$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Finding Assurance (Part 1)

By: JR “Sabi nila, minsan daw, ang gamot daw sa sawing pag-ibig ay pag-ibig  din.” Alas syete na nang umaga nang biglang nag ring ang alarm ...

By: JR

“Sabi nila, minsan daw, ang gamot daw sa sawing pag-ibig ay pag-ibig  din.”

Alas syete na nang umaga nang biglang nag ring ang alarm clock nya, isinet iyon ni Jacob para masiguradong magigising sya ng maaga at ayaw nyang mahuli sya sa klase nya ngayong araw. Sigruadong lagot nanaman sya sa professor nya kung late nanaman syang dadating. Last warning na ang nakuha nya ng last time na ma late sya sa klase.

Pinindot nya ang alarm para tumigil ito sa pag tunog sabay inat ng katawan nya habang nasa higaan pa sya. Ayaw pa sana nyang tumayo pero alam nyang lagot na talaga sya. Pupungas pungas pa ng kanyang mata ay dumiretso na sya sa banyo para maligo.

Ugali na nyang tingnan ang kanyang sarili sa salamin pagkatapos maligo. Nakatapis sa kanyang pang ibabang katawan ang tuwalya ng humarap sya dito. Hindi naman sa pagmamayabang, alam nyang madaming babae at pusong babae ang nabibighani sa kanyang katawan. Bukod kasi sa alaga nya ang katawan dahil sa lingguhang pag-gygym eh gwapo sya, totoo yun. Kano kasi ang kanyang ama. Nakilala ito ng kanyang ina nung mag trabaho ito bilang nurse sa States.

Sabi ng mga nakakakilala sa kanya, kamukhang kamukha daw nya ng kanyang ama. Lalo na daw ang ilong at mata neto dahil halos parehas lang daw sila, matangos ang ilong at mapungay na mata. Sa ama din nya nakuha ang kanyang taas, 5’11 sya sa edad nyang disinwebe, kagaya nya, matataas din ang kuya nya na si Julian at ang kanilang bunsong babae na si Jessie.

Sabi nila, pag napag gitnaan ka daw ng bunso at panganay, eh ikaw daw ang black sheep sa pamilya. Well, sa case nya, hinde naman sya totally pasaway pero sya ang pinakamatigas ang ulo sa kanilang tatlo.
Pinunasan na nya ang kanyang buhok para mas mabilis itong matuyo at kailangan na nyang magmadali dahil alam nyang matraffic ngayon, lunes pa naman. Sakto na pagkatapos nyang magbihis ay kinatok na sya ni Manang Tarsing para mag breakfast. Pagbaba nya eh naabutan pa nya ang kanya mama pati mga kapatid nya na kumakain na.

“Oh iho, andyan kana pala, halika na’t sumabay kana samin kumain”, yaya ng kanyang ina. “ Hindi na ma, dun nalang ako kakain sa school, mahirap na’t mahuli nanaman ako sa klase neto, yari nanaman ako” sagot nya. Lumapit sya sa ina at humalik sa noo bilang paalam. “ Naku ma, hindi pala nya nasabi sayo na last warning na sya sa kanyang first subject kaya ganyan yan, parati kasing late”, pang-aasar ng kapatid nyang bunso habang nakangisi sa kanya.

“Kaw talaga Jessie, ako nanaman ang nakita mo. Hindi mo ko mabablack mail ngayon dahil meron akong pangontra sayo, haha!”  bawi nya sa kapatid. “ Alam mo ba ma, nakita ko sya mga bandang hapon nung friday kasama yung mga kaklase nya sa mall. Hindi na sya nakauniform at papunta sila ng sinehan, hehe!” ngumisi-ngisi na din sya sa kanyang bunsong kapatid. “

“Hoy, kayong dalawa, tumigil na nga kayo dyan, parehas naman kayong pasaway.” pigil ng kuya nila sa kanila. “ Jacob, pumasok ka na nga, leave your sister alone and ikaw naman Jessie, is that true? What your kuya said?” tanong ng mama nila. Hindi na nya hinintay na sumagot ang kanyang kapatid at lumabas na sya ng bahay pero alam nya numumula sa inis dahil nanaman yun sa kanya. Actually, hindi naman nya parating inaasar ang kapatid nya, spoiled pa nga ito sa kanya. May pagka maldita lang talaga ito minsan pero kahit ganun yun eh mahal na mahal nya ito.

Muntik nanaman syang malate sa klase nya dahil sa lecheng traffic na yan. Buti nalang at nakakita kagad sya ng mapaparkingan pag dating sa school. Pagdating nya sa room, umupo na sya kagad sa isang bakanteng upuan sa likod. Ilang minuto pa ay dumating na ang professor nya at nagsimula na ang klase nila.

Naging maayos naman ang klase nya ng buong araw, medyo toxic na nga lang dahil 3rd yr. college na siya.  Civil Engineering ang kinuha nyang kurso dahil yun ang gusto ng kanyan mama, hindi naman dahil sa gusto ng mama na yun ang kunin nya pero dahil yun din ang pangarap nya. Mahilig syang mag drawing ng bahay noong bata pa sya.

“Jacob! Pre tara laro tayo ng basketball, kasama sila Roland pati Gener.” yaya ng tropa nyang si Arthur. Maaga kasi silang pinauwe sa last subject nila gawa ng halos tapos na nilang aralin ang mga topics para sa midterm. Nag-isip muna sya bago sya sumagot. “ Ahhh, sige pre. San ba tayo lalaro? Dun sa dati? Saka sino kalaban?” May balak kasi syang dumaan muna sa mall para bilhan ng pasalubong na donut yung kapatid nya, alam kasi nya na asar pa din ito sa kanya lalo na’t  nabuko ito sa kanilang mama na gumagala ito ng walang paalam.

“Hindi, dun tayo kina Gener maglalaro, meron daw tayong bagong makakalaban dun.” sagot ni Arthur. “O sige pre, dun nalang tayo magkita. Wala akong dalang gamit eh, uuwe pa ko sa bahay.” sya naman. “ Ok pre, text-text nalang.” Dumaan na din sya sa mall para bilhin ung donut na pasalubong nya sa kanyang kapatid.

Pag-uwe nya, hinanap kagad nya ang kanyang kapatid kay manang, “Manang, nakauwe na ba si Jessie? May pasalubong kasi ako sa kanya.” tanong nya sa matanda. “ Ay iho, andun sa kwarto nya, nagmumukmok. Hindi lumalabas ng kwarto nya, napagalitan kasi kanina ng mama mo nung pag-alis mo. Ayun, grounded siya buong araw.” sagot naman sa kanya. “Hindi daw sya nakasama sa mga kaibigan nya ngayon dahil sayo” dugtong pa neto. “ Ganun ba manang?” Alam nyang hindi lang asar ang kapatid nya sa kanya kungdi galit ito sa kanya. “Tsk,tsk. Sige manang ako ng bahala, pakihanda nalang din yung paborito nyang fruitshake at siguradong yun ang irerequest nya saken. Pakihanda na din po tong donut na dala ko.” utos nya rito. “ O sya, alam ko naman na ikaw lang ang makakapagpabababa dyan sa kapatid mo pag may sumpong” Agad naman tumalima ang matanda at kinuha nya ang donut na dala ni Jacob.

Pag-akyat nya sa kwarto ng kapatid, naka lock ito. Kinatok nya yung pinto pero hindi nito binuksan. Kinatok nya ulet pero this time, nagsalita na sya. “ Bunso, si kuya mo to, open the door please,  meron akong dalang pasalubong sayo. Sorry na kanina, hindi ko naman alam na seseryosohin ni mama ung sinabi ko kanina.” Pakiusap nyang sabi sa kapatid. “ Bahala ka dyan kuya, dahil sayo, grounded ako the whole day. Hindi tuloy ako nakalabas, hindi tuloy ako nakasama kina Chelsie, hmmpp!” litanya ng kanyang kapatid. “ I know, sinabi saken ni manang kanina. Don’t worry tatawagan ko si mama para half day lang ang pagiging grounded mo. Kaya buksan mo na tong pinto. “ assurance nyang sabi sa kapatid.

 Wala pang ilang segundo eh bumukas na ang pinto at nakita nyang nakasimangot pa din ang kanyang kapatid pero alam nyang konti nalang at mapangiti nya ulet ito. “ Don’t worry bunso, akong bahala kay mama, siguradong hindi ka matitiis nun, meron pa nga akong pasalubong sayong donut eh.” alo nya sa kapatid. “ Akala mo naman makukuha mo ko sa donut-donut lang? Hinde no, not without… “ Hindi na nya pinatapos magsalita ng kapatid nya sabay sabing, “ yung paborito mong fruitshake? Alam ko na yun, kaya pinagawa ko na kagad kay manang bago pa ko umakyat.” Pagkasabi nun, eh ngumiti na kagad ang kanyang kapatid at nagliwanag na ulet ang mukha neto.

“Ayan, eh di hindi kana galit saken nyan ah.” dugtong pa nya. “ Not entirely kuya, not until you confirm with mama na lifted na ang pagiging grounded ko and I can go out with my friends until 9 pm tonight!” paninigurado nya sa kanya. “ O?! I remember na ang sabi ko lang kanina that I will talk to mom about sa pagiging grounded mo but not about going home late tonight.”  Mukhang napasubo ata sya sa kapatid at mukhang alam na nya ang mangyayari pag ipinaalam nya sa mama nya ang tungkol sa gusto neto. “ You’re right kuya, but because of you kaya naiwan ako sa lakad naming barkada. This should not happened in the first place kung hindi ka nagsumbong kay mama.” Alam nyang, hindi sya mananalo sa kapatid kaya napabuntong hininga nalang sya rito bilang pagsuko.

Hindi naman sya nabigo na kausapin ang kanyang ina tungkol sa gusto ng kapatid pero meron nga lang isang kondisyon. “ I was able to talk to mom and she said “yes” about what you want for staying out late tonight but…” pambibitin nya sa kapatid na halatang excited na dahil makakahabol pa ito sa lakad nila magkakaibigan. “but?.. “ sabik na tanong neto.  “ Kailangan kitang ihatid at sunduin sa lakad mo today.” Pagkasabi nun eh, nawala ang saya sa mukha nang kapatid nya, pero hindi lang sya ang nainis, dahil sa late na sya sa laro nilang magkakabarkada eh kailangan nya pang sunduin ito para siguradong safe na makakauwe.

Yari sya sa mga barkada nya, meron pa naman silang bagong makakalaro ngayon at wala pa sya.

Itutuloy….

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Finding Assurance (Part 1)
Finding Assurance (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgmTGUWzzyTeQeHW89p_khE8j33-BPGDMYuIWMHEmL3XxWeehr1EQfzhCeP4pV6htNprElEBYo6EcKQoHoiQBQcj9-N3Xy3dRrGX99NCR0bFhO06fsXJsyjr72N07t2Dy6xIIqdwgxElUns/s1600/lloyd.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgmTGUWzzyTeQeHW89p_khE8j33-BPGDMYuIWMHEmL3XxWeehr1EQfzhCeP4pV6htNprElEBYo6EcKQoHoiQBQcj9-N3Xy3dRrGX99NCR0bFhO06fsXJsyjr72N07t2Dy6xIIqdwgxElUns/s72-c/lloyd.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/03/finding-assurance-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/03/finding-assurance-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content