By: Noel Ako nga pala si Noel (hindi totoong pangalan). May katangkaran, maputi, tsinito, at syempre Pogi. Hahaha. Alam ko sa sarili ko na b...
By: Noel
Ako nga pala si Noel (hindi totoong pangalan). May katangkaran, maputi, tsinito, at syempre Pogi. Hahaha. Alam ko sa sarili ko na bakla ako pero feeling ko ay hindi naman halata. Actually, madaming nagkaka-crush sa akin. Maituturing ko na matalino ako. Actually, nasa honor roll pa ako. Mga August ata noon ng nabalitaan kong may papasok na bagong student. Matalino, maputi, at pogi daw. Syempre natuwa ako kasi nalaman kong magiging ka-section ko siya. But in the same time, kinakabahan din ako since may mga narinig ako na suplado daw siya.
Kinabukasan, nagulat ako because pagkapasok ko ng room, nagkakagulo ang lahat. Yun pala dumating na siya. Parang tama nga yung mga narinig ko nasuplado siya. Hindi ko muna siya pinansin.
The day after, pumasok ako ng room. Maaga pa nung mga oras na yun so ang ginawa ko e nag song writing muna. Ganito talaga ako. Mahilig magsulat. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumabi sakin. Nag "hello" siya at tinanong kung ano ang pangalan ko. Sa buong klase, ako palang yung kinakausap niya.
Ako: ahh. Noel :)
Siya: ahh. Ako nga pala si Michael.
Since alam na natin ang name niya, tawagin na natin siyang Michael (hindi niya totoong pangalan)
Michael: Ang galing mo nga pala kahapon sa recitation. Sana maging friends tayo.
Ako: Sana nga...
Pagkatapos non, nag-usap kami about music. Pareho pala kami ng mga ayaw at gusto.
Michael: Ano yang sinusulat mo?
Ako: ahh, ito ba? Nag-sosong writing ako. Ganito talaga ako pag walang ginagawa.
Michael: Talaga? Ang galing mo pala. Sigurado akong magiging friends tayo.
Ako: Hindi pa ba tayo friends? Hahaha
Nagtawanan kami. Nung uwian na, na ba-bye siya sakin. Grabe, kinilig naman ako. Sinabihan pa niya ako ng "Mag iingat ka ha." Grabe kinilig ako to the max. Hindi ko maexplain!
Lumipas ang mga araw at ganon parin ang samahan. Ang kaibahan lang ay bawat araw ay mas nagiging "close" kaming dalawa. Tinatawag niya akong bestfriend. Masasabi ko nadin palang magaling akong kumanta. Tuwing nagkikita kami, palagi niya akong pinapakanta. Napaka bait pala niya. Kahit na galit, hindi parin siya nagtataas ng boses at siya pa ang nag-sosorry. Grabe, feeling ko maiinlove na ako sa kanya pero di ko pinapahalata kasi baka biglang magbago ang paningin niya sakin. Naging mas malalim ang friendship namin. Actually, more than friends na kami. Nararamdaman ko yun. Pero pareho naming hindi ito binibigyan ng malisya. Naghahawakan kami ng kamay. Nagyayakapan kami. Nagaakbayan kami. Nagpapatungan kami ng ulo. Madalas naming gawin ito lalo na kung walang ibang tao. Naging special na ako sa kanya at ganon din sakin. Tuwing napapansin kong may umaaligid sa kanya, tinatapik ko siya at iiwasan na niya yung kausap niya. Concerned na concerned nga siya sakin eh. Binibigyan niya ako ng pagkain tuwing napapansin niyang hindi ako kumakain. Nagsasabihan na din kami ng "I miss you" at "sana nandito ka."
Dumating ang araw ng field trip. Napakasaya ko. Bigla ko nalang siyang naalala at naisip na bakit hindi siya ang tinabihan ko. Sa wakas dumating na kami sa first na pupuntahan. Na bore ako at nag CR muna ako. Pagkatapos kong mag CR ay naisipan kong bumalik nalang sa bus. Nagulat ako dahil sinurprise ako ni Michael. Binigyan niya ako ng burger at sinabihang mag-stay na lang daw ako doon sa bus kasi alam niya daw na maboboring daw ako. Oh my, alam niya talaga ang mga ayaw at gusto ko. Niyakap ko siya at bigla niyang sinabi...
Michael: Mula ngayon, dito na ako uupo. Nagpaalam na ako sa katabi mo at pumayag naman siya.(Sabay akbay saakin)
Ako: Yehey! Namiss talaga kita
Michael: talaga? I miss you too.
Ako: Sana palagi tayong ganito.
Michael: Oo nga eh. Ay, oo nga pala, ito o bracelet. Bumili ako kanina. Tignan mo o, kapareho nang sakin.
Ako: Aww. Thank you! Ang sweet mo naman. Ayoko ng matapos ang moment na to. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na ganito.
Michael: Basta ha, alagaan mo ang sarili mo. Ayokong makita kang hindi nanamang kumain.
Ako: Opo! (Sabay yakap ng mahigpit)
Di nagtagal, nakatulog siya at pinating ang ulo niya sa balikat ko. Pinatong ko din and ulo ko. Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw. Inalis ko agad ang ulo ko. Pero binalik niya ang ulo ko. Emeged, kinikilig na talaga ako. Nung pauwi na kami, nagsimula ang madrama naming vonversation.
Ako: Ano ba to? Sembreak na bukas. Mamimiss na naman kita.
Michael: Hindi, mas mamimiss kita.
(Napaiyak kaming dalawa at nagakbayan)
Ako: Basta ha, palagi tayong magchachat at videocall.
Michael: Oo naman.
Ako: Siguro kung naging babae ako, magiging tayo, no?
Michael: Siguro nga... Yun nga din ang nasa isip ko.
Ako: Kung pwede lang sana...
Michael: Oh! Nandyan na yung sundo mo! Bye! Hwag mo akong kalimutan ha.
Ako: Bye!
(Sabay biglang tulo ng luha ko)
Pagdating ko sa bahay ko, iyak ako ng iyak. Hindi ko mapigilan yung sarili ko sa pagiisip ko sa kanya. Naiisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Naiisip ko kung ano ang mga pwedeng mangyari saamin.
Sa wakas, natapos na ang sembreak. Pagdating ko sa school ay niyakap ko siya kaagad. Napaiyak kaming pareho at nagsabihan ng I miss you.
Ako: Kamusta na?
Michael: Ikaw?
Halos wala kaming masabing pareho. Basta parang tumigil ang oras noon. Speechless kami. May something na hindi namin maexplain. Basta nagtititigan lang kami sa mata at in that way para narin kaming nagkwekwentuhan.
Lumipas ang mga araw at bumalik kami sa normal naming samahan. Pero mas naging madrama na kami. Pinaguusapan nanamin kung anong mangyayari pagkatapos naming gumraduate. Unti-unti na naming inaalala ang lahat ng mga nangyari saamin. Masama man o mabuti. Gumagawa na kami ng mga mas madaming memories.
Sumapit ang February. At may naisip akong paraan para hindi ko siya masyadong mamiss.
Ako: May naisip na ako.
Michael: Ano naman yon?
Ako: Magmula ngayon, dapat maging mas close tayo as in. Super. Dapat maging parang magboyfriend tayo. (Super iyak) Siguro, pagkatapos nito, magsasawa ako sayo. Ganyan naman ako eh. Pag may gusto akong kanta, papakinggan ko lang ng papakinggan hangang hindi ko na magustuhan.
Michael: (Umiiyak na din) Sige. Pero ayokong magsawa ka sakin. Ayokong makalimutan mo ako. Gusto ko kapag gumraduate na tayo ng high school, ako lang ang nag-iisang lalaki sayo. Kaya, umayos ka. Sana makahanap ka ng babaeng para sayo. Kung hindi man, puntahan mo nalang ako.
Ako: Bakit ba naman ngayon pa nangyari to? Sana kasi pagkatapos nalang nating mag-aral to. Bakit ba naman kasi kailangan pa nating magkahiwalay? Napaka unfair ng panahon!
Michael: Basta, hahanap ako ng paraan.
Napuno ng iyakan ang araw na to. Hindi namin mapigilan ang sarili namin. Palagi na kaming nagyayakapan, nagaakbayan, at napapatungan ng ulo. Magmula ngayon, palagi na kaming gumagala, nanonood ng sine, at nagshoshopping. May isa pa ngang instance habang nanonood kami ng sine. Nagpatungan kami ng ulo tapos nagholding hands kami. Hinawakan ko yung private part niya.
Michael: Sige okay lang. Magkakahiwalay na din naman tayo eh.
Ako: Mamimiss kita kaya habang may time pa, sulitin na natin.
Pagkatapos nun, kumain kami. Sinusubuan ko siya.
Michael: Mamimiss ko yung mga bonding nating tulad nito.
Ako: (Pinisil ang pisngi ni Michael) Ang cute mo talaga. Ang pogi mo. Ang bait mo pa. Sigurado akong madaming magkakagusto sayo.
"Kaya nga pati ako, nainlove na sayo" sabi ko sa isip ko. Nagiyakan nanaman kami.
Dumating ang March. Grabe na talaga. Ilang araw nalang graduation na. Magiging college students na kami. Medyo masaya ako at napaka lungkot. Bawat araw yata ay nagiiyakan na kami. Parang wala ng bukas kung magbonding kami. Gabi na kami nakakauwi mula sa paggagala.
Ito na yung araw. Graduation na. Hindi pa ito nagsisimula pero parang umiyak na kami ng isang dagat. Kahit anong gawin namin, naiiyak parin talaga kami.
Ako: Paano ba yan? Ito na yung araw.
Michael: Bakit ba kasi hindi ako nakapasa sa school na gusto ng magulang mo?
Ako: Hwag mong sisihin yung sarili mo. Perfect ka sa imperfection mo.
Michael: Halika nga dito.
Niyakap niya ako ng mahigpit at nagiyakan nanaman kami. Biglang tinawag na kami at magsisimula na daw ang ceremony.
Ayun, sa bawat segundong lumilipas, may luhang tumutulo sa mata namin. Ayaw namin pero kailangan. Wala manlang kaming magawa. Natapos na ang ceremony at nilapitan ko siya
Ako: uyy. Congrats! Magcocollege ka na. Maiiwan mo na ako. Makakahanap ka na ng iba mong kaibigan na mas mabait sa akin. Makakarating kana sa mga pangarap mo. ( iyak na para bang batang inagawan ng laruan)
Michael: Congrats din! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayong mawawala ka na. (Umiyak na din)
Ako: Akala ko kasi nung una, makakalimutan din kita. Pero parang nagkamali ako. Mas lalo kitang minahal. Oo, hindi ka nagkamali. Mahal kita. O, ano magbabago ang paningin mo sakin?
Michael: Hindi. Kung alam mo lang. Mahal din kita. Mahal na mahal. Sana nga nagkaroon pa tayo ng mas mahabang panahon. Pero ano ba namang magagawa natin?
Ako: Wala. Kaya nga ako nalulungkot eh.
Michael: Hwag mo akong kakalimutan ha.
Ako: Sa tingin mo ba may balak akong kalimutan kita?
Michael: Basta ha kahit hindi ako ang maging una at huli mong lalaki. Sana ako parin ang nasa isip mo palagi.
Ako: Yan ka nanaman eh. Mas lalo kitang mamimiss.
Hindi na namin namalayan na kusa na palang tumutulo ang mga luha sa mata namin. Nagyakapan kami ng matagal at pinagdikit namin ang aming mga noo.
Michael: Bye!
Ako: Bye!
Michael: Bye mahal!
Ako: Bye mahal!
Michael: Bye, mahal na mahal kita!
Ako: Bye, mas mahal kita!
Michael: Bye, ikaw ang pinakamahal ko.
Grabe kinilig naman ako dun. Feeling ko, mahihimatay na ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Para bang sinaksak ang puso ko. Yung mata ko, parang hindi maubusan ng luha. Pinagdikit ulit namin ang mga noo namin at nagyakapan ng napakahigpit.
Michael: B-b-bye...
Ako: bye...
Dumating na ang mga magulang ko at dinala na ako sa aming kotse pauwi. Habang naglalakad, nag faflying kiss kami hanggang hindi kna nami makita ang isa't isa. Hanggang ngayon, hindi parin kami nagkikita.
COMMENTS