By: Jaypie Hello KM readers. Matagal kong pinag-isipan kung magse-share ako dito sa site na to o hindi dahil hindi ako magaling magsulat at ...
By: Jaypie
Hello KM readers. Matagal kong pinag-isipan kung magse-share ako dito sa site na to o hindi dahil hindi ako magaling magsulat at sa naging critic site na ito. LOL. Ako nga pala si Jaypie (tunay na pangalan ko po at sa dami ng kapangalan ko sa malamang di nila ako makilala dito kahit kakilala nila ako, HAHAHAH), 23 years old, 5’9” ang taas,kayumanggi, mabalbon (mula dibdib hanggang binti ang balbon ko), madami na nagsasabi na para daw akong Arabo dahil sa mga features ko(except sa amoy nila HAHAHA), galing sa isang bulobundoking probinsya dito sa Cordilleras. Isa na akong ganap na nurse at nag-aral ako sa isang kilalang kolehiyo dito sa Norte (batch 2011). Marunong akong mag-basketball (varsity ako noong elementary at high school pero ngayon pang-kanto nalang LOL) at mahilig din sa motor. Isa akong discreet bi (Walang kabahid-bahid na chikboy ang sabi nga sa akin ng bestfriend ko). Nagkakagusto ako sa both gender. Grade 6 ako nang una akong magka-girlfriend at naghiwalay kami nong 1st year HS kami dahil sa ibang school na siya nag-aral. 3 ang naging seryusong gf ko, 2years ang pinaka-matagal. At sa lalaki naman, 2 ang seryuso, 1year 4 mos. Yong una at 1year 8 months yong pangalawa. Ang iku-kwento ko ay yong sa pangalawang naka-relasyon ko sa same sex. Totoong nangyari ito sa akin, nasa sa inyo na po kung maniniwala kayo o hindi. Pasensya na, mahaba na masyado intro ko. HAHAHA
Feb.2011, araw ng Sabado, nagyaya ang kabarkada ko na mag-overnight sa bahay nila dahil mag-isa lang siya. Lumuwas ng syudad ang mga magulang niya. Nagpasundo ako sa bestfriend kong si York (bestfriend ko since 4th year HS. 5’10” ang taas. Straight siya’t mahilig din magbasketball (varsity since HS). Naging mag-bestfriends kami dahil sa hilig namin sa basketball at motor. Nang bumusina na siya eh agad akong lumabas at nagulat ako dahil hindi sinabi na may kasama pala siyang susundo sa akin at mag-oovernight din. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin.
York: Si Marlo pala. Barkada ko.
Feb.2011, araw ng Sabado, nagyaya ang kabarkada ko na mag-overnight sa bahay nila dahil mag-isa lang siya. Lumuwas ng syudad ang mga magulang niya. Nagpasundo ako sa bestfriend kong si York (bestfriend ko since 4th year HS. 5’10” ang taas. Straight siya’t mahilig din magbasketball (varsity since HS). Naging mag-bestfriends kami dahil sa hilig namin sa basketball at motor. Nang bumusina na siya eh agad akong lumabas at nagulat ako dahil hindi sinabi na may kasama pala siyang susundo sa akin at mag-oovernight din. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin.
York: Si Marlo pala. Barkada ko.
Ako: Ah. Jaypie tol. (sabay abot ng kanang kamay ko)
Marlo: Marlo. (inabot ang kamay ko’t ngiti).
Si Marlo, 6’1” ang taas, medyo balbon din kagaya ko at nag-aaral pa nun. Hindi naman siya yong tipong pansinin pero dahil sa tangkad niya e mapapansin mo talaga siya. 18 siya nun 2nd year sa isang malaking unibersidad sa tinatawag na heritage city dito sa Norte. Basketball player.
Nang dumating kami sa bahay ng barkada namin ay agad kaming nagluto ng pulotan. Magaling magluto si Marlo dahil siya daw ang nagluluto sa bahay ng tito niya kung san siya nakikitira malapit sa school niya. Nang magsimula na ang inoman, tahimik lang si Marlo, siguro nahihiya pa siya dahil hindi pa siya makasabay sa biroan naming magto-tropa. 5 kami nun. Ako, si York, Marlo, Kenn (may-ari ng bahay) at girlfriend niya. Magkatabi kami ni Marlo nun at kinukumusta ko siya kong ayos lang siya. Busy na kasi nun si York kaka-chat sa gf niya. Nakapag-kwentohan kami’t nagkapalagayan ng loob sa gabing yun.
Nang matapos na ang inoman bandang 1am, sa iisang kwarto lang kami natulog nun nila York at Marlo. Syempre sa ibang kwarto sila Kenn dahil alam na. Pinag kasya namin ang sarili namin sa kama. Ako sa gilid sa may pader, si Marlo sa gitna at si York sa kabilang gilid. Sanay akong matulog ng naka-boxershorts lang kaya naghubad ako pati din si York. Nahihiya pa siguro si Marlo kaya naka-jeans siyang natulog nun. Natulog kaming parang sardinas sa gabing yun (wala pong nangyaring iba).
Kina-umagahan, nagising kami ng bandang 10am at nagluto ng almusal. Pagkatapos ng almusal e pumunta kami sa malapit na resort para mag-swimming pampa-wala ng h.o bago umuwi. Dun ko unang nakita ang katawan ni Marlo. May balbon sa dibdib hanggang sa tiyan papunta sa tinatago niya. Maumbok din ang kanya dahil sa naka-boxers na din lang siya nun kagaya namin. Medyo nalibogan na ako sa kanya nun pero di ko pina-halata kahit kanino. Di rin napansin ni York na type ko na si Marlo. Alam kasi niya agad kung type ko isang tao o hindi. Suportado ako ni bestfriend sa lahat ng bagay. Tanggap na tangap niya ako at dun ako thankful sa bestfriend ko. Natapos ang swimming at umuwi na kami. Bago ako ihatid sa bahay ay kinuha ko muna ang phone no. ni Marlo. Tinignan lang ako ni York at may makahulogang ngiti. Binatokan ko lang siya bago ako bumaba ng kotse niya.
Tinext ko agad siya pagkahiga ng kama ko.
Ako: Salamat sa paghatid. Ingat kayo pauwi. –Jaypie
Marlo: Nice to meet you. Salamat sa pag-aasikaso kagabi.
Dun kami nagsimulang maging close sa text ni Marlo. Minsan tumatawag din siya. May sense siya kausap. Naging sweet kami sa text. Parating nag-aaya ng shot o basketball sa kanila pag umuuwi siya ng weekend pero naging busy na kami nun nila York dahil sa graduating na kami. Madami kaming tinatapos na requirements kaya hindi napagbigyan ang pagyayaya niya hanggang sa graduation namin.
March 2011. Pagkatapos ng graduation ay may kunting handaan dito sa bahay kasama ang buong angkan namin. Inimbita ko din barkada ko pati na din si Marlo. Magkasamang dumating sila York at Marlo. Pagkatapos ng kainan ay tagay na (yan na din kasi ang trademark namin sa lahat ng bahay ng tropa namin pag magkakasama kami). Dun na din ulit kami nagkita ni Marlo pagkatapos ng first meeting namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nun dahil parang ang saya-saya ko na dumating si Marlo ng gabing yun. Nag-kmustahan na parang hindi palaging magka-text. Iba kasi talaga pag kasama ang isang tao kesa sa text lang. Dun ulit bumalik ang araw-araw papawis sa pagbabasketball at tagay gabi-gabi kasama ang tropa pati na din si Marlo. Naging tropa na din namin siya nun. At araw araw pa din kami magkatext. Kahit magksama kami sa inoman magkatext pa din kami. Nagkakatiyawan sa kung sino ang unang malasing o sinong pangit ang laro. HAHAHAHA
April 1, 2011. Nagyaya ng shot si York. Nag-away sila ng gf niya kaya kailangan ng karamay. 2 lang kaming nagtatagay nun kaya tinext ko si Marlo na pumunta. Pumunta naman siya’t nakitagay. Naka-1case na kami nun ng redhorse at nagpakuha pa si York ng half-case. Hindi na din nag-shot si York sa half-case kaya wala kaming choice ni Marlo kundi kami na lang ang uubos nun. 11pm na siguro nung maubos namin yun. Natutulog na din si York sa sala nila kaya binuhat na namin siya papunta ng kwarto niya. Hindi na din kami pinayagan ng mama niya na umuwi sa dami ng nainom namin. Hinanda niya ang kabilang kwarto para sa amin ni Marlo. Dahil na din sa may tama na ako, agad akong nakatulog. Nagising ako ng bandang 3am dahil sa uhaw. Nakita ko sa tabi ko si Marlo na humihilik na nakatalikod sa akin. Naka-boxershort lang siya nun at ako ang naka-jeans. Bumaba ako’t kumuha ng tubig at bumalik na sa kwarto. Ganun pa din ang posisyon niya sa pagkakahiga. Hinubad ko na din ang jeans ko’t naka-boxers na lang na bumalik sa pagkaka-higa. Hindi na ako makatulog nun. Nakahiga lang ako na naka-pikit nang maramdaman kong biglang humarap sa kin si Marlo at niyakap ako. Nagsimula na ulit siyang humilik, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun kung kakalas ba ako sa pagkakayakap niya sa akin o hindi. Medyo malapit sa tenga ko ang bibig niya kaya gumalaw ako’t humarap sa kanya. Tinitigan ko siya. Huminto ang paghilik niya sa pag galaw ko at mas dumikit pa siya sa akin. Bigla siyang dumilat na naka-ngiti sa akin. Hindi ko alam pero pagkakita ko ng ngiti niya e agad ko siyang hinalikan. Lumaban din siya agad. Naglaplapan kami ng naglaplapan. Ang galing niyang humalik. Ang tamis at lambot ng mga labi nya. Hinalikan ko siya pababa sa leeg hanggang sa utong niya. Naririnig ko ang mga pigil na ungol niya. Pinagbuti ko ang pangroromansa sa kanya. Palitan ang ginawa ko sa mga utong nya. Dinig na dinig ko na nasasarapan sya sa ginagawa ko ng bigla nya akong hinila pataas at naghalikan ulit kami. Pumatong siya sa akin at hinahaplos ang buo kong katawan habang pababa siya sa mga utong ko. Nilalaro niya ang mga utong ko habang binababa ang boxers ko. Tinutolak ko ang ulo nya pababa at di naman siya lumaban. Sinusunod niya lang tulak ko. Inihinto ko sya sa may bandang puson ko at hinahalikan ito. Nilalaro na niya ang bayag ko gamit ang kamay nya ng kumilos siya pabaliktad sa akin. Tinanggal ko na din ang boxers nya at agad na sinunggaban ang galit nag alit nan yang ari. 6 na pulgada ang titi nya sa pagkakatantya ko. Nilaro ko ang ulo at butas ng titi nya bago ko ito tuloyang sinubo. Libog na libog na ako nun. Ganun din siya sa ari ko. Mas mataba lang ang ari niya sa akin ng kunti. Swabe siya sumubo. Ang galing nya. Parang puke siya humigop. Ang sarap sa pakiramdam. Ginalingan ko din para hindi ako mapahiya. Rinig ang ungol namin sa buong kwarto. Makalipas ng ilang minuto, malapit na daw siya kaya mas ginalingan ko pa ang pagsubo sa kanya. Biglang bumulwak sa bibig ko ang malapot na tamod nya kaya iniluwa ko agad at sinalsal na lang kasabay ng malakas na ungol nya. Itinuloy niya ang pagsubo sa akin hanggang sa labasan ako a bibig nya. Hindi nya niluwa ang titi ko bagkus kinain pa niya ang tamod ko. Sarap na sarap ako. Puro ungol lang ang narinig nya sa akin. Umayos siya ng pagkakahiga at naghalikan ulit kami bago bumalik sa pagkakatulog. Bandang 9am na kami magising dahil sa katok ni York sa kwarto. Agad naming sinuot ang boxers namin. Binuksan ko ang pinto. Pumasok si York sa kwarto’t humiga sa kama.
York: Bakit naka-lock yong pinto?
Ako: na-lock ko pala nong bumaba ako kaninang madaling araw.
Tumingin lang si York sakin ng makahulogan kaya ko siya sinugod at binatokan. Tumatawa lang si Marlo sa gilid ng kama. Hindi naman kami nagka-ilangan ni Marlo sa nangyari samin. Ganun pa din kami, parang walang nangyari. Kumain muna kami ni Marlo bago ko siya ihatid sa kanila. Lumipas ang mga araw, ayos pa din kami at hindi namin pinag-uasapan ang nangyari.
April 14,2011. Nagkayayaan ulit ng shot kila York. Kaming magkakatropa kasama ulit si Marlo. Sinabi na din agad ni York na dun ako matutulog sa kanila dahil may lakad kami ng maaga bukas. Swimming daw. Kinausap na din nya si Marlon a dun na din matulog. Pumayag na din kami. Nang matapos ang inoman, magkasama ulit kami ni Marlo sa kwarto. Habang naka-higa, hindi kami nagkikiboan. Parang nagka-hiyaan kami bigla. Binasag nya ang katahimikan.
Marlo: Ano na? (sabay tawa)
Ako: Tarantado! (humarap ako sa kanya)
M: seryuso nga. Ano na tayo?
A: Anong ano tayo?
M: Di ko alam, parang gusto na kita. (seryuso ang mukha)
A: ?????? (katahimikan)
Ako: di ko din alam.
M: di mo ko gusto?
A: gago! Gusto!
M: (tumawa) eh di tayo na! (sabay halik sa akin)
Naglaplapan ulit kami at naulit ang nangyari nung una. Mas ramdam namin ang kaganapan dahil sa kami na! Mas ramdam ko ang pagdampi ng mga labi nya sa katawan ko ng mga oras na yun.
Kinaumagahan, halik nya ang gumising sa kin. Pumunta kami ng beach magto-tropa. Napansin na din ni York na may iba na sa amin ni Marlo kaya umamin na din kami sa kanya. Naging open ang relasyon namin kay York pati na din sa gf nya. Masaya kami ni Marlo sa mga unang buwan naming na magka-relasyon. Palagi kaming magkasama ng April at May dahil sa bakasyon naman nya sa school. Nung pumasok na sya sa school, every weekend na lang kami magkasama. Minsan, kasama din ang tropa sa paglalaro.
August 2011. Simula na ng review ko sa isang sikat na review center(tabi mismo ng PRC) sa Manila kung saan ang may-ari e lalaking model na kasamang nagto-tour ang bestfriend daw nya around the world ngayon (kilala nyo na ba yong review center at yong may-ari? Hahahaha. Baka may mga ka-block din ako dito? Block1 for Dec.2011 boards.). Bago ako lumuwas, nagkita muna kami at nangyari na naman yun dahil mamimiss daw nya ako. Medyo matagal din kasi kami hindi magkikita.
Naging maayos ang mga unang araw ng pag-stay ko sa Manila. Maayos din kami ni Marlo. Text at tawag araw-araw hanggang sa medyo nabawasan ang oras ko sa kanya dahil sa pagrereview ko. Hindi ko yun napansin dahil nga sa dami ng takehome exams at mga dapat basahin. Naging subsob ako sa pag-aaral. May mga texts at tawag na din akong di nasasagot dahil dun at yun ang pinag-awayan namin.
Marlo: Hindi ka na nagtetext. Di mo sinasagot mga tawag ko. Ano ba problema mo?
Ako: Busy lang sa review classes ko. Sorry.
Marlo: concentrate ka muna sa review mo! Wag mo muna akong isipin. Sige! Goddluck! (tandang tanda ko yang text nyang yan)
Ako: Sana naman maintindihan mo ko! (wala na syang reply nun.)
Naging maayos ang review ko. Hindi ko masyadong naisip ang problema namin dahil sa dami ng pinag-aaralan. Nagkakatext din naman kami pag vacant days ko sa review. Kmustahan lang.
October 2011. Last week, uwian dahil sembreak at palapit na ang undas. Nagkaroon kami ng 5day-break kaya umuwi din ako. Malapit na din kasi ang birthday ko e ayukong mag-celebrate ng mag-isa. Si York lang ang sinabihan kong pauwi ako. Surpresahin ko sana si Marlo sa pag-uwi ko. Pero pagkadating na pagkating ko sa bahay, pagkapasok ko sa kwarto ko. May bumusina sa labas at tumatawag si York, labas daw ako. Kasama nya si Marlo. Ngiti ni Marlo ang una kong nakita. Masaya ako ng mga oras na yun. Gusto ko syang yakapin at halikan pero di pwede dahil nasa kalsada kami. Hahaha. Pinasakay ako’t kumain kami sa labas. Pumogi daw ako dahil pumuti ako. Saka nagtawanan ang 2 tarantado. Hahahah. Balik kami sa dati. Magkasama gabi-gabi at alam na. hahahaha
Nov.3,2011. Araw ng kapanganakan ko. Bago pa man mananghalian e nasa bahay na si Marlo at York para magluto ng pulotan. Tagay muna bago ulit ako bumalik ng Manila. Sa bahay na din sila natulog. Syempre magkatabi kami ni boss ko(boss pala ang endearment namin). May birthday sex na naganap. Kantyaw pa ng kantyaw si York kinaumagahan. At bumalik na ako ng Manila. Bumalik sa dati, naging busy ulit dahil malapit na ang boards. Maayos na din kami ni Marlo dahil naintindihan na nya ang sitwasyon. Bago ang araw ng board exam ay tumawag sya sakin para i-goodluck ako. Pinapalakas niya loob ko dahil sa sobrang kinabahan talaga ako.
Dec. 2011. Natapos ang board exam. Umuwi ako ng probinsya bago mag-pasko. Nakagawian na din namin ni York na magsimbang gabi. Pero ngayon ay 3 na kami dahil kay Marlo. Chistmas Eve. Pagkatapos ng noche Buena ay tradisyon na naming magtotropa na magshot sa bahay nila York. Mas masaya ako nun dahil kasama ko ang taong mahal ko(ang jologs)Hahahaha.
Maayos kami ni Marlo sa mga dumating pang buwan. May mga away at tampohan din naman kami pero normal lang naman yun sa relasyon. Pag may mga lakad kaming hindi magkasama, nagpapaalam muna sa isa’t isa. Pumupunta siya dito sa bahay, pumupunta din nman ako sa kanila. Kilala siya ng mga magulang ko pati ako sa magulang niya. Di ko lang alam kung alam ng mga magulang namin na may namamagitan sa amin ni Marlo. Open din kaming matulog sa bahay ng isa’t isa.
Feb.2012. Pumasa ako ng boards at naramdaman ko na proud na proud ang mga magulang ko sa akin pati na din si Marlo. Sila pa nga nagluto ng ulam namin dito sa bahay nong lumabas ang result. Ang saya ko nung mga panahon na yun.
Agad akong nag-apply sa isang hospital dito at blessed naman ako’t natanggap agad. Normal naman ang lahat. Kapag off ko, nasa bahay lang si Marlo o pumupunta ako sa kanila. Ganun kami palagi. NBA fan din sya kagaya ko. Nagkakantyawan pa kami pag magkalaban ang teams namin. Pati si papa, nakikikantyaw samin pag ganun. Naging close din sila ni papa dahil sa NBA. Pero medyo hindi na kami masyado nagkakasama ng pasokan dahil sa graduating na sya’t may OJT na. Minsan, pag off ko na may pasok siya, binibisita ko siya sa school nya para magkasama lang kami. Masaya at maayos pa din kami. Sinurpresa ko din siya nung birthday niya. Pinuntahan ko siya sa OJT niya kasama si York. Gulat na gulat siya. Masaya ang araw na yun.
Oct. 2012. Sembreak niya. Siya ang pumupunta sa bahay dahil pagod ako palagi sa duty. Ganun ang set-up namin sa break nyang yun. Maayos pa din. May mga lakad din syang solo pero nagpapaalam naman sa akin. Pinapayagan ko naman dahil di ko masamahan dahil sa duty ko.
Dec. 2012. 1st week. Bigla syang naging cold. Hindi na siya kagaya ng dati na text nya ang una kong binabasa pagkagising ko. Wala na sya masyadong text. Minsan, di na rin sinasagot ang tawag ko. Tinatanong ko anong problema, wala daw. Puro wala ang sagot niya sakin. Pati si York, walang alam sa nangyayari kay Marlo. Madalang na din sya pumunta sa bahay at sumama kay York sa lakad ng barkada. Wala akong idea sa nangyayari dahil hindi naman siya nagsasabi. Wala siyang sinasabi sa akin na problema nya.
Nag-resign ako sa hospital dahil may inapply’an akong program ng DOH at mag-start na ako. Hindi sya sumasama samin ni York sa Simbang gabi. Hindi sya nagrereply at di nya sinasagot ang tawag ko. CHRISTMAS EVE. Pagkatapos ng noche Buena ay pumunta na ako kila York para sa inoman. Wala si Marlo. Tinext ko siya, nagreply naman, saglit lang daw at maliligo lang siya. Dumating sya makalipas ng ilang minuto. Tinanong ko agad kung may problema sya, wala daw. Hindi sya masyadong kumikibo nun. Alam kong may problema pero hindi ko sya pinipilit na sabihin sakin. Pansin din yun ni York.
May tropa kaming dumating, nakita nya si Marlo kaya kinamusta nya.
James: tol, kmusta? Di ka masyado naglalabas ah?
Marlo: oo eh. Kakatamad kasi.
James: Ikakasal ka na daw ah? Ilang buwan na bang buntis si Mae?
Nagulat kaming lahat sa tanong ni James. Walang nakaimik. Pati si Marlo, hindi umimik. Nagkatinginan kami ni York bago ko tinignan si Marlo. Hindi sya makatingin sa kin ng derecho. Naka-yuko lang sya.
James: Buntis daw si Mae eh. Si Marlo daw nakabuntis.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng oras nay un. Gulat na gulat ako. Parang sinaksak ako sa puso. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nun. Inubos ko na lang yong isang bote ng redhorse bago ako nagpaalam sa tropa at umuwi na ako. Ayaw akong payagan nila York pero ang sabi ko na lang masakit ang ulo ko kaya wala na silang nagawa ng lumabas na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko pagkadating ng bahay. Derecho kwarto ako. Di ako makaiyak, sobrang sakit lang talaga. Nakahiga lang ako. Paulit ulit na naririnig ang sinabi ni James. Di ko namalayan, nakatulog ako. Nagising ako kina-umagahan, araw ng pasko dahil sa tawag ni Marlo. Di ko sinasagot. Madaming tawag at texts. Silent mode na lang para di storbo. Ang memorable talaga ng pasko kong yun. Sobrang memorable. Hindi ko tinext o sinagot ang tawag nya ni isa sa loob ng 2weeks. Sinasabihan ako ni York na ayosin namin. Pero di ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko.
January 2013. Natanggap ako sa DOH at nagsimula na agad. Ang hindi ko lang matanggap ay sa lugar pa nila Marlo ako madedestino. Pinag-isipan kong mabuti kung itutuloy ko pa ba yong contract na yun o mga-backout na ako. Tinuloy ko ang contract. Bahala na ang sabi ko sa sarili ko.
Nagyaya si York ng shot para daw magcelebrate dahil may bago na akong trabaho. Pumunta ako. Pinapunta din pala nya si Marlo. Hindi ako umiimik. Sumasagot lang ako pag kinaki-usap ako. Hindi pa ako handang makita siya nun. Pero andun na kaya wala na akong magagawa. Nasa kalagitnaan na kami ng inoman, paubos na ang alak. Magpapabili pa si York pero nag-aya na akong umuwi. Nauna na akong tumayo at lumabas na ng gate. Sinundan pala ako ni Marlo.
Marlo: Sorry! (Maungkot na nakayuko)
Ako: (di ako kumibo at derecho sa motor ko)
Kinuha nya ang susi ng motor.
Marlo: Mag-usap muna tayo. Please!
Ako: ayos lang tayo. Congrats! Hindi ka baog. Akin na susi ko!
M: Sorry na kasi. Walang uuwi. Matutulog tayo dito.
Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi nyang yun kaya bumaba ako sa motor ko’t tinulak ko sya.
Ako: tarantado ka pala eh. Ano ba problema mo? (sabay sapak sakanya)
Naglabasan na ang tropa dahil sa sigaw ko. Inawat ako ni York. Tinanong kung anong problema. Ang sabi ko na lang inagaw kasi nya susi ng motor ko. Walang imik si Marlo. Lumapit siya sa kin at binigay ang susi ng motor ko. Pinaandar ko na ang motor ko’t nagpaalam nang umuwi. Pagkadating ng bahay, umiyak lang ako ng umiyak. Hindi din ako pumasok kinaumagahan. Nag-change no. ako at di ko na pinaalam sa kanya new no. ko! Tinapos ko lahat lahat ang samin kahit walang approval niya at pinilit kong mag-move on agad. Gabi gabi din ang gimik ko. Kahit mag-isa lang ako mag-bar, ayos lang sa akin. Sobrang na-depress ako sa nangyari. Napansin yun nila mama pero di nila ako pinakealaman.
Minsan sa trabaho, dun nagpa- check up yong nabuntis ni Marlo sa clinic. Kasama pa niya mama ni Marlo. Nakita ako ng mama nya’t kinumusta ako. Bakit daw hindi na ako nagpupunta sa bahay nila. Ang sabi ko na lang, busy sa trabaho. Niyaya pa akong kumain sa kanila. Buti na lang yong katrabaho ko na sumagot at nagluluto kami dun sa clinic. Simula nun, pag schedule nung nabuntis nya na magpa-check-up e sa quarters lang ako naglalagi para di na ako makita ng mama niya.
March2013. Nagtxt si York, nagyayaya daw si Marlo sa kanila dahil graduation nya. Hindi ako pumunta. Sinabi ko na lang madami akong gagawing reports. Simula nun, wala na akong balita kay Marlo. Kahit kay York, wala din siya nababanggit tungkol sakanya. Ang nabalitaan ko na lang kay York eh nanganak na daw yong babae at nagli live in na sila. Nasasaktan pa din ako pero ayos lang. Tinanggap ko na na hindi talaga siguro kami para sa isa’t isa. Naging ok ako. Sinubsob ko sarili ko sa trabaho. Nagtatampo na ang tropa sa akin dahil sa di na ako pumupunta sa mga sessions namin at pati sa mga laro.
July.2013. Schedule ng medical exam ng mga bagong employee sa Munisipyo. Nagulat na lang ako ng pumasok si Marlo sa clinic. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinitigan nya ako. Pero hindi ko sya tinignan. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iaasist ko ba sya o hindi. Pinaki usapan ko na lang yong kasama kong sya na lang mag assist. Pagkalabas nya ng room, umupo siya sa upuan sa harap ng table ko at knumusta ako. Ayos lang nman sabi ko sakanya. Kinuha nya no. ko. Binigay ko naman para wala nang mahaba pang usapan at nagpaalam na ako dahil may gagawin pa ako. Nagtxt siya agad.
Marlo: Marlo to. Save mo na lang kung gusto mo pa ako.
Ako: Baliw!
Marlo: matagal ko nang alam no. mo pero nahihiya lang akong itxt ka dahil sa mga nangyari.
Ako: ok.
Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Parang hindi pa ako ready na maging ok kami. Na maging magkaibigan ulit kami. Pero hindi ko matiis na hindi ko siya replyan. Naging ok na ulit kami. Bilang magkaibigan. Magtropa. Humihingi pa din sya ng tawad. Sorry sya ng sorry.
Natanggap siya sa Munisipyo at nagsimula na magtrabaho dun. Magkatabi lang ang buildings namin. Sa amin sya tumatambay pag wala silang ginagawa sa office nila. Kwentohan lang. Magka-text ulit kami at tumatawag din siya pag naka-field ako, bakit daw ako absent o ano pa man. Paminsan minsan, nagkakayayaan din ng shot kasama ang tropa. Pumupunta naman ako. Gaya ng dati, asaran at kantyawan. Balik sa dati ang tropa. At bumalik ang pagmamahal ko sakanya o hindi lang siguro nawala yun. Mahal ko pa rin siya.
Dec .2013. pumunta siya sa clinic para ibigay sa akin ang imbitasyon sa binyag ng kanyang anak. Ginawa niya akong ninong ng hindi man lang tinatanong sa kin kung payag ako o hindi. Wala na akong nagawa kundi pumayag na din. Sa araw ng binyag ng kanyang anak, pumunta ako. Late ako dahil hindi ko alam kung kaya ko bang maging ninong ng anak nya na rason kung bakit ako nasaktan ng lubos pero inisip ko na lang na blessing yun kaya pumunta ako. Pinakilala nya ako sa asawa nya. Awkward ang feeling pero di ko na lang pinahalata. As usual, pag kasama ang tropa, tagay na kasunod. 11pm nang matapos ang inoman. Wala na akong masakyan nun kaya nag volunteer syang ihatid ako sa amin. Hindi ko kasi nadala motor ko dahil umaambon ng papunta akong simbahan. Pumayag na ako kesa maglakad pa ako pauwi.
Marlo: Boss, sorry talaga sa nagawa ko! Sana napatawad mo na talaga ako!
Ako: gago! Ayosin mo na lang pag drive mo! Ayuko pa mamatay!
M: Mahal pa rin kita! (hininto ang motor)
A: ????? (gulat ako sa narinig ko. Di ako sumagot)
M: gusto mo pa ba ako?
A: inaamin ko, mahal pa kita. Pero iba na sitwasyon natin ngayon. May masasaktan na! may anak ka na! May asawa ka na.
M: di pa naman kami kasal e.
A: e panu anak mo? May anak ka na. hindi ko alam. Ang alam ko mali na maging tayo ulit ngayon.
M: (nakayuko, di ko alam kung umiiyak na sya nun o may sipon lang HAHAHA) pero mahal pa rin kita. Nagkamali lang ako kay Mae. Nalasing lang kami nun.
A: Huli na para mag-explain ka sakin. Pag-iisipan ko muna yan! Hatid mo na ako.
M: Kasi di mo ko binigyan ng chance mag-explain sa’yo nun.
Di na ako naka-imik dahil totoo naman. Tinapos ko lahat sa amin na hindi siya pinakinggan.
Pinaandar na ulit ang motor. Di ko napansin, papunta na pala kami kila York. Ang sabi nya may kukunin lang daw sya kay York, yun pala dun na daw kami matulog. Wala na ako nagawa dahil andun na kami. Nag-inoman muna kami nila York bago matulog. Magkatabi kami ulit sa kama. Walang imikan. After almost 1year, magkasama ulit kami sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla nya akong hinalikan. Hindi ako maka-react agad. Naglalaban ang isip ko kung papayag ba ako o hindi, pero mas matindi ang halik nya kesa sa dati at lumaban na din ako. Alam kong mali pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Namiss ko sya. Namiss ko sya ng sobra! At naganap na ang hindi na dapat naganap. Nakonsensya ako pagkatapos nun. Pero wala na akong magagawa. Ginusto ko din yun.
Pagkatapos ng nangyaring yun sa amin, inisip ko ng mabuti ang sinabi nya sa akin at nakapag desisyon na din ako. Hindi ko sya tinanggap dahil naawa ako sa anak nya. Naaawa ako sa anak nya na anak ko na din. Mahal ko pa din sya. Oo, pero iba na ang sitwasyon. Hindi na katulad ng dati. May masasaktan na at maraming magagalit! At higit sa lahat, ayukong maging kabit. Yun na ang huli naming pagpapaligaya sa isa’t-isa. Tinapos ko na ang lahat. Nagkaroon din ng closure pagkalipas ng isang taon. Yun na din siguro ang hudyat na mag move-on na ako.
Sa ngayon, nagtetext pa din kami. Kmustahan. Maayos naman kami. “Pare” na ang tawagan hindi na “boss”. At habang lsinusulat koi to, hindi pa din sila ikina-kasal ng nabuntis niya pero nagli-live in na sila. Hindi na din ako nag-renew ng contract ko at andito na ako sa Summer Capital ng Pilipinas para maghanap ng mas magandang kinabukasan. Mas pinili ko na din dito para makalayo sa mga bagay na nagpapaalala sa mga nangyari sa akin sa nakalipas. Ine-enjoy ko muna ang pagiging single ko ngayon. May social life pa din naman ako. May nakikilala sa mga inoman at hindi ako tigang. LOL.
Minsan, pinagsisisihan ko pa din ang desisyon kong pakawalan siya pero kapag naiisip ko ang kapakanan ng anak niya eh nawawala ang pagsisising nadarama ko. Hindi ko din maiwasang mamiss siya lalo na pag umuuwi ako’t nasa kwarto lang ako. Pero pinaninindigan ko na lang ang desisyon ko.
Masarap ang may nagmamahal sayo at ang may minamahal ka. Pero dapat alam mo din kung hanggang saan ka lang pwede. Mas masarap ang pagmamahal na walang tinatapakang tao. Masakit pero kailangang tanggapin. Kung kami talaga ang para sa isa’t isa, gagawa ng paraan ang tadhana ng paraan!(JOLOGS AMPOTS!!) hahahaha. Ganyan ang pag-ibig. LAGI NA LANG TANDAAN NA PAG-IBIG AY HINDI LANG IPINAGLALABAN, MINSAN ISINUSUKO DIN KUNG KINAKAILANGAN. Sana po nagustohan nyo ang buhay pag-ibig ko. Maraming salamat po!
COMMENTS