Ikinagulat ng mga malalapit na kaibigan ang balitang pagpanaw ni Erwin Marasigan na nakilala natin bilang Boa dito sa Mencircle, gamit din ...
Ikinagulat ng mga malalapit na kaibigan ang balitang pagpanaw ni Erwin Marasigan na nakilala natin bilang Boa dito sa Mencircle, gamit din ang mga pangalang Shiro at Marian Rivera.
Isa sa mga naging imosyunal ay ang best friend nito na si Arash. Nakilala natin si Boa sa chatroom bilang isang napakakulit na bata. Siya ang sentro ng atensyon sa tuwing nagbobroadcast na sya ng cam. Kung ano-ano ang mga naisip gawin sa camera. Sumasayaw, nagsu-super model at nakawig.
Nakasama pa sya sa ikalawang EB ng Mencircle sa Pansol, Calamba Laguna. Iyon daw ang first time nyang sumama sa mga ganung pagtitipon at nagpapasalamat sya na kasama sya sa isang malinis at masayang event.
Ayun sa kanyang ina, napakalambing na anak ni Boa, marami itong pangarap sa buhay.
"Mama, maganda ba ako?", yun ang laging itinatanong ni Boa sa kanyang ina. Lagi din itong nagsasabi ng "I love you" sa kanya.
Bilang isang kaibigan na nakilala sa online community, isang napakabait na Boa, walang arte, lahat kinakaibigan, yun ang kilala ng karamihan. Dumadalaw din si Boa sa ibat-ibang chatroom tulad ng TLB o Tambayang Lonely Boys, KM o Kwentong Malibog, ABM o Asian Bear Men at iba pa. Nagkaroon ng mas maraming kaibigan si Boa sa iba't ibang chatroom.
"Nagulat nga ako, andaming kaibigan ni Erwin na bumisita. Ikinikwento nya sa akin yun, na marami syang kaibigan." ayon sa ina ni Boa.
Isang matatag na ina ang nakita naming nung dumalaw kami sa burol ni Boa. Mas imosyunal nga kami ni Arash kaysa sa pamilya. Tanggap na nila ang paglisan ni Boa sa mundo. Ubos na ang luha nila sa kakaiyak mula pa nung na-confine ito sa ospital.
"Lumalaki ang puso nya." ayun sa ina ni Boa. "Nung nasa ospital kami, gusto nya na walang mga kaibigang makakaalam na may sakit sya, kasi ayaw nya ng ganung kaawaan sya."
Ipinanganak si Boa, Erwin Marasigan sa totoong buhay noong January 13, 1995. Napakabata pa nya para mamahinga. Namatay sya ala-una ng madaling araw ng August 16, 2015.
Sya ay nakaburol sa Saint Peter Chapel, J.P. Rizal St., Nangka, Marikina at ililibing ngayong huwebes ng tanghali August 20, 2015.
"Tita, bakit po parang ang bilis nyo naman yata sya ipalibing." tanong ko sa ina ni Erwin.
"Wala naman kaming hihintayin pa, tanggap na namin ang lahat." sagot nya.
Sa mga kaibigan ni Boa na gustong humabol na makita sya sa huling pagkakataon. Bumisita ngayong August 19, 2015 may gaganaping misa sa gabi 7:00pm. Sya ay ihahatid kinabukasan ng tanghali August 20, 2015 - 1pm sa Paraiso Cemetery, J.P. Rizal St., San Mateo, Rizal.
COMMENTS