By: Charles Du "Arrgg!!!!" Talagang masakit ang ulo ko. Kayo ba nman ang magpakalunod sa inoman mula alas 6 ng gabi hanggang alas ...
By: Charles Du
"Arrgg!!!!" Talagang masakit ang ulo ko. Kayo ba nman ang magpakalunod sa inoman mula alas 6 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga kasama ang mga tropa. Birthday din kasi ng kabarkada ko na si Carl na naging bahagi ng buhay ko kaya doon narin kami ng mga tropa ko nag haponan sa bahay bahay ni carl tapos party sa club pagkatapos kumain.
By the way my name is Kiro L. Miyashita. Yes, I'm filipino Japanese. 20 years old. Nerd, wala kang ibang makikita sa mukha ko kundi eyeglasses, mahilig akong mag polo, simple na maong pants at black shoes. Palagi nga akong tinutokso na pastor dahil daw sa pananamit ko idagdag mo pa yung buhok ko na walang binatbat si Dr. Jose Rizal. Bisexual pero hndi ko masyadong pinapahalata kasi alam nyo na.
Studying BSHRM 2nd year, hndi kasi ako agad nag enrol sa college pagkatapos kong nag graduate ng highschool kasi naiisipan kong magbakasyon muna sa butuan city. Dun ko nakilala ang mga kaibigan kong sina Wendy, Justin, Charles and David kaidad ko rin sila at kaklase pa. Parehas din kaming lahat na hndi agad nag enrol sa college kaya noong napagkasundoan namin na mag enrol na sa college at makapag aral napagdesisyonan namin na sa Bohol kami lahat mag eenrol sa Holy Name University. We're so excited to travel to bohol at that time, my home province. At first parang naninibago yung mga ka tropa ko kasi first time pa nga nila dito pero habang tumatagal nakapag adjust narin nman sila at marami narin silang mga naging kaibigan.
Si Wendy Fernandez, ewan ko sa babaeng ito parang she's one of the boys. Chix ang tindig pero kung makipag bakbakan daig pa si The Rock at Batista, magaling sumayaw mapa dancesports o Hip-hop at cyempre mabait, huwag mo lang umpisahan kasi hndi ka titigilan and one thing hindi umaatras sa inoman!
Justin Brown, ang hot papa sa group. Walang ibang gawin kundi magpaganda ng katawan. Maganda naman kasi ang katawan nitong mokong na ito edagdag mo pa yung pagiging half American na siyang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng magandang mukha, model, sumasali sa mga pageant, runway Icons at mga modeling. Maraming nalolokang babae sa kanya pero back off girls. Lalaki din hanap niya hahahaha. Hndi rin umaatras sa inoman.
Charles Valles, ang seryoso sa tropa na akala mo Dean ng department namin sa school. Bisexual, Gwapo, matangkad, average ang pangangatawan, magandang balat, at marunong pang kumanta yun nga lang hndi siya masyadong nagsasalita pero hndi siya KJ at siya yung tipong taong mapagkakatiwalaan talaga at councilor sa grupo and take note. Pinaka malakas uminom sa aming lahat. Boom!!!!
David Sanchez, ang straight ng grupo. Talented na gwapo pa. Moreno, matangkad, maganda ang katawan, matalino, hndi na uubosan ng kwento lalo na kapag nakainom, madaldal pero cyampre mabait.
Sila ang mga kaibigan ko, best friends, ka tropa at kakampi.
(Back to present)
Tumayo ako at binuksan ang fridge para uminom ng malamig na tubig. "Ahhh, damn! Kumusta na kaya yung mga baliw na yun" bulong ko sa sarili ng biglang nag ring ang phone ko. Si wendy tumatawag...
"Good morning pastor!"
"Walang Good sa umaga pag boses mo naririnig ko batista!"
"Hmmmp! Taray nating ngayon ahh. Hahaha ohh kumusta ang hang over jan?"
"Ehto kasama ko cya ngayon, nasa ulo ko nag wawala, hahaha wait! Bat nga ba napatawag ka?"
"Napatawag Lang nman ako upang ipaalam saiyo na today will be our first practice for the cheerdance competition. At kung interesado ka talagang sumali maligo ka na, magbihis, kumain at pumunta ka na sa school.. Sa gym kung ayaw mong tanggalin ka ni Ursula" (Ursula ang tawag namin sa Dean kasi sa subrang terror nito)
"What???? Damn! Thanks Wendy pinaalala mo sakin. Nako wait mo ako sa school kung sakaling mauna ka doon mo nLang ako hntayin"
"Asus......ikaw pa. Lakas mo kaya sakin. Cge na bye!"
Napa smile nalang ako sa sinabe ni wendy. Ganyan talaga siya, mataray pero sweet.
Tiningnan ko yung wall clock to check kung anong oras na. "Gosh 7 na. 8 yung practice namin!" Bulalas ko.
Pababa na ako ng tricycle nakita ko sila Justin, Wendy, Charles at David nag hihintay sakin..pagka baba ko agad ko silang nilapitan.
"Hi guys!"
"Anong Hi guys ka jan? Hoy! Umayos ka kung hndi ka tinawagan ni wendy malamang tatanggalin ka talaga ni Ursula" sabi ni Justin.
"Aba2x kung maka saway tong so Mr. Pogi ahh parang hindi rin kita ginising kanina. Limang beses akong nag dial bago mo nasagot ang tawag ko" si wendy.
"Hahahaha" tawanan kaming lahat.
"Alam mo batista panira ka talaga ng araw at ka gwapohan ko" tampo tampohan ni Justin na tinawanan nLang naming lahat..
Kinabahan ako pagpasok namin sa Gym kasi first time kong sumali sa mga ganito.
"I know kinakabahan ka Kiro" sabi ni Charles sabay ngiti, napansin niya pala.
"What do you expect? First time ko kaya sa mga ganito hehehe"
"Asus cool ka Lang jan. Just take it easy, no body's gonna hurt you"
"I know. Thanks charles"
At ayun hinati hati na kami sa choreographer namin at doon ako nabilang sa front liner, mas lalo akong kinabahan kasi first time ko pa lang front liner agad kasi matangkad daw ako. Inisip ko nLang na kaya ko ito. Hehehe.
Habang pinapractice namin ang first set ng routine namin may napansin akong lalaki na naka upo sa bleachers nanonood katabi ang isang babae. Maputi, mapupungay ang mga mata, red lips, brown hair, at may kunting bigoti. "Ang gwapo niya!" Bulong ko sa sarili.
"Pay attention!" Sigaw ng Choreographer/coach namin na masama ang tingin sa akin.
"Sorry Coach" haist! Nakakahiya....
"Bat ba kasi lumilipad kung saan ang isip mo?" Tanong ni Charles.
"Ahh wala yun. Kinakabahan Lang talaga ako"
"As I told you. Relax and just practice the routine. Kaya mo yan."
Sinunod ko nLang ang sinabe ni Charles. Haist! Hanggang ngayon kasi hndi parin ako kampante sa Sarili ko pagdating sa sayaw. Sabi nila magaling akong sumayaw pero sa tingin ko naman hindi. Ewan! Cguro wala lang talaga akong tiwaLa sa Sarili ko ..
Ahh basta! Bahala na si Batman. Basta hataw lang ako ng hataw..
"Good Job Mr?" Tanong ni coach .
"Miyashita po Coach!"
"Okay. Good Job Mr. Miyashita, you got the moves more confident lang at huwag kang yumoko and always smile"
"Salamat po Coach" sabay ngiti.
"Diba sabi ko saiyo kaya mo" si Charles.
"Thanks Charles :) uo nga ehh hehehe. Nakakatuwa nMan yung sinabe ni Coach"
"Totoo nman ahh. Magaling ka nman talagang sumayaw. Tiwala Lang sa Sarili pag may time heheheeh."
"Hahha loko ka charles. But thanks :)"
"You're welcome"
Napagkasundoan namin na sa Mcdonalds nLang mag tanghalian at manood ng Movie sa sinehan pagkatapos since half day lang ang practice namin ngayon.
Habang kumakain kami nakita ko ulit yung lalaki kanina naka pila para umorder.
Wendy: do you know that guy?
Me: no. Bakit mo nman natanong yun.
Wendy: ay nako. Kanina napansin din kita nakatingin sa kanya doon sa Gym.
Me: malamang. Mapapansin ko talaga siya e bago sa paningin ko ang mukha nya.
David: balita ko kakalipat Lang nya sa school natin, he's from cebu at same depertment natin at course din!.
Wendy: wow. At least andami nang gwapo sa department natin. Pero ang late nman ata. Isang buwan na ang dumaan bago siya lumipat sa school natin. Buti nLang naka kuha pa siya ng mga subjects..
Me: cguro matalino siya..
Justin: o baka crush mo?
Me: gago! Hahaha crush agad?
Justin: malay ko ba! Baka ginagahasa mo na siya sa imahinasyon mo. Ang yummy pa nman niya shit!!
David: alam mo ang landi mo talaga! Kaya nga minsan nababahala ako pag tayong dalawa Nalang magkasama baka gahasain mo ako hahahaha.
Justin: wow ha?? Kilabotan ka nman.. Sa tingin mo papatol ako sa mga maliliit ang etits???
Wendy: ohh bakit beks? Nakita mo na ba?
Justin: ahhhm. Hndi pa. Feel ko lang hahahaha.
At nagtawanan nLang kaming lahat hahaha. Pati si Charles napakamot nalang sa ulo niya. Ganito talaga kami ka gulo pag nag sama2x.
JAMES RYAN LOPEZ.....
My name is James Ryan Lopez. I'm from Cebu. 5'10, fair skin, brown hair sabi nila gwapo daw ako. Hehehe kayo na bahala kung paano nyo e.imagine ang mukha ko.
Inilipat ako ng Mom and Dad ko dito sa Bohol as a punishment. Uo punishment talaga. Kasi doon sa cebu halos lahat ng subjects ko bagsak. Hndi ako pumapasok sa school kasi parating lasing, hanging out with friends buong araw.. Waldas dito waldas doon. Kumuha lang ako dito ng isang maliit na private room, walang helper, waLang car, maliit na allowance in short imperno kung tawagin ang buhay ko ngayon buti nLang naka Aircon yung room ko. My dad made a deal with me Kung maipasa ko lahat ng subjects ko babalik ako sa cebu at doon ko na ipagpatuloy ang pagaaral ko but kung bagsak na nman ako dito na daw ako forever at mas matindi baka hndi na talaga ako paaaralin, fuck! That would be a shame. I wont let that happen.
Oo spoiled ako since I'm the youngest of all my siblings, sawang sawa na ako sa pag kukumpara sakin sa mga kuya ko Kasi si kuya Lance Doctor na, si kuya Greg Seafarer na e ako? Ehto walang wala shit.
3 days ko pa Lang sa school buti nLang may nakilala akong babae na sa tingin ko may gusto sakin. Maganda nMan cya pero di ko cya type. Mapili kasi ako sa mga babae.
Umagang umaga kelangan kong gumising para taposin ang mga iba ko pang requirements at mga TOR ko galing cebu.
At nang matapos ko na lahat naisipan namin ni Scarlet (name ng babae na bago kong kakilala) na tumambay muna sa Gym. Buti nman at may mga tao doon nag papractice para sa cheerdance competition.
Napansin ko ang isang lalaki na sa tingin ko kasing tangkad ko lang, pero payat nga Lang siya at napaka nerd nman, makapal na eyeglasses, mala Jose Rizal na buhok, naka polo, naka maong na kupas at ang matindi naka black shoes!! Practice ng cheer dance tas naka blcak shoes? Badoy nman but at least graceful cya sumayae.
Anyways bahala cya..
Pagkatapos niLang mag practice hinatid ko si scarlet sa gate at dumiritso sa Macdonalds para makapag lunch kasi kumakalam na ang sikmura ko at swerte ko nga nman ang haba ng pila tsk! Makapag Cr nga lang muna.......
BALIK KAY KIRO ....
"Guys ihi muna ako"
Huminto ako sa harap ng pintoan kasi may nag txt sakin.. Si nanay, pag katapos kong basahin ang txt ni nanay sinubokan kong buksan ang pinto ngunit naka lock ito kaya kinatok ko nLang to check kung may tao ba sa loob, may kumatok pabalik so kaya pala naka lock, habang hinihintay kong lumabas yung lalaki sa loob bigla siyang nagsalita.
Lalaki: may tao ba jan?
Me: yes meron, bakit?
Lalaki: pwedi patulong? Hndi ko mabuksan yung door. It's stuck!!
Me: (what?) Ahh wait try kong e pull yung knob.
Lalaki: cge at e push ko rin cya. Ready?
"1....2...3....!"
At biglang bumukas yung door dahilan upang mga out of balance ako at tuloyang matumba kasama siya dahil na hawakan ko yung braso nya. Napa akap ako sa kanya dahil nasa ibabaw ko siya at nang binuksan ko yung mga mata ko nagulat ako saking nakita...."what??? Siya yung.. Yung gwapo kanina!!!" Bulong ko sa Sarili..........
Itutuloy
COMMENTS