$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Huling El Bimbo (Part 3)

By: Kuya Jigz To all my readers, sorry I kept you waiting. Special thanks to my MAHAL, for falling in love with my stories (and me), and for...

By: Kuya Jigz

To all my readers, sorry I kept you waiting. Special thanks to my MAHAL, for falling in love with my stories (and me), and for inspriring me to finish this one.  Here is the final installment of Ang Huling El Bimbo

I had this dream, ewan ko ba ang weird. Nasa may seashore kami, may kasama akong lalaki but I can't figure out who he is. From where we were sitting, I stood up.

"Habulin mo ako!" sabi ko sa kasama ko, then I started running.

"Ahh gusto mo maghabulan ahh!" sabi nung guy.  Tapos hinabol niya ako.

Sino ba 'to? Familiar ang boses niya.
Hindi nagtagal nahuli niya ako, nagtatawanan lang kami habang nakayakap siya sakin.

"Ang bagal mo naman tumakbo Renz eh"

"Hindi, nagpahuli lang talaga ako" natatawa kong sagot

"kunwari ka pa! mabagal ka talaga! hahaha"

Masaya kami, ramdam ko yun.. kahit sa panaginip lang. Pero sino ba siya? Hindi ko pa rin makita ng linaw yung mukha niya. Sa panaginip ko, umupo kami sa may buhangin tapos niyakap niya ako ulit, ako naman sumandal lang sa kanya. Sabay namin pinanood ang paghamapas ng alon sa dalampasigan habang dahan dahan na lumulubog ang araw. Tumahimik bigla, mapayapa at randam mo ang pagmamahalan namin. Maya maya pa nagsalita siya,

"I love you Renz"

sumagot ako "I love you too kuya..."

Tapos bigla akong nagising.

It's been 6 years since iniwan niya ako, pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya malimutan?  It is probably around 6pm. Malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa kisame.
Madilim sa kwarto at ang naririnig ko lang ay yung tunog ng aircon. Maya maya pa may umagaw ng atensyon ko, sa may malapit sa pintuan may parang bilog na nakadikit sa may kisame. Binuksan ko yung lamp shade only to find out na baloon pala yun, pero may nakatali sa ibaba, a rolled paper with picture. Bumangon ako, kinuha yung lobo at yung  yung nakasabit. Picture ko yun ng araw ng graduation ko sa kolehiyo. Binuksan ko yung papel

"On your graduation day was the first time I talked to you. I also remember you puking on me after being so wasted that night"

Napangiti nalang ako, this came from Mike for sure. Napaka sweet talaga. I turned the paper, meron pang nakasulat. "P.S. open your door"
I did and found another balloon. Actually, trails of balloon papunta somewhere, sa labas? sa sala? I don't know basta natutuwa ako.
Lahat ng balloons may picture and little note and each one of them never failed to make me smile or laugh.

Andun yung mga photos namin na magkayakap, nagpapa cute, selfies, seryoso, stolen, lahat na nandun pati yung sweet memories in every note like yung first time niya akong nayakap, yung time na inintroduce niya ako sa parents niya, yung party ni dad before, the night I agreed to be his boyfriend, and even the time na nagaaway kami for the craziest reason.. ang cute cute ko daw pag galit. Loko talaga si Mike, he loves me so much, and he made sure na  nararamdaman ko yun.

Dumating na ako sa may sala malapit sa dining and I think ito na yung last balloon, attached to it was a photo of us, nakayakap ako sakanya while nakahalik siya sa forehead ko. I remember this, ito yung day na sinurprise niya ako on my birthday. I opened the note and it only said

"open the lights, baby"

Nung pagbukas ko ng ilaw, nagulat ako. The dining room was full of balloons of different colors and lahat may picture na nakaattach. The table was set into a very romantic manner. may candles & wine, it was a fine dining. And at the very center of the room, may guy na nakatayo in a semi formal attire. May hawak siya na malaking teddy bear and nakangiti siya sakin. Tears started falling down my eyes.

"Happy 2nd Anniversary baby" sabi ni Mike in his super romantic/sexy voice

Napangiti lang ako at dahil dito, marahan kong binitawan lahat ng lobo na hawak ko. Naglakad ako papalapit sakanya habang pinupunasan ko yung mga luha ko.
Itinabi niya muna yung malaking teddy bear at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"Happy anniversary baby" sagot ko sakanya.

He held my chin up, tumingin siya derecho sakin. Pinunasan niya mga luha ko gamit ang kamay niya.

"wag ka na umiyak, di bagay sayo"

"eh ikaw ba naman sorpresahin ng ganito" sagot ko sakanya

Ngumit lang siya, tapos dahan dahan siyang lumapit til his lips reached mine. He kissed me, I kissed him back.

Kinuha niya yung teddy bear na hawak niya kanina at binigay sakin

"for you"

"ang laki naman nito, hehe thank you babe"

We had dinner, he prepared my favorites. Braised beef with broccoli, corn & carrots, steamed salmon, and mashed potato. After dinner we had a few drinks.
Kwentuhan lang til we get satisfied then he took me for a walk in a very nice place around our area. Dami niyang kwento, hindi matapos tapos. All I ever did was smile, he never really bore me anyway. Andun rin yung in the middle of nowhere bigla siyang magjojoke na corny, that's when I start to frown. Pero minsan kasi sa sabrang corny matatawa ka nalang. After an hour or so we decided to leave na. He drove us to his condo, where we will be spending the night together.

Two years and still counting. Ganun na katagal since Mike asked me to be his boyfriend. Hindi ko na rin naman pinahirapan ang loko dahil palagi niya akong napapasaya, and I believed it's time for me to be happy as well. The usual relationship, may ups and downs. Andiyan yung mga random sweet moments namin pag kaming dalawa nalang, yung lunch and dinners kasama ang families namin, yung never ending surprises ni Mike during monthsaries, birthdays, and yung recently lang, our second anniv.  Of course andun rin yung mga away like palagi akong nagoover time and he wanted to spend some time with me, pag hindi ko nasasagot yung texts and calls niya  (masyado kasi akong workaholic eh), and pag gusto niya pero ayaw ko, pero in the end iniintindi niya rin naman, siya din ang mag sosorry.  I have to be honest, walang wala yung mga efforts ko sa mga pinapakita niya, ganun ako kamahal ni Mike.

Days passed normally. The usual routine, gigising ng maaga for work, i'll have my coffee ready on my table, tapos one long stressful day at the office.  Mike will be driving me home, minsan sabay nalang ako kay Dad pag nag OT. Everyday seemed so normal, until one day, I was busy with work nang may tumawag sakin. It was one of my closest college friend, Harvey.

"Hey Renz! how are you? big time ka na daw ah"

"I'm good Harvey. Di naman. Haha Ikaw bro, how are you?"

"I'm good too. Hey listen, Hellen just came back from Australia. One month vacation lang daw and there's a small gathering in their house this saturday, tayo tayo lang naman college friends. Are you busy this saturday?"

"Really? Alright sige, I'll make myself available this saturday"

"Alright Renz, thank you for your time. See you then!"

"Thanks bro, see you!"

Dumating ang sabado at halata ang excitement sakin. Siguro more than 3 years na rin kami bago mabuo ulit ng ganito, naging busy na kasi kami sa mga trabaho namin. Paminsan minsan nalang nagkikita at hindi pa nakukumpleto. Kaya I was really looking forward to this day. Gabi yung reunion namin, so it was around 5pm when Mike dropped me sa bahay nila Hellen.

"Call me when you're going home na ah?"

"I will, bye baby"

"I love you!" at umalis na si Mike.

"Oooh, is he the one you were telling me about?" ang pagsalubong sakin ni Hellen.

"Darn it! you look so pretty. How are you? Kamusta ang Australia?" I gave her a hug.

"Hmm, iba ang mga tao dun, they're kinda looking down sa asians, pero sa una lang. I showed them what I've got and earned their respect"

We continued talking while we walk around her house. It was a big house owned by her parents, dun siya lumaki and nakapag overnight na rin kami dito nung college pa. A few folks were there already, Jeremy, former president ng org, Yanna, Peter, Jane, and Harvey. Maya maya pa nagsidatingan na rin ang iba pa naming kaibigan, and after an hour, nakompleto na rin kami.

We had dinner and it was the perfect time to talk about our lives. Pinagusapan namin ang different work experiences namin, kung ano na ang tayo namin sa buhay, yung mga boss naming masusungit pati yung mga co workers namin na iba iba ang ugali. Binalikan rin namin ang mga unforgettable experiences namin nung college, yung mga kalokohan, iyakan, yung bawat pagsasama namin. Hindi nawala ang tsismisan sa love life and siyempre hindi ako nakaiwas, they've asked me about kuya El at sinagot ko naman yun ng "I have Mike right now, I'm happy with him" they seem satisfied naman sa sagot ko. We've also learned na yung iba ay may plano na rin magpakasal at magpamilya. Haay, grabe, time flies so fast nga naman. Parang kahapon lang yung mga araw na wala kaming tulog dahil sa exams, projects, at thesis pero look at us now, maganda na ang standing, may stable job, okay financially, and may maayos na plano para sa sarili.  

After dinner we had alcoholic beverages. Dun namin pinagpatuloy ang mga kwentuhang hindi matapos tapos. I decided to stop drinking when I feel tipsy na besides, it was getting late na rin. I excused myself, tapos pumasok ako sa dining, dumerecho sa kitchen, doon ko tinawagan si Mike para magpasundo. After ng conversation namin I washed my hands dun sa sink then noticed someone standing behind me.

"Masaya ka na ba talaga sakanya?" si Harvey pala yun

"huh? oo naman. bakit?"sagot ko sakanya

"I just think you should know, he's back"

Naguguluhan ako, ano ba sinasabi ni Harvey? "I'm sorry, who?"

"Si leandro. He's here in the Philippines, narinig ko lang. I'm not really sure. I just thought you should know"

"tara outside, they're serving fruit salad" pagyaya sakin ni Harvey.

Mga 30 minutes after dumating si Mike, I said my goodbyes, and hoped na sana maulit yung reunion before Hellen heads back for Aus.  Mike drove me straight home. Gabing gabi na yun kaya I invited him to stay for the night. Natuwa naman ang loko. I woke up feeling Mike's tight hug from my back. I also hear his little snore, pagod ata from last night. Slowly, I tried escaping from his hug para makapag CR. I then went down para makapag luto ng breakfast. I prepared his favorite. Cinnamon toast with bacon and egg and coffee.  When everything is settled and ready, I brought them up to surprise him with a breakfast in bed. Then I gently woke him up from his sleep.

"Good morning, breakfast is ready"

"Good morning baby, wow my favorites"

"thank you for last night, tara na let's eat" I told him.

After our breakfast umalis din siya agad, ako naman napagisipan ko na linisin ang kwarto. Nagsimula ako sa kama, tapos winalisan yung sahig, then inorganize yung wardrobe. Sa pinakababang part ng wardrobe nakalagay yung malaking box na parang "treasure chest" ko. Doon ko nilalagay yung mga sobrang importante sakin o yung mga bagay na hindi ko na kailangan pero hindi ko kayang itapon. Alam kong maraming memories ang nakatago doon kaya  kinuha ko yun at binuksan. Ang unang tumambad sakin ay yung mga yearbook ko simula grade school hanggang college. Andun rin yung mga projects ko nung high school pa na sobrang pinaghirapan ko na nakakuha ng mataas na marka. Andun rin yung iba't ibang collections ko nung bata pa ako. Pero yung nasa pinaka ilalim ng kahon ang nagpatigil sakin. Kinuha ko ito, dahan dahang pinunasan habang iniisip kung gano ka raming memorya ang ibinalik nito sakin.
Ito yung gitara na regalo ni Kuya El on my 17th birthday, 8 years ago. Ito yung pinakauna kong gitara.  Ito yung nagsisimbolo ng samahan namin na hindi lang basta magkaibigan. Dahil dito, naalala ko yung sinabi ni Harvey sakin kagabi.

"Si Leandro. He's here in the Philippines, narinig ko lang. I'm not really sure. I just thought you should know"

Is it true? Nagbalik na nga ba si Kuya El? Ang dami kong tanong, pero hindi ko alam, naguguluhan ako.

"I just don't know what to feel pag nagkita tayo, Kuya El" sabi ko sa sarili ko

What if galit sakin si Renz?
What if ayaw niya ako kausapin?
What if nakalimutan na niya ako?

I can't get these thoughts out of my head. I have 10 days left before my vacation ends and fly back to Canada. I need to find you Renz, I will find you.

I was in deep sleep when my phone woke me up. May tumatawag.

"hello?" I answered

"Found him. Meet me in an hour, same place" and he immediately dropped the call.

Agad akong naligo, nagbihis, kumain, at umalis ng bahay. Dumerecho ako sa isang sikat na coffee shop malapit sa isang mall dito sa may samin. I ordered a coffee and looked for a seat. After around 10 minutes or so, dumating na yung kausap ko kanina, si Max. Max is one of my cousins I trust the most. Umupo siya sa tapat ko and he handed me a calling card.

"Renz Allen Tolentino, head supervisor ng isang department where his dad also works. Andiyan na ang phone number, email, at address ng office" sabi niya

"uhm.. may girlfriend ba siya or..?" hindi na niya ako pinatapos dahil nagsalita siya agad

"bro naman! ang sabi mo lang hanapin ko, hindi i-stalk"

natawa lang ako "sige salamat Max ah?"
"salamat ka diyan, malaking utang yan Leandro! haha!"

Natawa lang ako sa sinabi niya at bigla akong napaisip

"uh.. Max, sigurdo ka ba nakuha niya yung sulat ko noon?" seryosong tanong ko sakanya

"Oo El, sigurado ako. Ako mismo ang nag abot dun sa bahay nila."

Napangiti nalang ako, ilang beses ko na yan narinig mula sakanya, pero a part of me believes na hindi nakarating kay Renz ang sulat.

"O sige na, marami pa rin akong kailangan gawin El, uuna na ako ah?" pagpaalam  niya sakin

"Sige Max, maraming maraming salamat. Malaki na utang ko sayo"

"Oo nga eh, nakalista yun lahat! Hahaha!"

Loko talaga tong pinsan ko. Umalis na kami sa coffee shop at dumerecho na ako sa bahay. Sobrang saya ko dahil alam kong konting hakbak nalang at makikita ko na ulit si Renz.

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni lolo at ni lola, sakto lang for dinner, kaya sinabayan ko na sila. Pagkatapos nun ay umakyat ako sa kwarto, Nag ayos ng gamit pero bago matulog hawak hawak ko ang calling card ni Renz.

Renz Allen Tolentino, head supervisor, 0906xxxxxxx,

Sa kabilang kamay hawak ko ang cellphone ko, gusto ko siya tawagan. Pero baka busy? O kaya tulog na? Baka maka istorbo lang ako? Sa tagal kong nagisip, I finally decided to call. I entered his number at sobra akong nanginginig sa pagpindot ng call button.
*ring ring*
*ring ring*
*ring ring*
*ri- "Hello good evening, who is this?" It's Renz on the other line

Kaba, tuwa, at takot ang nararamdaman ko nang marinig ko ang boses niya.

"Hello? sino po sila?" sabi ni Renz

Teka lang, ano sasabihin ko? 'Hi Renz si El to?' o 'Hello Renz kamusta ka na?' HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO SA SOBRANG KABA

"Hello? Hellooo?"

Sa sobrang takot napindot ko na lang ang end call button. Mga ilang minuto rin akong tulala, hinhintay na mag sink sa akin ang mga nangyari. Maya maya ay nahiga na lang ako sa kama at napangiti. Ang ganda pa rin ng boses mo Renz, sana makita na kita. Bukas. Bukas pupuntahan kita diyan sa opisina niyo.

Maaga pa lang nagising na ako, ihinanda ko sarili ko para sa araw na to. Today, pupuntahan ko si Renz, magkikita kami at maguusap.  Sana rin magka ayos kami kahit papano. Agad na akong umalis ng bahay at pumunta sa opisina ni Renz, pero sa may front desk pa lang hinarang na ako.

"Yes sir, how may I help you?" sabi ng person sa front desk

"Uhh.. I'm here to see Renz, Mr. Renz Tolentino"

Ang tanga ko nga naman diba, hindi ko man lang naisip na mahaharang ako.

"Is he expecting you today, sir?"

"Uhm, no. I uhh.. just dropped by to see him" I really suck at lying

"I'm sorry sir, but we cannot give you access into our offices."

This is not happening.

"Sige na Ms please? sandali lang naman. Renz and I are really close friends and we haven't seen each other for a very long time"

Tumahimik lang yung girl, nagiisip

"..and it's not like I have evil plans here. Wala nga po akong dala na kahit ano" dagdag ko pa

Napahinga na lang yung babae at kinuha yung telepono. May dinial siya at habang naghihintay ng sagot ay tinanong niya ako

"Your name sir?"
Shoot! I can't say my real name.

"Uhm, Harvey. Harvey Santos" sagot ko sakanya

"For a while sir"

Maya maya pa may sumagot na sakanya

"Good Morning sir Tolentino, Mr. Harvey Santos here who claims to be your friend wants to see you.....okay sir, thank you" at binaba niya ang telephone.
Whew, buti nalang at hindi na ako hinanapan ng ID. Binigyan niya ako ng pass para hindi na harangin ng iba pang guards.

"6th floor sir, first office to your right"

"Thank you miss.."

Sa totoo lang, kabadong kabado ako, nasa elevator pa lang parang hindi na ako makatayo ng maayos dahil na rin nanginginig ako. Pagkadating sa 6th floor ay halos hindi na ako makalabas ng elevator. Tumingin ako sa kanan, at doon ko nakita ang isang solo office na may pangalan ni Renz. Dahan dahan akong naglakad papalapit doon iniisip kung ano ang mga sasabihin ko, kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako. Pagdating ko sa pinto ay hindi ko na pinatagal pa, pumasok ako at for the first time after 6 years, muli kong nakita si Renz, nakaharap siya sa computer niya kaya hindi niya pa ako nakikita.

"Sandali lang Harvey ah, tapusin ko lang 'to" sabi sakin ni Renz

Yung boses niya mas nag mature, mukhang mas tumangkad rin siya, at yung hubog ng katawan niya ay tamang tama lang. Sa nakikitang kong side view sakanya,  halatang mas gumwapo rin siya. Nandito na ako Renz, ilang hakbang nalang ang layo ko sayo. Wala akong nagawa kundi tumingin sa kanya. 'Ibang iba ang nararamdaman ko, masaya, excited, takot, kaba, lungkot. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam ang uunahin ko. Maya maya pa ay nagsalita na siya.

"Kamusta ka na Harv-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumingin na siya sakin. Halatang nagulat siya.

Huminga nalang ako ng malalim bago nagsalita "Renz"

Wala ni isa samin ang nagsalita, nagkatitigan lang kami ng mga ilang minuto until I broke the silence.

"I'm sorry." humakbang ako papalapit sakanya

umiling lang siya "no, get out" sabi niya sakin

"Renz please, I just wanna talk"

"get out of my office"

"Please, give me a minute" dito nagsimula ng tumulo ang mga luha ko
umiling lang siya ulit ng may isang lalaking dere-derechong pumasok sa opisina niya

"hey baby, have you seen my-" he immediately stopped talking when he saw me there.
Agad akong nag punas ng luha. This guy is familiar. Tumayo si Renz at tumabi dun sa lalaki.

"I'm sure you still remember Mike Valdez" sabi sakin ni Renz "from our Tagaytay seminar before."

I remember now, Mike, the one who helped me with Renz.

"Yes, I remember you. Good to see you Mike" I shook his hands

"Good to see you too El"

"Mike's my boyfriend" sabi sakin ni Renz.

I didn't know how to react.

"Now, I'm asking you nicely to leave my office"

Wala na akong masabi, hindi ko na rin alam ang gagawin ko kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

Oo, mahal pa rin kita Renz pero ano na nga ba ang magagawa ko ngayong may mahal ka ng iba? Ang sakit, bakit ganito?

I was about to exit their building when I heard Mike call my name.

"El!"

Napatigil ako at humarap sakanya. He approached me and started talking "I don't know what happened between you two, but let's just all leave it in the past" He continued "I don't want to see you again in this building or anywhere near Renz. Layuan mo siya o magkakasakitan tayo" sabi sakin ni Mike.

Honestly nawalan na ako ng gana sa lahat. After how Renz treated me tapos I'll get a threat pa? I didn't say a word to Mike. I just turned around, exited the building, called for a taxi, and went straight home.

Almost a week passed at wala akong naisip kundi si Renz. Kahit na ilang reunions and small gatherings pa ang pinuntahan ko kasama ang mga kaibigan ko noong high school at college, at the end of the day, siya pa rin laman ng isip ko. May isang beses pa nga na hinintay ko siya sa labas  ng opisina nila para lang makapagusap pero kasama niya naman tong si Mike. There was one day rin when I once again tried to go to his office pero nakilala na ako at sa may pinto pa lang ay hinarang na ako.

"Renz please let me talk to you" I told myself

Another day passed and I felt like all hope is lost. Ayaw ko na, wag na kung ayaw niya talaga. I was starting to give up when I remembered the very reason kung bakit ako bumalik sa Pilipinas. Bumalik ako para mag bakasyon, para makalayo sa mga trabaho at problema ko doon, para pagbalik ko muli, handa na ako ipagpatuloy ang buhay ko doon. Kaya hindi ako papayag na aalis ako ng Pilipinas na may problema at mabigat na iniisip. Kahit magka ayos lang tayo Renz,
masaya na ako.

I contacted some of my orgmates na alam kong kaibigan ni Renz. Nagpatulong ako na iset up kami dahil alam kong hindi siya papayag pag ako ang lumapit kaso nga lang halos lahat sila ay busy sa kaniya kaniyang trabaho. Buti nalang ay may isang pumayag na tulungan ako. Si Hellen.  Sinabi ko sakanya ang plano ko, at ang kailangan niya lang naman gawin ay magpanggap na sila ang magkikita pero ako talaga pupunta. Noong una ay ayaw pa niya, pero na convince ko naman  dahil ang gusto ko lang naman talaga ay makapagusap kami.

Kinagabihan nakatanggap ako ng tawag galing kay Hellen.

"Hello El, pumayag siya. Sa Friday daw after work. He agreed na magisa lang siya pupunta"

"Alright, Thank you Hellen. Thank you so much"

Friday. Sa sunday na ang flight ko back to Candada. I won't have much time after friday. This may be my only chance.

Friday night came. I arrived 30 minutes early and Renz was even late. Pero siyempre, okay lang para sakin. I saw him standing sa may entrance ng restaurant looking
for Hellen. He asked a waiter and then was assisted to the table where I was sitting.
'This is it' I told my self
Nagulat siya nung nakita niya ako

"Si Hellen?" tanong niya sakin

"She's not coming" sagot ko. "Please have a seat"

umupo naman siya pero halatang naiinis sa mga nangyayari

"So you guys set me up?" galit niyang tanong sakin

"Wag ka magalit sakanya, ako ang nakiusap. I just wanna talk to you Renz." pagmamakaawa ko sakanya

"It's too late kuya El. You're six years late" sabi niya sabay tayo at umalis ng restaurant
Tumayo ako at hinabol siya. Pagdating sa labas ng restaurant ay hinawakan ko ang kamay niya para mapigilan siya sa pag alis.

"Renz please let me explain!"

"Explain what kuya El?! Kung bakit mo ako iniwan ng ganun ganun na lang? Kung bakit ka na lang magpapakita ngayon na masaya na ako sa buhay ko? I don't need your explanation because you know what, I don't care about you anymore!"

Galit na galit na sigaw sakin ni Renz, buti nalang wala masyadong tao

"I'm sorry" dito nagsimulang tumulo ang luha ko. "I did everything that I could to tell you what happened, to go back. But I never had the chance"

"Pinagmukha mo akong tanga, ang tagal tagal kong naghintay at umasa na babalik ka sa akin pero wala. Nagmukha lang akong tanga" tuluyan na rin umiyak si Renz

"Believe me Renz, hindi ko ginusto yung nangyari. Ginawa ko lahat para makabalik sayo, para tuparin yung mga pangako ko sayo. Na hindi kita iiwan. Kasi ang totoo, hindi talaga kita kayang iwan."

"Shut up. Get lost now please. Ayaw na kita ulit makita" he can't stop crying either. "please"
"Renz.. give me one more chance"

Nagulat nalang ako ng biglang may sumigaw sa likod ko

"Sabing layuan mo na siya eh!" at sumalubong sakin ang isang napakalakas na suntok.

Bumagsak ako sa lupa na parang may nagtulak lang.

Wala akong maramdaman nung una, pero maya maya pa ay naramdaman ko na ang sakit sa may labi. Hinawakan ko ito at may nakita dugo sa kamay ko. Ang isang suntok ay nasundan pa ng dalawa, tatlo, apat. Tapos tinadyakan pa ako at pinagsisipa sipa.

"Mike ano ba tama na! Tama na yan Mike!!!" sigaw ni Renz

Ang sakit na ng katawan ko, hindi ako makabangon, hindi ako makalaban, at halos hindi na rin ako makagalaw. Wala na akong magawa kundi tanggapin ang lahat ng suntok, tadyak, at sipa na binibigay sakin. Siguro nga nararapat lang sakin to, kapalit ng sakit na naibigay ko kay Renz.
"tama na Mike!" sigaw ulit ni Renz

Sa kabila ng sakit ay nagawa ko pang tumingin sa kinakatayuan ni Mike at dun ko nakita na may isang suntok pa siyang ibibitaw sakin. Sa nakita ko, napapikit nalang ako.

"Mike!" narinig ko ang boses ni Renz
At bigla ko nalang naramadaman ang pagbagsak sakin ni Renz. Walang suntok akong naramdaman, tanging si Renz lang. Pagdilat ko ng mata ay nakita si Renz na nagdudugo ang labi.

Pinagtanggol niya ako?

"Renz" sabi ko kahit namimilipit ang buong katawan ko sa sakit

"Kuya El.."

"Renz, IM SORRY. HINDI KO SINASADYANG MATAMAAN KA...." sabi ni Mike

Iyan na ang huli kong narinig bago pa ako nawalan ng malay.

I was holding a pack of ice and gently pressing it to my lips, doon sa sugat kung san ako nasuntok ni Mike. Yung suntok na dapat para kay kuya El. We were on our way home, well actually ako lang, hinahatid ako ni Mike. We just left the clinic kung saan namin dinala si El for his treatment. I insisted on staying para mabantayan ko siya pero hindi pumayag etong si Mike since sabi naman ng doctor ay okay na siya. I stopped talking to Mike. Ewan ko ba, pero  galit at inis ang nararamdaman ko para sakanya ngayon. Lahat ng sorry niya hindi ko pinapansin. Pati yung mga paghawak niya sakin iniiwasan ko. Hindi ko rin siya matingnan sa mga mata. Habang nagddrive siya ay napansin ko ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Nagsorry siya ulit pero nagmatigas ako. Nang makarating kami sa bahay namin ay agad lang akong bumaba at wala ng sinabi pa.

Nakahiga na ako sa kama, naghihintay makatulog habang iniisip ko ang mga nangyari. All of kuya El's efforts to talk to me this past week. He first pretended to be Harvey para makapasok sa office ko, I saw him waiting sa labas ng office one night and I know it was all because of me. He also asked Hellen to help him to get to me. Marami akong gustong itanong, malaman. But all I did was push him away. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. Pero siguro kasi ayaw ko na masaktan, ayaw ko na umasa ulit.

Kahit nasaktan niya ako ng sobra sobra hindi ko pa rin kayang makita siyang masaktan at magdusa ng ganun. Kaya siguro kinaya kong saluhin ang huling suntok ni Mike para sakanya. Alam kong kabaliwan na 'tong nasa isip ko pero... Mahal mo pa ba ako kuya El? Kasi yung nararamdaman ko ngayon, hindi ko maintindihan. Magkahalong Galit, inis, at tuwa. Galit dahil sa mga ginawa mo sakin, masaya kasi nandito ka na ulit.

Habang dinadala namin siya kanina sa clinic ay di ko mapigilan ang sarili ko mapatitig sa mukha niya. Kahit maraming sugat at pasa, gwapo ka pa rin. Nag iba na ang hitsura mo kuya, pero magandang pagbabago. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya at dahan dahan kong pinupunasan ang mga sugat niya habang nasa likod kami ng sasakyan ni Mike bago pa kami makarating sa clinic. Habang nagpupunas ako, napansin ko ang small series of chain na nakasabit sa leeg ni kuya El. It was a necklace. Tiningnan ko ito at nakita ko ang maliit na gitara as a necklace. Ito yung binigay ko sakanya nung grumaduate siya sa college. Doon sa office ng org  namin.. Parang nawala lahat ng galit ko at hindi ko napigilan ngumiti. Nasakanya pa rin ang necklace na binigay ko sakanya, isang bagay na sumisimbolo kung gaano ko siya minahal.

Late na ako nagising ng sabado ng umaga, ayos lang dahil wala naman akong trabaho pag weekends. I checked my phone only to see Mike's 20++ missed calls and text messages. Lahat puro sorry, hindi ko na binasa. I just did my usual stuff on a weekend. Spent some time with my dad, morning exercise, and still.. checking my emails baka may emergency sa company. I can't get him out of my head. Siya pa rin iniisip ko. Kung kamusta na siya o kung gumaling
na mga sugat niya..

After lunch when I decided to go to the clinic where we brought El last night. Upon arriving dun sa clinic, nagtanong agad ako sa isang nurse.

"Miss, si Leandro da Cruz? Admitted here last night"

"Ahh sir, nakalabas na po, kanina lang" sabi ng nurse

"Huh? Magaling na ba siya?"

"Maayos na po ang kalagayan niya sir, nabigyan na rin naman po siya ng certificate to travel ni Doc"

"Certificate to travel? Para san?" naguguluhan ako

"As per requested po ng patient, flight niya daw po back to Canada tomorrow morning"

"what" yan na lang ang nasabi ko

Kung kailan handa na akong kausapin siya ulit aalis nanaman siya. Bakit ganito? Baka nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Umuwi nalang ako, pagkauwi ko agad na akong dumerecho sa kwarto para magpahinga. Wala akong gana gumawa ng kahit na ano o kumausap ng tao. Gusto ko lang mapagisa ngayon.

Nakahiga lang ako sa kama, nakaharap opposite sa pinto ng may biglang pumasok. Inisip ko na si dad kaya hinayaan ko lang. Naramdaman kong umupo siya sa may gilid ng kama ko. Magsasalita na sana ako na gusto ko mapagisa pero naunahan niya ako..

"Hey" si Mike

nagulat ako, napatingin ako sakanya "Why are you here"

"Umalis ka daw ah.. San ka galing?" tanong niya sakin

hindi na ako sumagot. Alam kong alam niya kung saan ako nagpunta at alam kong nagseselos siya.

"Siya pa rin... tama ba?" mahinang tanong ni Mike. Sa tono niya, alam kong naiiyak na siya

"Ano ba pinagsasabi mo Mike" sagot ko

"Wag ka na magsinungaling baby, halata naman eh."

Tumahimik lang ako

"Alam kong napilitan ka lang paalisin siya sa opisina mo noon dahil ayaw mong makita ka niya umiyak." dagdag niya "Alam kong kahit na itinaboy mo siya umaasa ka na babalik siya para ipaglaban ka. All these years alam kong naghihintay ka pa rin na babalik siya. Tama ba? Tama ba Renz?" pagiyak ni Mike

Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko..

"May mga ilang beses habang natutulog tayo in the middle of the night, magigising ka at sasabihin mo ang pangalan niya. Ang sakit nun para sakin, wala naman akong magawa kundi magpanggap na tulog. Ginawa ko ang lahat para makuha ang atensyon mo, para mapasaya kita, para malaman mo na karapat dapat ka mahalin ng isang kagaya ko. Pero alam kong hindi ako nagtagumpay kasi kahit anong gawin ko, hindi mo kayang kalimutan si El dahil siya talaga ang mahal mo."

"Mike please" mahina kong sabi

"Minsan naiisip ko kung saan ako nagkulang. Kung bakit hindi mo kayang isukli yung pagmamahal na binibigay ko sayo. Araw araw minamahal kita ng higit pa sa buhay ko, kahit masakit na, hindi ako nawalan ng pag asa na maisusukli mo rin yung binibigay ko sayo. Pero lately narealize ko na wala akong kulang, sadyang hindi mo lang talaga ako mahal."

"Renz patawarin mo ako ahh? May nagawa akong malaking kasalanan sayo" Nabigla ako sa sinabi niya

"three years ago, the morning after your dad's birthday party, I went straight to the garage to clean my car. After cleaning and bago pumasok sa bahay to wake you up, merong guy in a motorcycle na nag stop sa tapat ng bahay niyo. I asked kung ano ang kailangan niya, he was looking for you. I told him na tulog ka pa. He seemed to be in a hurry kaya sakin nalang siya nagbilin"

I do remember that morning after dad's party. Pagkagising ko, wala si Mike sa tabi ko so I went down to ask my dad

*flashback*

"Nasan si Mike, dad? nakita mo?"

"Yup, bumaba na siya kanina, check the garage"

"alright thanks!"

Dumerecho ako sa garage and dad was right. Andun si Mike parang nililinis ata yung car niya.

"Mike" tawag ko.

Di ko alam pero parang nagulat ko siya ng sobra

"Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ka ng multo" sabi ko

"Hindi naman, haha akala ko tulog ka pa eh. Kanina ka pa nandiyan?"

"Nope kakagising ko lang actually"

"Kakagising mo lang ako agad hinahanap mo? ang sweet mo naman"

*end of flashback*

"ano yung binilin sayo" tanong ko kay Mike

"It was a letter. A letter that came from El." Dito halos gusto ko ng sumabog sa galit.

"Hindi ko alam gagawin ko nung natanggap ko yun, kaya napagisipan ko na lang na itago muna sa sasakyan ko. Kaya nung tinawag mo ako, natakot ako dahil naisip ko na baka nakita mo lahat" Hindi mapigil sa pagiyak si Mike

Hindi ako makatingin sakanya, parang nagdidilim na paningin ko sa galit. Wala akong sinabi na kahit ano. Maya maya pa ay tumayo siya at may kinuha sa bag niya. Isang puting sobre, this must be the letter. The letter that never came.

"ito yung sulat Renz" at inilapag niya iyon sa kama

"sana mapatawad mo ako" yan na ang huling sinabi niya bago pa siya umalis.

Pagkalabas ni Mike, kinuha ko yung sobre na ibinaba niya sa kama. Habang tinitignan ko yun, naalala ko ang mga sinabi ni El kagabi:

"I did everything that I could to tell you what happened, to go back. But I never had the chance"

I just don't know what I'm feeling right now. I slowly opened the envelope and unfolded the letter. I started reading..

"Renz,

Everyday I can't stop thinking about your beatiful eyes, your perfect smile, and your cutest laugh. I can't stop thinking about all the good times we've shared together. I can't stop think about you Renz, my love. I am hoping na nababasa mo 'to ngayon. It's been two years since we've last seen each other. Ang dami kong sinulat para sayo pero lahat ng iyon ay bumalik sakin. Ginawa ko lahat Renz, pero sadyang mahigpit si dad.

Patawarin mo ako. Hindi ko ginusto lahat ng nangyari sa'tin ngayon, kung bakit hindi na tayo ulit nagkita, nagkausap. I was getting ready to go to your place,
thursday after graduation para sa celebration na ipinangako ko sa'yo. I was about to leave but I couldn't find my phone. I kept on searching and searching and searching until dad came into my room hawak hawak ang cell phone ko. He was mad, no, very mad asking kung sino si Renz Tolentino na palagi kong ka text at kausap sa phone.  I just said that you're a friend of mine. Napakalakas niyang binato ang cellphone sa ulo ko and he starting screaming. There was no hiding Renz, nalaman ni dad lahat ng tungkol sa'tin. He started beating me up, screaming and shouting into my ears calling me names calling me faggot. Hindi pa siya nakutento at muli pa akong binugbog ng paulit ulit. I was injured and I can't stop crying. I remember you were calling me sa phone. Dad picked it up and threw my sim card away. I started getting up, kahit na duguan ako nun, pupuntahan pa rin kita dahil nangako ako sayo at alam kong maghihintay ka. Dad noticed where I was going and gave me one last punch,
that is when everything blacked out.

Renz, hindi ko sinasadya. Hindi ko intensyon na paasahin ka o hundi tumupad sa pangako ko. Mahal kita Renz, at lahat gagawin ko. Basta kaya ko gagawin ko para sayo.

That was a thursday night, saturday na nung magising ako sa ospital. That is when I've found out na pinutol ni dad lahat ng connections ko sa kahit na sino.
Hindi lang yun Renz, that same morning, nalaman ko na naka ayos na lahat ng papeles ko for migration to canada. I did everything I could to reach you. Pero lahat
ng inutusan kong maghanap at kumuha ng impormasyon tungkol sayo ay tumanggi. Lahat ng sulat ko bumalik sakin. I'm not saying this para mapatawad mo ako agad, Renz. I'm saying this kasi gusto ko malaman mo na kahit na ano pang pagsubok ang dumating satin, hindi kita susukuan at patuloy kitang ipaglalaban. Kaya ko 'to tiisin dahil MAHAL NA MAHAL KITA. Sana mapatawad mo ako Renz..

Maraming beses na nakatingin lang ako sa pinaka maliwanag na bituin sa kalangitan. Yung bituing ang pangalan ay Renz, naalala mo ba? Kagaya ng sabi ko sayo noon, "para kahit di tayo magkasama, titingin lang ako sa bituing renz, at pakiramdam ko nandito ka lang sa tabi ko". Nakakalungkot, pero everyday I wake up, iniisip ko na mas lalong napapalapit ang araw ng magkikita tayo ulit, at muli masayang magsasama.

It's been two years and I know I did everything, almost everything but I failed. This time I am sure na makakarating 'tong sulat sayo Renz. Alam kong galit ka
at marami kang gustong itanong pero Renz, sana maintindihan mo yung mga naging sitwasyon ko. Mahal kita at hindi kita kayang saktan. Pagkabasa mo nito, sana ay makapagbalik ka ng sulat sa 'akin. Sa ganitong paraan, alam ko na napatawad mo na ako at mahal mo pa rin ako.

Sana hindi pa huli ang lahat para sa'tin Renz. Maghihintay ako sa sulat mo..

Love,
Leandro da Cruz Jr."

Siguro nga tama si Mike. Na all these years, umaasa pa rin ako na babalik si kuya El. Na siya pa rin ang mahal ko. Pero minahal ko pa rin siya kahit papano, minahal ko si Mike dahil napakatotoo niyang tao, dahil palagi niya akong inuuna, maintindihin siya, at masaya kasama. Pero I guess nothing really beats true love. Kahit anim na taon akong naghintay at umasa at nasaktan, mahal ko pa rin si El.

I fell asleep with the letter beside me. It seemed such a long night full of sorrow, pain, and confusion. The following day, nagising nalang ako sa pagpasok ni dad
sa kwarto bringing me a cup of coffee.

"Thanks Dad" pagbati ko sakanya

"You all right?" ang tanong niya sakin.

I just shook my head and showed him one fake smile.

"I will be okay, dad"

This is when dad hugged me. "You're gonna be okay, son"

Napangiti lang ako and hugged him tighter before he got up and leave my room.

I checked the time only to find out that it was already past 10 in the morning. Naalala ko ang sabi ng nurse kahapon "flight niya daw po back to Canada tomorrow morning"

Maybe this time, I'm the one who's too late. Siguro nga sadyang ganito ang plano sa samin ng tadhana. Maybe destiny wants me to teach something. But whatever it is, I just can't understand.

I want to move on and restart my life. I broke up with Mike, resigned from office, and got a new job in Cebu City. Over 300 miles away from home.  Tinanggap naman ito ni Dad. Now I have to deal with new environment, people, different culture, to finally get over the past, focus on the present, and plan for my future.

Sa una mahirap, hindi talaga maiiwasan ang language barrier pero eventually, natutunan ko rin ang dialect nila at nakapag adjust din ako sa lifestyle. Unti unti ring dumami ang mga naging friends ko not only inside the office but also in the community. Every holidays umuuwi ako ng manila to visit my dad and if may time pa ay makikipag kita sa mga high school and college friends. I've been excelling in my work and was able to create a new standard of management in our office na talaga nga namang ikinatuwa ng mga boss ko. Hindi nagtagal bago ako napromote. And 2 years later, I was able to purchase my very own condo unit. Wala ng rent rent because now I have my own place to develop at car naman ang susunod kong target mabili.

One saturday morning as I was having my coffee and just scrolling down through my facebook profile, I hear my phone notifying of a new email. I immediately checked it out kasi baka emergency sa company. I opened the email and it was an invitation for dinner to all alumni of our college starting those who graduated 5 years ago and earlier. It is also stated to confirm by this week since the event is one month away.

Agad akong tumawag kila Harvey, Hellen at sa iba ko pang college friends and we all agreed to join and confirm on the event. I booked a ticket back to manila the same day para mura pa and waited for the day to arrived.

Time passed by so quick and the day of my flight came. Ilang buwan na ba akong hindi nakakabalik? 7 or 8 months? Itexted my dad na nasa Mactan airport na ako and will be there in Manila in a few hours. He agreed to pick me up there once I arrived.

My waiting for boarding time ended, boarded the plan, and prayed for a very safe flight. A few moments later I've felt the smooth landing of the aircraft in Manila.

"Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport"

Agad kong tinext si dad to tell him that we've just arrived.

"how was your flight?" ang bati sakin ni dad pag labas ko ng arrivals

"It was smooth, okay naman dad, Kamusta ka naman?"

"Eto, batang bata padin" at sabay kaming nagtawanan.

We got home just in time for lunch. After nun, dumerecho ako sa room ko para matulog since gabi pa naman ang event sa school.

I drove myself to the college where I got my degree, parked my car and whent straight to the conference room. The only requirement para maka pasok sa event place is either our old college ID or alumni card. Good thing I was able to keep both, kahit halos kupas na sila. Pag dating ko ng conference hall, I can't stop smiling. When was the last time na nakapunta ako dito? A lot of memories flashed through my mind and it was like a time machine that brought me back to my old college days. I continue to walk towards the circular table arranged perfectly and saw Jeremy calling for me. Dun ko nakita na ako nalang pala ang kulang sa magbarkada.
Pagka dating ko sa table agad niya akong binati

"Kailan pa naging 9 hours ang biyaheng Cebu Manila bakit ka late kung umaga pa naman ang flight mo?" at ang nagtawanan kami.

"Pasensiya na, napasarap ang tulog sa kama ko eh" ang sagot ko naman.

Napansin ko si Jane na parang medyo tumataba "Si Jane oh, lumalaki" ang pang aasar ko sakanya

"Oo nga eh, ganyan talaga pag magiging mother na" at kaming lahat ay napatingin lang sakanya habang siya ay nakangiti samin

"Marcus and I are having our first baby" ang masayang pag sabi ni Hellen samin

Yes it was 8 months the last time I flew back to manila and it was to attend Jane and Marcus' wedding.

"wow we are so proud of you!" at lahat kami ay kincongratulate siya.

Maya maya pa ay nagstart na ang program. It was an eventful night, College officials presented the immense development of the school lately, maraming nag message, marami rin ang nag perform. Marami sa mga batchmates namin and higher batches ang nag punta. We had dinner and over it was everyone's life stories When the program ended, hindi na kami nag stay pa ng mas matagal at pagod na rin naman yung iba.

I just got out of the bathroom and was heading towards the parking nung madaanan ko ang office ng organization where I used to be part of. I stopped. Slowly looked through the glass door and noticed that arrangement has changed. The lights were off, and it felt so dark and empty inside. Gusto ko na sanang bumalik sa car to get home but I had a crazy idea. Kinuha ko yung old college ID ko and looked at the key na nakakabit dito.

"did they change the lock?" I asked myself

Slowly I inserted the my key to the hole and when it was fully inserted, I tried to turn it sideways.

*click*

"Hmm.. it's almost one decade and hindi man lang nila pinalitan ang lock" Sabi ko sa sarili ko

I gently pushed the door and the office greeted me with warm air rushing through my face. I stepped in and dito ko napansin that all the tables and chairswere the same, sadyang nag iba lang talaga ang ayos. Thousands of memories flushed through my head. I remember 1st year College ako nun when I applied and got in. I remember how blessed I feel to have an office na pwede tambayan every after class and.... I remember kuya El. That mysterious person na pilit kong iniwasan dati bago pa kami maging close because of how intimidating he was...
Napangiti nalang ako, ang dami kong ala ala habang nakatayo sa gitna ng office namin dati...
I remember all the good times with kuya El when suddenly...

"Pwede mo ba akong turuan mag gitara?"

Nagulat ako sobra. But that voice. It can't be. That voice belongs to kuya El. I slowly turned towards him. And there he is, standing a few feet in fron of me. Hindi ko alam ang sasabihin, I’ve moved on. I am happy now. But what am I feeling right now?

"No" I answered

Halatang nalungkot siya sa sinabi ko

"Ako ang dapat magsasabi niya. Wag mo ako agawan ng linya" I smiled at him

He smiled back "Renz" he said while slowly walking towards me

"Kuya El" and there he is standing right in front of me.

Bigla niya akong niyakap, mahigpit.

"I'm sorry. I'm very very sorry Renz" at dito biglang umiyak si kuya El

Gumanti ako ng yakap at nagsimula naring tumulo ang mga luha ko.

"I missed you kuya" ang tanging nasabi ko at dito mas humigpit ang pag yakap niya sakin.

We broke the hug and he looked me right into my eye.

"You've grown so much" sabi niya sakin.

Napangiti lang ako

"I'm sorry Renz" sabi niya ulit.

I just shook my head and said "It's all in the past. Kalimutan na natin yun"

He just smiled and we stood there in silence and he started singing.

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha

I just can't help but smile. This was the song where it all started. The song that brought us to fall in love to one another. He continued to sing

Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

He was singing right into my eyes and then I joined him in singing

Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

This is when he held both of my hands and together, we enjoyed our moment, singing our song

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

We both smiled.
"I still love you Renz"

Ang sarap pakinggan "I still love you too kuya El"

And slowly he moved closer towards me. I just closed by my eyes til his lips touched mine. I kiss him back. One long passionate kiss and then we broke it. He's once again looking into my eyes

"I knew organizing this event is worth it"

What he said puzzled me. "huh"

"I organized this event to find you once again" ang sabi sakin ni Kuya El

Wow. The same old Kuya El, smart and romantic.

"Can we start over?" Kuya asked me

I took a deep breath and bravely asked him "never leave me again?"

He hugged me tight "Never again, Renz. Never"

Kuya El and I just opened the next chapter of our lives. A chapter full of adventures and risks and love, A chapter that leads us not to 'forever' because it does not exist, but to 'lifetime' where we will be loving each other for as long as we live. 

I guess my days of sorrow, pain, and confusion is over. Now I understand what destiny is trying to teach me. If you really love some one, then you will have to learn how to wait. You can always convice yourself to move on, but the truth is, you can never tell your heart what to do.
Some one might come and make you feel that you're loved more than you deserve, but if that person is not the right one, then it's not gonna last no matter how perfect your relationship seems. TRUE LOVE WAITS.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Huling El Bimbo (Part 3)
Ang Huling El Bimbo (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgHCs82aT36RDR9yasmiqeslnj-shNh5BH2XgZh4Z9sasG56rUYXE2XjuSadUAfnJzBF7tCN48VCDIz_ps6HKibeUGV6Gjs90wxkpanMFhbRCE-2n78wXvHq74iMvdcGfltuCTJiVq86r8/s400/935010_10201064560396777_1050150836_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgHCs82aT36RDR9yasmiqeslnj-shNh5BH2XgZh4Z9sasG56rUYXE2XjuSadUAfnJzBF7tCN48VCDIz_ps6HKibeUGV6Gjs90wxkpanMFhbRCE-2n78wXvHq74iMvdcGfltuCTJiVq86r8/s72-c/935010_10201064560396777_1050150836_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/12/ang-huling-el-bimbo-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/12/ang-huling-el-bimbo-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content