$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Beautiful Disaster (Part 3)

By: Prince Zaire 9:30 na nung makarating kami sa Club, maraming nasa entrance. Buti nalang kasama namin si Matt – yung girlfriend ni Kai, co...

By: Prince Zaire

9:30 na nung makarating kami sa Club, maraming nasa entrance. Buti nalang kasama namin si Matt – yung girlfriend ni Kai, connections you know kaya nakapasok kami agad. Pero before I entered may pumukaw ng atensyon ko sa labas. Isang lalaking may katangkaran, nakaupo sa hood ng kanyang sasakyan. Nagyoyosi, nakaleather jacket, and he was looking towards me. Kahawig niya si Tom Daley, yung Olympic Diver. Pero mas matangkad at manly lang yung dating niya. Naloko na, ang gwapo, kung totoo man yang Cupid’s arrow – natamaan na ako that moment. Yung goal ko kanina ay magpakasaya, uminom ng marami at magwala sa dance floor. Pero nung makita ko yung hot guy, nag-iba yung timpla ko. Parang na-hypnotized naman ako sa look niya, konti lang yung ininom ko, cocktails lang. Di rin ako sumama kina Kai sa pagsayaw, nagpaiwan ako sa may bar area. Nababalot na ng ingay yung club, pero yung utak ko yung image parin ng lalaki ang pinoproseso.
Someone sit beside me then nagsalita siya. “Alone?”
Tinignan ko yung nagsasalita. Pakshet dre, si Tom Daley, ay este, yung lalaki sa labas kanina. I cleared my throath and started to respond. “No”.
“Love that lie huuh! Ang tipid mo namang magsalita, aren’t you enjoying?”
 “Biglang nagbago yung mood ko eh”
“Ooooh, so tell me what’s your flavor baby? I mean, can I offer you a drink instead? What do you like? Beer, Martini, Tequila Sunrise,Mojito, Margarita?”
“Margarita nalang”
Tinawag niya yung bartender at umorder nga. Pero di parin siya umalis, ang swerte ko, eto na ba to?
“So, may I know your name?”
“I’m Grei” sagot ko
“I’m Ralph pre”
Naka 3 glasses na rin ako ng Margarita nun nang magsalita siya ulit.
“Grei, let’s go outside, masyado nang magulo dito”
Sumama naman ako, pagtayo ko medyo nakaramdam ako ng pagkahilo, pero I still managed to walk. Tinext ko si Kaira na lalabas na ako at uuwi na. She replied,
“Ok best, inggat ka”. Sumama ako kay Ralph, mukha namang mabait siya. Pumunta kami sa kotse niya at umupo sa hood nito. Siya naman humiga, stargazing daw.
“Tell me about yourself, parang ang lungkot mo kasi, sanay ka ba talagang mag-isa? Taga-saan ka? Nag-aaral ka pa?” sunod sunod niyang tanong.
“Dude, isa isa lang. I’m Grei. Yes, sanay akong mag-isa, nakatira ako somewhere in Q.C, and yes ulit, nag-aaral pa ako, 4th year na, hindi ka ba naiilang sa akin, knowing my gender orientation?”
“Walang problema sa akin kung gay ka, bisexual, or anything, ang mahalaga mabuti kang tao at may sense kausap, magkapit bahay lang pala ang schools natin, tama ba?”
I just nod. “Ikaw naman, tell me your story”
Nalaman ko nga na Ralph Eisen Buenavides yung pangalan niya. Kumukuha ng Development studies course sa Ateneo, graduating, member siya ng swimming team. Kaya pala ganun yung built niya, megawwwd Tom Daley lang talaga ang peg. Nalaman ko rin na kaka-break lang nila ng girlfriend niya, dahil after graduation, lilipad na siya patungong Amsterdam para sa Masters niya at baka dun narin siya for good dahil andun yung pamilya niya.
“You know Grei, I like you, may boyfriend ka na ba?”
“Hah? Wala”
“Are you into a different kind of relationship? Yung fling fling lang, yung masaya lang, walang commitment, no strings attached, basta masaya lang tayo sa company ng isat-isa”
“I don’t know” yan lang ang nasagot ko.
“Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Look, life is too short para ikulong ang sarili natin sa isang sitwasyon from our past. Pag nasasaktan, laban lang, move on. Yan dapat ang motto in life. We need to be adventurous at sumabay sa trend, kung di ka marunong lumangoy sa rumarasagang agos, tiyak matatangay ka, wala kang patutunguhan. I just want to live my life to the fullest, nakakasawa ang mag-senti. Yung nalalabing araw ko dito sa Pinas, I just want it to be memorable, I just want it to be happy, and I just want to spend it with you – ok bay un sayo?”
“Natatakot ako sa pwedeng mangyari, baka masaktan nanaman ako sa huli, at saka kakakilala pa lang natin noh”
“I’m a fast paced person Grei. Nung makita kita kanina, alam kung iba ka, ikaw na. Ang pagkilatis sa tao parang cake tasting. Hindi mo kailangang kainin lahat para masabing masarap ito, one bite, you’ll know kung it’s good or not”
“I’m confused”
“Ramdam kita, ramdam ko yang takot mo, takot kang masaktan ulit, takot kang umasa. Dapat matuto kang sumugal, to try something new. Dahil sa mga pain and failures natin sa buhay, mas nagma-mature tayo”
Di ako umimik, tama kasi siya. Takot ako, at very traditional. Iba si Ralph, ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. May parang kung anong aura siya na bumabago sa mga pinaniniwalaan ko. Lakas niya maka brainwash, maka-hypnotized.
“I want to kiss you right now, I’f you refused then its goodbye”
Nabigla ako, lumapit nga siya he kissed my lips. Di ko siya pinigilan, pina-process pa ng utak ko yung mga nangyayari then lumaban narin ako sa halik niya. He smiled, mas naging passionate yung kissing namin, dila sa dila, laway sa laway. Tapos bigla siyang tumigil.
“So payag ka na sa inaalok ko?”
I just nod. Yun yung desisyon na mabilis ko lang binitawan. Walang pag-aalinlangan, walang maraming tanong. Napagtanto ko din na for once in my life I want to be adventurous, gusto ko maging mas open sa mga possibilities. Tama siya, kung di tayo susugal sa tadhana, kailan man di natin malalaman kung ano ang feeling nun. Di natin malalaman ang kasagutan sa mga maraming tanong natin kung tayo mismo ay walang gagawin para mahanap ang mga kasagutan.
“Tara, uwi na tayo”
“Hah?”
“Iuuwi na kita sa inyo, umaga na oh”
Dun na nagsimula ang relationship namin ni Ralph, happy lang pero may ending – pag pumunta na siya sa Amsterdam, bye bye narin. So what, atleast napasaya ko siya at napasaya niya ako. Andyan yung dadalaw siya sa akin sa apartment, o di kaya sa Campus. Pag weekends, magroroad-trip kami, Batangas, Cavite and one time umakyat kami ng Baguio.
One time bumisita siya sa apartment, 9:00 narin yun. Malapit na ang kanilang graduation, malapit narin ang ending. Pinapasok ko siya, as usual makikipag kulitan siya kay Cody. This time napansin niya yung piano sa may sala.
“Do you play?”
“Hindi, di ako marunong eh, sa may ari ng apartment yan”
Lumapit siya dito at itinaas ang cover tapos pumindot siya ng isang key. Then he sit on the chair and started playing, Pachelbel’s Canon in D. Putcha, ang galing pala niya. Di ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, basta nalang akong na-consume ng pagtugtog niya. Parang mas na-fall pa ako sa kanya. Pero di ako pwedeng ma-fall ng tuluyan. Lumapit ako sa kanya at umupo narin sa upuan, sakto rin na matatapos yung tinutogtog niya.
“Magaling ka palang mag-piano”
“My moms a pianist she’s the one who pushed me to master this craft, marami din akong pinagdaanang panenermon at palo sa kamay bago ko maperfect ang craft na ito. Can I play something for my special friend? Anything, name it”
“Isa ngang Bruno Mars diyan, Just the Way you are”
Tumugtog na nga siya, unang sound palang na nalilikha, kinikilabutan na ako. Yung tinugtog niya, medyo slow version, very romantic at senti pakinggan, parang yung version ng The Piano Guys. Naging emotional tuloy ako, di ko mapigilang lumuha. Tapos bigla nalang siyang kumanta, sinasabayan ang bawat pag-galaw ng kamay niya.
“When I see your face. There's not a thing that I would change. 'Cause girl you're amazing. Just the way you are. And when you smile. The whole world stops and stares for a while. 'Cause girl, you're amazing. Just the way you are. Yeah”
Nung matapos na, niyakap ko siya. Hindi lang pala siya magaling tumugtog, magaling din siyang kumanta. Di ko napigilan ang maiyak dahil in two weeks, aalis na siya.
“Mami-miss kita”
“Ako din naman, pero ganun talaga eh, alam mo, mahal na ata kita, iba kasi yung Cupid’s Arrow na tumama, may gayuma, malalim ang kinapuntahan”
“Wag ganyan dude, bawal ang mga paasa lines, bawal ang ma-fall, bawal main-love, sabi mo diba, basta happy lang”
Hindi siya sumagot pero hinalikan niya nalang ako sa labi, nag-aalab, punong puno ng pagmamahal, nalasahan ko nalang yung luha niya, umiiyak na pala siya. I stopped him.
“Bakit ka umiiyak?”
“Marami lang akong narealize, mami-miss kita Grei, yung contagious na tawa mo, yung mga portraits mo, yung witty disposition mo, lahat lahat, do you believe that long distance relationship works?”
“Marami akong di pinaniniwalaan Ralph, alam mo yan. Sa maikling panahon na nagkasama tayo, maraming nabago, mas tumapang ako, marami akong nagawa kasama ka na di ko inaakalang magagawa ko. You’ve changed me in a better way, mas naging sensitive ako sa mga opinions ko. Parang mas nabawasan ang takot ko sa mga pwedeng mangyari. Pero ang sagot ko sa tanong mo, NO. Di ako naniniwalang magwo-work ang long distance relationship. May isang magloloko, may isang aasa, may isang mag-aantay, at yung isang yun, mas masasaktan lang. Happy na ako na naging special friend kita, hanggang dun nalang siguro Ralph”
Hinalikan niya ulit ako. That time parang naririnig ko yung music score gaya nung napapanood sa mga teleserye at pelikula. Music: Erik Santos’ Pagbigyang Muli. ('Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling, 'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita, Sa'yo lang ang pag-ibig ko. Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali Pag-ibig ko'y muling tanggapin…)
Mahirap talaga makahanap ng mga lalaking papahalagahan ka, papahalagahan ang friendship niyo. Yung may concern sa nararamdaman mo at yung naiintindihan ka. Mahirap din makahanap ng kaibigan na tulad ni Ralph, kumbaga, Diamonds sila - rare. Three days after nang graduation niya, umalis na nga siya papuntang abroad, hinatid ko siya sa Airport.
Naaalala ko pa yung line niya bago siya pumasok sa departure area. “Tandaan mo, ang tunay na kaibigan parang GOOD BRA yan, hard to find, supportive, comfortable, always lifts you up, makes you look better and always close to your heart o di naman kaya’y comfortable boxer briefs, kayang mag-adjust when everything gets hard” Natawa ako pero tama siya doon.
“So this is goodbye then?” tanong ko.
“For now, but not really. Maniwala tayo kay mareng Destiny, malay mo, babalik pala ako”
I just smiled, ayokong umiyak, makakadagdag pa ito sa mga worries niya.
“Goodbye for now Grei, alagaan mo yang sarili mo ha, at yang baby natin” sabay ngisi at kindat niya sa akin.
Tuluyan na nga siyang pumasok sa may departure area. Yun yung unang pain na na-handle ko. Move on, move on din pag may time. May umaalis at may dumadating, yan ang nagtatak na sinabi ni Ralph sa akin. Yung pagpasok na yun, ending narin yun ng communication namin.
Hooo, summer na, ang init. Walang klase, at next year, hooo diploma na this. Si Kaira nagbakasyon sa Singapore, wala eh, mayaman. Ako naman wala akong choice sa request ni Engineer na magbantay ng project niya sa Legazpi, dahil kailangang matapos ang project bago ang rainy season. Sa dinami dami ng lugar, sa Bicol pa, Legazpi pa. Familiar yung place, takte yung site, approximately 150 m mula sa bahay nina…. Nevermind!
Di narin nagpaparamdam si Enzo simula nang makita niya kami ni Ralph sa isang restaurant na nagde-date.
Medyo haggard ang construction, maalikabok at stress. Buti nalang tapos na magbuhos, kundi dagdag stress nanaman, lalo na sa finishing, nakakaloka. Sa tiles palang marami nang pumapalpak, pati sa plastering at painting. Medyo istrikto ako sa site at very particular sa mga details. Kailangan kong magpagood-shot kay Engineer no, sayang naman ang pagpapa-aral niya sa akin kung puro palpak ang output.
Kiber nalang ako sa site, at kapag dumadaan yung mga kamag-anak o kapamilya ni Pierre sa kalsada malapit sa site, nagtatago ako. One time, nasa may kalsada ako, nagsu-supervise dun sa landscaping sa may gate, aba may humintong puting kotse at kinausap niya ako. Takte si Gale, yung bunsong kapatid ni Pierre.
“Uyyy, Kuya Grei, ikaw ba yan? Andito ka pala sa Legazpi? Daan ka naman minsan sa bahay, sasabihin ko pala kina Mommy na nadito ka, na-miss ka na namin, tara sama ka sa akin sa City Hall”
Bigla naman akong kinabahan, lalo na’t medyo makulit at spoiled tong kapatid ni Nevermind. “Ah oo, 1 week na ako dito, nagsu-supervise ng project, medyo busy eh, marami pang tatapusin kaya di kita masasamahan at di ako nakaka-daan sa bahay niyo, actually babalik na ako sa Manila mamaya” sinabi ko nalang para matapos na, pero sa totoo lang hanggang 3rd week of May pa ako doon.
“Sayang naman, di ka maaabutan ni Kuya Pierre dito, bukas pa kasi ang flight niya papunta dito, sasabihin ko nalang na nandito ka”
“Gale pwede wag mo nang sabihin sa kuya mo na nandito ako sa Legazpi?”
“Sure, pero sa isang kondisyon, samahan mo ako sa City Hall tapos kain kain lang, na-miss kita kuya”
Pakshet na yan ah, lakas makapang blackmail. Pumayag ako at sumama sa kanya. Nag-lunch lang naman kami nina Tita Meg, Sir Pery at Gale. Yung feeling na ALL IS WELL, walang nangyari, keri lang, kwentuhan-kumustahan to the max. In short, walang nagbago, ganun parin, di nila alam na matagal na kaming di nag-uusap ni Pierre. Kasi lagi daw niya akong nakwe-kwento sa kanila – dakilang sinungaling at palusot king.
“Ma, i-convince mo si Kuya Grei na mag-stay muna dito sa Legazpi, balik na daw siya Manila mamaya”
Naloko na, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napa-inom nalang ako ng ice tea saka nag-smile. Naku, naku, naku, pano to, paano ko sasabihing hindi pa talaga ako babalik ng Manila. Ngayon pa’t alam nila at palagi nilang nadadaanan ang site ng project namin. Utak gumana ka, mag-isip ka ng script, yung maganda.

Option 01:
        Tita Meg: Totoo ba hijo, na babalik ka na nang Manila, ang bilis naman ata, tapos na ba yung project niyo?
        Grei: Actually tita, hanggang May talaga ako dito, palusot ko lang yun kay Gale kanina para maka-alis na siya, ayaw ko lang talagang magkita kami ng anak niyong paasa. Na basta nalang nang-iiwan ng kaibigan. Thanks po sa pa-lunch Mr. & Mrs. Fuentebella, but I have to go.
Sabay walk-out… CUT! Ano ba yan, napaka unprofessional naman.
Option 02:
Gale: “Ma, i-convince mo si Kuya Grei na mag-stay muna dito sa Legazpi, balik na daw siya Manila mamaya”
Tita Meg: Totoo ba hijo, na babalik ka na nang Manila, ang bilis naman ata, tapos na ba yung project niyo?
Di muna ako magsasalita, iinom ng ice tea at magi-smile.
Sir Pery: Di ba kay Engineer Mendoza yung project na yun? Kumpare ko siya kung di mo naitatanong, at ang pagkaka-alam ko, hanggang 3rd week of May pa ata yun matatapos, so andito ka hanggang matapos yung project?
Grei: (medyo tense ng konti) Actually yun nga po ang plano, pero may project din po kasi siya sa Alabang na kailangan ng magbabantay, kaya dun nalang po ako siguro, papalitan nalang po siguro ako ng pamangkin niya dito.
Tita Meg: Ganun ba hijo? Sayang naman, pero pwedeng bukas ka nalang bumalik, antayin mo si Pierre, mag-dinner lang tayo tapos kami na maghahatid sa iyo sa Airport.
Gale: Good idea ma, actually tinext ko na si kuya.
Grei: (mas na-tense) Wag nalang po siguro ayaw ko kasing madamay kayo sa problema ko. May sakit kasi ako, nakakahawa, nakakamatay.
CUT! What the fuck. Ano namang script yan, ang pangit.
Matagal na pala yung dead air, matagal na pala yung di ko pag-respond sa tanong ni Tita Meg kung totoo ngang babalik na ako ng Manila.
“Kuya, ok ka lang?” tanong ni Gale.
“Ah sorry, oo naman, I’m ok. Yun nga po sana ang plano, babalik na ako ng Manila pero kaka-text lang ni Engineer, dito daw muna ako until matapos yung project” booom, wala ka nang kawala, magkikita na kayo ni Pierre.
“Good, comfortable ka ba sa bunkhouse sa site? Kung gusto mo sa bahay ka nalang namin tumuloy, dun sa dating kwarto mo, para saan ba’t kaibigan ka rin ng anak ko”
Hay naku, kung alam niyo lang. Ang hirap mag-sabi ng AYOKO, HINDI PWEDE, WAG NIYO AKONG PAKIALAMAN, GO AWAY, sa mga taong to, lalo pa’t puro kabutihan naman ang pinapakita nila sa akin.
“Ok lang po ako dun, may aircon naman at kumpleto sa gamit, saka may guard naman din pong nagbabantay kaya safe. May night shift din kasi yung mga trabahador, kailangang mag-supervise sa gabi, kaya dapat nandun ako, kailangan naming madaliin ang construction”
“Sige, si Pierre nalang ang papupuntahin ko sa site para samahan ka pag nandito na siya. At tomorrow night, susunduin ka ni Dario (yung pinsan ni Pierre na naghatid sa akin noon sa airport) sa site niyo, special guest ka namin sa bahay ha, Anniversary kasi namin ni Pery, punta ka ha, bawal umayaw”
“Sige po Tita” yan nalang yung sinagot ko para matapos na. That day, di ako maka-concentrate sa work, yung pagsusupervise ko naaapektuhan narin. Maraming what If’s ang nasa utak ko. “What if ganito, what if ganyan, putang inang what if yan”
The next day, kinausap ko yung foreman, sinabihang siya na muna bahala doon. Pumunta ako sa CBD, para bumili ng anniversary gift. I just wish na sana di matuloy yung flight ni Pierre, sana di talaga siya makaka-attend, sana di ko siya makita. Eksaktong 7:00 ng gabi, sinundo ako ni Kuya Dario sa site. Marami nang tao sa bahay nina Pierre, pero di ko pa siya nakikita. Yes! Nagsimula na yung simple program, tapos yung dinner nag-start na rin. Naki-table ako sa mga di ko kakilala para walang magtanong. Matapos kung kumain, nag-stay ako saglit tapos nagpaalam narin kina Tita Meg.
“Tita, mauna na po ako, medyo may problema kasi sa site eh”
“Ganun ba hijo? Hindi mo na ba hihintayin si Pierre? Baka hanapin ka nun.”
Ako? Hahanapin nun? Aba matindi, bakit naman niya ako hahanapin? yan yung nasa utak ko, pero hindi yan yung sinabi ko, napaka bastos naman pag ganun.
“Sorry Tita pero hindi na siguro, sige po mauna na ako”
“Pery, Pery halika dito, nasaan ba si Dario, papahatid ko sana tong si Grei dun sa tinutuluyan niya”
“Ah, sinundo niya si Pierre sa Airport, malapit na yun, antayin niyo nalang”
Naku po, eto na, tumuloy nga ang mokong. “Ah Tita, lakarin ko nalang, malapit lang naman eh”
“Ako nang maghahatid sa kanya MI” biglang may nagsalita sa likuran namin ni Tita Meg, shet, si Pierre.
“Pierre, andito ka na pala. Sige ihatid mo na tong kaibigan mo, dali na at kailangan na daw siya dun sa site”
Hinatid ako ni Pierre sa site, napakarami niyang tanong habang nagda-drive. “Kumusta ka na? Bakit ka pala nandito? May boyfriend ka na ba? Hoy ok ka lang? Ba’t di ka sumasagot? Tang ina naman oh, DY, sagutin mo naman ako.” Di ako umiimik, dahil nga doon sa mga tanong niya nakalampas kami sa dapat na bababaan ko.
“Kuya, dito na, lampas na tayo”
Di siya tumigil sa pagda-drive. Patuloy lang siya.
“Kuya ano ba, sabi nang dito na eh, tama na, stop na, OK?”
Huminto nga ang sasakyan, malayo nga lang ng konti sa dapat na bababaan ko. Bumaba na ako ng sasakyan at sinimulang maglakad. Bumaba din siya, hinabol ako, hindi man lang napagod sa biyahe may energy ang mokong.
“DY, ano ba, huminto ka nga, alam ko namang wala talagang problema sa site niyo, ang problema lang ay ayaw mo lang akong makita o makasama”
Patuloy parin ako sa paglalakad, sumusunod naman siya. Maraming sinasabi, kesyo namiss niya ako, kesyo nagkamali daw siya, gusto daw niya maging close kami ulit, gusto niya bumalik ako sa buhay niya dahil kulang daw siya kung wala ako. Punyetang mga phrases yan, ang nasabi ko nalang:
“Shut up, Pierre umuwi ka na, walang patutunguhan ‘tong tagpong to. Ok na ako Pierre, ok na ok na. Kaya please naman oh, tama na. Kasi hanggat nanggugulo ka, lalo lang akong nasasaktan.”
Natigilan siya, di na siya sumunod noon. Bago dumiretso sa bunkhouse, kinamusta ko muna yung mga pang gabing trabahador sa mga trabaho nila. Ok naman ang lahat, maliban sa akin. Dumirestso na ako sa bunkhouse at tinapos ang plano na pinapagawa ni Engineer na kailangan kong isend via e-mail bukas dahil magpepresent siya sa client niya.
Araw-araw akong dinadalaw ni Pierre sa site, at naiinis ako doon. Marami siyang dinadalang suhol, mga pagkain, may pa-kape at dala rin niya yung mga tanong niyang marami. Andyan din yung kukuha siya ng letrato, hinahayaan ko nalang. Di ko siya pinapansin o kinakausap, dedma lang. Nag-focus nalang ako sa pagsupervise ng project, dahil in 9 days, tapos kang project ka, bye bye Legazpi.
One night, pumunta siya sa site, interior finishes yung ginagawa noon, nasa may third floor ako, sa may balcony para di ako masyadong ma-expose sa fumes. Nakita ko siya, kausap ang guard sa baba. Tinitignan ko lang siya from above, tapos napansin niya ako, tapos kumindat siya. Bumaba ako at pinuntahan siya.
“Sir Grei, binibisita ka pala nitong si Sir Pierre, siya daw muna magbabantay sa iyo Sir” sabi ni Manong Guard, nagtaas kilay ako, at umalis na nga si Manong Guard.
“Mr. Fuentebella, anong masamang hangin ang umihip sa iyo at napadpad ka dito?”
“Mr. Andrade, andito ako para ibigay yung warrant of arrest sa iyo, serious illegal detention – yung puso ko di na makawala sa iyo, kulong na kulong, hulog na hulog”
I gave him a sullen glance at nagtaas kilay. Tang ina, may ganun pa talaga siyang nalalaman, corny. Pwe!
 “Di ako nakukuha diyan sa mga corny lines mo. Ba’t ka ba nandito kasi? bwiset”
“Babantayan kita. Masunurin akong anak eh, sabi ni Mi, puntahan daw kita tonight, bantayan daw kita at samahan. Wala akong choice eh, kaya pumayag nalang ako, kaya andito ako kahit pa ayaw ng utak mo, pero yang puso mo gustong-gusto, tama ba?”
“Hiyang hiya naman ako sa choice mo, wow, thank you hah, sa SINCERE mong pagsama sa akin dito. Pero di ko kailangan ng guard, or aso na magbabantay sa akin, and para matapos na ito umuwi ka na, dahil baka may magbalita sa Boyfriend ko na may kinikita ako dito na iba, na ako pa yung nagloloko sa relationship naming dalawa”
Medyo nagulat siya sa sinabi kong wala namang katotohanan, ILLUSIONAL BOYFRIEND lang teh?. “Ah, ganun ba? Siya ba yung kasama mo noong umuulan, yung sumundo sa iyo? Siya na ba ang bago mo?”
“Hindi ah, iba. Kaibigan ko lang si Enzo at mas gwapo yung boyfriend ko, mas hot kaysa sa iyo. May isang salita, di nang-iiwan at pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin kahit anong mangyari. Ikaw kumusta ka na, ok ka lang ba? Mukha namang masaya ka na eh? Si Nix, binalikan ka na ba? Hindi no? Ganun ka parin ba, nang-iiwan ka parin ba ng kaibigan? Nagpapa-asa?” syempre drama lang ang mga lines na to, walang katotohanan, yun yung sinasabi nang utak ko, na napaka taliwas naman sa lengwahe ng puso ko. Natigilan siya sa mga sinabi ko, medyo pansin ko yung biglang lungkot na reaksyon niya.
“Sorry Grei” yan lang yung nasabi niya. Sa dinami dami ng lines na mako-compose, yan yung binitawan niya. 1-2, Sorry Grei.
Nagsmile ako, pang-inis lang. Tapos tumalikod na siya, at umalis. Simula nun, di na siya bumisita sa site, kiber. Minadali na nga namin na matapos yung project. Bumisita si Engineer 2 days before na matapos lahat ang construction. Na-impress siya sa nakita niya, all went well.
“Di ako nagkamali sa pagpapa-aral sa iyo anak, magaling na, mapagkakatiwalaan pa, malayo na talaga ang narating mo at mararating mo pa”
Na-touch ako sa sinabi ni Engineer, kahit medyo istrikto siya, ay keri lang.
“By the way Graysen, si Kumpareng Pery nalaman na nandito ako, nag-imbita sa bahay nila, bukas daw ng 7:00 PM dun tayo mag-dinner”
“Ah Sir, pwede po ba wag nalang ako sumama, at pwede po bang balik nalang ako Manila bukas ng tanghali, gusto ko sanang magbakasyon sa amin” palusot again, ako magbabakasyon sa amin? Kalokohan!
“Ganun ba, sige, tapos naman na ang obligasyon mo dito, saka andito naman si Kuya Buji mo (pamangkin niya), kami na bahala dito, may plane ticket ka na ba? Ako nang bahala diyan, tatawagan ko si Reichele (secretary niya) mamaya para ma-book ka na niya ng flight.”
“Thank You Sir”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: A Beautiful Disaster (Part 3)
A Beautiful Disaster (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9Z8Ul8xBiONYofylxNaTu_LzJPwqyjUcb9xE5bu2OpwagTeos71rqqBF43NtvRMXwW3lAAsAurvMNlBP7JoR1yoZ5xtHlRacKjVvnIQ9zSg48_DFzQ_XSNkM5tsoTUn0QlJDIzKE3M4H_/s1600/myles0.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9Z8Ul8xBiONYofylxNaTu_LzJPwqyjUcb9xE5bu2OpwagTeos71rqqBF43NtvRMXwW3lAAsAurvMNlBP7JoR1yoZ5xtHlRacKjVvnIQ9zSg48_DFzQ_XSNkM5tsoTUn0QlJDIzKE3M4H_/s72-c/myles0.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/05/a-beautiful-disaster-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/05/a-beautiful-disaster-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content