$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sana Maulit Muli

By: Nash  Montemayor Magandang Araw mga igan! marami na rin akong nabasang kwento sa site na ito, pero aaminin ko hindi ako masyadong nagaga...

By: Nash  Montemayor

Magandang Araw mga igan! marami na rin akong nabasang kwento sa site na ito, pero aaminin ko hindi ako masyadong nagagalak sa mga kwentong malilibog. para sa akin kasi pantasya lang lahat... pagkatapos nun wala na. Mas gusto ko yung mga kwento na nakakapagbigay inspirasyon sa readers nila. Kaya naisipan kong panahon na siguro na ibahagi ko naman ang kwento ko. (assuming lang na makaka inspire yung kwento ko.) pero sana magustuhan nyo...

Ako nga pala si Nash, may katandaan na di ko lang aaminin sa ngayon hehe!(mamaya sa kwento malalaman nyo rin.) hindi ako biniyayaan ng maputing balat. pero biniyayaan naman ako ng makislap na mata, matangos na ilong at mala-porcelanang pantay at pamatay na ngipin! (pamatay ang smile ko kaya asset na asset ko ito.) mula kami sa angkan ng Turkish. 5'8 ang height ko, okay naman yung built ng katawan ko nung mga panahong yun. Pero kung kulay ng aking balat ang pag-uusapan? Two Thumbs Down ako dyan!... ewan ko ba? ipinaglihi ata ako sa ipis! hahaha pero di naman ganun ka itim ha? medyo shiny, plain...di rin naman fair, hindi rin black.. yung tipong makinis na kulay brown? kaya simula nung nag elementary ako "IPIS" na ang tukso sa akin ng mga ka klase ko. di kalaunan tanggap ko na rin.. totoo naman eh!,  pero nung mag high school ako naiba ang tukso sa akin...TDH! (Tall, Dark and Handsome!minsan TDW-tall dark ang wat-eber!) Ayun! mas okay na kesa sa "Agata" at "Ipis". siguro dahil naging developed na rin ang katawan ko at na-aapreciate na nila ang mata at ilong ko.. (hahahahaha!).Syanga pala ulila na ako sa mga magulang, namatay ang mama ko nung 8 years old palang ako, samantalang ang tatay ko naman tinamaan ng ligaw na bala nung 15 palang ako sanhi ng pagkamatay nya.Nag iisang anak lang ako kaya kay lola Ging nalang ako lumaki (Mama ng mama ko... yun na yun Lola ko!) Ngunit ayaw atang umayon ng tadhana sa akin. Kasi makalipas ang apat na taon, pumanaw si lola sa sakit na colon cancer. Dahil dun naiwan sa akin ang limang ektaryang tubuhan at maisan saka rin ang luma naming bahay sa bukid. at dahil wala akong alam in business noon,
pinaubaya ko nalang ang lupain kay manong Aldo. right hand ni lola. mabait naman si manong Aldo, sa totoo nga tatay ang tawang ko sa kaniya, at mama naman kay manang Joy. may dalawa silang anak, isang babae at isang lalaki, puro nasa elementarya. kaya kahit papano natutulungan ko naman sila, sila naman talaga ang nagsasaka sa lupa, taga tanggap lang ako ng porciento. ganun lang! Natanggap ako sa isang Multi-National Company at nag tatrabaho bilang isang Clerk for Production Operations. Mahirap na trabaho, Pressure, tsaka halos wala kanang time sa social life. Ganun talaga siguro, Way ko na rin yun para at least makalimot sa mapait kong karanasan sa buhay. Paminsan-minsan dumadalaw ako sa Bahay ampunan, isa kasi si lola na nagbibigay ng charity para dito. ang kita ng Tubuhan at maisan namin 20% nito dun inilalaan ni lola sa bahay ampunan. kaya ganun rin yung ginawa ko... syempre to continue my Grandmothers Legacy, yun rin yung pangarap nya ang maka tulong sa isang bahay ampunan. Para kasi kay lola mumunting anghel ang mga bata na pinaglaruan ng tadhana, sa musmus na gulang eh naging basura na. kaya ayun! Dun yung tambayan ko... Trabaho-Bahay Ampunan at Bukid. Ganun ka simple ang buhay ko nun. OO nagkaroon din ako nga maraming GF's! siguro mga 15! (hahaha) pero wala eh! wala raw akong time... siguro nga naman tama sila! tsaka di ko rin naranasan sa kanila yung Tunay na Pagmamahal na hinahanap-hanap ko... Alam nyu na ulilang lubos, Wala pang naka pa dama sa akin nun kaya hindi rin nag work. yung iba kasi demanding ng sobra,yung iba naman take for granted lang... yung iba ayaw sa lifestyle ko... kaya mas minabuti ko nalang na ituon ang atensyon ko sa trabaho. At sa palagay ko dito nagsimula ang lahat... ... ...

Maam Cath: Nash eto oh, (sabay abot sa akin ng folders) ikaw muna mag interview nyang mga applicants natin para sa initial interview. Wala si sir Ariel kaya as usual sayo na yan! (Si Maam Catherine ay Bisor Namin)

Ako: ha? wala naman akong alam nyan maam eh!, pwede iba nalang? may HR naman tayo ahh..

Maam Cath: yung HR natin for final interviews na yun kaya sa atin yun initial. Mamaya pa naman yan 1:30pm kaya ayus lang! 35 applicants lang naman yan eh! kaya mo yan! ikaw pah! hahaha o sya... alis na ako ha? may gagawin pa ako sa taas.

Ako: (Napa iling) okay sinabi mo eh...

Ayun! dumating ang 1pm at handa na ang mga applicante sa labas. Nung dumaan ako papasok, namalayan ko na okay toh sila ah! parang makakilala lang... nginitian ko lang (syempre! pinalabas ko yung pina ka weirdo kong smile! hahaha) at ayun! as an expected response may napa "nga-nga!" =D

1:30 na kaya isa isa ko na silang pina pasok... ayun! makikita mo talaga na gulat yung iba, syempre sino ba namang mag-aakala na yung "kumag na ipis" na may pinaka wierdong smile ang sya palang magbibigay ang interview! hahaha! nag enjoy ako sa kanila... halo-halo, may shy type, meron ding sobrang ingay, at! may OVER CONFIDENT! isa na dun si Mitch! babaeng sobrang kalog!

Ako: So You're Mitch?
Mitch: Yeah Baby, thats my name ang Looove is mah Gayme! hihihi
Ako: (napatawa syempre ang asset na smile! Atimana!hahaha) wow! so you're making love as a Game?
Mitch: to them yeah! but to you... Noooohhh (pina wink)
Ako: You alright Mitch? haha so, can we make it a lil bit serious here?
Mitch: sure sir! ikaw naman kasi ehh! nakatunaw yung smile mo sir! (pabulong...) naka horny!
Ako:(napangiti na naman) i see, so Mitch! why should i Hire you?
Mitch: You shud hire me because im Hot..., Sexy..., and Seductive! hahaha me ganun?! joke lang sir! you shud hire me because... ...

At ayun natapos rin ang ka kalog nitong babaeng to, pero aaminin ko... sa kanya talaga ako sobrang nag enjoy! may na interview rin akong mga bading, tomboy merong babae taz lalaki.. iba iba! nakaka enjoy pala ang ganito! Yung last na applicant ang pumukaw sa atensyon ko. sya si Adrian James de Guzman.. 22 years old and Fuck! RN (Registered Nurse) sya! sa isip ko "gago to ahh! anung tingin nito sa kumpanyang toh, Hospital?! baliw!" natawa pa ako sa picture kasi hindi sya mukhang nurse... mukha syang sekyu! hahaha kaya ayun pina tawag ko na sya. Na busy ako sa pag tetxt nun sa phone ko kaya di ko namalayan pumasok na pala sya:

AJ: Sir Good Afternoon!
Ako: have a sit (pero di pa rin ako nakatingin nung matapos na ako sa pag tetxt...biglang nagtagpo ang kilay ko...) si Adrian James ang susunod dre hindi ikaw...
AJ: Ako po si Adrian sir,
Ako: ha?! (tapos tiningnan ko yung picture) di nga?!
AJ: ako po yan sir (saka ngumiti)
Ako: So hindi updated ang picture mo?
AJ: kahapon ko pa kasi nabasa yung Urgent Job hiring sa labas sir (sabay kamot sa ulo nya) kaya dali-dali akong gumawa ng resume at di na nakapa picture pa.
Ako: okay... sa totoo lang dre para kang Kriminal dito (hahaha)... sa personal naman para kang attorney. hahaha joke lang yun pre... sory din kung na offend kita kanina ha? nabigla lang ako.
AJ: ayus lang yun sir. (Ngiti ulit)

Si Adrian isang simpleng tao, yun ang masasabi ko, Maputi parang pinkish.. kasing tangkad ko, matangos ang ilong at may bigote sa side, at may goatee. pamatay rin ang smile! at ang boses? parang DJ!.. isabay mo pa yung ayos ng buhok nya... para syang artista talaga!... humanga ako sa totoo lang (hindi yung hangga ng ka badingan ha? yung hangga lang na mapapaisip ka "pano kaya kung pinagpala ako sa mukhang toh? di siguro ako iiwang ng mga GF's ko hahaha") so ayun lets continue...

Ako: So Adrian, bakit mo naisipang mag apply dito?
AJ: for experience sir...
Ako: Wow! thats not the answer im expecting... so you say? you described this company as a hospital?
AJ: No sir..
Ako: but you're a registered nurse! bat di mo naisipang mag apply sa Hospital? at least yung natutunan mo ma-aaply mo dun.
AJ: i tried sir, pero parang di ko pa time... wala pa kasi akong natanggap na tawag... mahirap naman magtambay eh..
Ako: So? how could you describe yourself few years from now?
AJ: a successful nurse sir!
Ako: saan?
AJ: maybe here, maybe not here... (nagkamot sa ulo sabay tawa)
Ako: what you mean here?
AJ: namalayan ko kasi sir na wala kayong company nurse dito,.. oo may clinic kayo wala namang tao...
Ako: (napa buntong hininga taz tumawa) malamang tama ka... but it takes time Adrian..
AJ: so ill wait for that time sir..
Ako: okay... Good job.. wala na akong dapat ang e interview.. i see masipag ka at matalinong tao.. so Good Luck! hope to see you soon here, oh eto papers mo ipasa mo na yan sa HR para maka habol kapa..
AJ: salamat sir... by the way (sabay abot ng kamay nya...) you can call me James sir... and you are?
Ako: Nash pare (sabay abot sa kamay nya...! damn ang lambot!) iwasan mo na rin akong tawaging Sir. =)
AJ: salamat sir,
Ako: Nash pare...
AJ: aw... Nash (nang blush sya! ewan! hahaha nahiya siguro) thank you ulit... Naash.. hehehe (lumabas na rin sya sa conference room.)

At ayun... Natapos din! syempre relax na ang bata... Nawala rin sa isip ko yung interview na yun. mas naging busy na rin kasi kami. Di ko namalayang mag dadalawang linggo na pala mula nung initial interview... nalaman ko nalang na deployment na pala nila... maaga ang in namin, 7:00 dahil nga 45 new employees ang e wewelcome... naka upo lang ako sa may dulo, sa may side table na good for two malapit lang din sa desk ko, wala rin namang sumabay sakin kaya ako lang mag-isang umupo dun. as usual busy sa txt-txt kaya di ko na pinansin ang mga bagong deploy na empleyado.. di ko nman sila masyadong mahahalubilo kasi nga minsan lang ako mapasyal sa kanila... at kahit iisang department lang kami di rin ako nagkakaroon lang oras na makipag usap sa iba.. ang boring nga eh.. minsan yung mga kaibigan ko nalang yung lumalapit sa akin. Ayun patuloy sa pag papakilala sa mga baguhang empleyado, sigawan, asaran.. at marami pa.. pero may bumulabog sa atensyon ko nung halos magtitirian na sa kakasigaw yung mga bakla at babae! Sooobrang ingay! at boom! pati si maam Cath nakipagsabayan rin! nung makita ko sa Center kung sino yung pinagtitirian nila... Uyyy! sya! haha sya nga! si RN! di ko na natandaan yung pangalan nya.. basta RN yung unang pumasok sa isipan ko nun! at ang kumag! tumingin talaga sa akin at ngumiti.. ewan ko kung ako ba talaga ang tiningnan nya... pero sigurado akong ako lang.. kasi ako lang ang naka upo dun sa sulok na yun... at ayun! nagsimula na syang magpakilala... ...

RN: hi Good Morning!... ako nga pala si Adrian James.. James for short, 22 single but not available...

nagsigawan sila nang "ohhhhhhhh sayang" ngunit naghiyawan naman nung umagaw ng eksena si ate Rose (isang dalagang ina na hiwalay sa asawa) at may dalang paper flower! at kung maka rampa parang sumali sa beauty contest! hahaha! may pa kaway-kaway pang nalalaman.. saka inabot nya yung paper flower kay James at hinalikan sa pisngi! Sigawan at hiwayan na naman ang show! Napa-iling ako sa ginawa nya at syempre sino ba naman ang di matatawa!.. kalog talaga! hahaha! kaya yun balik na naman ako sa pag tetxt... nag biglang may tumapik sa paa ko.. nang tingnan ko! aw! si RN! hahaha si James pala!.. kumag to ahhh! feeling close lang?!

James: musta sir! ayy Nash pala..
Ako: wow ha! natatandaan mo pa pala ako?
James: eh sino namang makakalimot sa isang striktong interbyuwer na tulad mo?
Ako: baliw! hahaha congratz pala! di ko akalain na makakapasok ka dito... welcome nga pala ulit (saka nakipagkamay ako...tinggap naman nya)
James: sabi ko sayo eh.. ikaw lang naman ang walang tiwala sa akin eh..
Ako: haha sinabi ko ba yun?
James: hindi pero parang ganun lang yun..(sabay ngiti...)
(Tahimik lang kami at nakikisabay sa tawanan nila... lalo na yung mga bakla na yung nagpakilala.. enjoy rin!)
Ako: (napatawa nalang) haha uy! tapos na pala.. sali ka muna dun para sa 1st day orientation nyo..
James: salamat! sige nash see u later! (at yun umalis na rin sya)

Regular na araw lang palagi... sa twing tanghalianm, sina maam Cath yung kasabay ko, minsan yung taga Quality Assurance, minsan yung nasa Admin. Pero ...isang araw matagal ako nka out for lunch break mga 5 mins ata makalipas ang Siren Break, ini-Standby mode ko yun computer saka umalis na nag bigla kong nakita si James. kunyari nag aayos ng shoe lace nya.

Ako: oh, james andito kapa pala..
James: ahh oo eh.. hehe lumuwang kasi yung lace ng sapatos ko kaya inayos ko muna...
Ako: ahh okay.. cge labas na ako..
James: ayyy Nash sabay na ako.. san kaba kumakain?
Ako: sa Cafeteria lang, mas malinis kasi dun kahit mahal at least safe yung pagkain.
James: pwede maki sabay?
Ako: oo naman... tara! (at tinungo namin yung Cafeteria. pagdating namin dun wala masyadong tao, kasi nga mahal. una syang umorder saka naman ako.)


Ako: teh yung calereta lang sakin, isang coke saka dalawang rice.
Tindera: okay anu pa sir?
Ako: yan lang siguro, magkano lahat?
Tindera: 63 pesos sir..
James: Nash ako na magbabayad... (sabay abot ng pera sa tindera)
Ako: uie wag na ako nah!
James: sige na yan na ateh...
Ako: ako na sana james, nakakahiya naman sayo oh.. ang layo pa ng sahod nyo.
James: okay lang yun... konti lang naman yun ehh..
Ako: kahit nah..
James: okay kung gusto mo treat mo naman bukas.. hehehe
Ako: okay... deal! salamat ha?
James: wag kang magpasalamat... libre mo naman bukas ehh (sabay siko sakin)
Ako: baliw talaga to ohh.. (at ayun pumwesto kami sa may sulok kung saan may bintana.)

Kumain na kami, at nag u-uusap-usap rin. dun ko nalaman na tatlo silang makakapatid, dalawang babae at sya lang ang lalaki-Bunso. ang panganay niya nasa New Zealand, habang yung isa naman Call Center Agent. wala na rin syang tatay. ako naman konti lang yung ibinahagi ko sa kanya... pero nasabi ko na ulilang lubos lang ako at nalungkot naman sya.. lalo na nung sinabi kong wala akong kapatid. kaya nag volunteer sya na sya muna ang kapatid ko..(hahaha weird lang no?) kasi wala rin daw syang kapatid na lalaki... sumang ayon nman ako kaya mula nun "Tol" na ang tawagan namin. Lumipas ang ilang bwan at mas lalong lumalim ang samahan namin ni James... dun ko napagtanto..ang sarap pala nang mayroong kapatid! pinadama nya sa akin yung concerns, care at kakulitan ng isang kapatid na kailanman ay di ko naranasan. isali mo pa yung kabulastugan at pagka topak naming dalawa...nag suggest rin ako sa kanya na dun nlang tumira sa inu-upahan ko pad. total hati nman kami sa gasto at malawak din naman ang pad na yun. kasya kahit apat ka tao. Pumayag naman sya.. mas mainam nga yun at di sya ma le-late, sa bahay kasi sya ng lola nya nakatira which is 8km pa ang layo sa company.

Sa sobrang close namin ni james minsan na rin kaming na akusahan na mag syota! hahahaha! pinagtatawanan lang namin sila, at dahil sa wala kaming bahid ng kabaklaan ayun! balewala lang din... mas naintindihan nila na para lang kaming magkakapatid. kaso maitim ako---maputi sya.. kaya ang tawag sa tandeem namin Black and White coffe! Makulit tong si James at sa twing pumapasyal kami sa Bahay Ampunan aliw na aliw yung mga bata sa kanya! pano? parang praning! ayun yung makikipag habulan, tago-taguan- yung sipa-lata... at marami pa! ang daming alam! kaya kahit si mama Meriam (Yung Madre na chief sa bahay ampunan na bestfriend ni lola) natutuwa din sa kanya.. kaya tuloy napadalas ang pagbisita namin sa bahay ampunan.

Mama M: aba hijo, nakaka-aliw tong kaibigan mo no?

Ako: oo nga ma, kalog na kalog...

Mama M: alam mo kung buhay pa yung lola mo? masayang masaya yun sayo...ang layo na kasi ng naabot mo anak!, at biniyayaan kapa nang isang napakabuting kaibigan. (sabay naming tiningnan si James habang karga-karga nya si joana at nakikipaghabulan sa iba pang bata. di alintana ang bigat netoo... makikita mo sa kanya ng sobrang aliw na aliw sya sa ginagawa nya.. nag magsalita si mama Meriam)

Mama M: wag mong pakawalan yang kaibigan mo ha? naniniwala akong regalo yan ng mga magulang at lola mo... isang napakabuting kaibigan... parang ikaw lang hijo...

Ako: salamat ma, =) yun nga rin lang ang hiling ko ma, ang bigyan nang taong magpapa-alala sa akin kung gaano ka saya ang buhay! yung taong magbibigay ang saya sa napakalungkot kong buhay (nai-iyak na ako nun habang sinasariwa ko sina mama, papa at lola.)

Mama M: ohh tahan na hijo... andyan naman ang kaibigan mo oh.. alam kong hinding-hindi ka iiwan nyan... magtiwala ka lang hijo.. o sya mag ayos na kayo at manananghalian na tayo.. (sabay pasok na rin sa loob.)

Nung mga oras na yung mga KM readers para kong napagtanto na tama si Mama, biniyayaan ako ng isang kapatid at kaibigan na laging nandyan kung kailangan mo.. sa hirap, sa pagod, sa ginhawa sa ka bulastugan, sa ka kalog-gan andyan sya! ang kaibigang itinuring ko na ring kapatid. Minsan merong pagkakataon na nag-aaway kami sa mga bagay bagay... pero di pa lilipas ang isang araw nagkaka ayos rin kami. kapag uuwi sya sa kanina, babalik din kaagad... Ganito pala kasaya ang buhay na mayroong nag-aalaga, nag-aaruga at laging andyan pag kailangan mo...

James: tol hali ka nga dito? (tapos na kaming maligo nun at matutulog na sana)

Ako: baket?

James: Basta...

Ako: (nasa kama sya nun, as usual nka sando at nga boxer shorts lang. yun yung attire namin pag natutulog. iisa rin lang ang kama namin. pero walang malisya ang lahat ng yun...) oh anu?

James: payakap nga! (at bigla nya akong hinila at niyakap... yung parang gigil na gigil.. saka nya ako pinakawalan at ngumiti, pero naka sanday pa yung kamay nya sa balikat ko)

Ako: hahaha!! para san yun?

James: wala lang tol... bawal bah?

Ako: di naman... nabigla lang... (sabay ngiti)

James: Crush ko yung ngipin at lips mo!

Ako: (napa urong) anu kamo? crush mo mukha mo! (sabay tapon sa kanya nung unan namin) hahaha trip lang tol?

James: hahaha gago to oh! bakit bawal ba magka crush sa lips at sa ngipin?!

Ako: bawal yan tol... hahaha lagi mo na tong nakikita taz ngayon mo pa sasabihin yan! trip lang?

James: tol bakit Gwapo ka?

Ako: wahahaahahahaha! nababading na sya saken ohh uyyyy... pa kiss nga beh..! (sabay bigay sana nang smack kiss, pero ang gago hinalikan talaga ako sa lips na ikinagulat ko!)

James: 1 point! hahahahahaha! sarap nun ah! isa pa nga!

Ako: gago! hahahaha kiss mo mukha mo! ulul!

James: sarap nun tol! promise! hahahaha (at kiniliti nga yung tagiliran ko)

Ako: ahh tol! wag dyan! may kiliti ako dyan! hahahaha gago ka talaga! maki- alis na nga baka mamaya ma rape mo pa ako! hahaha

James: bahala ka.. sige sa sahig ka matutulog.. hahaha hali kana seryoso na ako tol.. (sabay hila sa akin.)

Ako: tulog na tayo tol...

James: (seryoso ang mokong) tol, gwapo ba ako?

Ako: ay tol syanga pala palitan na kaya natin yung salamin dun oh?

James: bakit? (napakunot ang kilay)

Ako: ehh diskumpyado ka kasi sa mukha mo eh!

James: tangga! seryoso pa naman ako! hahaha baliw ka talaga! kaya nga naging kapatid kita! hahaha diba?

Ako: siguro... hahaha

James: Seryoso tol.. Gwapo ba ako?

Ako: oo naman! baket sino bang maysabing hindi? papalakpakan ko... hahaha pero seryoso tol, gwapo ka naman ah...

James: may magkaka gusto ba sa akin?

Ako: palibhasa kasi ayaw mong maghanap kaya walang magkakagusto...

James: pero may nagustuhan na ako tol... ang bait nya kasi.. caring, loving, gentle basta! mahal na mahal ko na nga sya eh...

Ako: assssuuuss! in labb!! oohh woaaah! stars o nagliliparan! ay may hearts pa oh!! booomm! hahahaha! sino ba yan? si Monique no?! yeeeaaahhh! ayaw mo mang sabihin nababasa kita tol! hahaha

James: hindi...

Ako: eh sino?

James: malalaman mo rin pagdating ng panahon tol!

Ako: unfair oh! grabeh ka ha... sige ka di na tayo friend!

James: bakeyt matitiis mo ba ako? hahahaha (sabay kiliti ulit sa tagiliran ko)

Ako: ahahaha uurrrgggg! wag nga jan ei! hahaha Hindi.. hayz! bat ba naman kasi kailangan itago...

James: baka kasi...

Ako: Baka anu?

James: basta! ikaw ba tol? may nagustuhan ka naba?

Ako: (naging seryoso ako nun. sa totoo lang wala akong masabi) sa totoo lang tol, sapat na sakin na dumating ka sa buhay ko... i mean! bilang kaibigan...bilang kapatid bilang best friend... yun! pinadama mo kasi sakin kung paano mabuhay nang maganda, masaya at puno ng aliw! siguro, nanamnamin ko muna tong time na to tol na andito ka.. saka na ako maghahanap ng babaeng makakapasaya sa aking pag handa na akong humarap sa mundo.. (tiningnan ko sya at ang mokong nkatingin rin pala habang naka ngiti! gagu talaga!) o? kinilig ka naman! hahahaha enggot!

James: sarap nun ahh! 2 points! pero tol sa totoo lang? yung sinabi mo? mas masarap pa sa nakaw na halik ko kanina! hahahaha

Ako: gagu ka talaga no?! hahaha pero totoo yun tol, akala ko nun, nag-iisa nalang ako sa mundo... walang karamay, walang masisilungan, walang kaagabay... pero nung dumating ka.. nag iba ang mundo ko... totoo yun! sabihin mo mang nagsisinungaling ako basta totoo yun!

James: so ibig sabihin in Love ka sa akin?!

Ako: Sapakin kita jan! hahahaha gago! in love agad?! ina-appreciate ko lang yung ipinapakita mo tol... totoo naman yun.. kaya tol... SALAMAT ha?

James: para saan?

Ako: Para dito, kasi kahit na di tayo magka dugo, tinuring mo akong sobra pa sa isang kapatid! at tyak! kung sino man yang napupusuan mo? hinding hindi yan magsisisi... pangako yan..

James: talaga? sana nga.. (napabuntong hininga)

Ako: ang lalim nun ahh...!

James: ahahaha tanga!

Ako: tulog na nga tayo... hehehe good night tol! (at yun hinalikan ko sya sa noo.)

Kung close kami dati mas naging Close pa kami ni James. kahit san man kami magpunta hindi kami mapaghiwalay. lagi syang nag-aalala twing matagal akong makaka uwi... minsan nga kina kantsyawan ko sya pero kapag seryoso na yung mukha nya tumitigil na ako at instead na asarin ko sya.. nilalambing ko nalang, yung lambing na may halong pangungulit... ganun kami sa totoo lang! Nag Celebrate kami ng birthday nya dun sa Bahay Ampunan, syempre pa bongga yung handaan. tiempo din na naka pag harvest na kami sa tubuhan kaya medyo masagana ang birthday nya... andun rin sila papa Aldo at mama Joy, pati na rin si Ariel at jing-jing (mga anak ni mama joy at tay Aldo) syempre masaya! niregaluhan ko si james ng isang Relo (Timex yun) kasi yun yung paborito nya. sobra namang pasasalamat nya at nangako na sa susunod birthday ko blowout nya lahat at may surpresa sya sa akin. Binalewala ko lang yun at nag enjoy na kami, andun rin yung i-ilan sa kasamahan namin sa trabaho, halos nga rin lahat....

 Lumipas at tatlong bwan at paparating na ang kaarawan ko... ... ...

James: tol oh...

Ako: Anu toh?

James: Basahin mo... (sabay ngiti)

Ako: whoahh! seryoso tol?!

James: sa palagay mo nagbibiro ako? hahaha syempre no!

Ako: whoah! yess! salamat tol! (at niyakap ko sya) Trip to Camiguin Island! whooahh! pangarap ko yun!!

James: alam ko kaya nga yan ang kinuha ko ehh..

Ako: sino kasama?

James: Good for two lang yan eh.. 3 days and 2 nights...all expense paid! pati hotel accomodation, lahat lahat! pero yun nga good for two lang sya kaya ikaw na maghanap ng kasama mo.. (sabay ngiti...)

Ako: sino naman isasama ko?

James: aba eh! malay ko sayo, si Jovelyn, Andrea, Kiethy, si Jof, c Rhea ikaw ba sino? sa dami nung crush mo wala kang isasama dun?

Ako: pag-iisipan ko... hehehe salamat tol! salamat talaga! (at niyakap ko sya.)
yes! muah muah! (yung papel ang hinahalikan ko ha?)

Naging magaan ang araw para sakin nun, kahi nahihirapan na ako sa dami ng paper works pero okay lang... naghanda na rin ako ng 5 days leave para sa trip ko sa camiguin... pero kung sino ang isasama ko? di ko pa alam... wala rin akong pinagsabihan na pupunta ako sa camiguin ang nakalagay kasi na purpose sa leave ko ay :"personal purpose" pag ganun yung nilalagay ko alam na nila yun, na kung hindi problema sa lupa, problema yun sa pag ha-harvest o di kaya financing ng farm namin. naisipan kong isama si Rhea, pero di sya pwede, Si jovelyn naman ayaw din... nakaka dismaya! pag uwi ko kinagabihan:

James: oh? matamlay ka ah? me lagnat? (nilagay nya yung palad nya sa noo at leeg ko.) wala naman ahh? bat ang tamlay mo?

Ako: wala kasing pwedeng sumama tol... puro ayaw, si jovelyn sana yung gustong gusto kong makasama ehh..

James: ngumiti ka nga... ang itim mo na nga nag mumukmok kapa, ngiti! parang yang ngipin nalang ang maputi sayo ipinagkakait mo pah! hahaha!

Ako: (Napatawa ako nun, sa tagal ng panahon na nagsama kami ngayon ko lang ulit narinig na tinawag nya akong "itim". hahaha) gago ka talaga tol no? hahaha alam mo kung san ako mapapangiti...

James: kung walang sasama sayo... Andito naman ako! di mo nga ako iniwan nung Birthday ko kaya para san pat naning magkapatid tayu! haha diba?

Ako: (tama! bat di ko yun na isip?) hahaha! (niyakap ko sya) salamat tol... salamat talaga! sige bukas na bukas mag file ka ng leave mo, 5 days yung sakin kaya ganun nalang din sayo..

At yun nga nga... lumipas ang isang linggo at ito na ang araw na hinihintay ko... and Camiguin Trip! Sobrang saya namin dun! walang mapagsidlan... ito na ata ang pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay ko... at ang makasama yung taong pumuno ng kasiyahan ko? ay isa sa pinakamagandang regalong handong para sa akin!! snorkeling sa white island, mountain climbing, diving maligo sa cold and hot springs, zip-line, kumain nga seafoods! lahat lahat na atah... sobrang saya ko nun... pero nung last day namin... eto yung nagyari:

James: ang saya tol no? nag enjoy kaba?

Ako: Sobra pa sa over tol! grabeh! hindi na ako takot mangitim.. itim na ako eh hahahaha

James: parang kailan lang no? nung una tayong magkakilala, (natatawa habang sinasariwa nya ang time nung una kaming magkakilala, ang gwapo nyang tingnan habang nakatingin sya sa langit at naka ngiti...)

Ako: anong iniisip mo? ang lalim nyah ahh.. hahaha

James: (naka tingin pa rin sa langit) tol, natatandaan mo nung may sinabi ako sayo tungkol sa nagugustuhan ko?

Ako: oo nga pala noh! syempre naman! utang mo sakin yun! aaminin mo naba kung sino?

James: (napabuntong hininga) hayzz, (tumingin sa akin at nakangiti...)

Ako: anu yan? alanganin? hahahaha (at lumapit sa sa akin at tumabi)

James: (Hinawakan nya yung kamay ko na ikunagulat ko naman) tol... ikaw yun

Ako: (agad kong binitiwan) tol, hahaha wag na muna yang trip trip na yan? okay? dun na pag uwi natin.. sa ngayon e feel muna natin ang bakasyon.. whoaaah!

James: (nagsimula nang umiyak...) tol ewan ko... hindi naman ako ganito dati, pero kung sa tingin mo napasaya kita, na napuno ko yung mundo ko... na pinunan ko yung pwang sa buhay mo... ganun ka rin sakin tol at higit pa... (tumingin sa akin at makikita mo yung luha na gumagaligid sa mata nya.) tol... Mahal kita, higit pa sa isang kaibigan, higit pa sa isang kapatid at higit pa isa isang best friend... Kung tuturuan ko lang sana ang puso ko na wag ipa ibig sayo sana noon ko pa ginawa.. pero ayaw nya eh! (umiyak na nang tuluyan) tol, ayaw ng puso ko na hanggang kaibigan ka lang tol... mahal kita... oo alam ko na straight ka wala akong duda nun... pero tol pwede mo naman akong bigyan ng chance diba? masaya tayo sa isat-isa diba? tol mahal kita... mahal na mahal..

Ako: tol wala namang ganyanan tol... kung ano man yung nakita mo na ipinakita ko yun ay dahil kapatid ang turing ko sayo! oo mahal kita! pero bilang kaibigan! bilang kapatid hindi bilang isang syota. tol lalaki tayo pareho tol! pwede pa namang baguhin yan diba? pwede pa namang mawala yang nararamdaman mo diba? tol ayaw kong masaktan ka tol... kaya please itigil mo na to...

James: alam ko naman na ganyan yung isasagot mo tol... oo naiintindihan kita, pero tol ito yung nararamdaman ko eh! bading na kung bading! bakla na kung bakla! pero tol hindi ko kayang diktahan ang puso ko tol!

Ako: pwes! turuan mo tol! (ewan ko kung bakit ganun yung inasta ko...kung bakit nagawa ko yun.. pero nabigla ako sa mga sinabi nya. hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. at yun inwan ko sa sa ere at pumasok na uli ako sa hotel at natulog.)

Kinaumagahan, wala na si James sa hotel at napag alaman ko na umuwi na pala sya.. Nagsisisi ako sa mga panahong yun.. umiiyak ako habang naliligo.. kung Sana Maulit Muli! alam kong mahirap na para sa amin ng James ang sitwasyon, kung bakit ba naman kasi nagpunta pa kami sa Camiguin... pero napagtanto ko darating at darating din ang araw na ito yun  nga lang napaaga. Ang sakit pala kung iiwan sa sa ere... agad akong bumalik sa pad, at hindi ko na sya naabutan doon. wala na rin yung gamit nya... Grabeh ang iyak ko nun! totoo talaga no? nasa huli ang pagsisisi... at pagsisisihan ko ito habang buhay! nawala na nga ang mama ko, ang papa ko, ang lola ko...ngayon pati ang itinuring kong tunay na kapatid nawala na rin. Saktong dumating ang ika limang araw. Resume na rin ng trabaho namin... pero si James di pa bumabalik. Nagsimula na rin akong tanungin pero wala akong maisagot... kaya tuloy nagduda sila kung nag away ba daw kami. sabi ko "Hindi naman". At dahil nga isang bwan na syang di pumapasok gumawa nalang ako nang alibi na natanggap na sya bilang Nurse. kaya kampante na ang lahat pero ako? wala pa rin... Hinahanap-hanap ng mga bata si James sa Bahay Ampunan... pati si Mama Meriam hinanap din sya... ayaw ko namang sabihin yung totoo kaya kung ano man yung alibi na ginawa ko yun ang pinanindigan ko. tatlong bwan na ang lumipas at bawat araw nito pinagsisisihan ko... saka ko palang napagtanto... mahal na mahal ko na pala si james! hindi bilang isang kaibigan, hindi bilang isang kapatid kundi higit pa nun. itinuon ko nalang sa trabaho ang kalungkutan ko... lumipas ang isang taon, Birthday ko... kaya niregaluhan ko ang sarili ko ng isang sasakyan. natuwa naman si tatay Aldo, at least daw nag mature na ako..

Nakalimutan ko na lahat ng nakaraan, nagkaroon ang Gf pero ganun parin... may isang tao parin akong hinahanap.. 2 months lang ang pinakamatagal kong relasyon... wala eh! ibang kalinga ang hanap ko... ibang pagmamahal ang hangad ko... kaya nag lie low muna ako sa pag-ibig... ayaw kong makasakit, at ayaw ko na ring masaktan. effective naman lahat... nagkaroon na ako ng social life, napagtuunan ko na rin yung farm namin..nakapagpatayo nang sariling bahay sa loob ng dalawang taon.

Nag open ako ng messenger ko nun nang biglang may nag chat sa akin:

Cindy88: hi ipis!

Ako: hu u? asl?

Cindy88: eto naman porke yumaman na nakalimot na agad! si cindy to! best friend mo nung elementary! hahaha musta?!

Ako: awh! ikaw pala yan cindy?! wow! (si cindy nga pala ang nanging bestfriend ko nung elementary palibhasa may pagka boyish ang dating! mahilig mki pag upakan at paparts yung tawagan namin!)

Cindy: hahaha i lab u bess... musta na papartz ko?

Ako: eto maitim pa rin... walang pinagbago! hahaha kaw kumusta kana? balita ko nasa canada ka?

Cindy: oo dati.. nurse ako dun pero ngayon nasa pinas na ako.. and guess me dalawa na ang baby!

Ako: ano?! hahaha mahilig ka pala sa lalaki partz?

Cidy: loko loko! sinu naman ang may ayaw ng pamilya no! oh? ikaw ba? ilan na anak mo?

Ako: wala pa eh.. (nagpatuloy ang usapan namin ng mahigit apat na oras. tawanan asaran, kulitan at iba pa... di pa rin sya nagbago... gago pa rin! hehe)

Cindy: uie ipis birthday ko nextweek, gift at cake ko ha? andito ako sa ******** ******* Hospital... basta hihintayin kita..

Ako: sure ikaw pa!

Lumipas ng mabilis ang araw... ayun na nga Birthday na ni cindy. kaya pagka galing ko sa trabaho, bumili muna ako ng mga bulaklak, chocolates at Cake... Pagdating ko dun tinungo ko agad ang station 2 kung saan sya nga assign..

Cin: Besss!!!! aayyyy!!! (excited, pero naging seryoso agad) itim ka pa rin! hahahahahaha ayyy! salamat bes ummuah muaaah! na miss kita bess promise! (saka pinakilala nya ako sa mga ka trabaho nya.)

Kwentuhan kami dun, ewan ko kung gano na ako ka tagal naka tayo dun. nang biglang may lalaking kumuha ng chart...

Head Nurse: Adrian Sir, pinatawag ka ni Doc. Gulfan magpapa asist daw yun sayo mamaya..

Pagtingin ko sya nga! si James! mas lalong Gumwapo! wow! para akong binuhusan nga isang baldeng malamig na tubig at naka nga-nga lang ako habang pinapanuod sya...

Ako: hey! small world...

James: (tumingin lang nagbigay nang isang napakatipid na ngiti...)

Cindy: magkakilala na pala kayo?

James: (tipid na ngiti ulit) used to.. sige maam alis muna ako may aasikasuhin pa kasi ako sun sa ward. Happy Birthday!

Naiwan ako sa ere! kung bakit ba naman kasi kung kailan kinalimutan ko na sya... Eto pah ipinagtagpo pa ulit! lintek na buhay naman to oh!! pagkatapos naming mag usap ni Cindy nagmadali na akong umalis at nagpunta sa isang lugar kung saan walang masyadong tao.. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!! Fuck you!!!" ginulo ko yung buhok ko at di ko napigilang umiyak! Guilty ako kasi ni wala kaming formal na closure ni James,mahal ko sya! Mahal na Mahal! at isa lang ang sigurado ako... na hindi na ito pagmamahal bilang kapatid o di kaya kaibigan! "I Looooooveeeeee you JAMESSSSSSSSSSS!!! napaupo ako habang nasa noo ko ang mga tuhod ko... ganito pala ka sakit yun? kung hindi lang dahil sa mga kaibigan at taong nagmamahal sa akin matagal na sana akong nagpakamatay... At isa lang ang pumasok sa isip ko kung oras na yun... "I'll win him back!"... determinado ako nun.

Sabado nun nung nag desisyon akong mag grocery...sa Puregold ang target ko nun, malapit lang kasi at madadaanan ko yung hospital nina cindy. ngunit nung palapit na ako napansin ko ang isang lalaking pumapara ng taxi, sa kasamaang palad di sya hinintuan... Tama! si James! "chance na siguro toh" sa isip ko, pero bago pa ako lumapit humingi muna ako ng sign, na kung hindi hihinto ang taxi na nasa unahan ko, ibig sabihin kukunin ko sya. instant naman! di nga sya hinintuan kaya hinarurot ko yung kotse ko at hininto sa tapad nya.

Ako: need a ride sir? (nag antubili pa sa at lumingon sa likod, naghahanap ata ng taxi.) pleasse? (ewan ko pero napaiyak talaga ako nun) para naman maka bawi ako... (pumasok naman sya di kalaunan. at dun sya umupo sa tabi ko.) James, tol.. sorry (ayun umiyak na naman ako...) tol ang hirap pala no? ang sakit tol... hehehe ngayon ko lang nalaman kung anong katarantaduhan ang nagawa ko... kaya tol sorry... nasaktan kita lng labis (nakita ko sa mata nga umiiyak na rin sya. pinunasan ko ang luha ko) tol? mapapatawad mo pa ba ako? tol, saktan mo ako oh... bugbugin mo nang mawala tong nararamdaman ko sayo... pilit kong mag move on tol pero ang hirap! sobrang hirap! (di ko na napigilan... umiyak na talaga ako) tol, isang chance naman jan oh...

James: (pinunasan rin ang luha) ihahatid mo ba ako? dun nalang sa *********** beach Resort...

Sinunod ko naman yung deriksyon na binigay nya ang nabigla ako dahil ang tahimik ng lugar, walang masyadong tao dahil nasa kabila pa yung beach na dinadayo ng tao.. nasa loob lang kami ng sasakyan.. walang nagsalita... hanggang sa binasag ko nalang ang katahimikan...

Ako: tol, sorry... (di ko talaga mapigilang umiyak, sorry din KM readers ha? na-iiyak kasi ako habang sinasariwa to eh..)

James: wala ka namang dapat ihingi nga tawad eh.... akong yung nagkamali Nash, kaya pasensya na... lumayo ako dahil alam kong di na maibabalik sa dati ang ating samahan pagkatapos nung nangyari. kaya masakit man kusa na akong lumayo. (umiyak na rin sya) sori tol kung nanging ganun ako... pero tol.. (sabay tingin sa akin...) mahal pa rin kita... (tuluyan nang bumuhos ang luha nya...)

Ako:(ninanlong ko sya sa bisig ko...) tol mahal din kita, higit pa bilang isang kaibigan... (tumingin sya sa akin at nakita ko ang mukha nyang nananabik... di ko napigilan ang sarili ko at unti unti koang inilapit ang labi ko, at agad kaming naghalikan... halikan ng pag-ibig, yung may halong luha... halik ng pananabik... at halik ng pagpapatawad. First time ko yun! oo! ang maka halikan ang isang lalaki ang unang beses kong nagawa. Pero hindi ako nandiri bagkus isang maalab na halik ang iginanti ko... halik na may mensaheng pagmamahal na damang dama ko... ang sarap ng halik na yun.. unti unti akong kumalas at niyakap ko sya ng sobrang higpit... sabay ang luha namin) tol... I love you... and im sorry tol!

James: hindi nagbago ang pag-ibig ko sayo tol... mula noon hanggang ngayon mahal na mahal kita.. at handa kong ipagsigawan sa mundo yun..

Bumalik ang dating saya sa mundo ko... ipinakilala ko rin sya kina mama joy at tatay Aldo hindi bilang kaibigan kundi nilang BoyFriend pati na rin kay Mama Meriam.. hindi naman nagbago ang pagtingin nila sa amin.. ganun pa rin.. nag resign na rin ako sa trabaho para maka iwas sa issue, at itinuon ko sa farm ang oras ko. masaya kami at unti unti rin naman nilang natanggap ang sa amin ni james. hindi rin naman kami lantaran kaya i-ilan lang ang nakaka-alam... ganun pa rin kami kagaya ng dati kahit 25 years old na kami..

James: Hon, (yan ang tawagan namin pag kami lang dalawa...) gaano mo ako kamahal? (habang magkayakap kami)

Ako: sobra! mahal na mahal hon! kahit sino haharapin ko at hindi kita ikakahiya hon...

James: talaga? kahit kay mama?

Ako: oo... (alam na ni tita ang tungkol sa amin, pero hindi pa ito official at hindi ko pa rin sya na meet ng personal.)

James: Sige handa ka nabang harapin si mama?

Ako: Oo naman basta para sayo (hinalikan ko sya sa noo)

Lumipas ang isang bwan mahigit, napagdesisyunan namin na magpakilala sa Mama ni James. Panel interview ang nangyari ang sakit pa makatingin ng lola ni james sa akin.. habang si tita naman pasimple lang pero nagmamasid hanggang sa:

Tita: so? ikaw pala si Nash! (ngumiti)

Ako: opo tita... hindi ka ba nagsisisi na si Adrian ang naging syota mo?

Ako: alam ko pong bawal ang pag-ibig na ito tita sa harap ng maraming tao, pero tita sa anak mo nabuo ang pagkatao ko, sa kanya ako natutong magmahal ng sarili, mag appreciate sa mga bagay at magbigay nang tunay na pagmamahal. and its good to know that we were on the same side. kaya kong igapang tita kahit gaano man ito ka hirap. Mahal ko po ang anak nyo, at asahan nyong hinding hindi ko sya sasaktan muli.

Napatingin lang sa akin si Tita pero batid kong sang ayon din sya.. Habang c James ay humawak sa kamay ko para sabihing "andito lang ako" Welcome na welcome ako sa pamilya ni James, at dahil dun nadagdagan ang listahan ng extended family ko...

Isang taon rin kaming mahigit na matibay ni Adrian James... lahat din ng pagsubot dinaanan namin.. ngunit nananatili kaming matibay. Napansin ko kay james na medyo madali syang kapusin nang hininga... normal nadaw yun sabi nya, pero sa akin parang hindi.. nag pa check up kami pero wala naman daw syang sakit kaya kampante ako na okay lang sya. Nagpa-alam ako nina James at tita, pati na rin kina mama Joy at tatay Aldo na mag a-attend ng isang business seminar sa Baguio ng isang Buwan. kaya ayun.. okay naman ang pag alis ko.. may contacts pa kami nina tita at syempre ang pinakamamahal ko... pero nung mga huling arawhindi ko na sila makontack.. ewan ko ba pero ang lakas ng kaba ko.. tinawagan ko sina mama Joy at tatay pero hindi naman daw naka pasyal si James dun, Hindi rin Nakapasyal sa Bahay Ampunan. wala akong ibang idea kaya naman napag-isipan ko na umuwi nalang at susurpresahin ko na lang sya.. tiempong pagdating ko sa bahay may tumawag na unregistered number sa akin:

Ako: hello?

Ovr the Line: Hi? eto po ba si sir Nash Monte*****?

Ako: ako nga po bakit po maam?

Ovr the Line: ahm sir, pwede po ba kayong pumunta dito sa ********** ******* Hospital?

Ako: bakit po?

Ovr the Line: ahm sir hehe dito ko na lang pi ipapa-alam sa inyo sir.. kung pwede po sana ngayon na? salamat po (tooot toot toot..)

Sa isip ko dun nagta trabaho si James ah? kaya ayun.. kung may surpresa sya? pwes magpapatalo ba naman ako! haha! kaya kinuha ko yung souvenir na bili ko galing Baguio saka ang paborito nga GUYLIAN Cholocates. at agad kong tinungo ang Hopital.

Pagdating ko dun, Tahimik... wala dun si cindy kaya naghintay muna ako sa lobby.. tinawagan ko yung number na tumawag sa akin kanina pero cannot be reach, so... inisa-isa ko ang ward hoping na makita ko sa James..hindi rin  kasi sya makontak nung time na yun..wala rin naman akong makita sa espesyal sa ospital, kaya patuloy ko nalang inisa-isa ang ward.. tiempong papalapit na ako sa I.C.U (Intensive Care Unit) biglang lumabas ang pamilyar na babae! si Tita! naka hospital gown, hairnet at mask... kaya agad akong tumakbo sa kanya. Para akong Binuhusan ang Napakalamig na tubig lalo na nung makita kong namamaga ang mata nya sa kaka-iyak. agad ko syang niyakap. at niyakap nya rin ako nang mahigpit.. habang patuloy ang paghahagul-hol nya..

Ako: (naiiyak na) tita anong nangyari? nasaan si James? tita magsalita ka..(sunod Sunod kong tanong...)

Tita: Nash... si James nasa loob...

Wala na akong paki-alam! sumigaw ako sa pangalan ni james at pumasok sa loob. agad kong sinuot ang gown, hairnet at mask.  At nalugmok ako sa aking nakita... Ang mahal ko... Nag-aagaw buhay na. Grabe ang iyak ko nun..

Ako: Hon... hon.. hon gimising ka... hon andito na ako.. hindi na kita iiwan hon... Gumising ka lang please... Hon!! (Niyakap ko sya at hinalikan ang kamay nya habang patuloy pa rin ako sa pag iyak.) hon... wag muna ngayon please... hon di ko pa kaya... please hon! please... maawa ka naman ohh! Hon lumaban ka Hon andito na ako oh.. hindi na kita iiwan hon pangako yun...Hon lumaban ka Hon...

yun na ang pinakamasakit na ala-alang nangyari sa buhay ko. Sinisisi ko ang Sarili ko kung bakit ko pa sya iniwan... Napag-alaman ko na inatake ng sakit sa puso si James at ang masaklap nabagok ito sa semento kay nasa comatose Condition sya. Gumalaw ng bahagya ang kamay nya.. andun si Cindy, si Lola, Si tita ant ang Kapatid ni James na si ateh Debby. andun rin si Mama Meriam sa ICU nung timena yun. nihawakan ko ang kamay nya habang patuloy kami sa pag iyak..

Ako: Honnnnn... honnn maawa ka naman sa amin oh.. lumaban ka hon please... pleaaassseee honnnn maawa ka.. di ko pa kaya hon... di ko pa kaya... lumaban ka hon pleassse hon.. hindi kita bibitiwan hon.. please Hon wag muna ngayon..

Itinaas ni James ang kanyang ulo na para bang may tinitingnan... at unti unting umalarn ang sa Cardio nya, (tit.. tit tit..tittt.tiiittt. tii.) nataranta kami lahat habang wala pa rin akong humpay sa kakahawak sa kamay nya... humahagulhol ng iyak...

Ako: honnnn pleasssseee maawa ka honn! wag muna ngayon please!

At bago palang dumating ang doctor nya (tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiitttttttttttt) hudyat ng pagkawala ni James at pagkalas ng palad nya sa palad ko... Isang pinaka masakit na sitwasyon ang mawalan ng buhay ang taong pinakamamahal mo... ang taong nagmulat sayo sa masayang mundo.. ang taong andyan lagi sayo, handa kang ipag tanggol... handang ibigay ang kamay nya sakaling kailangan mo ng tulong... ang sakit! soobrang sakiT! galit ako sa Mundo! galit ako sa Langit! galit ako kung bakit hindi nalang ako ang kinuha! bakit siya pa!!!!

Kung sanay maulit pa muli... hinding hindi ko sya pakakawalan, kung sana maulit pa muli?! ipadadama ko sa kanya ang taus puso kong pagmamahal... Pero alam kong ang yugto nang buhay ko ay hindi natapos dito.. alam kong nangyari ang lahat dahil may plano ang panginoon sa atin.. Si Adrian ang pinakamagandang ala-ala na nangyari sa buong buhay ko.. at araw araw ko itong ipagpapasalamat...
Hon...

Adrian James de Guzman
1980-2007
May your Soul Rest in Peace..

Hon, I love you... and it will always be forever...

Sa ngayon may anak na ako, 4 years mula nung nangyari ikinasal ako sa asawa ko ngayon... may dalawang anak na kambal =) , at sa tulong ng Panginoon nananatili kaming matatag. Ang nakaraan ko ay isa sa pinaka magandang ala-ala na nangyari sa buhay ko. Batid nang asawa ko ang nangyari sa aking nakaraan, at tanggap nya ito ng buong buo...

Sanay nagustuhan nyo ang kwento ng buhay ko..

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Sana Maulit Muli
Sana Maulit Muli
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi7MCXlL-WsIs6-xcCCqueC2weUQV8GgtIwh-mLxfBdF46aNitZeJrwAZ9GtQ6_QFt-_9eJXQ1OrlF1siP5AP8V-9GmNKoZxxmw9JZxnSh7cb63SxVEch06WAR91pZmTXTKacImqpea9_26/s1600/ozuong.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi7MCXlL-WsIs6-xcCCqueC2weUQV8GgtIwh-mLxfBdF46aNitZeJrwAZ9GtQ6_QFt-_9eJXQ1OrlF1siP5AP8V-9GmNKoZxxmw9JZxnSh7cb63SxVEch06WAR91pZmTXTKacImqpea9_26/s72-c/ozuong.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/02/sana-maulit-muli.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/02/sana-maulit-muli.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content