Pagba-bati, pagsa-salsal, pagba-bayis, pagda-dyakol, mariang Palad - madalas natatawa tayo kapag naririnig o sinasabi natin ang mga words n...
Pagba-bati, pagsa-salsal, pagba-bayis, pagda-dyakol, mariang Palad - madalas natatawa tayo kapag naririnig o sinasabi natin ang mga words na ito. Nagiging asaran at joke para sa mga kabataan kapag pinaguusapan nila to. Madalas daw kasi, kabastusan. Basta awkward pag-usapan. Palaging tuksuhan, tulad ng:
Kaya daw tumatangkad ang isang lalaki ay dahil sa kaka-masturbate niya, magaspang daw ang kamay o malaki ang kamay dahil madalas magsalsal.
Pero alam niyo ba na mayroong naidudulot na maganda ang pagsasalsal ng regular?
Eto ang ilan sa mga ito:
1. Longer Life
Oh di ba? Hindi lang pala ang pagkain ng pansit ang nakakahaba ng buhay, ang pagda-dyakol din. Ayon sa isang pag-aaral ni Dr. Michael Roizen ng Cleveland Clinic Welness Institute sa Amerika, ang mga lalake na nagkakaroon ng orgasm at least once a day ay nabubuhay ng 4 years longer kaysa sa mga lalaki na hindi. Kaya kung nilalabasan ka ng dalawang beses sa isang araw, mado-doble ang 4 years na yun sa ihahaba ng buhay mo. But wait, there’s more! Ayon din sa pag-aaral na ito, ang mga lalaki na nagba-bati para labasan ng isa o dalawang beses sa isang araw ay mas nakakaramdam at nagmumukhang 15 years younger sila kaysa sa totoong edad nila. Naku, kaya kung may kaibigan kang mas madalas mag-salsal sa'yo, lagot ka, baka magmukha kang matanda kaysa sa kanya.
2. Healthier Body
Wag na kayong uminom ng vitamins o ng kahit ano pang food supplement na nakakalusog at nakakabuti sa health— dahil nakakatulong naman ang pagsasalsal sa kalusugan niyo. Common knowledge naman na ang regular masturbation ay nagpapalakas ng resistensya, iniimprove ang circulatory system, nagpapataas ng healthy testosterone level, at nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa ari. Maliban sa mga nabanggit na yun, pinapalakas din nito ang puso, nilalabanan ang mga virus at bacteria na nagca-cause ng sipon at ubo. At ang pinaka-naitutulong niya sa kalusugan ng mga kalalakihan ay nakakatulong ang pagsasalsal para makaiwas sa cancer. Dahil nga naglalabas ito ng semen o kung tawagin natin ay tamod, naisasama nito ang mga toxins na pinagmumulan ng prostate cancer ayon sa isang pag-aaral sa Australia noong 2003.
[ads-post]3. Stress Reliever
Sa dami ng problema sa Pilipinas, wala tayong choice kung hindi ma-stress. Lalo na ngayong summer na nakakainit ng ulo ang sobrang init sa Pilipinas, kailangan natin ng stress reliever. Common na stress reliever ang pagbabakasyon o pagsu-swimming pero kung kulang naman ang budget, effective ding stress-reliever ang pagsasalsal. Ang madalas na pagsasalsal ay nagdudulot ng pagbaba ng blood pressure o ng prisyon. Ito ang dahilan kung bakit nakakawala ito ng stress. Kapag nag-oorgasm o nilalabasan, nare-relaks ang katawan ng tao, nawawala ang mga tension sa mga muscles kaya narerelax ito. Naglalabas din ang katawan ng serotonin at dopamine. Ito ang mga chemicals na nag-eenhance ng mood ng tao. Happy hormones kung tawagin sila. Kaya kung stressed ka at wala kang perang pampa-relax, mag-bati ka!
4. Better Sex Life
Nabibitin ba ang partner mo sa’yo? Nilalabasan ka ba agad? Baka kulang ka sa pagba-bati. Ayon sa mga sex therapists sa iba’t ibang parte ng mundo, ang pre-mature ejaculation o ang maagang pag-labas ng semen ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagmamasturbate ng mga 2 hours before sex. Ayon din sa mga therapists na ito, pwede mong sukatin ng oras na itinatagal mo bago ka labasan sa pamamagitan ng pagma-masturbate. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung hanggang saan ang kaya mong i-tagal. Ang pagsasalsal ay maaari mong maging “practice” para sa mas mahaba at magandang performance sa actual na pakikipagtalik.
5. Stronger and Better Sperm Condition
Kung nagpa-plano kayo ng partner mo na magkaroon ng anak pero nahihirapan kayo, makakatulong ang pagma-masturbate para makabuo agad ng anak. Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, ang pagba-bati ay nakaka-ganda at nakaka-improve ng quality at effectiveness ng sperm para makipag-mate sa egg cell ng babae at makafertilize. Ayon kay Dr. Mahesh Nawal, isang sexologist at President ng ASECT, ang pagma-masturbate bago makipag-sex ay isang effective na paraan para maka-buntis. Ang pagba-bati ay naglalabas ng mga residual sperms o yung mga stock na sperms kaya kapag makiki-pagsex ka na, bago at fresh na semen ang mailalabas mo kaya mas mataas ang posibilidad na makapag-fertilize ng egg at makabuntis.
6. Makes You Harder
Sabi nga ni Arianna Grande “Love Me Harder” daw. Mas hard, mas fun! Pero habang tumatanda ang mga lalake, natural lang na nawawala yung muscle tone, o yung nanlalambot na muscles. Ang regular o madalas na pagma-masturbate ay nakakatulong para maiwasan ito. Tuwing nagba-bati ang lalaki, nawo-work out at nae-exercise ang pelvic floor muscles na nakakaiwas sa erectile dysfunction o ang hindi pag-tigas o mahirap na pag-tigas ng ari ng lalaki at incontinence o ang pagkawala ng control sa ari. In short, ang pagba-bati ay isang klase ng exercise para sa penis para maging active. Sinuggest ng isang sex therapist na dapat ay nilalabasan ang lalaki at least 3-5 times a week pero mas maganda kung mas madalas.
7. Prevents STDs
Ang Sexually Transmitted Diseases ay mga klase ng mga sakit na maaari lang makuha sa pakikipag-sex with other people. Kung natatakot kang magkaroon ng ganito, o natatakot ka ding makabuntis, maaari mong makuha ang same satisfaction ng pakikipagtalik sa pamamagitan ng pagma-masturbate o pagba-bati. Kapag nagma-masturbate ang lalake, hindi maaaring makakuha o magkaroon ng STD ito.
Pero, kung sabay kayong nagma-masturbate ng partner mo, maaari pa ring makakuha ng STD kung nagkadikitan ang mga ari niyo at nagkaroon ng exchange sa mga sexual fluids. Ang pagsasalsal ay ang pinaka-safe sex na maaari mong gawin. Love yourself more!
COMMENTS