$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Summer in Baler

By: MegaPeeXel Hinati ko po sa tatlong bahagi ang experience na 'to kaya Trilogy po ito. Pakicomment na lang po kung masyadong mahaba o...

By: MegaPeeXel

Hinati ko po sa tatlong bahagi ang experience na 'to kaya Trilogy po ito. Pakicomment na lang po kung masyadong mahaba o maiksi, boring o interesting at kung kailangan pa talagang ituloy^_^ Your feedbacks or suggestions will be much appreciated. Thanks!

"REASONS  WHY  FILIPINO  MALE TEACHERS  TEND  TO  BE  FEMININE"   

   Iyan  ang  naisip  kong  topic  sa aking  research  paper  at  iyan  din ang  dahilan  kung  paano  ko nadiskubre  ang  blog  na  ito.  Haha, alam  na.
  
   Ako  nga  pala  si  Peeta, kasalukuyang  17,   nagtapos  sa    isang  public  high  school  dito  sa Lucena  City.  Dito  ako  nag-aral kase  tagadito  kame,  haha.  Hindi  guwapo,  hindi pansinin, (pangit?)  pero  stand  out  dahil  sa personality.  I  can  carry  a conversation  with  every  person,  be  it  a  stranger  or  a  friend.  Kahit anong  topic  kaya  kong  ihandle. Haha.  Epekto  na  rin  siguro  ng pagiging  bookworm  ko.
  
   First  year  highschool  nung madiskubre  kong  isa  akong bisexual  at  hindi  ko  rin  akalaing isang  tito  kong  homosexual  ang magbibigay  ng  bagong  timpla  sa buhay  kong  nakakaumay.

   It  was  third  of  June,  2014  when he  came  from  Baler.  At  dahil  June  na  nga  tapos  hindi  pa  ako nakakapag enrol,  he  volunteered na  isasama  nya  raw  ako  pabalik roon.
  
   "Hindi  pa  naman nakakapagsimula  ang  klase  dun... pwede  ka  pang  humabol",  sabi  ni  tito.
  
   "Talaga  po?!"  Medyo  na  excite ako.

    "Tsaka  maganda  dun,  madaming turista  at  artista", dagdag  pa  niya.

   "Totoo?", tinanong ko siya kahit alam ko naman ang sagot. Gusto ko lang na manggaling mismo sa sarili niyang bibig. Haha.

   "Truth.", sagot ni Tito.

    Mas lalo  tuloy  akong  naexcite. Naimagine  ko  ang  sarili  ko  na malaya,  malayo  sa  kinagisnang pamilya,  saka  walking  in  the beach--  barefooted  and  wearing shades.  Talaga  nga  namang  turista  ang  datingan!  Edi  wow!
  
   "Huy!  Natulala  ka  na  dyan", panggulat  ni  tito.  "Sasama  ka  ba  o  hindi?"
  
   Bigla  akong  natauhan. Nasobrahan  ata  ang  pagde daydream  ko.  Napalingon  ako  kay papa  para  sa  pasiya.  Pero  wala akong  nakitang  bakas  ng  pagtutol. Deep inside, naisip kong wala na silang utusan. In my entire life kase I am practicing ABNEGATION. But I have to think for my future. I used to believe that I am an ERUDITE. Rak na ituu!
  
   Agad  akong  naghanda  ng  gamit, yung  tamang  isang  backpack  lang. Pero  hindi ko  inaasahang  sasama pala  ang  isa  kong  kuya.  Badtreep! Parang  nabawasan  ang  excitement ko  ah.  Isang  taong  nakamasid  sa bawat  kilos  ko,  na  tipong  isang chaperon  sa  first  date  ko.  Di  bale, mabuti  na  rin  yung  para  may makausap  man  lang  ako  doon.Unaware,  I  did  not  realize  we're already  starting  our  12-hour  trip to  the  beautiful  Baler.
  
   "16  years  and  my  life  is  still
Trying  to  get  up  that  great  big  hill  of  hope...  for  a  destination..."
  
   Sa  loob  ng  labing  anim  na  taon, may  napatunayan  na  ba  ako? Alam  kong  hindi  ako  perpekto;  sa mga  magulang  ko  ay  may pagkukulang  rin  ako  ngunit  sa kabila  ng  mga  medalya't karangalang  nakamit  ko,  hindi  pa ba  sapat  ang  mga  ito? Maipagmamalaki  na  ba  nila  ako?
  
   May  puwang  pa  sa  puso  ko  na nais  mapunan  at  makumpleto-- upang  maging  ganap  ang  aking pagkatao.  At  umaasa  ako,  na matagpuan  ko  ito  sa  Baler  na malaparaiso.  Na  sana  sa  pagbalik ko  ay  may  maipagmamalaki  na  ako...
  
   Crossed-fingers,  I  gazed  at  the distant  horizon  with  a  positive attitude  and  as  I slowly  closed  my eyes,  I  have  imagined  Bruno  Mars  singing  "Today  my  life  begins..."  Yes,  it  was.  And  I  looked  forward  to  excitedly diving in.
  
   Saktong  sakto  nga  ang kalkulasyon  ng  tito  ko  na  aabutin nga  kami  ng  12  hours.  Alas  tres ng  hapon  kami  umalis  at  alas  tres  ng  madaling  araw  dumating. SENTRO  BALER.  PAMILIHANG BAYAN  NG  BALER.  SOUVENIR SHOPS.  Inilibot  ko  ang  mga  mata ko,  halatang  naninibago.  Kakayanin  ko  kaya?  Sana...
  
   Time  flew  so  fast  that  I  did  not notice  that  I  have  survived  my first  sem  in  college (sa Insurgent ko na lang ikwekwento kung anong nangyari nung second sem).  A  typical student,  my  focus  was  on  my academics  but  still  had  enough time  in  gimmicks  with  my  new friends.  They  were  so  friendly  and  despite  of  the  tiring  day,  we were  still  able  to  spend hours  in park  and  beach,  bonding  and talking  about  student  life--  the pressure,  expectations,  terror proffesor,  interesting seatmates  and  whatever  pops  in our  heads.
  
   So  ayan,  summer  2k15  na.  Gusto  ko  na  talagang  umuwi  sa amin,  considering  that  I  just stayed  in  Baler  during  sem  break, Christmas  and  New  Year.  Doon  ko narealized  na  bakit  ganun,  noong una  ay  hindi  ko  gaano  namimiss ang  aking  pamilya.  Masyado sigurong  natuon  ang  atensyon  ko sa  tourist  spots(ss...)  dito  sa  Baler, pero  nung  nagtagal  ay naramdaman  ko  na  ang homesickness.
  
   Pero  ayan.  Tito  offered  me  to try  a  summer  job  at  their  resort in  which  he  is  the  co-manager.
  
   "Sayang  din  naman  kase  ang 10k  within  45  days.  More  than that,  experience  'to  for  you  to work  in  the  real  world.  Besides, alam  kong  versatile  ka  at  mabilis matuto,  right?"  Napakaconvincing talaga  ni  Tito.  Edge  niya  yun because  it  happened  na  siya  ang Guest-relations  Manager  ng  resort.

   "Oo  naman  po.  Sige  po."  It seemed  that  I  have  to  prove  his expectations.
  
   Sa  kabilang  banda,  ay  gusto  ko rin  naman  since  kakilala  ko  na ang  staffs  doon.  Maging  ang  manager  ng  resort  ay  naging malapit  na  rin  sa  akin.  Ikaw  ba namang  pumunta  duon  sa  loob    ng  isang taon  sa  tuwing  may kelangan  ako  kay  Tito.  Tingnan  ko lang  kung  hindi  mo  sila makabisado  lahat.  Haha.  Just  a thought!
  
   Tick,  tock.  Tick,  tock.  April  6, nagstart  na  ako.  Kaso  alas  tres  na ng  hapon  ako  pumunta  kase malakas  talaga  ang  ulan  that  time. Tsaka  medyo  kampante  ako  kasi.. ahm (PAMANGKIN NG ASSISTANT MANAGER. HAHAHA. JOKE!)  napakiusapan  ko na  si  Tito.
  
   "Eto.  Mabilisang  orient'.  Sipagan mo.  Tanong  ka  kay  Kuya Alfred kung  anong  pwedeng  gawin." Kilala  ko  naman  si  Kuya  Alfred. Siya  ang  Head  Chef  ng  resto. Homo  rin  gaya  ni  Tito  and  I  was fully  aware  na  hindi  magkasundo ang  dalawa.  Sa  akin  kaya  nito  ibunton  ang  galit  nito  kay  Tito? Huwag  naman  sana,  haha.
  
   Pagpunta  ko  sa  kitchen,  andun na  ang  mga  staffs  at  syempre  si Chef ang nagbibida sa gitna. At...oops! Marami nga pala ang nadagdag na staffs kase summer-- dagsa na naman ang mga turista.
  
   May nakakuha ng atensyon ko, si Teyog na warfreak ng resort na medyo crush ko. Hihi. Pero bakit parang pumuti at umiksi ang buhok at medyo bumata ang itsura?
  
   Nakatutok na sa akin ang kanilang paningin, nag- aantay sa aking sasabihin. Parang nailang ako kase andaming good-looking. Shet!
  
   "Chef, baka may ipapagawa raw po kayo sakin?"
  
    "Wala na, alas tres na. Maya maya out na." Kahit mahinahon ang pagsasalita ay ramdam kong magiging kontrabida 'to sa buhay ko dito. Napatango na lang ako. Sabay upo, kaharap si Teyog na talagang matalim kung makatingin. Dati pa lang ay iniiwasan kong magkatitigan kami kase alam kong (matutunaw ako, hihi) una akong bibitaw.

   "Axel nga pala." Inilahad niya ang kanyang kamay. Oy gentleman sya.
  
   "Huh? Bat nag - iba ang pangalan mo?" Napaisip talaga ako.
  
   "Peeta," sabi ni Ate Avic, "kapatid yan ni Teyog. Kamukhang kamuka diba?"
  
   "Ahh. Kaya pala. Peeta nga pala." Nakipag shake hands ako sa kanyang kamay na hindi pa rin niya ibinababa. Kinilig ako dun ah. Pakshet!
  
   Siya si Axel-- maputi, may tiger eyes, lighter version ni Teyog na badboy ang datingan. I was surprised because I did not expect that we have many things in common.
  
   Bago natapos ang unang araw ay nagkaroon ng general orientarion. 12 hours ang duty kaya bale dalawa ang shifting. 14 kaming staffs at nahati sa dalawang grupong may tigpitong miyembro.
  
   "Mark, Bryan, Jayson, Ellen, Jerswin, Jeff at Onell-- kayo ang magkakagrupo." Inanunsyo syempre ni Tito.
  
   "Avic, Ramil, BJ, CJ, Willar, Peeta at... Axel! Kayo ang magkakasama." Suspense talaga. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko kay Tito ay ang pagsasama nya sa akin kay Axel at sa mga responsableng kamiyembro.
  
              INTRODUCTION 101:
Group 1

*Mark- tahimik at mukang plastic. Isa sa pinakapinagkakatiwalaan dahil kahero at nasa front desk.

*Bryan- malaki ang katawan dahil surfer. Halatang malakas at malakas din kumain.

*Jayson- kitchen helper at namaster ang sining ng pagwe waiter. May sense of humor.

*Ellen- plain. Hehe.

*Jerswin- bi, assistant cook, bf ni Chef at nakakahawa tumawa. Ahehe.

*Jeff- kitchen helper, waiter, at may sense kausap.

*Onell- mukang adik but deep inside mabait.
  
    Lahat sila marunong magdrive. Yun ang ikinalamang nila. Haha.

Group 2

*Ate Avic- ang disciplinarian,
pinakapinagkakatiwalaan at kahera. Siya ang pinakapalaban, nagsasalita kung may karapatan at kung nasa panig niya ang katotohanan.

*Ramil- bakla, waitress(haha)  at ang entertainer ng grupo. Siya ang naka assign sa room accomodation.

*BJ- surfer, baywatch, waiter. Maangas pero mabait din naman pala si ungas.

*CJ- kitchen helper, waiter, optimistic at nagbibigay- buhay sa kitchen.

*Willar- bi, assistant cook. Kapareho ni Jerswin.

*Peeta- leading man ni Katniss sa Hunger Games(haha, joke). Ako yun.

*Axel- ahem. Siya ang dahilan kung bakit ko 'to sinulat. Love, love, love.

   So  much  for  the  introductions, isang  umaga  ay  may  pinagawa  sa akin  si  Chef  na  talaga  namang challenging,  no-- boring,  plain boring.  I  have  to  sort  the  order slips  by  month,  kumbaga  pagsama-samahin yung magkaparehong  month.  January, February  at  March  lang naman  ang  coverage  nun  pero  sa  dinami- dami  ng  pumapasok  na  orders araw-araw,  imposibleng  matapos ko  'to  sa  loob  ng  dalawang  oras. Nakita  ko  pang  ngumisi  si  Chef--
showing  me  his  devilish,  sinister look  that  made  me  feel  I  was  in a  great  trouble.  Hindi  ako makatanggi  for  he  was  authorized to  command  such  things.  Nakita  ako  ni  Axel  at  nag usisa pero  sinabi  kong  kayang-kaya  ko  na yun  mag-isa.  Hindi  na  siya  nagpilit na  tulungan  ako  kase  he  felt  my coldness.  Taray!  Haha.
  
   Finally,  natapos  ko  na  rin.  But  how surprised  I  was  when  Chef  said  that it  was  just  the  start  of  the  challenge! He  demanded  for  the  copy  of  the total  sales  of  every  dish  in  the  given three  consecutive  months.  Ibig  sabihin  magtatally  ako  ng  sales  gamit  yung  inarranged  kong  order slip?  Muka  nya!  But  then,  I  thought that  he  has  the  power  authorized  by  our  manager.  Bwiset  naman.  Hirap kumita  ng  pira  ay.  Jusko  day...  Hay buhay!  Parang  life....

   Napansin agad ako ni Axel. Wala naman kaming gaanong guests kase Tuesday pa lamang at dumadagsa lamang  ang tao kapag Thursday, at hanggang Sunday na iyon. Lumapit siya saken. Ako naman kunwari busy-busyhan.

   "Kelangan mo ng tulong?", kinilig talaga ako pagkasabi niya nito.

   "Ah, anjan ka pala. Ah kaya ko na 'to." Ang totoo ay gusto ko lang pilitin niya ako, hehe.

   "Pakipot pa ampota ," Haha, pareho talaga kami ng takbo ng pag-iisip. "Gusto mo pilitin kita 'no?" Nagpacute pa siya pagkasabi nito.

   "Sige na nga." Kunyari napilitan. Ngumiti naman siya, at potek, yung dimples, yung dimples nya! Kahinaan ko talaga yun eh. Lalo pa syang nagmukang chinito. Shet!

   Tinuruan ko siya kung anong gagawin at napagdesisyunan naming ako ang babanggit ng order samantalang siya ang magguguhit-guhit.

   "Crispy pata, 2 chili crab...", banggit ko nang bigla siyang sumingit.

   "Ilang crispy pata?" Naisip kong may pagkaengot ata eto ah.

   "Syempre pag wala akong nabanggit ay natural na isa lang ang bilang nun," paliwanag ko.

   "Sorry naman. Mali ako pero d ako tanga."

   "Wala akong sinabi, nu ka na?" At nagkatawanan kami. "Pamangkin ako ng assistant manager ha?" Mas naging close kami dahil pareho kaming may sense of humor. Alam kong doon na magsisimula ang pagiging best buddies namin.

   Habang nagsasalita ako ay pinapanood ko siya. Ang hot niya tingnan kase ang hilig niya maglipbite at maglaro ng tongue. Mannerism niya raw yun pag nahihirapan siya sa isang bagay. Pota nalilibugan ako ah.
  
  "Palit naman tayo, nakakasawang magsalita, haha."

   "Chicken curry... pork sinigang, 2... fish sisig..." Shet! Ang hot ng boses, masculine voice. Nakakakilig.

   Kahit nagsusulat ako ay kita kong nakatingin siya sakin. Kapag umaangat naman ang mukha ko ay bigla siyang titingin sa order slips. Weird. But I love the way we do it.

   "Diba magkaschoolmate tayo?", maya-maya ay bigla niyang tanong. "Nakikita kita sa Educ Dept. eh."

   "Ah. Ano bang course mo?"

   "Crim." Maiksi ngunit may dignidad ang pagkakasabi.

   "Edi required sa inyo ang magtake ng ROTC? Para naman hindi kita nakikita sa formation eh.", sagot ko sa kanya.

   "Ano kase, nakapagtake na ako nun. Basic. Kaya tapos na ako nun.", paliwanag niya.

   "Ako kase Advanced ang kinuha ko. Sa Department namin, tatlo lang kaming kumuha ng Advanced ROTC. Mga first year pa. Pero nirerequired samin ng aming Dean ay LTS. Haha.", pagkwekwento ko sa kanya.

   "Ah. Pareho pala tayong mahilig sa aksyon. Karaniwan kase sa mga Educ. ay palaaral tsaka... alam mo na."

   "Oo nga. Haha. Pansin ko nga. Yun nga ang naisip kong topic sa research paper namin dati eh."

   DAUNTLESS kami, napag isip isip ko.

   "Bakla ka ba?" Direkta niyang tanong.

   "Slight. I fell in love with women but I fell in lust with men. Hehe." Shet. Sa kanya ko lang 'to inamin.

   "You mean bisexual. Ramdam ko naman. Pero kakaiba ka, astigin kumbaga, unlike the pagirl. Haha."

   Napansin kong masasabi ko dito lahat ng sikreto ko ah. Pero hindi ko siya masisisi kase ganun din naman ako. I  speak and seek for the truth , always. So we're CANDOR?

   Saglit akong tumahimik. Nag-isip. Ganun din siya. Most of the time tumatahimik ako baga umimik.

   "I have found out that one reason why Filipino male teachers tend to be feminine is because of the nature of teaching na dapat ay may puso at passion sa ginagawa. Karaniwan ay babae ang may malalambot na puso, unlike sa mga lalaki na may katigasan. At kaalinsabay ng pagkagusto ng lalaki sa teaching profession ay ang paglambot din ng puso, just like the girls. Lahat naman ng lalaki ay may feminine side and yung mga male teachers, nadevelop ang side na ito kaya ang inclination ay to become feminine." Mahaba ko itong ipinaliwanag. He replied instantly:

   "And, nature din ng teaching ay ang too much speaking kase ito ang kanilang puhunan. Most of the time ay babae ang madaldal at ang tendency ng male teachers ay maadopt ang iba pang characteristics ng babae. Does it make sense?" Natutuwa ako dahil analytic din pala siya nung sinabi niya ito. Hindi siya kagaya ng ibang Crim na magaling, physically. Is he an ERUDITE too?

   "Yes. I agree." Nagngitian lang kami at ipinagpatuloy ang ginagawa.
  
   Mabilis naming natapos at nagbigay na ng assignment si Tito. Jackpot dahil pareho kaming na assign ni Axel sa kitchen. Hehe. Bait talaga ni Tito. Ramdam ko na ang pressure ni Chef pero alam kong anjan ang aking knight in shining armor. Pota, assuming. Haha.

   ABNEGATION.Nang mga sumunod na araw ay nasaksihan na namin ang pagsigaw-sigaw ni Chef pag patanga-tanga sa pag-aasist sa kanya. I was still thankful because CJ was patient in teaching us the kitchen flows. Tulungan talaga kami ni Axel: may specific na dish kaming minememorya para mas madali; ako ang taga defrost ng mga galing sa ref samantalang nagtsa-chop na ang dalawa, si Axel ang tagasabon ng mga hugasin at ako naman ang tagabanlaw. Si CJ naman ay talagang masipag at mataas ang respeto namin ni Axel sa kanya kase nga veterans na sya, haha.

   Limipas ang ilang araw. Lagi kaming magkasama ni Axel. Wala, chillax lang. Masaya, tawanan, napakapeaceful at yung tipong kontentong kontento na sa kung ano ang mayroon kami (at sa kung mag-ano kami? Haha, joke). AMITY ba talaga kami?

   Marami akong napag-alaman tungkol kay Tito mula nang pumasok ako sa resort. Siya pala ang pinakakontrabida sa mga co-staffs ko. At maya-maya ay nagpameeting.

   "Ang grupo nyo Avic ngayon ay pang umaga samantalang sina Mark ay panggabi. Next week, shifting na. Kayong mga bago ay stay-out talaga pero pag night ang duty, syempre dito kayo matutulog." Inemphasize niya talaga yung last word.

   "Uy nanggagapang yang si Mama Chups. Haha." Tawanan ang lahat.

   "Atleast nagbabayad ako!" Defensive si Tito.

   "Nagbabayad daw? Colt 45, mani at french fries nga lang ang sagot mo." Si Onell ang may-sabi.

  "Sorry, gwapo ka ba?" Tawanan na naman ang lahat maging si Ma'am.

  "Baka naman Axel," singit ni Ma'am, "ay pumatol ka na rin jan kay Chups."

   "Ma'am, kaya nga po ako nagtatrabaho eh. Babale na lang ako kesa magpatsupa jan kay Mama Chups." Si Axel ay ipaglalaban talaga ang dignidad.

  Nagtawan ang lahat. Ganito talaga dito. Bulgar ang mga salita kase sabi ni Ma'am ay yun naman daw talaga ang totoo. Iba talaga ang sense of humor ni mam.

   "Biro lang naman Axel. Para kang hayskul jan eh," paliwanag ni Ma'am.

   Bigla kong naalala na dun nga pala  natutulog pag panggabi at naalala kong best buddies kame ni Axel. And green thoughts popped in my lustful mind.

   Nagkatinginan kame ni Axel. Pareho pala kaming mahilig sa formation and action, at pumapatak kami sa lahat ng factions.Pareho kaming Gemini, ang kambal na malas at swerte at alam kong alam niya na pareho ang takbo ng aming isip at posibleng alam niya ang nasa aking isip ngayon.  Ngumiti ako at medyo namula si Gatas. Ngayon ko napatunayan: We are DIVERGENTS.

Itutuloy

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Summer in Baler
Summer in Baler
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQ4Php4qQ8T2WRbVaR7TTyg6FF3PHdgUQT-JGdLx6v3HwJMQEn2R3TxX6JtZokPuJzaDyIPvbz9hTcY6JfRuMxtOFujAb5GoSAxkqU3oYiUbqpOXCwKsYYqDHwTdjQqtacDF5uaUq0-vUy/s400/Sandrin1.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQ4Php4qQ8T2WRbVaR7TTyg6FF3PHdgUQT-JGdLx6v3HwJMQEn2R3TxX6JtZokPuJzaDyIPvbz9hTcY6JfRuMxtOFujAb5GoSAxkqU3oYiUbqpOXCwKsYYqDHwTdjQqtacDF5uaUq0-vUy/s72-c/Sandrin1.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/07/summer-in-baler.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/07/summer-in-baler.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content