$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Torchwood Files (Part 5)

By: Torchwood Agent No. 474 Note: I’m very sorry po for the delayed update sa story ko. Hell week mode kaming mga students sa school for the...

By: Torchwood Agent No. 474

Note: I’m very sorry po for the delayed update sa story ko. Hell week mode kaming mga students sa school for the last 2 weeks, and ngayun exam week namin. Singit-singit lang ang nagagawa kong pagsulat dito sa part 5 ng kwento ko. Still, I managed to finish part 5. Sana po magustuhan ninyo.
          I am still puzzed sa puting papel na hawak ko. I asked myself, “Anu ‘to? Anung Torchwood Institute?”. Nawala libog at frustration ko, my attention is fully directed to the paper I am holding. Lumakad ako at umupo sa kama para mag-isip.
     “Hmmm... parang ganito ‘yung sa mga movie ah. Clue siguro to.” I said to myself, “But what does it mean?”.
          Napako ang tingin ko sa papel, nag-iisp. Kinuha ko ang laptop ko para mag-connect sa internet para ma-research ko kung ano ang ‘Torchwood Institute’.
15 MINUTES LATER:
          Walang Torchwood Institute na lumabas. Nakaka-badtrip. Dahil sa Torchwood na ‘to ay naputol ang kaligayahan namin ni Samuel, ngunit wala naman palang Torchwood – non-existant baga. Agad kong tinapon sa basurahan ang papel at nag-Facebook na lang ng sa ganoon ay mabawasan naman ang double frustration ko sa araw na ‘to.
          Dumaan ang about 30 minutes at nakalimutan ko na ang tungkol sa papel at sa Torchwood. Nasa kalagitnaan ako ng pagskro-scroll down sa news feed ko nang biglang nag-PM si Samuel, sabay n’un ay naka-recieve ako ng isang notification.
PLUNK!
          Nagsibalikan ang mga frustrations sa araw ko. Kumunot ang noo ko bigla at napakamot ng ulo. Huminga ako ng malalim.
     “Kung kelan ok na ‘ko saka naman sumulpot ‘tong batang ‘to.”
Nagdalawang isip ako sandali kung kakausapin ko ba si Samuel o hindi, pero tiningnan ko pa rin ang PM niya.
SAMUEL:
     “kuya?”
     “kuya sorry po..”
ME:
     “ok lang..”. Sinulat ko ‘to para matapos na ang mga kabwisitan sa araw ko, and para manahimik na rin si Samuel.
SAMUEL:
     “kuya di ko nman po akalaing pupunta si kuya bry eh.. kuya sorry po..”
          Hindi muna ako nag-reply sa PM niya, what I did is that tiningnan ko ang bago kong notification; galing ‘to sa teacher namin sa Geometry. Nag-post siya ng mga assignments sa Geometry FB class group namin. Pumunta ako sa class group at tiningnan muna ang mga pi-nost niyang assignments, isa na rito ay Plotting of Points sa X-Y Plane.
     “Husss... dali naman nito...”. I said to myself, then biglang TING! May idea na pumasok sa isip ko, GETS KO NA! Agad kong kinuha ang papel na katatapon ko lang sa basurahan at nag-Google.
          Na-realize ko na di lang pala basta-basta numbers ang mga nakasulat d’un sa papel. If I am not mistaken, kung ibabase sa mga pelikula, ang mga numerong nakasulat ay mga coordinates! Coordinates sa location ng isang lugar! Umabot sa tenga ang ngiti ko sa tuwa. Agad ‘kong sinulat ang “8.47698280 , 124.64527109999995 coordinates” sa seach bar.
          Voila! Wala pang 5 minutes ay nahanap ko na ang dapat kong hanapin. Coordinates nga siya! Coordinates ng Divisoria Arcade! BOOM! ANG GALING KO! Pero napatigil ako bigla, dahil ilang beses na akong dumaan sa Divisoria Arcade, wala akong ‘Torchwood Institute’ na nakita but okay lang. Bukas ko na lang hahanapin kung ano at saan ang Torchwood Institute nakalagay. Amaze na amaze ako sa mga nangyayari nang biglang nag-PM ulit si Samuel.
PLUNK!
SAMUEL:
     “kuya? galit kpo? kuya sorry npo pls... wag ka npo magalit”
ME:
     “bunso.. dont worry ok lng sa akin.. ok lng tlga”
SAMUEL:
     “kuya, bawi po ako.. bsta sorry npo.. wag ka npo magalit.. please?”
ME:
     “bunso... samuel, like i said.. ok lang wag kna mag-sorry...”. Habang sinusulat ko ‘to ay preoccupide na preoccupide ako sa discovery ko regarding Torchwood. “hahaha bawi ka? Hehe sge”. Dugtong ko pa sabay lagay ng smiley.
SAMUEL:
     “bawi po tlga ako! Hehehe promise ko po ‘yan kuya!”
          Smiley lang ang reply ko at ganun din ang huling sinagot niya. Patuloy ako sa page-FB. Wala ng libog sa katawan, napuno ng pagkamangha dahil sa discovery ko.
KINABUKASAN, MGA 1 PM SA HAPON:
          Bumaba ako sa jeep, malapit sa Divisoria Arcade, hawak-hawak ang papel na may coordinates at pumasok sa Divisoria Arcade. Pagpasok ko pa lang ay may na-recieve akong text mula kay Samuel. “Kuya?”, ang nakasulat sa text niya. I’ve decided na mamaya ko na siya sasagutin ‘yun at hahanapin ko muna ang hinahanap kong lugar. I think, isang secret base ang Torchwood Institute.
          Gaya ng dati, puno pa rin ng mga stalls at mga shops ang Divisoria Arcade. Busy ang mga tao sa pagbebenta at maraming namimili at kumakain sa ilang mga stalls, while ang ilang tao naman ay nasa loob ng ilang mga computer shops na nasa lugar; nagliliparan ang mga mura at trashtalks nila. Ang Divisoria Arcade ay isang maliit na alley sa pagitan ng dalawang building sa Divisoria. Naglakad-lakad ako, naglibot-libot, hinahanap ang Torchwood Institute. Makaraan ang 15 minuto, wala akong nakita. Sinubukan kong akyatin ang mga buildings sa lugar ngunit wala rin akong nakita, and nakakapagod at mejo nakakahiya kung aakyat pa ako. Tiningnan ko ang cellphone ko  at 5 more messages ang na-text na ni Samuel at isang missed call mula sa kanya.
          Wala pa rin akong pakialam. I focused more sa aim ko, ang makita ang Torchwood. Hinanap ko ulit ang Torchwood, nilibot ang buong Divisoria Arcade pero wala. Magtu-2 PM na. I attempted to ask some of the people in the area, however, I realized na baka di rin nila ako matulungan. I analyzed the paper I am holding. Hindi obvious na nakasulat ang exact location ng Torchwood, meaning, baka isa nga itong top secret na lugar? Tago? And kung tago ang lugar na hinahanap ko, marahil ay di ito alam ng mga tao sa paligid ng Divisoria Arcade at di nila dapat malaman kung saan ito matatagpuan. Nasa gitna ako ng Divisoria Arcade nung mga panahong ‘yun, nag-iisip despite sa ingay ng mga tao. Habang nakatayo ako sa lugar kung saan ako na’roon noong mga oras na ‘yun ay nase-sense kong mas dumoble na ang mga texts at missed calls ni Samuel sa cellphone ko dahil nasa bulsa ko lang ito at nagva-vibrate, pero wala akong pake. May mas importante akong ginagawa sa mga oras na ‘yun.
          Napayuko ulit ako sa papel, but this time mas napansin ko ang pattern at ang materyales na ginamit sa mga daanan ng Divisoria Arcade. Mga hexagon-shaped bricks ito. Tiningnan ko ang papel at na-notice ko na ang logo ng Torchwood Institute ay hexagon na may capital letter T na Times New Roman font ang nakasulat sa gitna.
          “Hexagon.... Maybe ang symbol o representation lang ng Torchwood ang kailangan ko.”. I said to myself.
          Tiningnan ko ang paligid, kung meron bang spot na nakasulat ang logo ng Torchwood Institute. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa baba, at tingin kung saan-saan. Wala akong makita. I am slowly getting pissed off. Mahirap kaya maghanap tapos wala lang pala! Napakamot ako ng ulo at nakayukong lumakad papaalis sa kinatatayuan ko. Pagkaalis ko sa kaliwang paa ko sa spot kung asan ako nakatayo, andoon ang logo ng Torchwood Institute!
     “Hala! Fuck Yeah!”. Sabi ko sa sarili ko na abot-tenga ulit ang ngiti! Ngayun, ang dapat ko na lang isipin ay kung paano ako makakapunta sa Torchwood gamit ang logo na ‘yun. I sensed na malapit na ako sa hinahanap ko, konting moves na lang!
          Nag-isip ulit ako. Sa TV, ano bang ang usually ang mga ginagawa ng mga bida para makapasok sa secret base nila? I asked myself. The usual ways na napansin ko are (1) scanning the logo of the base using a door code sensor, (2) sinasabi ang password malapit sa logo, and (3) pinipindot o tinatapakan ang logo which served as a bottom para bumukas ang pinto.
          Natapakan ko na ang logo pero walang effect, kaya sinubukan kong sabihin ang mga salitang ‘Torchwood’ at ‘Torchwood Institute’ pero baka di marinig gawa ng ingay ng mga tao at baka may makarinig sa akin, kaya what I did is that pasimple kong nilapat ang hawak kong papel sa Torchwood logo na walang nakakapansin. Walang nangyari... then biglang napalibutan ako ng blue na liwanag at biglang...
BRZHOOM!
          Nagbago ang paligid ko! Wala na ako sa Divisoria Arcade kundi sa isang lugar na hindi ako pamilyar, nasa loob ako ng isang malaking bahay!
          Hindi ako makapaliwanag sa nangyari sa akin. Kanina lang nasa Divisoria Arcade ako at ngayon nasa isang bahay na. Malaki ang bahay, parang sa mansyon. Tumingin-tingin ako sa paligid kaya pumunta ako sa may bintana, at nang tiningnan ko ito, it seems like nasa tuktok ng isang bundok ang bahay na kinalalagyan ko. I’ve decided na tumakas kaya binuksan ko ang pinto, ngunit ayaw nitong bumukas.
          Palaki na ng palaki ang takot at kaba sa dibdib ko, ayaw bumukas ng pinto. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin, basta ang alam ko lang ay mas mabuting makaalis na kaagad ako sa bahay na kinalalagyan ko. I have a feeling na maari kong ikamatay kung magtatagal pa ako sa loob ng bahay na ‘to. Nagsisisigaw ako ng tulong habang pilit na sinisira at binubuksan ang pinto.
     “’TANG INA! TULONG! PALABASIN N’YO KO RITO!”. Mangiyak-ngiyak kong sigaw habang binubuksan ang pinto.
          Nakita ko ang mga bintana, kinuha ko ang isang silya malapit sa akin at sinubukan ko itong basagin, ngunit ‘tang ina lang, hindi nasisira ang bintana! Matibay! Lumipat ako sa ibang bintana, at sa iba pa, ngunit hindi sila nasisira. Gusto nang lumabas ng kaluluwa at puso ko sa dibdib ko. Mas marami ng mga luha ang tumutulo sa mata ko at desperadong desperado na akong makatakas. Bigla kong naalala ang cellphone ko, kinuha ko ‘yun at nagbabakasakaling makatawag ako ng tulong. Kinuha ko ang cellphone ko ngunit pagtingin ko, walang signal!
          Tuluyan nang nawala ang pag-asa ko. Napaupo ako sa isang silya at umiyak, nang biglang may isang boses ng lalaki na nagsalita na siyang kinagulat at pinagtakhan ko.
     “Hello? Hello? Sorry ah! Mejo na-late kami ng pag-inform sa ‘yo.”
          Sinubukan kong humingi ng tulong ulit at kumausap sa boses pero parang wala siyang pakialam, until nagsalita siya ulit.
     “Kahit anong isigaw mo wala kaming pakialam! May audio-signal nulling field ang bahay na kinalalagyan mo. Walang makakarinig sa ‘yo at di ka makakatawag sa phone mo. Pati kami hindi rin naririnig ang mga pinagsasasabi mo. ‘Wag mo na ring sirain ang mga pinto at bintana dahil may force field sila that keeps them from breaking up. Pagsubok ito. Dito mo malalaman kung mabubuhay ka o hindi.”
          Tumayo ang mga balahibo ko at nanginig ako sa takot sa sinabi niya, but still, nakinig pa rin ako sa boses dahil baka may makuha akong clue.
     “This is Torchwood Institute. Samuel, we are recruiting you to be a part of our organization, but first, dapat mo ma-survive ang pagsubok na ‘to.”
          I was puzzled dahil tinawag niya akong ‘Samuel’. Naalala ko na supposed to be, si Samuel nga pala ang dapat na makatanggap ng puting papel na hawak ko. Akala siguro ng boses ako si Samuel. I asked myself: ‘Hindi kaya may kinalaman si Bryan dito?’ Kumulo ang dugo ko. I need him to answer my questions. Lagot sa akin ‘yun dahil pinahamak niya ako!
     “Samuel, we’ll be releasing a genetically engineered monster. You must find a way to kill it before it kills you. This is a test of intelligence and bravery. This will be your proof that you are a worthy part of Torchwood. Goodluck, Samuel.”
          Putang ina ‘to! Mukhang mamamatay nga ako! Bakit may monster pa e pwede namang simpleng tests at exams na lang ang kunin ko. I was caught off guard. I don’t know what to do. Sa gilid ng paningin ko, may nakita akong gumalaw kaya’t napatingin ako dito. Napanganga ako sa nakita ko – isang lalaking mukhang nasa kanyang 30’s, payat, at kulay puti ang balat. Ang mas nakakatakot pa ay mayroon siyang pangil at nakangiti siya sa akin! Wala siyang damit at wala rin masyadong detalye ang katawan niya, walang features o kung ano man. Fuck shit... mukhang kakainin ata ako nito!
          Napako ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ang halimaw sa akin, nang bigla siyang lumundag papunta sa akin! Agad akong kumaripas ng takbo para matakasan siya. Tumakbo ako papalabas ng sala ng bahay at tumungo sa kusina habang sinusundan naman ako ng halimaw. ‘Dapat mabuhay ako!’ Sabi ko sa sarili ko habang tumatakas sa kalaban.
          Pumunta ako sa dulo ng dining table at dahil na rin siguro sa takot ay nabuhat ko ang upuan na pinakamalapit sa akin at tinapon ko ito sa halimaw! BANG! Tinamaan siya! Napahiyaw ako sa tuwa dahil nasaktan ko siya. Sa lakas ng pagkakatama ko sa halimaw ay natanggal ang isang parte ng balat niya; it seems like gawa ito sa isang mahinang klaseng bato. Kumuha ulit ako ng silya para itapon sa kanya, ngunit bago pa man mangyari ito’y biglang tinubuan ulit ng bagong balat ang kalaban ko!
     ‘Oh you’ve got to be kidding me.’
          Lumundag ang lalaking halimaw sa harapan ko kaya’t ginamit kong sandata ang upuang hawak ko. Hinahampas-hampas ko siya ng sila ngunit mukhang hindi siya masyadong nasasaktan. Hinampas ko ng silya ang ulo niya at simugaw ito ng napakalakas. Hinampas ko pa ulit siya hanggang sa nasira ang upuan at nawalan ng malay ang kalaban ko.
          Bumulagta siya sa sahig habang hawak ko pa rin ang silya, nanginginig sa takot. Nagkalat ang mga natuklap at sira niyang balat sa sahig. Dahan-dahan kong nilagay ang silya sa gilid ko at unti-unting nag-bend over para hawakan ang halimaw; dapat siguradong patay na ito.
          Hinawakan ko ang balat niya, mejo smooth. Ninenerbyos ako, baka bigla siyang bumangon at yariin ulit ako; ang lakas ng kabog ng dibdib ko! I analyzed the skin, mukha siyang pinaghalong egg shell, sea shell, at bato. I was curious. ‘Bakit ganito kaya dating ng shell na ‘to? Anu meron?’ Kumuha ako ng isang natuklap na balat niya sa sahig at sunuri ito. Napaisip agad ako, ano bang common sa shell ng itlog, sea shells, at bato?
     ‘Hmmm...’. Inalala ko lahat ng natutunan ko sa chemistry namin at sa Discovery Channel. ‘Yung feeling na di mo nakikita ang obvious na nasa harapan mo, ‘yung pakiramdam na ang sagot nasa dulo lang ng dila mo, pero di mo alam kung ano. Napakamot ako ng ulo.
          Habang busy ako sa pag-analyze ng balat niya, saka ko naman naalala na may kakayahan pa lang mag-self-heal ang halimaw na nasa harapan ko. Before I knew it, nagkaroon ulit siya ng malay at hinawakan ako sa braso! Nagpumiglas ako ngunit di ko kinaya, sinipa ko siya ngunit wala pa rin! Hinawakan niya ako sa may kwelyo ng damit ko at inangat niya ako, sabay biglang binalibag niya ako sa isang aparador sa kusina!
BANG! ANG SAKIT!
          Muntik na ako bumagsak sa sahig, buti na lang naka-balance pa ako. Nasira ang aparador, nahulog ang mga gamit sa loob nito. Kinuha ko ang mga gamit na nahulog sa paligid ko at pinagtatapon sa halimaw. Wala akong pakialam kung mabuhay ako na bali ang isang parte ng katawan ko basta’t buhay lang ako, okay na!
          Nakahawak ako ng isang bote ng suka. Napatingin ako rito at biglang nag-flash ang idea sa isip ko! NAAALALA KO NA ANG SAGOT! Napanood ko sa Discovery Channel ang isang experiment kung saan ang itlog ay binabad sa suka, after a few hours ay lumambot ito! Naalala ko pa dati sa isang documentation na si Hannibal, isang historical figure, gumamit ng suka para tunawin ang mga bato na nakaharang sa daan niya para masakop ang Rome habang dumadaan sa Alps noong unang panahon!
          GETS KO NA! SUKA! TAMA! Nagkaroon ako ng pag-asa! Vinegar is a form of acid, an acid that can destroy Calcium Carbonate na siyang main composition ng sea shell, egg shell, at bato! Alam ko na paano papatayin ang kalaban! SUKA! Lumaki ang ngisi sa bunganga ko at binuksan ang bote. Lumapit sa akin ang halimaw, akmang aatake ulit nang sinabuyan ko siya ng suka sa mukha. Naglabas ulit siya ng isang masakit na sigaw. Inubos ko ang laman ng bote sa halimaw para sure na matunaw ito. Umalingawngaw ang amoy ng suka ngunit tiniis ko ito.
          Pag minamalas ka nga naman! Hindi tuluyang natunaw ang kalaban, nakakatayo pa ito kahit may ilang parte na ng katawan niya ang natunaw! ‘I need a more powerful acid...’ Sabi ko sa sarili ko. Habang di na gaanong malakas ang halimaw ay tumakas na ako sa kusina, papunta sa banyo. I’m sure na doon ko lang makikita ang hinahanap ko – muriatic acid.
          Takbo rito, takbo roon. Di ko makita ang banyo! Dapat makita ko ito before ako mayari ng kalaban ko. Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay, at timing naman ang ang unang pinto na nabuksan ko ay ang banyo! Dali-dali akong pumasok para hanapin ang muriatic acid at VOILA! Nasa kamay ko na siya!
          Hawak-hawak ang muriatic acid sa kamay ko’y binuksan ko ito at tinago sa likuran ko, pumwesto ako sa may hagdanan; sakto namang nakita ako ng halimaw! Tumakbo siya papaakyat ng hagdanan, at nang malapit na siya ay agad kong sinaboy ang muriatic acid sa mukha niya! I made it sure na makainom siya ng muriatic acid kaya tinarget ko ang bibig niya. Sumigaw ulit siya ng malakas at nadulas sa hagdan! Nahulog siya at nagpagulong-gulong pababa. Putol-putol na siya nang makarating siya sa sahig. Bumaba ako at binuhusan ang ilan pang parte ng katawan niya dahil baka mabuhay pa ulit ito kung hindi ko bubuhusan.
          ‘That was a relief.’ I said to myself. Nakahinga ako ng maluwag at kumalma ulit ang pakiramdam ko. Makaraan ang ilang sandali, tunaw na ang halimaw. Bumalik ako sa banyo para itabi ang muriatic acid at maghugas ng kamay. After a minute, nagsalita ulit ang boses.
“VERY GOOD! YOU’RE BRILLIANT!”
          I snapped. Kumulo bigla ang dugo ko!
     “MGA PUTANG INA NINYO! MUNTIK NA AKONG MAMATAY! LAGOT KAYO SA –”
     ‘Alright we understand na galit ka, kaya we need to explain. We’ll teleport you to the base.’
BRZHOOM!
          Napalibutan ulit ako ng blue na liwanag at nawala ako sa bahay. Tumingin ako sa paligid; biglang nagbago ang paligid ko! It looks like nasa isang office ako na may halong laboratory ang design. Naka-aircon ang room at puno ito ng kung anu-anong mga gadgets at weird equipments. I was shocked dahil ibang lugar na naman ang kinatatayuan ko.
          Sa harapan ko, may 5 taong nakatingin sa akin – 2 girls and 3 boys, may mga earpods ang tenga nila. I was puzzled and curious. I demand answers. Lumapit ang isa sa kanila sa akin.
     “I’m Marcus, ako ‘yung nagsasalita kanina, you’re in Torchwood 26 –”
          Bago pa man siya matapos sa pagsasalita ay nadala na ako sa galit ko kaya’t sinunggaban ko siya agad, hinawakan ang damit niya at pasigaw na kinausap.
     “HOW DARE YOU ENDANGERED ME LIKE THAT!?!”. Lumingon ako sa iba. “I could have died! Sino ba kayo!? Ano ibig sabihin nito?”
          Agad na inawat ako ng ibang kasama ng lalaki at pinaupo sa silya malapit sa kinatatayuan ko. After a few moment, napakalma nila ako ngunit kumukulo pa rin ang dugo ko. Napaupo na lang ako sa upuan at pinakinggan sila. They introduced themselves – Hannah, James, Marcus, Nello, and Luna. Nagsalita ulit ang lalaki.
     “Like what I’ve said, we’re sorry sa ginawa namin sa ‘yo, Samuel –”
     “Samuel!? I’m not Samuel!”. I explained to them. “Akala n’yo lang si Samuel ako but I’m not.”. After saying those things, shocked silang lahat. Agad hinawakan ni Hannah ang earpod na nasa tenga niya at tumawag kay Bryan, which is nakalimutan ko na; siya pala ang dapat sumagot sa lahat ng ito dahil sa kanya ito nagsimula lahat. I stayed silent. I’m saving my energy for Bryan.
          After a few moment, dumating na nga si Bryan, kasama ang dalawa pang babae, which is according kay Luna ay sina Arlene at Sheila; she introduced them to me but I did not bother.
          Bryan was shocked to see me. Akala niya ay si Samuel ang makakaharap niya ngunit ibang tao pala. Si Nello na kanina pa puzzled why hindi si Samuel ang kasama nila ay tinanong si Bryan kung bakit nagkamali siya. Hindi makasagot si Bryan. Napakamot siya ng ulo.
     “Infairness, kahit hindi siya si Samuel, he was witty! He found a way to survive the test.” James commended me and he added that I was clever enough to find the clues and ways on how to find the Torchwood base, but I only looked at him with disgust. Mukhang nahiya si James.
     “Who are you?”. Sheila asked. “Kung hindi ka si Samuel, paano mo nalaman ang tungkol sa Torchwood Institute?”. She added.
     “And, bakit sa ‘yo napunta ‘yung Torchwood Card?” Arlene added in curiosity. “And Bryan said to us na nilagay niya ‘yun sa bag ni Samuel sa loob ng bahay nila sa kwarto ng pinsan niya. As far as he knows, walang tao d’un. Paano ka nakapasok sa bahay nila Samuel?”. Tanong niya ulit.
          I was caught off guard. Dapat makahanap ako ng lusot dahil baka kung anong gawin sa akin. Hindi ko naman dapat ipagsabi na supposed to be magse-sex kami Samuel at nagtago lang ako sa ilalim ng kama para di ako makita ni Bryan. I need to think of something, then buti na lang may naisip akong palusot; sana gumana.
     “Ummm... kaibigan ko si Samuel. And... he asked na kung pwede ba raw e magtutor ako sa kanya sa sa lessons niya sa school... at nung wala siya sa room, I’ve decided to play a prank on him kaya nagtago ako sa ilalim ng kama para gulatin siya.”. Mautal-utal kong sabi. “Pumasok si Bryan sa room at nilagay ‘yung papel sa bag ko... akala siguro niya bag ni Samuel ‘yun, at lumabas na siya”.
     “Teka, how did you know my name?”
     “Samuel told a few things about you to me, pinakitaan pa nga niya ako ng picture mo the moment na pumunta ka sa bahay na ‘yun... akala ko madali ka lang, dadaan ka lang, ‘yun pala magtatagal ka, kaya pinauwi na lang ako ni Samuel.”. I added a few lies para kahit paano’y makalusot pa ako.
     “O ba’t di niya na lang pinakilala ka sa akin? E hindi naman ako magagalit kung andun ka eh.”
     “Maybe dahil baka sasabihin niyang pag may lalaki sa kwarto niya, baka isipin mo may ginagawa kami? Kaya nag-secret na lang siya?”. I know na mejo pangit ang sagot ko, pero sana makalusot!
          Mukhang di naniniwala si Bryan, kaya’t kumuha siya ng isang basong tubig at sinabihang uminom ako nito. Umalma ang mga kasama niya ngunit he insisted, so walang nagawa sina Nello at Marcus kundi ang hawakan ako para di ako makagalaw at mainom ko ang tubig, which is naubos ko after ng ilang sandali.
     “May halong pampalimot ang tubig na ininom mo. Special Torchwood technology. After a few moments, manghihina ka at ang lahat ng pinagdaanan mo sa araw na ‘to na may kinalaman sa Torchwood ay makakalimutan mo.”
     “Bry, ambilis naman ata...?”. Sheila asked. “And matalino siya as our colleagues have said, so baka pwede rin siyang maging Torchwood member; he survived the tests!”. She added.
     “We’ve heard enough, he must forget, for the safety and secrecy of our organization.”. He replied. “We’ll just choose another one. We’ll send him home.”. Dagdag pa niya sabay kapkap sa bulsa ko at kinuha niya ang Torchwood Card. Nagpumiglas ako ngunit nagsimula nang manghina ang katawan ko; nagdidilim na rin ang paningin ko.
          Nagreklamo ako. Napaka-unfair ng ginagawa ng mga taong kausap ko. This is too much. Ngunit bago pa man ako matapos sa pagrereklamo ay napalibutan ulit ako ng blue na liwanag at nag-iba na naman ang paligid ko! Nakabalik na ako sa Divisoria Arcade.
          Ang bilis kong manghina. Kinuha ko ang cellphone ko, hoping na masulat ko mang lang ang mga natitirang alaala ko tungkol sa Torchwood. Nanginginig na ang mga kamay ko at bago pa ako maka-type ay may nakabangga sa aking isang tao kaya nahulog ang cellphone ko. Bumagsak ito sa lupa; kasabay noo’y ang pagdilim ng paningin ko. Naging blangko ang lahat.
     “Ay kuya! Sorry po.”. Sabi ng babae sabay pulot sa cellphone ko at binigay sa akin. Napangiti lang ako, ngiting pilit dahil masakit ang ulo ko. Umalis agad ang babae.
          Napatingin ako sa cellphone ko, naka-20 texts at 15 missed calls na pala si Samuel! Nagulat ako sa dami ng texts niya. Di ko man lang siya nasagot, mejo nahiya ako sa kanya.  Napalingon ako sa paligid at nagtaka. Nasa Divisoria Arcade ako. I asked myself kung ano ginagawa ko d’un. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 10 PM na pala! Kailangan kong makauwi!
          Wala na akong inintindi pa kundi ang makauwi kaya’t sumakay na ako ng jeep. Wala na rin pala akong load kaya’t di ko mate-text si Samuel. Kakakusapin ko na lang siya bukas.
          Habang nakasakay ako ng jeep ay may ilaw na dumaan sa bandang itaas ng paningin ko kaya napatingala ako. May bulalakaw na dumaan sa langit at kita namin ito kasama ang mga kapwa ko pasahero na nakatingala na rin! We were amazed! Sa tingin namin, mukhang babagsak na ito...
SAMANTALA, SA TORCHWOOD 26:
          Nasa conference room ang mga members ng Torchwood 26, kinakausap si Bryan.
     “Sayang pre, he could be a good asset sa Torchwood pero bakit mo siya pinakawalan?” Nello asked. Tiningnan lang siya ni Bryan.
          Bago pa man may magsalita ay tumunog ang Aerial Extraterrestrial Scanner (AES), mukha itong isang PC na malaking-malaki ang monitor. Lumapit si Sheila sa monitor nito at binasa ang mga readings.
     “Guys, a meteor has crashed! Sa Malasag forest... get ready ‘coz we’re moving!”. Utos niya, at naging alerto agad ang mga Torchwood members para puntahan ang area.

Itutuloy

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Torchwood Files (Part 5)
Torchwood Files (Part 5)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s1600/gui1256.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s72-c/gui1256.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/03/torchwood-files-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/03/torchwood-files-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content