By: Prince Zaire “Fading in, fading out On the edge of paradise Every inch of your skin is a holy grail I've got to find Only you can se...
By: Prince Zaire
“Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?”
When I was about to write this story, yan yung saktong nagplay na song sa playlist ko. Love Me Like you do ni Ellie Goulding. Memories flood back, happy memories, the bad, and the painful ones. It seems that everything that happened are all bad dreams - disaster. Puro nalang misfortunes yung dumarating sa buhay ko. What have I done wrong? My life is a mess now, pariwara. I let my life to settle in his pocket, now I’m turning into someone, I myself doesn’t know.
I’m Zaire Graysen, Grei for short. 5’7 ang height ko, medyo slim, but not the anorexic type. I’m gay, pero yung professional gay, hindi masyadong maarte sa katawan – sakto lang. Di nagko-cross dress, parang yung mga couple lang sa controversial Bench Billboard sa Guadalupe, ganun. I’m an Architect, nasa late-20’s na. But as of now, I do not practice or take projects. Nawalan ako ng gana eh, as I said earlier, wala na ngang direction yung buhay ko. I used to take my Master’s Degree din noon. But due to certain circumstances that changes my life, I drop the course.
Nung malaman ng bestfriend ko na si Kaira na di na ako pumapasok sa Master’s classes ko, sinugod niya ako sa Condo. Medyo ok naman yung mood ko that day, pasalamat siya. Eto yung bungad nia:
“Shunga ka ba talagang bakla ka? Sinisira mo yang buhay mo, panay ang pagba-bar hoping at hook ups mo, you drop your Master’s, you resigned sa firm, turned down the Singapore project, ano na next?”
“Whatever, yan ba ang ipinunta mo dito? Then go away!”
“Hoy, di mo ako makukuha sa mga ganyan mo Grei, go away, go away, Elsa ikaw ba yan?
“This is not the right time for this non-sense Kai, di mo ako maco-convince to go back sa firm, or sa University. I need time to think, I need space.”
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?”
When I was about to write this story, yan yung saktong nagplay na song sa playlist ko. Love Me Like you do ni Ellie Goulding. Memories flood back, happy memories, the bad, and the painful ones. It seems that everything that happened are all bad dreams - disaster. Puro nalang misfortunes yung dumarating sa buhay ko. What have I done wrong? My life is a mess now, pariwara. I let my life to settle in his pocket, now I’m turning into someone, I myself doesn’t know.
I’m Zaire Graysen, Grei for short. 5’7 ang height ko, medyo slim, but not the anorexic type. I’m gay, pero yung professional gay, hindi masyadong maarte sa katawan – sakto lang. Di nagko-cross dress, parang yung mga couple lang sa controversial Bench Billboard sa Guadalupe, ganun. I’m an Architect, nasa late-20’s na. But as of now, I do not practice or take projects. Nawalan ako ng gana eh, as I said earlier, wala na ngang direction yung buhay ko. I used to take my Master’s Degree din noon. But due to certain circumstances that changes my life, I drop the course.
Nung malaman ng bestfriend ko na si Kaira na di na ako pumapasok sa Master’s classes ko, sinugod niya ako sa Condo. Medyo ok naman yung mood ko that day, pasalamat siya. Eto yung bungad nia:
“Shunga ka ba talagang bakla ka? Sinisira mo yang buhay mo, panay ang pagba-bar hoping at hook ups mo, you drop your Master’s, you resigned sa firm, turned down the Singapore project, ano na next?”
“Whatever, yan ba ang ipinunta mo dito? Then go away!”
“Hoy, di mo ako makukuha sa mga ganyan mo Grei, go away, go away, Elsa ikaw ba yan?
“This is not the right time for this non-sense Kai, di mo ako maco-convince to go back sa firm, or sa University. I need time to think, I need space.”
“Time, Space? Aba teh, tindi mo rin talaga, 1 year na yung nakalipas, you still need time & space? Si Pierre parin ba ito? Move on move on din pag may time ano”
“Madali sa iyo na sabihin sa akin na mag move-on, madali sa iyo ang magpayo dahil hindi naman ikaw yung nakakaramdam ng nararamdaman ko. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, yang mga payo mo, I doubt kung magagawa mo rin siya”
“Oo nga noh, may point ka diyan sis, ahy basta, ayusin mo yang buhay mo. Tignan mo nga yang sarili mo, umayos ka!”
“Kahit ganito ako, marami paring naa-attract sa akin”
“Punyetang attraction yan, hinay hinay girl, ang katangahan di nakamamatay, pero ang HIV AIDS, oo”
“Hoy Kaira, FYI, wala akong HIV AIDS, alis ka na nga, sinisira mo ang araw ko, buti sana kong nagdala ka ng Lasagna or Pizza man lang”
“Tandaan mo yung mga sinabi ko hah, hindi ako titigil hanggat di naaalis yang toyo sa utak mo. By the way, marami ka na palang utang sa inaanak mo, birthday, pasko, bagong taon, Chinese new year, valentines, graduation, perahin mo nalang teh hah”
“Ay naku, 2 years old palang yung anak mo, pati Valentines at Graduation kasama? Tindi mo teh!”
“O siya, alis na ako. Walang kwenta ka parin kausap, magaspang parin yang ugali mo, buti natitiis ko. Pag nagka-boyfriend ka, ipakilala mo muna sa akin ha, baka miyembro ng sindikato na ang pinapatos mo ngayon”
“Go na, nakaka-bwisit ka. Uyy, ikiss mo nalang ako kay Via (anak ni Kaira), dadaanan ko nalang siya one of these days, pasyal kami, pati si Matt, bibisitahin ko rin”
“Hoy, off limits ang asawa ko, ano yun, new product, may pa-free taste? Nagdududa na tuloy ako, kung ang Makati ay isang lugar, minsan na kasi Ikaw. MAKATI’ng bakla”
Then the conversation ended with an unending laugh. Every Friday akong binibisita ni Kaira sa Condo (sinusugod actually), making sure I’m alright. Tama kaya talaga siya, I’ve changed a lot? Walang kwentang kausap, may toyo sa utak, di makamove-on? Bakit ba ako nagkaganito?
Let me take you back to where it all started.
-----
Laking probinsiya ako, somewhere North. Hindi kami mayaman, magulo yung Pamilya namin, palaging all-out war sa bahay. Walang pakialam sa bawat isa, buhay mo sagot mo ang motto. I’m the youngest sa limang magkakapatid, lahat ng mga kapatid ko may pamilya na. Ako lang yung nakapag-aral sa kanila. My tita financed my studies from Elementary to High School.
Mahilig ako mag-drawing, yun yung pampa-alis ng frustrations ko sa buhay. Kung makakita ako ng perfect subject, kukuha lang ako ng papel at lapis and my hand starts the magic. Portraits yung forte ko, pag inspired ako, kuhang kuha ko yung subject.
Nung 4th year ako, nag-exam ako sa tatlong prestigious universities sa Manila. Freedom-Cross-Wall. Architecture yung first choice ko, fine arts yung second. Nakapasa naman ako sa tatlong yun, pero pinili ko yung una, sa ikalawa kasi, di ako bagay dun, masusunog ako. Sa ikatlo naman, ay naku di ko bet ang place.
Ang problema lang, wala ako pang-enroll, pang-tuition, pambili ng gamit. Isang gamit palang ng Arki, pwede nang pang allowance ng dalawang lingo. Inilapit ako ng Tita ko sa isang kamag-anak naming si Sir Manuel Mendoza. Engineer siya, mayaman. Lahat ng anak niya nasa ibang bansa na. Ayun, pumayag na pag-aralin ako, basta ako na daw bahala sa pinapaupahan nilang apartment sa may Q.C, tutulungan ko daw si Manang Gie.
Everything went smoothly, nakapag-aral nga ako sa Unibersidad na pinili ko. Nung una, medyo di ko pa kabisado ang lugar, promdi eh. Pero nakilala ko si Kaira, kwela, happy go lucky, laking metro, medyo classy, siya na naging bestfriend ko. Consistent Dean’s Lister ako nung una, pero nung kalaunan wala na. Medyo pasaway kasi ako pag salungat sa pinaniniwalaan ko yung mga dinidiscuss sa klase, nakikipag-argue ako. Express Freedom, Express yourself! Yan ang Motto ko.
Ok pa nung una, but my heart was set on fire the time I met this guy. He turned my world upside down, OA pero totoo.
Second Year kami noon, nagrendering class kami sa Paco Park. Aba eh, umalis pa talaga kami sa Campus, bumiyahe ng napaka-layo para lang sa mga walang kwentang view. Di ako makahanap ng magandang subject, yung mga classmates ko nag-start na magdrawing, ako nagmamasid lang. Then suddenly I saw someone from a distant.
Umiba ako ng pwesto, medyo lumapit ako sa kanya. He was a perfect subject, ang gwapo niya. Napaka linis niyang tignan, ang ganda ng tindig niya, very masculine. Buzz cut hair, perfectly chiselled nose, mysterious eyes, kissable lips, well-defined na katawan. Yung bugbog sa work-out, batak na batak. Yung black shirt niya fit na fit sa body niya. Plus the matambok na pwet.
Patuloy parin ako sa pag-sketch sa kanya, he was having conversation with his buddies that time. Then suddenly he look at my direction, sakto namang tinignan ko siya that time. Nagkatitigan kami, parang slow-mo moment sa mga napapanood sa big screen. I break the eye contact and started sketching again, nung titignan ko siya ulit, kinindatan niya ako. Shet! Kilig na kilig naman ang lola niyo, pero di ko pinahalata but instead I continued to finish the drawing.
Tinatapos ko yung shading ng drawing ko nun, nung biglang may nagsalita.
“Ayos ah, galing mo brad, kuhang kuha, ang gwapo naman ng subject mo”.
Hindi ko nilingon yung nagsasalita sa likod ko but instead I replied. “Ganun lang talaga kung inspired ka while doing your craft plus factor din yung perfect subject”
“So you mean I’m perfect?”
Dun na ako lumingon. Ahy, pakshet, yung hot guy, nasa tabi ko na, mas gwapo pa siya sa malapitan, nagpapa-hot pa sa kanya yung pag-chew niya ng gum. I cleared my throat.
“Ahemmm, sorry ah. I didn’t say your perfect, pero parang ganun narin”
“Ayos, perfect pala ako. I’m Pierre pala brad, ikaw ano pangalan mo?” Sabay abot ng kamay niya at umupo sa tabi ko.
“Grei”
“Cool, parang kulay”
“Gray is not a color Pierre, it can’t be refracted from pure light”
“Tang ina genius ka pala, ganun ba? Wala palang kwenta yung matagal na panahon na pag-aaral ko, ni simpleng kulay di ko alam”
Kwela pala siya. Sabay nalang kaming tumawa.
“Anong course mo brad?”
“Architecture, ikaw?”
“Criminology”
“Pwede akin nalang yang ginuhit mo? Remembrance ba, para palagi kong maalala na ang Gray ay hindi kulay”
“Loko-loko, di pwede eh, ipapasa ko ito sa Prof. ko. And speaking of, time na pala, I need to go”
“Wait, kunin ko nalang number mo, I just wanted to know you better. Parang ang gaan kasi ng loob ko sa iyo, maybe we can be friends. At papagawa rin sana ako ng portrait eh, anniversary gift sa girlfriend ko”
“Sure” binigay ko nga yung number ko at pati din naman siya. Bigla naman ako nawalan ng pag-asa, may girlfriend pala siya.
That night he texted me, he even called me, gusto lang daw niya ng may sense kausap. Kahit marami akong hand written reports that night, nakipag telebabad parin ako sa kanya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, at ganun din naman siya sa akin. Pero di ko na sinabi yung di magandang details, akin nalang iyon lahat. Sa mga sumunod na araw, nagmeet kami, sinasamahan ko siya manood ng sine o mag-mall pag busy ang girlfriend niya. Fashion Designer ang girlfriend ni Pierre, si Nix, maganda siya, parang model. Ginawan ko sila ng painting na dalawa, medyo SPG yung tema, hindi naman siya as in Nude painting session, pero very sensual. Buti natapos ko yun, medyo nakaramdam ako ng heart ache that time. Umabsent pa ako sa Saturday Class ko para lang doon.
Monday noon, our Prof. gave back our graded plates. Yun yung mga drawings na ginawa namin sa Paco Park. Dude, 79! Tang ina, first time na naka 79 ako sa drawings ko, maganda naman yung gawa ko ah. Then I noticed the comment of my Prof, naka-red mark. “Next time, follow instructions”. Ay oo nga pala, landscapes, cityscapes, street details pala yung gagawin namin that time. Pero portrait yung ginawa ko. Nung makita ni Kaira yung plate ko, aba tumawa ang gaga.
“79? Si Mr. Andrade, the artist, 79? First time to bes, tara libre mo ako, i-celebrate natin yang 79 mo”
“Atlest 79, proud ako sa ginawa ko, lalo na’t mahal ko”
“Patingin” hinablot niya sa akin yung drawing. “Infairness madam, masarap, kilala mo teh?”
“Ahah, siya si Pierre, taga Bicol siya originally, but he lives in BGC, in a Condo. Criminology student somewhere, 4th year. May girlfriend na isang Fashion Designer, mayaman, kwela, gwapo, perfect”
“Lakas maka background check. Wagas bes, ibang level. Pero condolence dre, may girlfriend, wala kang laban, may matres yun. Saklap no?”
“Che!”
Mabilis nalang lumipas ang mga araw, mage-end na ang term. Mas humirap yung mga ginagawa sa school. Dumami ang mga school requirements at mga demanding design plates. Pero muntik na akong mabagsak dahil lang sa isang plate na di ko pinasa “Community Chapel” lang naman. Di ko talaga feel eh.
Tuwing Saturday, binibisita ako nina Nix at Pierre sa campus. At nung summer, sinama naman ako ni Kaira sa El Nido trip nila. Ang saya noh, charity work lang ang peg. Di parin ako umuwi sa Probinsiya, wala namang dahilan.
Mas naging close pa kami ni Pierre, graduate na siya ngayon, pasado na sa board. On-going yung training niya, si Nix naman nasa New York na. One time in July, after ng Birthday ko, Pierre visited me sa apartment. Lasing na lasing siya noon, break na daw sila ni Nix. Dun na kasi magi-stay si Nix sa New York for good, natanggap siya sa isang company doon. Pinipilit kasi ni Nix na igive-up ni Pierre ang career niya dito at sumama siya doon. Pierre refused, kaya ayun nakipag-break si Nix.
Kahit marami akong ginagawa that time, I still comforted him. Dun na siya natulog sa apartment na tinutuluyan ko. Di na siya nagpa-alam sa akin nung umalis siya the next day dahil ayaw niyang gisingin ako, knowing that puyat ako.
Ganun yung routine niya, maglalasing, tapos pupunta sa apartment. Medyo naiinis na ako nun, pero hinayaan ko lang siya. Nung ma-hospital siya, ako yung nagbantay sa kanya. I sacrificed my time, umabsent ako. I was there to comfort him, I was there to make him smile. Wala eh, mahal ko siya. Di niya alam, dahil tinuturing lang niya akong nakababatang kapatid.
Nung makalabas siya sa hospital, dineretso ko siya sa Condo niya. Pinangaralan ko na ang mokong, pinagalitan, at sinabihan na magmove-on na.
“Grei, thank you for being there, umabsent ka pa para sa akin, Paano ba ako makakabawi sa iyo?”
“Move on and be ok, ok narin ako pag nagkataon. Andami ko nang na-miss na klase ah, nakaka-inis narin yang mga pagpunta mo sa apartment na lasing ka. Tama na ha.”
“Yes, officer” then lumapit siya sa akin and he kissed me in the forehead. “I love you bunso”
Nung Summer, inaya niya ako magbakasyon sa Albay. 3 weeks yun, dun ko na-meet ang Parents niya, sina Tita Meg at Sir Pery. Mayaman sina Pierre, may farm sila, malaki ang bahay at kilala sila sa kanilang lugar. Ang Mama niya ay isang employee sa City Hall habang isang konsehal naman ang tatay niya.
May tatlo siyang kapatid, lalaki yung naka-tatanda si Kuya Gio, nasa Saudi, tapos si Ate Maegan yung sunod nasa Canada, tapos siya at si Gale yung bunso. Napaka-bait nila sa lahat, down to Earth, di mapang-husga. Mas na-feel ko pa nga ang warmth sa pamilya nila kaysa sa pamilya ko.
Marami kaming nagawa sa 3 weeks na bakasyon na iyon. Pasyal sa may Cagsawa Ruins, sa Mayon dun sa part na pinuntahan nina Kenji at Athena. Fishing dun sa farm, baking bonding with his Mom. At marami pang iba. Dun din niya ako tinuruang mag drive, nung una kotse, mabilis naman akong natuto. Tapos motorsiklo, medyo mas mahirap yun. Alalang-alala siya noon nung sumemplang ako, andami kong gasgas, may sugat pa ako sa kilay na kailangang tahiin, buti di ako nabalian. But since then, natuto na ako magmotor. Sinasabayan ko din siya sa mga work-out sessions niya, sa pagtakbo niya every morning. Tinuruan din niya akong magtarget-shooting. Napaka-memorable nung araw na yun, andyan yung hahawakan niya yung kamay ko, pasimpleng yayakap, hahalik sa pisngi, nakaka-kilig. Dun niya ko unang tinawag na “Dy”.
“Bakit Dy? Ano yan, term of endearment? Hindi naman tayo mag-jowa ah, ba’t mo ko tinatawag na ganyan?”
“Bakit, mag-jowa lang ba ang may karapatan sa term of endearment na yan? Basta, simula ngayon, “Dy” na ang tawag ko sa iyo”
“Bakit nga Dy, explain”
“Dy, parang DY-saster? DY-fender? baDYng? dadDY?”
“Ouch! Sige na nga, eh anong itatawag ko sa yo?”
“Wala, Pierre lang, sige na, hit the target”
Then pinaputok ko na yung baril, ayun, ang layo sa target. Last week na ng bakasyon namin noon, nagdesisyon kami ni Pierre na mag-camp outside the house. Nag-tent kami sa damuhan, yung malapit sa pool. Nagkwentuhan, harutan, tawanan, then he kissed me again in the forehead, ginulo ang buhok ko at sabay sabing “Ang cute mo talaga Dy”.
“I want to tell you something Kuya”
“Kuya? Wag ganun men, nakaka-tanda”
“Eh matanda ka naman na talaga”
“Gago”
“Pero seryoso tong sasabihin ko. I think I’m falling for you”
“Let it, sasaluhin kita” sabay kindat sa akin.
“Eto nanaman tayo sa mga Hopia-Siopao moment natin. Hopiang Hopia na ako Pierre, ano ba to? Ano ba tayo? Sa kakaBOLA mo sa akin, asadong asado naman ako.”
“Tayo? Best of Friends, kapatid, kapamilya, kapuso?”
“Di ako nagjo-joke, the first time I saw you, gusto na kita. Sumasama ako sa inyo ni Nix sa mga lakad niyo kahit nagseselos ako noon. Hindi kita maiwan nung vulnerable moments mo dahil ganun kita kamahal. Kaya ayun, umasa ako base sa mga galaw at ginagawa mo sa akin. Yung pagsundo-hatid mo sa akin sa school, yung mga padala-dala mo ng brewed coffee tuwing madaling araw, yung paglabas-labas, nood sine moments, yung pagyakap mo, yung pahalik halik mo sa cheeks at forehead. Umaasa ako na mahal mo rin ako”
“Mahal nga kita”
“Putang inang pagmamahal yan, mahal mo ako bilang ano? Kapatid? Kaibigan? Kapamilya? Kapuso? What the hell, ano?
“Shush, wag kang sumigaw, baka may maka-rinig. Look, mahal kita Dy, because I’m longing for a younger brother whom I shared many similarities with. Yung may sense kausap, yung nakaka-intindi sa ka-wirdohan ko. But if you demand for the romantic type of relationship, aba eh, ibang usapan na yun men, you deserve someone better”
“You’re the best for me”
“No I’m not, ang love parang Tango, It takes two to dance it, hindi pwedeng mag-isa ka lang. I don’t deserve your love Grei, I still love Nix, and I can’t imagine myself having a relationship with a guy”
“Ok, sorry kuya ha, kung nain-love ako sa iyo, kung umasa ako, Oo nga naman noh, hahahaha, a uniformed man maiin-love sa isang Gay? Pakshet dre, never heard” he just stared at me at umiling. Yung expression niya, dismayed. Umiiyak na ako that time. Umalis siya, pumasok siya sa loob ng bahay. Mas naramdaman ko yung coldness ng gabi, truth hurts. Nakatulog nalang ako sa tent nung pagod na ako sa pag-iyak. The next day, I decided to flew back to Manila. Maayos akong nagpaalam sa parents niya. Nagpaalam din ako sa kanya noon, naging cold na siya, di man lang niya ako pinansin, or hinatid man lang sa airport. Masakit sa damdamin yun, sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko, pero parang may nakakahawang sakit naman ako dahil iniwasan na niya ako since then. Gusto ko ma-preserve yung friendship namin kahit papaano, tinetext ko siya, sinusubukang tawagan, iPM, pero wala, hanggang sa sumuko na ako at tinanggap na hanggang dun na lang. Nawala na ang communication namin, we live our separate lives. Siya yung umiwas hindi ako, siya yung pumutol sa friendship namin.
Nag-focus nalang ako sa studies ko, marami na akong napabayaan, ang dating top sa klase, wala na, nganga na. Lintik na pag-ibig yan ah. Nagmove-on ako, pero not totally. Every time I look at the mirror and see the scar in my eyebrows, naaalala ko siya. One time sa Philosophy class ko, I was asked by my prof kung paano nakaka-apekto ang love sa mga designs ng isang Architect. Aba, sa dinami dami ng tanong, yun pa yung binigay niya sa akin. “Sir, I do believe that love is just a product of certain chemical reactions from our brain, therefore the way we design is also influenced by chemical reactions from the brain, utak lang natin ang nagpapatakbo sa lahat, it’s all in here, we just have different ways of translating this information’s coming from it, yung design, product yun ng creative mind not the beating heart”.
“You think so? I do not subscribe to that, nasawi ka na ba sa pag-ibig Mr. Andrade?”
Nanlaki yung mata ko, bwisit na professor to, may follow-up question. “Hmmmm. No Sir, but I experience different shades of pain. Pain demands to be felt, ika nga. Maraming nagpapaka-tanga sa pag-ibig Sir, they believe that love makes the world go round- it’s too cliché, kung ang katangahan sa pag-ibig nakakamatay, baka solve na tayo sa over population problems natin.”
“You think so?”
“Sir move on na tayo sa next topic, behind sched na kaya tayo”
Because of that, ako ang dakilang ampalaya ng klase. Ganun talaga ako sa klase, kung anong pinaniniwalaan ko, kahit taliwas ito sa general opinion, sasabihin ko. After that class conversation, dumami ang mga nagpaparamdam sa akin, they saw my unique personality. I never entertained one, alam ko na ang ending nun, ako yung bida na iniwan, masasaktan, umiiyak.
COMMENTS