$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Most Beautiful Affair

By: Arkinberg Ang alam ko, si Franco na yata ang taong para sa akin. Nasubaybayan namin ang isa’t isa bilang lumaki kaming pareho na mag...

The Most Beautiful Affair

By: Arkinberg

Ang alam ko, si Franco na yata ang taong para sa akin. Nasubaybayan namin ang isa’t isa bilang lumaki kaming pareho na magkasama. Lumaki kasi kami pareho sa isang exclusive school for boys at siguro dahil dun ay natutunan naming mahalin ang isa’t isa. Magkaklase kasi kami simula nung Grade 1 pa lang kami hanggang sa makagraduate kami ng High School.

Theo ang pangalan ko. Ako ngayon ay nagtatrabaho bilang isang Chemist. Gusto kong i-share sa inyo ang saya kapag nagmamahal at ang iba pang kaakibat nito.

First year High School pa lang ako ay alam ko na sa sarili ko na mahal ko si Franco, hindi ko nga lang maamin ito dahil baka hindi naman nya ako gusto. Para kasing naging normal na sa school namin na merong magpapartners, palihim ang mga ito at wala namang tumututol dito. Hanggang sa mag-Third Year kami sa High School at mas lalong lumakas ang nararamdaman ko sa kanya. Inamin ko ito sa kanya pagkatapos ng JS Prom namin nung Juniors pa lang kami. Akala ko ay hindi ako mahal ni Franco pero kabaliktaran pala ito. Inamin nya sa akin na matagal na syang may nararamdaman sa akin pero napili nyang hindi ito sabihin sa akin dahil natatakot sya na baka hindi ko sya magustuhan. Sobrang saya ko nung mga oras na yun, akala ko kasi ay hindi ako magugustuhan ni Franco at nung gabing yun ay naging official na magpartners kami.

Sa araw-araw na nasa school kami ay hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Hindi ko kasi inaasahan na mamahalin din ako ng kagaya ni Franco. Si Franco kasi yung tipong mahilig sa sports, yung sikat sa school dahil sa angking kakisigan at kagwapuhan. Maswerte ako na sya ang naging partner ko dahil sa magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Inasahan ko na tatagal ang relasyon naming dalawa at hindi naman ako nabigo dito. Pareho kaming pumasok ni Franco sa isang University sa Taft Avenue, napagkasunduan namin na tumira sa isang condominium na malapit sa school. Tutal kilala naman ako sa kanila at ganun din naman sya sa amin ay hindi kami nahirapan pareho na magpaalam sa mga magulang namin. Sobrang saya ko nung mga oras na yun, pakiramdam ko kasi ay nasa ibang level na ang relasyon naming dalawa. Nabuhay kaming dalawa na puno ng pagmamahalan sa condo unit namin. Siguro dahil mahal namin ang isa’t isa ay bihira lang kami mag-away. Halos hindi na kami umuuwi sa mga bahay namin dahil sa ayaw namin mapalayo sa isa’t isa. Akala ko din dati sa mga kwento ko lang nababasa yung mga kwentong ganito, yung mga magpartners na kahit papaano ay masasabi mong nagtagumpay kasi nakamit na nila yung parte na alam nila na sure na sila sa isa’t isa.

Umabot sa isa, dalawa, tatlong taon at nasundan pa ang mga taon na magkasama pa din kami at mas matatag ang relasyon namin. Mas naging matured din kaming dalawa sa relasyon namin. Sa tuwing linggo na nagsisimba kami ay madalas akong nagpapasalamat sa Kanya dahil sa hinayaan Nya na umabot kami sa ilang taon na magkasama. Alam ko na kasalanan ito sa Kanya kaya ipinauubaya ko na lang kung anuman ang plano Nya para sa amin, pero marahil ay nakikita Nya ang saya naming dalawa kaya patuloy pa din Nya kaming ginagabayan.

Kung tutuusin ay para na kaming mag-asawa ni Franco, parang kasal na lang ang kulang sa amin para masabing mag-asawa talaga kami. Alam ko naman na malayo ito sa hinagap kaya hindi na din ako umasa na aabot pa kami sa ganun. Araw-araw ay sinisigurado ko na naibibigay ko ang lahat ng kailangan ni Franco, yun kasi ang responsibilidad ko sa kanya bilang partner nya. Sa tinagal-tagal ng relasyon namin ay wala naman akong reklamo sa kanya, madalas ay binibigay nya ang mga pangangailangan ko at kung minsan pa ay pakiramdam ko ay sumosobra na din ako dahil sa madalas nya akong pinagbibigyan sa mga gusto ko na agad akong bumabawi sa kanya. Hindi ko naisip na minsan na maaari kaming maghiwalay, sobra sobra na kasi ang naipundar naming dalawa sa relasyon namin at alam ko na hindi nya ako susukuan agad kung may pagsubok man na dumating sa amin.

Nang makagraduate kami ni Franco ay lumipat kami ng tirahan sa BGC. Matagal na kasi namin ito pangarap na dalawa. Doon din namin ipinagdiwang ang ika-pitong anniversary namin at doon din namin inamin sa mga magulang namin ang relasyon naming dalawa. Nakaramdam ako ng pagtutol mula sa Papa ko pero alam ko na sa tamang panahon ay matatanggap din nya ito. Tanggap naman kami pareho ng mga magulang ni Franco at hindi namin sila nakakitaan ng pagtutol. Dumalo din ang mga malalapit na kaibigan namin at masayang natapos ang araw na yun.

Hanggang sa nagkaroon na kami ng trabaho pareho at iba na ang naging takbo ng mga buhay namin. Sa isang iglap ay nagtatrabaho na kami para sa ikakabuhay naming dalawa. Mas tumayong lalaki si Franco sa relasyon namin, mas naging provider sya dahil sa yun naman daw talaga ang dapat. Habang tumatagal ang pangarap ko na masaya at tahimik na buhay kasama si Franco ay parang matagal nang nagsimula at ineenjoy ko nung mga panahong yun, umaasa na lang ako na sana hindi na ito matapos pa.

Makalipas ang isang taon, bago ang aming ika-walong anniversary ay napansin ko na palaging may kausap si Franco sa cellphone nya, pero hindi ko naman ito ginawang big deal dahil sa alam ko na hindi naman gagawa si Franco ng anumang ikakasama ng loob ko. Hinayaan ko lang sya, dahil sa buong-buo ang tiwala ko sa kanya. Mas madalas gabihin si Franco tuwing Friday nights. Madalas silang lumabas ng mga katrabaho nya na ayos lang sa akin dahil ganun din naman ako sa mga katrabaho ko minsan.

Hanggang sa isang araw ay nagrinig kong nag-I love you si Franco sa cellphone nya, akala ko dati ay Mommy nya ang kausap nya, pero nung minsang tinignan ko ang call log sa cellphone nya ay “Sebastian” ang pangalan ng huling nakausap nya. Kinabahan ako nung mga oras na yun, pakiramdam ko kasi ay nagsisimula na si Franco na pagtaksilan ako. Buong gabi ay wala akong imik dahil sa nalaman ko, hanggang sa pagtulog ay iniisip ko kung anong relasyon ang meron si Franco sa Sebastian na yun, kahit na nakayakap sa akin si Franco nung gabing yun ay nakaramdam ako ng lungkot.

Kinausap ko si Jc, ang bestfriend ko, tungkol sa amin ni Franco.

“Mag-usap kayo, diretsuhin mo sya” ang payo sa akin ni Jc. Hindi ko alam kung susundin ko ang payo nya, natatakot kasi ako na baka yun na ang simula ng pagkawasak ng aming relasyon ni Franco. Nakiramdam lang ako sa mga nangyayari, para sa akin, habang magkasama pa din kami ni Franco sa unit at araw-araw syang umuuwi dito ay isang senyales na mahal pa din nya ako.

Inobserbahan ko sya ng halos isang buwan, walang pagbabago sa mga nangyayari, madalas pa din syang may kausap sa cellphone at mas lalong lumakas ang hinala ko. Isang gabi ay nagpaalam sya na lalabas kasama ang mga katrabaho nya, pumayag ako dahil sa palagi naman nya itong ginagawa. Pagkaalis nya ay sinundan ko sya, nang magpark ang sasakyan nya ay bumaba na din ako ng taxing sinasakyan ko. Kitang kita ko na may inakbayan syang lalaki at pareho silang pumasok sa isang restaurant. Nang makapasok sila ay tinawagan ko sya.

“Hello, saan ka na?” ang nanginginig kong sabi sa kanya.

“Andito na ako sa club kasama ko na mga ka-opisina ko” ang sagot niya sa akin.

“Ah ok, sige ingat ka, I love you” ang sabi ko kay Franco,

“Ok, bye, good night” ang tanging sagot ni Franco. Hindi nag-I love you back si Franco sa akin, marahil ay ayaw nyang ma-upset ang ka-date nya. Naluha ako nung puntong yun, nakumpirma ko na may iba na si Franco. Hindi ko inakala na mangyayari sa amin ang bagay na yun. Buong buhay ko nakasama si Franco at panatag ako na sya na talaga ang para sa akin, pero sa isang iglap ay hindi pala.

Wala ako sa sarili ko nung mga oras na yun, para akong nawala sa ulirat. Habang naglalakad sa parking lot ay hindi ko napansin na may umaatras na sasakyan, bigla itong bumusina at lumabas ang nagdadrive dahil sa muntik na akong maatrasan nito.

“Hoy, wag kang tatanga-tanga, parking lot ‘to hindi sidewalk na pwede mong lakaran, umalis ka na nga dyan” ang sabi ng driver at sumakay itong muli sa sasakyan nya.

“Siguro naman hindi sayo ‘tong parking lot kaya wag kang masyadong mayabang” ang wala sa sarili kong sinagot sa kanya. Binalikan ako ng driver at sinabi nyang,

“Anong sabi mo? Wag mo ko subukan, mainit ulo ko ngayon” ang galit na sabi nya sa akin. Nakita kami ng gwardya ng parking lot at inawat kaming dalawa. Pagkatapos nun ay umalis na ako at umuwi sa condo unit namin. Mas lalo akong naiyak nang makarating ako dito. Hindi ko kasi inaasahan ang mga nangyari, at alam ko na hindi na namin maibabalik ang dati sa amin dahil nabawasan na ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun, naghalo ang galit at lungkot sa akin nung mga oras na yun. Nagpunta ako sa isang simbahan na malapit sa amin at nagdasal, dahil dun ay napakalma ako at inayos ang sarili ko. Nang makabalik ako ng unit ay nag-empake ako ng ilang mga damit at tumawag sa amin na dun ako matutulog. Tinawagan ko si Jc at inayang kumain sa labas bago ako umuwi sa amin, sa kanya ko nilabas ang sama ng loob ko sa mga nangyari.

“Hiwalayan mo na sya, hayaan mo may ipapakilala ako sayo” ang sabi ni Jc sa akin habang kino-comfort ako.

“Wag na, tatanda na lang akong mag-isa, mag-aampon na lang ako ng bata para may anak ako” at nagtawanan kami. Nang gumaan-gaan na ang pakiramdam ko ay umuwi na ako sa amin. Sinalubong ako ng mga magulang ko at tinanong kung bakit biglaan ang pag-uwi ko sa amin. Nagdahilan na lang ako na out of town si Franco at ayoko na ako lang ang mag-isa sa unit.

Nang pumasok ako sa dati kong kwarto ay naiyak nanaman ako. Nakita ko kasi ang luma naming picture ni Franco nung bata pa kami. Mahal ko si Franco at may bahagi sa akin na tatanggapin ko pa din sya sa kabila ng mga nangyari pero ayoko na mabuhay sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan, narealize ko kasi na baka may hindi ako naibigay kay Franco na nahanap na nya sa iba. Sa puntong yun, naisip ko na baka kasalanan ko din ito, kung masaya pa kasi sa akin si Franco ay paniguradong hindi sya maghahanap ng iba.

Hindi ko napansin na hindi ko pala nai-lock ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang Papa ko, nakita nya na umiiyak ako at kinausap nya ako.

“Nararamdaman ko na may nangyari sa inyo ni Franco kaya ka umuwi dito satin” ang sabi ng Papa ko sa akin at mas lalo akong naiyak.

“Kaya noon, tutol ako sa inyo, hindi dahil sa hindi kita tanggap, ayoko kasi na masaktan ka, hindi mo yan maiiwasan dahil nagmamahal ka at yun ang ayaw ko na mangyari sayo. Pero nangyari na yan, wala na tayong magagawa, hindi kita mabibigyan ng payo kung anong gagawin mo, kasi ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin. Hanggang sa kailangan mo ng bahay habang nag-iisip-isip ka, bukas na bukas ang bahay natin para sayo” ang dagdag ng Papa ko.

“Thank you, Pa” ang sagot ko sa kanya. Dun ko lang naramdaman na mahal din pala ako ng mga magulang ko kahit ganito ako. Tinawagan agad ako ni Franco kinagabihan, nabasa na nya marahil ang iniwan ko na note sa unit na nasa bahay namin ako. Hindi ko na sinagot ang mga tawag nya at natulog na.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Franco sa bahay, kinausap sya ng Papa ko na ayusin ang kung anumang problema namin. Kinutuban na si Franco sa mga nangyayari, kaya nung dumating kami sa unit ay kinausap nya ako.

“Anong problema daw natin sabi ni Papa?” ang tanong nya sa akin. Hindi agad ako nakakibo sa sinabi nya, muling nanggilid ang mga luha sa mata ko, naalala ko pa din kasi ang sakit na naramdaman ko nung nakita ko sila.

“Alam ko na, hindi mo talaga kasama ang mga ka-opisina mo kagabi, sya ba si Sebastian?” ang sagot ko habang tinitignan ang reaksyon nya. Kitang kita ko na nagulat si Franco sa mga sinabi ko.

“Kaibigan lang yun, ‘wag ka na magalit dahil lang dun”

“Desisyon mo yan kung hanggang kelan mo ako lolokohin o papaikutin, natuto ka nang magsinungaling, Franco” ang sabi ko habang pumasok na ako sa kwarto namin. Nahiga lang ako at nagpaalam sa opisina na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.

Kinagabihan ay naghanda si Franco ng dinner namin at nagsosorry sya sa akin at nilinaw nya na wala silang relasyon ni Sebastian. Hindi ako naniwala sa mga sinabi nya, habang nagsasalita sya ay parang hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi nya. Tumatango na lang ako para matapos na din ang pagsasalita nya, maya-maya pa ay tumayo si Franco at niyakap nya ako, sa isang iglap ay parang nawala ang sama ng loob ko sa kanya.

Pero pilit bumabalik sa akin ang sama ng loob na nararamdaman ko. Kaya tinext ko si Jc para lumabas kami kinabukasan, tutal weekend naman kaya madami kaming oras na mag-usap. Sa bahay na lang nila kami nag-usap dahil madaming niluto ang Mommy nya dahil alam na dadating ako. Nang makarating ako sa bahay nila ay nag-aya na kumain ng lunch si Jc.

“Tara kain na muna tayo, ay oo nga pala, nandito na yung ipapakilala ko sayo, pinsan ko sya” ang sabi ni Jc sa akin sabay ngiti. Pinuntahan ni Jc sa kwarto ang pinsan nya para tawagin. Dahil nakatalikod ako ay hindi ko napansin ang pinsan ni Jc na nasa likod ko na pala.

“Patrick” ang sinabi lang nya sa akin habang inabot nya ang kamay nya, inabot ko din ang kamay ko sa kanya. Nagkatitigan kami dahil sa parang pamilyar ang mukha nya. Nagulat ako nang sya yung pinsan ni Jc at parang nakilala din nya ako.

“Ikaw? Ano ba ‘yan sa dinami-dami ng pinsan mo, sya pa?” ang sabi ko kay Jc.

“Bakit, magkakilala na kayo?” ang sagot ni Jc sa akin.

“Naku, yan ba yung bestfriend mo? Eh tatanga-tanga naman yan eh, muntik ko nang maatrasan yan sa parking lot” ang sabi ni Patrick habang umuupo.

“Excuse me? Etong hambog at tanga mong pinsan na akala nya pag-aari nya yung parking lot at sya pa ang galit ha” ang sabi ko.

“Hindi ako tanga, ikaw ang tanga” ang sabi ni Patrick sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Patrick sa akin, marahil tanga nga talaga ako dahil sa tinagal-tagal namin ni Franco ay hindi ko napansin na hindi na sya masaya sa akin, maya-maya pa biglang sumingit si Jc sa usapan.

“Hindi ko kayo aawatin, kasi dyan naman nag-uumpisa ang lahat eh, iisipin ko na lang na nanonood ako ng isang pelikula” ang sabi ni Jc sa amin sabay ngiti na nang-aasar.

Sumusulyap-sulyap ako kay Patrick, hindi ko napansin na gwapo din pala ‘tong mokong na ‘to. Kayumanggi, matangkad, semi-kalbo, may facial hair. Yan ang mga napansin ko sa kanya kaya hindi ako mapalagay hanggang sa makabisado ko sa isip ko ang itsura nya. Nabasag lang ang pagiging awkward nung mga oras na yun nung nagbiro sya.

“Sige, papayag ako sa suggestion mo pinsan na isama ‘tong si Theo sa gala minsan, baka mabawasan ang pagiging tanga pag naexpose sa mga kagaya ko” ang sabi nya habang nakangisi sa akin.

“Bakit? Matalino ka ba?” ang sagot ko sa kanya.

“Minsan, depende sa kasama” ang sagot nya at nagtawanan kaming tatlo.

Maya-maya pa ay nagkwentuhan kaming tatlo sa garahe nila, iniwan kami saglit ni Jc dahil may tumawag sa kanya. Madaming kwento si Patrick na ikinatuwa ko, nun na lang kasi ako nakakilala ng gaya nya simula nung naging kami ni Franco. Ayoko din kasi na magselos si Franco kaya hindi ako masyadong nagiging close sa ibang lalaki na nakikilala ko. Maya-maya pa ay may dumaan na magtataho at bumili si Patrick ng dalawa, nang akala ko kay Jc yung isa ay inabot nya ito sa akin.

“Sayo yan, hindi naman kumakain si Jc nyan, bakit? Hindi ka kumakain nito?” ang sabi nya sa akin at kinuha ko ang taho sa kanya.

“Wala naman, hindi na kasi ako nakakakain nito, ayaw kasi ng partner ko ng taho kaya hindi nya ako pinapakain nito” ang sagot ko sa kanya.

“Wala naman sya ngayon, baka pwede na” ang sabi nya at nginitian nya ako. Kinain ko din ang taho na bigay nya sa akin at maya-maya pa ay nagsalita sya.

“Dapat kung ano gusto mo bilang ikaw, hindi na dapat pinapakialaman yun ng partner mo, ikaw yan, buhay mo yan, gagawin mo lahat ng gusto mo at mamahalin ka pa din nya ng buong-buo” ang sabi ni Patrick sa akin sabay iwas ng tingin. Napansin ko na malungkot sya nung mga oras na yun.

“Hugot?” ang sabi ko sa kanya at tinignan ko sya, pero hindi na sya nakatingin sa akin.

“Kakabreak lang namin nung partner ko, nung una kitang nameet sa parking lot, kaya mainit ulo ko nun, sorry nga pala ha” ang sabi nya sabay tapik sa braso ko.

“Ok lang yun, kasalanan ko din naman”

“Teka, nasaan na si Jc bakit hindi na bumalik?” ang sabi sa akin ni Patrick at pinuntahan namin sa kwarto si Jc. Nakita namin na natutulog na sya nung pumasok kami ng kwarto nya. Ginising ko sya at sinita.

“Bakit naman tinulugan mo kami? ang sabi ko sa kanya sabay higa sa kama nya.

“Makikisali pa ba ako sa inyo?” sabay tawa si Jc. Nagpaalam na din ako dahil ayoko magpaabot ng dilim. Sinabi ni Jc na ihatid ako ni Patrick sa unit namin, pumayag naman sya at hinatid nya ako. Madami pa kaming napagkwentuhan ni Patrick at parang nabitin kami nung pababa na ako.

“Thank you, ingat ka” ang paalam ko kay Patrick pagkababa ko ng sasakyan nya.

“Kung gusto mo, let’s getaway. Sama ka sa akin next Saturday sa beach, kung gusto mo itext mo lang ako, eto number ko” at ibinigay ni Patrick sa akin ang number nya at nagpaalam na sya sa akin.

Tumango na lang ako at sinabing magtetext na lang ako kapag napagdesisyunan ko na. Nang papasok na ako ng lobby ay nakita ko sa gilid ng building ang sasakyan ni Franco, ang alam ko kasi ay nasa parking ito sa basement at nagtaka ako kung bakit nasa labas na ito ngayon. Nang papalapit na ako ay nakita kong kayakap ni Franco si Sebastian at kitang-kita ko na hinalikan pa nya ito sa noo, hindi sila pansinin sa lugar na yun dahil madaming halaman kaya malaya nilang nagawa yun. Gusto ko nang sumabog nung mga oras na yun. Pakiramdam ko kasi hayagan na ang panloloko sa akin ni Franco. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong mag-eskandalo, ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko sa nakita ko. Hindi na ako naiyak nung mga oras na yun, sa halip ay puro galit na lang ang nararamdaman ko kay Franco.

Nang makarating ako sa unit namin ay naupo muna ako saglit. Natatakot ako na baka masaktan ko physically si Franco pagdating nya. Naligo ako at dun na ako naiyak. Naisip ko na talagang pinanindigan na ni Franco ang panloloko sa akin. Pagkatapos nun ay nagpasya akong lumabas para gumimik. Gusto kong maglasing nung gabing yun. Sakto namang papasok na si Franco nang makita nya akong nakabihis at papaalis na.

“San ka punta?” ang tanong ni Franco sa akin.

“Maglalasing. O, tapos na ba kayo magyakapan ni Sebastian? Dapat dito na lang kayo sa unit para naman nakapaghalikan pa kayo” ang sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko.

“Theo, wala yun, nagpaalam lang kami sa isa’t isa. Hindi na kami magkikita ulit, ayoko nang saktan ka pa”

“Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa mo yan sakin, maiintindihan ko pa kung naghihiganti ka lang sakin dahil niloko kita, pero ano, hindi naman diba” ang sabi ko sabay dabog sa pinto. Hindi na nakasunod pa si Franco hanggang sa makasakay ako sa elevator. Tinext ko si Jc na magkita kami sa club para magliwaliw. Pagdating dun ay hindi ko naitago sa kanya ang nararamdaman ko at pilit nya akong sinabihan na hiwalayan na si Franco. Naisip ko na baka hindi ko din kayanin na hiwalayan si Franco. Sobrang mahal ko sya kahit na niloloko nya ako. Sobrang litong-lito ako nung mga panahong yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit na ganun ay nagawa kong magsaya nung gabing yun at nakalimot ako sa mga problema ko kay Franco.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at sabado noon, wala na si Franco paggising ko, malamang nasa gym sya. Naalala ko ang imbitasyon sa akin ni Patrick na sumama sa kanya sa beach. Agad-agad ay tinext ko sya na sasama ako at nagreply naman sya na susunduin nya ako in 2 hours. Nag-ayos ako ng mga damit ko at mga gamit. Tinext ko na lang si Franco na aalis ako. Nung tinanong nya kung saan ako pupunta ay hindi na ako nagreply.

Makalipas ang dalawang oras ay dumating na si Patrick, kahit na may problema ako ay excited ako sa biyahe namin ni Patrick. Nakalimutan ko nung mga oras na yun ang lahat ng sama ng loob ko. Kakaibang saya ang naramdaman ko kasama si Patrick, parang yung pakiramdam ko nung nag-uumpisa pa lang kami ni Franco. Medyo malayo ang beach na pinuntahan namin, sa bandang La Union pa kasi ito pero sulit naman ang biyahe kasama sya. Magsusurfing pala si Patrick nang makita ko ang surfboard nya na pinakuha nya sa mga staff sa resort nang makarating kami doon. Dun ko din nalaman na part owner sila ng resort na yun.

Nang matapos kaming kumain ay inaya ako ni Patrick na magsurf.

“Hindi ako marunong nyan” ang sabi ko sa kanya.

“Ako bahala sayo, di kita papabayaan” ang sagot nya sa akin sabay ngiti. Bago kami lumusong sa dagat ay tinuruan muna ako ni Patrick ng mga basics kung paano magsurf. Nang nakuha ko na ay sinubukan na namin. Sobrang takot ako nung mga panahong yun dahil sa laki ng alon.

“Natatakot ako” sabi ko sabay pigil sa kanya.

“Wag ka matakot, nandito lang ako” at biglang hinila ako ni Patrick papalayo sa pampang. Naramdaman ko na hindi ako papabayaan ni Patrick nung mga oras na yun kaya nagtiwala ako sa kanya. Nang umalon na ay sumabay ako dito. Ilang tumba muna ang natamo ko bago ko nakuha ang ritmo. Sobrang sarap sa pakiramdam nung makasabay na ako sa mga alon nang hindi natutumba. Nang papalapit na ako sa pampang ay muntik na akong mahulog mula sa surfboard pero nasalo ako ni Patrick. Halos nakayakap na si Patrick sa akin nung nasalo nya ako, ramdam ko ang kakisigan nya. Nakaramdam ng kakaiba si Patrick pati na din ako, bigla akong bumitiw sa kanya at inabot ang surfboard nya. Pinanood kong magsurf at hanga ako sa galing nya. Nang matapos sya ay tinabihan nya ako sa pampang.

“Ang galing mo ha, hanga na ako sayo” ang sabi ko sa kanya.

“Ako pa ba?!” at nagtawanan kami. Nag-usap pa kami at pagkatapos nun ay inaya nya akong kumain ng meryenda. Nang kinagabihan na ay nagdinner kami at nanood sa cultural dance na ginawa ng mga staff nila. Peak season kasi nun at maraming bisita kaya ganun na lang ang pag-entertain nila sa mga bisita. Bago kami matulog ay napagkasunduan namin na iinom kami. Nagpadala si Patrick ng ilang beer sa kwarto namin at nagsimula na kaming mag-inuman. Pinipilt akong magkwento ni Patrick sa mga nangyayari sa amin dahil narinig daw ang usapan namin ni Jc sa cellphone at naiiwasan ko pa ito nung una. Nang tumagal na ay hindi ko na natiis at kwinento ko sa kanya ang panloloko sa akin ni Franco. Doon na din ako naiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Niyakap ako ni Patrick habang umiiyak ako. Damang-dama ko ang concern nya para sa akin. Doon ko din naramdaman na baka mahal din nya ako. Nung mga oras na yun ay narealize ko din marahil ay may puwang sa puso ko para kay Patrick, at sa pinapakita nya sa akin ay hindi malayong ma-inlove ako sa kanya. Napayakap din ako sa kanya at naisip na kung maaga kong nakilala si Patrick ay malamang na sya ang partner ko at hindi si Franco. Nang tumahan na ako sa kakaiyak ay bigla nya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa nya at ganun din naman sya.

“Sorry” ang sabi ni Patrick sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa, pero alam ko sa sarili ko na gusto ko ang halik nya at gusto ko pang maulit ito. Bigla ko syang hinalikan at nanlaban naman sya. Umakyat ang kamay ko sa balikat nya at hinila ko sya papalapit sa akin. Hinawakan nya ako sa likuran at mas lalong naging mapusok ang halikan namin. Hinatak nya ako patayo at hinila sa kama. Patuloy pa din kami sa halikan at may nangyari sa amin nung gabing yun. Kay Patrick ko lang naramdaman yung kakaibang sarap na hindi ko pa naranasan kay Franco. Matapos nun ay natulog kami ng magkayakap. Doon ko lang nakumpirma ang pagmamahal na meron ako sa kanya kahit hindi pa kami matagal na magkakilala at ganun din naman sya sa akin. Nagising ako sa isang halik mula kay Patrick at doon pa lang ay nabuo na agad ang araw ko.

Buong araw kaming magkasama ni Patrick sa beach, pero iba na ang turingan namin sa isa’t isa. Mas may kahulugan na ang lahat. Mas malambing si Patrick nung mga oras na yun sa akin at masaya ako na naipapakita nya ito sa akin. Sinuklian ko ang mga ito sa paraang alam ko na makakapagpasaya sa kanya. Nang matapos na ang gabi ay masaya kaming natulog na dalawa.

Kinabukasan ay bumalik na kami ng Manila. Hinatid nya ako sa condo namin, bago ako bumaba ng sasakyan nya ay isang halik ang ibinigay nya sa akin. Napangiti ako dito at bumaba na. Nang makarating ako sa unit ay nandoon si Franco na naghihintay sa akin. Niyakap nya ako at sinabing,

“Ayusin natin ‘to please? Mahal na mahal kita, hindi ko kaya pag wala ka” at bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil naiyak na sya nung mga oras na yun. Malamang, nagsisisi na talaga si Franco sa ginawa nya sa akin. Hindi nya dineny o kinorfirm ang sa kanila ni Sebastian. Gusto ko na din sanang patawarin si Franco pero humingi ako ng panahon para dito. Hindi ako umalis ng unit na tinitirhan naming dalawa. Kung tutuusin ay kaya ko namang patawarin si Franco, marahil hindi ko lang matanggap sa sarili ko na may pagkukulang din ako sa kanya sa kabila ng lahat ng effort ko para maibigay ko ang lahat ng kailangan nya bilang partner nya.

Patuloy pa din kaming nagkikita ni Patrick at masaya ako na nagagawa namin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon kagaya ng pagkain ng mga streetfoods at pagpunta sa Divisoria. Masyado kasing OC si Franco kaya hindi nya ako pinapakain ng streetfoods at hindi sya komportable sa mga lugar na madaming tao. Sa tuwing kasama ko si Patrick ay pakiramdam ko na ligtas ako palagi. Si Patrick na din ang madalas kong kasama sa tuwing nagsisimba kapag linggo. At dahil sa mga bagay na ginagawa namin ay mas tumindi ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Maraming beses namin nagawa ni Patrick ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan. Masaya ako na sa kanya ko naibibigay yung pagmamahal na dapat ay kay Franco.

Sa kabilang banda ay naramdaman ko na parang pinagtataksilan ko si Franco. Sa bagay, nagawa naman nya sa akin ito, ano ba naman yung maranasan ko din itong gawin sa kanya para maramdaman ko din kung bakit nga ba masarap ang bawal. Para na din maging ‘quits’ na kami ni Franco. Noon ko lang narealize na siguro nga ay mas mahal ko na si Patrick kesa kay Franco. May mga bagay kasi na si Patrick lang ang nakakapagpadama sa akin. Si Patrick na palaging risk-taker at hindi madaling matakot. Alam ko na kahit anuman ang gawin ko ay hindi ako papabayaan ni Patrick at yun na marahil ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko sya.

Hindi namin kailangan magtago ni Patrick kay Franco, kasi pakiramdam namin ay ok lang ang mga nangyayari sa amin dahil sa ginagawa din naman ito sa akin ni Franco at ni Sebastian. Madalas kaming manood ng sine ni Patrick, hanggang sa may bagong palabas ay hindi namin ito pinalalampas at napapadalas din ang paglabas namin tuwing weekends. Nakakarating kami sa mga lugar na malayo sa Manila. Sa dalas na magkasama kami ay alam na namin sa isa’t isa kung ano ang katayuan namin. Madalas akong pagsabihan ni Jc na hiwalayan na si Franco para maging malaya na kami ni Patrick, pero yun na marahil ang hindi ko pa magawa dahil nag-eenjoy pa ako sa aming dalawa ni Patrick habang kami pa ni Franco. Dahil hindi ako natatakot sa kung anuman ang isipin ni Franco sa amin ay minsang isang gabi ay inaya kong magdinner sa unit si Patrick at para makilala din naman nya si Franco. Hindi ito alam ni Franco at gusto ko syang sorpresahin. Nang dumating kami sa unit ay nagulat ako na nandoon si Sebastian at nag-uusap sila. Nagulat din ang dalawa pati na din si Patrick.

“Bakit magkasama kayo?” ang tanong ni Sebastian kay Patrick.

“Bakit hindi? Tsaka ano naman pakialam mo kung magkasama kami? Kayo? Bakit kayo magkasama? Dude! Franco! Nagkita din tayo ulit. ‘Buti na lang inagaw mo sakin yang taksil na yan kundi baka hanggang ngayon pinagtataksilan pa din ako nyan” ang sabi ni Patrick na galit na galit nung mga oras na yun. Nalito ako nung mga oras na yun. Hindi malinaw sa akin ang lahat.

Hindi nakakibo ang dalawa sa amin. Nilapitan ako ni Franco at hinatak papalayo kay Patrick.

“Nandito si Sebastian para makausap ka, para sabihin sayo na walang nangyayari sa amin. Theo, matagal ko nang nararamdaman na may iba ka, sya ba yun ha? Sya ba!” ang pasigaw na sabi ni Franco sa akin.

“Paano kung sabihin ko sayong oo? May magagawa ka pa ba?” ang sagot ko sa kanya habang nakatitig nang masama sa kanya.

“O ayan quits na tayo, eh di alam mo na ang pakiramdam ng pagtaksilan? Sabagay hindi ko naman ito pinagsisisihan, sobrang mahal ko si Theo, hindi ko na sya ibabalik sayo” ang sabi ni Patrick kay Franco. Muntik na magsuntukan ang dalawa pero napigilan namin sila ni Sebastian. Nagmumrahan ang dalawa habang nakapangitna kami ni Sebastian. Maya-maya pa ay hinatak na ako papalabas ni Patrick. Pagsakay namin sa kotse nya ay hindi ko na napigilang mapaiyak.

“Sorry Theo, pero hindi ko sadya ‘to. Hindi ko alam na ikaw ang partner ni Franco. Kaya siguro nakilala kita nung gabing pinagpalit ako ni Sebastian kasi sinundan mo si Franco at nakita mong pumasok silang dalawa sa restaurant, kaya mainit ang ulo ko nun kasi iniwan na nya ko nung gabing yun” ang sabi sa akin ni Patrick at niyakap ko sya. Gusto ni Patrick na sa bahay nya ako matulog pero nagpahatid na lang ako sa bahay ng mga magulang ko.

Isang linggo din akong nanatili sa bahay namin, pinakuha ko na lang kay Jc ang ilang gamit at mga damit ko. Habang nasa bahay namin ako ay narealize ko na maling-mali ang nagawa ko kay Franco. Hindi kayang tumbasan ang isang kasalanan ng isa pang kasalanan. Ginusto ko din na maranasan ang pakiramdam ng magmahal ng iba habang nakatali sa isang tao. Sabi nga nila masarap ang bawal at totoo ito. Baka hindi na ako ganun kamahal ni Franco kaya nagawa nya sa akin yun, pero hindi ibig sabihin na dahil nagawa ko din yun sa kanya ay hindi ko na sya mahal. Sa kabilang banda mahirap itapon ang halos labing-pitong taon na kasama si Franco at mas lalong mahirap itapon ang halos walong taon na magkarelasyon kami, pero kailangan kong mamili kay Patrick at kay Franco.

Alam ko na hindi namin maayos ang lahat kung patuloy kong tatakasan ang nangyari sa amin ni Franco. Kaya napagkasunduan namin na mag-usap nung ika-walong anniversary namin sa condo. Imbis na masaya kaming nagcecelebrate ay kabaliktaran ang mga nangyari. Inamin nya sa akin na nagkaroon sila ng relasyon ni Sebastian pero tinigil din nya ito dahil sa ayaw na nyang palalain pa ang pagtataksil nya sa akin. Naiyak sya nung mga oras na yun, dahil sa pagkakamali na nagawa nya sa akin. Doon din ay inamin ko na mahal ko si Patrick at humingi ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya. Tinanong nya ako kung gusto ko pa magpatuloy sa relasyon namin.

“Ngayon, we live like this, may problema tayo, its like having a nightmare, nung nagsimula tayong dalawa, it was a dream, ngayon narealize ko, I want to live somewhere in between” ang sabi ko sa kanya at niyakap ko sya. Nung gabing yun ay natulog kami ni Franco na magkasama. Muli, ay naramdaman ko ang pagmamahal nya.

Kinabukasan ay nagkita kami ni Patrick at nag-usap kaming dalawa.

“Ano, pwede na ba nating ipagpatuloy yung satin?” ang sabi ni Patrick sa akin.

“Kailangan ba panindigan ang pagkakamali natin?, Hindi tayo magiging masaya nang ganito. Nakasakit tayo ng iba” ang sagot ko sa kanya. Hindi na nakapagsalita si Patrick. Napayuko na lang sya at napansin ko na tumutulo ang luha nya. Niyakap ko sya at naiyak lalo sya.

“Mahal na mahal kita, Theo”

“Mahal din kita, pero mali ‘to. Ayusin muna natin ang lahat, at pag maayos na, baka pwede na tayo” ang sagot ko sa kanya. Tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit. Maya-maya pa ay nagpasya na akong umalis.

“Hihintayin kita” ang sabi sa akin ni Patrick at hinalikan nya ako sa labi.

“Sana pag maayos na ang lahat nandyan ka pa rin, wag kang magsasawang maghintay” ang huling sabi ko sa kanya at umalis na. Umalis ako na baon ang pagmamahal ni Patrick at umaasa na balang araw ay may panahon pa para sa aming dalawa.

Pagbalik ko sa condo unit namin ay nandoon na ang mga kahon na inorder ko. Nagsimula na akong mag-empake ng mga gamit ko. Nakaramdam ako ng lungkot habang nilalagay sa box ang mga gamit ko, pero naisip ko na mas mabuti na yun kesa naman mabuhay kami na magkasama ni Franco pero alam namin na may lamat na ang tiwala sa aming relasyon. Masaya din ako kahit papaano dahil nabuhay ako ng ilang taon na masaya kasama sya. Ipinagpapasamat ko din sa Kanya na nakatagpo ako ng kagaya ni Franco na minsang nagmahal sa akin ng totoo.

Nang tapos na ako mag-empake ay nagpasya na akong umalis. Biglang dumating si Franco at nagyakapan kami.

“Sorry and thank you, for everything” ang sabi sa akin ni Franco.

“Sorry and thank you din Franco, Alagaan mo ang sarili mo, oo nga pala, binibigyan ko na kayo ng blessing ni Sebastian, ayoko din naman na mag-isa ka lang, you need him” ang sabi ko sa kanya. Nginitian ko si Franco at ilang minuto pa ay umalis na ako.

Tumira ako ulit sa bahay namin. Masaya ako na nakasama ko ang pamilya ko bago ko tanggapin ang offer na malipat sa ibang site abroad. Makalipas ang dalawang buwan ay papaalis na ako. Nakapagpaalam ako sa mga kaibigan ko pero hindi na kami ulit nagkita ni Patrick, marahil ay hanggang dun na lang talaga ang sa amin.

Nang papunta na ako sa airport ay dumaan ako sa simbahan na palagi naming pinagsisimbahan ni Patrick dati. Ipinagdasal ko ang kaligayahan ni Patrick nung panahong yun at ang pagiging safe ng mga mahal ko sa buhay. Nang papasakay na akong sasakyan papuntang airport ay may natanggap akong text mula kay Patrick.

‘Mag-iingat ka. ‘Till we meet again” ang sabi nya sa text sa akin. Napangiti ako dahil sa text nya at umaasa sa panahon na para sa amin.

Hindi na ako nakauwi sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon dahil sa kontrata. Nang matapos ang dalawang taon ay nagleave ako sa trabaho para makauwi sa Pilipinas para makita ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Hindi ko na inasahan na magkikita pa kami ni Patrick. Ang huli kasing balita ko sa kanya mula kay Jc ay nasa Australia daw ito. Malamang ay dun na sya nagsettle, kahit na ganun pa man ay hindi ako nakaramdam ng lungkot, alam ko kasi na kahit saan pumunta si Patrick ay makakatagpo sya ng taong magmamahal sa kanya at dahil dun ay hindi sya magiging malungkot.

Sinundo ako ni Jc sa airport at dumiretso kami sa bahay namin para maglunch. Kinagabihan ay pinapunta ko ang mga malalapit naming mga kaibigan. Ang saya ko nung gabing yun, pero hindi ko maitanggi na naiisip ko si Patrick nung mga oras na yun.

Kinabukasan ay pumunta ako sa party na inorganisa ni Franco para kay Sebastian. Halos ako kasi ang nagbigay ng ideya sa kanya nung nagtanong sya sa akin thru online chat kung paano magpopropose kay Sebastian, kaya importante daw na nandoon ako sabi ni Franco. Pumayag ako na pumunta, wala na kasi akong nararamdaman na bitterness sa kanilang dalawa, ganun nga siguro kapag buong-buo ang pagpapatawad mo sa nakagawa ng mali sayo. Alam ko na nagawan ko din ng mali si Franco at humingi ako ng tawad sa kanya noon. Kaya siguro naging magkaibigan pa din kami sa huli kasi maayos kaming naghiwalay. Akala ko noon hindi ko kaya na mawala si Franco sa buhay ko, pero mali ako, kaya ko pala, kayang-kaya.

Pagdating ko sa venue ay tumulong pa ako sa pag-aayos. Kitang-kita ko kay Franco ang excitement at natuwa ako dito. Nang dumating si Sebastian sa venue ay ako ang una nyang nilapitan at nagkayakapan kami. Kahit na hindi kami magsalita ay alam na namin ang ibig sabihin nun. Walang alam si Sebastian sa mga mangyayari, ang alam lang nya ay isa lang itong simpleng gathering ng mga malalapit sa kanila. Nang nagpropose na si Franco at sobrang nasorpresa si Sebastian. Sobrang saya ng mga bisita na karamihan ay mga bisexuals at gays din. Pati na ako ay hindi ko maipaliwanag ang saya ko para sa kanilang dalawa.

Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na ako sa dalawa na uuwi na ako. Nagpasalamat silang dalawa sa akin. Kung tutuusin ay hindi na nila kailangan na magpasalamat sa akin dahil ginawa ko lang ang tama. Masaya akong umalis na dala ang saya sa akin.

Nang pauwi na ako ay dumaan ako sa simbahan na madalas naming puntahan at pagsimbahan ni Patrick dati. Kahit na sarado ay pumunta pa din ako at nagdasal sa labas. Nakita ako ng choir members na papalabas na ng simbahan at sinabihan ako na may misa bukas ng gabi, dahil namiss ko ang pagsisimba doon ay napagpasyahan ko na bumalik dun kinabukasan.

Maaga akong nagising kinabukasan at nang malapit nang mag-gabi ay naghanda na ako para magsimba. Sumama sa akin ang mga magulang ko. Malakas ang galabog ng puso ko nung papunta ako dun, marahil naexcite lang ako dahil pagkatapos ng dalawang taon ay nun pa lang ako ulit makakapagsimba dun.

Nang matapos ang misa ay nagpaiwan na ako dun at pinauna nang umuwi ang mga magulang ko. Nagpaiwan ako saglit para magdasal at mag-contemplate. Nung panahong yun ay hindi na ako nakaramdam ng pangungulila kay Patrick, siguro dahil sa ibinigay ko na sa Kanya ang lahat at ipinaubaya ko na kung anuman ang plano Nya para sa akin. Nang matapos na ako ay nagsindi ako ng kandila, nagdasal at pagkatapos ay lumabas na ako ng simbahan. Umupo muna ako sa bench sa parke na katapat ng simbahan, iniisip ko ang mga nangyari dati, sa mismong bench na kung saan kami kumakain ng streetfoods ni Patrick. Napapangiti na lang ako sa mga alaala namin ni Patrick. Nung gabing yun ay may dumaan na nagtitinda ng taho. Naalala ko yung taho na madalas naming i-partner sa mga streetfoods na kinakain namin ni Patrick dahil sobrang paborito nya ang taho, nang tinawag ko ang magtataho ay ubos na daw ang tinda nya. Maya-maya pa ay may nag-alok sa akin ng taho.

“Para sayo” ang sabi nya habang inaabot sa akin ang taho. Nang tumango ako para tignan kung sino ang nag-aabot sa akin ay si Franco pala kasama si Sebastian na parehong nakangiti sa akin.

“O, anong ginagawa nyo dito?” ang tanong ko sa dalawa at inabot ang tahong bigay ni Franco.

“Dumaan kami para magdasal” ang sabi ni Franco sa akin.

“At kasama ka sa pinagdasal namin, Theo, mukhang dininig naman agad yung dasal namin” ang sabi ni Sebastian sa akin sabay ngiti.

“Oo naman, matagal na kayang dininig yung prayers nyo, o ayan na engaged na kayo” ang sabi ko sa dalawa at napatingin silang dalawa at nagngitian kami.

“Hindi na para sa amin, para sayo naman, naging mabuti ka sa amin at gusto lang namin ibalik sayo yung mga ginawa mo para sa amin. Hindi kami magiging engaged kung hindi mo ako tinulungan” ang sabi ni Franco sa akin.

“Wala yun, ginawa ko lang ang dapat” ang sabi ko sa dalawa at nginitian ko sila.

“O sige na, aalis na kami” at tumayo na sila.

“Ingat kayo” ang pahabol ko sa kanila.

“Sya nga pala, hindi galing sa amin ang taho na yan, Bye!” ang sabi ni Franco at umalis na ang dalawa na nakangiti sa akin. Nagtaka ako kung kanino manggagaling yun dahil sila ang nag-abot sa akin nun. Malamang ay ginu-good time lang ako nung dalawa. Nang maubos na ang taho na kinakain ko ay tumayo na ako para umuwi pero may biglang nagsalita sa likod ko.

“Sakin galing yang taho, masarap diba?” ang sabi nya sa akin. Nang lumingon ako ay hindi ako nagkamali na si Patrick yun, bigla nya akong niyakap. Hindi kaagad ako nakapagreact dahil hindi ko inaasahan na sya yun. Napayakap din ako sa kanya sa sobrang saya. Nang tignan ko si Patrick ay walang pinagbago sa kanya, mas naging gwapo sya sa paningin ko at niyakap ko sya ulit. Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Akala ko kasi ay hindi na darating ang panahon para sa aming dalawa, pero ngayong nandito na sya, alam ko na ito na ang tamang panahon para sa amin.

Walang salita ang namutawi sa aming mga labi. Sapat na ang yakap para ipadama namin ang pagmamahal namin sa isa’t isa, at sa di inaasahang tagpo ay mariin nya akong hinalikan sa labi. Nung puntong iyon ay alam ko na kay Patrick na ako, isang bagay na matagal ko nang hiling na natupad na nung mga oras na yun.

Sa huli ay may pag-asa pa pala ang pagmamahalan na bunga ng isang maling relasyon, dahil sa nakapagpatawad na kami at napatawad na kami ng mga nagawan namin ng mali ay may magandang reward pa pala sa huli. Para sa aming mga nagkamali, nasa panahon na kami kung saan nasa tama na ang lahat para simulan ang isang bago at nasa wastong pagmamahalan.

At nung gabing yun ay nagbiyahe kami papunta sa beach, kung saan nagsimula ang lahat, at kung saan sinimulan namin ulit ni Patrick ang lahat ng meron at kung ano kami sa ngayon.

WAKAS

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: The Most Beautiful Affair
The Most Beautiful Affair
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgWufWV1acfMH41QMQ98G5G5aBVrlFZwsAgdAkHi4oVwz7JZMQyoRbGsPX6-sDeImSvQVxBRvOvUfjU6Ap30I1P7MaYbWyy1Pz-Gm8IQBvPJuW098xSO74dUmXH1bn5-H9vdrOpzCNsQ3L3/s1600/The+Most+Beautiful+Affair.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgWufWV1acfMH41QMQ98G5G5aBVrlFZwsAgdAkHi4oVwz7JZMQyoRbGsPX6-sDeImSvQVxBRvOvUfjU6Ap30I1P7MaYbWyy1Pz-Gm8IQBvPJuW098xSO74dUmXH1bn5-H9vdrOpzCNsQ3L3/s72-c/The+Most+Beautiful+Affair.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/05/the-most-beautiful-affair.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/05/the-most-beautiful-affair.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content