By: masterraker Hango sa mga totoong pangyayari; some liberties in story-telling based from first person POV Hindi ko na maalala kung paano ...
By: masterraker
Hango sa mga totoong pangyayari; some liberties in story-telling based from first person POV
Hindi ko na maalala kung paano kami nagkapalagayan ng loob. Classmate ko siya since Grade 2 hanggang 4th year high school, pero hindi ko naman sya napapansin nung sa una. Siya nga pala si Raymond. Siya ang pinakamaliit sa aming mga lalaki sa class kaya siya ang palaging nasa harapan ng pila mula grade school hanggang high school. Ako nga pala si Mark. Hindi rin naman ako katangkaran, pero nasa gitna ako ng pila. Pareho kami nabibilang sa top section, pero mas matalino ako sa kanya. Sa totoo lang, ako ang top 2 sa buong batch namin.
Simula ko syang mapansin noong 3rd year high school na kami. Marahil tinatablahan na kami ng puberty. Habang tumatagal, nagiging cute si Raymond; bumabagay sa kanya ang curly hair nya. At dahil naglalaro siya ng basketball, gumaganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Lumalapad ang kanyang balikat, bumabatak ang mga muscles, at nang paminsang nagpapalit kami ng PE uniform, nakita kong unti-unti nang lumalabas ang kanyang abs. Samantalang ako, tumatangkad pa ng unti, mas pumuputi, at mas kumikinis ang balat. Hindi naman sa pagmamayabang, pero cute ako at maganda ang smile ko dahil sa mapula-pula kong labi at dimples ko. May mga nagkaka-crush din sa akin lalo pa’t achiever ako nung time na yun. Pero dahil hindi ako mahillig sa sports, hindi lumalaki ang katawan ko tulad nang kay Raymond, bagkus mas naging lean ang pangangatawan ko. Hindi naman ako out na bisexual, pero mahinhin ako kumilos at malinis sa pangangatawan.
Isang hapon, pagkatapos ng PE class namin, bumalik na kami sa classroom. Nagkalat ang aming mga damit at gamit sa class room nung time na yun. At dahil may susunod pa kaming subject, nagpalit na kami ng PE uniform at nagsiayos ng mga hitsura. Habang patapos na ang karamihan, mayroong isang bimpo na pakalat-kalat kaya nagsimulang magtanong ang ibang classmates ko kung sino ang may-ari nun. Walang umaamin or baka wala lang pakialam yung ibang classmates ko. Kaya ako, dahil napaka-perceptive ko, inamoy-amoy ko yung bimpo. Mabango yun, nalibugan ako sa amoy – pinaghalong amoy ng pawis at pabango. Amoy lalaki ang pawis at ang amoy ng pabango ay parang amoy ng summer rain – fresh. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Raymond at sinabi kong kay Raymond yun.
Hindi ko na maalala kung paano kami nagkapalagayan ng loob. Classmate ko siya since Grade 2 hanggang 4th year high school, pero hindi ko naman sya napapansin nung sa una. Siya nga pala si Raymond. Siya ang pinakamaliit sa aming mga lalaki sa class kaya siya ang palaging nasa harapan ng pila mula grade school hanggang high school. Ako nga pala si Mark. Hindi rin naman ako katangkaran, pero nasa gitna ako ng pila. Pareho kami nabibilang sa top section, pero mas matalino ako sa kanya. Sa totoo lang, ako ang top 2 sa buong batch namin.
Simula ko syang mapansin noong 3rd year high school na kami. Marahil tinatablahan na kami ng puberty. Habang tumatagal, nagiging cute si Raymond; bumabagay sa kanya ang curly hair nya. At dahil naglalaro siya ng basketball, gumaganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Lumalapad ang kanyang balikat, bumabatak ang mga muscles, at nang paminsang nagpapalit kami ng PE uniform, nakita kong unti-unti nang lumalabas ang kanyang abs. Samantalang ako, tumatangkad pa ng unti, mas pumuputi, at mas kumikinis ang balat. Hindi naman sa pagmamayabang, pero cute ako at maganda ang smile ko dahil sa mapula-pula kong labi at dimples ko. May mga nagkaka-crush din sa akin lalo pa’t achiever ako nung time na yun. Pero dahil hindi ako mahillig sa sports, hindi lumalaki ang katawan ko tulad nang kay Raymond, bagkus mas naging lean ang pangangatawan ko. Hindi naman ako out na bisexual, pero mahinhin ako kumilos at malinis sa pangangatawan.
Isang hapon, pagkatapos ng PE class namin, bumalik na kami sa classroom. Nagkalat ang aming mga damit at gamit sa class room nung time na yun. At dahil may susunod pa kaming subject, nagpalit na kami ng PE uniform at nagsiayos ng mga hitsura. Habang patapos na ang karamihan, mayroong isang bimpo na pakalat-kalat kaya nagsimulang magtanong ang ibang classmates ko kung sino ang may-ari nun. Walang umaamin or baka wala lang pakialam yung ibang classmates ko. Kaya ako, dahil napaka-perceptive ko, inamoy-amoy ko yung bimpo. Mabango yun, nalibugan ako sa amoy – pinaghalong amoy ng pawis at pabango. Amoy lalaki ang pawis at ang amoy ng pabango ay parang amoy ng summer rain – fresh. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Raymond at sinabi kong kay Raymond yun.
Sakto namang pagpasok ni Raymond sa classroom mula sa CR at nakita nyang hawak ko ang bimpo nya. Kinuha nya ito at nagpasalamat, sabay ngiti sa akin. Hindi ko alam, pero iba ang naramdaman ko noon. Doon ko sya napansin at simula noon, nahuhuli ko ang aking sarili na hinahanap sya palagi at sinusulyapan sya sa klase. Kapag weekend, nami-miss ko sya at palaging hinahanap ang mukha nya. Bumili pa nga ako ng cologne na kaamoy ng sa kanya. At dahil, nagse-serve sya sa simbahan tuwing misa, tinetyempuhan ko yung oras ng misa kung kelan sya nagse-serve. Sa tuwing nagkikita kami sa simbahan, palagi kaming nagngingitian. Paminsan, kumkaway sya sa akin, sabay kindat.
Simula noon, gumagawa ako ng paraan para magkausap kami sa klase at makasama sya. Ganoon din naman sya sa akin, pakiramdam ko mas lumalapit din sya sa akin. Dati kasi, hindi sya makalapit sa akin, nahihiya siguro. Noong panahong iyon, may tropa ako na binubuo ng mga classmates din naman namin. Masasabi kong ang tropa ko ang pinaka-masaya sa klase namin. Regular kaming lumalabas after class para kumain ng halo-halo o di kaya’y fishballs malapit sa plaza. Hindi parte ng tropa ko si Raymond kasi iba ang tropa nya. Pero dahil naging malapit na sya sa akin, napasama na rin sya sa tropa ko. Naging myembro na rin sya ng tropa ko. Madalas kaming magkita-kita ng tropa ko pag weekend,pu punta sa computer shop, kakain, o di kaya’y pupunta sa bahay ng isa naming ka-tropa para tumambay; at palagi naman naming niyayaya si Raymond. Sa una, nahihiya pa siyang sumama. Palagi nyang tinatanong kung sasama daw ba ako, kasi hindi raw sya sasama kung wala ako. Ang sweet naman ni Raymond, sabi ko sa sarili ko. Ako lang din ang nakakapagpa-oo at nakaka-pilit kay Raymond. Sa klase din namin, ako lang ang nakaka-kanti kay Raymond. Palagi kasi syang naglalagay ng gel at never syang nagpapahawak sa buhok. Maliban sa akin. Pag nakikita ko sya, ginugulo ko palagi ang buhok nya. Syempre naiinis sya, pero wala syang magawa. Alam nyang yun ang paraan ng pangungulit ko sa kanya. May bracelet din sya na palagi nyang suot-suot, at palagi ko itong kinukuha at ginagamit. Binabalik ko ito sa kanya pag-uwian na. Dahil dun, binibiro nga kami ng tropa; sobrang close daw namin at palaging nakadikit sa akin si Raymond. Pero hanggang doon lang ang biruan.
Madalas din syang tumawag sa amin. Never akong tumawag sa kanila, nahihiya kasi ako at hindi ako sanay makipag-usap sa telepono. Pero sa tuwing tumatawag sya, nagte-telebabad kami. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Maikli na ang 30 minuto at madalas umaabot kami ng 1 oras sa telepono.
May isang beses, wala yung teacher namin sa Filipino kaya may free time kami. Pumunta kami ng science room na tabi lang ng classroom namin. Andun yung science teacher namin at nagpaturo kami sa isang class activity. Nagkukumpulan kami sa table ng teacher namin. Katabi ko noon si Raymond at unti-unti’y dumidikit ang katawan nya sa katawan ko. Hindi ko naman ito binigyan ng malisya dahil nga sa sobrang kumpulan namin sa table. Nakatukod noon ang kamay ko sa gilid ng table para suportahan ang katawan ko nang biglang naramdamang kong lumapat ang harapan ni Raymond sa likod ng aking palad. Malambot pa ito. Gusto ko sanang alisin ang pagkakatukod ng kamay ko dahil naaasiwa ako at baka may makakita. Pero hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang. Hindi ko sya inimik at hindi ko na iyon pinansin hanggang sa mas dumiin pa ang pagkakalapat ng kanyang harapan sa kamay ko. Hindi ko alam kung sinasadya nya itong gawin or sinusubukan nya lang ako or baka dahil sa kumpulan namin, natutulak sya ng iba naming kaklase. Pero bigla akong kinabahan nang naramdaman kong unti-untng tumitigas ang alaga nya. Pero hindi ko pa rin tinanggal ang kamay ko. Ayaw kong isipin nya na may malisya ako. Buti na lang, natapos din agad kami at nagsipag-balikan na sa classroom. After noon, pareho pa rin kami at parang walang nangyari. Baka nga wala lang yun sa kaniya.
Bago matapos ang 3rd year, nagkaroon ng camping sa school. Syempre sumama ang tropa at kaming mga lalaki ay sa iisang tent nag-stay. Sa loob-loob ko, chance na yun para mas maging close pa kami ni Raymond. Pero never kong pinagbalakan sya ng masama dahil nga andun din yung tropa. Last night na namin sa camp nang napag-isipan naming maligo bago matulog. Kanya-kanyang hanap ng CR na bukas na pwedeng pagliguan. Syempre, niyaya ako ni Raymond at sabay na lang daw kami. Um-oo naman ako. Naglakad-lakad kami hanggang sa mapadpad kami sa area ng 2nd year. Bukas ang CR dun ng pambabae kaya pumasok kami. May mga nauna na sa amin sa ibang cubicles pero mayroong isang bakante. Sabay na lang daw kami, sabi ni Raymond at bigla syang ngumiti. Bigla akong kinabahan, pero ayaw ko magpahalata kaya pumayag ako. Pumasok na kami sa cubicle at unti-unti na naming tinatanggal ang mga saplot namin. Pareho na kami naka-brief noon ng dumating ang mga katropa naming babae at naghahanap din ng mapapaliguan. Isa-isa nilang kinatok ang mga cubicles at syempre sumagot kami na may tao. Pero dahil nabosesan nila kami, nakiusap sila kung pwede sila na lang daw gagamit ng cubicle. Dahil katropa naman namin sila, pumayag kami. Atsaka, tinakot din nila kami na isusumbong sa mga teachers dahil sa CR kami ng girls maliligo. Kaya wala na kaming nagawa.
Lumabas kami ng CR at muling naglakad hanggang sa maabot namin ang area ng 1st year. Closed ang CRs pero sa gilid ng building ay may lababo at gripo. Malapit na ang curfew kaya napagdesisyunan namin na doon na lang maligo nang naka-brief. Dahil malayo naman yung camping grounds, wala masyadong dumadaan na tao at kami lang ang andun. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko maligo doon kasi sobrang open ng area kahit pa madilim doon. Pero namalayan ko na lang na nakahubad na si Raymond at naka-white briefs na lang. Kahit pa madilim, mas naaninag ko ang katwan nya kaysa nung nasa cubicle kami. Ang ganda ng katawan nya. Mas lumapad pa ang mga balikat nya, mas batak pa ang muscles nya. Formed na rin ang abs nya. Nag-init ang katawan ko noon. Mas nahiya tuloy ako maghubad. Pero dahil sa pag-uudyok nya, naghubad na rin ako, naka-white briefs din ako. May kunting bilbil ako noon kaya biniro ako ni Raymond nang makita nya iyon. Alam kong namula ako sa mga biro nya. Napansin nya ata iyon kaya biglang nilambing ako. Sabi nya, ok lang naman daw katawan ko. Gusto nya nga daw yung may kunting laman, masarap daw yakapin. At nagtawanan na lang kami. Dahil di-gripo kami, salitan kami sa pagbuhos ng tubig. Sobrang lamig ng tubig. May mga pagkakataong nagtatama ang aming mga katawan. Pero tuloy lang kami sa pagligo, pero ang hindi nya alam, ninanakawan ko sya ng tingin. Sobrang in-enjoy ko yung time na yun. Natapos din kaming maligo at bumalik na sa aming tent. Natulog kami nang magkatabi. Kinaumagahan, kaming dalawa ang naatasang mamalengke. Pagkatpos namin bumili ng manok para lutuing adobo, niyaya nya ako pumunta sa bahay nila dahil sobrang lapit lang nun sa palengke. Dahil sa sobrang init ng araw na iyon, maligo na raw kami sa kanila at pagkakataon na rin naming makaligo nang maayos. Wala rin daw masyadong tao sa kanila kasi may pasok ang mga kasama nya sa bahay. Pumayag naman ako at pumunta na kami sa kanila. Pagdating namin sa kanila, andun yung tatay at mga ate nya sa sala. Kilala na rin naman ako sa kanila, bumati ako, at dumiretso na kami sa kwarto ni Raymond. Pagpakapasok ng kwarto nya, napansin kong malungkot ang mukha ni Raymond. Tatanungin ko sana kung bakit malungkot ang mukha nya, pero bago pa ako makapagtanong, nagpaalam syang mauna na raw sya sa banyo. Pagkatapos nya, ako naman naligo. Pagkatapos ko maligo, bumalik na kami ng school kasi lulutuin pa ang manok. Tahimik lang sya sa byahe. Hindi ko na inusisa kung bakit.
Sa pagkakaalam ko kasi straight naman si Raymond. At hindi naman ako halatang bi. Kaya hindi ko lubos maisip kung ano meron kami. Pareho kami only boy at bunso sa pamilya. May 3 syang ate, 4 naman ang akin. Pareho siguro kami naghahanap ng atensyon at kapatid na lalaki. Atsaka, nasabi nya sakin paminsan na may crush sya sa isa naming babaeng kaklase pero hindi nya raw alam kung paano ito liligawan. Dahil malapit ako mga kaklase naming babae, tinulungan ko siya at binibigyan ng suporta. Makalipas ang ilang buwan, naging sila. Sobrang tuwa nya noon at isa ako sa mga una nyang binalitaan. Sobrang saya ko din noon kasi masaya sya. Walang halong selos, promise!
Nang nag-4th year na kami, mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa. Hindi ko ba alam, pero sobrang namiss ko sya over the summer break. Hindi ko kasi sya madalas makita sa simbahan or sa bayan. Nagbakasyon ata sa kalapit na probinsya. Kaya naman nung pasukan na, napaisip ako kung pareho pa rin ba kami nang dati. Natuwa naman ako nang magkita kam ay binati nya ako at nginitian.
Pero mas naging sweet sya noon. Kapag dumarating sya sa umaga, binabati nya ako ng “Good morning, Mark”; at kapag pauwi na sya nagpapaalam sya ng “Goodbye, Mark”. Kinikilig naman ako pag ginagawa nya iyon. Ginagawa nya ito halos araw-araw. May mga araw na hindi kami nagpapang-abot pag uwian kasi busy na ako sa extra-curriculars, kaya nami-miss ko yung mga pagbati nya sa akin.
Dumating ang time na sumama kami ng tropa sa isang youth camp, outside the school. Two days, one-night lang naman iyon. Kinagabihan, naglatag na kami ng mahihigaan. Tabi-tabi lang kami ng tropa, napapagitnaan ako ni Raymond at isa pang katropang lalaki. Pagkatapos ng kunting kwentuhan at harutan, natulog na kami. Nakatagilid ako paharap akay Rapymond. Nakaharap din sya sa akin. Makalipas ang ilang oras, naalimpungatan ako dahil may parang yumayakap sa akin. Hindi iyon si Raymond. Naramdaman ko yung isa kong katropa na nakayakap sa akin. May hinala na kami na bading ang katropa naming iyon, pero ok lang sa amin. Kaya hinayaan ko lang. Maya-maya pa’y gumalaw ang braso nya pero ngayon inaabot nya ang katawan ni Raymond. Gutso nya sigurong hipuan si Raymond. Gusto nya siguro makadalawa noong gabing iyon. Pero dahil sa ginagawa nya, nainis ako pero hindi ako nagpahalata. Gumalaw ako at nag-iba ako ng posisyon. Binawi na rin ng katropa ko ang pagkakayakap nya. Gumalaw ako kunwari para mas sumiksik sya sa side nya habang nilalagyan ko ng espasyo ang pagitan namin ni Raymond. Nang masiguro kong tulog na yung isa kong katropa at hindi nya na maaabot si Raymond, bumalik na ako sa pwesto ko malapit kay Raymond. Tulog na tulog pa rin si Raymond noon at nakaharap sa akin. Hindi ko alam kung ano pumasok sa akin, pero biglang nag-init ang aking katawan nang makita ko si Raymond na himbing na himbing. Lalo ko pang nilapit ang katawan ko sa katawan nya. Sobrang magkalapit na ang mga mukha namin, less than 1 inch na lang ang pagitan ng mga labi namin. Magkadikit na ang mga ilong namin at naamoy ko na ang bawat paghinga nya. Sinubukan kong idikit ang aking mga labi sa labi nya. Nakailang subok din ako hanggang sa nagdikit ang aming mga labi. Parang kinuryente ang buo kong katawan at biglang bawi ng aking mga labi. Hinintay ko kung magigising sya or kung may gagawin syang reaksyon. Pero wala. Natakot ako kaya hindi ko na iyon inulit. Pinikit ko na lang ang aking mga mata. Masaya na ako na katabi sya, kaharap sya, halos magkadikit pa rin ang mga mukha namin. Maya-maya pa’y bigla syang yumakap sa akin kaya mas nagdikit pa ang mga mukha at katawan namin. Pero nakapikit pa rin sya. Hinayaan ko lang sya at in-enjoy ang pagkakataong iyon. Natulog na ako. Kinaumagahan, wala naman syang nabanggit sa akin at wala din akong sinabi sa kanya. Pareho pa rin kami nang dati.
Hindi ko talaga alam kung ano meron kami. Magka-relasyon pa rin sila ng classmate namin noon pero sobrang sweet nya sa akin. Pero kahit kailan, never naming pinag-usapan kung ano meron kami. Takot siguro kami sa hindi namin sigurado at hindi namin kayang panindigan. Kaya nagpatuloy lang kami nang ganoon ang sitwasyon. Naging mag-bestfriend kami, halos magkapatid.
Dumating ang graduation. Masaya at malungkot ang araw na iyon. Maghihiwa-hiwalay na kami ng tropa ko. Ang ilan sa amin, tulad ko, luluwas ng Manila para mag-aral sa pinakasikat na unibersidad ng bansa. Ang iba naman, tulad nya, ay sa university sa probinsya naman mag-aaral.
College. Sa simula, may communication pa rin kami. Pero habang tumatagal ay nababawasan na ang aming pag-uusap. Nag-break na rin sila ng classmate ko kasi dito rin sa university kung saan ako nag-aaral pumasok ang girlfriend nya. Hindi siguro nila nakayanan ang long distance relationship. Syempre, ako ang una nyang binalitaan nang mag-break sila. Malungkot sya noon pero ako, wala lang. Lumipas ang mga taon, malungkot man pero lumayo na rin ang loob namin sa isa’t isa. Sa tuwing umuuwi ako sa probinsya, nagkikita pa rin ang tropa at magkaibigan pa rin naman kami ni Raymond. Kaya lang hindi tulad nang dati, nag-iba na kami.
28 years old na kami ngayon. Marami sa mga classmates namin ay may mga asawa at anak naBuhay pa rin ang tropa.. Ako, single pa rin. Nag-aaral ako sa graduate school. Si Raymond, nasa ibang bansa kasama ng kanyang ina at ibang kapatid. May girlfriend sya ngayon nang halos 5 taon na rin. Nang minsang nagka-usap kami sa Facebook, natanong ko kung may plano na silang magpakasal. Sabi nya, wala pa daw, matagal pa. Nabanggit ko rin nang pabiro yung usapan namin nung high school, na magbe-best man kami sa kasal ng isa’t isa. Wala syang reply.
Wala na rin akong nararamdaman para sa kanya ngayon. Pero sa tuwing naiisip ko ang nakaraan, lalo na nung high school pa kami, ang daming tanong sa isip ko. Mga tanong na never kong tinanong kaya never ding nasagot. Maraming “what if’”, maraming misteryo. Pero ganoon siguro talaga ang buhay…lalo na kung wala kang tapang ng loob para harapin ito…
Ngayong Disyembre, may reunion ang tropa. Uuwi ng Pilipinas si Raymond. Excited akong makita sya.
COMMENTS