$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Minsan (Part 3)

By: Nico Sa bahaging ito ng aking kwento, ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga bonding moments namin ni Roi bilang matalik na magkaibigan na...

By: Nico

Sa bahaging ito ng aking kwento, ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga bonding moments namin ni Roi bilang matalik na magkaibigan na mauuwi sa isang kapana panabik na tagpo...

Unang Tagpo

Isang nakakastress na araw ang nangyari sa school kanina. Quizzes, recitations, at logical activities na talaga namang pumiga sa lakas ko, kaya napagpasyahan kong maglaro muna sa isang shop ilang metro lang ang layo sa pinapasukan ko.

Mabilis na tumakbo ang oras ng di ko namamalayan, sabi nga nila "time flies fast when you're enjoying it". Kumakalam na sikmura ko, at pagtingin ko sa orasan ng shop, Shet! past 12 na hahaha napasobra ata ako ng laro pero dahil na sa intense mode of gaming ako nung panahon na yun eh, go lang. While waiting for the next run in game nakita kong nag online na si bespren kaya naman i chatted him.

N: Best, laro?
R: cge :)
N: wag masyado pro ah, hina hinay lang.
R: hahaha.

And so we play hard and i ended up losing most of the time. Gamer naman kasi ang mokong at aminado naman akong mas pro sya sakin pero kahit ganun tinatawanan ko nalang ang mga nangyayari. I even asked him na turuan nya ko ng moves para next time mabugbog ko sya and he said it's ok with him. Nasa kalagitnaan na kami ng tutorials ng tinanong nya ko...

R: Best, free ka?
N: bakit?
R: di mo pa sinasagot tanong ko.
N: may isa pa kong klase, NSTP at 2:30pm
R: ah, i see... i was wondering kung pwede mo ko samahan sa event ng friend ko sa manila, eh kaso may classes ka pa -.-
N: ohhh... ok. cge samahan kita :)
R: talaga? eh pano ung pasok mo?
N: group meetings lang naman un, wla naman tlaga ung prof, so i guess i can sneak up and my asst. leader can back up on me.
R: sure?
N: yep, san ba gaganapin yan?
R: somewhere in manila, so kita nalang tayo?
N: cge, mag mrt nlng ako then kita tayo sa last station, i'll be there in an hour.
R: cge mauna ka ng umalis baka maunahan pa kita, malapit lang naman ako at mabilis pa byahe. hahaha
N: weh? hahaha cge see yah :)

Sumakay ako ng bus papuntang mrt. balak ko talagang mauna sa meeting place namin since unang gala namin ito pero mukhang nananadya ang pagkakataon, kabi kabila kasi ang traffic dahil sa mga road constructions, kaya naman badtrip na badtrip ako. Pag dating ko sa mrt almost 15 mins nalang ang allowance ko sa palugit kong 1 hour na sinabi ko kay best. andami pa man ding tao at matagal tagal pa dumating ang tren. Sa isip ko, PATAY!!!

... mid station na at naisipan kong itext si bespren para itanong kung nasan na sya.

N: san ka na?
R: andito na ko hehe, kaw?
N: shaw pa lang, sorry traffic papunta eh
R: it's ok no prob :)

nakakainis talaga. yung tipong gusto mong paliparin yung sinasakyan mo hahaha. 2pm na ko ng makarating sa last station. Habang papunta sa exit eh muli ko syang tinext.

N: San ka nkapwesto?
R: dito malapit sa atm, makikita mo agad ako.
N: cge, eto na ko

madaming taong nagkukumpulan sa exit. paglabas ko ng ticket machine, agad ko syang hinanap at di naman ako nagkamali, nakita ko agad sya nakatayo malapit sa isang atm, nakangiti na parang nanloloko. He wears polo shirt with vest, jeans and sneakers. He looks clean and smart sa suot nya, samantalang ako naka uniform pa :) Kinakabahan ako nun, baka kasi galit sya dahil sobrang late ako.

N: sorry best, late ako
R: ok lang yun :)
N: wag ka magalit sakin ah?
R: nah, hindi ako galit at hind ako magagalit sa best ko hahaha
N: adik!

natetense ako nun, nanlalamig ako hanggang sa inakbayan nya ko, akbay mag tropa.

R: kinakabahan ka?
N: uhmm.. natetense lang, unang gala kasi natin.
R: ok lang yan, relax ka lang
N: cge, san ba tayo
R: dun sa mall sa manila... (kinwento nya about dun sa event ng friend nya at kung ano2 pa)
N: ikaw pala adik eh, dapat nag lrt nalang ako mas malapit pa -.-
R: malay ko ba, pero ok lang para mas mahaba yung time na magkasama tayo.
N: loko loko

hindi ko pa iniisip noon na parang may iba sa kilos at gawa nya... sa isip ko baka nagkataon lang. ilang minuto ang nagdaan nakarating kami sa event, masaya naman, hindi namin inasahan na andun yung isa naming guildmate, magkapareho kasi sila ng circle of friends at magklasmate sila ni bespren before kaya di ako magtatakang malapit sila. Quarter to 6 na at nagdecide kami ni bespren na umuwi na. Umaambon nun buti nalang may payong ako, boyscout ata 'to hehehe.

habang naglalakad...

N: ang saya kanina noh?
R: oo nga eh
N: lumalakas yung ulan
R: sana wag tumuloy

ang scenario, ako yung may hawak ng payong tapos nakaakbay sya sakin. nabigla ako sa next move nya. yung akbay nya bumaba, napunta sa bewang ko, yung parang sa mag jowa hahaha... agad kong inalis yung hawak nya sakin


N: adik! ano yan?
R: bakit? ok lang yan.
N: hahaha di ok. para tayong mag jowa eh
R: hahaha

nagtawanan lang kami. binalewala ko pa rin yung ginawa nya hanggang sa makarating na kami sa lrt. hinatid nya muna ko sa way na northbound bago sya pumunta sa kabila. nakapasok na ko at nag aantay sa platform area, may parating ng tren nun both sides pero sabi ko di muna ko sasakay at iintayin ko munang makasakay si best. tinitignan ko yung mga tao sa platform sa kabila, madami pero wala sya... tapos sabay na umalis yung dalawang tren. Nagmasid muna ko sa paligid at paglagpas ng tren eh nakita ko sya na nakatayo na sa platform, nakangiti at nakatingin sakin. nginitian ko sya at inusalan ng "ingat ka best", pero walang boses.

Parating na ung kasunod na tren sa magkabilang direksyon. sabay naming tinignan ito at ikinagulat ko na duma moves sya na parang nag sasayaw, nakaturo yung kamay sa direksyon ng parating na tren. Eh nainggit ako, kaya ginaya ko sya sabay kamot sa ulo hahaha... napagpasyahan ko ng sumakay ganun din naman sya, tila ba magkaugnay ang aming mga iniisip.


Ikalawang Tagpo

Ilang linggo ang lumipas makaraan ang una naming gala eh napagpasyahan naming mag bonding muli. Finals ko nun, kaya naman hectic ang sked ko. Kabi kabilang projects, exams at simulations ang kinaharap ko pero kahit na ganun eh tuloy pa rin ang komunikasyon namin ni bespren.

N: Best, gala tayo. Stressed na ko sa school eh
R: Tapos na ba exams mo?
N: Last na sa Friday
R: Sa sabado na lang tayo gumala :)
N: Saan tayo?
R: Kahit saan hahaha
N: Un oh. Cge :)

Dumating ang araw ng Sabado. Rest day ko sa mga pressures sa school. Excited ako nung araw na yun, excited at magkikita na naman kami ni bespren...

Sa isang mall sa Ortigas namin napagpasyahang magkita. Maaga akong gumising at nag-ayos. Dating gawi, sabay pa rin kaming pupunta pero this time sa isang station ng LRT kami unang magkikita. Tipikal na araw sa LRT, madaming tao pero di naman ganoong siksikan. Habang umaandar ang tren, unti unting lumipad ang isipan ko, kung ano ano ang naiisip ko nung mga panahong iyon, hanggang sa dumating ako sa station na aming napag usapan. Bago pa man ako bumaba eh nakita ko na sya, gayunpaman eh nagtext pa rin ako sa kanya.

N: Asan ka best? (habang naglalakad palapit sa kanya)
R: Andito na. I wear a blue shirt :)

(Tama nga ako sya nga ito hahaha)

Nakatalikod sya sa gawing direksyon ko. Balak ko sana syang akbayan kaso humarap siya.

N: Ay sayang. aakbayan sana kita.
R: Oh darn! dapat di ako humarap, ulitin natin? -.-
N: adik! :)

Sumakay kami sa sumunod na tren... pagbaba ng tren sakay naman ng mrt pa ortigas. 9:30am ng makarating kami sa mall, sarado pa kaya naglakad lakad muna kami then he noticed na pinagpapawisan ako so he asked...

R: ok ka lang best?
N: ah yeah, bakit?
R: pinagpapawisan ka kasi eh.
N: normal lang 'to sakin. what can you expect sa taong hairy? pawisin talaga ako :)
R: sabagay. oh ayan bukas na yung mall, pasok na tayo ng maginhawaan ka best.
N: tara! :)

Pinagpatuloy namin ang paglalakad sa loob ng mall. Nang sumapit ang pananghalian eh dun kami kumain sa "love ko 'to". Treat ko sya. Most of the time naman talaga kapag gumagala kami eh ako ang nag ttreat sa kanya kahit ayaw niya kasi nga student pa ko that time at dapat eh hati kami, pero ewan ko ba, i find it fun kapag naililibre ko sya. Nasa table na kami and i asked him...

N: Oh best ano sayo? Treat ko ah
R: Treat mo na naman? wag na ako naman this time.
N: cge na ako na please? last na to. ikaw naman sa sunod :)
R: tss... ok XD

and so he gave me his orders. pagbalik ko dala ang mga pagkain eh nagulat ako kasi hawak nya ung id ko and he was staring at it.

N: ui, bakit mo tinitignan yan?
R: payat ka pa dito best ah
N: oo payat pa ko dyan, buti nga ngayon may laman na kahit pano hahaha. kain na tayo.

after ng lunch eh we decided na mag games muna, tapos videoke naman. nakaupo kami sa parang sofa pero ang set up is di kami magkatabi bale dun ako sa dulong part ng sofa malapit sa pinto, open glass yung videoke room na pinuntahan namin.

R: bakit ka naman nandyan sa sulok? ayaw mo ba ko katabi?
N: ha? hindi ah... di lang kasi ako sanay.
R: sige na dito ka na sa tabi ko.

umusog ako sa tabi nya at pinagpatuloy ang pagkanta. pansin kong pasimple syang yumayakap sakin na nakapag pa awkward ng sitwasyon. parang may iba, parang may mali, siguro dahil baka may makakita samin nun pero kahit ganun eh bakit masaya pa rin ako? Humanap kami ng ibang videoke room yung mas private para sa aming dalawa. Sa paghahanap namin eh napadpad kami sa katabing mall nito at sakto may videoke place dun na private kaya nag rent kami. Salitan kaming kumanta hanggang sa niyakap na nya ko. Ang lakas ng kabog ko sa dibdib nun, nilalamig ako na di ko mawari. Napansin ni Roi ang tensyon sakin kaya naman...

R: Relax ka lang, cge hindi na kita yayakapin :)

pinagpatuloy ko parin ang pagkanta na parang walang nangyari. Pero nakita kong tumahimik siya at parang nalungkot.

N: Best dito ka sa tabi ko :)

lumapit sya sa kinauupuan ko at niyakap ko sya. May ilang minuto ng katahimikan pero pagkatapos nun ay nagtawanan kami. Hinalikan nya ko sa pisngi na nakapag pakunot ng aking noo...

N: Oh bakit mo ko hinalikan?
R: wala naman hehehe halikan mo rin ako sa pisngi lang
N: ayoko... di ako sanay ng ganun -_-

may nahalikan naman na ako at may nakahalik na rin sakin pero mga babae yun at first time kong mahalikan ng isang lalaki kaya hindi ako mapalagay.

R: hahaha ok lang naiintindihan ko :)

Nagtagal kami ng ilang oras sa lugar na yon. Dumidilim na sa labas kaya naman naglakad na kami palabas ng mall. Di ako makapaniwala sa mga nangyari kanina, ang dami kong first time hahaha. Habang papunta sa sakayan ng bus eh humawak ako sa balikat nya, ang nakakatuwa dun eh inayos nya yung kamay ko at pinorma na naka akbay ako sa kanya. nangiti na lang ako nung ginawa nya yun. Nagpaalam na kami sa isa't isa hudyat na natapos na naman ang isang napakasayang araw. Sa bus eh patuloy ko pa ring iniisip yung mga kinilos nya nung magkasama kami. Bakit sya ganon sakin? pero aaminin kong ibang pakiramdam ang dulot nun sa parte ko... ugggh ang gulo. Sa pagod ko, nakatulog ako sa byahe... yung mga nangyari pala kanina ang magbubunsod ng mas maiinit pang yugto sa aming dalawa. haaay... :)

Itutuloy...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Minsan (Part 3)
Minsan (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEipK-8BUjNdPXqXspEVMFOdqjUOH94v7UtvPXzSQbicZREf4JG-DT2LHsYaIqtneXdVQXreX_9JuAVTYYtObZ3j8-Y4YsXh860CDEm_YxRsr5jgOmtnF_verlWBQoPyJ323XizgWLA9BUEn/s1600/IMG_2133+copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEipK-8BUjNdPXqXspEVMFOdqjUOH94v7UtvPXzSQbicZREf4JG-DT2LHsYaIqtneXdVQXreX_9JuAVTYYtObZ3j8-Y4YsXh860CDEm_YxRsr5jgOmtnF_verlWBQoPyJ323XizgWLA9BUEn/s72-c/IMG_2133+copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/05/minsan-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/05/minsan-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content