$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Fated Rice (Part 1)

By: Markus Note: Ang story po na Ito ay may basehan. And na inspire ako na gawin syang Story series and I share sa inyo. "...haaaaayyyy...

By: Markus

Note: Ang story po na Ito ay may basehan. And na inspire ako na gawin syang Story series and I share sa inyo.

"...haaaaayyyyyyyyy, nakakainip talaga dito sa inyo Inang.."
Ang pabugnot na sabi ni Markus sa kanyang lola, habang nasa kusina at naghihintay sa meryendang inihahanda nito.

".. Hay nako, sanayin mo na ang sarili mo, at magtatagal ka dito! Hindi Yung Puro bulakbol ang ginagawa mo sa Maynila.." Sagot ng Inang Nya sabay hapag ng Ginataang bilo bilo sa apo.

" pag katapos mo mag meryenda, pumunta ka ng Bayan at ikaw na mag bayad ng bill ng kuryente naten, nang malibang ka din kahit papano". Dugtong nito.

" sige po, araw araw sana my babayaran ako ng malibang ako dito"  sagot ni Markus.

Alas kwatro ng hapon ng gumayak si Markus patungong Bayan. Gamit ang sarili nitong sasakyan.

Si Markus Villanueva . 27 yrs old , mestiso.
5'9" ang taas. Gwapo, Kung titingnan mo ay parang walang alam gawin kundi ang magpagandang lalaki lamang.

Dating Marketing officer sa isang malaking Kompanya sa Maynila.
Dahil sa kainipan nito, ay nag resign sya at nag ubos ng ipon dahil Puro gimik ang inatupag. Nang kinapos ay na pag pasyahan nyang umuwi ng probinsya,  sa kanyang Inang (lola) dahil alam nyang di sya matitiis nito.

Lunes, pangalawang araw ni Markus sa San Miranda, ang lugar kun San sya isinilang.
Kung saan namuhay ang kanyang Mama.

Sumunod si Markus sa utos ng lola nito, at tumungo ng Bayan.
Napansin nyang makulimlim at mukhang mamaya lamang ay babagsak na ang ulan.
"Eban! Oh bakit parang nag sasara ka na ata ng tindahan mo?"

Sulpot ng isang matandang babae sa likuran ni Eban, habang ibinababa Nya ang roll up door ng kanyang tindahan.

"Ahh opo Nana Mandeng, may lakad kasi ako, eh mamaya pa daw uwi ni Awin, walang magbabantay ng tindahan. Yung mga bata ko nman nagsi uwian !." Sagot ni Eban.

"May kaylangan po ba kayo? "
Dugtong ni Eban .

.. Ahh, Oo . Kukuha muna sana ko sayo ng 2 kilo, pang hapunan Lang namen, at iaabot ko nalang pag dating ng Tata Poldo mo". Sagot ng Matanda.

.. Buti po at umabot kayo, sige po sandali at ikukuha ko kayo.. " si Eban .

Umikot si Eban upang Kumuha ng 2kilong bigas, Wala ng timbang timbang dahil sa Tagal na nyang ginagawa to, at Kung sumobra man ay Wala namang Kaso sa kanya dahil di nman na Iba sa kanya si Nana Mandeng.

Pagkatapos Mai-abot sa Matanda ang binili nito ay agad gumayak si Eban para sa lakad nya.

- Si Ervanz Mirandes  ( Eban) 24 yrs old. 5'11''.
Moreno , tipikal na Kulay ng isang probinsyano, Yung Hindi masasabing maitim at Hindi rin maputi. Kilala dahil sa angkin din nitong kakisigan.,
Kung di mo sya Kilala ay, masasabing  maangas ang taong Ito. Pero ang totoo,
Maangas lamang sya sa taong maangas din umasta.

Kilala sya sa Sityo nila,(  Nara St. San Miranda ), dahil sya lamang ang may bigasan sa lugar nila. Walang sumubok na kumalaban sa tindahan Nya dahil noon pa ma'y ang mga Tao sa Baranggay ay sa kanila na bumibili khit Nung mga magulang pa Nya ang namamahala ng tindahan.

Ito ang hanap buhay Nya ngayon, simula ng mawala ang mgulang Nya, ay napagpasyahan nyang mag resign sa trabaho ituloy ang negosyo ng mga Ito. Ang mag Buy and sell ng Palay. At ang Bigasan nila. Na naging pantustos Nya sa pag aaral ng nakababata nyang kpatid na si Arwins Mirandez (awin) .
2o yrs old na nasa 4th yr college na ngayon taon.

Mag alas kwatro na ng hapon ng makapgsara ng tindahan c Eban.
Nakagayak na din sya para sa lakad nya ng napansin Nya ang kalangitan na my pagkamadilim at magbabanta ng pag ulan Ano mang oras.

Napa -iling nalang c Eban dahil dito.
" Kung mamalasin ka nman oh.. Mukhang maabutan pa ko ng ulan, "
Sabi Nya sa sarili.

Napagpasyahan nyang huwag ng dalin ang motor (Mio) Nya dahil bka nga maabutan sya ng ulan.

Nagmadali syang mag lakad patungo sa paradahan ng mga tricycle upang mag commute na lamang.

May kalayuan din ang sakayan dahil sa kabilang Sityo pa ito.

Nasa kalagitnaan na si Eban ng paglalakad ng naramdaman nyang pumapatak na ang ulan. Kailangan nyang mag madali at Wala syang masisilungan dahil gitnang bukid ang daan.

Tumakbo na sya hanggang umabot sa sa sa isang waiting Shed at doon sumilong.

Sakto, dahil sa oras na pag silong Nya ay biglang buhos ng malakas na ulan.

".. Tsk tsk! Bat nman ngayon pa! Pambihira naman oh! ,
Haaayyy!! Bilisan mo ! Ibuhos mo na lahat!! Dali!! "

Pagmamaktol ni Eban.
Ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay halos mas lumalakas pla ang buhos ng ulan,

"..namaaaaannnn!!! Ka malas nman oh"
Ang pagmumuni ni Eban ng biglang...

"Ooooooongaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!"

Ang pag ahon ng Baka Mula sa Bukid.
At huminto mismo sa gitna ng kalsada at harapan nya. Na animo'y nagtatampisaw sa ulan .

Na ikinagulat ni Eban.

Ngunit maya maya lamang ay isang Ingay na nman ang gumulat sa kanya!

"Beeeeeeeeeppppppp!!!!!!!!!!!
Beeeeeppppp!!! Beeeeeepppppp!!!

Isang magarang itim na kotse ang nasagawing kanan ng kalsada, sa pinanggalingan Nya. 

Apura busina sa sa Baka na nakahanrang sa daan. Di Nya napansin ang pag dating nito dahil na din siguro sa lakas ng ulan.

".... Beeeeepppppppppp!!! Beeeeepppp!!
Beeeeeeeppppppppp................."

Magkakasunod na busina ng sasakyan.
Ngunit di man Lang natinag ang Hayop sa harapan nito.

Napapailing at napapangisi nalang si Eban sa inasta ng baka .

-----

Si Markus:
 "Aba pambihira!!! Sasagasaan talaga kita jan pag Hindi ka pa tumabi dyang Baka ka! ..
Panay parin ang busina Nya sa Baka.

Nag iinit na talaga ang ulo Nya dahil para talagang nananadya ang Baka sa harap nya!

" gagawin kitang  Bulalo pag di ka umalis jan loko kang Baka ka! ..

Sinasambit Nya habang apura ang pag busina.

At ang ikinagulat Nya ay ang sumunod na inasta ng Hayop sa harapan Nya.

Tila humiga pa Ito sa kalsada at nagpaypay gamit ang buntot nito.

Na sya namang umubos ng pasensya ni Markus!

" abat sinusubukan mo talaga ko ha! Tingnan naten" wika ni Markus habang inaatras ang sasakyan upang kumuha ng bwelo.

______________
si Eban:

Nalibang si Eban sa inasta ng Baka .
Natatawa sya Kung papano Nito inaasar ang driver ng kotse na yun.

Ngunit napansin ni Eban ang mukhang pag bwelo ng sasakyan, at parang alam na Nya ang Plano ng driver.

Nawalan ng pagpipilian si Eban, at dahil mukhang di n sya matutuloy sa lakad Nya ay dumungaw sya Mula sa waiting shed at tinaas ang kamay at sinenyasan ang sasakyan na parang "sandali Lang ".

-------
Nagulat si Markus sa taong dumungaw , dahil d Nya napansin na my Tao dun.
My puno rin kasing katabi ang Waiting shed na yun.

Hinintay nya ang Tao na sumenyas.
Tinanaw nya ito, at nakita Nya Ito na nag hubad ng tShirt nito at binalot ang cellphone nito at nilapag sa upuan ng waiting shed.

Lumabas ang lalaki Mula sa waiting shed. Nagulat si Markus dahil sinugod nito ang malakas na ulan.

Nilapitan nito ang Baka at hinawakan ang lubid nito.

Kitang kita ni Markus ang lalaki, Kung pano nito hatakin ang lubid ng Baka.

Di pa nagtatagal sa ulan si Eban ay halos basang basa na sya.

Napatitig si Markus sa lalaking umaayos ng problema nya.

Maganda ang katawan ng lalaki.
Matipuno ang mga dibdib nito,
Flat ang tiyan at kitang kitan ang mga cuts nito. Pati ang mga balihibo nito pababa Mula sa tiyan.

Sa tuwing hihilahin nito ang lubid ng Baka ay , nakakapag flex ang mga muscles nito Mula sa braso, sa dibdib , sa balikat at sa likod. Kitang kita ni Markus ang mga cuts na lumalabas sa katawan ng lalaki.

Napatingin si Markus sa ibabang Bahagi ng katawan ng lalaki.
Hapit na hapit na ang suot nitong Knit Brown shorts dahil sa pagkabasa nito.
Tanaw na tanaw ni Markus ang bukol ng harapan ng lalaki. Pababa sa mga mabalahibong mga binti nito .

Hindi maintindihan ni Markus ang nararamdaman Nya. Napako ang tingin Nya sa lalaki.
Animo'y para syang may tinatanaw na Pictorial. At under the rain ang theme.
Sobrang perpekto ang nakikita Nya para sa ganong tema.

Oo, namangha sya sa ginawang pagtulong sa kanya ng lalaki, pero mas namangha sya dun sa lalaki mismo.
Nanliit ang tingin Nya sa tindig Nya bilang isang lalaki, dahil para sa kanya ay maganda na ang pangangatawan Nya , ngunit ng masilayan Nya ang lalaki ay parang nahiya sya sa sarili.

"Ooooooooooooonnnngggggaaaaaaa!!!!!
Pag Huni ng Baka na nag pabalik sa ulirat ni Markus.
Narinig nya Ito kahit nasa loob ps sya ng sasakyan.

Wala na sa harap ng kalsada ang Baka pati na ang lalaki. Huminto na din ulan.

Nasa bukid na muli ang baka, ngunit di Nya makita Kung nasaan ang lalake.

Tumingin sya muli sa waiting shed, at nakita Nya ang lalake na kinuha ang tShirt nito .

Ilalapit nya ang sasakyan sa lalaki, ng may motorsiklong huminto dito at sinakay nito ang lalake.

Ibinaba Nya ang bintana ng sasakyan upang makapagpasalamat man Lang sana, ngunit di umabot , dahil lumagpas na sa kanya ang motor.

Narinig Lang nya ang tawanan ng dalawa.

---------------
" loko ka Awin bakit ka sumugod ka sa ulan! Ang lakas ng ulan! Ang hirap hirap mag drive! Madulas pa ang daan"
Sermon nito sa kapatid habang nakasakay sa likuran nito.

"Eh bakit ikaw Kuya! Naligo ka pa sa ulan! Eh ang lakas lakas ng ulan" ganting sumbat ni Awin sa Kuya Eban Nya.

Nai-kwento ni Eban habang papauwi ang nangyari Kung bakit napaligo sya sa ulan ng Wala sa oras.

----------

Tulalang tinuloy ni Markus ang pag ddrive, di mawala sa isip Nya ang nasaksihan Nya kanina.
Dumagdag pa ang guilt na nararamdaman Nya dahil hindi man Lang sya nakapag pasalamat sa pag tulong ng lalaki sa kanya.

" kailangan kong bumawi! Kailangan kong mag pasalamat man Lang.
Haaayyyy... Pero pano ko gagawin yun, di ko nman Kilala Yung Tao na yun".

Pagkausap ni Markus sa sarili.

"Kung naglalakad Lang sya, malamang ay tiga San Miranda lng din ang taong yun. Sana makita ko sya."

----------
Naka uwi si Markus galing sa bayan .
Dumiretso sya sa kwarto Nya at nag paghinga.

At napa isip Kung paano Nya makikita muli ang lalake at makapag pasalamat dito.

Itutuloy.....................

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Fated Rice (Part 1)
Fated Rice (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhShVa63nSOIWAePqLsFcPGiBbCkD7gxShVgDJZPufFMzDfo5lCwzYiAk0lJBHusT_sNDVwEg7ayPja9iqSguxB3CnRj9-DGFNm7pgBLPjEOPCo6FRWeAFKiOI7i5_KWkC_d-ApUo4GfRSl/s400/alvin-aala.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhShVa63nSOIWAePqLsFcPGiBbCkD7gxShVgDJZPufFMzDfo5lCwzYiAk0lJBHusT_sNDVwEg7ayPja9iqSguxB3CnRj9-DGFNm7pgBLPjEOPCo6FRWeAFKiOI7i5_KWkC_d-ApUo4GfRSl/s72-c/alvin-aala.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/07/fated-rice-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/07/fated-rice-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content