$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Cycle of Love

By: Nikko June 20, 2012, 2:41pm, punong puno ng tao ang harapan ng gusaling kinaroonan ko. Lahat malungkot, may mga nagpipigil ng luha pero ...

By: Nikko

June 20, 2012, 2:41pm, punong puno ng tao ang harapan ng gusaling kinaroonan ko. Lahat malungkot, may mga nagpipigil ng luha pero marami ang nagpapalaya.

Pinili kong huwag muna bumaba ng sasakyan. Hindi ko malaman kung paano ako magpapaalam sa kanila. Kagabi ay pinaghandaan ko na ito pero bakit ngayon parang blangko ang laman ng utak ko. Pati mga salitang bibitawan ko ay inisip ko na din pero ngayon ay lutang ang utak ko. Huminga ako ng malalim dahil alam kong kahit anong pigil ang gagawin ko ay tuloy na tuloy na ito. Heto na yun eh. May desisyon ng ginawa, kaya kailangan na lang panindigan.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at agad na bumaba. Tinungo ko ang trunk nito at kinuha ang mga gamit ko. Ang mga kasama ko naman ay bumaba na din at nakatingin lamang sa akin. Hindi ako nakapagpigil. Agad ko silang niyakap dalawa ng mahigpit.

“Mag ingat kayo dito nay at tay. Alagaan niyo sarili niyo. Mamimiss ko kayo. Pangako ko next year uuwi ako”, yan lang ang naibulalas ko. Malayong malayo sa mga salitang aking isiniksik sa utak ko kagabi.

“Ikaw ang mag iingat anak. Kasi naman bakit kailangan mo pang umalis”, ang naluluhang sabi ni nanay. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya itong sinabi.

“Nay, napag usapan na natin ito diba, magtatalo ba ulit tayo?” ang nangingiti kong sabi sa kanya. Si tatay, ayun tahimik, nakatingin lamang sa amin ni nanay. Alam ko nalulungkot din siya pero kilala ko siya, suportado niya ako. Kumalas ako sa yakapan namin ni nanay at binalingan naman si tatay. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
“Ikaw naman tay, huwag masyado magsabong ha”, ang pabiro kong sabi habang yakap yakap padin siya. Bumalik na naman kasi siya sa bisyo niyang pagsasabong. Dekado na ang nakalipas mula ng tinalikuran niya ang sugal na yun. Ang katwiran niya ngayon ay wala naman na daw siyang pinapaaral. Kaya deadma na lang kami.

“Eh papadalhan mo naman ako ng sustento ko pangsabong diba?” ang sagot naman niya. Kumalas ako sa kanya at pinakita ko ang kamao ko sa kanya.

“Eto ang ipapadala ko sayo”, ang sabi ko. Natawa lamang siya at nagkamot ng batok.

“O siya nay tay, pasok na ako, para makauwi na din kayo at mahaba pa ang biyahe niyo. Niyakap ko ulit sila at hinalikan sa pisngi.

“Mag ingat ka dun anak. Magdasal palagi”, si inay, hindi na nakapigil ng luha.

“Opo, tawag ako agad pagdating ko doon”, after ng isang mahigpit na yakapan ay tinungo ko na ang pintuan ng gusaling iyon.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ihakbang ang aking mga paa papasok ng airport. Oo nasa Ninoy Aquino International Airport ako. Patungo sa bayang kahit kailan ay hindi ko pingarap na pintuhan. Sa totoo lang, wala naman talaga sa plano ko ang lumabas ng bansa. Kuntento naman ako sa buhay ko sa Manila. Masaya ako sa natatanggap kong sahod.

Ako nga pala si Nikko. 26 anyos. Bago ako nagdesisyong tanggaping ang trabaho sa ibang lugar ay limang taon na akong nanirahan dito sa Manila. Ako ay mula sa malayong probinsya sa hilagang bahagi ng Luzon. Nagtatrabaho ako sa Makati bilang isang Accountant. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid at nag iisa akong lalaki. Physical feautres ko 5’8, 160lbs, tamang katawan lang, walang abs pero wala din namang beer belly, hindi din maputi, singkit . Hindi din naman ako gwapo at mas lalong malayo sa pagiging pangit.

Patungo ako ngayon sa isang malayong lugar  para magtrabaho bilang isang accountant din. Gaya ng aking sinabi ay hindi naman masama ang tinatanggap ko bilang isang accountant sa Makati pero hindi kasi sa lahat ng panahon ay pera ang magpapatakbo ng buhay mo. Minsan kahit na gaano pa kaginhawa ang buhay mo ay kailangan mo gawin ang isang bagay na ni sa hinagap mo ay gagawin mo dahil yun ang hinihingi ng sitwasyon o sa tingin mo ay hinihingi mo para sa sarili mo.

Tagumpay ko namang natapos ang mga prosesong dapat kong pagdaanan sa loob ng paliparan. Sinuluyapan ko ang bisig ko, 4:38pm, ang sabi sa aking relo. Meron pa akong higit tatlong oras bago ang aking byahe. Nagdesisyon akong maghintay na lamang sa passenger lounge ng airline na sasakyan ko. Dumaan muna ako sa isang stall para bumili ng tubig. Habang ako ay nakaupo sa bandang gilid ng passenger lounge ay hindi ko maiwasang balikan ang mga bagay bagay na nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan. Mas lalong pang naging mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kantang pumapainalanlang sa aking headset.

“Excuse me, ahmmm, may nakaupo ba dito?” ang tanong ng isang lalaki na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

“Wala”, ang tipid kong isinagot na hindi tumitingin sa kanya.

“Ang sungit, nagtatanong lang akala mo naman”, ang pabulong na sabi nito. Ibabalik ko pa lamang sana ang headset sa tainga ko ng sinabi niya ito kaya hindi ito nakaligtas sa akin. Tinapunan ko siya ng isang masamang tingin bago ko isinalpak ang aking headset. Hindi ko na siya pinansin. Base sa nakita ko ay hindi naman ito nagpapahuli sa itsura, di hamak naman na mas gwapo ito sa akin. Hindi ko na muli siyang pinansin o kahit tiningnan kung ano man ang kanyang ginagawa. Nilabas ko na lamang ang aking tablet ng nagsimulang maglaro ng online game.

6:00pm, nagsimula ng magsidatingan ang mga empleyado ng airline. Kaya tinanggal ko na ang aking headset, at inayos ang aking mga gamit. Isang sling bag at backpack lang naman ang aking hand carry. Ipinasok ko na din ang aking cellphone sa aking sling bag pati na ang aking tablet. Pagpatak ng 6:15pm ay nagsimula ng magtawag ang mga crew ng airline.

Unang tinawag ang mga nasa business class. Aba, ang gago tumayo at lumapit na sa counter. Mayaman. Yan ang naisip ko. Napangiti na lamang ako. After pumasok ng mga mayayaman ay kami ang tinawag. Economy section. Since asa bandang dulo ang assigned seat ko ay napabilang ako sa mga naunang pinapasok. After a while ay nagtake off na kami.

“Welcome to Abu Dhabi International Airport”, ang bungad ng overhead speaker pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin. 11:50pm, local time, ng lumapag kami dito. After nito ay kailangan ko ulit maghintay ng higit dalawang oras para sa aking connecting flight sa oras na 2:15am patungo sa aking destinasyon.

Pasado alas-sais na ng umaga, June 21, 2013, ng ako ay makalabas ng airport ng Dammam. Oo, dito ko gugugulin ang susunod na dawalang taon ng aking buhay. Agad kong hinanap ang aking sundo. Hindi naman ako nahirapan sapagkat iilan na lamang sila sa arrival area. Dinala niya ako agad sa hotel na aking pansamantalang tutuluyan para magpahinga at nagsabing babalikan niya ako ng bandang hapon para magreport na sa aking oposina.

“Hello”, ang pupungas kong sagot sa telepono na siyang gumising sa aking malalim na tulog. Nakatulugan ko na pala ang pagko-configure ng aking tablet para makakonek sa wifi ng hotel. Sinulyapan ko ang aking bisig, 9:13am, ang nakadisplay sa aking relo.

“Good morning Nikko, si Randy ito, from mobilization. Pasensya na kung naistorbo ko ang pagpapahinga pero itatanong ko lang sana kung gusto mo ng pumasok ngayon. Kasi bukas ay weekend, so kung hindi ka papasok ngayon at sa linggo mo pa ang first day eh sayang ang 3days mo, walang bayad iyon”, ang mahaba niyang sabi. Sa totoo lang, walang nag-sink in sa utak ko sa mga sinabi niya. Um-oo na lamang ako. Agad akong bumangon sa aking kama at tinungo ang banyo. Agad kong tinungo ang banyo at nagbuhos. Saktong pagbaba ko ng hotel ay andun na ang sundo papuntang opisina.

“Good morning! Sorry again for asking you to report kahit na kararating mo pa lang, anyway, this is for your good naman”, ang bungad sa akin ni Randy habang minumwestra na ako’y maupo sa bakanteng pwesto sa kanyang tabi.

“Ah okay lang, wala din naman akong gagawin maliban na lang sa wala pa talaga akong matinong tulog”, sagot ko naman.

“Sayang kasi ang 3days mo dito kung hindi ka pa papasok ngayon. Isipin mo, weekend bukas, so kung sa linggo ka pa papasok eh tatlong araw ang mawawala sayo”, ang muli nitong paliwanag. Saka ko lang nakuha ang kanyang ibig sabihin. Tama nga naman siya, since hindi pa ako nakakapirma ng contract ko sa company ay hindi pa ako official na empleyedo nito at samakuwid ay hindi pa ako sasahuran. Malaki nga naman ang mawawala sa akin. Nagpasalamat ako sa concern niya at sinimulan na ang briefing sa company. Signing of contract at discussion ng company rules and regulation. Hindi pa niya ako mabrief sa aking magiging trabaho dahil ang immediate supervisor ko ang gagawa daw nun.

Inabot din kami ng isang oras sa phase na yun. After nito ay dinala na niya ako sa department ko. Bali ang itsura ng opisina namin ay parang hotel. Asa ikatlong palapag kami ng isang pahabang building. Kwarto kwarto siya. Yung iba ay salamin ang dingding at yung iba naman ay parang kwarto talaga. Bawat kwarto ay isang department, pero yung iba ay maraming kwarto ang inuukopa. Parang department namin, finance dept. Magkahiwalay na ang accounts payable (accounts) dept at accounts receivable (ICU) eh magkahiwalay pa ang kwarto ng senior sa junior accountants. Bali apat na kwarto ang inuukopa namin. More or less 50 kami lahat lahat sa finance.

Sinimulan akong ipakilala ni Randy sa division manager , tapos dinala na niya ako sa finance. Inuna niya ang accounts. May Egyptian, Indian at syempre kabayan. Kamay dito kamay doon. Pagkatapos sa accounts ay sa ICU naman niya ako dinala. Doon daw ako i-aasign. At doon na din ako pinakilala sa aking magiging bisor. Isa siyang matandang Indian. Bali sa ICU ay higit sampu ang pinoy. Pero sa team namin ay apat kami. Si Earl, Julius at Carl ang magiging teammate ko. Si Earl at Julius ay matagal na din sa company pero si Carl ay halos kasabay ko lang din, nauna lamang siya ng sampung araw sa akin. At swerte ko pa dahil pareho pa kami ng probinsya sa Pinas.

After nito ay dinala naman ako mi Randy sa Office of the Director. Pinoy daw ang secretary nito ayon kay Randy. Pagdating namin sa opisina ng director ay area agad ng secretary ang bubungad. Natatakpan ang mukha niya ng kanyang computer monitor at halatang busy dahil hindi niya namalayan ang aming pagdating. Pinaupo muna ako ni Randy sa sofa.

“Niño, andiyan na bas i Abdullah? May bagong empleyado kasi tayo”, ang pang aagaw ng atensiyon ni Randy sa lalaki na agad namang nag angat ng mukha.

Nagtama ang aming mga mata……..

“IKAW?!” ang sabay naming dalawang nabigkas.

“Dito ka din pala nagtatrabaho?”

“Dito ka magtatrabaho” nagpangsabay ulit naming tanong sa isat isa.

“Teka teka, magkakilala na kayo?” ang singit ni Randy.

“Hindi, nasungitan lang naman niya ako nung nagtanong ako sa kanya sa airport”, ang sabi nitong nakatingin pa din sa akin.

“Nasungitan? Eh kaw nga itong kung ano ano ang sinasabi sa akin”, ang sagot ko naman na hindi rin tinanggal ang paningin sa kanya.

“Hoy Niño, umayos ka nga, kabago ng bago ng tao inaaway mo”, ang saway naman ni Randy. “Anyway, siya si Nikko, sa ICU siya iaassign. Nikko siya naman si Niño, secretary ng Director natin”, ang pormal na pagpapakilala sa amin. At dahil sa aming unang engkwentro ay parang walang gustong mag abot ng kani-kaniyang mga palad biglang pagbati. Umalis kami sa area na yun na nagtatapunan pa din ng masasamang tinginan.

“Alam niyo para kayong baliw. Mabait yang si Niño, nasungitan mo lang siguro talaga kasi. Makakasundo mo din yan”, ang pagsisiguro nama ni Randy. Pagkatapos nun ay sa ICU room na ako naghintay ng susunod na instruction ni Randy.

Buong maghapon lang akong nakaupo. Naawa sa akin ang bisor dahil halata daw na wala pa akong tulog kaya pinayagan niya akong matulog sa vacant table.

Bandang mga 3pm na ng ginising nila ako dahil sasamahan daw ako ng driver sa clinic para magpamedical tapos pwede na daw akong umuwi pagkatapos nito. Ang nakakatuwa sa medical nila ay kukunan ka lamang ng dugo at chest x-ray na walang hubaran ng damit. Gaya ng sabi sa akin ay dumiretso nagpahatid na ako ng hotel pagkatapos ng aking medical.

Pagdating niya sa kwarto niya ay agad lamang siyang nagpalit ng pambahay at nahiga. At ang huling naalala niya ng araw na iyon ay ang pagkonek niya sa wifi ng hotel….

Ano kaya ang naghihintay sa buhay ni Nikko ditto sa Saudi? Dito kaya niya mahahanap ang sagot sa mga katanungan niya? Dito kaya niya matatagpuan ang lunas sa kasalukuyan niyang pinagdaraanan? Tama ba ang naging desisyon niya na lisanin ang maayos na buhay sa Pilipinas kapalit ng walang kasigurahang sitwasyon sa banyagang bayang ito?

Itutuloy….

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Cycle of Love
Cycle of Love
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgkhKNuuJahf7eng7CBfDApKnGFTq0m89PJfNoncb611lMaMvMiZgICGG2qop7ar3Ge1RQAsTZ9u4N1XP2GjSPvw6wZZ-iB3-SASH7Pww8nfXP869f16rhPK-LRo2PvNHjmr3Hqg5foQQgE/s1600/random+7.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgkhKNuuJahf7eng7CBfDApKnGFTq0m89PJfNoncb611lMaMvMiZgICGG2qop7ar3Ge1RQAsTZ9u4N1XP2GjSPvw6wZZ-iB3-SASH7Pww8nfXP869f16rhPK-LRo2PvNHjmr3Hqg5foQQgE/s72-c/random+7.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/03/cycle-of-love.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/03/cycle-of-love.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content