By: James Silver Hindi ako masyadong nakatulog nang gabing iyon. Paidlip idlip lang. Tinignan ko ang pwesto ni Jiban. Nakatalikod sya saken ...
By: James Silver
Hindi ako masyadong nakatulog nang gabing iyon. Paidlip idlip lang. Tinignan ko ang pwesto ni Jiban. Nakatalikod sya saken at hindi ko alam kung tulog ba sya o hindi. Napansin ko na lang ang mga butyl ng liwanag na nanunuot sa bawat butas ng bahay. Naisipan kong bumangon na para umuwi. Iniisip ko nab aka ayaw nya na akong makita pag-gising nya. Ewan, hindi ko alam, parang nagtatampo ako sa kanya. Minabuti ko na lang na sundin sya kesa naman lumaki pa ang sama ng loob nya saken ‘KUNG MERON MAN’. Nang akmang babangon na ako ay bigla na lamang tinawag ni Jiban ang pangalan ko.
“Win.” Tawag nya sakin at bigla na lamang akong napahinto.
“hmm?” ako.
“Wag kang makakalimot ah. Mag-iingat ka palage.” Sabi nya
“Oo.” Maigsi kong sagot.
Nag-asikaso na ako para umalis. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko kasi sa tinuran nya kanina ay mukha namang walang masamang tinapay sa pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang rin naisip na baka nag-aalala lang sya sa kalagayan ko.
Kinuha ko ang damit na suot ko noong mapadpad ako dito. Malinis na ito at hindi naman nagbago ng kulay dahil hindi ko naman na ito naisuot mula noong malabhan ko. Puro damit na ni Jiban ang pinapasuot nya saken para daw hindi maluma yung damit ko dahil mukha daw maganda at mamahalin. Yun lang ang akala nya. Nang matapos na akong mag-ayos ay ibinulsa ko na ang pera at magpapaalam na. Una akong nagpaalam kay nanay Darna. Ang matandang kahit na may kakulangan ay nagsilbi pa ring ina ko sa mahabang panahon. Napamahal na sya saken at tinanggap ko na lahat sa kanya. Nang makapasok ako sa silid ay nakita ko syang nakatulala lamang sa isang sulok. Sanay na ako kaya hindi na ako natatakot.
“Nay, aalis na po ako. Wag kayong masyadong makulit kay kuya. Magpakabait po kayo ah. Mahal na mahal ko po kayo.”sabi ko.
Hindi na ako umasa ng sagot mula sa kanya dahil alam ko namang hindi nya ako sasagutin. Hinaplos ko na lamang ang buhok nya at humalik ako sa noo nya. Hanggang sa makalabas ako ay nakatulala lang sya. Kahit papaano ay umasa ako na may mararamdaman syang lungkot sap ag-alis ko, ang kaso wala talaga kaya naman lumabas na ako. Sumunod kong pinagpaalaman ay si Jiban. Walang masyadong drama, nakakailang naman. Pero isa pa sa kina-iilangan ko ay yung nangyari samen kagabi. Bigla nya na lang ginawa ‘yon mula sa kawalan. Ang hirap kasi talagang intindihin ng adik eh.
“Ban, alis nako. Ingat sa lipad ah, wag kang papahuli.” Sabi ko sabay ngiti kahit hindi sya nakatingin.
“Mas malinaw ang kinabukasan mo kesa saken. Ako, kahit siguro pag-aralin, hindi na ako mag-aaral. Nakakatamad at sigurado akong walang papasok sa utak ko. Kaya pinapauwi na kita para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Wala kang mapapala dito . Wag mo na lang pansinin yung tatay mo. Nabigla lang siguro yun kaya ka nya nasaktan.” Sabi nya na pinakinggan ko namang mabuti. Sa tagal kasi naming magkasama eh, ngayon ko lang sya naringgan ng mga salitang may kabuluhan.
Papalabas na ako ng pinto nang muli nya akong tawagin.
“Win, ayos lang maging bakla.” Sabi nya, na sya namang nagpangiti saken. Tuluyan na akong lumabas at hindi na lumingon pang muli. Diretso lang ang lakad, pero ipinangako ko sa sarili kong babalik ako dito, kahit anong mangyari.
Halos tanghalian na rin nang makarating ako sa lugar namen. Kinakabahan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila sa pagdating ko. Halos limang buwan din akong nawala. At sa panahong iyon ay may ilang pagbabago din ang nangyari saken. Mga pagbabagong nakaragdag sa kaalaman ko sa aspetong masama at mabuti. Hindi ko man maisa-isa ang mga pagbabagong iyon ay iisa lang ang sigurado ako, naging masaya ako. Kakaibang ligaya ang naramdaman ko habang nandun ako.
Sa paglalakad ko ay hindi ko na halos namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bigla na lamang akong naluha nung makita ko yung bahay. Walang pinagbago. Para syang isang pugad na tahimik lamang na naghihintay sa pagbabalik ko. Pero. Pero hindi ko alam kung hinihintay ba ako ng mga taong nasa loob. Nagdadalawang isip man ako sa pagpasok ay tuloy tuloy lang ang paglakad ng aking mga paa patungo sa gate. Hihinto pa sana ako, nang bigla na lamang.
“Ma! Ma! Si kuya andito na.” sigaw ng aking kapatid na nasa pinto pala. At bigla na lamang lumabas din mula sa pinto si mama.
“Aldwin! Anak!” Napatakbo si mama sa kalawangin naming gate at agad nya itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng gate ay agad na itong lumapit sa akin para ako’y akapin. Galit ako noon. Pero sa totoo lang… Sa totoo lang matagal kong hinanap hanap si mama.
“Ma!” buong puso kong banggit sa kanya na may matinding pananabik sabay yakap ko rin sa kanya.
“Anak, ano bang nangyari sayo? Halika pumasok na tayo.” Sabi ni mama.
Pagdating sa loob ay agad kaming umupo ni mama. Si Alden na hindi ko inaasahang mamimiss ako ay bigla na lamang nakita kong lumuluha habang nakatingin saken.
“Kuya.” Sabi nya. At pinalapit ko sya saken, tumayo ako at niyakap ko sya. Yumakap din sya saken ng mahigpit. Pagkatapos nun ay muli akong umupo para makausap si mama.
“Ma, sorry po. Galit na galit po kasi ako noon eh. Hindi ko po sinasadya.” Sabi ko, gusto ko nang mapahagulgol sa sobrang pagsisisi sa nagawa kong paglalayas.
“Kalimutan na naten yun nak, ang mahalga nandito ka na. Mabuti’t walang nangyaring masama sayo.” Si mama. Napayakap na lamang ulit sa kanya dahil hindi ko sya msagot tungkol sa bagay na ‘yun. Hindi ko alam kung nakabuti ba o nakasama saken ang mga karanasan ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko sa kanya. Mula ngayon ay gagawin ko ang lahat para maging mabuting anak, sa kabila ng kasarian kong kinukondena ng lipunan.
Ipinaghanda ako ni mama ng masarap na pagkain at masaya kaming nagsalo salong tatlo sa hapagkainan. Nasa trabaho pa kasi si papa at mamayang gabi pa ang uwi nya. Medyo nag-aalala ako sa magiging reaksyon nya sa pagbabalik ko. Baka masaktan na naman nya ako eh. Pagkatapos naming kumain ay halos buong maghapon lang kaming nagkwentuhan ni mama at Alden. Marami akong naikwento sa kanila pero mas marami ang mga itinago ko na lamang sa aking sarili. Pihadong hindi nila magugustuhan ang mga naging karanasan ko kaya naman mas mabuting manahimik na lang ako.
Sumapit na ang gabi. Hinihintay na naming ang pag-uwi ni papa. Nakakaramdam ako ng matinding kaba. Napaka istrikto nya kasi. Hindi pa man nya ako nasasaktan noon ay malaki na talaga ang takot ko sa kanya. Larawan sya ng isang mapagkalingang ama para sa lahat. Pero para saken, mas mukha syang warden sa selda. Ewan, kahit nga si Alden takot sa kanya eh. Pabilis na nng pabilis ang pag pintig ng dibdib ko. Hanggang sa narinig na nga namen ang gate at napatayo na lamang ako ng tuwid dahil sigurado kaming sya na yon. Bumukas na ang pinto at halos silaban na ako sa sobrang init ng tenga dahil sa kaba. Andyan na sya. Bahala na.
Nang makapasok si papa sa loob ng bahay ay napahinto sya nang makita nya ako. Tinitigan nya akong mabuti at tsaka sya tumuloy sa pagpasok. Kinakabahan man ako ay wala na akong magagawa. Nandito na ‘to. Haharapin ko na lamang ang parusang ibibigay nya sa kalapastanganang nagawa ko. Unti unti syang lumapit saken. Pinagmamasdan ko ang kamao nyang nakakuyom na tila handa nang manuntok ano mang oras. Iniangat nya ang nakakuyom nyang kamao, susuntukin nya na ako pero handa na ako. Nang bigla na lamang tumulo ang luha ko nang yakapi nya ako ng napakahigpit.
“Patawarin mo ako sa nagawa ko sa ‘yo hindi naman yun sinasadya ni papa. Nabigla lang ako, hindi ko kasi matanggap nung una eh. Akala ko nagkulang ako bilang ama sa ‘yo, hindi ko lubos maisip kung bakit ka magkakaganyan. Pinalaki naman kita ng matino eh. Pinalaki kita ng matuwid. Ayokong tanggapin noon na bakla ang anak ko, kasi ayokong matulad ka sa mga nakikita ko dyan sa lansangan. Ang mga katulad mo ay tampulan ng tukso, ayokong mapagtripan ka ng mga kalalakihan na ang tingin sa mga bakla ay salot. Prinotektahan ko kayo at puprotektahan ko kayo kahit anong mangyari. Sa oras na may makita akong gumagago sa kahit sino sa inyo anak, makakapatay ako dahil ganun ko kayo kamahal. Patawarin mo ako kung hindi kita natanggap kaagad ah. Kasi anak, nagpapaka kuba ako sa pagtatrabaho para magkaroon kayo ng maayos na buhay. Hindi ko mapapayagang maapi kayo, kaya sana ayokong ganyan ka. Pero andyan na eh. Ganyan ka na kaya wala akong magagawa kundi ang tanggapin ka. Sana nauunawaan moa ng nararamdaman ko bilang ama. Mahirap din yun para saken. Pero ngayon, sana kahit ganyan ka, sikapin mo pa ring maging mabuting ehemplo, wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo baling araw. Magtutulungan tayo, at kahit san ka pa makarating susuportahan ka naming pamilya mo. Bubugbugin ko kung sinuman ang manloloko sayo anak, tandaan mo yan.” Sabi ni papa, hindi na ako nakapagsalita dahil panay na ang hagulgol ko. Nakakataba ng puso. Nakaka-aliwalas ng pakiramdam. Tanggap nya na ako at ganun din si mama. Abot langit ang pasasalamat ko.
Hindi na ako nakabalik sa pag-aaral. Ibinagsak na kasi ako ng prof ko dahil sa ilang buwang pagliban ko sa klase. Naintindihan naman ni mama at papa ang sitwasyon kaya naman sa susunod na taon na lang raw ako mag-aral ulit. Naging masaya naman ang pagbabalik ko. Mas naging malapit ako sa mga magulang ko ngayon. Sa dami kasi ng nangyari saken ay mas naappreciate ko ang mga bagay bagay na meron kami. Ang pagkain, tirahan, edukasyon at higit sa lahat ang buong pamilya. Marami may wasak na tahanan, kundi namatay eh iniwan. Maswerte ako, napakaswerte ko dahil hindi kami natulad sa kanila. Ngayon ko lang nauunawaan ang mga biyayang galing sa Diyos na hindi kayang sukatin ng mababaw nap ag-iisip. Maraming bagay Siyang ibinibigay saten na hindi naten napapansin dahil nakakasanayan na nating nandyan lang. Parang pagkain, nakakaumay na pag palagi mong kinakain. Hindi nagsasawa ang Diyos na ibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Sana hindi mo makalimutang magpasalamat, wag kang magsawang magpasalamat. Tumanaw ka naman ng utang na loob.
Isang araw matapos ang dalawang lingo, noong makabalik muli ako ditto sa bahay ay naisipan kong dumalaw sa Moriones. Kukumustahin ko sina nanay Darna, yung mga naging kaibigan ko doon at syempre si Jiban. Nagpaalam ako kila mama at papa, hindi naman ako nahirapan dahil alam naman nilang yung pamilya ni Jiban ang tinirhan ko. Wala nga lang silang alam tungkol kay Jiban na kahit ano. Syempre mag-iingat daw ako.
Nang makarating ako sa bahay nila Jiban ay si nanay Darna lang ang inabutan ko.
“Kuya! Kuya!” sabi ni nanay. Medyo, nababanaag ko ang emosyon sa kanya dahil may patak ng luha sa mga mata nya.
“Bakit nay, anong nangyare?” tanong ko pero hindi sya sumagot. Nagpasya akong puntahan ang mga kaibigan ni Jiban na sina Captain Barbell at Jano. Tatanungin ko kung nasaan si Jiban. At nang makarating na ako sa kanila…
“Jano, asan si Jiban?” tanong ko. Lumapit naman ito saken at nagsalita ng pabulong.
“Ayon nagtatago. Nangrape si gago, lakas kasi ng tama nung nakaraan eh, sabog na sabog.” Bulong ni Jano saken. Nagulat ako sa sinabi ni Jano.
“Saan sya nagtatago at tsaka sinong nirape nya.” Tanong ko ulit sabay aktong babatukan ako.
“Tangina mo wag kang maingay. Walang nakakaalam dito. Kaming dalawa lang ni Cap ang pinagsabihan nya. Pinaghahanap sya ngayon ng mga pulis. Matindi ang nadale, yung menor de edad na anak ni kagawad, napatay pa nya.” Nanlaki ng husto ang mata ko nung marinig ko ang mga sinabi ni Jano. Pagkatapos namen mag-usap ay bumalik ako sa bahay nila Jiban. Hinang hina ako sa mga narinig ko. Nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha ko, masakit sa loob. Sobrang sakit. Para akong mababaliw sa kasalanang nagawa ni Jiban. Alam kaya nya ang parusang naghihintay sa kanya?
Inabot na ako ng gabi kila nanay Darna. Magpapaliwanang na lang ako kila mama pag-uwi ko. Ang mahalaga ay makausap ko si Jiban. Isa pa hindi ko rin maiwang nag-iisa si nanay Darna eh. Hindi ko na alam kung anong oras na. Malalim na ang gabi at nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan pero hindi ito nakakapagpasaya saken sa pagkakataong ito. Hinihintay ko si Jiban. Alam ko kung gaano nya kamahal si nanay Darna kaya nakasisiguro akong pupunta sya dito para kumustahin ang lagay ng kanyang ina. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay naaninag ko na sya mula sa dilim. Kahit hindi ko nakikita ang kabuuang itsura nya. Sa kilos at pagtayo pa lang ay alam ko nang sya yun. Dahan dahan syang kumikilos papalapit saken.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong nya.
“Dinadalaw ko kayo.” Sabi ko.
“Hindi ka na dapat bumalik. Tarantado ka, mapapahamak ka lang dito eh.” Bulong nya na may diin ang pagsasalita.
“Ano bang nangyare kasi, ipaliwanag mo ‘to.” Pag-aalala ko.
“Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Bakit syota ba kita?” sabay pasok nya sa loob ng bahay. Nanlamig ako sa sinabi nyang iyon. Ang totoo nyan, umasa ako na ganun na nga ang lagay namen matapos ang nangyari samen. Pero wala lang pala sa kanya yun. Gusto kong magalit pero, hindi ko iyon paiiralin ngayon. Dahil may mga bagay pang mas dapat unahin kesa sa pag-ibig. Sumunod na lamang ako sa loob upang kahit papaano ay makausap pa rin sya.
“Umalis ka na dito, kaya ko na ‘to.” Sabi ni Jiban.
“Hindi, hindi kita iiwan dito, lalo na sa ganitong sitwasyon. Alam kong kailangan mo ako.” Sabi ko.
“Win, hindi kita kailangan. Tangina naman eh, umalis ka na kasi. Tangina mo bubutasan kita pag hindi ka pa umalis.” Pagbabanta nya. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.
“Alam ko, kailangan mo ako kaya dito lang ako.” Sabi ko.
“Bobo ang puta. Ahy! Naku ka!” gigil na gigil nyang sambit habang inaambahan ako ng patalim na hawak nya. Sabog pa ata ‘to eh. “Tara, tulungan mo akong ilabas si nanay. Isasama ko sya sa pagtatago ko.hindi ko sya pwedeng iwan dito.” Dugtong nya.
“Saan kayo pupunta?” tanong ko.
“Bahala na, kahit saan basta ligtas si nanay.” Ramdam ko na mas inaalala nya talaga si nanay kesa sa sarili nya. “Win, salamat ah. Nakakita ako ng liwanag nung dumating ka sa buhay namen ni nanay. Kaso hindi talaga maganda ang droga sa katawan at isip eh. Palaging may demonyong bumubulong saken na gawin ito gawin yan. Masama man o mabuti, walang pinipili. Pero alam mo, pinilit kong maging matino nung umuwi ka. Pero hindi kaya eh, ilang linggo pa lang balik na naman ako sa dating gawi eh. Mas lalo pang napasama. Kasi… kasi… hinanap kita eh. Namiss kita, kaya . . .” bigla na lamang syang naging emosyonal at bigla na lamang itong naputol nang biglang may kumatok sa pintuan ng napakalakas.
“JIBAN! JIBAN! LUMABAS KA DYAN!” sigaw ng isang lalake at naksisiguro akong si kagawad yun. Ddahil ilang beses ko na sya nakita at alam na alam ko ang garalgal nyang boses. Sabay sipa sa pintuang nakaharang sa kanyang daraanan. May mga kasama syang pulis. Isa pa sa ikinagulat namen bitbit rin nila sina Captain Barbell at Jano.
“Jiban, patawarin mo kami. Ikaw ba naman ang matutukan ng tingga eh.” Sabi ni Cap. Biglang nagulumihanan si nanay Darna.
“WAAAAAHHHH! PULIS! PULIS! PULIS! WAAAHHH!” sigaw ni nanay.
“Puro pala kayo may sayad eh!” Sabi ni kagawad.
“PUTANGINA MO! WAG MONG BINABASTOS NANAY KO!” Sigaw din ni Jiban sabay yakap ng mahigpit kay nanay. Alam kong kahit nagtatapang tapangan si Jiban ay labis labis ang takot nito lkaya naman niyakap ko silang pareho ni nanay Darna.
“Hulihin nyo na yang putang inang yan nang masilya elektrika na yang hayop na yan.” Sabi ni kagawad na lalong nagdala ng takot sa amin. Hindi ako papaya kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanilang dalawa. Patayin muna nila ako bago nila makuha si Jiban.
“WAAAHHHH! WAAAAHHh! PULIS! PULIS! PULIS!” Muli na namang pagsigaw ni nanay. Papalapit na ang mga pulis sa amin at lalong nagwala si nanay. Hanggang sa kumalas sya sa pagkakayakap namen ni Jiban at pumasok sa kwarto. Hinabol namin sya ni Jiban pero hinablot na ng mga pulis si Jiban. Nagpumiglas sya.
“Sandali yung nanay ko! Sandali lang naman, yung nanay ko walang kasama.”pahagulgol nya nang pananalita. “Nay… Papano yung nanay ko?” muli naming narinig ang sigaw ni nanay sa loob. Muling nagpumiglas si Jiban para puntahan si nanay. Nakawala ito sa pagkakakapit ng mga pulis at tumuloy sya sa kinaroroonan ni nanay. Papasok na rin sana ako ng silid ng bigla na lamang narinig namen ang malakas na putok ng baril. At nakita ko ang paghandusay ni Jiban sa sahig.
“JIBAN!” sigaw ko at tuloy tuloy na umagos ang luha ko. Agad akong lumapit sa nakahandusay na katawan ni Jiban at tsaka ko iyon niyakap ng sobrang higpit. Halik dito, halik doon. Habang sinasambit ko na “Jiban gising! Jiban!” unti unti ay ikinilos nya ang kanyang ulo at tumitig sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko tsaka sya ngumiti at doon na sya binawian ng buhay.
Walang nagsasalita. Walang ni isa mang kumikilos. Walang may alam. Walang nakakaunawa ng nangyari. Bigla na lamang parang sumandaling nagbalik ang katinuan ni nanay Darna.
“Mahal ko ang anak ko. Kaya hindi ako papayag na mahirapan sya sa kamay ng ibang tao. Ang mga bisig ko ang dumuyan sa kanya, kaya anong karapatan nyong kitlin ang buhay ng anak ko?! Walang sinuman ang may karapatan, kahit ako wala rin. Ako ang may kasalanan. Handa akong pagdusahan ang kasalanang nagawa ko sa anak ko. Bilang ina nya, pakakawalan ko sya sa malupit na mundong ito. Malaya na sya. Malaya na sya! MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHAHA.. MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHA” at muli syang nagbalik sa kanyang kawalan.
Pinadala sa mental hospital si nanay Darna, ang gibyerno mismo ang nagmungkahi noon para sa kanya. Si Jiban ay ipinalibing ng pamilya ko, bilang pagpupugay at pagtanaw ng utang na loob sa mga nagawa nya para saken. Si Cap at Jano naman ay ipinarehab at unti unti na tumitino. Wala na akong iba pang naging balita sa kanila. At sa Moriones.
Walang nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin ni nanay Darna sa pagmamahal na ipinakita nya sa kanyang anak. Pero ako, kasing liwanag pa ng sikat ng araw ang pagkaunawa ko sa kadakilaan nya bilang isang ina. Nakakalungkot man ang sinapit nilang mag-anak ay palagi ko namang matatandaan na minsan sa buhay ko ay nakilala ko sila. Marumi, madungis, masama at karumal dumal para sa paningin ng iba. Pero para sa akin, isa itong biyayang galing sa langit. Ang pangyayaring iyon ng aking buhay ang syang nagmulat sa akin sa mas malawak na mundo. At yun din ang sumagot sa lahat ng nakabinbing katanungan sa isipan kong magulo. Ang pagmamahal ng magulang ay hindi mo kayang sukatin. Walang hangganan at kalian may hindi magmamaliw.
Kwarentay dos anyos na ako ngayon. May matatag na hanap buhay. Wala pa ring asawa. Pero masaya akong inaalagaan ang nanay at tatay ko. Na stroke kasi si tatay. Noon hindi ko alam kung kelan ko masusuklian ang pag-aaruga nila saken. Ngayon ay masaya ko nang ginagawa ang isa sa mga pangarap ko. Ang maalagaan sila hanggang sa huling sandali nila dito sa mundo. Ako naman ngayon. Nanamnamin na lang nila ang sarap ng buhay na ibibigay ko sa kanila.
Magbabagong taon na, uuwi si Alden at ang pamilya nya. May dalawa na syang makukulit na chikiting. Paminsan minsan ay naiinggit ako sa kanya pero sa tuwing tatawagin akong papu ng mga pamangkin ko ay nararamdaman ko na rin ang magkaroon ng anak. May balak ako, soon. Basta. Kahit ano pang mangyari, isa lang masasabi ko. Masaya ako, sa lahat ng bagay na ibinigay sa akin ng Poong Maykapal.
Wakas
COMMENTS