$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Since We Were 8

By: DreamCatcher Tinamaan na ako… naparami na yata ang inom ko at halos di ko na makita ang mga taong nagsasayaw sa harap ko. Naka hawak na ...

By: DreamCatcher

Tinamaan na ako… naparami na yata ang inom ko at halos di ko na makita ang mga taong nagsasayaw sa harap ko.

Naka hawak na ako sa pader at parang ang lambot na nang tuhod ko, muntikan na akong matumba pero may lalakeng humawak sa braso ko at sinuportahan ako.

Mabango siya, yun ang alam ko at maputi… di ko masyadong makita ang mukha niya dahil parang umiikot na ang mundo ko….. sinubukan kung I-focus ang tingin ko pero labi niya lang yung na-klaro nang mata ko…napaka pula nito at nung ngumiti siya halos nalusaw na ako.

Di ko na pinigilan ang sarili ko… at yun hinalikan ko na siya, mukhang ang sarap halikan eh.

Di siya nanglaban at magaling siyang humalik….. mukhang gutom yata sa halik.. ayaw tumigil eh. Nauubusan na ako nang hininga kaya’t tinulak ko siya, pero hinalikan niya nanaman ako ulit. Tinulak ko siya ulit kasi parang nalulunod na ako….lasang alak din ang laway niya.

Medyo nagulat yata siya kaya’t napasimangot siya, ganun din ako. At nung medyo nakita ko kung sino yung kahalikan ko….

“PUTA!” at tinulak ko siya nang malakas

“OUCH!” bulalas niya

“ARVIN?!! Arvin Cristobal?!!” tanong ko sa kanya

“Kilala mo ko?! Shit!” ganti niya

“Oh no! oh no!! shit! Shit!” pag-aalala ko
Nagpaikot-ikot na ako…. Dahil sa dina-dami ba naman si Arvin pa?!!! Ano ba naman!

“Wait?” sabi niya at pinatigil niya ako sa pag-ikot at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Ken Rosales?!!!” gulat niyang sinabi

Oh no!!! God no!!! pumunta ako nang Davao para walang makakilala sa akin pero eto pang inabot ko! Sa pag-aalala ko.. di na ako nag-paalam at tumakbo papalabas sa bar.

Nung nakalabas na ako... tumigil ako sa pagtakbo at naglakad nang napaka bilis. Pero narinig ko na may tumatawag sa pangalan ko!

“Ken!!! HOY!!!”

Di parin ako tumigil at God NO! ayaw kung tumigil. Hindi tinanggap nang magulang ko ang tunay kong pagkatao kaya’t ngayon nagpapakalasing ako. Ngayong araw akong umamin at di naging maganda ang resulta… at huwag naman sana pang dagdagan nang kamalasan.

Sa bilis nang paglalakad ko inabutan niya parin ako at hinawakan nang napakahigpit ang balikat ko. Muntikan pa akong masubsob. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya, pero pilit kong iniiwasan ang pagtingin sa mukha niya.

Kababata ko si Arvin at Seven Years ko na siyang di nakikita. Twelve years old kaming pareho nung Umalis siya. Alam kong straight siya pero mukhang ngayon hindi na!!!! Pareho na kaming 19.. at pareho nang lalake ang hanap namin.

Di parin ako tumingin sa kanya at sinabihan ko siya… “Arvin, don’t worry wala akong pagsasabihan na bakla ka, so please do the same for me”

“Teka nga! Try to look me eye-to-eye.” Ginawa ko ang utos niya.

“Please, kalimutan nalang natin yung nangyari… hayaan mo nalang akong umalis” sabi ko sa kanya.

“At bakit naman? Di mo ba nagustuhan?!” tanong niya.

“Hoy!” sabay sapok sa ulo niya.

“Hindi ka ba nandidiri?! Kababata kita! Pitong taon kitang hindi nakita! At iniisip ko palang yung nangyari kanina parang nasusuka na ako!” galit kung sigaw.

“Wow! Iba karin ano? Kung makapandiri ka diyan… bakit napapangitan ka ba sa akin?!” ganti niya.

“Alam mo ikaw…” sabay turo sa kanya “Bobo ka parin hanggang ngayon!”

“huh? Bakit? Ako.. BOBO?” tanong niya… napaka tanga talaga!

“Nandidiri ako kasi kababata kita! Remember?! Hindi ako nandiri dahil sa mukha mo! BOBO!”

“So, nag ga-gwapuhan ka sa akin?” nakangiti niyang sinabi.

“Alam mo… puta ka rin eh no?” naglakad ako papalayo sa kanya.

“teka!” sigaw niya… sinundan niya ako at inunahan ako sa paglakad.. humarap siya sa akin at patuloy sa paglakad.. paatras nga lang.

“Ano bah?” sigaw ko “Oh ngayong alam mong bakla ako, ano pang kelangan mo?!”

“Huh? Simula nung bata pa tayo.. alam kong bakla ka na.” sabi niya.

Napahinto ako sa paglalakad, sinubukan niyang huminto pero nahuli na siya kasi nabangga niya ang poste bago pa siya makahinto. Kung di lang ako nagulat sa sinabi niya panigurado ang lakas nang tawa ko.. pero….

“Anong sinabi mo?!” tanong ko sa kanya…

“I know that you’re gay even when we were kids?” ulit niyang sinabi.

“HOW DARE YOU!!” at sinuntok ko siya!

“FUCK!” sabay hawak sa pisngi niya! “Ba’t mo yun ginawa?!”

“Anong karapatan mong sabihin na bakla ako??!” grabe na ang galit ko.

“Kasalanan ko bang iba ka makatingin sa akin simula pa nung bata pa tayo?!” at ako naman ang tinulak niya.

“Sigurado ka bang yun ang iniisip ko?!!! Inisip mo bang gusto lang kitang patayin nun bata pa tayo?!! Huh gago ka!!”

“Patayin? Ako? Baka … hubaran?!! Tsaka ano bang problema mo?!! Ano bang ginawa ko sayo?!!

Tama nga naman.. napa-isip ako… di siya ang may kasalanan sa akin pero mukhang siya ang napagbuntungan ko.

“Ba’t ka kasi nasa Davao?! At ba’t ka nakipaghalikan sa akin?!!!” galit ko paring sinabi sa kanya.

“Unang-una dito ako nakatira sa Davao, pangalawa… ang gwapo mo eh!!” gaganti sana ako pero… di ako nakapagsalita at namula sa sinabi niya.

“Oh ano pang gusto mong itanong?!!!” sabi niya… ngayon mukhang siya naman yung nagalit.

“uhmmm… basta! Leave me alone!” tumalikod ako sa kanya at iniwan siya. Pero sinundan parin niya ako.

“Teka nga lang!” sabay hawak nanaman sa balikat ko. Tinaboy ko ang kamay niya pero ibinalik parin niya. “wala bang I miss you diyan? Kahit… Hi man lang?”

“Okay” huminto ako sa paglakad “Hi Arvin, kamusta ka na, maganda’t buhay ka pa” sarkastiko kong sagot…..

“Yan naman pala eh…” sabay pisil sa pisngi ko.

“and by the way Arvin… FUCK YOU!!!” sinamahan ko pa nang dirty finger habang naglalakad palayo.

Isa lang ang gusto ko… makalayo sa taong ito at kung pwede lang burahin ang pangyayaring ito sa isipan ko.

Si Arvin ang first love ko… ang Puppy love ko, at ang first heartbreak ko kasi iniwan niya ako na di ko man lang nasasabi ang nararamdaman ko. Ang sigurado ko… naging bakla ako dahil sa gagong yan… at dahil sa pagiging bakla pinalayas ako nang mga magulang ko!!!! Pumunta ako dito para makalimot hindi para balikan lahat!!!

“Oh no! I’m not letting you go! Not again!!” Sabay akbay sa akin!! Shit! May pagka-aso talaga!!

Ilang beses kong sinubukang alisin ang pagkakahawak niya pero mas hinihigpitan pa niya! Naglakad kami na ang kamay niya nakapatong sa balikat ko.

“Hoy! Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kanya.

“Oh no! not now! Not ever!” nakangiti niyang sinabi.

Siniko ko siya pero di parin siya bumitaw. “Pwede ba! Bitawan mo ako.. pinagtitinginan tayo oh!” sabay tingin sa mga taong dumaraan.

“Pake ko! Tsaka hanggang ngayon ba di mo parin ako napapatawad sa pag-alis ko?” tanong niya.

Kasing dilim nang gabi ngayon, parang ganun din ang naramdaman ko nang magtanong siya. Oo nasasaktan parin ako… pero matagal ko nang tinanggap. Di ko namalayan huminto pala ako sa paglakad at nakatitig sa mukhang minsang nagpatibok nang puso ko.

Lumingon siya at ang lapit lapit na nang mukha namin. Naamoy ko ang alak sa bibig niya nung magtanong siya “oh ano? Ang gwapo ko ba?”

Parang di ko narinig ang sinabi ko… hanggang namalayan ko nalang grabe na ang tawa niya.

“huh?! Anong?” shit anong sagot ko… huwag naman sanang  OO!!!

“Salamat ha! At naga gwapohan ka sa akin!” sabi niya… at tumatawa parin.

“Huh?! Sinong maysabi?!” biglang tanong ko.

“Nako naman Ken… huwag ka nang tumanggi.. nag YES kana!!” masaya niyang sinabi.

Binaling ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon kasi di ko alam ang gagawin sa kahihiyan.

Matapos niyang tumawa… inilipat niya ang kamay niya sa braso ko at dinala ako sa isang pagkainan. Isang fast food chain na 24 hours….. di ko alam pero nagpa-ubaya nalang ako sa kanya. Simula nung bata yun naman ang ginagawa ko eh..ang sumunod sa kanya.

Ipinaupo niya ako at pinagsabihan..

“Hoy! Don’t you dare leave me! Mag o-order lang ako nang pagkain natin… yun parin naman yung paborito mo diba?!”

“Ewan ko sayo!” at tinalikuran ko siya. Nag mukmuk lang ako sa lamesa.

Matapos ang ilang minuto dumating siya dala-dala ang sandamukal na French fries… dalawang sundae.. at hamburgers.

“Oh eto dinamihan ko na ang fries alam ko kasing paborito mo to” sabi niya.

“Sigurado ka?”

Tapos umupo siya kaharap nang upuan ko, lamesa at sandamukal na pagkain ang pumapagitan sa aming dalawa.


“Nako Ken, I deny mo pa! alam ko kahit nung bata pa tayo yung French fries talaga ang gusto mo… halos pinag dadamot mo pa nga sa akin eh!” tumawa na naman siya.

May galit ako sa kanya, pero napaka sweet isipin na kahit papano.. natatandaan parin niya yung mga ganung bagay. Ang mas lalong gumulat sa akin ay ang sunod niyang sinabi…

“Nung umalis kami… ilang araw akong nagmukmuk sa bahay, ayaw umalis, ayaw lumabas, at halos ayaw ko naring kumain…. At alam mo kung anong gamot nang kalungkutan ko? Yang French fries na paborito mo! Kasi pag naaalala kita.. sumasaya ako.” kumuha siya nang tatlong pirasong French fries at hinarap sa bibig ko na parang susubuan ako.

“Ayaw ko!!” sabay sarado sa bunganga ko.

“sige na.. please~” pagmamakaawa niya.

“No! you can’t force me!” ganti ko.

“please?” Nilapit niya na yung mukha niya na konting-konti nalang parang hahalikan na ako.

Ayaw kong may makakitang iba at baka husgahan pa kami.. kaya’t kahit labag sa kalooban ko ay kinain ko, na nagpasaya nang lubusan sa kanya… hindi ko alam pero parang batang kinikilig ang mokong.

“Ulit pa” masaya niyang sambit.

“Ulit?! Ano bang problema mo?!” parang ang weirdo nang taong to.

“Ang dami dami kong problema, pero mukhang ngayon wala na” parang masaya at malungkot niyang sinabi.

Muli niya akong sinubuan at tinanggap ko nalang ulit… mukhang nakakaawa kasi… susubuan pa sana niya akong muli pero mukhang naluluha na yata…

“hoy okay ka lang?” pag-aalala kong tanong… tsaka mukhang nakakahiya namang mag-drama dito.

“okay lang….” pero umiyak na talaga ang gago!

Jusko! Ano bang gagawin ko?!! Should I comfort him? Tap him on the back?! Say some words of wisdom?! O baka kelangan ko tung suntukin, sipain at maltratuhin?!! Ano bah dapat…?

Di pa ako nakapag-isip sa dapat kong gawin.. ay bigla siyang tumayo sa upuan niya at tumabi sa akin.. at niyakap ako at umiyak nang tuluyan.

Nawala lahat nang galit ko, at isang bagay lang ang nais ko.. pagaanin ang loob nang taong minsang nagpasakit sa buong pagkatao ko.

“hindi ko sasabihing okay lang yan, sapagkat alam kong hindi” sabay hagod sa likod niya.

“Pero eto ang sasabihin ko, nandito lang ako.”

Kung babalikan ko ang mga panahon dati… tandang-tanda ko pa kung gaano ko kamahal ang gagong to. Isipin niyo bata pa ako pero siya lang yung minahal ko. Pag naglalaro nang basketball… gustong gusto ko yung nagbabanggaan yung balikat namin

Yung pag natutumba ako siya ang tumutulong na magpatayo sa akin, instant holding hands.

Nagsasalitan kami sa pag ba-bike… paminsan ako ang naka angkas, paminsan siya naman.. ramdam ko pa yung etits niya sa likod ko, ako panay iwas dikit baka maramdaman niya yung galit na jun-jun ko.

Naglalaro kami nang langit lupa .. at parating ako ang taya…. Kasi okay lang na lupa ako dahil siya naman talaga ang langit ko.

PUTA! Ang landi ko kahit dati pa. Ang gwapo-gwapo niya, ang bango-bango… di ko inasahang sa isang lalake ako mahuhulog nang lubusan… yung banging parang walang katapusan.

Ilang taon na nung ako’y kanyang iniwan… pero hanggang ngayon buo parin ang aking nararamdaman.

At ngayon di ko alam kong anong dapat kung gawin…. Lalo na dito sa lalakeng ang higpit nang yakap sa akin.

Wala siyang sagot puro luha lang… alam kong dapat mas isipin ko siya pero basang-basa na po ako!! Parang naliligo na po ako. Aircon paman din ang lugar… kaya’t  mas lalong lumalamig ang basang t-shirt ko. Lalakeng lalake tingnan si Arvin pero grabe kung umiyak.

“tahan na” sabay hawak sa magkabilang balikat niya.

“Gusto mo bang pag-usapan natin?” tanong ko sa kanya.

Di parin siya sumagot at pulang-pula na ang mga mata niya.

“Arvin ano bang nangyari?” sabay punas sa luha niya gamit ang panyo ko.

Kinuha niya ang panyo ko inamoy-amoy ito at isang napakalakas na sikma. Shit! Nakakadiri… aanhin ko pa ang panyong yun, paborito ko paman din yun.

“Ken, naaalala mo pa ba si Papa?”

“Syempre naman… ambait kaya ni Tito Albert” masaya kong sagot.

“Patay na siya Ken….” At napaluha na naman siyang muli.

“Sorry Arvin” at hinagkan ko siya nang mahigpit, matagal…. At pilit na pinapagaan ang kanyang damdamin.

Nung medyo tumahan na siya.. ipinaliwanag niya sa akin ang mga pangyayari. Ang dahilan pala nang pag-alis nila ay dahil sa paghihiwalay nang mga magulang niya. May ibang nagustuhan ang Mama niya at pinagpalit silang mag-ama. Nanlumo ang Papa ni Arvin at mas piniling iwan ang lugar na pinagsimulan nila nang magandang buhay mag-asawa. Halos isang taon bago raw nakabalik muli sa pagtatrabaho ang Papa ni Arvin…. Halos napabayaan pa nga siya nito nung mga panahong kelangan niya nang magulang.

Pero nung naging mabuti na ang lahat bumawi naman raw si Tito Albert at mas naging malapit pa sila ni Arvin. Mahal na mahal ni Arvin ang Papa niya, kaya’t nung namatay ito ay halos ikagunaw nang mundo niya. Ang mas masakit pa raw, pumunta ang Mama niya kasama ang bago nitong pamilya. halos ipagtabuyan ni Arvin ang ina niya, pero sa huli napagod rin si Arvin… at mas piniling iwasan nalang ito.

Sinubukan daw nitong humingi nang tawad.. pero sinirado na ni Arvin ang puso niya sa inang ipinagpalit sila sa iba.

“Arvin, tumigil ka na sa pag-iyak, eto oh.. kainin mo” siya naman ang sinubuan ko nang French fries.

“pwede ba yung may ketchup?” sabi niya.

“Aba! Ikaw natung pinagsisilbihan ikaw pa tong maarte?” inis kong sinabi.

“Eh ginagawa mo narin lang.. edi ituloy mo na!”

“Alam mo ikaw Arvin, hanggang ngayon ganito ka parin! Palautos!”

“Bakit? Palagi ba kitang inuutusan dati?!!” sabi ni Arvin.

“Hoy! Simula nung bata pa tayo laging ako ang inuutusan mo! Pumunta ka doon, pumunta ka dito, kunin mo yun, itapon mo dun, kainin mo to. Hanggang ngayon ba naman?!” nang-init na naman yung ulo ko tuwing naalala ko yung mga panahong yun.

“Ken…” at kinuha niya ang dalawang kamay ko “Sorry na Ken” at may nagsusumamo pang mga mata. “Kasi naman dati, sarap mong abusuhin” at tinawanan niya nanaman ako.

Sinipa ko siya sa ilalim nang lamesa na nagpa-iktad sa kanya.

“Tang-ina mo rin eh no?!” sabi ko.

“Pero Ken, di nga… ba’t mo yun ginagawa para sa akin… talaga bang gusto mo ako?!!” sabi niya.

“Eh hindi ka pala sigurado na may gusto ako sayo dati eh?!! Eh ba’t parang ang confident mo kanina nung sinabi mong bakla ako!” at siya naman ang tinawanan ko.

“eh baka kasi…” di niya matapos-tapos ang sasabihin niya.

“eh baka naman kasi Arvin umasa ka talagang may gusto ako sayo dati!” nakaganti rin ako sa wakas.

Di siya nakasagot at ang pula-pula na nung mukha niya..

“SAPOL!” sigaw ko… “nako naman kasi Arvin, baka ikaw yung bakla nung mga bata pa tayo?!” ngayon siya naman yung binaliktad ko.

“hindi ah!!! Tsaka teka nga, pwede ba dun tayo sa labas mag-usap.. ang lakas kasi nang boses mo.” Sabi niya.

“Aba! Kanina iyak ka nang iyak .. pero di ka nahiya!” balik ko sa kanya.

“labas na nga lang tayo” at hinawakan niya ang palad ko.

Hinatak niya ako papalabas na magka holding hands…. Ang init nang kamay niya at ang lambot. Ang bango bango niya at napaka presentable.

“Oh ba’t mo ako dinala rito?!” tanong ko.

“Ken..” sabay hawak sa mga pisngi ko. “ I love you since…. we were ten.” Kitang kita ko na sincere siya dahil halos nalunod ako sa titig niya. “I know baka nandidiri ka, bata pa tayo nun pero gustong gusto na talaga kita!… nawalan ako nang pag-asa nung umalis kami ni Papa  pero ngayong nakita na kita ayaw na kitang pakawalan pa. Ken Rosales…. Please be honest …..do you have the same feelings for me?”

Di ako nakasagot… at di ko alam kung anong sasabihin ko.. sapagkat ilang taon akung naghirap para makalimutan lang siya.

“O ken! Ano bah! Paghihintayin mo nalang ba ako?! Please!! Ayaw mo ba? Galit ka ba? Kahit anong reply man lang”

Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at naglakad ako papalayo.

“Ken?!” sigaw niya… “Please don’t do this to me”

Pero nagpatuloy parin ako, walang lingon-lingon. Eto ang sinabi ko sa sarili ko “Arvin minsan mo na akong iniwan…. Papaano kung gawin mo na naman ulit, gusto ko, mahal kita, pero kakayanin ko pa ba?” Alam kong di ako hinabol ni Arvin…mabuti na siguro yun.

Nung Pinalayas ako, dito muna ako nanatili sa bahay nang kaibigan kung si Alice, mayaman siya at alam niya ang tungkol sa akin. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Alice kahit malapit nang mag madaling araw.

“O, ba’t parang ginahasa ka?” tanong ni Alice.

“Lampas pa!” halos maluha-luha parin ako. Matapos kung iwan si Arvin.. umiyak ako papauwi pero parang di pa nauubos ang luha ko.… nilakad ko lang hanggang makarating ako sa bahay ni Alice.

“Huh? Sino? Nakilala mo ba?! Paano ka ginahasa?! Mag rereport ba tayo?!” pag-aalala niya. Naiiyak ako, pero mas naiiyak ako sa pagkabobo nang kaibigan ko.

“Okay Alice… hindi ako ginahasa so tara na, papasukin mo na ako” at tumuloy ako… gusto pa ni Alice makipag-usap pero wala na akong gana at pagod na ang utak, katawan, at puso ko.

Di ako makatulog…. Iniisip ko parin kung bakit, kung papaano, totoo ba, mahal nga ba ako ni Arvin? Lampas pa sa kape ang pag-ibig... grabe kung maka palpitate ang puso.

Nung bandang alas dos nang umaga… may kumatok.

Si Alice ang nagbukas nang pinto…. Na irita pa nga siya dahil pagod siya at gusto na niyang matulog.

“Sino ka?” tanong niya sa lalakeng kumatok.

“Arvin… ako si Arvin”

Shit!! Tama ba yung rinig ko? Arvin? Puta! Adik yang lalakeng yan!!! Dali dali akong lumabas sa kwarto.

“Anong kelangan mo?!” tanong ni Alice.

“Si Ken” sagot ni Arvin.

Nako tung babaeng toh! Kung sa horror movies pa patay nato…. Kasi di man lang nag ingat bago buksan ang pinto, papaano kung killer yun?!

Nung lumapit ako sa pinto, kunwari’y wala akong narinig kanina “Sinong nandyan?” tanong ko kay Alice….na tinuturo si Arvin “Ikaw daw kailangan niya.”

Sana nga! Sana nga ako ang kailangan niya!! Yung kailangang kailangan talaga!

“Oh ba’t ka nandito?!” tanong ko kay Arvin.

“Kasi..” di siya makasagot.

“Wait ..Ken sino siya?” Usisa ni Alice.

“Ahhh pinsan ko! Si Arvin” sagot ko.

“OO pinsan niya ako.” Dagdag ni Arvin.

“Hi Arvin, sige matutulog na ako.. iwan ko na kayo.. tsaka kung gusto mo Ken dito mo narin yan patuluyin ang pinsan mo.. ang gwapo pa naman.” Sabi nang babaeng malandi bago pumunta sa kwarto niya.

Lumabas ako nang pinto hatak hatak si Arvin.

“Ano bah! Bitawan mo ako” edi binitawan ko siya.

“Okay, uulitin ko! Ba’t ka nandito, pano ka nakapunta dito, at anong dahilan mo?” tanong ko sa kanya.

“Sinundan kita pauwi, tsaka dalawang oras ako naghintay bago ko nakayanang katukin yang pinto niyo.” Sagot ni Arvin.

“Ngayon kasalanan ko pa?!”  sarkastiko kung dagdag.

“Pwede bah!! Ken aminin mo na! “

“Na ano?!” alam ko ang gusto niyang marinig pero ewan ko…

“Na gusto mo rin ako.”

“Huh?! Pano kita magugustuhan? Nasobrahan ka lang yata sa alak Arvin” bulalas ko.

“Ano bang kinatatakutan mo?” ngayon seryoso na siya.

“Wala naman… okay lang naman ako ah?!”

Hinawakan niya ang bisig ko “Ken huwag mo akong paglalaruan! Ano ba talagang problema mo?!”

“Alam mo ikaw(sabay duro sa kanya)…. Pumunta ka rito para marinig ang OO ko! Gusto mong I kumpirma kung may gusto rin ako sayo!! Pero Arvin papaano kong sabihin ko sa pagmumukha mo! HINDI! HINDI kita gusto!!!” Sigaw ko sa kanya.

Binitawan niya ang pagkakahawak sa bisig ko…. Tumamlay ang mata niya… naluluha siya.. at umatras nang ilang hakbang mula sa kanyang kinatatayuan at sinabing….

“Pasensya na Ken… sorry…” mahina niyang sinabi.

“Sorry kung umasa akong pwedi mo rin akong mahalin…. Sorry dahil tama ka… sorry dahil minahal kita….” At umiyak siya sa harap ko…. Unti unti siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Di na ako nakapag pigil… bumuhos na luha ko. Bago pa siya makalabas sa gate..sumigaw ako…..

“IKAW! Ikaw ang problema ko!” napahinto siya at lumingon siya sa direksyon ko.

“Ayaw kong maiwanang muli! Ayaw kong umasang pwede pa! ayaw kung maghintay sa wala! Ayaw kong umibig sa taong hindi ako kayang ibigin!!! Ayaw ko na!!” parang naubos na ang boses ko….

“Okay na ba yun?! Okay na ba?!” at tila natunaw ang tuhod ko at napaupo nalang ako sa sahig at patuloy na umiyak. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin…

“Ano ba kasing kinatatakot mo.. eh nandito lang naman ako ah?” umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

“Ilang taon kitang inibig, ikaw lang! At nung panahong gusto ko nalang magpakalasing at maghanap nang iba dahil inakala kong di na kita muling makikita, eh ikaw parin pala ang kahahantungan ko.. oh diba naghalikan pa tayo?.”

Nakasubsob parin ako sa may dibdib niya patuloy na umiiyak.

“Gusto kitang sabihan nun na mahal na mahal kita…. Pero mukhang angsagwa eh” patuloy ni Arvin. “Dati palagi kitang inuutusan, kasi ang iniisip ko… balang araw aalis ka… pero matapos mung magawa yung kelangan mo ay babalik at babalik ka parin sa akin para ipakita yung naabot mo” dagdag pa niya.

“Arvin, ginagawa ko yung inuutos mo kasi gusto kitang pagsilbihan, hindi lang yung bagay na pinag uutos mo yung dinadala ko pabalik, kasama na rin dun yung piraso nang puso ko, kaya’t nung iniwan mo ako… halos wala nang natira.”

“Ken…. Willing ka pa bang mag invest? “ seryosong tanong ni Arvin.

“Pwede pa bang mag deposit?” ganti ko.

“Pwede ka ring mag withdraw…. Pero kailangang halikan mo muna ako” at sinamahan pa ni Arvin nang napakagandang ngiti.

Unti unti siyang lumapit…. Ramdam ko ang paghinga niya.. nag tama muna ang mga ilong namin.. at hinagod pa niya ito nang kaunti. Pinaliyad ang kanyang ulo at dinilaan muna ang kanyang labi bago idinikit sa akin. Gumanti ako at nag espadahan ang aming dila.. laway sa laway. Ang sarap niyang humalik… puno nang pag-ibig, puno nang pagmamahal. Habang sa init nang aming ginagawa biglang nagbukas ang pinto.

“wow.. mag pinsan daw” nakangising sabi ni Alice.

“ahhh kasi” di na ako makasagot.

“Okay lang…. uso naman talaga ang incest” at pumasok siyang muli sa loob.

“Alam mo yang kaibigan ko may pagka engot talaga!” at hinalikan ko uli si Arvin.

“tsaka nga pala Arvin…… I love you since we were 8.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Since We Were 8
Since We Were 8
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhU4-T3EIgTU8_58P0cHjYMIqAPNB3sVw1SH-OJRJBH4XBnMbVR4aVxe5ugS_RhYRzmpAeytWgkeWgDYX96HaIYnm3mMmMf2od3lxWAbUfihQqJyxurZQtqNWtkQmoC0dLjNBm0gkTjlint/s400/Patrick.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhU4-T3EIgTU8_58P0cHjYMIqAPNB3sVw1SH-OJRJBH4XBnMbVR4aVxe5ugS_RhYRzmpAeytWgkeWgDYX96HaIYnm3mMmMf2od3lxWAbUfihQqJyxurZQtqNWtkQmoC0dLjNBm0gkTjlint/s72-c/Patrick.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/05/since-we-were-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/05/since-we-were-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content