$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Yakap ng Langit (Part 15)

By: James Silver James's POV Hindi naman kami masyadong nagtagal doon. Pero mabilis pala talagang malasing si Andrea. At sa dinami dami ...

By: James Silver

James's POV

Hindi naman kami masyadong nagtagal doon. Pero mabilis pala talagang malasing si Andrea. At sa dinami dami naming kasama doon ay sa akin pa talaga nya napiling umakbay. Habang naglalakad kami papalabas ay hindi nakasalubong na naman namin si James na pauwi na. Binabantayan kaya ako nito? Kanina pa namin sya nakakasalubong eh. Nakaakbay sa akin si Andrea nang mapalingon sa gawi namin si James. Hindi ko malaman ang gagawin ko kay Andrea, kung itutulak ko ba papunta sa iba ko pang kasama o ihahagis ko para walang makita si James. Hindi na ako nakapag-isip at huli na rin ang lahat. May pagkaseloso rin kasi 'tong si James kaya natatakot ako. Nang makita ako ni James na may kaakbay na babae ay dire-diretso lang sya sa paglalakad. Nagselos sya shet. Hindi pwede baka galit na sya sa akin. Syempre praning praningan na naman ako. Kaya hindi ko na napigilan ang sarilin kong tawagin sya.

Raffy: JAMES! (napalingon lahat ng kasama ko sa akin at agad namang lumingon si James)

James: Hmmm? (habang nakataas ang dalawang kilay na parang nagtatanong kung ano yun)

Raffy: Halika muna dito. (para syang nahihiyang lumapit sa amin, pero lumapit pa rin sya. Nakita ko naman na nag-umpisang kumerengkeng ang mga kasama kong babae't bakla) Sabayan mo na akong umuwi.

James: May kasama ka naman oh!

Raffy: Guys! Sinong pupwedeng maghatid kay Andrea?

Minerva: Kayo na sir ang maghatid dyan. Trip na trip kayo nyan eh.

Raffy: Hindi po pwede eh.

Minerva: Sus! Sir wala naman yung girfriend mo. Wala naman sigurong magseselos. Tsaka maganda naman yan. (sabay tawanan nilang lahat. Medyo hindi na ako makapagpigil kaya naman)

Raffy: Merong magseselos ok! Nasa harapan nyo.(Kailangan kong gawin 'to baka mamaya kasi pag-awayan pa namin ni James 'to mag-iisang buwan na pa naman kami bukas na hindi nag-aaway. Record yun. At tsaka para makita rin ni James na hindi ko sya ikakahiya kahit kanino. Tsk! Parang uminit ang mukha ko sa sinabi ko. Pkiramdam ko ay pulang pula na ako sa hiya. Sabay biglang parang natauhan si Andrea at hinanap kung sino ang magseselos.)

Andrea: Saan? Saan? Ang magseselos?

Raffy: Ayan! Si James sya ang partner ko. (napamulagat silang lahat lalo na si Andrea. Pero maya maya pa ay nagsigawan sila at nagpalak pakan.)

Minerva: Weeh! Kiss nga dyan.

At sabay buyo nila ng kiss! kiss! kiss! grabe parang gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang hiya sa ginagawa nila. Para bang nawala lahat ng kapal ng mukha ko. Pero wala na akong nagawa kundi laksan ang loob ko para matapos na 'to. Hinalikan ko si James sa harapan nila. At wala namang pagtutol kay mula kay James. Grabe kami na yata ang pinakamakapal na mukha na couple sa tingin ko lang. At nagpalak pakan na naman sila. Puta! Ilang beses ko na 'to nagawa pero parang palaging first time. Ngayon ko lang napagtanto na may nakakaramdam rin pala ako ng hiya.

Minerva: Sabi ko na nga ba eh. Gusto na kitang kumprontahin kanina eh. Nag-aalangan lang ako kasi anggaling mo rin magtago. Hahahaha! Ok lang yan sir. Bayaan mong maglaway 'tong mga 'to sa inyong dalawa. Ano kayo nagyon? Edi natememe kayo. Ayan ang mga yummy. Tara na magsiuwi na tayo at maaga pa tayo bukas. Andrea itigil mo na yang kalandian mo at hiindi mo kayang akitin ang mga yan. hahahaha. (At sabay sabay na tawanan ulit. Nagpaalamanan na kami sa isa't isa. Kahit na parang hiyang hiya ako sa ginawa ko. At least nakalaya naman ako sa pagkukunwari.)

Salamat at naging ok naman ang pagtanggap nila sa amin. Akala ko ay ayos na lahat nang mga oras na yun. Pero nakita ko ang lalakeng ito na nakatitig sa amin. Sya ang taong hindi ko inaasahang makita sa mga ganitong pagkakataon. Si Daddy.

Bigla na lang pumailanlang ang katahimikan nang makita namin ang daddy ni Raffy. Parang sandaling huminto ang mundo para bigyang daan ang takot lalong lalo na sa aming dalawa. Lalo pa iyong pinaigting nang humigpit ang pagkakahawak ni Raffy sa kamay ko. Ito yung mga pagkakataong parang gusto ko hilingin na sana lumindol, kumidlat o kaya bumuka yung lupa para mabaling sa ibang bagay ang sitwasyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko pati na rin ang iisipin ko. Ayaw ko nang mauwi pa ito sa hiwalayan. Kaya naman wala akong panahon para maduwag. Ganun din ang nakikita ko kay Raffy. Diretso lang din ang tingin nya sa ama nya at mukha syang palaban. Unti unting nagbago ang mukha ng tatay ni Raffy mula sa pagiging mahinahon ay nagmukha itong mabangis. Lumingon ito sa mga tauhan nyang nakasunod lang sa kanya.

Mr. Wee: Kunin nyo ang anak ko. Ilayo nyo sya sa lalakeng yan.

Pagkatapos nun ay agad na tumalima ang mga tauhan nya at sapilitang kinuha si Raffy. Nagpumiglas si Raffy. At ganun din ang ginawa ko, hindi ko sya hinayaang basta na lamang makuha sakin. Pero matitigas talaga ang mga ito. Hanggang sa sinaktan na nila ako. Nilabanan ko sila pero sa dami nila ay talagang nabugbog nila ako.

Raffy: JAMES! Tigilaan nyo sya. Tigilan nyo na sya. Tangina nyo! Sasama na ako sa inyo, tigilan nyo lang sya.

Mr. Wee: Tumigil na kayo!

Nang sabihin iyon ni Mr. Wee ay agad na nagsitigil ang mga ito. Maya maya pa ay isinakay na sa sasakyan si Raffy. Lumapit sa akin si Mr. Wee at tinignan ako nito.

Mr. Wee: James! Ayaw ko sana gawin yan sayo pero talagang pinipilit mo ako. Sana naman ay nagtanda ka na. Hindi kayo pupwede ng anak ko. Hinding hindi ko matatanggap ang relasyon nyong dalawa. Hindi bakla ang anak ko. Binubuyo mo lang sya kaya sya ganyan. Kaya kong tanggapin kahit mapunta sya sa isang pulubi. Basta babae ang makakarelasyon nya. At hindi sa kapwa nya lalake. Nauubusan na ako ng ideya kung papano kayo paghihiwalayin. Kaya pasensya ka na kung gumamit ako ng dahas sayo. Kahit ano maaari mong hingin sa akin. Pero hinding hindi ko maibibigay sayo ang anak ko.

Pagkatapos nyang sabihin ang mga litanyang iyon ay sumunod na rin sya sa sasakyan. Unti unti akong bumangon. Hindi ko masyadong maramdaman ang sakit dahil mas matindi ang nararamdaman kong sakit sa loob ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ba hindi nya kami matanggap. Tinulungan ako ng mga katrabaho ni Raffy na ngayon pa lang natatauhan dahil sa mga nangyari.

Minerva: Tulungan natin sya. Bilis!

Pinuntahan nila ako agad at tsaka ako inakay papunta sa isang tabi. Parang hindi sila makapaniwala sa ginawa ng boss nila. Maya maya pa ay may dumamping panyo sa bibig ko. Doon ko lang naramdaman na pumutok pala ang labi ko. "ayos ka na ba?" sabi ng lalakeng dumadampi ng panyo sa bibig ko. Tumango na lang ako at sumandal sa pader. Ipinahinga ko munang mabuti ang katawan ko bago ko sila pinasalamatan.

James: Maraming salamat sa inyo.

Minerva: Walang anuman yun. Ako nga pala si Minerva.

Ian: Ako naman si Ian tapos eto naman si Mariz (sabay turo sa babaeng nasa gilid nya). Yung iba nagsiuwian na eh, natakot kasi. Mga katrabaho kami ni Raffy. Kumusta ka na? Ok na ba pakiramdam mo?

James: Ayos na ako. Maraming salamat sa inyo. Ako nga pala si James.

Minerva: Grabe nakakatakot pala magalit si boss.

Ian: Nakakatakot nga sya. Pero maling mali ang ginawa nya. Halika James at dadalhin ka namin sa ospital.

James: Hindi na maraming salamat na lang. Hindi naman ganun kagrabe ang tama ko eh. Sige mauuna na ako. Maraming salamat sa tulong nyo.

Maya maya pa ay may humintong kotse na hindi naman kalayuan sa amin. May bumabang lalake at agad itong tumingin sa kinaroroonan namin.

Lalake: Tart, anong nangyari dyan?

Ian: Ah may nangyari kasing gulo kanina. Tinulungan lang namin 'to. (at nagmadaling lumapit yung lalake para mag-usisa)

Lalake: Oh! Sino namang nambugbog dyan?

Ian: Haynaku, mahabang kwento. Sya nga pala James eto nga pala si Raven partner ko. Katulad nyo rin kami ni Raffy.

Tinanguhan ko lang yung lalake at tsaka unti unti akong tumayo para magpaalam na sa kanila.

James: Sige mauuna na ako sa inyo ah. Maraming salamat ulit.

Mariz: Kaya mo na ba kuya?

James: Oo. Sige!


Tumuloy na ako sa paglakad at nag-abang ng masasakyan. Bago ako makasakay ay narinig ko pa ang sigaw nung babaeng nagngangalang Minerva na "Woooh! Mabuhay ang mga bakla." at sumunod ay "Aray!" malamang ay binatukan nung dalawang magkasintahan.

Pagkadating ko ng bahay ay agad kong itinext si Raffy. Pero hindi sya nagrereply. Nag-aalala man ako ay wala naman akong magawa kundi umasa na ayos lang sya. Sa mga ganitong pagkakataon ay lalo ko lang nararamdaman na wala akong kwenta. Dahil hindi ko man lang alam kung anong gagawin ko para makumusta si Raffy. Pero nakakasiguro naman ako na hindi sya magagawang saktan ng ama nya. Dahil kitang kita ko naman na mahal na mahal sya ng tatay nya. Ako? Handa naman akong masaktan basta wag lang si Raffy o ang pamilya ko. Matatanggap ko ng maluwag ang kamatayan. Basta masiguro ko lang na ligtas ang mga taong mahal ko.

Wala namang nangyaring kakaiba kinabukasan. Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit na hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari saken. Hinihintay ko na nga lang na sabihin saking tanggal na ako sa trabaho eh. Pero hindi naman iyon nangyari. Nang maglinis ako ng opisina nila ay doon ko lang napansin na wala pala si Raffy. Nagtanong ako sa mga katrabaho nya pero wala rin silang alam. Doon na ako lalong nag-alala para kay Raffy. Hindi ko alam kung papano ko aalamin ang nangyayari kay Raffy. Bigla na lamang pumasok si Christian sa isip ko kaya naman agad ko itong itinext. Pero si Christian man ay hindi rin sumasagot sa text ko. Parang wala ako sa sariling nagtatrabaho hanggang sa sumapit ang hapon. “Raffy, ano bang nangyayari?” sabi ko sa isip ko. Eto na naman ako at humihiling na sana ay ayos lang sya.

Dalawang linggo na rin ang lumipas at wala pa rin akong balita tungkol kay Raffy. Ilang beses ko syang sinubukang tawagan, pero hindi ko sya macontact. Ilang beses ko rin sinubukang puntahan si Christian sa bahay nila pero lagi itong wala. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Natotorta na ang utak ko sa kakaisip ng paraan kung papaano ko malalaman ang nagaganap kay Raffy. Hindi ito pwede. Hindi ako papayag na magkalayo ulit kame. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan. Hindi ako basta na lamang uupo at maghihintay ng mangyayari. Wala na akong pakialam kahit anong mangyari saken. Basta malaman ko lang kung anong nangyari kay Raffy. Lakas loob na akong pupunta sa bahay nila. Pero bago ko magawa yun ay bigla na lamang akong nakatanggap ng text. Halos manginig ang kamay ko nang makita ko kung sino ang nagtext. Si Raffy. Mangiyak ngiyak na ako pero nakahinga ako ng maluwag ng basahin ko ang text nya.

Raffy: James, pasensya ka na ngayon lang ako nakapagtext ah. Ayos lang ako wag kang mag-alala. Puntahan mo ako dito sa warehouse. Alam mo naman kung nasan ‘to diba? Pasensya na ito lang yung lugar na alam kong walang makakakita saten eh. Bilisan mo, tumakas lang ako eh.

James: Oo. Sige pupuntahan kita dyan. Hintayin mo ako, mabilis lang ako. Salamat nagtext ka na. Nag-alala ako ng husto sayo mahal eh. Mahal na mahal kita Raf.

Raffy: Mahal na mahal rin kita James.

Halos liparin ko na ang kalsada para lang mabilis na makarating sa sakayan ng jeep. Hindi na ako makapaghintay na makita ulet si Raffy. Marami akong gusto itanong sa kanya. Simula kasi nang makabalik sya ay hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos dahil napakarami agad ng mga nangyari. Isa lang naman ang nasiguro ko eh. Alam kong ako pa rin. Hindi sya nagbabago. Alam kong mahal pa rin nya ako. Pero ang mahalaga ngayon ay alam kong ayos lang sya. Buti naman.

Nang makarating ako ng warehouse ay agad ko syang itinext. Sinabi ko na nandito na ako. Pero sabi nya ay dumiretso na ako dahil nag-iingat sya na baka kung sino ang makakita sa kanya. Hindi na ako nagreklamo. Dahil sa lagay namin ay alam ko naman na mas makakabuti samen ang mag-ingat sa bawat kilos namin. Ayos na ang ganito. Basta hindi kami magkakahiwalay, ay ayos na kahit patago. Ang mahalaga ay alam kong makakasama ko sya. Wala na akong mahihiling pa.

Nakapasok na ako sa warehouse. Itinext ko sya na  nandito na ako sa loob. Wala syang reply. Napangiti ako dahil alam ko naman lahat ng kalokohan ni Raffy. Hahaha. Alam kong binabalak nyang gulatin ako. Pero hindi sya magtatagumpay dahil uunahan ko sya. Masaya akong naghanap. Naglakad ako ng walang ingay para hindi nya malaman kung nasan ako. Marami rin kasing nakatambak na paleta kaya marami rin ang maaaring pagtaguan. May mga pagkakataon pa ngang hindi ko mapigilang matawa pag naiiisip ko kung anong magiging reaksyon nya kapag naunahan ko sya. Mukha kasi syang tanga pag nagugulat eh. Nandyan yung mumulagat ng husto yung singkit nyang mata sa sobrang gulat. Hahahaha. Ampanget ng reaksyon nun kapag nagugulat eh. Halos 30 minutes na akong naghahanap pero hindi ko pa rin sya nakikita. Sa pag-iikot ko ay may nakita akong isang lalake na nandun sa likod ng isang paleta. Napansin ko ang tattoo nyang bungo sa kaliwang balikat nya, dahil nakasando lamang ito. Nagtaka ako dahil wala namang tattoo si Raffy. Lalapitan ko sana ang lalakeng yon pero bigla na lamang syang nawala. Sa dami kasi ng mga nakahambalang sa daraanan ay siguradong magkakawalaan kayo. Hindi ko na rin masyado pang binigyang pansin iyon dahil atat na atat na akong makita si Raffy. Puta! Naiiinis na ako. Alam naman nyang maigsi lang ang pasensya ko sa mga ganito. “Anak ng tokwa naman! Raffy!” Napasigaw na ako. Pero wala pa ring sumasagot. Itinext ko sya ulit pero ang reply nya lang ay “hehehehe! Hanapin mo ako.” “Gago ka ah! Kutos ka saken pag nakita kita.” Sabi ko. At patuloy akong naghanap hanggang sa makarating na ako doon sa isang silid. Naaalala ko yon dahil doon nya isinagawa ang paghihiganti nya sa mga taong umabuso saken. Pag naaalala ko yon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Yun kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko si Raffy sa pinakademonyo nitong anyo.

Medyo badtrip na ako sa paghahanap ng makapasok ako doon sa loob. Halos nawala lahat ng lakas ko sa katawan dahil sa nakita ko. Tumambad saken ang duguang katawan nina Gie, Henry at Leroy. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.Patay na yata sila, pero nang makita kong gumalaw ang katawan ni Leroy ay agad akong napatakbo sa kanya para tulungan sya. Baka maisalba ko pa ang buhay nya kung sakaling madala ko sya sa ospital. Nang makalapit ako ay nakita ko ang mga katawan nila Henry at Gie na tadtad ng saksak. Ganun din si Leroy, pero hindi katulad nila Gie na mga patay na talaga si Leroy ay nakakagalaw pa. Natataranta ako. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. May nakatarak na patalim sa katawan ni Leroy kaya iyon muna ang una kong naisip. Hinubad ko ang damit ko at tsaka ko hinugot ang patalim kasunod noon ay madali kong tinakpan ng hinubad kong damit ang sugat na iyon para hindi tumagas ang dugo. Halos naghihingalo na rin si Leroy nang magsalita sya.

Leroy: Umalis ka dito. Bobo ka ba? Umalis ka na rito. (Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi nya.)

James: Hindi pwede. Hindi kita pwedeng iwan na lang basta dito. Dadlhin kita sa ospital.

Leroy: Hayop talaga ang katangahan mong bobo ka. Ssseett. . . . …(Hanggang sa bigla na lamang huminto ang katawan nya sa paggalaw.)

Kinapa ko ang pulso ni Leroy at doon ko nalamang binawian na sya ng buhay. Maya maya pa ay. “Itaas mo ang mga kamay mo at wag kikilos ng masama.” Napalingon ako at nakita ko ang tatlong pulis na tinututukan ako ng baril.

James: Nagkakamali po kayo ng iniisip hindi po ako ang pumatay sa kanila. Tinutulungan ko nga po sila eh.

Pulis: Sa presinto ka na magpaliwanag! (at nilapitan nila ako para posasan.)
----------
“May mali dito, hindi magagawa ni James na pumatay ng tao! Nagkakamali po kayo!” Sigaw ni Limuel. Si Limuel na lang kasi ang naisip kong tawagan. Alam ko namang mababalitaan din ito nila nanay pero ayaw ko munang ipaalam sa kanila hanggat maaari. Anlaking problema nito, papano ba ‘to?

Limuel: Nakikiusap po ako hindi nyo po sya pupwedeng ikulong wala po syang kasalanan!

Pulis: Iniimbestigahan na ang kaso. Kung hindi talaga sya ang may gawa ay makakalabas sya. Kaya ang pupwede mo lang gawin ay maghintay.

Limuel: Maghintay?! Maghintay saan? Napakabagal ng proseso nyo, nabulok na sa bilangguan yung walang kasalanan, hindi pa kayo tapos mag-imbestiga.

Pulis: Aba! Bata sumusobra ka yata, ginagawa namin ang trabaho namen. Makicooperate na lang kayo. Sige na! Ipasok na yan sa kulungan.

Takot na takot man ako ay hindi ko naman magawang magpumiglas. Naririnig ko ang sigaw ni Limuel, naiiyak na lang ako dahil bakit ba kailangan mangyari ‘to saken. Diyos ko po!

Raffy’s POV

Nage-empake ako ng mga damit ko. Napagplanuhan ko na kasi ang lahat at buo na ang isip ko. Wala, hindi talaga kami matatanggap ng ama ko. Kaya nagdesisyon na ako na putulin na ang anumang ugnayan naming sa isa’t isa. Tutal ang natitirang pagmamahal ko sa kanya ay inalis nya na rin nung ipakita nya saken kung gaano sya kalupit! Wala na akong pakialam sa kahit anong meron sya. Isasama ko na rin si mama, at babalik kami sa dati naming buhay. Tutal nagkasundo na rin naman kami tungkol dito. Ayoko na, tama na ang pagbibigay ko. Tama na ang pagpapauto ko sa kanya. Hindi talaga anak ang tingin nya saken. Wala sya ni katiting na pag-intindi sa mga nararamdaman ko. At naniniwala ako na hindi ganun ang isang ama. Dapat, hindi ganun.

Raffy: Ma! Tara na alis na tayo.

Mr. Wee: Bakit saan kayo pupunta?

Raffy: Simula sa araw na ‘to mamuhay na lang kayo mag-isa. Wala na kayong pamilya, pinuputol na namin ang anumang ugnayan namin sayo. Wala ka nang asawa at wala ka na ring anak.

Hindi na nakapagsalita si daddy, napipi ito sa mga sinabi ko. Nakita ko rin ang labis na pagkagulat sa mukha nya. Marahil ay hindi nya inaasahan na magdedesisyon kaming mag-ina ng ganun. Tumuloy na kami ni mommy sa labas, nang bigla na lamang nya kaming habulin at pigilan. Hinawakan nya agad si mommy sa braso at sabay kaming napahinto sa paglalakad.

Mr. Wee: Bakit? Bakit kayo aalis? Maganda ang buhay nyo rito saken. Lahat nasa inyo na ah. Kahit anong gusto nyo makukuha nyo kung nandito kayo. Bakit kailangan nyo pang umalis? Ano bang ginawa kong masama?

N. Esther: Hindi mo alam? Tanga ka ba o nagtatangatangahan? Hiindi pamilya ang turing mo samen dito. Bilanggo ang turing mo sa amin na kailangang sumunod sa lahat ng gusto mo. Wala kang pakialam sa mga nararamdaman namin. Sarili mo lang ang iniisip mo Jigger, makasarili ka, kaya hindi mo kailangan ng pamilya. Nagawa ko na noon at magagawa ko ulit ngayon. Naitaguyod ko ang anak natin ng mag-isa nang hindi kinakailangan ang tulong mo. Makakaya pa rin namin kahit wala ka.
 
Mr. Wee: Ano bang sinasabi mo? Hindi ako makasarili, ginagawa ko lang kung ano ang tama para sa anak naten. Lalake sya at kailangan mapanindigan nya yun.

N.Esther: Alam mo, pakihanap yung puso mo, nawawala eh. Hanapin mo para maimulat mo na yang mata mo na ang anak naten ay hindi kagaya ng inaasahan mo. Hindi sya tunay na lalake, bakla sya, binabae,

Raffy: Ma!

N. Esther: Becky, kapederasyon,

Raffy: MA!

N. Esther: Berde, paminta, shoke at higit sa laha….

Raffy: MA! Tsk, grabe! Pwedeng yung paminta na lang, kailangan ba talagang banggitin lahat ng term. Tara na, kinakusap nyo pa yan eh, sarili lang nyan ang kaya nyang intindihin. Ang akala nya palagi syang tama.

At pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay tumuloy na kami sa labas. Pipigilan pa sana kami ulit ni daddy pero hindi na kami nakinig sa kanya at nagmadali na lang kami lumabas.

“Sinisiguro kong babalik din kayo!” narinig kong huling sinabi nya bago kami tuluyang makasakay ng sasakyan. Naghanap kami ng mauupahan ni mommy, kahit maliit na kwarto lang para sa aming dalawa. Sigurado akong puputulin na naman nya lahat ng pupwedeng pagkunan namin ng pera. Handa naman na kami dun, after all, sanay naman kami sa hirap eh. Reward na lang samin kung ano man ang tinamasa namen, this past few years nang dahil sa ama ko. Sanay na kami sa anumang uri ng pamumuhay kaya naman wala na kaming uurungan. Hindi kami natatakot.

Nag-ikot kami ni mommy para maghanap ng mauupahan. Gusto ko doon sa malapit kila James para naman madali na lang pumunta sa kanila. Sosorpresahin ko sya. Ngayon pa lang kinikilig na ako sa magiging reaksyon nya. Hays! Miss na miss ko na talaga sig ago. Gusto ko na syang mayakap ulet. Magmula nung makabalik ako ay hindi pa man lang kami nakakagawa ng ano. Yung ano ba.. yung.. ahmm. Basta yun yung paborito namen. Di bale, matatapos na rin naman na ang lahat ng ito. Buo na ang loob namen ni mommy. Si mommy at si James lang naman talagaa ang kailangan ko sa buhay ko eh. Wala nang iba. Gagamitin ko na lang ang pinag-aralan ko para magkaroon ng magandang trabaho. Sa puntong ito. Sisimulan ko ulet. Magsisimula kami ng bagong buhay. Walang magulo. Ang pangarap kong buhay, kasama ng mga mahal ko at nagmamahal saken. Sapat na, wala na akong mahihiling pa.

Kahit pinilit naming maghanap doon sa malapit kila James eh dito pa rin kami bumagsak sa kabilang barangay. Nakakainis, wala kasing bakante doon malapit sa kanila. Pero ayos lang di hamak na mas malapit ito kesa doon sa bahay ng tatay ko. Eto na! Magiging malaya na kami. Nagpapasalamat ako.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Yakap ng Langit (Part 15)
Yakap ng Langit (Part 15)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s1600/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-RcyHah3FWPyb3uuQXEtjs2tgNzlhwdC3B0Na3-CnsEOCs4SDgq79Qp1tlZM_MAags88Qo3K1Na1H_1Hypwvkj7JSqUohfKVC_6bE9FJUMgLHI4A5MQW3a_z6y0cAy-eG1xJnPOf4V6u3/s72-c/tumblr_n5eg0dNeCS1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/11/yakap-ng-langit-part-15.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/11/yakap-ng-langit-part-15.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content