang natumba. Mabilis akong lumapit sa kanya para akayin sya.

“Tara na, dadalhin na kita sa ospital.” Sabi ko sa kanya.

“Wag na. Dalhin mo na lang ako doon sa tuktok ng burol para macontact ko na ang mga susundo saken dito. Punong puno na ng oxygen ang sistema ko kaya nanghihina na ako. Enzo please dalhin mo ako doon. Gusto kong makita ang buong lugar naten. Magiging masaya ako pag dinala mo ako doon. Magiging masaya akong titignan ang itsura ng mundo kasama mo.” Nanghihina nyang pagkakasabe.

Nagdadalawang isip ako sa kung anong gagawin ko. Pero wala akong ibang hiniling kundi ang maging masaya si Stephen. Kung binibilang na namin ang mga huling oras nya dito sa mundo ay mas pipiliin kong maibigay sa kanya ang kaligayahang inaasam nya. Pasasayahin ko sya hanggang sa huling hininga nya. Dahil yon na lang ang tangi kong maibibigay sa kanya. Wala na. Ipinasan ko sya sa likod ko. May kabigatan sya kaya nahihirapan ako. Papalubog na ang araw nung mga oras na yon. Habang umaakyat kami sa tuktok ng burol ay bigla nyang hinimas ang mukha ko.

“Wag ka na umiyak. Malungkot akong aalis kapag nakita kitang umiiyak. Pag nasa Andromeda na ako palagi kitang babantayan. Hindi naman magtatagal at makakalimutan mo rin ako eh. Pero ako habang panahon kitang aalalahanin. Tandaan mo na palagi lang nandyan sa tabi mo ang puso ko.” Sabi nya.

“Wag ka na nga magsalita. Para namang tino-torture mo ako nyan eh. Hindi mo ba alam na mabilis masaktan ang damdamin naming mga taga-earth?” sabi ko.

“Pasensya ka na pero gusto kong malaman mo ang mga nasa isip ko bago ako umalis. Pag hindi ko kasi sinabi sayo ang mga gusto kong sabihin, baka pagsisihan ko yon habang panahon.” Sabi nya.

“Bahala ka, basta hindi kita papakinggan.” Sabi ko.

“Enzo, mahal kita.” Nang marinig ko iyon ay nag-umpisa nang manginig ang katawan ko at napahikbi ako. Nangangatal na ang bibig ko at bumabaha na ng luha sa mukha ko.

“Ano yun? Anong sinabi mo? Hindi ko narinig. Ulitin mo.” Sabi ko na may nanginginig na boses.

“Ayoko. Wala akong sinabi.” At isiniksik nya na lang ang ulo nya sa leeg ko. Medyo napangiti ako dahil sa inasal nya. Isip bata talaga sya.

“Mababait ba ang mga Andromedan?” Tanong ko.

“Mababait naman kami. Bakit mo naman naitanong?” balik tanong nya.

“Kasi nag-aalala ako sayo eh. Baka wala nang magmahal sayo dun.” Sabi ko.

“Natatakot ka bang mawala ako?” tanong ulit nya.

“Oo, takot na takot ako. Please wag ka na lang umalis. Malayo yun mahihirapan akong sundan ka. Sabi nila Andromeda ang galaxy na pinakamalapit sa langit kaya please wag ka na pumunta dun. Dito ka na lang sa mundo namen, masaya naman dito eh.” Sabi ko.

“Wag kang matakot. Maging matatag ka para saken.” Sabi nya.

“Tinuruan mo na akong maging matatag. Pero.. pppero hindi mo itinuro saken kung papaano maging matapang. Stephen naduduwag ako. Ayaw kong mawala ka. Hindi ko alam ang gagawin pag umalis ka.”

“Pagiging matapang ang huli kong ituturo sayo. Ito na ang huling pagsubok, kung malalagpasan mo ang kalungkutang idudulot ng pag-alis ko. Makasisiguro na akong wala ka nang hindi kakayanin.” Ayaw ko nang pakinggan ang mga sinasabi nya. Dahil habang naririnig ko ang nanghihina nyang boses ay lalo lang akong nasasaktan.

Nang makarating kami sa pinakatuktok ng burol ay umupo kami sa ilalim ng isang puno na nandoon. Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Napakaganda nun at nakita ko ang mga ngiti sa labi nya. Napahinga ako ng malalim habang tinititigan ko iyon. Pinagmasdan kong mabuti ang ngiti nya at itatatak ko sa aking isip. Kung huling beses ko na iyong makikita ay masasabi kong napakaswerte ko dahil alam kong ang mga ngiting yon ay para saken. Masakit pala, sobrang saket palang magmahal ng alien. Iniangat nya na naman ang batong hawak nya. Kinuha ko iyon at tumayo ako. Maghahanap ako ng signal. Para sa kanya, hahanapin ko ang hindi makikita. Para sa kanya mabubuhay ako sa kasinungalingan. Para sa kanya, maniniwala ako sa imposible. Para sa kanya lilipad ako. Para sa kanya bubuga ako ng apoy. Para sa kanya magteteleport ako. Para sa kanya, lalagpasan ko ang lahat ng limitasyon ng tao. Para sa kanya sisirain ko ang hangganan ng lahat lahat ko. Mamamatay ako at muling babangon para sa kanya. Isang pagkakataon pa. Kulang pa ang oras namen. Gustong gusto ko pa sya makasama. Nakikiusap ako, ibalato nyo na sya saken.

“Papano ba malalaman kung may signal nang nasasagap ‘to?” tanong ko sa kanya.

“Pag uminit sya ibig sabihin meron na yon.” Sagot nya. At patuloy akong nagpakatanga habang lumuluha ako.

“Umiinit na. May signal na. Hello, sinumang Andromedan ang nakakarinig nito please sunduin nyo na si Stephen. Nanghihina na sya rito sa mundo namen.” Habang nakatutok sa bibig ko ang batong hawak ko. Pumapatak na rin mismo sa batong hawak ko ang mga luha ko.

“Alam na nila yan. Bumalik ka na rito. Narinig na nila ang sinabi mo. Salamat sayo dahil masusundo na nila ako.” Sabi nya.

“Na.. Na.. Naiintindihan ba nila ako?”mautal utal ko nang tanong.

“Oo nakakaintindi kami ng kahit anong lengwahe. Enzo, nilalamig ako.” Pag kasabi nya nun ay agad akong lumapit sa kanya para yakapin sya ng mahigpit. Halos ibalot ko na sa kanya ang buong katawan ko.

“Malamig pa ba?” tanong ko.

“Hindi na…. Enzo, mahal na mahal kita. Salamat at hinayaan mo akong makapasok sa mundo mo. Habang panahon kitang mamahalin.” At lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya matapos nyang sabihin iyon. Nararamdaman ko kasi ang panginginig ng katawan nya.

“Mahal na mahal rin kita Stephen. Wala akong pakialam kahit anong klaseng nilalang ka. Basta mahal kita.” Bulong ko sa kanya.

“Matagal pa kaya sila? Inaantok nako.” Sabi nya.

“Malapit na sila. Darating sila kaya kailangan mong maghintay. Andyan na naririnig ko na sila.” Naghubad ako at ibinalot ko ang damit ko kay Stephen. “Malapit na sila, ano ba Stephen! Wag kang matutulog. Baka maiwan ka. Andyan na sila.”

“Pagod na ako Enzo.” Parang puputok na ang utak ko sa mga naririnig ko sa kanya. Hindi pwede ayoko. Kailangan nyang mabuhay para saken. Kahit ano gagawin ko basta mabuhay lang sya. Kahit anong klase ng kasinungalingan paniniwalaan ko para sa kanya. Handa akong magdusa kung ang kapalit nun ay mapanatili syang buhay.

“Konti na lang ano ba, maghintay ka naman please. Malapit na silang dumating.” Sabi ko. Tsaka ako tumayo. “MGA PUTANG INA NYONG MGA ALIEN KAYO! Bakit antagal nyo? DUMATING NA KAYO!” sigaw ko. At natataranta akong bumalik sa kinaroroonan ni Stephen at agad ko syang niyakap. Nawawala na talaga ako sa katinuan, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto kong hawakan ang buhay ni Stephen at makipaghatakan kay kamatayan.

“Enzo, salamat sa paniniwala saken. Masaya akong aalis sa mundong ito, dahil kahit maigsi lang ang buhay na ibinigay saken ay palagi ko namang matatandaan na minsan… may. . … may Enzo na… naniwala sa lahat ng kasinungalingan ko. Salamat… palagi pa rin kitang mamahalin doon sa Andro…me..da.” Sabi nyang halos pabulong na. At bumagsak na ang kamay nyang nakakapit sa kamay ko.

“Stephen! Stephen! STEPHEN! Ano ka ba? Wag ka naman sumuko! Wag mo naman akong iwan dito. Mahal na mahal kita eh. Lugi naman ako sayo. Hindi ko napaghandaan ‘to. Stephen?! Hoy! Magsalita ka?! Andyan na sila. Nakikita ko na. Dali na andyan na sila sinusundo ka na. Baka maiwan ka. Please gumising ka. Stephen!”

Lumitaw ang nakakabulag na liwanag at unti unti itong lumalayo. Malayo. Napakalayo. Pinipilit kong abutin. Pero hindi ko magawa. Ni ang isip ko, hindi kayang mapuntahan ang lugar na yon. Saan ko ba hahanapin? Wala sa aklat, wala sa mapa. Lupaing hindi ko pa man lang nasisilip sa tanang buhay ko. Unti unting nawawala. Gusto kong kumapit pero binibitiwan ako. Gusto kong kong lumipad para sundan ang nakakabulag na liwanag. Pero mabigat ang dalahin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Nabubulag na rin pati ang isip ko. Hindi na ako makakita. Hindi ko na mahanap ang hinahanap nya. Ayaw ko syang bitiwan. Pero alam kong naghahanap na ng kapayapaan ang mandirigmang nasa bisig ko. Gusto nyang lumaya sa kaguluhan. Dahan dahang umiikot ang paligid. Natatakot ako. Natatakot. Wala akong makapitan. Yumayanig ang mundo. Natatakot ako pero wala akong magawa. Wala akong boses para magsalita. Wala ang tinig ko kaya hindi ako makasigaw. Natatakot ako. Anong gagawin ko? Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao ko. Pero wala akong lakas. Hinihigop ng liwanag ang lahat ng natitira saken. Wala na. Ubos na! Ano pa bang kukunin nyo?! Lahat ng nais kong sabihin ay isinisigaw ko na lamang sa isip ko. Wala akong laban dito. Ayoko na!

At bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na kamay na lumapat sa mukha ko. “Wag kang matakot. Lumaban ka. Mas malakas ka kesa sa kanila. Magtiwala ka sa kakayahan mo. At sa mga oras na mahina ka gamitin mo ang puso mo. Darating ako para tulungan ka. Sabay tayong lalaban. Ang lakas mo at ang lakas ko ay pag-iisahin naten para lipulin ang lahat ng mga kaaway. May nagmamahal sayo kaya wag kang susuko.” Sabi ng tinig na nagdala saken ng kapayapaan. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Muli kong ipinasan ang walang buhay na katawan ng taong pinakamamahal ko. Tapos na ang paghihirap. Tapos na ang digmaan. Ngingiti ako dahil alam kong nagwagi kami. Sa susunod na laban ay hindi na ako matatakot sa mga kaaway. Malakas ako kaya manginig sila.

Nakakabinging pagtangis ang narinig ko sa paligid. Iilang tao lamang kami pero napakalakas ng tunog ng bawat daing at pagdadalamhati. May mga laban pa kaming dapat harapin sa buhay. Hindi dito natatapos ang lahat.

Ilang araw matapos ang libing ni Stephen ay nagpunta samen ang tita nya. May iniabot itong kahon saken. Hindi nya raw alam kung ano ang laman nun. At wala rin daw susi kaya ako na daw ang bahalang magbukas, bahala na raw ako kung gusto ko raw sirain. Pareho pa rin kaming nagluluksa sa pinakamamahal naming si Stephen kaya naman wala halos makangiti saming dalawa. Itinabi ko na lamang sa kwarto ko ang kahon. Kung anuman ang laman nun ay siguradong iyon ang mga bagay na magpapaalala saken na minsan sa buhay ko ay nakakilala ako ng isang alien. Naniniwala pa rin ako na sa likod ng mga bituin sa kalangitan ay nandoon si Stephen. Kahit saang galaxy man sya naroroon ngayon ay alam kong masaya na sya. Kaya dapat din kaming maging masaya. Alam ko na darating ang panahon ay mawawala rin ang sakit. Maghihintay ako. At pagdating ng panahong iyon ay sisiguruhin kong handa na ako sa mga mas mabigat pang pagsubok.

Patuloy kaming nagtitext ni tita Alma. Naging close na rin kami dahil ako na lang naman ang nakakausap nya tungkol kay Stephen. Minsan nga tinatawag nya pa akong manugang dahil nga ako lang ang minahal ni Stephen. Natutuwa ako kay tita kasi lumalabas ang pagkakalog nya pag nagtatawagan kami. Nandyan yung tinatanong nya ako kung may mga nanlalandi daw ba saken. Kung minsan naman may irereto syang kung sino sinong mga lalakeng hindi naman ako interesado. Sa lahat ng mga nangyari saken ay masasabi kong naging mature na ako sa pagharap sa buhay. Maraming hamon at marami pang darating na problema. Minsan isisigaw ko na lang na “Ano kaya mo pa? Sige pa, nakakaboring kang kalaban. Wala na ba? Delubyo naman ang ibato mo saken. Wala na akong hindi kaya ngayon! Hindi na kita uurungan.” At dahil sa mapaghamon na rin ako sa buhay ngayon ay hindi ko naman inaasahang papatulan nga ako ng buhay. Dumating ang isang mabigat na problema saken. Wala akong mahingian ng tulong dahil pumunta rin ng abroad si tita Alma. Sya lang ang alam kong mayaman na handang tumulong saken kahit anong sandali. Lumala na ang diabetes ni tatay at kailangang maoperahan sya. Kailangang putulin ang paa nya dahil lalo nang lumalaki ang nabubulok doon. Pati kidney nya ay nakikitaan na rin ng problema. Pinipilit kong maging mahinahon. “Hoy! Umayos ka!” boses ni Stephen na biglang dumaan sa isip ko. Alam ko may darating na kasagutan.

“Naku anak! San tayo kukuha ng pera?” nag-aalalang tanong ni nanay. Unti unti nang nagugulo ang isip ko. Pero pinipilit ko pa ring magpakahinahon.

Pagka-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako ng kwarto at naluluha na ako ng kakaisip. Naupo ako sa kama ko at napatulala nang bigla kong mapansin ang batong ibinigay saken ni Stephen. Kahit na napakabigat ng problema ko ay napangiti pa rin ako. Lahat ng ginawa ni Stephen saken ay ikinagagaan ko ng loob. Kaya sa tuwing maaalala ko ay bumabalik ako sa pagiging mahinahon. Kinuha ko yung Andromedan cellphone at kinausap ko ito.

“Kumusta ka na? Namimiss na kita ah. Nalulungkot ako kasi wala ka. Wala akong maikwentong maganda sayo ngayon kasi puro problema na naman ako eh. Tulungan mo naman ako.” Lumuluha na ako. Naghinaty ako ng ilang sandali. Naniniwala ako sa mga sinabi ni Stephen. Nababaliw na yata ako kaya naghintay ako na baka dumating sya. Bigla na lamang bumigay ang loob ko at sinisi ko yung bato. “Sinungaling ka! Sinungaling! Sabi mo pag tinawag kita darating ka! Sinungaling! Sabi mo matutulungan ako ng batong ‘to. Asan na bakit wala pa?!” Mabigat man sa loob ko pero talagang naibato ko sa pader ang batong hawak ko. Malakas ang pagkakabato ko at nang tumama ito doon ay nahati ito sa dalawa. At may nakita akong maliit na bagay na tumilapon. Kumalansing iyon na sya namang ipinagtaka ko. Hinanap ko iyon at nakita ko ang isang susi. Kinuha ko iyon at tinignang mabuti. Naalala ko yung kahong ibinigay saken ni tita na hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuksan dahil wala nga itong susi. Kinuha ko ang kahon at sinubukan ko iyong buksan gamit ang susing hawak ko. Kumasya ito at nang pihitin ko ay nag-unlock ang kandado. Paagbukas ko ng kahon ay unang tumambad saken isang larawan. Pumintig ng malakas ang puso ko nung makita ko ang isang napakalungkot na bata. Walang bahid ng anumang saya. Punong puno ng pagdurusa ang nakikita ko. Habang nakatitig ako sa larawan ay unti unti kong namumukhaan ang batang iyon. Si Stephen. Parang mula sa larawan ay lumulabas ang kalungkutan at sinasakop ako nito. Napansin ko rin ang isang sulat, binuksan ko ito at binasa.

Enzo,

Pag nakita mo ang larawan ko ay alam kong malulungkot ka. Ayan ako nung mga panahong hindi pa kita nakikita. Tignan mo yan para maalala mo kung gaano ka kahalaga sa mundo. Sana matandaan mo na ikaw lang ang tanging nagpangiti sa napakalungkot na batang yan. Ikaw ang dahilan kung bakit nagsumikap mabuhay ang batang yan. Wag kang susuko kahit na anong mangyare. Kasama mo ako sa lahat ng haharapin mo. Gawin mong makabuluhan ang buhay na tinataglay mo. Napakahalaga nyan dahil alam kong marami ka pang mapapangiti. Alam kong marami ka pang makikilala. Pero sana wag mo kalimutang minahal kita higit pa sa kahit anong bagay na kayang ibigay saken ng mundo. Minahal kita mula simula. Minahal kita hanggang wakas. At kahit wala na ako patuloy kong patutunayan sayong minahal kita. Ang kahong yan ay naglalaman ng mga huling bagay na kaya kong ibigay para maprotektahan ka. Inihanda ko na ang lahat dahil alam ko isang araw ay aalis nako. Sa pamamagitan ng mga bagay na nakapaloob dyan ay makasisiguro akong hindi ka na kayang apihin ng mundo. Ang kahong yan ang katunayan na sayo ko lang ibinigay ang lahat lahat ko.

Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pag-aalaga saken. Salamat at hindi mo ako iniwan. Salamat dahil isinilang ka. Salamat sa pagpapangiti saken. Salamat sa lahat ng sayang idinulot mo saken. Salamat sa paniniwalang may ibang mundo. Salamat sa paniniwala sa lahat ng kasinungalingan ko. Salamat dahil natuto rin akong maniwala sa pagmamahal na ang akala ko ay isa lamang bahagi ng kasinungalingan. Pinatunayan mo saken na totoo ang langit. Pinatunayan mo saken na totoo ang pag-ibig. Mahal kita, salamat dahil binigyang kahulugan mo ang buhay ko. At patutunayan ko sayong hindi ako kayang hadlangan ng kamatayan para mahalin ka. Hindi ka nag-iisa. Hindi ka na mag-iisa dahil mahal kita hanggang sa huling sikat ng araw.

Stephen,

Natahimik lang ako. Hindi ko maisip kung papaano ako magrereact. Napansin ko na lang na tumutulo na ang luha ko sa binasa ko. Nang mahulasan na ako ay ipinagpatuloy ko ang paghahalungkat ng kahon. Nanlaki ang mata ko dahil meron palang pera dito. Puta! Andame! Maipapagamot ko na si tatay. Hindi ko alam kung magkano yon basta alam kong sobra sobra pa iyon sa kinakailangan namin. Nakakita rin ako ng mga papeles pero hindi ko na iyon masyadong pinansin dahil naisip ko na agad na bumalik sa ospital para dalhin ang pera.

-----------

Naoperahan na si tatay at naging successful naman. Pero nagstay pa sya ng halos isang buwan pa para maobserbahan. Wala namang naging problema dahil may pera nang pangsuporta. Makalipas ang ilang linggo matapos kong mabuksan ang kahon ay nakipagkita ako kay tita Alma. Kakauwi nya lang galing California dahil umattend ito sa kasal ng anak ng kaibigan nya at tumuloy na ito sa pamamasyal para na rin makalimot. Itinanong ko sa kanya kung para saan ba lahat ng papeles na nakalagay doon sa kahon.

“Hay! Ang pamangkin ko nainlove talaga. Akin na nga yang mga yan at ipaasikaso na natin sa abogado ko.” Sabi nya.

“Huh? Abogado? Bakit kailangan ng abogado? Baka mamaya nyan makulong ako dahil dyan ah.” Sabi ko.

“Sira, bat ka naman makukulong? Ipapaasikaso ko ito para mailipat na lahat sa pangalan mo. Itong isang ‘to kasi titulo nung resthouse sa Batangas. Ito namang isang ‘to doon sa Baguio. At ito naman. . . .. Titulo nitong bahay na ‘to. Pati na rin savings sa bangko na minana nya sa mga magulang nya, ibinibigay nya na rin sayo. Pati na rin shares nya sa business. Tama para matulungan mo na rin ako don at naloloka na talaga ako.” Nanlaki talaga ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

“Pppeerroo! Tita, hindi ko po yata matatanggap yan. Kayo po papaano kayo? Naku po! Naku po! Mababaliw yata ako? Totoo ba ‘to?” sabi ko. Sabay tinampal ako ni tita Alma at napaaray ako.

“Ayan, totoo pa rin diba? Wag mo akong alalahanin dahil meron din naman ako nyan. Tsaka balak ko na talagang pumunta sa America dahil may nakilala ako doon. Tutal naman nandyan kana, tuturuan na kita sa pag mamanage ng negosyo naten, para magkaroon na ako ng time sa jowa. Malay mo makapangasawa na ako don diba. Tanggapin mo na at pagbigyan mo na ang huling kahilingan ni Stephen. Matagal na rin namin kasi yang napag-usapan kaya dapat maasikaso na yan. Bukas na bukas din ipalipat na natin yan sa pangalan mo.” Sabi nya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Pero abot hanggang Andromeda ang pasasalamat ko kay Stephen dahil ibinigay nya ang lahat ng ito saken. Swerte, biyaya o ano pa mang pupwedeng itawag dito. Juice ko, mayaman na ako! Hindi na magiging mahirap ang buhay namen. Isa pa ang pinapangarap kong bahay, akin na rin pala.

Hindi muna ako lumabas sa bahay. Nilibot ko ang buong kabahayan at sinamahan naman ako ni tita Alma. Sya ang nagsilbing tour guide ko sa bahay. Kung saan saan nya ako dinala. Sa kusina, sa sala, sa kwarto nya. At syempre ang parte ng bahay na matagal ko nang pinangarap mapuntahan. Ang kwarto ni Stephen. Nang ilibot ko ang mata ko sa kwarto ni Stephen ay napansin kong napaka blangko nito. Napansin ko ang isang telescope at sumilip ako dito. Nakatutok ang telescope sa bahay namen. “Yan ang ginamit ni Stephen para panoorin ka araw araw simula nung mga bata pa kayo. May kalumaan na nga yan eh. Pero kahit minsan hindi nya yan pinapalitan saken. Dahil yan daw ang telescope na nagdala sa kanya sa mundo mo.” Sabi ni tita Alma. May ilang larawan rin akong nakita. Yun pala ang nanay at tatay nya. Grabe, kaya naman pala napakagwapo ni Stephen eh. Maganda na ang nanay, gwapo pa ang tatay may pagmamanahan talaga. Yun nga lang lahat minana nya, tsk! Nakita ko rin ang ilang larawan ni Stephen. Sabi ni tita sa natatandaan nya daw ay pito lang lahat ang picture ni Stephen. Lima lang ang nakikita ko dito at nasa akin yung isa. Asan yung isa? Nang itanong ko iyon kay tita ay sinamahan nya ako sa isang sulok ng kwarto ni Stephen. Alisin ko na lang daw yung nakatabing na kumot. Pero bago ko raw iyon gawin ay huminga muna ako ng malalim at tsaka sya umalis para iwan akong mag-isa doon sa loob ng kwarto. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa makikita ko. Malaki kasi yung kwadrong natatabunan ng puting kumot kaya siguradong malaki yon. “Please lang wala naman sanang takutan.” Sabi ko sa isip ko. Nang maihanda ko na ang sarili ko ay agad kong hinatak ang kumot. Pagbagsak ng kumot ay PUTA! Sisisi Stephen! Oh mey ged! Ene be yen! Hindi ko alam kung tatalikod ako, tatakpan ang mga mata ko o kung ano ang gagawin ko. Kasi yung picture. Yung picture kasi. Hubo’t hubad. Tapos matigas pa yung ano. Ahy! Porn ito, sheyt! Luminga linga ako sa likuran ko baka may ibang tao. Nang makasiguro akong wala ay tsaka ko inilapat ang mga kamay ko sa hubo’t hubad na larawan ni Stephen. Ang sexy ng pagkakakuha. Yung itsura nya kasi libog na libog naka-kagat labi pa. Parang Mario Maurer na hunky type. Hanggang sa mapadako ang kamay ko sa ano. Oh mey ged! Doon sa picture ng ano nya na matigas. “Ang inet dito makalabas na nga.” Lumabas na ako matapos kong takpan yung picture. Ako lang ang may karapatang makita yon. Ganung kalungkot ang buhay nya. Kahit minsan ay hindi nya naranasang makipagsex. Samantalang ako nagpupumileng na virgin. Salamat at sa akin nya lang ibinigay ang buong pagkatao nya. At ang ilang bagay na exclusive lang para saken. Kagaya na lang ng picture na ‘yon. Sheyt! Tinigasan ako.

Akala ko noon unfair ang buhay saken, pero nung makilala ko si Stephen ay nagbago na ang lahat sa buhay ko. Kung tutuusin kay Stephen naging unfair ang mundo dahil simula kabataan nya ay inagawan na sya ng buhay. Nasa kanya na ang lahat itsura, yaman at lahat ng bagay na pinapangarap ng isang tao. Pero lahat ng iyon ay nawalan na ng kabuluhan sa kanya. Ano nga ba naman kasi ang say say nun kung ang mismong buhay mo ang kailangan mong tipirin. Sa kabila ng lahat ng iyon ay naging matatag pa rin sya. Hindi pa rin sya sumuko. Patuloy syang nakipaglaban para sa buhay nya kahit na alam nyang babagsak sya anumang sandali. Hanggang sa huli ay hindi sya nagpagapi. Nakadapa na, sumisipa pa. Dapat tularan ko sya para masabi ko sa sarili kong wala akong pinagsisihan sa buhay ko. Dahil alam kong hindi ako talunan. At pag dating ng takdang panahon ay haharap ako sa Diyos at maipagmamalaki ko sa kanya ang pinagpaguran kong tagumpay. Salamat at naliwanagan ako sa takbo ng buhay. Nakapikit pala ako habang naglalakad kaya madalas akong madapa. Kung imumulat lang natin ang mga mata natin sa totoong itsura ng buhay masasabi nating naging napakaswerte naten. Masaya akong malaman na naging dahilan ako ng kaligayahan ng isang tao. Araw araw akong ngingiti para iparating sa kanya na ikanagagalak kong makilala ang pinakamagiting na mandirigma ng Andromeda na nagngangalang Stephen.

Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Lahat ng bagay na magaganap sa hinaharap ay resulta lamang ng mga nangyari sa nakalipas. Kaya kung mabigat ang mga dalahin mo ngayon ay wag kang mag-alala, darating ang panahon at gagaan din yan. Ang mga bagay na gusto mo ay makukuha mo sa sarili mong pagsisikap. May awa ang Diyos sayo at hindi ka Nya hahayaang magdusa. Ang itinuro saken ni Stephen ay maging matibay. Kaya kung anuman ang dumating ay magrelax ka lang at pag-aralan ang solusyon sa problema. Magreview ka ng mga nagawa mo na, para magamit mo ito sa susunod na darating. Palagi mong isipin kung ano bang mga natutunan mo sa mga nakalipas. Tandaan mong mabuti para hindi ka na matisod pa sa parehong pagkakamali. Kung may mga magagandang bagay man na dumating sayo na hindi mo pinag-hirapan. Aba! Reward ang tawag dyan. Reward na galing sa itaas. Wag kang mag-iisip ng kahit anong masama sa tuwing magkakaroon ka ng mabigat na problema. Kahit gaano kahirap ang buhay ay magsikap ka pa ring maging mabuting tao para makatanggap ka ng reward mula sa Kaniya. Wag mong gawing dahilan ang mga delubyo sa buhay mo para gumawa ka ng masama. Panatilihin mo ang mabuting pagkatao mo at higit sa lahat wag kang susuko. Tumundig kang matibay sa anumang hamon ng buhay. Kagaya nga ng sinabi ni Stephen “Hoy! Umayos ka!”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Andromeda, A Warrior's Tale
Andromeda, A Warrior's Tale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgFt0YrQijYDF5taYfU_q4UrjDlxFh8hJC2WWUnMjoNZRcBIRXuCxrWz_MmUKIRWzCusHcMuTNaD6anJUAnVRx81mAAxcRJzGOeppap2N0l_TZJw1TA1TH7hWc-UZKC00HRzP_fH57SHJnq/s1600/Fabio-copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgFt0YrQijYDF5taYfU_q4UrjDlxFh8hJC2WWUnMjoNZRcBIRXuCxrWz_MmUKIRWzCusHcMuTNaD6anJUAnVRx81mAAxcRJzGOeppap2N0l_TZJw1TA1TH7hWc-UZKC00HRzP_fH57SHJnq/s72-c/Fabio-copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/02/andromeda-warrior-tale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/02/andromeda-warrior-tale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content